Friday, December 14, 2012

The Right Time (11)

by: zildjian
http://zildjianstories.blogspot.com




Pag pasok ko ng bahay agad ko namang nakita sina Mama at Papa na nanunuod ng tv sa sala. lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.


“Oh bakit ganyan ang mukha mo? Kumusta ang lakad nyo?” Pag pansin ni Mama sa nakasimangot kung mukha.


“Wala naman po na pagod lang siguro.” Pag dedeny ko sa kanila at nag bigay ng pilit na ngiti.


“Sya nga po pala pupunta bukas dito ang barkada kasi mang hihingi kami ng advice about sa business na itatayo namin.” Pag bibigay impormasyon ko sa kanila.


“What kind of business naman yan anak?” Tanong naman ni Papa.


“Naisip kasi naming mag tayo ng Jazz Bar pero tuwing Friday gagawin namin itong Acoustic.” Sagot ko sa kanya.


“Aba maganda yan. But you have to know the risk with upon putting up a business.” Sabi naman ni Mama.


“Risk? What do you mean Mom?” Nag tataka kung tanong sa kanya.


“Pwedi yan maging rason ng pagkakasira nyo ng barkada mo. When you talk about money kasi kahit kapatid mo makakaaway mo.” Si Mama sa seryosong tono.


Alam ko ang ibig sabihin ni Mama pero may tiwala kami ng mga barkada ko sa isat isa at hindi pera ang sisira sa barkadahan namin.


“We aware of that Mom at nakikita ko na hindi kami mag kakaproblema about sa ganyan.” Ang sigurado kung sabi.


Patuloy lang ang discussions namin ni Mama about sa business namin ng may biglang nag door bell. Napakunot nuo ako kung sino ang taong yon at maging si Mama ay nagtaka. Mabigat ang paa kong tinungo ang pintuan para pagbuksan ang hindi inaasahang bisita. Pag kabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Red.


“Oh akala ko ba uuwi kana?” ang may pagtataka kong tanong sa kanya.


“Pauwi na sana ako kanina kaso hindi ako na satisfied sa naging rason mo kanina kung bakit nag iba yung 
mood mo kaya napag pasyahan kong puntahan ka at kausapin.” Seryoso nyang sabi.


“Papasukin mo yung bisita mo.” Ang narinig kong sabi ni Mama.


“Lika pasok ka muna.” Ang nasabi ko nalang sa kanya.


Agad naman syang pumasok sa loob at bumati kina Mama at Papa. Kwentohan ang sumunod na nang yari sa kanila bago nilang naisipan na pumasok sa kwarto nila para mag pahinga.


“Ace pwedi naba tayong mag usap?” tanong nito sa akin.


“Sige sa garden nalang tayo magusap.”


Lumabas kami at tinungo ang garden kung saan merong coffee table sa gitna. Pagka upo namin agad akong binanatan ni Red ng tanong.


“Alam ko na nag away kayo ni Rome base sa reaction ng mukha nya kanina. May idea na ako kaso gusto ko sayo ko mismo marinig ang totoo.” At tumingin sya sa mga mata ko, Yung tingin na hindi mo pweding hindian.


Wala na akong nagawa kung hindi ang sabihin sa kanya ang totoo. Tahimik lang sya habang sinasalaysay ko sa kanya ang naging bangayan namin ni Rome. Nang matapos kung ipagtapat sa kanya ang lahat agad syang nag kumento.


“Ace mahal na mahal ka ni Rome. Hindi ko sya masisisi kung bakit pati ako pinag selosan nya. Ang mabuti pa kausapin mo sya para ma resulba nyo agad ang problema. Wag mo nang patagalin pa para hindi na lumaki at para hindi kana din mahirapan.” kita ko sa mga mata ni Red na sincere sya sa sinabi nya.


“Hindi kasi ganun kadali yon Red. Hindi ko kasi ma tanggap na ganun pala ka babaw ang tingin sa akin ni Rome. Sobra akong nasaktan nung binigyan nya ng malisya ang pag angkas ko sayo.”


“Naiintindihan kita Ace. Pero dapat mo rin sanang intindihin na kaya lang nasabi ni Rome yon dahil sa sobrang paninibugho. Kung ako man ang nasa kalagayan nya sigurado ganun din ang gagawin ko.” Pag tatangol ni Red kay Rome.


“Ewan ko lang Red, bahala na bukas. Pero bilib ako sayo kasi dapat nagagalit ka ngayon sa kanya dahil binigyan nya ng malisya ang pag angkas ko at pag sundo mo sa akin kanina pero hito ka pinag tatangol sya.”


“Hindi naman ito para sa kanya eh.” Sagot nito sa akin.


“Anung ibig mong sabihin?” ang naguguluhan kong tanong.


“Alam ko kasi na mahal mo rin sya. Ayaw kitang nakikitang nalungkot o nasasaktan sa tuwing pinipigilan mo ang nararamdaman mo sa kanya.”

Napanganga ako sa sinabi ni Red. Hindi ko alam na ganun pala sya kalalim. Ang buong akala ko kasi si Red ang tipong hindi seseryosohin ang lahat. Pero ngayon ibang Red ang nasa harapan ko.


“Napa nga-nga ka dyan?oh sige aalis na ako basta ayusin nyo yan ha.” Sabay tayo at akmang aalis na.


“Red.” Pag tawag ko sa kanya. Napatigil ito at lumingon sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at binigyan ko sya ng isang mahigpit na yakap sabay bulong ng “Thank you for being such a good friend to me.”


Niyakap nya rin ako sabay sabing “Welcome. Basta para sayo lahat gagawin ko.”


Hinatid ko si Red sa labas ng gate kung saan naka park ang kanyang dalang motor.


“So panu kita kits nalang tayo bukas Ace. Good night!” nakangiti nyang pag papaalam.


“Sige Red bukas nalang. Salamat ulit sa pakikinig sa akin, gumaan ang loob ko sobra.” At binigyan sya ng magandang ngiti.


Naka alis na si Red pero nakatayo parin ako sa labas ng gate inisip ang lahat ng mga sinabi nito sa akin. 


Nakaramdam naman ako ng lamig kaya pumasok na ako sa bahay at dumeretsu sa aking kwarto para mag pahinga. Habang nakahiga na ako sa kama binabalik balikan ko pa rin ang mga ng yari sa araw na iyon pati na rin ang pag sigaw sa akin ni Rome. Nasa ganun akong pag iisip ng maramdaman kung bumibigat na ang mga talukap ng mata ko at tuluyan nang nakatulog.


Kinabukasan alas 3 na ng hapon ako na gising. (lagi naman ganito basta walang disturbo) Agad akong nag punta ng banyo para maligo naiisip ko pa rin ang mga nang yari kahapon. Siguro nga tama si Red kailangan kong kausapin si Rome para mag kaayos na kami. Pag katapos kung maligo agad akong nag bihis at bumaba.


“Hello Mommy.” Sabay halik sa pisngi nito. “Alis muna ako. Punta lang ako grocery store bibili ng mga lulutuin para mamaya.” Pag papaalam ko sa aking ina.


“Oh sige anu ba balak mong lutuin?” tanong nito sa akin.


“Afritada. bibili na rin ako ng Red Horse kasi gustong makipag inuman nila Tonet after naming pagusapan ang about sa business namin.” Sagot ko naman dito.


“Oh sige mag ingat ka. Anung oras ba sila darating?” tanong nito sa akin.


“Mga 6.30 dito na mga yon. Gawin nating early dinner para makapag inuman agad kami.” at lumabas na ako ng bahay at tinungo ang aking kotche.


Ilang minuto ang nakalipas ay nakapag grocery ako. Pag dating ko sa bahay nag presenta si Mama na tulungan ako sa pagluluto. Since na hilig ko ang lumamon kaya nag paturo talaga ako kay Mama na lutuin ang mga paborito kung pagkain isa na don ang Afritada.


6pm ng isa isang dumating ang barkada. Nauna si Tonet at Carlo na talaga namang hindi na ata mag hihiwalay pa. Sumunod na dumating si Angela na may dalang Cake. Kahit na taklesa si Angela ay tatabunan naman ito dahil sa sobrang pagka thoughtful nito. Sumunod naman si Mina na talaga namang blooming ngayon at may pangiti ngiti pang nalalaman. Halos mag kasunod lang silang dumating Red pero wala pa ang hinihintay ko na si Rome.


Nakapag Dinner kami. Habang nag didinner ay napag usapan namin ang tungkol sa itatayo naming business. Binigyan naman kami ng mga pointers nina Mama at Papa. Marami kaming natutunan sa kanila katulad nang dapat daw ay hands on kami sa operations ng business. Pangalawa ay dapat isa lang ang boss para maiwasan namin ang mag kagulo.


Natapos ang dinner na walang Rome na dumating. Agad naming tinungo ang terrace kung saan magaganap doon ang drinking session.


Habang nag iinuman.


“Bakit di dumating si Ervin? anu ang nang yari don?” tanong ni Mina sa akin.


Napatingin naman ako kay Red na nakatingin rin pala sa akin.


“Tinext ko na kung darating paba sya.” Sabi naman ni Tonet.


Aminado ako na naapektuhan ako sa di pag sulpot ni Rome. Nag aalala din ako sa kanya kung bakit di sya pumunta sa usapan ng barkada. Nasa ganun akong pag iisip ng mag salita si Carlo.


“Ayan na pala si pareng Rome.” Sabi ni Carlo ng makita ang kotche nito na parating. Biglang nagliwanag ang mukha ko kasabay ng paglingon ng iba.


“Teka lang guys sasalubungin ko lang.” ang paalam ko sa kanila at agad nang bumaba.


Nakangiti ako ng ubod ng tamis nung sinalubong ko sya. Gusto ko kasi makita nya na hindi na ako galit sa kanya pero iba ang ibinalik na tingin sa akin ni Rome. Nanlilisik ang tingin na ipinukol nya sa akin at halata sa mukha nito ang pamumula.


“Rome nakainum kaba? San ka galing?” ang sunod sunod kung tanong sa kanya ng pag buksan ko sya ng pinto.


Hindi ako nito pinansin at agad dumeretso sa terrace kung saan nan doon ang iba at nag iinuman. Anu nanaman kaya ang problema ng taong ito? Ang natanong ko nalang sa aking isip.


Naguguluhan man kung bakit hindi ako pinansin nito ay hinayaan ko nalang muna. Ayaw kung salubungin ang galit nito at baka mauwi nanaman kami sa away. Sumunod nalang ako sa kanya paakyat sa terrace.


“Finally Ervin! San kaba nang galing?” salobong agad na tanong ni Tonet kay Rome.


“Wala, Dyan lang sa tabi tabi nag palipas ng oras.” Walang gana nitong sagot sabay upo sa tabi ni Carlo.


Kita ko naman ang nagtatakang mukha ng buong barkada.


“Pare nakainum kanaba? Amoy alak ka ah.” pag pupuna ni Carlo kay Rome.


“Konte lang pare. Tara pag patuloy na natin kasiyahan.” Sabay abot nito ng baso ni Carlo na may lamang RH at ininum agad.


“Rome kahapon kapa ganyan anu ba ang problema? Barkada mo kami you can share it with us.” Ang malumanay na sabi ni Mina sabay hawak sa kamay ni Rome.


Ngunit mas pinili nyang manahimik.


“Oo nga naman pre bakit di mo kami subukan?” sabat naman ni Carlo.


“Diba pag barkada walang talo talo?” at nag bigay ito ng masamang tingin kay Red.


“Teka pare anu bang ibig mong sabihin?” ang naguguluhang tanong ni Red kay Rome.


“Ang hirap kasi sa isa dyan sumasawsaw pa sa relasyon namin ni Ace.” May galit na sabi ni Rome na hindi parin inaalis ang tingin kay Red.


“Anu bang pinag sasasabi mo?” Hindi maiwasang maitanong ni Red.


“Bakit guilty ka rin?” may panunuya sa tinig nito.


“Wala akong ginagawang masama!” sagot ni Red.


“Anung wala? Nag dedeny kapa samantalang nakita kung niyakap mo si Ace kagabi!”


“Teka teka! Relax lang tayo pagusapan natin to. Nakakahiya kina tito at tita kung dito kayo mag aaway. Rome anu ba ang problema? Ayusin natin to.” Pag awat ni Tonet sa dalawa.


“Hindi ako ang may problema rito!” ang may diing sabi ni Rome.


“Eh ang kitid naman pala talaga ang utak mo eh!” at napa tayo na si Red sa kanyang inuupuan.


Agad na pumagitna si Carlo sa dalawa para hindi ito magsingabot. Si Mina naman ay hinawakan si Rome. 


Dahil sa nang yayaring gulo ay hindi ko maiwasang huling mabuhay ang galit ko kay Rome. Talaga namang ang babaw ng tingin nya sa akin di na ako nakapag pigil pa.


“Ang babaw pala talaga ng tingin mo sa akin. Alam mo bang pinuntahan ako ni Red kagabi para damayan dahil sa lintik na selos mong yan. As a matter of fact ipinagtangol kappa nya at sabihing intindihin ka pero ganyan pa ang isusukli mo? Kung tutuusin dapat pa nga syang magalit sayo!”


Natigilan si Rome.


“Alam mo Rome okey na sana eh. Kakausapin na sana kita para mag kaayus na tayo pero you just proved to me na hindi ka deserving sa panahon ko. Nag iba na ang ugali mo. Hindi na ikaw ang dating Rome na kilala ko four years ago!” Pilit kung pinigilan ang mapa luha.


Lalapit na sana sa akin si Rome pero pinigilan ko sya.


“No Rome. Ayusin mo muna yang sarili mo. Mag usap nalang tayo ulit kung wala na yang lintik na insecurities mo!” At tumalikod ako para pumunta sa kwarto ko.


“Ace san ka pupunta?” Nag aalalang tanong ni Tonet.


Humarap naman ako sa kanya.


“Ituloy nyo nalang ang inuman. Kuha nalang din kayo ng inumin at pulutan sa baba. Iwan nyo nalang dyan ang mga kalat kung tapos na kayo.” At tumalikod na ako sa kanila.


Pagkapasok ko ng kwarto, isa isang tumulo ang mga luhang pilit kung pinigilan kanina. Hindi ako makapaniwala na hahantong kami ni Rome sa ganito. Ito yung ayaw kung mangyari kaya ayaw ko muna syang sagutin pero nang yari pa rin. Sa sobrang hinanakit ko ay nag iiyak ako sa loob ng kwarto, impit na iyak para hindi nila marinig sa labas. Ibayong bigat ang nararamdaman ko dahil kay Rome. Nakatulog ako sa kakaiyak ng hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung anu ang sumunod na nangyari sa labas.


Maaga akong nagising dahil masakit ang aking ulo. Ganito ako pag nabibitin sa inum. Agad kong tinungo ang CR para maghilamos at mag toothbrush. Kita ko ang mukha ko sa salamin, haggard na haggard at namamaga ang mga mata. Agad akong lumabas at pinuntahan ang terrace para sana ligpitin ang mga kalat na iniwan ng barkada ko pero nagulat ako ng makitang malinis na ito.


Bumaba ako para puntahan si Manang leth para mag pasalamat sa pag lilinis nya ng kalat sa taas pero iba ang nakita ko. Mahimbing na natutulog sa sofa si Red. Bakit sya dito natulog? Ang naitanong ko sa aking sarili.


“Oh anak good morning!” bati sa akin ni Mama


“Good morning din po.”


“Coffe nak?” tanong ni Papa sa akin.


“Sige lang po. Asan Pala ang iba?” Sabay nguso ko kay Red para ipaalam sa kanila ang ibig kung sabihin.


“Si Red nalang ang inabutan ko kanina na nag lilinis ng pinag inuman nyo ng lumabas ako para uminum ng tubig.” Sagot naman ni Papa.


“Sya ang nag linis? Akala ko si Manang Leth.” At napatingin ako kay Red na mahimbing na natutulog.


“Maagang umuwi si Manag Leth nag day off sasamahan daw nya ang apo nya na mag enroll.” Si Mommy.


“Kawawa naman pala itong si loko. Anung oras kaya sila na tapos Papa?”


“Mga 3am na ata yon.” sagot ulit ni Papa.


“Gisingin mo kaya si Red at don nalang sya mahiga sa kwarto mo. kawawa naman hindi sya kumportable dyan sa sofa.” Suhestyon ni Mama.


Agad ko namang ginising si Red para don nya pag patuloy ang pag tulog nya sa kwarto ko. Natawa pa ako dahil na gulat ito ng gisingin ko sya dahilan para mahulog sya sa sofa na una ang ulo nya.


“Oi Ace ikaw pala yan akala ko kung sino na.” sabi ni Red habang hinahapo ang ulong nasaktan sa pagkahulog.


“Bakit kapa nan dito? Bakit di ka nalang sumabay sa kanilang umuwi para nakapag pahinga ka ng mabuti.” At inilahad ko ang kamay ko para tulungan syang tumayo.


“Sinadya ko talagang mag paiwan kasi gusto kung masiguro na okey ka.” Sabay ngiti ng ubod ng tamis.


“Asus kung anu anu ang sinasabi mo dyan! Hala Tara akyat na tayo sa kwarto ko doon muna i patuloy ang pagtulog mo para mas kumportable ka.”


“Diba nakakahiya?” tanong nito sa akin.


“Ang alin? Ang pag kahulog mo sa sofa o ang pag tulog mo sa kwarto ko?” Naka ngisi kung sagot sa kanya.


Napakamot nalang ng ulo si kolokoy. Nag good morning muna sya kina Papa at Mama bago dumiretsu sa kwarto ko. Pag kapasok namin sa kwarto nan laki ang mga mata nito ng makita sa unang pagkakataon ang kwarto k.


“Mamaya kana mamangha dyan. Matulog kana muna sabi ni Daddy alas 3 na daw kayo natapos eh kaya alam kung inaantok kapa. Gigisingin nalang kita pag ready na ang lunch. Anu trip mong lamunin?” ang nakangisi kung tanong dito.


“Kaw na bahala pero pag usapan muna natin ang nang yari kagabi matapos mong mag walkout.” Sabi nito sa akin.


“Saka na yan. Mag pahinga kana muna.” Muli kung naalala ang nang yari kagabi. Agad namang napansin ni Red ang biglang pag lungkot ng mukha ko.


“Wag kang mag alala maayus din yan Ace.” Sabi nito sa akin.


“Oh sige pahinga kana muna dyan Red. Baba muna ako mag kakape lang.” at binigyan ko sya ng pilit na ngiti bago lumabas ng kwarto.


Napag desisyunan kung mag luto ng sinigang para may sabaw pang taggal sa hangover ni Red. Sina Mama at Papa naman ay umalis para puntahan ang kompanya dahil may meeting daw sila ngayon. Naiwan kaming dalawa ni Red sa bahay. Saktong alas dose ng maluto ang niluluto kung sinigang. Agad kong hinanda ang mesa para sa aming dalawa.


Umakyat ako ng kwarto para gisingin si Red at sabihin dito na handa na ang lunch.


“Red gising muna kakain na tayo.”


Agad naman syang nag mulat ng mata at tumayo.

“Sarap palang matulog sa mabangong kama noh?”


Natawa ako sa sinabi nya. “Bakit amoy basura ba ang kwarto mo?” sabi ko sa kanya.


“Hindi naman masyado. Once a month kasi ako mag palit ng bedsheet kaya amoy pawis ang kwarto ko.” 
Nahihiya nyang pag amin sa akin sabay kamot ng ulo.


“Kadiri naman yon. Gawin mo namang weekly may katulong naman kayo ah.” biro ko sa kanya.


“Kung makapang diri ka naman! Amoy pawis ko yon pero mabango pa rin noh!” ang depensa nya.
Tinawanan ko nalang sya at sinabihang bumaba na sya dahil handa na ang lamesa.


“Wow ang sarap naman nito! Sino nag luto?” tanong nito sa akin ng maamoy ang niluto kong sinigang.


“Sino paba eh di ako!” ang may pag mamayabang kong sagot sa kanya.


“Naks! Marunong ka palang mag luto pwedi na!”


“Anung pwedi na?” sabay taas ng kilay ko.


“Pwedi kanang mag asawa!” at tumawa ito ng malakas.


“UTO!! Kumain kanangalang dyan! Dami mong satsat!”


Kakaiba talaga si Red nakakadala ang pagiging masayahin nito. Dahil sa presensya nya nakakalimutan ko ang naging away namin ni Rome. Matakaw si loko halos ubusin nya ang kanin na niluto ko. Nakaka isang plato palang ako pero sya, naka limang plato na ata. Natatawa nalang ako sa katakawan nito. Pag nagkakatinginan naman kami binibigyan nya ako nang ma giliw na ngiti.


Si Red ang nag hugas ng pinag kainan namin. Pag katapos nyang mag hugas agad kaming nag punta sa labas para mag yosi at para mag pahangin. Habang nasa labas kami napag usapan namin kung anu ang nang yari kagabi. Pilit nya akong kinukumbinsi na kausapin ko si Rome at intindihin ito. Ang sabi ko lang sa kanya ay hindi ko pa kayang harapin si Rome gusto ko munang bigyan ng time ang sarili na makapag isip. Na intindihan naman nya ako.


Umuwi si Red bandang alas tres ng hapon para maligo naiwan akong mag isa. Iniisip ko lahat ng mga sinabi sa akin ni Red tungkol sa nang yari pagkatapos kong mag walkout kagabi at hindi ko maiwasang malungkot.







Lumipas ang isang lingo na walang Rome na nangulit sa akin. Hindi rin sya nag paparamdam sa barkada kahit panay ang text nila sa kanya. Sa isang lingong hindi pag papakita ni Rome dama ko ang sobrang lungkot at pag aalala kung kumusta na sya, kung okey lang ba sya. Siguro ganun talaga pag nagmamahal ka. Kahit may galit ka sa taong yon di mo pa rin mapigilan ang iyong sarili na mag alala sa kanya lalo na ang ma miss sya. Si Red ang umalalay sa akin. Lagi nya akong dinadalaw sa bahay para makipag kwentohan at makipag asaran.


Maraming lakad ng barkada na walang Rome na dumating. Naging busy kami sa pamimili ng gamit para sa bar. Wala ni isa sa kanila ang nag tatanong o binabangit ang pangalan ni Rome. Maski si Angela na master sa pagiging tsismosa ay piniling manahimik.


Nasa bar kami at katatapos lang ideliver ang mga upuan at lamesa na binili namin. Napag desisyunan ni Tonet na mag pa deliver nalang kami doon ng pag kain. Pumayag naman ang iba dahil di pa kami nakapag lunch sa sobrang dami ng pinuntahan namin ng umagang yon.


Siguro na awa na sa akin si Tonet kaya naman nag salita na ito.


“Ace I know wala ako sa lugar to say this pero I guess its about time na puntahan mo na si Rome.” May himig nang pag aalala sa boses nito.


Napatingin ako sa kanya.


“Para anu pa?” walang emosyon kong sagot.

“To settle things. Ibaba mo na ang pride mo Ace ikaw lang din naman ang nasasaktan eh.” Si Tonet ulit.


Hindi ako nakasagot kasi totoo. Habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo ko syang na mimiss.


“Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag ikaw ang sumuko ay inaamin mong ikaw na ang may kasalanan.” Sabat ni Mina.


“Yan kasi ang hirap sa inyong mga lalaki pag pride na ang umiral mahirap nang ibaba.” Si Angela na sa pangatlong pag kakataon nag salita ng may sense.


“Pinapahirapan nyo lang ang sarili nyo Ace. Rome already had enough nung tinadtad sya ni Tonet nung gabing mag walkout ka. Mybe that’s the reason why di nya kayang mag pakita sa atin baka nahihiya sya.” Dadag pa ni Carlo.


“Tama sila Ace. Diba nasabi ko na yan sayo? Ikaw na ang gumawa ng first move alam ko naman na gusto mo na rin syang makita eh.” Si Red.


Lahat ng mga sinabi ng kaibigan ko ay pinag isipan ko ng mabuti nung makuwi ako ng bahay nung gabing iyon. Na realize ko nalang na tama sila. Kung makikipag matigasan pa talaga ako mas lalong lalala ang away namin ni Rome. Worse is baka di na kami mag kabati pa kung patagalin ko pa ito.


Agad akong lumabas at sumakay sa kotche ko. Pupuntahan ko si Rome kakausapin ko sya kung kailangan ako ang mag sorry sa kanya gagawin ko yon mag kaayus lang kami. Napangiti ako sa aking naisip.


Narating ko ang bahay nila Rome pasado alas Nuebe na ng gabi. Nakita ko naman na naka park ang kotche ni Rome sa labas kaya napa ngiti ako. Agad akong bumaba ng kotche at sakto naman na lumabas ang Mommy ni Rome para siguro I lock ang gate.


“Good Evening Tita si Rome po?” bati ko Mommy ni Rome.


“Ace iho ikaw ba yan? Ang tagal mo namang hindi na dalaw.” Sabay bukas nya ng gate “Halika pasok ka. Siguro nasa kwarto na yon.”


“Ah ganun po ba? Wag nalang po baka ma disturbo ko pa sya.”


“Kadarating lang nun. Malamang lasing nanaman. Araw-araw nalang syang ganyan, himala nga kasi umuwi ng maaga. May problema ba kayo?” ang may lungkot na tanong nito sa akin.


“Actually meron po tita. Kaya nga po ako nandito para makipag ayus.” Nakaramdam ako ng guilt nung malaman ko na araw-araw nalang syang nag lalasing.


“Mabuti naman kung ganun. Halika pasok ka dumeretsu kanalang sa kwarto nya.”


Pumasok nga ako sa loob ng bahay nila Rome. Tinuro sa akin ni Tita kung saan ang kwarto nito at agad ko naman itong tinungo. Dahan dahan kong pinihit ang seradura. Nabigla ako sa aking nakita at agad na dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata.





Itutuloy:

No comments:

Post a Comment