Friday, December 14, 2012

The Right Time (02)

by: zildjian
http://zildjianstories.blogspot.com





Dumating kami sa bahay ni Rome mga 6:30pm na.


“Wow ganda naman nang bahay n’yo Ace.”Amaze na ewan lang na sabi ni Rome


“Sus! Maganda nga wala naman laging tao sa loob. Ala rin kwenta yan.” Ang sabi ko naman na halatang nagmamaktol ang boses.


“Bakit, asan ba parents mo Ace?” Tanong naman nya na nakakunot ang mukha.


“Papa ko at mama ko busy sa trabaho. Laging out of nowhere.” Sabi ko.


“Tara pasok na tayo dami mo kasing tanong di tuloy tayo nakapasok agad.hehe” Sabi ko ulet para maiba ang usapan.


“Good evening Sir Ace nan dito na pala kayo, himala ang aga niyo atang umuwi ngayon." Si manang Leth ang mayor doma ng bahay namin.


“Si manang Leth talaga kung makapang inis wagas!  S’ya pala si Rome ka klase ko.” Pag papakilala ko kay Rome sa aming mayor doma.


“Rome sya naman si manang Leth mayor doma namin.” Pag-papakilala ko naman kay manang Leth.


“Ay good evening sir Rome pasinsya na po kayo kung di ko kayo agad napansin. Matanda na kasi ako kaya mahina na rin ang aking mata.” Bati naman ni manang kay Rome.


“Okey lang po nanay wala pong problema doon.” Ang nakangiting wika ni Rome.


“Ka bait naman na bata ang galang pa. Tara pasok kayo at sir Ace dito n’yo nalang din pakainin ng dinner ang kaibigan nyo para makilala nia ang mama at papa mo.


“Sige manang akyat lang kami sa kwarto para makita nitong si Rome ang kwarto ko.” Sabay hila kay Rome para di na humaba pa ang usapan.


Umakyat na kami sa kwarto ko.


“Wow ang galing! Lahat superman! Astig!” Ang amaze naman na sabi ni Rome at lumaki pa ang dalawang singkiting mata nito.


“Naku!! Kung ma shock ka jan parang wagas lang ah. Bata pa ako mahilig na ako sa superman at nung mag highschool nga ako nakapag decide ako na gawan ng theme ang kwarto ko. Kaya puro superman ang display.” Ang sabi ko naman sa kanya na may pag-mamalaki ang tono.


“Na amazed talaga ako. Mula sa paint mo red at blue, may collection kapa ng magazine at isama mo pa ang bed cover mo at throw pillows at ang action figures na di mo talaga inalis sa box lol. Ang adik naman nito Ace, Ang ganda talaga!” Si Rome habang paikot-ikot ang mga mata sa buong room ko.  


“Para kang sira tingnan mo itchura mo sa salamin oh para kang bata!” Humahalakhak kong tawa sa kanya.


“How I wish na meron din ako ganitong collection. Palagi kasi kami nalipat ng bahay dahil sa trabaho ni mama kaya puro apartment lang kami.” Halata sa mukha niya ang kalungkutan nung banggitin niya ang mga salitang iyon.


“Ngeks!! Wag kana mag emote jan. di ba bestfriends na tayo?” Tumango lang siya. “So meaning to say ang room ko ay room mo narin kasi di naman maiiwasan na minsan dito ka mag-sleep over di ba?” Bigla namang nagliwanag ang mga mata nya at bigla din nya akong niyakap.


“Salamat Supah Ace, ah.” Nabigla man ako sa ginawa nya at natawa sa bagong tawag nya sa akin.


“Supah Ace? Anu yon ang baho naman nun!” Tumawa sya ng ubod ng lakas ang tawa na gustong gusto ko sa kanya. Yung tawang nakakahawa, nakakawala ng problema.


“Simula ngayon Supah Ace na tawag ko sayo, kasi mahilig ka sa superman. Hahahahah ayus diba?” Binatukan ko sya sa ulo at tumawa na rin ako.


“Aray bayolente ka pala! Supah Ace wag ka naman mang batok ang sakit kaya!” pag tatampu-tampohan nyang sabi.


“Ikaw kasi!!! Ang dami mong alam! Hahaha” Nag katawanan ulit kami.


“Uhmmm Rome. Bitaw na kaya tayo sa yakapan natin.” Namula naman bigla ang mukha nya sabay bitiw.


“So-sorry.”


OK lang Rome kinikilig nga ako eh!! Ayiieee!


Nakita ko na nahiya sya kaya para pagaanin ang sitwasyon eh sinabi ko nalang na. “Ok lang yon anu kaba. Teka lang papalit lang ako ng damit para ready na ako pag dumating na sila mommy” Sabay bitiw ng isang matamis na ngiti at punta sa cabinet ko para kumuha ng pampalit.


Lalakad na sana ako papuntang CR sa loob ng room ko ng bigla syang nag salita.


“Supah Ace san ka pupunta?” Seryoso nyang tanong na nakakunot pa ang noo


“Magbibihis, eh san pa?” Na weweirdohan ko namang tanong.


“Pwedi ka naman dito mag bihis ah.. pareho naman tayong lalaki bakit sa CR pa?” Kita ko sa mga mata nya ang pigil na pag tawa.


Napa isip naman ako. Uu nga pala noh pareho naman kaming lalaki. Pero alam ko naman sa sarili ko na lalaki man ako sa paningin nila iba parin ang gusto ko sa mga gusto ng normal na lalaki.


“Gusto ko lang sa CR mag-palit! Ano ba masama doon?” Ang naiinis kung sabi sa kanya dahil maluha luha na sya sa pag-pipigil ng halakhak niya. Grrrrrrrrr!! Nakakainis tong lalaking to ah.. pag-tawanan daw ba ang pag-bibihis ko sa cr. Nahahalata na kaya nya kung anu talaga ako? Hmmm iiwan din ako nito pag-nalaman nya ang tunay kong pag katao..


“Oh! Relax kalang na hihigh blood ka nanaman eh. Sige na bihis kana.” Naka taas pa nyang kamay na sabi parang sumusuko  sa di pa na uumpisahang argumento.


Di na lang ako sumagot at dumeretso na ako sa banyo para mag-palit ng damit. Baka ma asar pa ako lalo at awayin ko sya. Nag sisimula palang kaming maging magkaibigan, sayang naman kung masisira agad dahil lang sa topak ko. Habang nasa banyo ako na rinig ko naman ang pag strum nya sa guitar ko. Marunong din pala syang mag-guitara. May talent rin pala si kolokoy.


“Marunong ka palang mag guitara? Naks!! Mag kakasunod taU nean.” Ang bungad ko agad sa kanya pag-kalabas ko ng banyo. Lumingon sya sa akin at ngumiti yung ngiting alam mong pilit at alam mong may tinatagong sakit.


“Meron na ako masasabi sa report natin sa English tungkol syo. Sigurado mas mahuhumaling mga girls sayo nyan. Hehehe” ang sabi ko ulit para maiba ang atmosphere sa kwarto. “Ito lang ang alam kung kantang tugtugin. Tinuro ito sa akin ng papa ko.” Nakita ko nanaman sa mata nya ang kalungkutan ng sabihin nya ang salitang papa.


“Wag kang mag-alala ako bahala jan. Tuturuan kita para dumami pa ang alam mong tugtugin gamit ang guitara” ang nakangiti kung sabi sa kanya sabay kindat. Ewan ko ba ayaw kung nakikita syang malungkot dahil napagdaanan ko na iyon. Alam ko kung anu ang feeling nang nag-iisa kaya as much as possible gagawin ko lahat para pasayahin sya. Magaan ang loob ko kay Rome sa di ko alam na dahilan.


“Ang ganda naman ng guitara mo. Pati guitara mo superman din adik ka.” Nakangiti na nyang sabi na halata pa rin na pilit lang.


“Syempre naman tingnan mo pati brief ko superman din.hahaha” ang biro ko sa kanya.


“Weh, Di nga? Patingin nga?” sumakay naman si kolokoy.


“Adik ka! Naniwala ka naman na superman brief ko.. hahaha” tatawa tawa kung sabi.

“Sige lokohin mo pa ako para sa susunod na mag sabi ka na ng totoo di na talaga ako maniniwala sa iyo.” Ang nag tatampo nyang banat.“


“To naman di kana mabiro. Wag kana tatampo tampo besplend”pag baby talk ko sa kanya.


Sakto naman kumatok si manang leth at sinabing deretso na daw kami sa hapag para kumain. Nag hihintay na daw ang mama at papa ko.

“Rome this is my mom Evette Alberto and my dad Arnold Alberto”ang pag-papakilala ko kina mommy at daddy.


“Mom, dad, this is Ervin Rome Ruales my new classmate from Surigao and also my new bestbud.”


“Good evening Mr. and Mrs. Alberto. Ervin Rome Ruales po” nakipag share hands siya kay daddy at nag beso naman sila ni mommy.


“Good Evening din naman sayo iho. Tita evette at tito Arnold nalang since bestfriend mo naman tong anak ko.”si mommy


“Iho your from Surigao right. I have a friend in Surigao a fellow business man.”si daddy


“Yes tito I am from Surigao.” Ang nahihiya pa nitong sabi.

“Sige kain na tayo. Minsan lang mangyari na makasama namin yang si Ace sa hapag. He always came late. And this is his second time na may pinakilala siyang kaibigan sa amin.”si mama na kausap si Rome pero sakin nakatingin. Di lang ako umiimik at hinahayaan ko lang sila ang mag-usap.


“Talaga po tita? Oo nga eh pansin ko nga na hindi siya friendly pag di ikaw ang unang nag approach sa kanya. At siguro natatakot mga ka klase naming sa kanya dahil kanina naka simangot siya habang lumalapit ako sa kanya kasi katabi nya ang vacant seat” ang madaldal na sagot ni mokong.WHAT?!! napansin pala niya na naka kunot noo ko kanina? Teka kanina pa yon ah nung time na nagpapakilala palang siya. Does it mean ako tinititigan niya kanina while he was in front of us?


“Naku iho, ako na mag sosorry para sa kanya.. may son is really so reserved. Maski sa amin ng daddy niya ayaw niya makipag usap. Kakausapin lang kami niyan kung may hihingin at kung may bibilhin.”si mama.


“Siguro nag tatampo yan sa amin dahil lagi kaming wala sa mga special events sa buhay niya. Pareho kasi kami ng daddy niya na work aholic. Kaya lumaki si Ace sa piling ni manang leth.”si mama ulet.


“Im sorry to hear that tita. Pero im sure di naman ata galit sa inyo tong si supah Ace. Baka may tampo lang po pero im sure di yan magagalit sa inyo. Para sa kanya rin naman po yung ginagawa nyo eh.” Si Rome sabay kindat sa akin. Abat! Adik to ah! Bakit kailangan pa niyang sabihin yon at bakit may pakindat kindat pang nalalaman? Si mommy ang kausap, sa akin nakaharap! Amf!!


“Thank you iho, it seems Ace found a good friends this time. Yung dati niya kasing mga barkada ay iniwan siya after malaman nila na..” “MA! Lets eat” ang pag-putol ko sa sasabihin ni mama dahil na tatakot ako nab aka itong si Rome eh mawala rin sa akin.


“Don’t worry po tita, I will take good care of him. Bestbud ko to eh.” Si Rome na nakangiti kay mommy na parang inaassure na safe ako sa kanya.


“I can take good care of myself with or without friend.” ang matigas kung sabi na nakayuko.


“Pag-pasensyahan mo na itong anak ko Rome. Ganyan lang yan pero mabait yan. Siguro kasalanin din naming pero bumabawi naman kami pag-free kami gaya ngayon.” Si daddy na sumabat na sa usapan.


“Okey lang po yon tito. Don’t worry naiintindihan ko po. Sanayan lang yan sa kasungitan nitong bestbud ko. Papa amuhin ko po ito promise.” Ang nakangising sagot nia.


Aba!? Tama bang narinig ko? Anu daw? Papaamuhin niya ako? Anu ako aso? Abat loko tong kolokoy na to ah.. tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.


“Aray!” si kolokoy na napa sigaw sa pag-tapak ko sa paa niya.


“Oh iho! Anu nang yari sayo? Bakit bigla kang napa sigaw diyan?” si mama na takang taka ang mukha.


“Ahh..ehhh…hehe nangawit lang bigla ang binti ko tita sorry po.” Sabi ni kolokoy at nakatingin sakin ng makahulugan, parang nagsasabi na humanda ka mamaya. Dinilaan ko naman siya para lalong mainis.


After nang dinner with my family pumunta ulet kami ni Rome sa kwarto para mag bonding at para masimulan na naming ang getting to know 101.


Itutuloy.....................................................




No comments:

Post a Comment