Friday, December 14, 2012

The Right Time (10)

by: zildjian
http://zildjianstories.blogspot.com



“Ace nasabi ba sayo ni Rome kung bakit ako nawala?” Ang tanong ng Daddy ni Rome sa akin.


“Hindi po.” Simpleng sagot ko naman.


“Napilitan akong mangibang bansa dahil sa isa ako sa mga minalas na matanggal dahil sa recession. Ayaw man akong payagan ng asawa at anak ko nag pumilit pa rin ako. Sobrang eager ako na makaalis dahil na hihiya ako sa mga parents ko na sa kanila parin ako umaasa kahit na may pamilya na ako. Nahihiya rin ako sa asawa ko dahil hindi ko sya pinag trabaho nung makasal kami because of my pride.”pag papatuloy nya.


“But instead na intindihin ko sya. Inaway ko sya at pinag bantaan na hihiwalayan pag nag patuloy sya sa binabalak nya.” Ang pag butt in ng ina ni Rome. “Pero hindi sya nag papigil, tumuloy pa rin sya at iniwan kami ng anak nya sa bahay ng mga magulang nya. Hindi naging maganda ang trato sa akin ng Mama nya dahil ayaw nito sa akin. Nang magkaroon ng pag kakataon, tumakas ako sa bahay nila kasama si Rome at dito kami napadpad kami dito. Dito na kami nag simula ng panibagong buhay.


Tahimik kaming nakikinig sa Mommy ni Rome.


“Swerte naman at nakapasok agad ako sa hospital dito. Naging ka klase ko ang may ari ng Hospital na ninang pa ni Rome. Hindi naman naging sarado ang isipan ko kahit na may sama ako ng loob sa asawa ko. 


Hinihintay ko pa rin ang pagkakataon na makapag usap kami.”


“Iyon pala ang totoong nang yari.” Pag sabad ng Daddy ni Rome.


“Yon ang naging kasalanan mo. Mama mo lang ang pinapakinggan mo. Pero tama na yon past is past.”


“Im sorry hon di ko naman alam na ganun pala ang gagawin sayo nina Mama.” pag aalo ng Daddy ni Rome sa asawa.


Hindi ako nakaimik ng marinig ko ang detalye sa likod ng pagkawala ng Daddy ni Rome. Nakatingin lang ako sa mag asawa tuwing mag sasalita sila.


“How about you iho? Kumusta naman ang parents mo at anu ang mga trabaho nila?” ang pag iiba ng usapan ng Daddy ni Rome.


“Pareho po silang nag mamanage sa Family Company na pinamana ng lolo at lola ko.” Sagot ko sa tanong nito.


“Talaga? Gusto namin silang makilala.” Sabi ng Mommy ni Rome.


“Why don’t you invite them Mom sa Birthday mo.” Ang suhestyon ni Rome.


“Good idea anak. Ikaw na mismo mag bigay sa kanila ng invitation.” Pag sangayon ng Daddy nya.
Natapos ang dinner namin sa pamilya ni Rome na maganda ang kinalabasan. Inaya ako ni Rome na mag punta sa garden nila para mag pahangin at makapag usap naman daw kami ng sarilinan.


“Supah Ace ngayong okey na ang lahat pwedi nabang maging tayo?” agad na tanong sa akin ni Rome pag-kaupo namin sa swing nila.


Ewan ko ba hindi ko alam bakit may pag aalinlangan pa rin ako na sagutin si Rome. Di ko maintindihan kung bakit. Mahal ko naman sya at alam ko naman na mahal nya ako pero may parte sa akin na nag sasabi na hindi pa ito ang tamang oras para maging kami. Nag buntong hininga muna ako bago sumagot.


“Dahan dahanin muna natin Rome matagal tayong di nag kita. Kilalanin muna natin ng mabuti ang isat isa para di tayo mag kamali.” Sabi ko naman sa kanya.


“Pero ang tagal ko nang nag hihintay para maging tayo Ace. Akala ko ba pag nag kita tayo magiging tayo na? at bakit kailangan pa natin kilalanin ang isat isa? Diba matagal na naman nating kilala ang bawat isa?” pangungulit nyang sabi.


“Give me 1 more month Rome okey lang ba? Ayaw ko kasing may pag sisihan kung sakaling maging tayo.” seryoso kung sabi sa kanya.


“Ok hihintayin ko ang sagot mo sa birthday ni Mommy.” At muli ko nanamang natikman ang malambot na labi ni Rome.







Kinabukasan nagising ako sa malakas na ring ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot.


“Hello?”


“Hapon na tulog ka parin? Kamusta ang Dinner with the in laws?” bungad agad na sabi ng babae sa kabilang linya.


“Ok naman. Bakit ka napatawag?” ang walang gana kung sagot sa kanya.


“Ok naman pala, so, bakit wala kang energy? Inubos nyo ba lahat ni Ervin kahapon? Ang malisyoso nyang banat.


“Malisyosa! Wala ako sa mood dahil ginising mo ako. bakit ba?” sagot ko sa kanya na natatawa.


“Ayon! Narinig mo lang ang pangalan ng hubby mo nag iba na agad mood mo.” Banat ulit nito.


“Hubby ka dyan. Tumawag kalang ba para sirain ang araw ko o may iba kapang kailangan?” pikon kung sagot.


“Pikon? Tumawag ako to ask you what time tayo pupunta para icheck ang bar.” Sabi nito


“Ngayon naba yon?” sagot ko dito.


“Na meet mo lang ang parent Ervin nakalimutan mo na ang usapan natin. Oo ngayon na yon kaya tumayo kana dyan at mag bihis dahil mag aalas 3 na! you’re missing half of your day kakatulog!” maarting sabi ni Tonet.


“Ok san tayo mag kikita-kita? Natawagan mo naba ang iba?” tanong ko sa kanya.


“Tapos na. Don nalang tayo mag kita-kita sa Jollibee malapit lang kasi ang bar doon.”


“Okey sige sige mag tetext nalang ako pag paalis na ako dito sa bahay.” At pinindot ko na ang end call.


Agad akong tumayo at nag punta ng banyo para maligo. Ayaw kung ma late this time dahil siguradong patay ako kay Tonet, ayaw na ayaw nun ng nag hihintay.


Tapos na akong maligo at makapag bihis ng may kumatok sa kwarto ko. Agad ko naman itong pinag buksan dahil baka si Mama.


“Oh Manang leth bakit?” tanong ko ng mapag buksan ko si manang Leth.


“Buti naman at gising kana. Nasa Baba kasi ang kaibigan mo hinihintay ka.” Sagot naman nya.


“Huh? Sinung kaibigan? Anu daw pangalan?” tanong ko sa kanya.


“Hindi ko natanong eh pero naka motor ito at gwapo.” Wika ni manang na tila kinikilig.


“Si manang talaga ang hilig mo sa gwapo. Paki sabi po na pababa na ako salamat manang.” At tumalima na ito para bumaba.


Pag kababa ko ay agad kung nakita sa sala si Red.


“Oh Red anung masamang hangin ang nag dala sayo rito?” biro kung bati sa kanya.


“Wala sinusundo ka para sabay na tayong pumunta don sa meeting place na sinabi ni Tonet.” Sagot naman nya.


“Naks! Ang gwapo natin ngayon ah! at ang bango bango pa.” pag bibigay pansin ko sa suot nitong bagay sa kanya.


“Ace kayo naba ni Rome?” biglang pag iiba ng topic nito.


“Ah.. eh.. kuan.. anu kasi..” Di ako makahanap ng isasagot kay Red.


“Okey lang naman kahit di mo sabihin sa akin. Basta kung mag-kaproblema dito lang ako.” sabay bigay ng magandang ngiti sa akin.


Naninibago ako kay Red. Di kasi ako sanay na nag seseryoso sya. Si Red kasi ang tipong laging ginagawang biro ang lahat. Pero ngayon iba ang nakita ko sa mga mata nito parang may lungkot sa likod ng ngiti nito.


“Salamat Red.” Yon nalang ang nasabi ko sa kanya.


Agad kaming umalis papuntang Jollibee. Nag trip kami ni Red imbis na mag kotche ay umangkas ako sa kanya sa motor para maiba naman. Kahit kinakabahan ay na enjoy ko naman ang sumakay sa motor.


Pag dating namin sa Jollibee ay agad kung nakita sina Antonet at ang iba pa naming barkada na naka pwesto sa lamesa paharap sa pinag parkingan namin ng motor ni Red. Hindi nakatakas sa aking paningin ang nakakunot na mukha ni Rome habang nakatingin sa amin. Anu kaya problema ni loko? Tanong ko sa aking sarili.


Agad naman kaming lumapit sa lamesa nila.


“Oh bakit di mo dinala kotche mo?” Bungad agad ni Tonet sa akin.


“Napag tripan namin ni Ace na mag motor para maiba naman.” Sagot naman ni Red


“Akala ko ba ng tinawagan kita kanina on the way kana?” Si Tonet ulit.


“On the way na nga ako. On the way papunta sa bahay nila Ace.” Simpleng sagot naman nito sabay upo.


Tingnan ko naman si Rome pero ganun pa rin ang hitchura nito naka simangot parin.


“Tara na Tonet puntahan na natin ang bar para makauwi tayo agad.” Agad tumayo si Rome at lumabas ng Jollibee.


“Anu problema nun?” Tanong ni Angela sa amin. Kibit balikat lang ang sagot naming lahat.


“Teka asan si Mina?” Ang tanong ko sa kanila.


“Susunod nalang daw si Mina nasa mall pa daw sya at nag dadate ng bf nya.” Sagot ni Tonet.


Lumabas na kami ng Jollibee para puntahan ang bar na sinasabi ni Tonet. Pasakay na sana ako ng motor ni Red ng bigla akong tawagin ni Rome.


“Ace! Dito kana sumakay.” Pa sigaw nitong sabi may naramdaman akong galit sa tono nito.


“Ah Red okey lang ba kung kay Rome nalang ako sasakay. Mukha kasing bad mood ang loko eh. Kausapin ko muna kung anu problema.” Pag papaalam ko kay Red.


“Sure walang problema. Kita nalang tayo sa location.” At inistart na nya ang motor nya at umalis.


Agad naman akong lumapit sa sasakyan ni Rome. Habang nasa daan kami hinihintay kung mag salita si loko pero hindi ito nang yari. Di ko talaga alam kung anu ang masamang hangin ang na langhap ng gagong to at wala sa mood okey naman kami kagabi bago mag hiwalay.


Dumating kami sa location ng bar na hindi manlang nag pansinan . Agad akong bumaba dahil na inis ako sa inasta nya. Sige gusto mo ng walang pansinan game ako dyan tingnan lang natin kung sino ang unang susuko. Sabi ko sa isip ko sa sobrang inis.


“Guys This is my cousin Xian. He owns this bar.” Ang pag papakilala sa amin ni Tonet sa lalake na nasa loob ng bar counter.


“Tonet, buti at dumating kana. Kanina ko pa kayo hinihintay.” Ang nakangiti nitong bati sa pinsan.


“Sorry Xian medyo matagal tong isang to na dumating.” Ang sagot ni Tonet sabay turo sa akin.


“Sorry..” Nahihiya kung pag papaumanhin.


“Ok lang yon. Anyway kayo pala ang bagong mag tatake over nito. Anu ba ang planu nyo for this bar Tonet.” Tanong ni Xian kay Tonet.


“Wala pa kaming naisip kaya nga kami nandito to check the place.” Sagot naman ni TOnet. “kayo guys any idea kung anu maganda para sa bar na ito?” Si Tonet ulit.


“Mag kano ba ang monthly rent para sa lugar na ito.” Tanong naman ni Red.


“Since pinsan ko naman si tonet at kabarkada nya kayo. Six thousand monthly will do.” Sagot agad ni Xian.


“Not bad.” Sabat naman ni Carlo. “May sarili bang connection ng tubig dito?”


“Yep meron tol.” Si Xian.


“Kami paba ang mag babayad sa tubig or kasama na yon sa rent namin?” Tanong naman ni Angela.


“Syempre guys hindi. Kayo ang mag babayad sa tubig at kuryente. Yung six thousand, rent lang sa place yon.” depensa agad ni Xian


“What do you Think Ace?” tanong ni Tonet sa akin.


Nilibot ko muna ng tingin ang buong bar bago mag bigay ng komento. Malaki naman sya at hindi naman kami lugi sa bayad. Kailangan lang naman ng magandang diskarte para maka hakot ng tao.


“Sa tingin ko okey naman ang lugar at nasa downtown area ito kaya di tayo mahihirapang humakot ng tao. Kailangan lang natin siguro ng magandang idea kung papaanu natin ma aatract ang costumer.” Sagot ko naman dito.


“Rome ikaw okey ba sayo? Kanina kapa walang imik dyan.” Pag pansin ni Tonet kay Rome.


“Ok lang ako.” Wala parin ito sa mood na sabi.


Hindi nalang ito pinansin pa ni Tonet at pinag patuloy ang pakikipag usap sa pinsan nya. Three months deposit at one month advance yon ang napag usapan nila. Nag bigay naman ako ng mga suggestions kung anu ang dapat tanggalin at baguhin. Na pag desisyunan din namin na gagawin namin itong live acoustic bar. 15 thousand each ang ambagan namin para sa pag sisimula namin mag take over sa bar. Importante muna kasi daw na makabili kami ng mga kakailanganing gamit para makapag umpisa agad.


Dumating si Mina mga bandang 6pm habang busy kaming pinag uusapan ang mga gagawin namin. Gusto kasi ni Tonet na soon as possible ay mag simula na kami since malapit na ang pasukan at ang festival sa lugar namin.


“Guys kita kits tayo bukas sa bahay nila Ace. Don natin gawin ang meeting humingi rin tayo ng advice sa parents nya since may karanasan sila sa pag papalakad ng business para naman di masayang ang pera at effort natin. Don narin ninyo bigay ang shares nyo.” Si Tonet.


“Huh? Bakit sa bahay namin? Kung makapag desisyon naman to parang bahay lang nya.” Ang biro ko kay Tonet.


“Tse! Wag kanang umepal basta don tayo sa inyo. Mag iinuman tayo ng bonggang bongga diba baby?” sabay pulupot nito kay Carlo.


“Ang harot nyo namang dalawa! Baka di pa tayo nag sisimula ma buntis kana!” Ang biro ko sa kanila na tinawanan naming lahat except kay Rome na naka simangot parin.


“Bakit nakasimangot si Ervin?” pabulong na tanong sa akin ni Mina.


“May regla ata.” Balik kung bulong na ikinatawa naming dalawa.


Umalis na kami sa bar na yon at napag desisyunan naming pumunta sa isang Sea foods restaurant para doon mag dinner. On the way na kami papunta doon kay Rome pa rin ako sumakay. Medyo malayo layo ang restaurant na yon kaya siguro di na nakatiis si mokong na di ako pansinin.


“Bakit kay Red ka sumabay? Bakit di mo ko tenext na wala ka palang balak gumamit ng sasakyan mo para na sundo kita.” May diing sabi nito.


“Anu naman ang masama kung kay Red ako sumabay? Tsaka anung magagawa ko kung sinundo nya ako sa bahay?” sagot ko sa parehong tono na ginamit nya.


“Ang galing mung sumagot! Ikaw na nga may kasalanan sumasagot kapa!”


“Kasalanan? Anu kasalanan ko? Natural sasagot ako kasi tinatanong mo ako! Anu ba gusto mong palabasin?” sagot ko naman.


“Wala akong gustong palabasin at wag kang pilosopo!.” Sagot naman nito.


“So bakit gumaganyan ka? Anu ba problema mo!?” Napa taas na ang boses ko.


“Ang problema ko ayaw kung pinupuntahan ka ni Red sa bahay nyo na sya lang at sundo sundo pa!” mataas na tono nyang sagot sa akin.


Na bigla ako dahil ni minsan di ko pa narinig si Rome na pinag taasan ako ng boses. Hindi na ako kumibo.


“Im sorry..” at hahawakan na sana nya ang kamay ko pero iniwas ko ito sabay sabing


“Ang babaw ng dahilan mo. Kaibigan natin si Red tapos gumaganyan ka. Tama nga ako na hindi muna patulan ang gusto mong mangyari. Di pa nga tayo pero sinisigawan mo na ako.” ang sabi ko sa kanya.


Agad naman nyang itinabi ang sasakyan para ihinto ito. Humarap sya sa akin at hinawakan ang dalawa kung kamay.


“Sorry Supah Ace.. Nag seselos lang naman ako eh. Iba kasi mga tingin sayo ni Red tapos kanina sarap na sarap kapa habang naka angkas sa kanya.” May pag susumamo nyang sabi.


“Alam mo kung anu problema sayo Rome? Problema sayo gusto mo ikaw lang lagi! Kaibigan natin yung tao wag mong bigyan mo ng malisya.” Sagot ko na may halong panunumbat.


“Tsaka anu ba ang kina kaselos mo? Di paba sapat ang mga ginawa natin para di mo ko pag katiwalaan? Ganyan ba tingin mo sa akin?” may himig ng lungkot na sabi ko sa kanya. Hindi ko matangap na ganun pala ka babaw ang tingin sa akin ni Rome.


“Hindi naman sa ganun Supah Ace. Natatakot lang ako na maagaw kapa sa akin buti sana kung tayo na atleast may mapapanghawakan ako.” Si Rome.


“Kaya mo ba ako minamadali para ma control mo lahat ng gagawin ko? Wala akong planong mag pa control sayo Rome! Kung hindi mo kayang sakyan ang gusto ko mabuti pang..” hindi ko natapos sa aking sasabihin dahil agad syang sumabat.


“Hindi wag.. wag namang ganyan Supah Ace sorry na di na mauulit promise. Mahal na mahal lang naman kita eh kaya ako nag kakaganito.” Sabi nyang naluluha na.


“Tara na. Nag hihintay na sila sa atin at gutom na ako.” Pag babaliwala ko sa sinabi nya.


“Supah Ace naman.” Malungkot nyang sabi.


“Papaandarin mo ba o gusto mo na lumabas nalang ako at mag jeep papunta doon?” Pag babanta ko sa kanya.


Walang nagawa si Rome kung hindi paandarin ang sasakyan nya. Minsan Nararamdaman kung tumitingin ito sa akin ako naman nasa labas ang tingin. Nainis ako sa inasta at pinakita nyang ugali. Di ko mapigilan ang sarili ko na tanungin anu pa kaya kung kami na baka gawin akong puppet ng lokong to.


Narating namin ang restaurant na hindi na kami muling nag usap. Pag ka hinto ng sasakyan nya agad akong lumabas para hanapin ang iba naming kasama. Sumunod naman si loko na parang tuod.


“What took you both so long?” tanong ni Tonet pagkaupo namin. Di ako tumabi kay Rome imbis kay Red ako tumabi.


Walang may sumagot sa aming dalawa. Narinig ko nalang bumulong si Angela kay Mina “LQ?” siniko naman sya ni Mina para pahintuin ito. Batid ko sa mukha ng mga kasama namin ang pagtataka kung bakit tahimik lang ako.


Wala ni isa sa kanila ang may lakas ng loob na mag tanong kung anu ang problema kaya kumain kami nang walang maski isa ang nag sasalita.Batid ko na ang mga kabarkada namin ay nakikiramdam lang kung anu ang nangyari.


Natapos ang dinner namin nang tahimik. Tinanong ko si Red kung pwedi nya akong ihatid sa bahay. May taka man sa mga mata nito ay pumayag parin. Sina Carlo, Angela, Mina at Tonet naman ay napatingin lang sa akin ng basagin ko ang katahimikan para mag paalam at magpahatid kay Red.


“Ace before Seven ng gabi kami pupunta sa inyo bukas ha.” Sabi ni Tonet. Tango lang ang inisagot ko sa kanya at agad na tumayo at pumunta sa labas. Hindi na ako nag aksaya ng panahon para tingnan ang reaksyon ni Rome.


Habang nasa daan naman kami ni Red pauwi tinanong nya ako kung bakit bigla nalang nag iba ang mood ko. Nag dahilan naman ako na biglang sumakit ang ulo ko. Alam kung hindi naniwala si Red sa sagot ko pero minabuti nitong hindi nalang mag tanong. Dumating kami sa bahay, inimbitahan ko si Red na pumasok muna pero tumangi ito. Bukas nalang daw since na pupunta naman sila sa bahay.




Itutuloy:

No comments:

Post a Comment