Friday, December 14, 2012

The Right Time (03)

by: zildjian
http://zildjianstories.blogspot.com




Dumating ang Lunes at oras na para sa report namin sa English kay Ma’am Ramos.


“Okay class let's start with the presentation on the outcome of your investigations on your partners to the group." Napangiti na lang ako sa ginamit na term ni Mrs. Ramos. "The objectives of this activity are as follows: help you boost your self confidence, build rapport to each other and further know them and to open anything that we 'should' know from you. Without any further ado, Mr. Ruales will be our first presentor. Give him a round of applause.”


Nagsipalakpakan naman mga kaklase ko. Bagama't gulat ang lumatay sa mukha niya ay tumayo pa rin ito sa harapan. Tumingin muna ito sa akin at ngumiti bago nagsalita.


"Good morning classmates." Panimula niya. "One week isn’t enough for me to gather enough information for you guys to know all about Arl Christopher Earl. Well. Ace, as what his parents and close friends call him, is a nice person though most of you, I’m sure, misunderstood him by being snobbish. He’s not. He is the kind of person which I call reserved. He doesn’t want to share some of his burden to anyone. But if you will only take your time to know him more, you will come to realize that Ace is more than that. He is easy to deal with as long as you know how to please him. I don’t know the reason for him acting that way but I’m pretty sure that every act of a person has a corresponding reason, enough for us to understand. What made me say so? Well, as we all know he was the first person whom I talked to, aside from being my seatmate. When I first entered the room, he was the first person that caught my attention. He was grumpy indeed but in spite of that grumpiness impression, I sensed that there is a soft side inside of him. That’s why we became friends, no, not just friends but Best friends! Ayt Supah Ace?”


Naririnig ko ang bulungan ng mga ka klase ko about sa pinag sasabi ni Rome. Di ko inexpect na ganun ang sasabihin nya. Sa mga araw kasi na mag kasama kami eh lagi lang naman syang tahimik. Yon pala eh minamanmanan nya ang mga kilos ko. Halos maiyak ako sa mga sinabi nya. Totoo lahat,tagus lahat sa puso ko. Pinipilit kung maging aloof sa mga ka klase ko kahit gustong gusto ko nang sumali sa mga usapan nila kasi natatakot ako na baka maulit ang ng yari noon sa dati kung pinapasukan. Ayaw ko na ng magulong mundo kaya ako nag transfer sa school na ito. Ganun naba ako sa transparent sa kanya. Sa loob ng 7 araw natumbok nya lahat about sa akin. Sa totoo lang ako di ko pa sigurado kung sino ba talaga si Rome.


“Supah Ace? Bakit supah ace ang tawag ni papa Ervin kay Arl?” Bulong ng babaeng isa naming ka klase sa harapan ko. “Ewan ko nga rin eh. Pero alam mo sabi ng pinsan ko na dating ka klase ni Arl sa STEFTI masayahin daw yang si Arl dati, pala tawa daw yan pero biglang nag iba daw.” Na bigla ako sa sinabi ng katabi nya na si Mina Morales. Pinsan pala sya ng ka klase ko dati sa STEFTI ang skwelahan na sinumpa ko na. Ang skwelahan kung bakit nag iba ang takbo ng Masaya kung buhay bilang high school.


“Ito pa ang isa girl, wag ka ma shock ha. Sabi pa ng pinsan ko may scandal daw yang si Arl and take note hindi babae ang ka partner nya kundi lalaki!.” Biglang nag init ang aking mata sa labis na puot at hiya mabilis akong tumayo sabay sabi kay Ma’am


“Ma’am Please excuse me. I need to use the toilet.”  Ang garalgal kung pag kakasabi sabay takbo agad palabas kahit hindi pa pumapayag si Ma’am  kasi alam kung tutulo na ang mga luhang pilit kung pinipigilan. Narinig ko pang nag salita ang kausap ni Mina.


“Omg narinig ata tayo girl”


Dali-dali akong tumakbo papuntang CR para don ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mga ka klase kung tsismosa. Humahagulhol ako na parang bata sa loob ng CR lahat ng imosyon na pilit kung tinago eh lumabas din. Nasa ganun akong lagay ng may kumalabit sa akin.


Napa angat ako at liningon ang taong kumalabit sa akin. Agad kung nakita ang nag-aalalang mukha ni Rome na inaabot ang panyo nya sa akin. “Ace anu nang yari, bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong di ko dapat sabihin sa report ko tungkol sayo?” batid ko na totoo ang pag-aalala sa mga mata  nya.


Kinuha ko muna ang panyong iniabot nya at pinunasan ang mga mata kung puno ng luha. “Wala, may naalala lang ako Rome.” Ang walang gana kung sabi sa kanya sabay tayo at punta sa gripo para mag hilamos. “tara balik na tayo baka hanapin tayo ni Ma’am.” Sabay lakad papuntang pintuan ng CR.


Pag bukas ko ng pinto nag aabang na pala ang tatlo naming ka klase si Antonet na presidente ng section namin nung 3rd year at yung dalawang tsismosa kung ka klase na sina Angela at Mina.


“Arl pinasundan ka ni Ma’am sa amin kasi nag aalala sya sayo. Kami rin nag-aalala sayo.  Sumama narin itong sina Mina at Angela kasi may sasabihin daw sila sayo.” Si Antonet


Blangko ang mukha ko nang mga panahong iyon. Sa totoo lang, ayoko makipag-usap sa kanila.


“Arl so-sorry  alam kung narinig mo ang usapan namin ni Mina kanina. We didn’t mean to offend you or something. Sorry talaga Arl.” Si Angela na nakahawak sa braso ko at hinahagod ito. “Yeah Arl im sorry. Alam ko bellow the belt ang mga sinabi ko kanina.” Si Mina na nakayuko at di makatingin sa akin ng desetso halatang nahihiya sya.


Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. “okey lang yon.” At nag bitiw ako ng isang malungkot na ngiti sa kanila. “kung pwedi sana ayaw ko na itong pag-usapan pa.” tumango naman ang dalawa. “Hindi ko alam kung anu nang yari at napaiyak nyo itong bestfriend ko pero ganito nalang guys sabay sabay nalang tayo mag lunch para na rin magkakila-kilala na tayo.” Singit naman ni Rome.


“Talaga?” mag kasabay na sabi nina Mina at Angela. “ayos lang sakin. It’s about time na mag bonding naman tayong magka kaklase para makilala natin ang isat-isa. I really want to know Ace more gaya ng sabi mo Ervin. Ang tanong nga lang eh papayag kaya itong si Ace?” ang singit naman ni Antonet na nakangiti ng ubod ng tamis sa akin.


“Papayag yang si Supah Ace.” At umakbay sya sa akin sabay sabi na “diba best friend papayag ka?” nakangiti nyang tanong sa akin. Ngiting hindi tatanggap ng sagot na hindi. “ahh… ehh.. anu kasi…”ang na uutal kung sabi. “wala ng anu anu basta aalis tayo mamaya.” Si Rome “okey.” Ang pag suko ko nalang kasi alam ko kukulitin ako nitong lokong to. Sabay sabay silang napa sigaw ng “ALRIGHT!!!”


“Sabi sa inyo papayag yan eh” si ace sabay halik sa pisngi ko at gulo ng buhok ko na kinagulat ko ng sobra. “amfefe naman to!!! Bakit mu linawayan mukha ko loko ka!” ang naiinis kung sabi kasi baka ma issue nanaman ako. “sorry naman! Na excite lang ako.” Tawanan silang lahat.


Hindi nalang ako umimik kasi baka sabihin pa nitong si Rome na apektado ako sa halik nya.


“Tara na guys balik na tayo 5 mins nalang lunch break na natin para masabihan ko sina Red at Carlo about sa plan natin. Lets talk about it while taking our lunch.” Si Antonet.



“Abat! Bakit kasama ang dalawang hunghang na yon?” Si Mina na halatang inis sa dalawa.


“Bakit ba? Dahil ni dineny ka ni Carlo?” Ang may panginis na sabi ni Angela kay Mina.


“Abat!!!kanino kaba kampi girl?”


“Tama na yan guys nan dito tayo para mag-saya hindi para gumawa ulet ng gulo.” Si Antonet na pinutol ang iba pang sasabihin ni Mina.


“Anyway, gustong gusto nina Red na maging ka barkada si Arl. Kaya im sure matutuwa yon na sa wakas napapayag natin si Arl na sumama para gumala.” Si Antonet ulet.


“Maganda nga yon eh. The more the better!!!ohheemmgeee Kasama si Red ko ayiee!!! 4 na papa!!! sasama talaga ako!!” ang kilig namang sabi ni Angela.


“Yuck! Red ko? Ok kalang girl? Ang hungang na Red na yon Crush mo? Ang yabang kaya nun at ang kafal ng fis!!!” Iritadong reaction ni Mina na kinatawa naming lahat.


“Girl lahat ng 4th year kilalang kilala si Red at lahat ata ng girl at gay ay Crush si Red ko.. hello! Mr. MVP at Mr. Js Prom kaya yon nung 3rd year!”


“Tama na yan. Baka kayo naman ang mag-away jan.” ang natatawang sabi ni antonet sa dalawa. Tara na nang makapag lunch na tayo.”


..................................................................................................


LUNCH BREAK


“Woi tol bakit ka bigla lumabas kanina sa room?” tanong sa akin ni Carlo. Maputi si Carlo at maganda rin ang katawan. Sakto lang sa taas nyang 5,8, Makapal ang kilay na bagay na bagay sa mga mata nitong tila nangungusap. Boy next door ang dating.


“Wag mo na tanungin yang si Arl kung bakit. Mag pasalamat nalang tayo pre at sa wakas ma kakabonding na rin natin itong si Arl.” Ang wika naman ni Red. Si Red Ang Campus Crush. Maangas ang dating nito, Moreno pero bagay na bagay ang kulay nito sa tindig at katawan. Mga matang lahat ata ay kayang palambutin sa simpleng tingin lang ni Red. Di na kailangan mag effort kung baga.


“Tama ka dyan Red. Wag na nating kulitin yang si Arl at baka bumalik ang pagiging speechless nean.” Tawanan…


“Hindi na mangyayari yon. Dba Supah Ace?” Si Rome na nakangiti at katabi ko sa upuan.


“Bakit pala Supah Ace ang tawag mo sa kanya Ervin?” takang tanong ni Angela kay Rome.

“Supah Ace ang tawag ko sa kanya kasi ang room nya ang theme is puro superman. Fanatic tong bestbud ko kay superman.. kaya Supah Ace.” Halatang Ganado si mukong sa pag-kwekwento about sa akin.


“Wow!! Talaga Arl? Ang cool naman nun! Idol ko rin kaya si Superman. Kaso iba ang collection ko.. I love collecting caps.. different kinds of caps.” Si Red


“Ahhh.. ehh.. ito talagang si Rome kung anu-anu sinasabi. Di naman big deal yon dba?” ang nahihiya ko pa ring sagot. Hindi ako sanay na nakikipag usap na ulet ako sa mga ka klase ko. Akala ko mag tatapos ako ng high school na walang ni isang kinakausap sa mga ka klase ko sa st. Mary.


Natapos ang lunch break namin na masaya. May mga bagong kaibigan na magpapatawa sa akin sa natitirang taon ko bilang high school student. Lumabas kami after ng class namin nung hapon. Pumunta kami sa mall at nag ikot-ikot. Harutan, tawanan at kung anu anu pang pweding gawin ng masayang mag kakabarkada. Sa isip ko siguro hulog ng dyos sa akin si Rome kasi kung hindi dahil sa kanya malamang loner pa rin ako hanggang ngayon.


“Guys sa girls section muna kami may bibilhin lang kami ni Mina” Si Angela


“Aba iiwan nyo ko sa kanila? Sama ako may bibilhin rin ako.” Si tonet.


“Kita-kita nalang tayo doon sa Jollibee after 30 mins. don nalang tayo mag dinner.” Si tonet ulet


“Sige Sige. Ayaw naman naming mapag kamalan na mga alalay nyo.hahaha” ang sabi naman ni Red sa tatlo.” Siguradohin nyo lang na tutupad kayo sa 30 mins na sinasabi nyo.” Pahabol na sabi ni Red sa kanilang tatlo.


“So san tayo ngayon mga pre?” tanong ni Carlo sa amin.


“Oras na para mag hanap ng chicks.hahaha” ang malokong sabi ni Red.


“Chiks mo mukha mo! Ang dami mo na ngang girlfriends nakuha mo pang dagdagan. Anu ka kolektor?” biro ni Carlo na tinawanan naming apat.


“Punta nalang kaya tayo don sa Toms world. Laro nalang tayo? Anu gusto nyo?" Bawing banat ni Red.


“Tange! Wag muna tayo don kulang oras natin na bibitin lang tayo, 30 mins lang babalik na ang mga yon.” Si carlo


Habang busy ang dalawa sa pag-paplanu kung pano namin aaliwin ang aming mga sarili habang hinihintay ang mga ka klase naming babae binulungan ko si Rome.


Itutuloy:



No comments:

Post a Comment