http://zildjianstories.blogspot.com
Kinaumagahan nagising ako dahil sa malakas na ingay na
nagmumula sa baba. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Ala una palang
pala. Sabi ko sa sarili at napilitang bumangon. Pumasok ako sa banyo na
magkasalubong ang kilay sa sobrang inis. Pagkatapos kong gawin ang everyday
routine ko ay agad na akong bumababa para bulyawan sana kung sino mang mga
hudas na malalakas ang boses na nag kwekwentuhan sa baba.
“Mabuti naman at gising ka na.”
Napatingin ako sa kanila. Yung
kaninang inis ay nawala nang makita ko ang expression nang mga mukha nila.
Halatang kulang din sa tulog ang mga kabarkada ko dahil sa inuman namin kagabi.
“Ano nangyayari dito? Baka
nakakalimutan nyo bahay namin to.” Sabi kong may halong pangiinis. “At bakit
parang may sabong?”
“Ito kasing si Red nakakainis. We
decided na sya ang hahawak ng bar dahil di ba nga sabi ni tita Evette isang
boss lang dapat.” Bungad ni Tonet agad sa akin.
“Uh-uh. Tapos?” Walang expression
kong sabi.
“Anong tapos? Tulog pa ba kaluluwa
mo? Umaayaw sya!” Sabay turo kay Red na nakangisi lang habang nakaupo sa sofa.
“Bakit?” Pang iinis ko pang lalo kay
Tonet.
“Di raw nya kaya mag handle ng
negosyo. Baka raw malugi lang ito. Teka nga, bakit parang nang-aasar ka pa
dyan? Baka gusto mo ikaw na lang.” Biglang nagliwanag ang mukha nito “Tama!!
Ikaw nalang at si..” Di nito natapos ang sasabihin nya dahil sumabat agad si
Carlo.
“Baby.” Sabay iling nito. Kita ko
namang napatakip si Tonet sa kanyang bibig.
Tinaasan ko ito nang kilay sabay
sabing “Oh? Bakit bigla kang napahinto dyan? Sino kamo ang ka-partner kong
hahawak?” may panunuya kong sabi.
Napahagikhik si Mina at Angela.
“May tinatago ba kayo sa akin?
Sabihin nyo na at baka di ako pumunta mamaya sa opening.” Pananakot ko sa
kanila.
“Wala noh!” defensive namang sagot
ni Red. Tumingin ako dito na may pananakot sa mga mata.
“Promise!” sabi pa nito.
Sa totoo lang hindi magaling magsinungaling
si Red. Halata kay kolokoy na may tinatago ito. Di ko nalang binigyan ng pansin
at ibinalik ko nalang ang kaninang paksa.
“Talaga lang ha? So bakit ayaw mo na
ikaw ang mag manage nang bar natin?”
“Natatakot kasi ako. Baka malugi pag
ako ang humawak, ako pa masisi nyo.” Sabay kamot ng ulo at nag bigay nang pilit
na ngiti.
Napangisi ako sa naisip ko. Agad ko
syang tinabihan ng upo sa sofa sabay bulong sa kanya. “Ikaw na ang mag manage.
Pag ikaw ang nagmanage may gift ako sa’yo.” Pambobola ko sa kanya. Alam ko
kasing hindi ako kayang hindian ni Red. Napatunayan ko na ito sa mga araw na
lagi syang dumidikit sa akin para damayan ako.
“Walang ganyanan naman! Lugi ako
dyan eh!” Reklamo nya na kinatawa naming lahat.
“So I guess we have decided. Red
will be our boss.” Nakangising sabi ni Tonet.
“Tek..” Aangal sana nitong sabi pero
agad kong pinigilan.
“Wag ka nang mag attempt.” Sabay
lagay ng kamay ko sa bibig nito para di na makapagreklamo. Wala na itong nagawa
kundi ang sumang-ayon.
Matapos ang usaping iyon.
Napagdesisyonan ng barkada na umuwi muna para makapag handa at matawagan ang
ibang ka-barkada nila mula high school, college hanggang sa mga relatives namin
para iremind ulit sila na ngayon na ang opening ng Seventh bar. Si Red naman ay
umuwi muna para daw kunin lahat ng kakailanganin namin mamaya sa pagtugtog.
Hindi na ako bumalik sa pagtulog.
Pagkaalis nila ay agad kong tinawagan si Ate Claire, Kuya Dan, Dorwin, Dave at
iba ko pang mga pinsan para imbitahan sila mamaya.
Pasado alas sais ng mapagdesisyunan
kong maligo at maghanda. Sabi ni Tonet dapat daw before 7 ako pumunta don para
sa blessing. Syempre Filipino time kaya alam kong imposibleng mangyari na
darating ang pari on time. Kaya ang ginawa ko ay nag laro nalang muna ako ng ninja
saga habang hinihintay ang oras.
Umalis ako nang bahay 15 minutes
after ng call time. Habang binabagtas ko ang daan papuntang downtown
nakareceive ako nang tawag mula kay mama. Sabi nito nasa location na daw sila
pati ang pari ako nalang daw ang hinihintay. Napangisi ako sa nalaman alam ko
kasing umuusok na naman ang ilong ni Tonet sa sobrang inis sa akin.
Dumating ako sa location malapit
nang mag-alas otso. Kabababa ko lang ng kotse nang makita ko si Tonet na
papalapit sa akin at halata sa mukha nito ang pagkainis.
“Bakit late ka?? Diba sabi ko sayo
wag kang magpapalate nakakahiya kay father! God!!” inis nitong sabi sa akin.
“Sorry naman! Nawili ako sa Ninja
saga.” Sabay bigay nang nakakalokong ngiti.
“Sige lang mangasar kapa. Tingnan
lang natin mamaya kung makangiti ka pa.” Sabay hablot nito sa kamay ko at
kinaladkad ako papasok.
Pagkapasok namin agad ko namang
nakita ang mga pinsan ko, katabi nang lamesa nila ang sa mga magulang ko na
nakaupo sa bandang dulo at may kausap na pamilyar na mukha. Hindi ko ito
masyadong maaninag dahil sa dim ang light sa loob. Napakunot ako ng noo dahil
pilit kong inaaninag kung sino iyon. Magtatanong na sana ako nang biglang
magsalita si Tonet.
“Father pwedi na po nating simulan.”
Napalingon ako rito. Muli kong
sinipat yung familiar na tao sa kadiliman nang sa hindi malamang kadahilan ay
nawala itong parang bula. Nalingat lang ako, nawala agad? Weird! Bulong
ko sa sarili ko.
Nagsimulang magsitayuan ang mga tao
sa loob. Puno ang bar halos hindi ka na makakadaan pa dahil sa sobrang sikip.
Agad namang sinimulan ng pari ang pagbabasbas. Hindi ko masyadong pinakinggan
ang mga sinabi nang pari dahil napapaisip ako sa katauhan ng taong kausap ng
mga magulang ko kanina.
Nang matapos ang blessing ay
isa-isang lumapit sa amin ang iba pa naming kabarkada kasama si Chad. Agad
namang pumila ang mga tao para kumuha nang pagkain. The best talaga itong si
Tonet. Nakakabilib talaga ito kasi yung nakuha nyang caterer eh ang ganda nang
pagkakagawa nang buffet table setting plus the food na exceptional.
Nang matapos makakuha ang lahat ay
kami naman ang sumunod. Kumain muna kami habang panay ang pag-congratulate nang
mga taong malalapit sa amin. Agad namang tinapos ni Tonet ang pagkain para
simulan ang program. Tumayo ito sa Mini stage nang bar.
“May I have your attention please.”
Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. “This day is a very special not only for me
but to my partners as well. As we all know this is the grand opening of our
business. We all have agreed to baptize it with the name Seventh Jazz and
Acoustic Bar.” Pagsisimula ni Tonet.
“Stupid isn’t it?” Sabay flash ng
ngiti. “I know you’re all curious how we ended up with that name. Allow me to
tell you how we came up with that ‘ill-gotten’ name.” Agad na tumigil ang mga
nagke-kwentuhan at napatingin sa stage.
“Well, it all started way back in
high school. I was in my last year when I met six different kinds of
personality; Carlo the shy guy, Red the sporty, Angela the kikay, Mina the
sophisticated, Ervin Rome the cool transferee and lastly, Arl Chistopher Earl
the reserved.” Huminto ulit ito at tumingin sa amin sabay ngiti.
“From 1st year to 3rd
year we haven’t got a chance to be formally acquainted. Iba-iba ang group of
friends namin noon. Halos di kami nagpapansinan hanggang sa dumating kami sa
last year namin. Doon namin nakilala ang taong naging dahilan nang pagkakabuo
naming pito. I guess you’re having a good time guessing now why we chose that
name.” Sabay tawa nito.
“Despite the differences, isang tao ang
naging way para magkakila-kilala kami. It was Ervin Rome’s fault. He built a
bridge connecting to each of us especially to Ace. Ace way back is the type of
a person na hinding hindi mo makakausap kahit tanungin mo yan. Siya ang tipong
hindi nagrereach out sa mga ka klase nya. Loner kumbaga.” Sabay tawa pa nito na
sinundan naman ng iba.
“Just like what high school friends
encountered, we chose separate paths para matupad ang mga pangarap namin.
Iba-iba ang kasi kursong gusto namin pati na ang school. But bago kami
magkahiwa-hiwalay we made a promise na after naming matapos ang mga career na
napili namin ay babalik kami at ipapagpatuloy ang aming pagkakaibigan.”
Pagpapatuloy ni Tonet sa kwento nya.
Lahat ng ala-ala ay nagflashback na
bumalik sa akin habang patuloy siyang nagsasalaysay. Nung mga time na
magkakasama kami na tumatawa, nag iinuman at nag haharutan. Kita ko na napaluha
sina Angela at Mina habang sina Red at Carlo naman ay nakangiting katulad ko na
siguro binabalikan din ang nakaraan.
“Lahat kami ay nakapagtapos ng
college at nagsikap na tuparin ang pangako sa isat isa. Hindi kami nakaiwas sa
mga problema along the path pero we always find a way na magtulungan lalo na
kung isa sa amin ang may problema sinisiguro namin na maayos ito para hindi
maapektuhan ang samahan namin.” At tumingin ito sa akin ng may ngiti.
Di ko na rin maiwasan ang mapangiti.
Hindi man ako pinalad sa love life ko swerte naman ako sa barkada ko.
“We’re now adults at tapos na kami
sa pagiging teenagers kaya naman it’s about time na magseryoso na kami sa
buhay, but we still have our series of kalokohan, tawanan, inuman session at
siyempre iyakan. That’s when we decided to take a new challenge, ang
magsimulang tumayo sa sarili naming mga paa, and this is the first step for
that.”
“Still not getting the point?”
Napangisi siya. “Seventh Jazz and Acoustic Bar obviously kasi para sa aming
pito ito, or better na sabihing kaming pito ito. This bar will always be a
reminder for all the good memories and the great friendship we had and for the
more years to come.” At nagpalakpakan ang mga tao. Napatingin ako sa gawi nang
mga magulang ko. Nakita ko silang nakangiti sa akin. Kita ko naman si papa na
nag-thumbs up sign. Napangiti ako sa mga ito.
“Now, I would like to call my business
partners to be with me.” Agad naman kaming tumayo kasunod ang palakpakan ng mga
tao.
“Ready kana?” pabulong na tanong ni
Red sa akin.
“Saan? Sa opening? Matagal na akong
ready para dito.” Balik kong bulong sa kanya. Binigyan lang ako nito nang makahulugang
ngiti.
Nasa stage na kami pero wala pa ring
Rome na nagpakita. Tinawag ni Tonet ang waiter at sinenyasan ito. Lumapit sa
amin ang waiter at isa-isa kaming binigyan ng shot glass. Hindi ko pa rin lubos
maisip na bakit wala si Rome. Mahalagang araw ito para sa amin and yet hindi pa
rin ito nagpakita.
“Cheers!!” Ang sabi ni Tonet sabay
taas ng shot glass nya. Sumunod naman sila isa-isa habang ako ay hindi pa rin
maalis sa isip ko ang di niya pagpapakita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat
kong maramdaman.
Inutusan ako ni Tonet na magpaiwan
na kasama ni Red dahil mag-uumpisa na kaming aliwin ang mga bisita sa
performance ko. Kabado ako dahil first time kong magperform sa ganito karaming
crowd. Nangingig, literal, ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.
“Ace, relax.” Sabi ni Red. “Just
think na rehearsal lang ito at ang lahat ng mga ilaw na iyan at mga taong
nanunuod sa atin ay dating ikaw. Kailangan mo silang ma-overcome.”
Napatingin ako rito.
“Tutulungan kita.”
At sinimulan na nga niyang i-strum
gitara niya. Sa una ay hindi ko talaga maiwasang hindi manginig. Habang
tumatagal ay napapalitan iyon ng pag-eenjoy. Bawat tunog kasi na inilalabas ng
gitara eh waring tsani na isa-isang tinatanggal ang mga tiniks a pagkatao ko.
Napapikit ako, ninanamnam ang bawat mensaheng namumutawi sa mga labi ko.
Hindi ko namalayan na tapos na pala
ang isang set ko. Ang bilis ng pangyayari. Masigabong palakpakan ang sumalubong
sa akin. Tuwang-tuwa ako sa reaction nila.
“More!” Sigaw pa nila sa akin.
“Mamaya ulit guys. Set break muna,
don’t worry may dalawa pa kaming set.” Sabat ni Red.
Bumaba na kami para makihalubilo sa
mga bisita. Lahat ay nabilib sa ginawa ko sa stage. Proud na proud sila mama at
papa dahil hindi nila ine-expect na kakanta ako sa harap ng maraming tao. Ika
nga nila, nagbalik na ang dating Ace. Napangiti na lang ako.
“Cheers kay Ace at Red!” Aya ni
Angela.
At nagsipagsunuran naman kami sa
pagtataas ng baso. Matapos maubos ang laman niyon ay muli kong nakita ang
pamilyar na tao na biglang tumalikod ng mapansin nitong nakatingin ako sa
kanya. Napatingin naman si Tonet sa direksyong iyon.
“Any problem?” Tanong nito sa akin.
“No, actually I just saw someone and
he looks familiar.”
Kita ko naman ang pagbabago sa
itsura ni Tonet. Alam kong may itinatago ito pero pinabayaan ko na muna.
Maya-maya pa ay muli na kaming
umakyat ni Red sa stage para sa mga susunod na sets. Laking gulat naman nila na
sa halip na ako naman ang kumanta ay si Red na. Humalili ako sa kanya sa
pagtugtog ng gitara.
Maging ang barkada ay nabighani sa
talent na aming pinakita. Gaya kanina, malakas na palakpakan ang inihandog nila
sa amin.
Medyo matagal na rin ang celebration
pero hindi pa rin nagpapakita si Rome. Sa totoo lang hindi ko rin naman alam
kung ano magiging reaction ko kapag andito siya eh. Napatigil na lang ako sa
pag-iisip ng umakyat si Tonet sa stage.
“Excuse me guys!” Nagsipag-tahimik
naman ang mga tao sa loob. “Since we are all enjoying the night why not
ituloy-tuloy na natin ang kasiyahan. I have a very special guest here and he’s
willing to give us a song.
He’s a very close person to me.
Without further ado, I would like to present our guest, Mr. Supahman!”
At biglang nagsipag-patayan ang mga
ilaw. Mukhang may pakulo itong si Tonet ah. Ito na siguro yung surprise na
sinasabi nila kanina sa akin. Wiling-wili naman ako. Maya-maya pa ay isang
audio ang narinig naming nag-play.
I never had anything happen so fast
I took one look and i shattered like
glass
I guess i let it show 'cause your
smile told me you new
That you're everything i ever wanted
at once
There's no holding this heart when
it knows what it wants
And i never wanted anything more
than to know you
I was swept away
No one is this world but you and I
Gotta find a way to make you feel the
way the I do
I was swept away
Without a warning
Like night when the morning begins
the day
I was swept away
And so it begins
This journey of love
The summer wind carries us to places
all our own
The words of a look
The language of touch
The way that you want me means so
much
And i never wanted anything else
than to love you
Seeing my tomorrow in your eyes
I was swept away
I hope i wake up soon
Ohhh.. Im a victim of this crazy
moon
The very fist time you said my name
I knew it would never sound the same
Something about me change forever
Familiar sa akin yung song. Hindi ko
alam pero may dulot itong hagod sa aking pagkatao. Ayokong isipin na
pinaglalaruan ako pero hindi ko maiwasang hindi iyon isipin lalo pa’t
umalingawngaw na ang boses ng guest, ang boses na matagal ko nang gustong
marinig. Napaluha ako.
Kasabay nang pagluha ko ay ang
kahubdang iwinaksi nang mga ilaw sa akin. Nasa stage ang taong naging sanhi
nang mga pasakit ko, ang taong naghatid ng lumbay sa akin, ang taong walang
ibinigay sa akin kundi sakit ng ulo. Ngunit di ko maitatanggi na siya ang
nag-iisang taong nagbigay ng kulay sa mundo ko, ang taong nagbalik sa dating
ako, at higit sa lahat ang taong nagtiyaga’t nagmahal sa akin.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko
nang maramdaman kong tapos na ang kanta niya. Pumunta na ito sa table namin at
nakisalo.
“Hi guys!” Bati nito sa amin at
umupo sa tabi ko.
“Welcome back Ervin!” Sabay-sabay
nilang bigkas.
Tumingin silang lahat sa akin dahil
bukod tanging ako lang ang hindi bumati.
“Welcome Ervin.” Walang kuwenta kong
bati sabay ngiti nang pilit. Sa unang pagkakataon tinawag ko sya sa pangalan na
kinasanayan ng lahat.
“Ah eh guys, let’s toast to this!
Kumpleto na tayo!” Ang sigaw ni Tonet. Naki-ayon na rin ako para sa
ikakapanatag nila.
“Can we talk?” pabulong nyang sabi.
Napatingin ako sa kanya na blangko
ang mga mata.
“Please?” Pagsusumamo niya.
“Ace ayusin na natin ito.” Rinig
kong sabi ni Tonet
“Oo nga naman Ace.” Pag-sangayon ni
Carlo.
“Bakit ano ang aayusin? Okay naman
tayo diba?” habang nakatingin kay Rome na may pilit na ngiti. Napa-buntong
hininga ito.
I pretended that his presence
doesn’t affect me pero sa totoo lang kanina pa gustong sumabog ng dibdib ko sa
sobrang pagkakahalo nang mga emotions.
“Let me explain.” Mahina nyang sabi.
Umiling lang ako sa kanya at
ibinaling ko ang aking tingin kay Red.
“Ready ka na ba?” kita ko ang pag
tataka sa mga mata nito. Naguguluhan siguro sa inasal ko. Akala ko madali lang
ang lahat. Akala ko kaya ko syang patawarin agad pero nung makita ko ang mukha
nya bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko.
“Hi guys! Congratulation sa bagong
business nyo.” Magiliw na sabi ni Ate Claire. Kasunod nito si Dorwin.
Buti na lang dumating sila at kahit
papaano ay nabaling ang atensyon namin sa kanila. Medyo nabuhusan ang umiinit
na tension sa amin ni Rome.
“Hindi mo ba kami ipapakilala sa mga
kasama mo insan?” Tanong ni Dorwin na hindi maalis-alis ang tingin kay Red.
“Ah, eh guys this is Ate Claire and
Dorwin, mga pinsan ko.” Pagpapakilala ko sa kanila.
“Dearest cousins, these are my
friends Tonet, Carlo partner ni Tonet, Angela, Mina, her boyfriend Chad, and
Red.”
“Nice to meet you guys.” Pagbati ni
Tonet at ng iba pa.
“Same here.” Sabay beso at shake
hands naman nila. “Oh Rome andyan ka pala? Hindi ka nila kasama kanina sa stage
ah, kadarating mo lang?” Pagpansin ni ate sa kanya.
Ngumiti lang ito.
“That was a very nice story by the
way. Kayo pala ang sinasabi nitong pinsan ko na mga high school friends nya.”
Sabi ni ate Claire. “Handsome! Bakit ang tahimik mo ata.” Pagpansin ulit nito
kay Rome.
“Wala ate. Nahihiya lang ako.” Sagot
naman nito.
“Nahihiya saan?” Tanong ni ate
Claire.
“Ah eh…”
“Red, tara na may last set pa tayo.”
Bigla kong aya kay Red.
Napatayo naman ito bigla dahil sa
hinablot ko siya agad. Parang puppet na sumusunod si Red sa likuran ko. Wala
siyang magawa sa ginagawa ko sa kanya.
“Guys, thank you for coming! This
will not be a successful event kung hindi dahil sa suportang ibinigay niyo sa amin.
We owe this all to you! At dahil dyan, we’ll be giving you the most special
songs, Red and I will sing them to your hearts.”
At muli na naman na pinatugtog ni
Red ang gitara habang kumakanta ako. Dalawang songs ang inihanda naming pareho
at ang huling kanta naman ay ang kantang sumisimbolo sa pagkakaibigan naming
pito.
You just call out my name
And you know wherever I am
I’ll come running, to see you again.
Winter, spring, summer or fall
All you have to do is call
And I’ll be there, yes I will
You’ve got a friend.
“Enjoy the rest of the night guys!”
Sambit ko bago bumaba nang stage.
“That song made me cry!” Sabi ni
Angela.
“Kahit kailan, hindi talaga kayo
nawawalan ng surpresa.” Sabat naman ni Mina.
“Congratulations!” Wika nang daddy
ni Rome na kung saan ay biglang sumulpot.
“Salamat po.” Sabay-sabay naming
sagot.
“Congratulations din sa’yo Ace for
bringing up a very good show. You amazed everyone tonight with your voice.
Hindi namin akalain na ang future manugang namin ay mahilig din pala sa music.”
Dahil sa naring mula kay tito ay
pianmulahan ako nang pisngi.
“Naku tito, hindi naman po.” Sabad
ko na mas piniling yumuko na lang.
Natatakot kasi ako na baka makita
nito sa mga mata ko na labis akong natuwa sa binanggit niya.
“If you’ll excuse us guys, hiramin
ko muna si Ace sa inyo.” Pamamaalam ni tito.
Nagulat ako sa sinabi nito maging
ang mga kabarkada ko ay bakas ang pagkamangha.
“Mukhang kikilatisin na nang daddy
mo si Ace, Ervin.” Walang kagatol-gatol na eksena ni Angela.
Hindi ko na nakita pa ang reaction
ni Rome dahil hinila na ako papalayo ni tito. Naglalakad lang kami sa saliw ng
mga ilaw. Hindi ko sigurado kung saan kami patutungo pero sa napapansin ko
tinatahak naming dalawa ang daan palabas.
Bakas man ang pagtataka ay pinilit
kong maging kalmado. Naging seryoso kasi ang aura ni tito simula nung lumayo
kami sa barkada.
“Kamusta kayo ni Rome?” Panimula
niya.
“Ah, eh…” Hindi ako makaapuhap ng
maisasagot.
“Alam mo ba Ace? The first time na
malaman naming magkakaanak kami nang lalaki, sobrang tuwa ang naramdaman ko
kasi hindi mawawala ang apelyido namin. I was very proud of myself lalo na kila
mama.”
Tumingin ito sa akin bago
nagpatuloy. “Sa sobrang ligaya ko, I’m willing to do everything para mabuhay ko
sila hanggang sa sinubok kami nang pagkakataon. Nagkahiwalay kami, nagalit sa
akin ang pamilya ko at tuluyang inilayo si Rome sa akin. I was devastated sa
mga nangyari sa buhay ko.”
Kita ko ang pamumula nang gilid ng
mata ni tito, nagbabadya ito nang isang malakas na emosyon.
“I am left with no choice lalo pa
nang malaman kong out of reach na ang asawa at anak ko. I have to stay strong
at naghanda ako para sa muli naming pagkikita. When I thought the time is
right, bumalik ako to claim them back. Mahal na mahal ko sila lalo na nang
makita ko si Rome. Sobrang ligaya ko noon lalo pa nang malaman kong dadalhin
niya yung taong minamahal niya.”
Napatahimik siya saglit tumingin sa
langit bago muling nagpatuloy. Alam kong pinipigilan niyang mapaluha.
“Alam mo bang gumuho mundo ko noon
ng malaman kong lalaki pala ang tinitibok ng puso nang anak ko?” Sabi nito.
Ramdam ko sa kanya ang
panghihinayang.
“Hindi matanggap ng pride ko ang
nangyari kay Rome. Sinisisi ko ang sarili ko. Siguro kung hindi ako nagpumilit
na umalis ng bansa, magagabayan ko siya sa kung ano ang dapat.”
Mula sa mga naririnig ko kay tito,
parang biglang pumasok sa isip ko na tama siguro ang desisyon kong putulin na
yung special connection namin ni Rome. Ama at lalaki si tito kaya naiintindihan
ko ang kagustuhan nitong maitaguyod ni Rome ang apelyido nang pamilya nila.
Alam na alam kong hindi ko iyon maibibigay sa kanya.
Napaluha ako. Tumalikod ako sa
kanya.
“Lahat ng pangarap ko para sa kanya
biglang naglaho. Ito siguro ang tinatawag nilang karma.” Naramdaman ko ang
paglapit nito sa akin.
“Aware ako na may inuwing babae one
time si Rome at natuwa ako dahil posibleng may mangyari sa kanila at
magkatuluyan sila. Pinanalangin kong sana mabuntis niya iyong babae para naman
mabigyan ako nang apo. Ngunit nakita kitang mabilis na umalis ng bahay na
umiiyak. Aaminin ko, nasaktan ako nang makita ka sa ganoong ayos. Naging unfair
ako sa’yo. Patawad Ace.”
“Hindi mo kailangang humingi nang
tawad sa akin tito. Naiintindihan po kita.”
Umiling ito bago nagsalita. “Hindi
Ace, kailangan kong humingi nang sorry. Na-guilty ako sa kagaspangang naisip ko
para sa’yo. Doon ko lubos naintindihan na mahal mo rin ang anak ko ngunit
natatakot kang masaktan.”
Kapwa kami napatahimik.
“Ace, anak, hindi ko sinasabi ito
dahil gusto ko kayong paglayuin ni Rome. Masaya ako na makitang masaya yung
anak ko sa piling mo. Ngayon ko pa lang nakasama ang anak ko pero kita ko sa
kanya ang paninindigan na hindi ko nagawa noon. Napakatatag niya gaya nang mama
niya.”
Nanatili akong tahimik.
“Ace, makinig ka. Hindi ko hangad na
saktan ka. Kung tutuusin, anak na ang turing ka sa’yo. Hindi ko magawang
pasakitan ka lalo pa’t ikaw ang siyang daan sa pagkaka-ayos naming mag-ama.
Napakabuti mo, isa kang karma, napakabuting karma.”
Ngumiti ito sa akin. Alam kong taos
sa puso nito ang ngiting iyon ngunit may agam-agam pa rin ako sa aking dibdib.
“Huwag kang mag-alala, lalaki rin
ako kaya naiintindihan ko kung bakit may pag-aalangan ka. Sana lang makapa mo
sa puso mo kung ano ba talaga si Rome sa’yo. Mahal na mahal ka nang anak ko.”
Niyakap ako nito nang mahigpit.
“Na-realize ko na kailangan ko nang
tumulong sa inyo lalo pa nang marinig kong kinanta ni Rome yung kantang itinuro
ko sa kanya nung bata pa siya. Naalala ko lahat ng mga pagpupursige niya at ang
pinangako niya noon.”
“Pinangako?” Bigla kong naisumbat.
“Special ang kantang iyon sa amin ng
mama niya kaya naman pinilit niyang aralin iyon. Alam mo naman ang mga bata,
kung anong maibigan ay siya nilang gagawin kahit na mahirapan sila. Isang gabi,
narinig ko siyang umiiyak kaya’t tinanong ko siya kung bakit. Nahihirapan daw
siyang buuin ang kanta.”
Matama lang akong nakikinig sa mga
salita ni tito.
“Nasabi ko sa kanya na magagawa mong
mabuo ang kanta kung may isang tao ka nang tapat at tunay na minamahal. Sa
pagkaka-alala ko, never niyang nabuo yung song hanggang sa magkahiwa-hiwalay
kami. Alam mo Ace, sa tingin ko nahanap na ni Rome ang taong iyon kung kaya
nagawa niyang mabuo ang kanta.”
Natameme ako. Ayokong isipin na ako
ang tinutukoy ni tito na taong tapat na iniibig ni Rome. Ayokong umasa.
“Ace, iparamdam mo sa kanya kung ano
talaga ang saloobin mo. Huwag kang matakot na ipakita sa kanya ang pagmamahal
na nararapat para sa kanya.”
“Opo tito. Gagawin ko ang lahat para
maparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.”
“And by the way, bigyan niyo kami
nang apo huh. Ace, I want you to foster my grandchildren.” Napanganga ako sa
sinabi nito.
Ilang minuto na rin ang nakalipas
matapos ang pag-uusap naming iyon ni tito ngunit patuloy na umaalingawngaw sa
isip ko ang mga huling katagang binanggit nito sa akin.
“Dali na, toast na!” Biglang sambit
ni Angela na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Agad naman na inabot ni Tonet yung
inumin ko.
“Cheers para sa ating lahat at para
future partner ng groupo!” Sabi ni tonet.
“Sino naman yon?” Nag tatakang
tanong ko sa kanila.
“Uminum kanalang dyan dami mong
tanong!” Sagot naman ni Red.
Pansin ko na parang hinihintay nila
na maubos ko yung inumin ko. Nagpaunlak ako. Kuwentuhang wagas ang namayani sa
amin. Nanatiling tahimik si Rome sa tabi ko hanggang sa namalayan ko na lang na
umiikot ang mundo ko.
“Guys, lumilindol ba?” Tanong ko sa
kanila.
Hindi ko na nagawa pang marinig ang
sagot nila dahil sa sobrang hilo. Maya-maya pa ay may mga bisig na bumuhat sa
akin at dinala ako sa kung saan. Hindi ako nakaramdam ng takot, sa halip, mas
nakaramdam ako nang kapanatagan at security.
Mataas na ang sikat ng araw ng
magising ako. Sapo ko ang ulo ko habang pinipilit bumangon. Nagulat na lang ako
sa tumambad sa akin.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment