http://zildjianstories.blogspot.com
Kinaumagahan agad kaming tumungo na sa bahay nila Rome para
ipaalam sa parents nya na dumating na kami. Gusto nyang doon nalang kami mag
lunch sa kanila. Habang nasa daan kami pinag uusapan namin ang bago naming
setup.
Nasa ganun kaming usapan ng maalala
ko na kailangan ko rin palang ipakilala si Rome sa mga pinsan ko ngayong kami
na. Isa yon sa napag desisyunan ko kagabi pagkatapos naming mag talik.
Paninindigan ko ang relasyon namin tulad ng ginawa nya. Wala akong paki-alam
kung anu ang sasabihin ng mga pinsan ko sa akin ang importante masabi ko sa
kanila na si Rome ang mahal ko. Ang kinakabahala ko lang sa gagawin ko ay ang
mga Aunties at Uncle ko isama mo na sina lolo at lola. Alam kong hindi ganito
kadaling tanggapin ang relasyon namin pero anu ang magagawa ko tinamaan na ako
eh.
Dumating kami ni Rome sa bahay nila
mag aalas 12 na nang hapon.
“Mommy were home!” Pasigaw na pag
tawag ni Rome sa Mommy nya.
“Sigurado ka na nandito sila? Baka
umalis para atang walang tao.” Sabi ko sa kanya.
“Sure ako na nandito sila. Tinext ko
si Mommy na pauwi na tayo kanina.” Sagot nito sa akin.
Agad namang ibinaba ni Rome ang mga
gamit nya sa gilid ng pintuan nila bago namin pinuntahan ang kusina. Baka kasi
nag lulunch na daw ang mga magulang niya dahil sa walang katulong na nagbukas
sa amin.
Pag kapasok namin sa kusina nagulat
nalang kami pareho sa biglang pag sulpot ng Mommy at Daddy ni Rome sa likod
namin.
“Welcome back!” mag kasabay na sabi
ng parents nya.
Sabay kaming napalingon ni Rome.
“Wag naman kayong manggulat.”
Reklamo nito na ikinatawa ng mag-asawa.
“I can see na effective ang
pangingidnap mo kay Ace. Okey naba kayo anak?” Sabi nang Daddy nito.
“Naku Dad more than okey!” Sabay
akbay nito sa akin.
“That’s good. Does this mean na hindi
kana ulit araw-araw mag lalasing?” sabi ng mommy ni Rome. Napangiti ako dahil
ramdam ko talagang mahal na mahal sya nang parents nya.
“Promise hindi na.” ang sagot nito
na habang naka ngisi.
“Good. Halina kayo nang makapag
lunch na tayo alam kong gustom na kayo.”
Tinungo na namin ang dining table
para kumain. Konting usapan at kwentohan ang namayani habang kami ay kumakain.
Kita ko sa mukha ng parents ni Rome ang saya siguro dahil okey na ulit ang anak
nila. Tawanan kami habang kenukwento ni Rome ang ginawang plano nila ng barkada
para ma dala ako sa isla nina Carlo.
Napagusapan din namin ang nalalapit
na birthday ng mommy nya na invited ang mga magulang ko.
Napagusapan namin ni Rome si Red
nang makapasok kami sa kwarto nya. Sinabi ko kay Rome ang kabaitan ni Red nung
mga panahong wala sya. Nag promise naman sya sa akin na aayusin nia ang gusot
nila ni Red.
“Rome punta tayo sa bahay nina lola
bukas sakto family day namin. Ipapakilala kita sa kanila.” Sabi ko sa kanya.
“Di ba nakakahiya?” Nag aalangan na
tanong nito sa akin.
“Hindi yan. Nandoon naman sina Ate
Claire eh. Para narin makilala mo ang iba ko pang pinsan.”
Walang hiya hiya na tinanggal ko
lahat ng saplot ko sa katawan habang nakatalikod kay Rome tutal nakita na naman
nya lahat. Lumapit naman ito sabay yakap sa akin at hinalik halikan ang batok
ko.
“Umayos ka. Baka mahuli tayo ni
Tita.” Sabi ko sa kanya habang natatawa.
“One round lang Supah Ace.” Sagot
nito habang hindi parin humihinto sa pag halik halik sa batok ko.
Dinidilaan din nito ang kaliwang
tenga ko. Ramdam ko na unti unting tumitigas ang nasa gitna ng mga hita nya
habang kinikiskis nya ito sa likod ko.
“Loko ka masakit pa! Baka duguin
nanaman ako.” sabi ko dito na ang ibig sabihin ay ang butas ko na kahit ngayon
ay mahapdi pa. Kinabig naman nya ako paharap sa kanya at binigyan ako ng halik
sa labi.
“Sige na nga. Ayaw ko na nasasaktan
ang asawa ko eh.” Sabi nito nang mag hiwalay ang mga labi namin.
“Naks! Banatero ka talaga. Paki kuha
naman ako ng damit sa bag Mr. Malibog. Makiki Shower na rin ako para fresh.”
Pakiusap ko sa kanya.
“Pwedi ba sabay nalang ako para
pareho tayo fresh?” sabay bigay ng nakakalokong ngiti.
“Humihirit kapa eh! Hindi pwedi!
Naligo ka na kanina bago tayo umalis.” Ang natatawa kong sabi dito.
“Akala ko kasi makakalusot.” Sabay
kamot nya ng ulo. “I love you Supah Ace.”
“Akala mo lang yon.” at binigyan ko
sya ng matamis na ngiti. “I love you too Mr. Malibog.” At dumeretso na ako sa
banyo para maligo.
Wala kaming ibang ginawa ni Rome
kung hindi ang magkulita sa kwarto nya. May mga pagkakataong nag lalambingan
kami at humihirit sya ng isang round. Ngunit hindi sya maka score sa akin dahil
ayokong mapansin nila bukas na iika ika akong maglakad.
Alas 11 palang ay linisan na namin
ang bahay nila Rome at tinahak ang daan papunta sa bahay nina lola. Habang nasa
kotse kinuha ni Rome ang kamay ko at gi-nap nya ito sabay patong sa hita nya.
Minsan hinahalik halikan pa nya ito. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing
ginagawa nya iyon. Ganito pala kasaya ang feeling ng nagmamahal. Sobrang
pasalamat ko sa mga barkada ko dahil sa ginawa nila at syempre pati na rin kay
Chad sapagkat kung hindi dahil sa pagpapakita nya malamang nakakulong parin ako
ngayon sa nakaraan ko.
Narating namin ang bahay nina lola.
Agad na pinark ni Rome ang sasakyan nya at pinatay ang makina nito.
“Dyan ka lang.” Sabi ni Rome sa
akin. Nag taka man ako ay sumunod na lang sa kanya. Agad syang bumaba at umikot
para pagbuksan ako ng pinto.
“Gentle Dog ka ngayon ah.” biro ko
sa kanya nang mapagbuksan nya ang passenger seat kung saan ako nakaupo.
“Syempre naman mahal kita eh.” Sagot
naman nito habang nakangisi.
“Keso! Tara na sa loob.”
Pagkapasok namin sa loob ng gate
kita namin ang mga pamangkin ko na busy sa paglalaro nang habulan. Napansin
agad ni Ram ang presensya namin.
“Uncle Rome!” sigaw nito sa pangalan
nya sabay takbo para salubungin kami.
“Aba! ikaw ang tinawag hindi ako.”
tampu-tampohan kong sabi sa kanya.
“Syempre mas pogi ako sayo eh.” Sagot
naman nito sa akin.
Hindi na ako nakasagot pa dahil
nakalapit na si Ram kasama ang mga pinsan nya. Agad itong yumakap sa amin ni
Rome at binigyan kami ng halik sa pisngi. Lumapit naman sa akin ang iba at
binigyan din ako nang halik.
“Hello Handsome how are you.” Tanong
ni Rome sa bata.
“Im doing good Uncle Rome. I would
like you to meet my cousins” sabay harap nito sa mga pinsan nya. “This is
Maxine, Her sister Beverly, Asley and his little brother Tomtom.” Pakilala ng
bata sa mga pinsan nya.
“This is my uncle Rome he was the
one that I was talking about.” Sabi nito sa mga pinsan nya.
“Hello Uncle Rome!” sabay sabay na
sabi ng mga bata.
“Hello guys nice to meet you.”
Binigyan nya ito nang matamis na ngiti.
“Ace!! Sa wakas dumating ka rin!” Agaw
eksenang sigaw ni Ate Claire mula sa pintuan nang bahay. Napalingon kaming
lahat sa kanya.
Agad itong lumapit sa amin.
“Kung makasigaw ka naman parang ewan
lang.” banat ko rito. Ngunit imbes na sagutin ako ibinaling nito ang atensyon
kay Rome.
“Kamusta ang pangingidnap mo sa
kanya Handsome?” tanong nito kay Rome.
“Successful naman ate.” At ngumisi
ito sa akin.
“Mabuti naman. Kala namin kung ano
na nangyari riyan nang makita naming buhat buhat mo. Buti na lang at sinabi sa
amin ni Antonet ang dahilan kung bakit nag-collapse yang pinsan ko. Drama lang
pala.” Ang natatawa nitong sabi. Nagkatawanan kaming tatlo.
“Oh sya tara na sa loob kanina pa
kayo hinihintay nina Tita evette.”
Pumasok na nga kami sa loob ng
bahay. Kinakabahan ako dahil siguradong may kaepalan nanamang sasabihin si Tita
Laura sa akin.
Agad naming pinuntahan sila sa likod
ng bahay kung saan nandoon sila. Nakita kami ni mama na palapit sa kanila.
“Dito na pala sila Ace.” Pagkuha nya
nang attention ng iba. Agad namang natigil ang usapan nila at napatingin sa
gawi namin.
“Walang pinagbago late pa rin.”
Banat agad ng auntie Laura ko na sa hitsura ngayon ay mas lalong nagmukhang
nakakatakot.
“Pasensya na po.” ang naisagot ko na
lang at umupo na kami ni Rome sa mahabang lamesa at pinipilit na pakalmahin ang
tensiyon sa katawan ko sa binigay na pang-welcome niya samin.
“Iho, di mo ba ipapakilala sa amin
ang kasama mo?” tanong sa akin ng auntie Wilma, mommy ni ate Claire.
“Pasensya na po.” Ang pagpapaumanhin
ko. Isang batas kasi ng pamilya namin na wag kalimutang ipakilala kung sino man
ang bago sa paningin nila.
“This is Ervin Rome Ruales my
uhmmm..” Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung dapat ko
nabang sabihin sa kanila ang totoo.
“His special someone.” Sabat ni
Mmama na kinabigla ko. Nakita kong napangisi si ate Claire at Dorwin habang ang
iba ko namang pinsan ay kita sa mga mukha nila ang pagkabigla.
Agad namang napataas ang kilay ni
auntie Laura. Sinisipat nito si Rome at tinatantya kung totoo ba ang sinabi ni
mama sa kanila. Matapos iyon ay tumingin ito sa akin ng nakakainsulto.
“How are you related to Dra. Nancy
Ruales iho?” tanong naman ng mommy ni Ate Claire.
“ahh.. ehh.. She’s my mom.” Nahihiya
nitong sagot.
“Small world! Anak ka pala ni Dra.
Ruales.” Sabi nito na may pagkabigla.
“Opo.” Matipid na sagot nito. Halata
pa rin sa mukha nito na nahihiya sya.
“How did you know Nancy ate?” sabat
naman ni mama.
“Who wouldn’t? Dra. Ruales is one of
the famous cardiologists here in our place. My friend recommended me to her.
Sya ang doctor namin ni Mama.” May pagkaproud pa nitong sabi.
“Hindi ko alam na cardiologist pala
si Nancy all I know is she’s a doctor. I should have spend more time with her
medyo di kasi kami nakapag-usap ng maayos nung magkita kami sa opening ng bar
nila Ace.” Ang nasabi nalang ni Mama.
“Tama ba ang rinig ko? Special
someone?” Di makatiis na sabat ni Tita Laura.
“Yes ate special someone sya ng anak
ko.” Sagot ni mama na nakangiti sa amin ni Rome. “Alam naman natin dati pa kung
ano talaga kung ano si Ace di ba. Hindi kami naglihim sa inyo na bata pa lang
siya ay napansin na namin ang pagiging mahinhin niya at ang paglalaro nito nang
manika instead na baril.” Pinamulahan ako nang pisngi sa sinabi ni mama.
“I can’t believe this. So,
tinolerate nyo lang sya at hinayaan sa kabaklaan nya?” may galit nitong sabi.
Natahimik ang lahat. Parang may pwersang biglang dumaan. Kita ko ang pag-ismid
ng mga pinsan ko maski ang mga anak ni Tita Laura ay napa ismid sa insal nya.
“Can you just calm down please ate.
Kami nga na magulang siya eh tinanggap siya nang buo, bakit hindi mo magawa?”
Sumbat ni mama.
“He’s a disgrace sa pamilya natin,
isang kahihiyan. Hindi mo na ginalang ang pagiging military ni daddy!”
Nanggagaliti pa rin nitong sumbat.
Napayuko na lang ako. Hinawakan
naman ni Rome kamay ko saying na everything will be fine. Tiningnan ko siya at
nasilayan ang ngiti sa kanya. Nabuhayan ako dahil sa ngiting iyon. Magsasalita
na sana ako nang biglang umalingawngaw ang tinig ng batas.
“Laura!” May authority na sabi ni
lolo.
“What dad? Kakampihan mo rin yang
apo mong bakla? Kaya lumaking ganyan yang batang yan dahil kinukunsinti nyo
lagi.” Mas lalo pa syang nagalit dahil sa pagpigil sa kanya ni lolo.
“Laura watch your manners! Hindi
kita pinalaki para sagutin ng ganyan ang daddy mo. Besides, nasa harapan tayo
nang pagkain.” May diin na sabi ni lola. Mas lalo akong kinabahan sa tensyon na
namamayani.
“I can’t believe all of you!” Sabi
pa nito na akmang tatayo na sana nang muling magsalita si lolo.
“We’re getting old and sooner or
later magpapaalam na rin kami sa mundong ito. We don’t want na dumating ang
araw na iyon na may hinanakit kami sa kinahinatnan ng mga apo namin lalong lalo
na kayong mga anak namin. We just want to make the most out of the remaining
days in our lives. Why don’t you give Ace a chance. Hindi siya kagaya nang
asawa mo. They me be the same but that doesn’t mean na pareho sila nang likaw
ng bituka. Ace is more than what you think Laura, take time to know the real
Ace.” Mahabang litanya ni lola.
“Ate Laura, matagal na nating
tinanggap sa pamilyang ito ang kalagayan ni Ace. Napag-usapan na rin natin na
kahit kailan hindi manggagaling sa pamilyang ito ang pangungutya sa anak ko.
Kaya nga natin di ipinaalam sa mga pinsan nya dahil hindi natin saklaw ang
magiging reactions nila pag nalaman nila ang katotohanan. Marangal naming
pinalaki si Ace at may tiwala kami sa kanya.” Ang may diing sabi ni Papa.
Nabigla ako sa nalaman. Noon pa man
pala ay alam na nang pamilya ko ang tungkol sa akin. Kahit papaano ay nawala
ang agam-agam sa puso ko.
Natahimik si auntie Laura sa sinabi
ni Papa. Ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa argumento nang
magkakapatid.
“Tama si Arnold, Laura.” Sabat pa ni
Tito Ruben, ang papa nina Dorwin at Dave.
“Besides gwapo naman itong si Rome,
they’ll make a very good couple. Tsaka her mom is our cardiologist, makakahingi
na kami ni mama nang discount sa kanya.” Dagdag pa ni auntie Wilma.
“You’re right hija. Sabihin mo hijo
sa mama mo na since payag na kami sa relasyon niyo, it’s a little bargain na
yung discount sa PF niya samin.” May ngiting sabi ni lola kay Rome.
“Okay po. Makakaasa po kayo. Kahit
libre na nga eh.” sagot naman ni Rome.
“Kung makapag-decide ka eh kala mo
ikaw ang cardiologist.” Banat ko na naging dahilan ng tawanan naming lahat.
Hindi pa rin maipinta ang mukha ni
auntie Laura sa naging pagtanggap sa amin ni Rome.
“Alam na ba ng parents mo hijo about
sa inyo?” Ang biglang tanong ni lola.
“Opo matagal na po.”
“So wala na pa lang problema. Kung
sa side nang lalaki ay tanggap sila so bakit di natin magawa?” ang nakangiting
wika ni lolo.
“So kelan pala ang kasalan?” Biglang
sumbat ni ate Claire.
“Oo nga naman Ace, Rome. Kelan kayo
ikakasal?” Tanong din ni uncle Ruben.
Namula ako sa mga tanong nila.
Pinagkakaisahan na naman nila ako. Naku, Gisahan 101 na naman.
“Baka next year na po.” Nakangiting
sumbat ni Rome.
Kinurot ko naman ito sa may
tagiliran. Napa-aray siya sa ginawa ko.
Para akong nabunutan ng tinik sa
aking mga narinig. Di ako makapaniwala na matagal na palang alam ng mga aunties
at uncles ko ang tungkol sa akin. Ito lang naman kasi ang inaalala ko noon pa
man at hindi ko akalaing tanggap pala nila ako. Ngayon okey na ang lahat mas
lalo akong nakaramdam ng saya. Tumingin ako kay Rome at nagbigay ng matamis na
ngiti. Kumindat naman ito sa akin at palihim na hinawakan ang kamay ko sa
ilalim ng mesa.
Nagpatuloy ang kinagawian ng pamilya
na Gisahan 101. Sino pa ba ang ginigisa kung hindi kami ni Rome. Panay naman
ang tawanan ng mga pinsan ko sa tuwing di nakakasagot si Rome sa mga tanong
nila
nauunahan kasi ito nang hiya. Si
auntie Laura naman ay piniling manahimik na lang at nagngingitngit. Talo na sya
eh. Alam kong hindi pa rin nya kami tanggap pero wala na akong pakialam sa
kanya. Sabi nga nila “You cannot please everybody.”
Nagtapos ang buong araw namin sa
pamilya ko. Nag-umpukan kaming magpipinsan kasama si Rome. Buti na lang at
nag-fit in si Rome sa kanila. Lahat sila ay masaya para sa amin. Lahat sila ay
suportado kami. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong bundo. Nasa akin na
ata ang lahat.
Gusto ko pa sanang puntahan ang mga
kabarkada namin pero pagod na si kolokoy dahil halata na sa mukha nito ang
sobrang antok kaya naman napag-desisyunan na naming umuwi sa kanila.
Lumipas ang mga araw at hindi pa rin
nawawala ang saya namin ni Rome sa aming bagong relasyon. Nandyan ang
makikitulog sya sa bahay o kaya ako naman ang makikitulog sa bahay nila. Ang
mga barkada naman namin ay busy sa bago naming negosyo kaya naman hindi kami
masyadong nakakapagbonding. Konting text at tawagan lang ang nangyayari.
Lumipas pa ang ilang araw at
dumating na ang araw ng birthday ni auntie Nancy. Hindi kami nagkita ni Rome
buong araw ng Byernes dahil busy sila sa mga preparation. Sya kasi ang ginawang
driver ng mommy nya habang ang daddy naman nito ay umuwi ng Surigao para kunin
ang iba pa nilang relatives.
“Anak mauuna na kami ng daddy mo
sayo. Sasabay ata si auntie Wilma mo sa amin.” Bungad ni mama sa akin habang
nasa kwarto ako at katatapos lang maligo.
“Pupunta si auntie Wilma?” Takang
tanong ko sa kanya.
“In-invite din sya nang mommy ni
Rome. Remember your byenan is the cardiologist of your auntie Wilma.” Sagot
nito habang nakangisi.
“Ah ganun ba? Nice.” Ang nasabi ko
na lang na hindi pinansin ang pang-iinis nya.
“Susunduin ka ba ng prince charming
mo?” tanong nito sa akin. Ayaw talaga papigil.
“Yon ang sabi nya. Pero okey lang
naman kung hindi naiintindihan ko naman na busy ang taong yon ngayon.” Sagot ko
dito.
“How about your friends are they
going to attend?”
“Yes, sarado ngayon ang bar dahil
gusto ni Rome kumpleto kami. We have an announcement to make daw kasi.” Sabay
ngisi ko sa kanya.
“Announcement? Buntis ka na ba?”
singit ni Papa nung makalapit sa amin.
“Daddy naman!” ang namumula kong
sabi dito.
“Bakit ka namumula? Naku ang anak ko
di na virgin.” Pang-iinis pang lalo nito.
“Daddy pwede ba!” Mas lalo akong
namula sa sinabi nito. Tinawanan lang nila ako ni Mama.
“Hon lets go. Nakakahiya sa mga
byenan natin kung paghihintayin natin sila.” Sabay ngisi nito sa akin ng
nakakaloko at umalis na.
Napailing nalang ako sa kalokohan ng
mga magulang ko. Nag bihis ako, formal attire ang tema ng birthday ni Tita
Nancy. Habang busy sa pag lalagay ng wax sa buhok biglang nag ring ang phone
ko.
“Oh bakit?”
“Malapit na kami sa bahay nila Rome
nasa likod na namin si Red. Ikaw san kana?” sabi ni Tonet sa kabilang linya.
“Nag bibihis palang ako.” Pero ang
totoo nakapag bihis na ako gusto ko lang talaga syang inisin.
“Anu?? 7:30 na Ace at nag bibihis ka
palang??” bulyaw agad nitong sabi sa akin.
“Sorry naman! Slow poke ako eh.”
Pang aasar ko pa lalo.
“Hay naku! Sige na babay na dito na
kami sa kanila. Bilisan mo!” sabay baba nito ng tawag.
Tatawa tawa akong pinag patuloy ang
pag aayus ng buhok ko. Mga ilang minuto pa ang nakalipas nang makarinig ako ng
katok. Pagkabukas ko ng pinto ay napa nganga ako sa ka gwapohan ng mahal ko.
“Ang pogi naman ng asawa ko. Did you
miss me?” Nakangiti nitong sabi sa akin sabay halik.
“Kahapon lang kaya tayo di nag
kita.”
“Kahit na. Na miss pa rin kita.”
“Cornetto!” Biro ko sa kanya.
“Anong Cornetto?”
“Corny ka.” sabay tawa ng malakas
“Nga pala nasa bahay nyo na sina Tonet.” Pagbibigay impormasyon ko sa kanya.
“Alam ko, tinawagan na nya ako. So,
lets go?” Tango na lang ang isinagot ko sa kanya at agad na kaming bumaba at
tinungo ang sasakyan nya. Pinagbuksan muna nya ako nang pintuan bago sya
sumakay. Nagpaka-gentleman talaga ang lokong to.
Agad nyang pinaharurot ang sasakyan
at binagtas ang daan papunta sa kanila.
“Supah Ace?” Pag tawag nito sa
atensyon ko.
“Yep?” Pero di parin ako lumingon sa
gawi nya.
“Di ba asawa na kita?”
“Karelasyon lang Rome wag kang
mangarap.” Ang pagpapatawa ko.
“Seryoso ako.” Sabi nito sa seyosong
tono.
Napatingin naman ako sa kanya.
“Naisip ko lang kung okey sayo ang
idea na bumukod tayo?” seryoso nitong natanong sa akin. Nabigla ako sa naisip
ni Rome hindi kasi sumagi sa isip ko ang ganung setup. Okey naman kasi kami sa
setup na minsan sa kanila ako natutulog o sya naman ang matutulog sa bahay.
“Okey I think it’s not a good idea.”
Batid ko ang disappointment sa boses nya nang hindi ako nakasagot sa kanya.
“Hindi naman sa ganun kaso wala pa
tayong trabaho Rome. Ano ang kakainin natin pag bumukod tayo at san tayo kukuha
ng pangrenta? Nagastos ko na ang ipon ko sa bar.” Pag-eexplain ko sa kanya.
“Gusto ko lang naman na masolo na
kita. Pwedi naman ako maghanap ng trabaho eh.” Pagrarason naman nito.
“Hanap ka muna trabaho bago ka
magyaya.” Sabay ngisi ko sa kanya.
Hindi na ito sumagot at pinagpatuloy
ang pagmamaneho. Nakaramdam naman ako nang guilt sa ginawa ko. Alam ko kasing
pag natahimik ito ay siguradong nagtatampo.
“Alrigh kelan natin sisimulan mag
balot?” Pag basag ko sa pananahimik nya. Kita ko na biglang nag liwanag ang
mukha nito sabay bigay nito nang matamis na ngiti sa akin.
“I will ask our parents regarding
that. Inuna muna kita para sure na.” sabay kindat nito sa akin.
Napatawa na lang ako sa ginawa nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ng marating namin ang bahay nila Rome. Kita ko na
marami nang tao sa garden nila na nagkakasiyahan. Agad nyang inihinto ang
sasakyan at lumabas para pagbuksan ako.
“Lets go wifey.” sabay lahad ng
kamay nito nung mapagbuksan nya ako nang pinto.
“Wifey? Bago yan ah.” ngiti lang ang
isinagot nito sa akin. Di ko talaga pagsasawaan ang ngiti ni Rome. Iyon ang
ngiti na nagbigay sa akin ng ibayong saya nung mga panahon na malungkot ako at
nag-iisa.
Agad naming tinungo ang garden nila.
Kita ko naman agad ang barkada namin sa isang lamesa. Busy ang mga ito sa
paglamon habang ang mga magulang ko naman at si Auntie Wilma ay nasa gazebo
lamesa malapit sa mini fountain nila Rome kasama ang daddy at mommy nito.
“Dito na pala sila.” Ang narinig
kong sabi nang Daddy ni Rome.
“Ace, Rome.” Pagtawag naman ng Mommy
nya sa amin. Agad kaming lumapit sa kanila at sinenyasan ang mga kabarkada
namin na saglit lang.
“Happy Birthday po Tita Nancy!”
“Thank you iho.” Sabay beso nito sa
akin.
“Bakit di mo naman sinabi agad na
kapatid pala nang mommy mo si Wilma.”
“Pasensya na po hindi ko rin kasi
alam na patient nyo pala sila nang lola ko.” Pagpapaumanhin ko rito.
“Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko
sa iyo nung una pa lang kitang makita. Connected ka pala sa isa sa mga
pinakamasunurin kong pasyente.” Sabay tawa nito na sinundan naman ni Auntie.
“Mommy maya mo na interrogate ang
asawa ko. Nagugutom na kami.”
“Oh sige kain muna kayo nak. Mamaya
ipapakilala ko ang asawa mo sa mga kaibigan at mga katrabaho ko.”
Ngiti lang ang naisagot ko dahil di
pa rin ako sanay na tinatawag ako na asawa nang mga magulang ni Rome. Agad
kaming pumunta sa buffet table para kumuha nang pagkain.
“Napakalambing talaga nang anak mo.”
Ang dinig kong komento ni Mama.
“Ang lambing ko raw.” Sabi naman ni
Rome na narinig din pala ang sinabi ni mama sabay akbay sa akin.
“Umayos ka nakakahiya sa mga bisita
nang mommy mo.” Ang pabulong kong sabi sa kanya.
“Bakit kinakahiya mo ba ang itsura
kong to?” sabay pa-beautiful eyes ni gago.
“Behave Mr. Malibog dahil kung hindi
zero ka buong buwan.” Pabulong kong pananakot sa kanya. Agad naman itong
nagbehave na parang bata na takot na hindi mapagbigyan ang gusto. Napangisi ako
dahil alam ko na ngayon kung ano ang gagamitin kong panakot sa kanya.
Pagkatapos naming kumuha nang
pagkain ay agad naming tinungo ang lamesa kung saan nag-uumpukan ang barkada.
Minsan na lang kaming magkita-kita ngayon dahil busy ang mga ito sa mga
buhay-buhay nila katulad namin ni Rome.
“Kumusta ang lovebirds? may label na
ba?” bungad ni Tonet ng makaupo na kami.
“Actually, isa yan sa mga dahilan
kung bakit gusto ko kumpleto tayo ngayon.” Sagot naman ni Rome.
“Ayay! So kayo na nga talaga?” Tila
naman kinikilig na sabi ni Angela.
“Noong nasa Isla pa kami.” sagot ni
Rome na may pagka-proud.
“So may nangyari na sa inyo? Sino
ang nagpa-ano at um-ano?” Walang pigil na sabi pa nito. Umandar na naman ang
pagiging taklesa nito.
“Ang baboy mo!” Alam kong namula ako
dahil uminit ang magkabila kong pisngi. Ikinatawa naman nilang lahat ang
reaction ko except Red na nakatingin lang sa akin.
“Gusto ko lang sabihin sa inyo na
salamat sa lahat ng naitulong nyo sa amin ni Supah Ace lalo na sayo Tol.” At
ngumiti ito kay Red. “Dami kong atraso sayo pero nagawa mo pa rin akong
tulungan. Maraming salamat at sorry kung pinagselosan kita.”
“Wala iyon sa akin tol ang
importante lang naman masaya si Ace.” Walang kagatol-gatol na sabi ni Red
habang nakatingin parin sa akin.
Ramdam ko na totoo ang pagmamahal na
pinakita sa akin ni Red dahil sya lang ang taong hindi ako iniwan nung mga
panahon na tinataboy ko silang lahat. Kaso nga lang kaibigan lang talaga ang
turing ko sa kanya.
“So I guess this calls for a
celebration!” Ang magiliw na sabi ni Mina.
“Congratulations sa inyo!” Sabi
naman ni Chad.
“Congrats Tol!” wika naman ni Carlo
sabay high five kay Rome “Nagbunga din ang mga ginawa mo.”
Kwentuhang wagas, inuman at tawanan
ang sumunod na mga nangyari. Napag-usapan din namin ang nalalapit na
pagpapakasal nila Tonet at Carlo kaso drawing pa lang muna daw. Habang
nagkakasiyahan, kita ko na pilit ang mga ngiti na pinapakita ni Red. Alam kong
kahit di nya sabihin ay nasasaktan sya. Hanggang sa magpaalam ito para
magpahangin muna sa labas. Ito ang ginawa kong paraan para makausap at
mapasalamatan sya.
Nagpaalam ako kay Rome na lalabas
lang at susundan si Red para mag yosi na rin. Tumango naman ito sa akin.
“Okey ka lang ba?” Agad kong tanong
sa kanya nang makita ko syang nakasandal sa sasakyan ni Tonet.
“Okey lang naman.”
“Red thank you ah. Salamat sa pag
aalaga mo sa akin.” Sinsero kong sabi.
“Ah yon ba? It was nothing sabi ko
nga gagawin ko ang lahat mapasaya kalang kasi ganun kita kamahal.” Kita ko ang
lungkot sa mga mata nito.
“Sorry kung di ko nasuklian ang
pagmamahal na iyon.” Nakayuko kong sabi.
“No need to say sorry Ace. I know
from the start na si Rome talaga ang mahal mo. Kaya nga di ba sabi ko sayo
hindi magiging hadlang ang nararamdaman ko sa relasyon nyo ni Rome. Ang importante
nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Alam mo ba noon pa mang high school pa lang
tayo attracted na ako sayo.” Pag-amin nito. “I just don’t have enough courage
that time para ipaalam sayo. Siguro kung hindi lang ako naging duwag nung
panahong iyon sa akin ka sana napunta at hindi kay Rome.”
Wala akong mabuong isasagot sa mga
sinabi ni Red.
“Malas nga lang at ang pinaka unang
taong minahal ko nang totoo ay iba na ang nagmamay-ari. I can love you
selflessly Ace kaya handa akong isuko ka sa taong alam kong don ka masaya.”
Alam kong tumutulo na ang luha nito sa mga mata nya dahil sa rinig ko ang pag
crack ng boses nito. Hindi ko sya kayang tingnan na nasasaktan kaya naman
nanatili lang akong nakayuko.
“Wifey, hinahanap ka na nina mommy
sa loob.” Boses ni Rome. Agad akong napalingon sa gawi nya. “Bakit ka umiiyak
tol may problema ba?” Kita ko ang pagtataka sa mukha nya nang makita siguro na
nagpapahid ng luha si Red.
“Wala parekoy nagda-dramahan lang
kami ng syota mo. Wag mo na ulit sasaktan to ah!” sabay akbay sa akin. “Kung
hindi aagawin ko to sayo.” Dagdag pa nito sabay ngisi kay Rome.
“Di ako mangangako parekoy pero
gagawin ko ang lahat para maiwasang masaktan ang wifey ko.” Nakangiti nitong
sagot. “Tara na sa loob tama na yang dramahan nyo.”
Alam kong may idea na si Rome sa mga
nangyari pero ngayon wala nang pagseselos sa mga mata nya. Agad naman kaming
sumunod ni Red para ipagpatuloy ang gabi.
Next is the Epilogue
No comments:
Post a Comment