Friday, December 14, 2012

The Right Time (06)

by: zildjian
http://zildjianstories.blogspot.com



Dumating si Rome sakto lang tapos na ako mag impake ng mga damit ko. Agad syang pumasok sa aking kwarto na hindi ma drawing ang mukha at pinag papawisan.


“Oh? Anu ng yari sayo bakit ganyan ang mukha mo?” ang natatawa kung tanong sa kanya.


“May Problema tayo na di ko naisip agad. Di pa ako nakapag pa reserve ng tutuluyan natin sa Cebu dahil underage pa ako buti pinaalala ni Mommy sa akin kanina at mahirap daw makahanap ng matutuluyan doon kasi nga maraming torista.” Malungkot na sabi nya sa akin.


“Naku! Palpakers ka talaga! Sabi ko na nga ba walang magandang naidudulot ang instant na mga desisyon mo. Teka tawagan ko si Mama baka magawan nya ng paraan.”


Tinawagan ko agad si Mama para magpatulong. Agad naman nya kaming nahanapan ng matutuluyan, Crown Regency ang nakuha nya dahil sa kilala na sya doon, don kasi sila madalas mag meeting at don din nila tinutuloy ang mga ka-meetings nila at mainam daw yon dahil malapit lang sa Fuente sa may sky walk at Colon at nasa likod lang nito ang Robinsons mall.


Nakatitig naman sa akin si Rome habang kinakausap ko si Mama sa telepono. Di ko pinapahalata sa kanya na wala nang problema para pakabahin ko pa sya nang kunti. Wala na akong kausap sa telepono di ko pa rin ito binababa. Nag papangap parin ako na kausap ko si Mama habang nakakunot ang noo ko at nag prepretend na disappointed. Pagkababa ko sa telepono nag buntong hininga ako para mas lalong kapani paniwala.


“Anu ang sabi?” ang may pag-aalalang tanong ni Rome sa akin.


Bigla akong tumawa ng malakas dahil halata sa mukha nya ang pag-aalala na di kami matuloy. “Sa susunod wag kang mag bibigay ng surpresa kung pati ikaw ma susurpresa ha? Ok na. Sa Crown Regency daw tayo tutuloy hintayin nalang daw natin sila para mabigyan tayo ng instructions.” Sabi ko sa kanya.


“YEHEY!!! So meaning to say matutuloy tayo? Wew! Kala ko kanina di na tayo matutuloy.” Sabay lapit nya sa akin at akmang mag huhug at alam ko na ang susunod nun pero pinigilan ko.


“Hephephep! Ayan ka nanaman bigla ka nanamang mang hahalik jan! umayos ka kinikilig ako!” ang pagbibiro ko sa kanya.


“Talaga? Ako din pag hinahalikan kita kinikilig ako.. ayiieeee!!” sabay tawa nya nang nakaka-gago.


Ayaw ko ipahalata kay Rome na totoong kinikilig ako sa tuwing hinahalikan nya ako sa pisngi. Di parin kasi ma tanggal sa aking isipan ang pangamba sa mga mangyayari kung malaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot ako na baka mali ang interpretasyon ko sa mga pinapakita nyang sweetness sa akin kahit alam nya naman kung anu talaga ang pagka tao ko. Kayat pilit kung iniiwasan ang mga bagay na magiging dahilan ng kumplikasyon sa aming samahan.


Alas 8 ng gabi sumakay kami ni Rome ng bus papunta sa Pier kung saan kami sasakay ng Barko patungong Cebu. Dalawang Oras ang byahe ng bus papunta sa Pier at Apat na Oras naman ang byahe ng Barko papuntang Cebu. Nasa bus palang kami eh panay na ang kwentohan namin at harutan. Halos pagtinginan kami ng mga pasahero na papunta rin ng Cebu dahil may mga dala rin itong bagahe.


Pag dating namin sa Pier napag alaman namin na 12am pa pala ang byahe ng barko papuntang Cebu. Nagyaya lang muna si Rome na mag dinner muna kami sa mga nakahilirang nag babar-be-que malapit sa Pier. 


Pinag plaplanuhan na namin ni Rome ang mga gagawin namin sa Cebu habang kumakain halatang pareho kaming excited ng biglang tumawag si Mama.


“hello Mom?” ang sagot ko agad.


“Anak asan na kayo? Bakit di ka nag text sa akin?” si Mama


“Nandito na po kami sa Pier Mom. Alas dose pa po ang alis ng barko kaya ito kumakain muna kami ni Rome ng Bar-be-que. Mag tetext na sana ako sayo kaso naunahan mo ako eh.” Ang sagot ko naman sa kanya.


“Pakausap nga ako kay Rome ikaw talaga pinag aalala mo ako.” Agad ko naman binigay kay Rome ang Cell 
phone ko.


“Opo tita. Don’t worry po ako bahala dito kay Supah Ace” Seryoso ang mukha ni loko.


Nakikinig ng mabuti si Rome sa mahabang litanya ni Mama.


“Sige po tita. Opo alam ko po yon wag po kayo mag alala.” Seryoso pa rin.


“Noted tita. Thank you po tetext po kita pag dumating na kami ng Cebu. Babay po” at binaba na nya ang telepono.


“Anu sabi ni Mama?” ang tanong ko sa kanya.


“Wala, sabi nya alagaan daw kita dahil wala daw syang tiwala sayo. HAHAHA” nang aasar na sagot nya.


Inismiran ko lang sya at pinag patuloy ang pag lamon. Habang sya naman ay tatawa tawa lang na nakatingin sa akin.


“bakit ka nakatingin at tumatawa? Anu meron sa mukha ko ungas ka.” Naiilang kung sita sa kanya.


“wala naman natutuwa lang ako at sa wakas masosolo kita ng matagal” sabay kindat sa akin.


Alam kung namula ako sa sinabi nya dahil biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. Para maitago ko sa kanya ang pamumula ko yumuko nalang ako at pinag patuloy ang pagkain ko. Di ko rin maiwasang mag tanong sa sarili kung anu ang pinaplano ng lokong to.


Sa pagud siguro at sa sobrang kabusugan pareho kaming nakatulog sa barko ng hindi manlang na eenjoy ang view ng dagat. Sabagay wala naman kaming makikita dahil gabi naman. Nagising ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng barko hudyat na padaong na ito.


Agad ko namang ginising si Rome para ipaalam sa kanya na nasa Cebu na kami. Tumayo si Rome at may tinawagan sa phone nya.


“Nandito na po kami.” sabi nya.


“okey po. salamat po at sorry kung nagising ko kayo.”


“Sige po wait ko nalang po yung text nya.” Sabay baba ng telepono.


“may iba pa ba tayong kasama? Sino ang kausap mo ang aga aga nang didisturbo ka.” Ang tanong ko sa kanya.


“Yung Driver ng ka business partner ng Mommy mo nag aalala kasi sya na baka ma wala tayo kaya kinausap nya ang ka business partner nya dito sa Cebu para sunduin tayo at ihatid sa hotel natin. Kaya mag handa kana punta lang ako sa CR para mag hilamos at para na din mag wiwi. Wag mo muna iwan yung bag dyan baka ma wala.” At agad syang tumalikod para pumunta ng CR.


Dumating nga ang sundo namin. Nahiya naman ako at na disturbo pa namin sya kaya binulungan ko si Rome na ayain naming kumain muna ng almusal si Mamang driver bago dumiretsu sa tutuluyan namin dahil alam ko naman di pa ito nag aalmusal. Tama nga kami di pa nga sya nag aalmusal dahil hindi manlang nagpakipot si Mamang driver at agad kaming dinala sa isang kainan na nakalimutan ko na ang pangalan.

Pag katapos naming mag almusal ay deretsu na agad kami sa Hotel na nakareserved sa pangalan ni Mama.


“Good Morning. We have a reservation here” bungad agad ni Rome sa Receptionist.


“Name Sir?” ang magalang na sagot ng Receptionist kay Rome nag fliflirt ang gaga.


“Ervin Rome Ruales.” Ang sagot naman ni Rome.


“Ah yung reservation ni Mrs. Alberto? Room 138 sir here’s the key.” Inabot nya kay Rome ang susi at tinawag ang isang lalake para samahan kami sa Room namin.


“Thanks” at pumunta na kami sa room namin.


Isa lang ang kama sa loob ng Hotel pero malaki ito. Hindi naman ito isyu sa amin ni Rome sanay na kaming mahiga sa iisang kama sa tuwing makikitulog sya every Saturday sa bahay. May Cabinet din malapit sa pintuan katapat naman nito ang pintuan papuntang banyo na may isa pang pintuan para deretsu naman sa kwarto.


Pagka baba ng mga gamit namin ay agad kaming umalis ni Rome para mag simba. Importante daw yon para ipaalam kay Senior Sto. Nino na sya ang aming sadya.


After naming mag simba ay agad kaming bumalik sa Hotel para mag pahinga muna. Kwentohan kami ni Rome at tawanan sa loob. First time kasi kaming mag adventure na kami lang dalawa kaya tuwang tuwa kami at tuwang tuwa ako sa pagiging maalaga ni Rome sa akin. Para akong bata kung ituring ni Rome na imbis na ikainis ko ay ikinatuwa ko pa.


3.30pm ng ginising ako ni Rome. Malinis na ang kwarto. Wala na ang mga bag namin sa sahig nailagay na nya pala sa Cabinet.


“Supah Ace gising kana punta tayo ng mall.” Sabi ni Rome habang yinuyugyug ako sa aming kama.


“Anung oras naba? Mainit pa ata saka nalang tayo punta don inaantok pa ako.” nakapikit ko pa ring sagot sa kanya.


“eeee!! Gising na kasi. Gugutom na ako gusto ko na kumain di pa tayo nag lunch. Sige na please tayo kana.” Nag lalambing nyang sabi habang niyuyugyug ako.


“hmmmm.. 30 mins pa inaantok pa talaga ako.” sabi ko naman di nag papaapekto sa panlalambing nya sabay takip ng unan sa mukha ko para di na nya ako disturbohin.


Bigla ko syang naramdaman na humiga ulit paharap sa akin at bumulong. “Pag di kapa tumayo dyan hahalikan kita sa lips.”


Nag bingi bingihan lang ako. alam ko naman kasi na di nya kayang gawin yon. Tinanggal nya ang unan na nakatakip sa aking mukha sabay halik sa lips ko. Nan laki ang mata ko sa ginawa nya. Di ko alam ang gagawin ko kung itutulak ko ba sya o hahayan lang na magkalapat ang mga labi namin. Ito ang first time na sa lips ako hinalikan ni Rome at hindi sa pisngi.


“oh di gumising ka rin.” Ang naka ngisi nyang sabi pagkatapos mag hiwalay ang aming labi. Hindi parin ako umimik nasa after shock pa ata ako.


“hoy! Natulala ka dyan. Nagustohan mo halik ko no?” banat nya sakin ng hindi parin ako gumagalaw sa pagkabigla. Naka ngisi si loko sa akin.


Bumalik naman ang katinuan ko. At hinampas ko sya ng unan. “tado ka! Bakit mo ginawa yon!” namumula ako sa hiya at kilig.


“Virgin? Feeling mo naman first kiss mo yon. Eh dba nga nahalikan kana rin ni Chad dati.” Ang pilyo nyang sagot.


Natahimik naman ako biglang pag papaalala nya kay Chad. Kaya ba nya ako hinalikan dahil alam nyang okey lang sa akin na halikan ng kapwa ko lalaki? Pinag tritripan ba ako ni Rome?


“hala! Natulala nanaman si Supah Ace. Hoy! Calling Supah Ace! Bumaba ka dito sa real world!” nang iinis nanaman nyang banat.


“heh! Buset ka! Bakit ka kasi nang hahalik kainis ka! Alam mo namang may trauma ako sa halik lalo na sa lalaki.” Ang sabi ko nalang sa kanya pilit tinatago ang aking agam-agam.


“ikaw kasi eh! Ayaw mo gumising! Di ka makuha sa santong dasalan ang tigas ng ulo mo. Ayon tuloy binigyan kita ng Supah kiss ko. Masarap ba?” naka ngisi nya namang sagot sa akin habang gamit ang boses nang nanlalandi.


“anu tinira mo? Lakas ng tama ah! Pa rehab kana!” sabay tayo at pasok sa banyo. Di ko kasi maiwasang mamula sa sinabi nya. Totoo kasi masarap at ang lambot ng labi nya na nag dala pa ng kilig at kuryente sa akin.


Shet!shet!shet! panu ko matatakasan ang nararamdaman ko sa kanya kung sya mismo ang tumutukso sa akin! Buset na lalaki yon. Arrrggghh!!! Ang sigaw ko sa isip ko.


Habang naliligo naririnig ko si mokong na pakanta kanta sa labas. Talagang nananadya may pasipol sipol pang nalalaman.


Pag labas ko nang banyo nakatapis lang ako ng tuwalya dahil akala ko papasok sya agad para sya naman ang maligo ngunit may part 2 pa pala si mokong. Agad syang lumapit sa akin at inamoy amoy ako na parang aso.


“Hoy!!! Anu ginagawa mo!” ang nag tataka kung tanong sa kanya.


“Hmmmm! Bango bango ni Supah Ace. Pwedi favor?” bumalik nanaman ang ngisi at lumalanding tono sa kanya.


“A-anu?” nauutal kong sagot kinakabahan.


Bigla nanaman nya akong hinalikan sa labi pero ngayon kakaibang halik na. Halik na nakakapag painit ng katawan. Na dala ako sa halik nya at lumaban na din. Mga limang minuto ata ang itinagal ng halikan namin. 


Sya ang unang humiwalay sa halikan namin habang ako naman ay nakapikit pa rin ninanamnam ang sarap ng halik nya.


“lakas talaga ng epekto ko sayo no? nakapikit ka pa rin kahit tapos na” at tumawa sya ng malakas sabay takbo papasok ng banyo.


“Tarantado!!!” Inis kung sigaw dahil napahiya ako. tawa lang ang isinagot nya.


Umalis kami ni Rome Papuntang Mall para don kumain ng dinner namin. Hindi ko sya iniimik dahil naiinis ako sa kanya. Feeling ko kasi pinag tritripan ako ni loko. Sya naman ay panay papansin sa akin habang kami ay nag lalakad lakad.


“Supah Ace inum tayo mamaya. Wag nalang muna tayo lumabas, bukas nalang ng gabi. Tutal bukas naman talaga ang big night.” Akala nya siguro sasagot ako pero hindi ko pa rin sya sinagot naka simangot lang ako.


“Suplado” ang pabulong nyang komento sa ginagawa kung pang dedeadma sa kanya.
Lumabas kami ng mall at nag hanap ng Grocery store. Panay ang tanong ni Rome sa mga tao kung saan merong malapit na Grocery store dahil kung sa mall kami bibili maraming tao. May nakapag turo sa amin na may isang Grocery store malapit sa King Solomon Hotel.


Agad naman naming nahanap ang Grocery store. Bumili si Rome ng twelve cans ng Red Horse. Siguro gusto nya ako mag react para makapag usap na kami pero di ko pa rin ginawa. Bumili din sya ng ice at pulutan. Inunahan ko syang mag bayad sa counter mag rereact sana sya pero binigyan ko sya nang matalim na tingin.


Dumating kami ni Rome sa Hotel. Agad akong pumasok sa banyo at naligo para presko habang sya naman ay nag bukas agad ng binili naming RH at lumaklak. Batid kung inis na rin sya sa ginagawa kung pang dedeadma sa kanya.


Pag katapos kung maligo lumabas ako ng banyo na naka boxer lang at nasa balikat ang tuwalya.
“Anu ba problema mo? Kanina pa mainit ulo mo sakin ah” reklamo agad nya. Naka 2 cans na si loko.


Di muna ako sumagot sa kanya. Kumuha muna ako ng RH sa ref at uminum. “Pinag tritripan mo ko?” ang balik tanong ko sa kanya.


“huh? Pinag tritripan? Kelan? Saan?” halata nang napipikon na sya. Lihim akong natawa.


“A-anu.. kanina nung hinalikan mo ako.. bakit mo ba kasi ako hinalikan?” ewan ko ba bakit ganun lumabas na sagot sa bibig ko. Siguro gusto ko rin malaman ang rason nya.


“Ayon! yon pala ang problema. Hinalikan kita kasi gusto ko hindi dahil pinag tritripan kita ang manhid mo.” Sagot naman nya.


“Gusto mo? Bakit mo gusto at bakit nasabi mong manhid ako? ang pangungulit ko sa kanya. Kahit natutunugan ko na.


“Arggggghh!!pa enosente ka?” nakangisi na sya at lumapit na sa akin.


“Supah Ace di mo paba halata? Bakit kita sasama dito na tayong dalawa lang? bakit di ko niyaya ang barkada? Sabi nya sakin habang hinahawakan ang mag kabilang pisngi ko.


Alam ko na ang ang ibig sabihin nya pero naiisip ko pa rin ang kalalabasan nito. Natatakot parin ako na baka hindi mag work ang relasyon namin at masira lang ang aming samahan.


“bakit nga?” pa enosenti ko nalang sagot sa kanya.


Binatokan nya ako “tado ka Supah Ace pinapahirapan mo ako. nakakainis kana.” Ang inis inisan nyang sabi.


“Aray! Aba ikaw naman ngayon ang bayolente! Sabihin mo na kasi ng derestsahan! Dami mong pasakalye!” sabi ko naman sa kanya.


“kuan kasi.. uhmmm pano ko ba sasabihin.. weird kasi eh..” pakamot kamot ng ulo si mokong nag iisip kung san mag sisimula.


Ako naman ang bumatok sa kanya “uhmm!Ayan para ma alog ulo mo. Hahaha”


“Aray ko po! sakit nun ah! Sige ito na seryoso na.. I think I like you.. I mean… I like you more than my 
bestfriend. I know it’s weird lalake ako at dapat sa babae ko to nararamdaman pero ganun talaga eh. Im trying to ignore the feeling kasi na tatakot ako na baka layuan mo ako at baka masira lang ng feelings kung ito ang friendship natin. Pero sabi ko sa sarili ko pano ko malalaman kung hindi ko susubukan diba?” ang seryoso nyang sabi sa akin.


Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang tuwa sa mga sinabi ni Rome. Hindi ako makapaniwala na ang bestfriend ko na gusto ko eh gusto rin pala ako. Pareho din kami ng inaalala. Pareho kaming natatakot na baka di namin mapanindigan ang nararamdaman namin at mauwi lang sa sakitan. Nalulungkot ako dahil alam ko ngayon sa sarili ko na di pa talaga kami handa. Nadadala lang siguro kami sa curiousity at siguro din dahil naeenjoy namin ang isat isa. Sa edad naming ito di pa namin kayang panindigan at harapin ang problemang kaakibat ng ganitong relasyon. Parang sa RPG game lang. Weak pa kami pareho kulang pa sa level, level of maturity at kung sumabak kami sa laban mamatay lang kami mamatay lang ang friendship namin.


“Rome..” hinawakan ko ang dalawang kamay nya at nag buntong hininga para makakuha ng lakas na ipag patuloy ang aking sasabihin sa kanya.


“Sobrang saya ko dahil pareho pala tayo nang nararamdaman. Nakakatuwa ring isipin na pareho rin tayo ng kinakatakutan. But I guess this is not THE RIGHT TIME for us. Mga bata pa tayo marami pang mangyayari sa buhay natin.” Huminto muna ako para punsan ang namumuong luha sa aking mga mata.


“Ikaw lang ang meron ako ngayon ayaw kung mawala ka sa akin. Di ko kayang ipag palit ang friendship natin sa panandaliang kaligayahan. At aaminin ko rin na hindi pa ako handa para sa isang relasyon na maraming kukwestyon. Baka di ko mapanindigan at mauwi lang sa wala ang lahat ng pinag samahan natin. Ikaw, siguro nadadala kalang sa closeness natin. Lalake ka at babae ang para sayo.” At pumatak ulit ang mga luhang pinipigilan ko. Ang sakit palang pigilan ang iyung nararamdaman pero iyon ang sa tingin ko ay tama to save our friendship.


“Mahal naman natin ang isat isa dba? Kayanin natin. Lalake nga ako pero di ko ba pweding mahalin ang kapwa ko lalake?” ang naluluha na rin nyang sabi.


“hindi pa tayo handa Rome. Malapit na tayong mag college mag hihiwalay na tayo ng landas. Do you think mag wowork ang relasyon natin kung sakaling sagutin kita ngayon? Long distance relastionship? Mahirap yon. 


Mag hinatay tayo sa tamang panahon. Kung mahal talaga natin ang isat isa sa susunod na pag kikita natin don tayo mag sisimula by that time siguro handa na tayo.”


Tumango lang sya sa akin at pinahid ang mga luha nya. “Hihintayin ko ang tamang oras para sa atin Ace promise.” At hinalikan nya ako. halik ng pagmamahal at pagintindi na pinatulan ko naman. Naramdaman ko nalang na dinadala na nya ako sa kama at inihiga.


“hoy! Anu ginagawa mo?” ang nag tataka kung tanong sa kanya ng mag hiwalay ang labi namin. Akala ko kasi nag ka intindihan na kami.


“Gagawa ng kontrata para may mapang hawakan ako at dahilan para hintayin ang tamang panahon natin.” Naka ngisi nyang sabi.


“gago! Akala…” di ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin dahil hinalikan nya ako ulit. Mainit na halikan ang sumunod na nang yari. Isa isang tinanggal ni Rome ang kanyang mga suot hanggang sa boxer nalang ang natira sa kanya. Pareho na kaming naka boxer at pinag patuloy na ulit ni Rome ang aming halikang masarap at mainit. Binaba na ni Rome ang mga halik nya sa aking liig pababa hanggang sa aking utong. Napapaungol ako sa sarap ng pag dila ni Rome. Halus mapa liyad ako sa hatid nitong kiliti sa akin. Nag palit kami ng posesyon at ako naman ang pumatong sa kanya. Ginaya ko lahat ng ginagawa nya pati ang pagdila nya ay ginaya ko rin. 


Halos ma baliw si Rome sa ginagawa ko sa kanya. Dahilan para mas ganahan pa akong romansahin sya. Hanggang sa matapos naming gawin ang KONTRATA ni Rome.


Nakatulog kami pareho sa sobrang pagod. Halata sa mukha namin pareho ang saya at contentment. Nagising ako mga alas 8 ng umaga. Pag dilat ko ng mata ko tumambad agad sa akin ang nakangiting mukha ni Rome.


“Good Morning Supah Ace.” Sabay halik sa akin.


“Anu ba yan! Mag toothbrush ka muna!” ang reklamo ko sa kanya.


“Arte arte naman nito! Eh kagabi nga halos himurin mo lahat ng lumabas sa akin eh” ang naka ngisi nyang sabi.


“Gago ka!! Ang aga aga ang bastos mo! Maligo na tayo. mag sisimba pa tayo diba? Ngayon na ang Misa para sa Pit Senior.” Alam kung namumula nanaman ako.


“Ayiieee! Eh bakit ka namumula? Tsaka totoo naman na ininum mo lahat kagabi.” Sabi nya tapos nag bigay ng nakakalokong ngiti.


Hinampas ko sya ng unan. “HOY! Umayos ka! Na gawa na natin ang kontrata mo tarantado ka. Back to normal na tayo behave!” sabay tayo sa kama na isa palang malaking pag kakamali dahil hubot hubad pa pala kami pareho. Pareho kaming humagalpak ng tawa.


Nag simba nga kami ni Rome at nag punta sa Shrine ng Pit Sinior para mag paalam at mag wish sa kanya. Last night namin ni Rome sa Cebu kaya gumala kami. Nag punta kami ng Ayala Mall para manuod ng Grand Fireworks Display tapos pumunta kami ng Fuente Circle para manuod naman ng mga nag peperform na mga banda at para mag inuman.


Natapos ang Cebu getaway namin. Nakabalik na kami ni Rome at pumasok na ulit sa school. Panay ang tanong ng barkada kung bakit absent kaming dalawa ni Rome nung Monday. Kwento ko naman sa kanila na nag attend kami ng Sinulog festival. Lahat sila ay pareho ang sinabi ang daya daw namin dahil di namin sila sinama. Napakamot nalang ako sa ulo habang si Rome naman eh nakangisi lang at hindi nag bibigay ng komento at eksplenasyon sa kanila.


Naging Normal ulit ang samahan namin ni Rome sa natitirang buwan namin sa high school. Napag alaman ko rin na sa Cebu si Rome at Carlo mag aaral habang ako naman at si Red ay Manila. Si Antonet naman ay sa States kasi yon ang gusto ng mga magulang nya. Si Angela naman at Mina hindi pa alam baka daw sa bayan nalang namin sila mag aral tutal may mga magagandang Universities din naman ang bayan namin. Hiwa hiwalay kami at hindi namin alam kung kelan ang susunod na pagkikita namin after graduation.


Dumating ang graduation namin ang huling pag kikita kita naming mag kakabarkada bago tahakin ang panibagong yugto ng aming buhay Ang College. Lahat na ata ng ka dramahan nagawa namin habang nag cecelebrate sa bahay nina Carlo. Iyakan tapos tawanan tapos iyakan ulit. Parang mga baliw lang.


“Supah Ace Next week alis na ako papuntang Cebu.” Ang malungkot na sabi ni Rome sa akin habang nasa labas kami nag papahangin at ang iba naman ay nasa loob at umiinum pa rin.


“Ingat ka doon Rome. Alagaan mo sarili mo.” Ang bilin ko sa kanya.


Yumakap sya sa akin at hinalikan ako sa labi. “Sa susunod nating pagkikita Supah Ace akin kana naka kontrata kana sa akin. Hintayin mo ako.” Tango lang ang naisagot ko sa kanya.





Itutuloy:



No comments:

Post a Comment