by: Justyn Shawn
"Joseeeee...!" sigaw sa akin
ng aking matalik na kaibigang si Jay dahil nananaghinip na naman pala ako.
Napanaghinipan ko na naman si Zaldy....ang una naming pagkikita....ang una
naming pag-uusap...ang una naming pagsasama.
Nakita kong naglakad na patungong
kusina si Jay noong magising na niya ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga at
naupo sa gilid ng kama ngunit pilit pa ring sumisiksik sa aking isipan si
Zaldy. Hindi mawala-wala.
Alala ko pa noon, ganitong araw din
noong magkita kami sa ilog na lagi kong pinupuntahan. May problema ako kung ano
ang gagawin ko at kung paano ko tatangapin ang aking sarili. Dahil alam ko,
kakaiba ako sa karamihan. Kakaiba hindi dahil sa mahirap ako, hindi dahil sa
ulila na akong lubos, hindi dahil sa isa lamang akong hamak na magsasaka kundi
dahil lalaki din ang naggugustuhan ko; at ito din ang nagpapatuliro sa akin ng
lubos kung ano nga ba ang aking gagawin. Kung tama ba ito...at kung bakit ito
ang aking nararamdaman.
Pagkatapos namin noong maligo sa ilog ay
nagsiuwian na kami sa kani-kaniya naming bahay. Dahil nga napagkasunduan naming
dalawa, na ang talo sa paglalaro namin ng piso ay manlilibre kung saan mang
rides na gustong nitong sakyan. Nagset na lang kami ng oras kung saan at kelan
kami magkikita sa perya para hindi din maghintay ng matagal kung sino man sa
amin ang mauunang dumating. Alas syete ang usapan namin sa may harap ng ticket
booth kami magkikita.
Nauna akong dumating sa may perya.
Kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Nasasabik na makita ko ulit siya. Sa
totoo lang kasi. Siya ang taong nagpapatuliro sa akin. Siya ang taong
nakakapagpabilis at nakakapagpabagal ng tibok ng aking puso ng sabay. Oo nga,
at una pa lang naming pagkikita ng personal at nagkausap sa may ilog ngunit
matagal ko na siyang pinagmamasdan ng palihim sa tuwing nakikita ko siyang
nagdaraan. Matagal ko nang kinikimkim ang pagtingin sa kanyang di ko mapigilan
at unti-unting umuusbong. Ewan ko ba kung ano ang nadarama ko para sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko
siya pero pag hindi naman ay nalulungkot ako. Nakokompleto na ang araw ko kapag
nakikita siya...sa malayo. Kontento na ako noon.
Habang pinagmamasdan ang mga taong
masayang naglilibot at naglalaro sa may perya may kumalabit sa akin...Si Zaldy.
Nakangiti niya akong nilapitan. "Kanina ka pa ba?"tanong niya sa akin
at nagpakawala ng nakabibighaning ngiti. Napakagwapo niyang tingnan sa kanyang
suot. Naka maong at t-shirt na kulay green. Simple lang ngunit ang dala naman
nito sa akin ay matindi. Lumitaw kasi lalo ang kanyang pantay na kulay ng
balat; ang kanyang kagwapuhan. Dagdagan pa ng napakagaling niyang magdala ng
sarili. Parang isang artista lang. Napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang
sa kanya.
"Okay ka lang, nakatulala na
naman..."sabi niya sa akin habang winawasiwas ang kanyang kamay sa harap
ng aking mukha.
"Ahh ehh...tara na?"sabi ko
sa kanya habang kamot ang aking ulo.
"Nanghihipnotismo na naman kasi
ehh"sabi ko sa sarili habang naglalakad-lakad. Hindi pa kami nakapili ng
sasakyang rides.
“Ano, hindi ba tayo sasakay?”tanong
niya na tila may pananabik sa kanyang mga mata. Pananabik ba iyon na makasama
ako o makasakay ng rides? Ewan. Lahat na lang yata ng kanyang mga kilos ay
binibigyan ko ng dahilan. Siguro ganun talaga pag may pagtingin ka sa isang
tao. Kahit simpleng galaw niya, simpleng mga tingin at titig sa iyo,
ikinukonekta mo na sa nararamdaman mo…minsan, iniisip mong lahat ng kanyang
ginagawa ay ikaw ang dahilan.
“Pwede wag na lang tayo sumakay?”nahihiya
kong sabi sa kanya. Ang totoo eh, mahiluhin ako kaya ayaw kong sumakay kahit na
anong rides kaya niyaya ko na lang siyang maglibot sa perya.
“Imbes na sumakay tayo ng rides, bakit
hindi ka na lang bumili ng makakain natin? Diba ikaw naman ang talo sa pustahan
natin? Nagugutom na kasi ako eh..hehehe”nahihiya kong dagdag dahil rinig ko ang
pag-aalburuto ng aking mga alaga sa tyan. Mas gugustuhin ko naman kasing kumain
na lang kesa sa sumakay sa rides. Sa pagkain, mabubusog pa ako. Pero kapag sa
rides naman, mahihilo lang ako, matatakot at baka masuka pa. Nakakahiya diba?
Pero praktikalan na lang. At isa pa, hindi pa din kasi ako kumakain noon ng
hapunan sa sobrang pagmamadaling makapunta lang sa may perya; para makita at
makasama siya. Karatig baranggay pa kasi namin iyon.
“Okay boss, masusunod!”sabi naman niya
sabay saludo na para bang may ranggo akong pinanghahawakan. Sa kanyang ginawa,
hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan, feeling ko kasi ako talaga ang boss niya at
kung anu man ang ipag-uutos ko ay gagawin niya.
“Sige, bilisan mo. Maghihintay ako
doon sa may bench.”turo ko sa bench na hindi lamang kalayuan sa aming
kinatatayuan at sa may perya. Madilim doon ng kaunti..hindi masyadong madaming
tao, tahimik ng bahagya…tamang tama ang lugar na iyon sa taong gustong mag-usap
ng masinsinan, heart to heart, mind to mind kumbaga. Na hindi maiistorbo ng
ingay na nagmumula sa perya. Gusto ko kasing malaman ang nasasaloob niya, kilalanin
siya ng mabuti, iinterviewhin kumbaga. Dahil alam ko, sa sinabi niya sa ilog,
may kung anong meron siyang pinagdadaan. Alam kong masmabigat ang pinagdadaanan
niya kesa sa akin. Yun ang gusto kong malaman. Isa pa, gusto ko ring
magpasalamat dahil sa pagliligtas niya sa akin kanina. Dahil kung hindi dahil
sa kanya, pinaglalamayan na ako ngayon. Nakakatuwa ngang isipin ngunit ako pa
itong niligtas niya ngunit siya pa ang nanlibre ng makakain namin.
“Yes boss!”sabi niya at nagmamadaling
tumungo sa isang tindahan na nasa perya din. Habang pumipili naman siya ng
pagkain ay pumunta na ako sa itinuro kong bench at naupo. Pinagmasdan ko ang
kasiyahan ng mga taong nandon. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil bakas sa mukha
nila ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Animo'y walang iniindang problema at
hirap na pinagdaraanan. Pumasok pa sa isip kong, "sana ganito na lang
lagi, masaya". May mga naglalaro ng color game, may excited na manalo sa
bingo at sa bingguhan ding iyon ay may nakakatuwang taga announce ng naroletang
bola at may music din, may naghahagis ng barya sa isang tablang puno sa
square-square na may katumbas na premyo, may mga naglilibot lang, at syempre
hindi mawawala ang rides na kung saan sa tingin ko pa lang ay nahihilo na ako.
May horror train, may carousel, at ang pinakatatakutan kong ferris wheel.
Nakita ko siyang papalapit na na may
dala-dalang burger, waffles, fries, popcorn at juice. Natatawa ako sa kanyang
itsura na di magkanda-ugaga sa pagdadala ng mga binili niya. Gusto ko sana
siyang tulungan pero nanatili lang akong nakaupo at tuwang tuwang pinagmamasdan
siya. Ewan ko ba pero habang papalapit nang papalapit siya, pabilis ng pabilis
din ang tibok ng aking puso.
Hangos siyang tumabi sa akin. “Eto na
po boss.” Sabi niya na hinihingal pa pero bakas ang matamis na ngiti na babalot
sa kanyang mukha. Napakagandang tingnan. Nakakainlove. Agad ko naman itong
winaksi sa aking isipan.
“Salamat.” Tanging nasabi ko na lang
sabay kuha ng pagkaing inialok niya. Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa
pagkakatabi namin sa upuan. Ilang dahil, baka di ko mapigilan ang damdamin kong
gusto nang kumawala sa aking dibdib. Dahil baka hindi ako makapagtimpi at kung
ano na ang magawa ko sa kanya.
Kumain muna kaming dalawa. “Hindi ka
pa kumakain no?”tanong niya nang mapansin niyang halos hindi ko na nguyain ang
pagkain ko.
“Oo, ikaw kasi ehh”sisi ko naman sa
kanya.
“Bakit ako? Anong ginawa ko?”
“Wala.”
“Hmmm. Di nga?”sabay tingin niya sa
akin na para bang naninigurado kung tama nga ba ang aking sinabi.
“Siguro atat ka lang makita ako
no?”dagdag pa niya at nagbitiw na naman ng nakakabighaning ngiti.
“Yabang! Malayo pa kaya ang nilakad ko
papunta dito at kung kakain pa ako, baka maghintay ka lang ng matagal. Kaya
pagkatapos kong magbihis ay dumertso na ako dito.”depensa ko naman sa kanya.
Hindi pa ata nakumbinsi ang mokong at
mag patingin tingin pa sa akin na para bang nanunuri kung totoo nga ba ang
aking mga sinasabi. Naging dahilan naman iyon ng pamumula ng aking pisngi.
“Eh bat, parang nagba-blush ka?”
“Di ah. Maanghang pala ang burger.”
“hahaha. Oo, pinalagyan ko talaga kay
manong ng maraming hotsauce yan. Hahaha”
“Loko!”
Natapos na naming ubusin ang pagkaing
kanyang binili. Tahimik.
“Jose..”
“Zaldy..”
Sabay na tawag sa aming pangalan.
Tawanan.
Tahimik.
“Sige ikaw muna”
“Hindi, ikaw na”
“May sasabihin sana ako sa iyo.”sabay
na bigkas pa rin namin.
“Sige, ikaw na nga lang muna. Ano yung
sasabihin mo?”
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan
magsisimula. Kung aaminin ko bang may gusto ako sa kanya. Kung dapat ko ba
itong aminin o sarilinin na lang. Ewan ko. Hindi ko alam ang mga isasagot ko sa
sarili. Natatakot din kasi akong mawala siya at baka hindi na sa akin
magpakita. Pero sa tingin ko, mas mabuti na din na sabihin sa kanya ang
nararamdaman ko habang maaga pa para hindi mas masakit; para malaman ko rin
kung ano din ang nararamdaman niya o kung meron man at para hindi na ako umasa.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong
kamay at tumitig sa akin habang nag-aabang ng sasabihin ko. Nawala tuloy ako sa
konsentrasyong sabihin ang nasasaloob ko sa kanya. Sa mga titig pa lang kasi
niya nakakawala na talaga ng konsentrasyon. “Salamat pala kanina. Kundi dahil
sayo, wala na ako.” Tanging nasabi ko.
“Yun lang?”
Tumango lang ako. Hindi ko pa kasi sa
ngayon kayang sabihin ang nararamdaman ko. Kinabahan akong bigla. “Bahala
na”sabi ko sa sarili. Pinangunahan kasi ako ng kaba at takot.
“Wala iyon.” Dugtong pa niya. Tila
namang dinapuan ng lungkot ang kanyang mga mata sa sinabi kong iyon. Pero wala
naman akong sinabi. Nagpasalamat lang ako sa ginawa niyang paglilitagtas sa
akin kanina sa ilog.
Bumuntong hininga siya. “Okay, ako
naman ang may sasabihin. At wag kang mabibigla ha.” Tila kinakabahang sabi niya
sa akin.
Tumango lang ulit ako.
Tahimik.
Nakita ko ulit siyang humugot ng
malalim na hininga bago magsalita.
“Gusto kita.” Sambit niya ng
nangungusap ang kanyang mga mata. Para itong isang magandang tugtugin na
napakasarap pakinggan. Napanganga ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko kasi
akalaing ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ako makapagsalita.
Tiningnan siya sa mata at sinuri kung totoo ba ang kanyang mga sinabi. Kita ko
naman ang sinsiredad sa kanya.
“Ahh. Hindi.” May ngiting dugtong pa
niya. Ewan ko ba sa narinig ko, parang biglang gumuho ang mundo at nawalan ng
kasiyahan ang gabi. Napalitan ang kaninang tugtugin na kay sarap pakinggan ng
isang himig na napakasakit hindi lang sa tenga kundi maging sa aking puso.
Niloloko lang ba niya ako o pinaglalaruan? Alam kaya niyang mahal ko siya kaya
ganun na lang niya ako tratuhin at paglaruan? Nakakadismaya. Tumayo akong bigla
sa aming kinauupuan at biglang naglakad palayo.
“Joseeee!” sigaw pa niya.
“Mahal kita, Jose, hindi kita gusto
dahil mahal kita.”sabi niya sa akin noong mahabol niya ako. Nanatili lang akong
nakatayo.
“Haha.”tawa pa niya ngunit mat
pag-aaalinlangan at lungkot sa kanyang mga mata. “Alam kong hindi tama ang
ganitong klaseng pag-iibigan. Pero eto ako ngayon, nagbabakasakaling
sana..ganun din ang nararamdaman mo para sa akin. Pasensya na pare pero, ewan
ko ba. Tinamaan kasi ako sayo eh. Sinabi ko to sayo, kasi mas mahirap at mas
masakit kung palalampasin ko ang oras at pagkakataon na hindi ko sayo sinasabi
ang nararamdaman ko. Mahirap man, nagbakasakali pa rin ako. Kung lalayuan mo
man ako sa pag-amin ko ng nararamdaman ko at hindi na magpakita sakin, ayos
lang. Basta nasabi ko sayo ang laman nitong puso ko. Pasensya na ulit pare
ha.”pagkasabi niya ay agad na naman siyang naglakad papalayo.
“Teka, hindi mo ba tatanungin sa akin kung
ano ang nararamdaman ko?”
“Hindi na. Nagalit ka na noong sinabi
ko sayong gusto kita diba? Lumayo ka na nga. Okay na sakin yun. Masakit man,
atleast nasabi ko pa rin sayo. Sabi nga nila, the truth will set you free. Kaya
ko sinabi sa iyo yun para malaman mo at para gumaan na din ang loob ko. Matagal
na kitang lihim na minamahal at unti-unti pang lumalalim ito sa pagdaan ng mga
araw. Para hindi mas masakit pang mag move on, kinapalan ko na ang mukha ko at
tinapangan ko na ang sarili ko para sabihin lahat ng ito.”sabi niya sa akin
habang nangungusap ang kanyang mga mata. Maya-maya pa, dahil wala akong imik sa
kanyang mga sinabi ay tumalikod na ito at nagsimulang naglakad ulit palayo.
Hinabol ko siya. Nang magkatapat na
kami ay agad ko siyang binatukan.
“Aray!”
“Matapos kang magtapangtapangan dyan,
ni hindi mo man lang aalamin talaga kung mahal din kita o hindi? Ni hindi mo
nga tinanong kung bakit ko gustong umalis noong sinabi mong gusto mo ako? Ganun
ganun na lang ba yun?”
“Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo ha?
Pareho din ba ng nararamdaman ko ang nararamdaman mo? Mahal mo din ba ako ha?
Yan din ba ang narara…..”hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang mga sasabihin
at bigla ko na lang siyang hinalikan. Hindi siya nanlaban sa pagkabila sa aking
ginawa. Ngunit maya maya pa ay nakita ko na lang siyang napapikit at dinadama
ang sarap ng aking mga halik.
“Oo, mahal din kita.”sabi ko sa kanya
matapos kumalas sa pagkakahalik sa kanya.
Maya maya pa ay narinig ko ang tugtog
sa may binguhan. Napakagandang awitin iyon.
Sabay namang tapik sa akin ni Jay at
birit ng kanta. "Jose, Okay ka lang ba?"
Nadarama ko pa
Ang iyong mga Halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa, tila naririto ka pa
Naririnig mo ba... mga patak ng aking
luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin
sinta
Sa bawat araw, bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko
*Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa
aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
Sana'y Gisingin ang aking puso
Ngayo'y nangungulila
Sayong mga lambing at pagsuyo sinta
Ibabalik pa ba?
Kung wala nang pag ibig mong wagas
Sa bawat araw, Bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip kooo...
*
Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa aking
puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
*Sana'y Gisingin ang aking puso
Ikaw ang nasa isip ko
*
Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit di nalang bawiin ang hapdi sa
aking puso
Pipilitin ko, limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito
*
Sana'y Gisingin ang aking puso
Kung panaginip lang ito...
Sana'y Gisingin ang aking Puso...
Halos magtatatlong taon na din ang
nagdaan noong mawala si Zaldy. Nang patayin siya ng kanyang tiyuhing adik.
Halos magtatatlong taon na din akong nagdurusa sa pagkawala ng isang taong
mahalaga sa aking buhay. Isang taong nagbigay daan upang malaman at tanggapin
ang aking sarili. Isang taong lubos na nagpapatuliro sa akin. Isang taong
nagturo sa akin ng pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay pinangungulilaan ko
dahil sa kanyang pagkawala.
Lahat ng ala-ala ni Zaldy ay sariwa pa
ring bumabalik balik sa aking isipan. Ang mga masasayang sandali na
pinagsaluhan naming dalawa. Ang mga payo at paalala niya sa akin. Ang paliligo
sa ilog. Ang hanapan namin ng piso sa ilalim ng tubig. Ang pagpunta namin sa
perya. Ang kwentuhan namin. Ang tawanan. Ang init ng kanyang mga yakap. Ang
sarap ng kanyang mga halik. Lahat ng iyon ay sariwang sariwa pa rin na
nagbabalik sa aking isipan.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment