by: Justyn Shawn
Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi
kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan
ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na
nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang
ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.
Masasabing perpektong puntahan ng mga
taong nais na magpalamig sa init ng panahon. Summer noon ng magkakilala kami ni
Zaldy.
“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga
kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga
sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.
“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong
sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala
lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa
taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.
Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi
maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang
mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at
talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din syang dimples na bagay na
bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang
talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na
parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo
sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na
tumerno sa kanyang mga singkit na mata. Kung ikukumpara mo sya sa isang artista
ay kahawig nya ang singer na si Enrique Iglesias. Ngunit mas mababa lang dito
si Zaldy kumpara sa kanya. Mga 5’4 o 5’5” lang ata wari ko.
“Oh bat parang natulala ka dyan? May
dumi ba sa mukha ko? Tanong nya sa akin na para naman akong binuhusan ng
malamig na tubig na nagpagising sa akin sa aking mahimbing na panaghinip.
“Ahh…Ehh. Wala. Wala kang dumi sa
mukha” nanginginig kong tugon sa kaya.
“Eh bat para kang nakatulala at
nananaghinip dyan ng gising? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong tulad ko?
Mayabang na tugon nya sa akin habang sya ay papalapit at tumabing umupo sa
akin. Ngunit nakapagpainit ng aking laman at tumaas sa aking ulo na naging
dahilan upang mamula ang aking pisngi kahit na ako ay moreno ang kutis.
“Di naman ahh. Mas gwapo kaya ako
sayo. May iniisip lang talaga ako kanina” mayabang ko ding sabi sa kanya. “Ano
nga ulit ang pangalan mo?”itinanong ko ulit dahil sa nakalimutan ko ang kanyang
pangalan.
“Zaldy pala.” Sabi nya sabay abot ng
kanyang kamay sa akin. Nakipagkamay naman ako sa kanya at ngumiti at dali
daling tinanggal agad kamay ko sa kanyang pagkakahawak dito. Baka kasi may
mahalata na naman siya sa mga kilos ko. Pero sa totoo lang gusto ko ulit
mahawakan ang kamay niya. Napakalambot kasi nito at para bang iba ang dalang
init ng palad nya sa aking katawan.
Di ko alam ang magiging reaksyon sa
kanyang ginawa pero nagdulot talaga ito sa akin ng kakaibang nararamdaman sa
una pa lang naming pagkikita. Para akong maiihi na ewan. Para akong kinikiliti sa pagkatabi pa lang
namin at nang dumikit ang kanyang mga balat sa akin. Iba talaga ang naging
epekto sakin ng mokong na ito.
“Lagi ka bang nandito Jose?” dagdag na
tanong nya sa akin.
“Oo, lagi akong nandito para makapag isip ng
mga bagay bagay.” sabi ko sa kanya.
Itong ilog na din kasi ang nagging
takbuhan ko sa twing ako ang may dinadalang hinanakit sa mundo. Noong naging isang
ulilang lubos ako. Sa mga hinanakit ko sa magulang ko sa pag iwan nila
sakin. Mga pasakit na dinaranas sa buhay
ko ngayon. Mga katanungang bumabagabag sa akin. Dagdagan pa ng natuklasan ko
tungkol sa aking sarili. Sa aking katauhan. Na ako ay nagkakagusto din sa kapwa
ko lalaki. Dito sa mismong lugar na ito
ko ibinuhos ang lahat ng mga ito. Sadya kasing stess reliever ang lugar na iyon
sa ganda at para rin akong nakakakuha ng mga kasagutan na aking iniisip.
“Nga pala jose, parang tayo lang ‘tong
piso ohh.” Nakangiti ngang banggit sa akin.
“Bakit mo naman nasabing parang tayo
lang yung piso? Ano yun piso lang halaga natin sa gwapo nating ito?” tanong ko
sa kanya na naguguluhan din kung pano nya nasabi yun.
“ahh kasi si Jose Rizal ang nakalagay
sa piso diba? Ikaw si Jose at ako naman yung Rizal. Kay Rizal din kasi kinuha
yung pangalan ko.” Nakangiti nyang wika sakin. “…at isa pa hindi makukumpleto
ang isaang daan kung walang piso diba? Parang ikaw at ako. Di ako kompleto pag wala ka. At di ako papayag na piso lang ang halaga ko, ang cute cute ko
kaya.” Matawa-tawa nyang dagdag.
“Ano daw? Di sya kompleto pag wala
ako? Nakadrugs ba to?”natatawang sambit ng aking utak. Di ko alam ang
mararamdaman pero para akong kinilig na ewan sa kanyang sinabi.
“Ahhhh…”yun na lang ang sabi ko sabay
paiwas ko syang tiningnan . Di ko kasi alam kung ano mangyayari kung magtama na
naman ang aming mga mata. Baka tuluyan na akong lamunin ng aking kamunduhan.
Parang ngayon lang kami nagkakilala pero ang lakas talaga ng hatak nya sakin.
Habang nasa ganung posisyon ako ay
naalala ko naman ang mga nakalipas na sandali sa aking buhay at mga bigat at
sakit na pinagdaraanan ko. Ganito pa rin ba ang takbo ng buhay ko kung buhay
lang sana ang mga magulang ko ngayon? Kaya ko pa kayang mamuhay sa mundo ng mag
isa at walang karamay? Pagod na pagod na kasi ako sa lahat ng nangyayari sa
buhay ko. Lugmok na lugmok ako. Hindi ko alam kung bakit sa lahat na lang ng
pagkakataon feeling ko pasan ko ang bigat ng mundo. Puro pagdurusa na lang ang
aking nararanasan. Gusto ko ng sumunod sa aking mga magulang na namayapa na.
At nakita ko na lang ang aking sarili na
tumulo na ang aking luha at agad ko naming pinunasan ito para di mahalata ni
Zaldy. Ngunit huli na ang lahat. Kanina pa pala sya nakatitig sa akin at
pinagmamasdan ako.
“Tol, alam ko may pinagdadaanan ka
ngayon, alam ko din na gusto mo ng sumuko dahil sa mga nakita ko sayo. Di ka
naman kasi iiyak ng wala lang eh. Pero masasabi ko lang na kaya mo yan. Lahat
ng nangyayari sa atin ay may halaga at plano ang Diyos kung bakit natin ito
pinagdaraanan ngayon.” Sabi nya sakin.
"Lagi mong tingnan kung hanggang
saan o kung ano na narating mo kesa sa kung gaano pa kalayo ang pupuntahan mo.
Lagi mong bilangin kung anong meron ka, hindi kung ano ang wala ka. Kapag sila
ay nagdurusa, nagtatanong sila kung bakit ako? Bakit sa kanila nangyari ang
ganung bagay? Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng pagbigyang ng problema ehh
sa kanila pa ito binigay pero hindi sila nagtatanong kung bakit sila nakakatanggap
ng biyaya diba?” dugtong niya. Bagama't may kirot na dulot sa akin ang mga
katotohanang sambit ni Zaldy ay may kaunting kiliti naman itong dulot sa akin
habang nangungusap ang nanlalambing niyang mga tingin sa aking mga matang bakas
ang dinadalang problema.
"Ano kayang buhay ang mayroon ang
taong ito? Sa kanyang mga sinasabi'y may bahid ng kaunting lungkot na mga titig
ay dama kong tila pareho o mas higit pa ang kanyang karanasan?" ang tanong
ko sa aking sarili habang pinakikinggan ng mabuti si Zaldy.
“Salamat tol. Pero di ko na ata talaga
kaya ehh. Para akong pinagkaitan ng tadhana sa mga pinagdaraanan ko. Lahat na
lang ata ng problema sa mundo pasan ko na. Ang sakit sakit ehh. Masakit dahil
ganito ang buhay ko ngayon. Problema, problema at problema lang ang gumigising
sa akin araw araw. Di ko tuloy maiwasang sisihin ang mga magulang ko. Kung
hindi sana nila ako iniwan, naging masaya sana ako kahit papano dahil andyan
sila at kompleto kami. May gumagabay sa mga mali ko, may nagtatanggol kapag ako
ay inaapi at may magpapayo kung ano ang tama at mali sa mga desisyon ko hindi
tulad ngayon na mag isa ko na lang kinahaharap ang lahat ng ito.”sambit ko kay
Zaldy habang di ko maiwasang tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Ang mga problema na nararanasan
natin sa buhay ay para lang yang isang malaking hadlang sa mga daraanan natin.
Sila ang nagbibigay sa atin ng lakas. Lakas upang labanan ang mga susunod pang
pagsubok na darating sa ating buhay. At di natin napagtatagumpayan ang lahat ng
pagsubok na dadating sa atin kung wala tayong problemang
kakaharapin."sagot naman ni Zaldy sa akin.
Hindi ko akalaing ganito kalawak ang
pananaw niya sa buhay. Marahil may pinagdaanan siyang higit sa kalagayan ko ngayon. Pilit na ngiti na lang
ang ibinalik ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili.
"Alam mo, ang isang diamante ay
di pwedeng kumintab kung di mo kikiskisin ito. Ang ginto ay di mo mahihinang ng
walang apoy. Ang mabubuting mga tao ay nakakaranas din ng matinding pagsubok sa
buhay ngunit di sila nagpapadaig dito. Ginagamit nila ang karanasan nilang ito
para magtagumpay sa buhay nila para maging mas mabuti at matatag tao." Ang
matalinhaga niyang patuloy sa kanyang pagpapaliwanag ngunit dahil sa kanyang
itsura, galaw at pangungusap ay nakaramdam ako ng kakaibang
init sa aking puso't naging mabagal at
malakas ang tibok ng aking dibdib. Para akong ewan na hindi ko maintindihan
dahil sa problema't seryoso ang aming usapan ngunit ang laman ng aking puso't
isipa'y
unti-unting pinapalitan ng aming
kalagayan at si Zaldy.
Habang patuloy lang siya'y natulala na
ako kay Zaldy. Para akong nanaginip ng gising at di ko na napansin na tapos na
siya sa kanyang sinasabi.
"Tol? Natutulala ka nanaman sa
akin... Ikaw ha.... Nakakahalata na ako." sabay bagon niya. Hinila pabalik
ng kanyang sinabi ang aking ulirat at napansin ko na lang siyang biglang
bumangon tangan ang piso
at tila nagpapahabol na tumungo sa
gilid ng ilog.
“Tara na nga. Mag hanapan na lang tayo
nitong piso. Ang drama na natin eh”. “Ihahagis ko ‘to tapos hahanapin natin
ha?”dagdag na sabi nya sakin habang nakangiti at ako’y napa-oo na lang sabay
hubad ng aking mga damit at iniwan ko na lang ang aking brief na aking tanging
saplot sa aming paliligo.
Nakita ko sya sa kanyang ginagawa na
naghuhubad din ng kanyang saplot sa katawan. Di ko maiwasang tumitig sa kanyang
ginagawa at mamangha sa kanyang katawan. Hindi man maskulado pero hindi naman
din mataba ang kanyang pigura. Sakto lang kumbaga. Tanaw ko mula sa aking kinalalagyan
ang balahibong pusa niyang balbon sa katawan na tipo ko sa isang lalake.
“Hmmmmn ang sarap siguro lapain ni
Zaldy?” intrega ng aking malanding utak.
“Oh, anong tinitingin tingin mo dyan?
Kanina ko pa napapansing nakatitig sakin ahh? Type mo ba ako ha?” preskong
pagpuna nya sa akin na nakapagpula na naman sa aking pisngi.
“Ahh. Ehh….di ahh” nanginginig kong
sagot sa kanya.
Ramdam ko ang pagkahiya kanina sa
kanyang mga sinabi kaya hinubad ko na lang ang natitira kong saplot para din
maipagmayabang ko ang angking kagwapuhan at angking kakisigan. Di naman sa
maipagmamayabang pero madaming nagsasabing hawigin ko daw si Derek Ramsay.
Tipikal ang pagkamoreno ng aking balat dahil na rin siguro laging babad sa
araw. Malalaki ang katawan at maskulado dahil na rin siguro sa mga mabibigat
kong gawain upang mabuhay. May mapuputi at pantay na mga ngipin ngunit walang
dimples tulad ng kay Zaldy.
Nakita ko ang kanyang reaksyon sa
aking ginawa kaya napangisi na lang ako. “Ano ka ngayon ha?” sa isip ko
lang. “Oh? Bat ikaw naman ngayon ang
nakatulala dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad sa harap mo?
Hinubad ko na rin brief ko para wala na ako patutuyuin bago umuwi. Tayo lang
din naman ang tao kaya hinubad ko na.” nakangiti kong sabi sa kanya.
May fiesta kasi sa kabilang bayan kung
saan si Zaldy nakatira kaya siguro walang katao-tao ang lugar na yun nung mga
panahong yun.
“Ahh oo nga noh? Tayo lang tao.hehehe
Sige na nga, maghuhubad na din ako. Wala din akong dalang pamalit ehh”
Nakangiti nyang sabi sa akin.
Matapos kong maghubad ay agad akong
lumusong sa tubig upang makaupo sa may bandang sulok ng ilog. Mayroon kasi
itong parang kweba na maliit upang gawing umpukan sa tuwing may gustong mag
inom dun. Nakita ko naman si Zaldy na tapos ng maghubad ata may kinuha sa
kanyang bulsa bago pa ako sundan sa aking pinuntahan.
Tangan niya ang piso at agad akong
sinundan kung saan ako nandoon.
“Game?..” tanong nya sa akin nang
makarating siya sa aking kinaroroonan.
Ang sarap ni Zaldyng tingnan sa
kanyang itsura. Hingal. Basa ang katawan. Hubot-hubad. “Ang halay mo talaga
Jose.” Sambit naman ng echosera kong isipan.
“Hoy!..ano game na?..”tanong ulit nya
sa akin.
“Ha? Ahhh… ehhh… O-oo..” di mapakaling
sabi ko sa kanya.
Inihagis nya mula sa kanyang
kinatatayuan ang piso sa malalim-lalim na parte ng ilog kung saan naming
unahang hahanapin ito.
Dali dali kaming nag unahan kung saan
ni Zaldy tinapon ang piso para hanapin namin. Sisid sisid kong tinatanaw ang
piso sa ilalim ng ilog kung saan ni Zaldy ito itinapon. Hingal na hingal akong
hanapin ito ngunit hindi ko talaga ito makita.
Napansin ko na lang na hindi na
sumisisid si Zaldy at lihim na pinagtatawanan ako sa aking itsura. Hingal na
hingal ako sa aking paghahanap pero wala talaga akong makitang piso. Una na
pala itong nakita ni Zaldy at itinago lang sa akin at hindi sinabing nakita na
nya ito.
Nainis ako sa kanyang ginawa kaya
“Ikaw na lang mag laro sa piso mo” tamputampuhan kong sabi sa kanya. Hindi
naman maalis sa akin na nag enjoy ako sa paghahanapan naming ng piso. Dagdagan
pa ng damdamin kung unti-unting umuusbong para sa kanya.
“Sorry na. Hindi na mauulit
hehehehe.”natatawa nyang sabi sa akin. “Oh ikaw naman mag tapon nitong piso”
dagdag nya pang sabi sa akin. Ewan ko rin ba pero pag si Zaldy ang kasama ko,
hindi ko kayang magalit sa kanya at parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Parang wala akong problemang pinagdaraanan.
Habang inaabot nya sakin ang piso ay
palihim nya namang hinimas ang aking kamay. Di ko alam ang magiging reaksyon ko
sa ginawa nyang iyon. “Pinaglalaruan ba ako nitong tarantadong ito?”isip ko na
lang. “Eh bakit? Gusto mo din naman yan diba?”intriga na naman ng aking
malanding utak.
Agad ko naman itong tinapon ang piso
upang hanapin ito habang di pa nya nakikitang pinamulahan na ako ng aking
pisngi sa pagkakahawak nya ng aking kamay. Sinisid ko kung saan ko ito
itinapon.
Agad ko naman itong pilit na kinuha.
Ngunit di ko pala alam na malapit na din ito makuha ni Zaldy at pagka dampot at
pagka dampot ko ng piso ay sya rin naming dampot nya dito. Sa ginawa naming
iyon ay di naman maiwasang magkahawakan kami ng aming mga kamay. Pero hindi ko
binigay ang piso sa kanya habang inaagaw nya ito sa aking kamay habang nasa
ilalim kami ng ilog.
May pustahan kasi kami na kung sino
ang kulelat sa puntos ng aming hanapan ay manlilibre sa rides sa kabilang bayan
kung saan ngayon may fiesta. Kaya ayaw ko ding magpatalo dahil wala akong
ipanggagastos para doon. Isip ko pa nung
una baka date ang hanap nito kaya niyaya nya akong sumama sa kanya pero nagsabi
naman sya sakin na gusto nya daw akong makilalang mabuti dahil gusto nya akong
maging matalik na kabibigan. Napakagaan dawn g loob nya sakin at halos pareho
kami ng pinagdaraanan sa buhay.
Hindi ko talaga hinayaang maagaw ni
Zaldy sa aking kamay ang piso na hawak ko na ngayon. Habang gusto ko sana nang
umahon upang kumuha ng hangin ay hinila naman ako ni Zaldy pababa at niyakap
nya ako habang hawak pa rin ang kamay kong may tangan na piso. Ramdam ko naman
sa aking likod ang kanyang malaki-laking armas na kumikiskis sa aking likuran
dahil sa hubot hubad kaming naligo.
Sa pagkabigla ko naman sa kanyang
ginawa ay buong lakas ko syang tinaboy sa akin at dahil nauubusan na din ako ng
hangin sa katawan. Kaya nabitawan nya ako at nakaahon na habang hingal na
hingal at pilit na hinahabol ang aking hininga.
“Ang daya naman.” Singhal ko kay Zaldy
habang pilit ko pa ring binabalik sa normal ang aking hininga. “kapag nakuha na ang piso, wala ng agawan.
Ang daya daya mo ehh”dagdag ko pa dito.
Nang makapag ipon na ako ng nawalang
hangin sa aking katawan at lakas sinabihan ko syang dun kami sa may
mala-kwebang parte ng ilog kung saan kami nag-usap kanina magmumula upang
hanapin ang piso.
Nauna akong makaakyat sa parteng iyon
ng ilog. At agad naman akong sumigaw ng “Game!!!!” at dali dali kong hinagis
ang piso sa di kalayuan habang di pa sya nakakaakyat sa dapat naming pwesto.
Dali dali akong nagdive sa ilog upang hanapin ang piso na aking hinagis.
Di ko inaasahang sa kagustuhan ko ring
makapanglamang sa kanya ay ako pa ang mapapahamak dahil mababaw pala ang parte
ng ilog na iyon kung saan ako nag dive. Nabagok ang ulo ko at nawalan ako ng
malay-tao.
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na
nangyari pagkatapos kong lumusong sa tubig. Parang may mga puting alitaptap na
nagliliparan na aking natatanaw. Masakit ang aking ulo. Nahihilo at di
makahinga.
_______________________________
Zaldy
_______________________________
Nagpustahan kami ni Jose sa paglalaro
ng piso. Ang napagkasunduan naming premyo kung sino man sa amin ang makakakuha
ng mas madaming puntos ay ililibre kung ano man ang gusto nitong sakyang sa
rides. Fiesta kasi noon sa bayan namin.
Sa totoo lang hindi ko naman talaga
gusto ang pustahan na iyon. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanya upang
makasama ko sya mamayang gabi sa perya. Gusto ko siyang makasama. “Sana nga
lang di nya akalaing date ito” sambit naman ng aking isipan.
Dali dali ko namang inalalayan si Jose
papuntang gilid ng ilog nang mapansin kong hindi na sya umaahon sa tubig at
nang may nakita akong dugo galing sa kanyang noo.
Tarantang inalalayan ko sya papunta sa gilid ng ilog upang ito ay
subukang bigayan ng buhay sa pagkakabagok at pagkalunod. Agad ko namang
tiningnan kung may pulso pa o kung himihinga pa sya. Di ko talaga alam ang
aking gagawin sa pagkakita ko sa kanyang kalagayan. Tumibok ng mabilis ang
aking puso sa kabang dulot ng pangyayari. Nanginginig ang aking mga kamay at
buong katawan. Kinakapos ako ng hininga sa pagkakita ng kanyang kalagayan. Para
akong maiihi na ewan. Natatakot. Kinakabahan. Balisa. Kung ano man ang pwedeng
mangyari sa mga oras na iyon.
Sa totoo lang hindi ako marunong
magbigay ng CPR. Kaya ginaya ko na lang ang mga nakikita ko sa tv pag ako ay
nanunood sa kapitbahay namin.
Nanginginig kong inipit ng bahagya ang
kanyang ilong gamit ang kanan kong kamay. Ang kaliwa ko namang kamay ay
nabigyang laya upang bahagyang maitaas ang kanyang baba at ibuka ko ang kanyang
mga labi upang bugahan ng hangin. Pagkatapos noon ay pinakinggan ko naman ang
kanyang hininga kung may lumalabas na hangin mula dito at kung umaangat din ang
kanyang dibdib. Yun kasi ang nakikita ko sa mga palabas. Ang pagma-mouth-to-mouth
resucitation.
Ewan ko ba kung sa mga pangyayaring
iyon ay dapat pa akong makaramdam ng ganoong bagay. Ang makaramdam ng kakaiba
sa pag lapat ng aming mga labi. Pero di ko talaga maiwasan. Napakalambot kasi
ng kanyang mga labi at kay sarap halikan. Para bang nang aakit pa itong lapitan
at ulit-ulitin kong lasapin ang kanyang mga labi. May spark kumbaga. Agad ko
naman itong winaglit sa aking isipan dahil nasa bingit ng kamatayan si Jose.
Nang wala akong mapansing senyales na
himihinga pa siya, o kung may pagbabago sa kanya ay agaran ko naman inulit ang
pagma-mouth-to-mouth ko sa kanya. Ngunit sa mga sandaling ito ay hindi ko na
naramdaman ang naramdaman ko kanina. Para akong binanlian ng mainit na tubig at
dali dali kong ginawa ang mga nakita ko sa tv. Kinakabahan ako. Nanginginig.
Nanghihina. Sumisigaw.
"Jose!...Jooooosssssseeeee!!!....."
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment