by: Justyn Shawn
Mula sa may pintuan ay iniluwa nito si
Rolly. Hindi ko akalain na siya pala ang kapatid ni Renz. Kung sa ugali at sa
ugali lang din naman ang batayan ay di hamak na mas mabait si Renz kay Rolly.
Hindi pa man kami nagsama ni Renz ng matagal at ni hindi ko pa rin siya lubos
na kilala ay masasabi kong mas lamang siya kay Rolly. Maalaga, Maaalalahanin,
masipag, at mapagmahal. Iyon naman ang kabaliktaran na nakita ko kay Rolly.
Pero sino ba ako para manghusga ng isang tao ganoong hindi ko naman sila talaga
kilala ng husto.
Gayon pa man, hindi pa rin nawawala
ang paghanga ko kay Rolly sa simula’t simula pa lamang noong kami ay nagkita.
Transferee siya noon sa aming
eskwelahan at nagkabanggaan kami sa pagpila sa para makapag enroll. Siya ang
nakabangga sa akin dahil na rin siguro sa kanyang pagmamadali. Humingi naman
siya ng pasensya sa kanyang nagawa ngunit pagkatapos noon ay tinungo na niya
ang pila. Kita mo sa kanya na hindi talaga siya sanay sa mga ganong pilahan.
Ayaw ko din namang tulungan siya kahit na gustong gusto ko. Suplado kasi ang
dating niya sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin. Ngunit lihim ko naman
siyang pinagmamasdan habang ako din ay nakapila.
Sa simula ng aming pasukan ay nagulat
ako noong malaman ko na kaklase ko pala siya. Matalino si Rolly. Noong una ay
lagi siyang nangunguna sa klase na para bang alam na alam na niya ang mga
itinuturo ng aming guro sa kanya ngunit noong lumaon at nakahanap ng mga
kaibigan sa aming eskwelahan ay hindi na ito nag-aaral.Parang hindi natatakot
kung mabagsak man siya o hindi. Laging lumiliban sa klase. Gayun pa man ay
nasasagutan pa rin niya ang mga pagsusulit namin, minsan pa nga ay nangunguna
siya.
Hinangaan ko siya sa kanyang talino,
kisig at pagiging madiskarte. Hindi ko naman ito ipinapahalata sa kanya kahit
na habang tumatagal ang mga araw ng aming pasukan at lalong lumalalim ang
pagtingin ko sa kanya. Pagtingin sa malayo.
Parang lahat lang yata ng ipinapakita
ko sa kanya na pag iignora at hindi pagpansin ay dala ng pagtingin ko dito.
Pagtingin na lalo pang lumalalim noong magkaklase pa kami. Pagtingin na
pinipigil ko at sinasadyang ayaw ipakita dahil hindi naman dapat. Hindi bangay
dahil hindi ito tanggap ng lipunan at higit sa lahat walang kasiguraduhan.
Walang kasiguraduhan na ganun din ang makukuha kong pagmamahal galing sa kanya.
Dahil isa siyang lalaki at babae ang hanap niya. Dahil alam ko na pangarap din
niya na magkaroon ng anak baling araw; ng asawa; ng pamilya.
Walang masayang bumalik sa aking
alala-ala noong ako ay pumapasok pa ngunit ang presensya ni Rolly ay sapat na
para sa akin noon. Ngayong magkaharap na kami ay hindi ko alam ang gagawin,
hindi ko alam ang mararamdaman.
Pinulot ko ang nahulog na sandok at
kumuha ng bago upang ipagpatuloy ang aking niluluto. Tila para bang bulateng
binuhusan ng asin si Renz dahil aligaga ito. Hindi ko alam kung bakit. Lumapit
si Rolly sa kinaroroonan namin. Inakbayan niya ang kapatid at may ibinulong
dito.Sabay tungo nila sa sala at nag-usap. Maya maya pa ay nakita ko si Rollyng
umakyat sa kanyang kwarto.
Nagpatuloy na ako sa aking pagluluto.
Nang matapos na, agad akong naghain upang makakain na. Tatlong pinggan ang
aking inihanda sa lamesa, para sa aming tatlo. Habang nag-aayos ng mga
kobyertos ay pansin ko si Renz sa may sala. Malungkot.
Nilapitan ko ito’t niyaya upang kumain
na. Habang kumakain ay napansin ko naman si Rolly na pababa na ng hagdanan;
bagong paligo. Napako ang tingin ko dito. Talagang napaka gwapo niyang
pagmasdan.
“Ehem!”nagpabalik ulirat sa akin sa
pagkakatitig ko kay Rolly.
“Kuya, hindi ka ba muna kakain?”
dagdag na tanong niya dahil palabas na ng bahay ang kanyang kuya. Nagmamadali.
“Sa labas na lang ako kakain. May
hinahabol pa kasi akong dapat asikasuhin.”Saad nito sa kanyang kapatid.
“Mag-iingat kayo.”dagdag pa nito.
Ilang araw pa ang nagdaan simula noong
makita ko ulit si Rolly. Hindi na kasi ito ulit bumalik ng bahay. Sa mga araw
na iyon, kahit hindi man aminin ng utak ko, ang puso ko naman ang nagsasabi at
nasasabik na muli siyang masilayan. Si Renz naman ay walang tigil din na
nagpaparamdam at sinasabing mahal niya ako. Gaya noong una, minsan
naaalimpungatan na lamang akong may humahaplos sa aking buhok. Paminsan-minsan
din niya akong ninanakawan ng halik. Pero hindi ko siya magawang mahalin.
Idikta man ng isip ko na siya na lang, iba pa rin ang laman ng puso ko. Si
Rolly. Umaasa pa rin ang puso ko na siya ang lalaking magmamahal sa akin. Ang
lalaking pilit na isinisigaw ng puso ko. Ang lalaking tutupad sa matagal ko
nang pinapangarap.
Isang araw, habang nagmumuni-muni.
“Madam! Nakabalik na pala kayo.” Tawag
ni Renz.
“Sinabi nang Mama na itawag mo sakin
eh. Ang kulit mo ding bata ka.” Kita ko si Renz na nagkamot ng ulo. Liningon ko
kung sino ang babaeng kausap niya.
“Paanong…”tanging nasambit ko na lang
sa sobrang pagtataka. Hindi ko kasi akalain na ang matandang pulubi na dati’y
dinadalhan niya ng pagkain, tinulungan at mapamahal na sa kanya ay isa pa lang
mayaman; na siya ang tinutukoy ni Renz na Madam. Hindi lang siya basta mayaman.
Mayamang mayaman.
Nilapitan ako ni Lola Alissa at naupo.
Nanatili naman akong utang ang isip sa pagtataka. Hinawakan niya ang aking mga
kamay na para bang nagsasabing okay lang ang lahat at wala akong dapat na
ikabahala.HUmugot siya ng malalim na hininga at nagsalita.
“Pasensya ka na kung ikinubli ko ang
tunay kong katauhan. Ginawa ko ang lahat nang pagpapanggap na iyon upang subukin
ka; ang iyong katatagan, talino, pagmamahal, kabaitan at pakikipagkapwa tao.
Lahat ng iyan ay nakita ko sayo. Nang walangpangingimi; nang walang hinihinging
kapalit. At upang mapatunayan kung totoo nga ang ipinakikita mong kabutihan at
upang mas lalo kitang makilala ay pinag-aral ko din si Rolly sa pinapasukan mo
kahit tapos na siya ng kanyang kursong pinili sa Amerika. Kahit walang wala ka,
nakuha mo pa ding tumulong sa kapwa mo. Kahit aping-api ka na ay di ka
nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa mo. Kahit na sadlak ka sa kahirapan,
lumalaban, nagsusumikap at nagpupursigeng makaahon sa buhay. Kahit na mapait
ang tadhanang ibinigay sa iyo ng Diyos ay Siya sinisisi bagkus ay mas Lukas ang
paniniwala mo sa kanya; lumawak ang pag-unawa mo na ang lahat ng Kanyang
ibinigay sa iyo ay may dahilan. Napakatatag mo. Napaka buti mo Ramil. Noong
sinabi ko sayo na natagpuan ko na ang hinahanap ko ay natagpuan ko na nga iyon
sa katauhan mo. Nakapag disisyon na ako noon na sa iyo ko ipapamana ang aking
mga hacienda. Sa inyo ko ipapamana ang lahat ng ari-arian at kayamanan ko dahil
wala naman akong pamilyang mapag-iiwanan nito kundi sa inyo na itinuring ko
nang parang tunay na anak at hindi ko rin ito madadala sa hukay na malapit ko
nang paroonan.” Mahabang salaysay niya sa akin.
“Lahat kayo ay sinubok ko ang katauhan
isa-isa sa sarili kong paraan upang hindi mapunta saw ala ang mga pinaghirapan
kong makamtan. Alam kong mahirap ang maging isang mahirap dahil nagmula ako
doon. Alam ko rin ang pakiramdam na para bang pinagsakluban ng langit at lupa,
na nag-iisa at walang makakapitan. Lahat ng mga iyon ay naranasan ko kaya isa
ka sa napili ko upang magmana dahil ayaw ko nang makita na may taong nagdurusa;
ayaw ko nang may tao pang makararanas ng kahirapan at sakit na naramdaman ko
noon. Ngayon, okay lang bas a iyo na ampunin kita? tutalwala ka ng pamilya at
matitirhan. Sana okay lang sa iyo.” Kinapa ko ang aking puso at ramdam ko ang
pagiging ligtas sa bahay na ito;sa pamilyang ito kahit sabihin pang hindi ko
sila tunay na kadugo.
Hindi ako mapakapgsalita. Lutang pa
rin ang isip ko sa mga sinabi niya. Napatango na lang ako upang ipahayag ang
pagsang-ayon. Nakapakandang oportunidan ito para tanggihan ko. At tama si Lola
Alissa, Wala na akong pamilya at wala rin akong matutuluyan.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
“May isang bagay lang po sana akong
hihilingin” saad ko ditto dahil at sa tingin ko naman ay hindi kalabisan ang
hihilingin kong bagay.
“Ano iyon hijo?”
“Kung pwede po sana ay huwag na ninyo
ipamana sa akin iyong sinasabi po ninyong mga hacienda. Sobra sobra na po ang
tulong na nagawa ninyo sa akin. Tama na po iyon.”saad ko dito .
“Kung iyan ang gusto mo.”sagot naman
sa akin ni Lola Alissa.
“Pero wala ka nang magagawa dahil
inayos na naming ang lahat ng mga papeles at nakapangalan na iyon sayo. Alam
kong mapapatakbo mo ito ng maayos dahil matalino ka. Bagay na bagay din ang
haciendang ipinamana ko sayo sa kursong kinuha mo. Hayaan mo tutulungan ka ni
Rolly.” Dagdag pa niya. Nagulat naman ako at inasikaso nap ala nila ang lahat.
Siguro iyong mga panahong hindi ko sila nakita ay iyon ang inaasikaso nila.
Napakaswerte ko dahil sa kanila.
“S-salamat.” Tanging nasambit ko.
“May tiwala ako sa iyo. Kaya mo yan
anak”
Bigla namang pumatak ang aking mga
luha sa huli niyang sinabi. ‘Anak’ kay sarap pakinggan. Napakagandang himig na
aking narinig na nagpapalambot ng aking puso. Mga katagang ni minsan ay hindi
ko narinig sa aking tiyahin at tiyuhin. Mga katagang matagal ko ng
pinangungulilaan sinula noong pumanaw ang aking mga magulang.
Hindi ko maiwasang yakapin si Lola
Alissa sa sobrang saya at pasasalamat. Niyakap ko siya ng mahigpit. Tinugunan
din naman niya ng mga yakap na iyon. Damang dama ko ang pagmamahal sa kanya.
Pagmamahal ng isang magulang.
“Ang drama nyo Ma. Tama na yan.”singit
naman ni Renz sabay hila sa kamay nito. Nakakatuwa talagang makita si Renz
kapag hindi nagdadrama at nagiisa na malimit kong makita sa kanya. Kwela si
Renz. Alam kong tinatago lang niya ang kanyang damdamin sa mga ngiting makikita
mo sa kanya.
“Renz!” tawag ni Rolly sa kanya habang
papasok ng pintuan. Kita kong may mga kahon itong dala.
“Tulungan mo kami dito.”dagdag pa
nito.
“Nga pala anak, bumili na din kami ng
mga gamit at damit na kakailanganin mo.”saad sa akin ni Lola Alissa.
Nagpasalamat ako dito at tumayo upang
sundan si Renz at upang tulungan na din sila maghakot ng mga gamit.
Nasa likod ng bahay ang sasakyan dahil
nakaharap ang bahay na iyon sa dagat kaya’t naglakad pa kami papunta doon.
Noong maabot na naming ang sasakyan ay
nakita ko ditto ang mga kahon ng gamit. “Napakarami naman atang binili nila
para sa akin.?” Sa isip ko lang. Nagbuhat na ako ng kahon upang dalhin ito
papasok ng bahay ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Hindi ko alam na may
tao pala sa loob nito dahil tinted ang bintana ng sasakyan. Iniluwa naman nito
ang isang babae. Napakaganda nito, makinis, maputi.
“Ate Levie, Kumusta?”tanong naman ni
Renz sa kanya nang makita niya ito.
“Okay lang naman. Ikaw kulit, musta ka
na?”balik na tanong niya.
“Ayos lang Ate. Sya nga pala si
Ramil.” Sambit nito. Nakipagkamay siya sa akin at tinanggap ko naman ang
kanyang kamay at nginitian ito. Napakalambot ng kanyang mga kamay.may kung ano
sa kanyang mga titig sa akin na nakapagpatayo ng aking mga balahibo.
“Hi Cutie”saad sa akin nito sabay
kindat.
Itutuloy. . . . . . . . . .
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment