by: Justyn Shawn
Hinigit niya ang aking mga kamay.
“Saan ba tayo pupunta?”tanong ko dito.
“Basta, sumama ka na lang. I’m sure
mag e-enjoy ka sa pupuntahan natin.”
Nagpatangay na lang ako kung saan man
niya gustong pumunta. Gusto ko rin mag-enjoy sa araw na ito. Na sana ay matagal
ko nang ginawa mula noong pumunta ako dito.Pero hindi ako pinahintulutan ng
panahong maging masaya. Siguro nga choice ko lang din yun na maging ganun.
Sumakay kami sa kanyang kotse at kapag
tinatanong ko siya kung saan kami pupunta ay “Basta” lang ang kanyang
sinasagot.
Mahaba na rin ang naging byahe naman
ngunit ganun pa rin ang kanyang sagot kapag tinatanong ko siya kung saan nga
kami pupunta; basta. Nagpakasaya na lang ako sa pagtingin ng mga tanawin nakikita
ko habang kami ay patungo sa lugar na hindi ko alam. Wla akong clue kung anong
lugar papunta iyon dahil liblib ito at wala man lang kabahayan kaming
nadaraanan. Tanging mga puno o kaya naman ay bundok lang ang aking nakikita.
Nakatulog na pala ako at hapon na
noong ako ay gisingin ni Renz. “Gising na! Nandito na tayo.”
Pagmulat ko ng aking mga mata ay
nakita ko na lang ang aking sarili na naka nganga sa nakita. Napakaganda ng
lugar na iyon.
“Whaaaa-haaaaaw!.. Ang ganda naman
dito. Anong lugar ‘to?” tanong k okay Renz habang tinatanaw pa rin ang
kagandahan ng lugar.
“Ang hacienda mo!”
“Akin ito?”tanong ko ulit kay Renz.
“Oo nga. Kulit lang? Diba sayo ito
pinamana ni Mama?”
Di talaga ako makapaniwalang akin ang
itong ganitong kagandang lugar. Nilibot naming ito. Ang kagandahan nito.
Napakalawak talaga ng lugar na iyon. Isang itong malaparaisong lugar na
napapalibutan ng mga kapatagang bukirin na nagsisilbing taniman ng palay. Sa
gilid nito nakahimlay ang isang katubigang lawa na nakakabighani sa kalinisan;
isang malaking fish pond. May playground para sa mga bata. May subdivision para
sa mga nag-aalaga ng hacienda doon, at mayroon ding napakalaking swmming pool
sa gitna na mistulang dagat na sa laki nito; napakalaki at napakalinis sa kulay
asul nitong tubig. At ang samyo ng hangin, sadyang napakapresko. Ibang-iba sa
kabihasnan napakatahimik at napakalamig ng hangin sa tuwing dadantay ito sa
iyong katawan.
Nagpakasaya ako sa araw na iyon. Hindi
ko maisip na ganoon na ako kayaman. Para akong nanalo sa lotto. Napakasarap na
ng buhay ko ngayon na minsan ay pinangarap ko at sa panaghinip ko lang
nararanasan ang buhay na kasing ganda ng ganito. "Sana maging mayaman na
ako at makaahon sa hirap para naman maging masaya na ako." minsang sinabi
ko sa sarili ko.
Sadya talagang hindi nakakamit ang
kaligayahan ng kayamanan.Hindi sukatan na kung mas mayaman ka, mas maligaya ka
na. Hindi sukatan ang mga bagay at kapangyarihan mayroon ka para maging masaya
ka sa buhay. Mas magandang magkaroon ng self-satisfaction sa mumunting bagay na
ibinibigay mo sa iba; sa pagtulong sa kapwa; sa pag-gawa ng mabuti at
pakikipagkapwa tao. Konting bagay lang ang naiibigay ko sa kapwa ko dati pero
yung contentment at self-satisfaction sa pagtulong ko ay naandoon.Nang walang
inaasahan at hinihinging kapalit.
Naalala ko bigla ang aking tiyuhin at
tiyahin kung kumusta na kaya sila, kung ano na ang ginagawa nila, kung masaya
ba sila na sa wakas ay wala na ako sa kanilang piling.
Ni minsan ay hindi ako marunong
magtanim ng sama ng loob lalo na sa kumupkop sa akin noong nawala ang aking mga
magulang. Dahil kahit papaano ay nagsilbi pa rin silang gabay sa aking paglaki.
Kahit hindi man sila naging mabuting pangalawang magulang sa akin.
Matapos akong ilibot ni Renz sa buong
hacienda ay ipinakilala naman niya sa akin ang mga tauhan ng hacienda na aking
papamahalaan at ipinakilala naman ako nito bilang isang bagong may-ari.
Napakabuti nang mga tao dito. Dama ko ito sa kanilang mainit na pagtanggap sa
akin. Napakasarap ng pakiramdam.
Kinausap ko noon si Renz pagkatapos
ipakilala sa akin lahat ng aking mga tauhan ko.
“Renz.”
“Ha? Bakit?
“Pwede ba kita makausap?”
“Oo naman. Ano yun?”
“Diba akin na itong hacienda?”
“Oo.”
“Ahhhm. Pwede ko bang kunin ang aking
tiyuhin at tiyahin upang dito sana magtrabaho?”
“Oo naman. Sayo na nga ito diba? Ikaw
bahala kung paano mo ito patatakbuhin. Ikaw na ang bahala kung paano mo ito
mapapalago.”
Gusto kong tumanaw ng utang na loob
kahit pa man hindi naging maganda ang pagtrato sa akin ng nakagisnan ko nang
mga magulang; ang aking tiyuhin at tiyuhin kaya napagdisisyunan ko noon na
kunin sila upang doon na manirahan sa aking hacienda at tumulong sa
pagtratrabaho doon.
“S-salamat.”
Ngiti lang ang naging tugin niya sa
akin matapos akong magpasalamat dito.
“Sasabihin ko na lang din si Lola
Alissa sa disisyon ko mamaya pagkauwi natin.” sabi ko dito.
“Lola Alissa ka dyan! Pag narinig ka
nun lagot ka. Hahaha”
“Bakit?”takang tanong ko dito pabalik.
“Diba nga ayaw siyang tinatawag na
Lola Alissa?. Diba nga “Ma” ang dapat itawag sa kanya?” saad naman sa akin nito
nang pataas ng pataas ang kanyang boses.
“O-oo na. oo na. Sorry.”
Tawanan.
“Sir. Handa na po ang pag-kain.” Saad
sa amin ng isang matandang lalaki.
Sumunod agad kami ni Renz sa matanda
at dinala kami nito sa likod sa may ilalim ng puno. May nakahain duon na
pagkain sa ibabaw ng dahon ng saging na nakalatag naman sa malaking lamesa.
Napakadaming pagkain ang nakahain dito. Simple pagkain pero nakakagana talaga.
May tuyo, inihaw na isda, laing, ginataang native na manok, kinilaw at iba pa
at ang inumin naming, sabaw ng buko.
“Sir, nagkakamay po ba kayo?” tanong
sa akin ng matanda.
“Oo naman. Sanay ako sa kamayan.” saad
ko sa kanila. Bigla namang tumunog ang aking tiyan. Nag-aalburoto na pala ang
mga alaga ko sa tiyan.
Tawanan.
“Tara na nga. Kain na tayo.” Magiliw
na sabi ko sa kanila at inumpisahan ko nang magpiga ng kamatis sa ibabaw ng
aking kainin. Nagsisunuran naman sila lahat at nag sipagkain na kami.
Nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan ang
aming ginawa habang kumakain. Nakakagana. Madami akong nakain. Matapos naming
kumain ay nagpahinga kami saglit bago umuwi ng bahay.
Pumunta ako sa harap ng napakalaking
pool. Mayroon kasi itong pahingahan dito at doon ako huminga. Pumikit.
Napakaaliwalas talaga ng lugar na iyon. Sadyang napakagandang lugar upang
magpahinga. Samyo mo ang malinis na hangin.
Di ko tuloy maiwasang maalala ang dati
kong buhay noon. Sa burol sa likod ng bahay naming kasi ako lagi tumatambay o
di naman kaya ay nagbabasa at nag-aaral o nagpapahinga. Presko kasi duon at
doon din ako sa lugar na iyon pumupunta kapag nalulungkot ako at may problema.
Parang katulad din ito dito. Ang kaibahan nga lang ay mahirap ako noon, ngayon
mayaman na.
Naalala ko din nang minsang managhinip
ako kay Rolly na hinalikan niya ako at nagtapat ng kanyang pag-ibig ngunit
totoo pala ang lahat ng iyon ngunit hindi si Roll yang nandon kundi si Renz.
Nasa ganun akong pagmumuni-muni at
pagbabalik sa nakaraan ng makaramdam ako ng taong papalapit sa aking kinalalagyan.
Ramdam ko ang paglapit ng isang tao sa di kalayuan dahil rinig ko ang mga yapak
nito habang naglalakad. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Renz. Sa di kalayuan,
nakita ko siyang umupo sa isang duyan na may tangan na gitara.Inignora ko na
lang siya at nagpatuloy na lang ako sa aking ginagawang siesta. Maya mayaay
narinig ko siyang nag strum gitara at sinimulang umawit.
He broke your heart
He took your soul
You're hurt inside
Because there's a hole
You need some time
To be alone
Then you will find
What you always know
I'm the one who really loves you baby
I've been knocking at your door
As long as I'm living, I'll be waiting
As long as I'm breathing, I'll be
there
Whenever you call me, I'll be waiting
Whenever you need me, I'll be there
I've seen you cry
Into the night
I feel your pain
Can I make it right
I realized there's no end inside
Yet still I'll wait
For you to see the light
I'm the one who really loves you baby
I can't take it anymore
As long as I'm living, I'll be waiting
As long as I'm breathing, I'll be
there
Whenever you call me, I'll be waiting
Whenever you need me, I'll be there
You are my only I've ever known
That makes me feel this way
Couldn't on my own
I want to be with you until we're old
You have the love you need right in
front of you
Please come home
As long as I'm living, I'll be waiting
As long as I'm breathing, I'll be
there
Whenever you call me, I'll be waiting
Whenever you need me, I'll be there
Ewan ko ba kung patama niya sa akin
ang kantang iyon ko sadyang tinamaan lang talaga ako. May mahal ako at
nasasaktan ako pero siya ang taong nandyan lagi sa tabi ko upang alagaan ako
pero hindi ko pa rin maibigay ang pagmamahal na hinihingi niya sa akin. Siya yung
taong laging nandyan sa panahon na kailangan ko ng makakausap; sa mga panahong
umiiyak ako at nawawalan ng pag-asa.Sa panahong ako ay nag-iisa at kailangan ng
karamay, siya ang nandyan para damayan ako.
“Hayst!” singhal ko sabay buntong
hininga. Tumayo na ako at niyaya si Renz umuwi ng bahay. Nagpaalam na kami sa
mga tao na nandoon na uuwi na kami at mayroon pa kaming dapat ayusing
mahalagang bagay.
Pagka start na pagka-start ni Renz ng
kanyang kotse ay agad akong umimik dito. “Pwede mo ba akong samahan?”
“Oo naman. Ikaw pa! alam mo namang
malakas ka sakin eh.” Saad nito sa akin sabay pagtapak sa kambyo at umandar na
ang kanyang kotse.
Natahimik ako ng ilang sandal bago
makapagsalita. Di ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko at kung ano ang
mararamdaman ko kapag itinuloy ko ang balak kong gawin.
Hindi ko magawang sabihin ang
binabalak ko habang binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay. Nahihiya ako.
Hindi ako mapakali. Lutang ang aking isip kung ang bagay na yun ay dapat ba.
Kung yun ba sulusyon para sumaya ako ng tuluyan. Na walang mabigat pang
dinadala sa nakaraan.
Huminga ako ng malalim. “Bahala na!”
saad ko sa aking sarili. Hindi ko sa kanya sinabi kung saan ang pupuntahan
namin pero iginiya ko lang siya sa daan kung saan ba siya dapat lumiko o hindi.
“Bakit di mo agad sa akin sinabi na
dito pala tayo pupunta? Di sana din a kita tinanong pa. Alam ko naman tong
lugar na ‘to eh.” Saad sa akin ni Renz.
“Basta. Alam mo naman siguro and
dahilan diba? Baka kasi hindi ka pumayag na pumunta ako dito kaya hindi ko sayo
sinabi.”
“Diba napag usapan na din naman natin
‘to? Kaya okay lang sakin” nakangiti niyang banggit sa akin.
Nakalimutan kong nasabi ko na nga pala
ito kanina sa kanya. Bumaba na kami ng kotse ni Renz at tinahak ang daan
patungo sa aming pupuntahan. Kelangan pa kasing maglakad ng kaunti para maka
dating doon.
Habang kami ay naglalakad, may tumawag
sa akin.
“Ramiiiilllll!”sigaw sa akin nito.
Itutuloy. . . . . . . . . .
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment