Wednesday, December 26, 2012

Dream On (05)

by: Justyn Shawn

“Renz.” Sabay lahad nito ng kanang kamay at ang kaliwa nama’y kamot ang kanyang ulo.

Inabot ko ang kanyang kamay at nagpasalamat dito.

“Salamat talaga. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ginawa sa akin nung mga gagong iyon. Diba dalawa kayong nagligtas sa akin? Asan na yung isa?”sabi ko dito at inumpisahan nang lantakan ang pagkaing dala niya. Halos mabulunan naman ako sa sabay-sabay na pagsubo ko dito.

“Ahh. Si kuya? May aasikasuhin daw sila ni Madam na importanteng papeles kaya maagang silang umalis kanina.”saad niya sa akin na animo’y natatawa sa aking hitsura habang tinitingnan ako.

“Ako nagluto niyan para sayo. Masarap ba? hehe”dagdag pa niya.


“Oo. Masarap, sobra.!” saad ko naman dito pagkatapos lumulon ng subo kong pagkain at nag thumbs up. Ewan ko kung masarap nga ba talaga ang niluto niya o hindi. O dahil siguro ay talagang gutom lang ako. Itlog at hotdog lang kasi iyon at wala naman kasing pinagkaiba kung ako ang magluluto pero nakakahiya naman kung barahin ko siya sa lahat ng ginawa niya at ng kuya niya sa akin.

“Ohh sya. Bilisan mo na kumain para makainom ka na rin ng gamot at nang makapagpahinga ka na.” sabi nito sa akin nang may pangiti-ngiti pang nalalaman. Tumalikod na ito at lumabas ng silid na iyon.

Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong uminom ng gamot at nagpahinga. Madali akong nakatulog dala na rin siguro sa sakit ng katawan.

Naalimpungatan na lang ako na may humahaplos sa aking buhok pero nanatili pa rin akong nakapikit at nagtutulug tulugan.

“Kung alam mo lang. Ang hirap itago ng nararamdaman ko para sayo pero kailangan. Mahal na mahal kita pero kailangan kong magpaubaya. Sana maging masaya ka sa kanya.” sabi nito sa akin nang mahina ang boses pero sapat lang iyon para marinig ko.

Naguguluhan man sa kanyang sinasabi nanatili pa rin akong nagkukunwaring tulog. Nanatili akong pinakikinggan siya sa kanyang mga sinasabi. May kung ano akong nararamdamang gumagapang sa aking puso pero winawaksi ko na lamang ito dahil ayaw kung mabuhay sa anino ng kanyang pagmamahal. Pagmamahal na iginagapos niya sa kanyang puso. Pagmamahal na matagal ko na ring pinangungulilaan at matagal na hinahanap. Madali akong mahulog at magmahal pero ayaw ko nang mabuhay sa isang panaghinip lang. Kung magmamahal ako gusto ko yung nakikita ko, yung nararamdaman ko, yung tunay. Yung hindi tago, walang pagkukunwari at walang nililihim.

“Noong una pa lang kitang nakita, nahulog na agad ang loob ko sayo sa tatag at kabutihang ipinakita mo. At lalong naging matibay ang nararamdaman ko para sayo noong lihim kitang pinagmamatyagan at binabantayan sa malayo. Dapat noon ko pa ‘to sinabi pero ayaw ko din namang saktan si kuya.”dagdag pa niya sabay singhap at garalgal ang boses. May tumulo naman sa aking kamay at alam kong luha niya iyon.

Gulong gulo na ako sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko na alam kung ano mararamdaman ko pero naawa ako sa kanya, sa mga sinabi niya. Mahirap magtago ng nararamdaman lalo pa’t mahal na mahal mo ang isang tao. Mahirap magkunwaring hindi mo siya gusto dahil ayaw mo lang na may masaktan sa pagmamahal mo. Mahirap kimkimin sa sarili ang lahat ng nararamdaman mo. Mahirap. Dahil ganun din ang pagmamahal ko para kay Rolly. Ganon ko siya minahal dahil alam kong hindi kami para sa isa’t isa. Dahil iba ang gusto niya; babae at hindi ako. Nakontento na lang akong mahalin siya sa malayo; nang patago.

Gumalaw ako. Inusog ko ang katawan ko patalikod sa kanya habang nananatili pa ring nagtutulogtulugan. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Naramdaman ko namang tumayo na siya sa kama dahil nawala na ang bigat nito sa pagkakaupo. Umunat na ako habang nakapikit pa rin para ipaalam sa kanya gising na ako.

“Kanina ka pa ba dyan? Napahaba ata ang tulog ko. Anong oras na ba?” Tanong ko dito na para bang wala lang nangyari kanina. Na para bang hindi ko alam ang kanyang mga sinabi. Nagmamaang maangan. Ayaw ko din naman siyang komprontahin sa narinig ko kanina dahil sa ngayon ay hirap pa rin ang aking kalooban sa mga nangyari sa akin.

“A-ahh. E-eh. Medyo.” saad nito sa akin na para bang hindi alam ang gagawin at nanginginig ang boses. “Mag aalas sais na. ito nag dala ako ng pag-kain. Kumain ka muna.” dagdag pa nito sa akin. Nakita ko naman sa lamesa sa kanang bahagi ng kama ang tray ng pagkain. Bigla akong natakam at nagutom sa amoy nito. Umuusok pa kasi ang sabaw ng sinigang na hipon.

“Sarap naman niyan. Ikaw ang nagluto?” masiglang tanong ko sa kanya. Nagutom talaga ako bigla noong naamoy ko ito kaya naman agad kong kinuha ang tray ng pagkain. Aabutin ko na sana ito at nang biglang tatayo na ako ay bigla din namang sakit ang naramdaman ko sa buo kong katawan dahil sa pagkakabugbog sa akin ng mga adik na iyon. Kaya nahulog ako sa kama.

Agad naman akong inalalayan ni Renz pabalik sa kama at pinaupo ako para daw madali akong makakain. “Ikaw kasi eh. Wag atat matikman ako. A-aahh e-ehh ang luto ko pala. Ayan tuloy nahulog ka.” natatawang nahihiyang turan sa akin ni Renz.

“Susubuan na lang kita baka mabanlian ka pa ng sabaw niyan. Mainit pa naman yan. Kaluluto ko lang kasi.” Dagdag pa nito sa akin pero sersosyo na at may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. Tumango na lang ako dito upang magpahiwatig na sangayon ako. Masakit pa kasi talaga ang mga katawan ko. Halos hindi ko maigalaw ng mabuti.

“Bukas pag mabuti na ang pakiramdam mo, Ililibot kita sa bagong tahanan kaya kumain ka ng madami at nang makapagpahinga ka na.” Sabi nito sa akin. Agad naman napako ang tingin ko sa kanya sa pagkagulat kanyang sinabi.

“Ang ibig mong sabihin dito na ako titira? Di ba parang nakakahiya naman yun? At saka ngayon lang tayo nagkakilala ahh. Okay na sa akin ang nilligtas ninyo ako ng kuya mo. Nakakahiya masyado kung makikituloy pa ako dito. Kaya ko na ang sarili ko. Maghahanap na lang siguro ako ng trabaho kapag okay na ako. Salamat na lang ng marami.” saad ko sa kanya habang tinatapos ang pagkain na hinanda niya para sa akin at agad na uminom ng gamot. Natapos na din niya akong subuan at nakainum na din ako ng gamot.

“Wag ka nang mahiya. Ang totoo ehh matagal na kitang kilala, matagal na kitang pinagmamatyagan. Kami ni kuya. At matagal ka na naming hinahanap dahil bigla ka na nga lang nawala. Base na rin iyon sa utos ni Madam. Buti na nga lang ehh nakita ka ni Kuya sa simbahan kagabi kung hindi pati kami mananagot kay Madam.” Saad nito sa akin. Nalilito at nagtataka ako sa kanyang mga sinabi.

“Matagal na akong kilala? Pero ngayon lang kami nagkita. Sino ang kuya niya? Sino si Madam na sinasabi niya? At bakit naman nila ako hinahanap? Ano kaya ang kailangan nila sa akin?” tanong ko sa sarili ko nang naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

“Oh sya. Magpahinga ka na at para mai-tour na kita bukas dito sa bahay.” Sabi nito sa akin sabay talikod at labas ng pinto ng kwarto dala ang tray ng pagkain. Di pa man ako nakakabawi sa pagtataka ay nakailis na ito. Ni hindi siya nag-abalang sagutin ang mga tanong ko. Nanatili akong literal na nakanganga habang samu’t saring mga bagay at mga katanungan ang gumugulo sa isip ko.

Hindi ako makapagpahinga dahil sa kanyang mga sinabi at kagigising ko lang din noon. Kahit masakit pa ang buo kong katawan sa bugbog na dinanas ko kagabi ay nagpumilit pa rin akong tumayo. Paika-ikang lakad ang ginawa ko palabas ng silid. Tumba dito, tumba duon pero pinilit ko parin ang sarili kong makita at makausap siya para malinawan ang lahat ng mga bagay na gumugulo sa isip ko. Hinanap ko siya sa kusina pero wala siya. Nakita ko lang duon ang nakalagay sa lababo ang pinagkainan ko kanina. Hinanap ko na rin siya sa buong bahay pero wala. Wala akong Renz na nakita, Nalibot ko ang buong bahay at buong silid na naroon pero wala talaga. Nakita kong talaga namang napakagandang pagkakadesenyo ng buong bahay pero hindi ko ito ma appreciate dahil gulong gulo ang isip ko sa mga panahong iyon. Ang dami pang katanungang pilit na sumasalambitin sa aking isipan. Wala talaga ni isang tao akong nakita. Kaya lumabas ako at nagbabakasakaling andon siya nagpapahangin sa labas.

Pagbukas ko ng pintuan palabas ay talagang nabighani ako sa aking nakita. Hindi ko alam na mayroon palang ganitong kagandang lugar. Noong nasa loob ako ay hindi ko talaga pansin at hindi ko akalain na sa dagat pala ito dahil purong bato ang bahay na iyon kaya wala akong marinig na alon ng tubig. At sa labas naman ng bahay ay kawayan naman ang desenyo na ipinangtaklob sa buong bahay, parang itinago ang kagandahan ng nasa loob. Kung titingnan mo sa labas ang bahay ay aakalain mo talagang gawa ito sa kahoy pero sa loob naman ay sementado. Mayroon din itong malawak na veranda na may hagdan naman sa may dulo nito at mga ilaw na nakalagay sa bawat post eng gilid nito.

Nasa harap ako ng dagat na kaharap din ng bahay na iyon. Mahinahon ang daloy ng tubig ng dagat. Puti ang buhangin at napakalinaw ng tubig nito. Kita ko sa ilaw na tumatama galing sa buwan. Talagang napakaganda niyon.

Habang naglalakad ako papalapit sa dalampasigann ay nakita ko doon si Renz na nakaupo habang tinitingnan ang kabilugan ng buwan. Inusisa ko ang kanyang ginagawa. Nilapitan ko siya.

“Renz! Bakit matagal mo na akong kilala? Bakit pinagmamatyagan mo ako? Sino si Madam? Anong kailangan ninyo sa akin?” sunod-sunod kong tanong dito nang ako ay makalapit na.

Mula sa pagkakatitig niya sa buwan ay nagpunas siya ng dumi sa mukha bago ako hinarap. “Oh andyan ka pala. Dapat nagpahinga ka na duon sa loob. Pasok ka na.” Saad nito sa akin.

Nang magkaharap na kami ay maga ang kanyang mga mata at halatang galling palang ito sa pag iyak. Kahit madilim na noon ay kita ko pa rin dahil sa liwanag ng buwan at ilaw mula sa bahay. Ang akala ko kaninang dumi sa mukha na pinahid niya ay luha pala. Pero bakit naman kaya siya umiiyak? May nasabi ba akong mali? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Pero wala akong pakialam ang importante sa akin ngayon ay malaman ko na ang katotohanan kung bakit ako nandito. Kung bakit matagal na nila akong pinagmamatyagan.

“Hindi ako magpapahinga hanggat hindi mo sa akin sinasagot lahat lahat ng mga katanungan ko.” Matigas kong sabi dito. Dahil kanina ko pang gustong malinawan ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Nakita ko na lang na napasinghap siya at nagbunong hininga.

“Malalaman mo ang lahat lahat mamaya pagkauwi ni kuya at ni Madam. Sa ngayon, umupo ka muna dito sa tabi ko. May sasabihin ako sayo.”  Saad nito sa akin na parang humuhugot ng lakas kung saan man. Lahat na lang ata ng lalabas sa bibig niya ay dagdag panggulo sa isip ko.

Umupo ako sa tabi niya. Muli siyang tumingin sa langit. Nagbuntong hininga. “Napakaswerte mo dahil isa ka sa napili ni Madam. Mahirap makahanap ng katulad mo. Matulungin, malalahanin, mapagmahal, may pagsisikap at higit sa lahat walang hinihinging kapalit sa pagtulong sa kapwa. Kahit na sa sarili mo ay hindi mo alam kung saan kukuha ng lakas at tapang sa mga pinagdaraanan mo sa buhay, nakakaya mo pang tumulong. Iyan daw ang mga katangiang nagustuhan sa iyo ni Madam. Tulad naming ni kuya.” Saad nito sa akin. Sabay pahid ng kanyang mga luha na di niya napigilan. Alam kong may dinadala ito. At hindi ko alam kung ano iyon.

“Dati, noong mga bata pa kami at nawalan ng tirahan dahil nasunugan kami ng bahay. Kasabay ng pagkawala ng aming bahay ay pagkawala din ng aming mga magulang. Hindi naming alam ang gagawin namin ni kuya noong mga panahong iyon dahil nga bata pa kami. Dose pa lang noon si kuya at ako naman ay sampung taong gulang. Nagpalaboy-laboy kami sa kalye dahil wala kaming mapupuntahan. Wala kaming kakilalang kamag-anak. Namalimos kami para lang makakain. Hanggang sa kunuha kami ng isang sindikato na nag-aalaga ng mga bata para pagpalimusin sa kalye. Tumakas kami dahil hindi naming kaya. Kapag wala kaming nadala at naiuwing pera ay pareho kaming binubugbog ni kuya. Naghanap kami ng matutuluyan. Naging kargador kami ng mga isda sa palengke para lang may makain at matirahan. Ngunit isang araw ay pinagsamantalahan ako ng amo naming bakla. Nakita iyon ni kuya noong maalimpungatan siya mula sa pagkakatulog. Pinaghahampas ni kuya ang bakla hanggang sa mamatay ito dahil sa galit niya. Tumakas ulit kami at nagpalaboy laboy sa kalye. Hanggang sa nagkasakit ako noon at hindi alam ni kuya ang gagawin. Nawala si kuya sa aking tabi at nang mumulat ang mga mata ko ay may pagkain na itong dala. May gamot na din siyang binili para mainom ko. Hindi ko man alam kung saan niya iyon kunuha ay alam ko sa kanyang ginawa ay mahal na mahal ako ng kuya ko.” Saad nito sa akin na hindi ko alam kung anong koneksyon kung bakit ako nandito pero naantig tagala ang damdamin ko sa pagmamahal nila ng kuya niya sa isa’t isa. Nanatili na lamang akong nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

“Kaya sinabi ko sa sarili ko na kahit sarili kong buhay ay itataya ko para sa kanya dahil iyon din ang ginawa niya para sa akin. Hanggang sa makilala namin si madam sa isang park habang namamalimos kami. Sabi niya, nakita niya ang pagmamahalan naming magkapatid at naalala daw niya ang kanyang mga yumaong anak kaya naman kami inampon dahil na rin sa pangungulila niya sa mga ito. Dahil wala din siyang ibang kamag ibang kamag-anak at matanda na din daw si madam ay inampon kami nito at pinag aral, binihisan, binigyan ng tirahan at pinamanahan, minahal at tinuring na parang sariling anak na rin. Talagang napakahiwaga ng ating buhay, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa maykapal sa ibinigay niya sa aming biyaya. Tulad mo,imbes na magtanong at guluhin ang utak sa kaiisip kung ano nangyayari sa buhay mo, bakit hindi ka na lang magpasalamat sa lahat nang nangyayari. Lahat ng bagay sa ating buhay ay ginawa ng Diyos nang may dahilan. Para hubugin ang pagkatao natin. Para maging mas matibay sa pagharap sa susunod na pagsubok na ibibigay niya.”makabuluhang turan sa akin ni Renz. Hindi ko alam nag anon siya kalalim magi sip. Kahit hindi man niya sinagot ang mga katanungan ko, nilinaw naman niya ang mga gumugulo sa isip ko. Kaya inisip ko na lang na may dahilan nga ang Diyos sa lahat nang mga nangyayari kaya mananatili na lang akong bukas ang pagiisip. Magpapatangay na lang ako sa agos ng tadhana kesa naman isipin ko ang mga bagay na hindi naman abot ng aking kakayahan.

Wala akong maibulalas sa kanyang mga sinabi. Tahimik. Tutok sa ganda ng buwan at mga bituin sa kalangitan.

“Salamat.” Basag niya sa pananahimik namin.

“Salamat?…..”

Sabay halik sa aking pisngi na ikinabigla ko naman.

Itutuloy. . . . . . . . . .


justynstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment