by: Justyn Shawn
Hindi nag sink-in ang mga sinabi ni
Renz sa akin. Gulong-gulo ako. "Ano yun? Testing? Kailangan akong i-test?
Kailangan suriin kung totoo ang nararamdaman ko?"tanong ko sa aking
sarili.
"Alam kong unfair sa iyo ang
ginawa at naisip ni Kuya. Maging sa akin unfair din iyon. Nahihirapan din ako
kung alam mo lang. Nahihirapan at natatakot din ako dahil hindi ka mahirap
mahalin at baka mahulog ako sayo ng lubusan. Minsan nga nabibigla din ako sa
sarili ko dahil kusang lumalabas ang pag-aaalala ko sayo nang walang
pagpapanggap; nang hindi pinipilit ang sarili."dagdag pa nito.
"Ano ba tingin ninyo sakin? Isang
hayop na dapat pag eksperementuhan?! Hindi ba ninyo naisip na may damdamin din
akong dapat hindi pinaglalaruan? Hindi lang kayo unfair! Napaka selfish nyo
din! Bat di ka na lang nag-artista no? Sigurado ako hakot award ka sa galing
mong umarte."galit kong tugon dito. Hindi ko maisip na lahat ng ipinakita
niya sa aking paglalambing at pag-aaruga at pagmamahal ay isa lamang
kasinungalingan. Isa lamang sa mga plano nila. Nakakapanlumo. Tumigil ako sa
pag-iyak at sinuri ang sarili. Ayaw kong gumawa ng isang hakbang at magsalita
dahil gusto kong timbangin ang lahat ng aking sasabihin.
"Hindi sa ganun Ramil."
"Eh ano?"
"Napakatorpe ng kuya ko kaya't
hindi niya alam ang gagawin. Hindi din niya masabi sayo ang nararamdaman niya
dahil sa takot na hindi mo siya maunawaan. Isa pa, naguguluhan din si Kuya kung
bakit sa iyo pa tumibok ang kanyang puso. Hindi rin niya alam ang gagawin kaya
sinubukan niyang magkagirlfriend ngunit ikaw pa rin daw ang laman ng puso niya,
ikaw lang kaya nakipaghiwalay din siya dito. Noong mga panahong iyon na alam na
niya at sigurado na siya sa kanyang nararamdaman, kinausap niya ako kung pwede
ko daw siyang tulungan. Sumunod na lang ko sa kanya dahil alam ko din naman ang
kanyang motibo. Alam niyang may gusto ka din sa kanya ngunit gusto lang niyang
makasigurado kung paghanga lang ba ang nararamdaman mo sa kanya o tunay na
pagmamahal."tuloy-tuloy na sabi ni Renz sa akin. Bigla namang lumabas sa
likod ni Renz si Rolly upang ikumpirma nga ang lahat ng kanyang mga sinasabi.
Pagkakita ko sa kanya ay may kung anong gumapang sa aking katauhan. Galit pa
rin ako pero unti unti din itong naglaho pagkakita ko sa kanya. Yun bang galit
ka pero gusto mo rin naman iyong nangyayari. Gusto mo rin marinig ang kanyang
mga sinsabi. Dahil iyon din naman ang matagal ko nang pinapangarap..na mayroong
magmamahal sa akin, na mahalin din niya ako tulad ng pagmamahal ko sakanya.
"Oo, tama ang narinig mo kay
Renz, Ramil. Natakot akong labanan kung ano ang laman ng puso ko dahil kahit sa
sarili ko, hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Natorpe
ako...natakot...Hindi alam ang gagawin."sabat ni Rolly na tuluyang
nagpatahimik sa akin. Sa pagkakakita ng kanyang mga mata, tuluyan ko nang
nalimot ang dapat gawin. Ewan pero hindi ko din maipaliwanag ang aking
nararamdaman. Yun bang, kahit anong galit ko sa kanya, pag siya na ang nandyan
at nagsumamo, nawawala na lahat. Napaupo na lang ako sa sahig at patuloy na
pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi. Haghahanap ako ng dahilan kung bakit
niya ginawa ang lahat ng iyon. Naghahanap ako ng dahilan kung bakit sa tinagal
tagal ng pagkakataon at panahon, ngayon pa niya sasabihing may pagtingin din
siya sa akin. Samantalang ako, nasa malayo, matagal na naghinihintay na
mangyari ang mga pangarap kong makasama siya, ang mahalin niya.
"Bakit ngayon pa? Yun bang mga
pag iwas mo sakin, yun ba ang pagmamahal? Yung panahon na sinuntok mo ako at
nawalan ako ng malay ng hindi tinatanggap ang sorry ko, pagmamahal din ba
iyon?"sumbat ko sa kanya.
"Iniiwasan kita noon dahil hindi
ko pa alam ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko na alam kung sino ba talaga
ako o kung ano ang gusto ko noong dumating ka sa buhay ko. Hindi ako ganito
pero simula ng makilala kita, binago mo lahat. Lahat lahat. Ayaw ko mang
mahulog sa iyo pero ikaw pa rin ang pilit na sinisiksik ng puso at isipan
ko..ang pangalan mo, Ramil. Noong mga panahong iyon, nakita ako ng mga
tarantado kong barkada na hawak hawak ang picture mo at nahuli pa nila akong
kinakausap ito at sinasabing mahal na mahal kita. Wala akong magawa kundi ang
umamin sa kanila; na mahal kita. Alam kong tarantado sila sa paningin ng marami
pero sila pa mismo ang nagsabing "Kung ano ang sigaw ng puso mo, yun ang
sundin mo. Hindi masama ang umibig sa isang kapwa lalaki dahil hindi mo naman
natuturuan ang puso mo diba? Kung saan ka maligaya at masaya dude, duon
kami". yun ang sinabi ng barkada ko pero. hindi pa rin ako makapaniwala sa
sarili ko. Ayaw kong tanggapin na ganito ako. Kaya sinubok kita, oo subok ang
tawag dun. Sinubukan ko kung pag-ibig nga ba ang nakikita ko sa iyo o paghanga
lang, nataatakot din kasi akong masaktan sa pag-ibig sa unang pagkakataon at sa
katulad mo pa. Pero napatunayan ko din sa sarili ko na dapat ay hindi ko iyon
ginawa sa iyo. Dahil ako din ang nahirapan noong makita ka sa ganung kalagayan.
Hindi ko man ipinakita sa iyo ang nararamdaman ko, andyan lang ako sa tabi mo
noong mga panahong iyon, pinagmamatyagan at tinitingnan sa malayo. Alam ko na
nakahugot ka rin ng lakas dahil sa kantang pinatugtog ko noong nasa plaza ka.
Alam ko din sa sarili ko na noong pinabili ko si Levie ng tokneneng ay nakita
mong hindi pa katapusan ang lahat; na may handa pa ring tumulong at makiramay
sa kalagayan mo. Ang katatagan mo sa buhay at pagharap sa mga hamon nito at ang
kabutihan ng iyong puso ang nagpatunay na mahal mo nga ako at mahal din kita.
Pero siguro napaka perfectionist ko lang siguro pag dating sa isang relasyon.
Playing safe din ako, dahil ayaw kong masaktan, ayaw kong magsisi sa bandang
huli. Na mali pala ang pinili kong relasyon, na hindi ko kayang panindigan.
Inilayo ko ang loob ko sa iyo at ipinalapit ka kay Renz upang subukin ang pag-iibigan
natin. Ang tagong pag-iibigan natin sa isa't isa. Pinagpanggap ko si Renz na
may gusto din siya sa iyo, dahil alam ko, katulad mo din akong una sa ganitong
relasyon. Ako man, sinubukan ko ding magkagirlfriend pero hindi ko talaga
kayang iwaglit ka sa puso't isipan ko. Masasabing perfect partner sya pero
hindi yung perfect na iyon ang hinahanap ng puso ko... kundi Ikaw. Alam mo bang
nasasaktan din ako dahil sa nakikita kong binibigay niyang atensyon para sa
iyo? At natatakot din akong tuluyan ka ngang mahulog sa kanya. Masakit isipin
na dapat ako ang naglalambing sa iyo, pero iba ang gumagawa. Masakit isiping
ang mga parangap mo nandyan na pero ayaw mo pa ring kunin ng basta basta
dahil...gusto ko kapag kinuha ko na ang pangarap na iyon ay siguradong sigurado
na ako na pangarap ko nga iyon. Matagal na akong nagnanais na sabihin at
ipagtapat sa iyo ang lahat pero talagang natorpe ako eh. Walang ni isang boses
na lumalabas sa aking bibig tuwing lalapit ako sa iyo. Ni hindi nga ako sa iyo
makalapit ehh dahil nangangatog ang tuhod ko. Pero ngayon naglakas na ako ng
loob bago pa mahuli ang lahat. Mahal kita, Mahal na mahal kita. Sana mapatawad
mo ako sa maling na gawa ko. Sana bukas pa rin ang puso mo para sa pagmamahal
ko."mahabang salaysay ni Rolly sa akin. Nangungusap ang mata ninya,
nagsusumamo. Ramdam ko ang sinsiridad sa kanyang mga sinasabi...ang bawat
salitang namumutawi sa kanyang bibig ay tumatagos sa aking puso.
Hindi ako makakibo hanbang
nagkatinginan kami mata sa mata. Lumapit siya sa akin. Nanatili lang akong
parang isang estatwa. "Ngayon, pwede ko bang malaman ang laman ng puso mo?
Ako pa rin ba?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ngunit sa
tagpong iyon, nawala na lahat ng nasa isip ko. Nabitag na naman niya ako sa kanyang
panghihipnotismo. Napatango na lang ako upang sumang-ayon.
"Naaalala mo ba ito?"Tanong
niya sa akin at agad naman niya akong hinalikan. Hindi ako pumalag. Dama ko ang
init at sarap ng kanyang mga labi. Naalala ko sa mga tamis at init ng halik
nito ang nadama ko noong nasa burol ako. Na akala ko ay panaghinip lang. Na
akala ko ay si Renz ang gumawa dahil sinabi ito niya.
"Paanong...?"
"Sinabi ko kay Renz ang lahat.
Sinabi ko din sa kanya na sabihin sa iyo na siya ang humalik sa iyo pero ang
totoo ako talaga. Sinabi ko naman sa iyo diba? Lagi akong nandiyan para sa iyo.
Lagi akong nakabantay. Lagi kitang binabantayan sa malayo."saad naman niya
habang may ngiti sa kanyang mga labi. Labis ang aking kasiyahan sa kanyang mga
ibinunyag. Heto pala't abot kamay lang ang aking pinapangarap. Ngunit maging
ako ay naduwag din sa magiging kahihinatnan nito kaya napilitan akong ikubli
ang nararamdaman ko sa kanya.
Umupo kami sa dulo ng aking kama.
Nanatili siyang nakayakap sa akin at nagsusumamo pa rin ang kanyang mga tingin.
"Tigilan mo na nga ang katitingin
sa aking ng ganyan"
"Di mo ako masisisi dahil,
matagal ko nang gustong titigan ka, na malapitan, mayakap at mahagkan."
"Wow! 'yan pa pala ang mahiyain
huh. Ganyan pala ang torpe. hahahaha" biro ko dito sabay tawa. Nakita ko
naman siyang nagblush sa sinabi kong iyon.
"Sorry din pala dahil wala ako
doon sa tabi mo noong mga panahong hinang-hina ka. Nasa hospital kasi kami noon
ni Lola Alissa at noong pumunta ako sa bahay ninyo ay wala ka na doon.
Nabalitaan ko na lang sa mga kapitbahay ninyo na nagkagulo daw at pinalayas ka.
Hinanap kita. Nangamba ako. Maging sa skwelahan ay hinintay kitang dumating
dahil may sorpresa sana ako noon dahil nabayaran ko na ang graduation fee mo.
Kaso huli na pala ang lahat. Hindi ka dumating ngunit nanatili pa rin akong
hinahanap ka kung saan. Buti na lang at nakita ka namin ni Renz sa may simbahan
pagkatapos naming magdarasal na matagpuan ka namin at nagkatotoo nga iyon.
Nakita ka namin. Laking pasasalamat ko noon."
"Salamat. Pero bakit si Renz lang
ang laging nandyan sa tabi ko noong nandito na ako? Nasaan ka noon?"tanong
ko dito.
"Siya lang ang laging nandyan sa
tabi mo at wala ako dahil inaasikaso namin noon ni mama ang lahat ng mga papeles
mo para tuluyan ka na maampon. Pati mga credentials mo sa schools naasikaso na
namin."sagot naman niya.
Madami pa kaming pinagusapan ni Rolly
at nahalungkat na katotohanan galing sa kanya. Hindi ko lubos maisip pero
natutuwa akong malaman na mahal niya ako at kaya niyang gawin lahat para sa
akin. Napakasaya ko noong oras na iyon. Talagang hindi lang puro ulan o unos
ang mararanasan natin sa ating buhay. Makakakita din tayo ng liwanag at sisikat
din ang araw pagkatapos nito.
Nakalingkis pa rin ang kanyang kanang
kamay sa aking baywang at ang kaliwa naman ay nakahawak sa aking kamay.
"So, ano na ba ang estado natin ngayon? Tayo na ba?"tanong niya
habang nagsusumamong nakatingin sa akin. "Bakit nanligaw ka na ba? And
bilis mo naman ata Mr. Torpe.hehehe"pabiro kong sagot sa kanya. Ako din ay
hindi ko pa din alam ang estado namin. Mahal namin ang isa't isa at napatunayan
na namin iyon sa mga paraang alam namin.
Nagulat ako sa kanyang ginawa noong
bigla itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at lumuhod sa aking harapan.
"Ramil, will you be my partner?"tanong niya. Kinabahan ako. Seryoso
ang mga tingin niya. Nagtitigan lang kami. Hindi ako makasagot sa kanya. Maya
maya pa ay naramdaman kong mai isinuot sa aking mga daliri. Noong tingnan ko
kung ano ito, singsing. Napakagandang sing-sing. Ewan ko nga lang ba talaga
kung napakaganda nga nito pero pag galing sa mahal mo, kahit anong simple ng
bagay, kapag siya ang nagbigay sa iyo, napakaganda nitong tingnan.
"Hindi ako babae para mag-inarte.
Matagal na din kitang gusto at matagal na kitang pinapangarap."sagot ko
naman sa kanya.
"So, oo na ang sagot
mo?"magiliw nitong tanong
Ngumiti ako at tumango.
"Yahhhhooooo!" sigaw niya
dala ng kaligayahan at niyakap niya ako ng mahigpit. "Teka, ano nga pala
ang sasabihin natin kay mama. Diba magkapatid na tayo dahil inampon na nya
ako?"tanong ko dito dahil hindi ko alam kung tatanggapin niya ang relasyon
namin dahil technically magkapatid nga kami.
Tumahimik siya at nag-isip. "Oo
nga no? di ko naisip yun."sabay ngiti.
Natahimik ako. Nag-isip. Nakadama ng
lungkot dahil alam ko hindi pwede ang ganitong relasyon. "Oh bakit ka
malungkot dyan?"tanong sa akin ni Rolly. "Diba dapat masaya ka na
ngayon dahil tayo na?"dagdag pa nito.
"May problema nga diba? Pano kung
hindi pumayag si mama sa relasyon natin? Paano kung paghiwalayin tayo?"
"Pano naman kung alam niya ang
lahat sa simula pa lang. Paano kung siya ang lahat ng may pakana ng lahat ng
pagsusubok sa pagmamahalan natin?"
"Talaga?"
"Oo nga."sabay yakap sa
akin. Tiningnan ang aking mga mata. Siniil ako ng halik. Matagal. Ramdam ko ang
init at sarap nito. Dama ko ang pagmamahal sa kanyang mga halik.
Mula sa halik na iyon ay naganap ang
una naming pagniniig. Hindi minamadali. Sakto ang lahat. Walang pilit sa mga
nangyari. Banayad. Dama ang pagmamahal ng bawat isa.
Nakatulog ako pagkatapos dahil sa
pagod. Nanaghinip. Kita ko sa aking panaghinip ang mukha ng aking ina.
Nakangiti. Masaya. Na para bang sinasabi niyang natupad ko na sa wakas ang
aking mga pangarap. Na tama ako sa disisyon ko. Na matapos lahat ng paghihirap
at pagkukumagkag, nakamit ko rin ang tagumpay at pagmamahal na matagal ko nang
inaasam.
Ganoon talaga ang buhay. Matapos ang
mahabang lakbayin, ang pagkapa sa dilim...matapos ang mga unos at pagsubok na
dumaraan sa ating buhay, laging may naghihintay bagong pag-asa sa huli. Ang
sinasabing ilaw sa dulo ng isang mahaba at madilim na tunnel.
Hindi ko alam kung saan tutungo at
hahantong ang pagmamahalan namin ni Rolly. Hindi ko din batid kung ilang
pagsubok pa ang darating sa aming dalawa. Walang kasiguraduhan ang
hinaharap...ang bukas ay malabo at mahirap pangunahan. Ngunit kahit anong unos
pa ang dumating para ako'y subukin muli, kahit ilang beses pa kaming subukin ng
tadhana, alam ko, magagawa kong suuingin ang lahat ng iyon...kasama si Rolly.
Patutuloy akong mangangarap at patuloy
na magsisikap upang maabot ito.
Maraming naghihintay para sa atin sa
mundong ito. But as we continue to battle and search for the great things that
awaits us, we have to always remember one thing:
Dream on.
-----Wakas-----
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment