by: Justyn Shawn
Nagpatuloy ako sa paglalakad at
paghahakot sa mga gamit ko. Hindi maiwasang magsalubong ang landas namin nina
Levie at Rolly pero hindi ko na lang sila pinapansin. Siguro dahil na rin iyon
sa hiya at sa nararamdaman ko para kay Rolly at sa ipinapakitang atensyon para
sa akin ni Levie.
Natapos na kami sa paghahakot ng mga
gamit. Nagpresenta naman si Levie na tulungan ako sa pag-aayos at pagliligpit
ng mga gamit sa bago kong kwarto. Habang nagliligpit kami at madami siyang
itinanong sa akin na sinasagutan ko lang ng isang maikling sagot kung hindi
naman ay tango lang ang itinutugon ko dito.
Natigil lamang siya sa kanyang
pag-iinterrogate sa akin noong tawagin kami ni Renz upang maghapunan. Tinigil
na naming ang aming ginagawa at bumaba na upang makakain. Konti na lang din
naman ang lilinisin kaya kaya ko na iyon mamaya.
Umupo na ako sa hapag katabi ni Renz.
Si Levie at si Rolly naman ay kaharap naming habang si lola Alissa ay nasa
isang tabi ng hapagkainan. Tahimik ang lahat habang inuumpisahang kumain.
Ang awkward ng feeling. Kaharap ko si
Rolly na unang nagpatibok ng puso ko; na kahit alam kong hindi magiging kami ay
hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa pero sa kabila ng pagtingin ko sa kana
hindi ko man lang maipadama sa kanya iyon dahil natatakot ako. Si Levie naman
ang taong nagpapakaba sa akin sa kanyang mga kilos at tingin. Ewan ko kung
bakit at ewan ko din kung ano na lang ang dahilan niya kung bakit ganun siya
umasta sa akin; na felling close na close na at matagal nang kakilala. Si Renz
naman na nasa kaliwa ko lang ay paminsan minsang sinasadyang sagiin ang aking
kaliwang braso habang sumusubo. Mga kilos niya na alam mong nagpapapansin para
lang makuha ang iyong atensyon. Nagkibit balikat na lang ako sa kanyang ginawa.
Si Lola Alissa din ay tahimik lang habang kumakain. Naiilang tuloy ako sa aming
sitwasyon. Oo nga’t welcome ako sa kanilang tahanan ngunit parang may kulang.
“baka di lang ako sanay” sa isip ko lang. Nagpatuloy na lang akong kumain.
Tahimik.
“Ma,pwede dito po ulit makikitulog si
Levie? ” Pagbasag ni Rolly sa katahimikan.
“Oh. Ano na naman nangyari dyan sa
girlfriend mo?” balik na tanong nito kay Rolly. Halos mabilaukan naman ako
noong sabihin ni Lola Alissa na girlfriend nito si Levie.
“Nag-away na naman daw po kasi sila ng
dad niya eh.” Sagot naman sa matanda.
“Ahh ganun ba? Sige dun mo na lang si
Levie patulugin sa Guest Room.”
Tumayo si Levie at magiliw na
hinalikan ang matanda at nagpasalamat dito. Bumalik na siya sa pagkakaupo sa
tabi ni Rolly.
Hindi ko maiwasang tingnan silang
dalwa habang sweet na sweet at kung minsan pa ay nagsusubuan ng pagkain. Para
namang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan silang masaya at naghaharutan
paminsan minsan.
Parang sobrang bagal umikot ng orasan
sa mga panahong iyon. Parang sinasadya talaga ng panahong inggitin at pasakitan
ako ng lubusan sa mga nakikita ko. Na minsang pinangarap kong ako ang nasa
posisyon ngayon ni Levie. Na ako ang susubo ng pagkain at magpapasweet kay
Rolly. Pero hindi.
Ngayon, hindi lang pag-aalinlangan ang
nadarama ko sa harap ng hapagkainan kundi kirot dito sa puso ko. Kahit hindi
man naging kami. Masakit pa ring isiping mayroon siyang ibang mahal. Kahit
mangiyak ngiyak na ako sa narinig ay pilit ko pa rin itong kinubli sa aking mga
ngiti. May selos akong naramdaman kahit alam ko kahit noong una pa lang ay
hindi talaga magiging kami.
Binilisan ko na ang pag-kain at
nagpaalam na ako na mauuna na sa aking kwarto dahil kailangan ko pang tapusin
ang pagliligpit ng kwarto ko at gusto ko na ring magpahinga dahil sa pagod.
Pero sa totoo lang ay ayaw kong makita nila ang kanina pang nagbabadyang
pumatak na mga luha. Luhang naghihinagpis sa mga nalaman.
Dali-dali kong tinungo ang aking
silid. Doon na tuluyang pumatak ang mga luha ko. Hinayaan ko na lang itong
pumatak. Hindi ko siya masisisi at wala din naman akong karapatang hadlangan si
Rolly sa gusto niya. Doon siya maligaya. Huminto ako sa pag-iyak. "Sinabi
sa sarili na ihihinto ko na din itong nararamdaman ko para sa kanya at maging
masaya na lang sa takbo ng buhay ko ngayon.
Nakatulog na ako nang hindi natatapos
ligpitin ang mga gamit sa aking kwarto. Naalimpungatan na lang ako na umaga na.
Maga ang aking mga mata nung tiningnan ko ito sa salamin habang naghihilamos.
“Haist! Napakahiwaga talaga ng buhay.
I've been wishing for that person to be mine. But today, Im gonna wish for
something else, it is the maturity to realize if that person wouldn't be mine,
Im still fine or even better.”singhal ko sa sarili.
Niligpit ko muna ang naiwan kong mga
liligpitin at aayusing mga gamit na di ko nagawa kagabi. Nilibang ang sarili sa
kung anu-anong bagay dahil ayaw kong lumabas ng kwarto.
Kinuha ko ang ipod na binili ni Lola
Alissa para sa akin, nilagay sa aking tenga ang headset at ipinilay ito. Ewan
ko ba kung bakit iyon pa ang unang tumugtog sa ipod na iyon. May laman na kasi
itong mga kanta noong ibinigay sa akin.
---
Today My Life Begins by Bruno Mars
I've been working hard so long
seems like pain has been my only
friend
my fragile heart's been done so wrong
I wondered if I'd ever heal again
Ohh just like all the seasons never
stay the same
All around me I can feel a change
(Ohh)
I will break these chains that bind
me, happiness will find me
leave the past behind me, today my
life begins,
a whole new world is waiting It's mine
for the taking,
I know I can make it, today my life
begins
Yesterday has come and gone
and I've learned how to leave it where
it is
and I see that I was wrong
for ever doubting I could win
Ohh just like all the seasons never
stay the same
All around me I can feel a change
(ohh)
I will break these chains that bind
me, happiness will find me,
leave the past behind me, today my
life begins
a whole new world is waiting it's mine
for the taking
I know I can make it, today my life
begins
life's too short to have regrets
so I'm learning now to leave it in the
past and try to forget
only have one life to live
so you better make the best of it
I will break these chains that bind
me, happiness will find me
leave the past behind me, today my
life begins,
a whole new world is waiting it's mine
for the taking
I know I can make it, today my life
begins
I will break these chains that bind
me, happiness will find me,
leave the past behind me, today my
life begins,
a whole new world is waiting it's mine
for the taking
I know I can make it, today my life
begins,
today my life begins...
----
Tugmang tugma sa buhay ko bawat liriko
ng kanta. Lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa buhay. Lahat ng pagsusumikap ko.
At lahat ng aking paghihirap ay tulad lamang ng panahon, hindi nananatili,
nagbabago at walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa bukas na sa atin ay
nakalaan. Sabi nga sa kanta, “Life's too short to have regrets so I'm learning
now to leave it in the past and try to forget only have one life to live so you
better make the best of it.”
Di ko napansin na sinasabayan ko na
pala ang kanta habang nagtatatalon sa aking kama. Todo kanta ako at noong
napadako ako sa may pintuan ay nakita ko doon si Renz na nakatayo at nakangisi.
Bigla akong napahinto sa pagtalon at pagkanta.
“Kanina ka pa ba dyan?” tanong ko dito
habang hinahabol pa ang aking hininga dahil napagod din ako sa aking
pagtatatalon habang kumakanta.
“Hindi naman masyado”sagot niya.
“Ganda pala ng boses mo. Parang himig
lang kapag umuulan”
“Ha? Himig kapag umuulan?”
“Oo. Parang palaka. Hahaha”pang-asar
niya sabay hagalpak ng tawa. Hindi naman talaga kagandahan ang boses ko. Pero
sino ba naman ang matutuwa kung sabihan ka ng ganun kaya binato ko siya ng
unan. Sinalo lang niya iyon.
Tawa pa rin siya ng tawa. Ngumiti.
Natahimik.
“Ganito ang pagkanta ha.” Sabi niya
habang inumpisahang kumanta.
Oh...... yeah
Di ko kayang mag isa
Dahil kailanman ay laging ikaw
Ang siyang iibigin ko sa tuwina
Di mo man sabihin ang nasa damdamin
Ay nadaramang lumalayo ka na ngayon sa
akin
Chorus
Kung mahal mo siya ay pipilitin kong
Di mo makita na di ko kaya
Kung mahal mo siya di mo maririnig sa
akin
Ang mga hikbi dahil mahal kita
Kung di mo makita sa kanya ang nais
Ay narito ako naghihintay pa rin lagi
ang puso
Di ka pipilitin na muling ibigin
tatandaan mo lang
Na ganun pa rin ikaw sa akin
Chorus
Refrain
Ganyan ang pag ibig na alay ko
Hinding hindi magbabago
Magunay at maglaho man itong mundo
Ikaw ang pag ibig ko
Napakaganda ng kanyang boses.
Napanganga ako ng literal habang tinitingnan ko siyang kumanta.
Hindi ko alam pero damang dama ko ang
kanta niya. Damang dama ko ang bawat liriko ng kanta dahil talaga namang
napakaganda ng boses nito. Dagdagan pa ng feel na feel niya ang pagkanta.
Nakita ko na lang siya na pumatak ang
luha bago matapos ang kanta. Alam kong para sa akin ang kantang iyon dahil
palagi niyang sinasabing mahal niya ako ngunit di ko naman ito masuklian dahil
iba pa rin ang tinitibok ng aking puso. Dama ko ang sakit habang binibigkas
niya ang bawat liriko nito, tumatagos ito sa aking puso. Sakit na nakikita ko
para sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya pati sa sarili. Sa
kalagayan naming ngayon. Mahal niya ako ngunit iba ang mahal ko at ako, mahal
ko si Rolly pero may mahal naman siyang iba.
Duon na pumatak nang sunod-sunod ang
aking mga luha pero bigla ko din naman itong pinunasan noong nakatingin na sa
akin si Renz. Nguniti lang ako sa kanya at sinabing okay lang ako.
“Okay ka nga lang ba talaga?”tanong
niya sa akin.
Tumango lang ako dito. Lumapit siya sa
akin at umupo sa aking tabi sa gilid ng kama. Sa kanyang pagkakalapit sa akin
ay bigla na namang pumatak ang luha ko. Hindi ko ito mapigilan.
“Okay lang yan. Iiyak mo lang yan.
Hindi masama ang umiyak.” Sabi niya sa akin at ako naman ay napahagulhol na.
niyakap ko siya.
“Matuto kang sumuko kung hindi mo na
kaya; kung nasasaktan ka na. Sabi nga nila diba? Na lahat ng mabigat kapag
binitawan gumagaan? Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sa iyo
ngayon. Isipin mo ang ngayon. Hindi ka talaga magiging masaya kung hindi mo
tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan minsan
ngunit hindi ang pagiging miserable.”natamaan ako sa kanyang mga sinabi. Hindi
ko alam na ganun pala siya mag-isip ganung napakakwela nito kung titingnan.
“Miserable na nga ba akong tingnan?”
sa isip ko lang.
Kung tutuusin ay dapat masayang Masaya
ako ngayon dahil mayaman na ako at may bagong pamilyang maituturing pero
talagang may nadarama pa rin akong kulang.
Pinunasan ko na lang ang aking mga
luha at ngumiti.
“Game!” singhal ko.
“Anong game?”taking tanong sa akin ni
Renz.
“Game. Game na magiging Masaya ako
mula sa araw na ito. Wala naman dapat akong ikalungkot diba? Game na akong
turuan ang sarili kong kalimutan ang kuya mo.”sabi ko ditto at ngumiti.
“Ahh. Sure ka na ba dyan?”tanong sa
akin nito.
“Oo naman. Sure na sure na.”
“Okay. Tara na nga! May pupuntahan pa
daw tayo.”
Itutuloy. . . . . . . . . .
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment