by: Justyn Shawn
"Ramiiiiil!!!..."isang
pasigaw na tawag sa akin ni Aling Lita na nagpalingon sa kinalalagyan niya at
tumawag ng pansin sa mga tao na naroon matapos naming bumaba sa sasakyan ni
Renz. Lumapit siya sa amin at nangumusta.
"Ramil, ikaw ba talaga yan? Ang
laki ng pinagbago mo ah." sambit niya sa akin na nagniningning ang kanyang
mga mata. Ewan ko ba pero sa kanyang mga tingin may napansin akong kakaiba.
Parang nakakita ng isang artista dahil hindi siya magkamayaw at aligaga ang
kanyang kilos. Tiningnan niya ako na para bang sinusuri kung totoo nga bang ako
ang kanyang nakikita. Simple lang naman
ang aking suot ng araw na iyon ngunit masasabi mong malaking pagbabago iyon
kumpara sa dati kong mga damit. Simple ngunit magara. Masasabing, pormang
pangmayaman ika nga.
"Oh Aling Lita, kayo po pala?
Opo, ako nga po ito. Kumusta po kayo?"
"Okay lang naman ako Ramil. Eto
namomroblema simula noong nawala ka. Ang hirap kasing makahanap ng isang
katulad mo eh. Masipag, matyaga, at maabilidad. May nakuha akong kapalit noon
ngunit ayun! itinakbo lang lahat ng kita ng stroller ng mga paninda ko, nalugi
tuloy ako. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa udyok ng tiyahin mo eh di sana
kinupkop na kita. Alam ko namang masipag kang bata, tapat at mapagkakatiwalaan.
Ewan ko nga din ba kung bakit ako nagpadala sa sulsol ng tiyahin mo eh."
mahabang salaysay ni Aling Lita sa akin. Alam ko na sampay-bakod lang ang lahat
ng kanyang mga sinabi. Kilala ko na kasi siya dahil tulad din ito ng aking
tiyahin na mukhang pera. mas malala nga lang ang sa tiyahin ko. Alam ko sa
kanyang mga sinabi ay may halong panghihinayang ito pero nagpapasalamat din ako
sa kanya kung hindi sana sa maling disisyon niya at ng aking tiyahin ay hindi
ako magiging mas matatag ngayon at hindi ko si Mama makikilala.
Madami pa kaming mga bagay na
napagusapan tungkol sa buhay-buhay. Nabalitaan ko din sa kanya na tuluyan ng
iniwan ni Tiya ang aking tiyuhin dahil sa pambabae nito. Siguro dahil wala na
din ako sa puder nila para pagpasasaan at pagbalingan kapag nag-iinit ang
katawan ng aking tiyuhin. Mahilig ang aking tiyuhin ngunit hindi maibigay ng
aking tiyahn ang pangangailangan nito dahil sa kanyang paghahanapbuhay upang
mabuhay sila ng kanyang asawa. At pagdating naman ng gabi ay pagod itong uuwi galing
palenge kung kaya't wala silang panahon upang magsiping. Dati rati'y kapag
ganun ang sitwasyon ay lihim itong pumupunta sa aking kwarto upang ipalabas ang
init ng kanyang katawan.
Nagpaalam na kami kay Aling Lita upang
tunguhin ang bahay ng aking tiyahin. Hindi pa naman daw siya nakakalipat sa
kanyang bahay.
Habang naglalakad kami patungo sa
bahay ng aking tiyahin ay para naman akong maiihi na ewan. Kinakabahan ako sa
muli naming pagkikita. Siguro nga ay hindi pa ako handa sa aming paghaharap.
Kung ano ang magiging reaksyon niya. Kung galit pa din siya sa akin dahil
pinagtangkaan ko ang kanyang buhay para lamang sa ganung halaga. Kung ano na
kaya ang kanyang kalagayan ngayong nag-iisa na siya.
Halo-halo ang aking nadarama habang
papalapit kami ng papalapit dito. Kaba dahil hindi ko alam ang magiging
kahihinatnan ng aking gagawang disisyon, kung papayag ba siya o hindi. Takot
dahil hindi ko alam kung napatawad na niya ako sa nagawa ko sa kanya. Oo,
masasabihing hindi ko nga kasalanan iyon dahil kinuha niya ang sana pangbayad
ko ng graduation fee ko pero hindi sukatan iyon o basehan upang kumitil na ng
buhay ng isang tao. Pera lang iyon at madaling palitan, pero ang buhay, hindi
mo na maibabalik kailan man kapag kinuha mo na ito. Siya na lang ang tanging
kadugo ko sa mundong ito kaya nangingibabaw pa rin ang pagsisising nadarama ko.
Hinawakan ni Renz ang aking mga kamay
na para bang nagsasabing "kaya mo yan" noong makita niya akong labis
ang kabang nararamdaman.
Nakaharap na kami sa may pintuan ng
tahanan ng aking tiyahin. hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung tatawag ba o
kung kakatok o sabay katok at tawag mula sa pinto. "Tao po!!?" sigaw
ni Renz. Hindi sumagot ito nung una kaya't kumatok na si Renz sa pinto.
"Sino yan?"sagot naman ng
aking tiyahin mula sa loob. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga yabag ng paa
na papalapit sa may pintuan. Pagbukas ng pinto ay sabay naman nanlaki ang
kanyang mga mata noong makita niya ako.
"R-ramil?"pagtawag sa
pangalan ko na kala mo ay nakakita ng multo. Na para bang hindi mo inaasahang
makita mo ulit.
"O-opo. A-ako po
ito."kinakabahang sagot ko dito. Hinanap ko sa aking tabi si Renz upang
sana ay humingi ng tulong ngunit nakita ko siya sa di kalayuan na may kausap sa
kanyang cellphone. "Bahala na"sa isip ko.
"Kumusta na po kayo?"tanong
ko dito. Halata mo sa kanyang itsura ang labis ang ikinapayat nito mula ng
umalis ako sa puder nila. Nakakatuwa ngang isipin na siya na nga itong may
bahay at may makakain siya pa itong parang pinalayas at hindi alam ang pupuntahan
maging ang kung saan kukuha ng pagkain ay hindi din niya alam. Sa kabilang
banda, labis akong naaawa sa aking tiyahin dahil sa kanyang itsura. Napabayaan
na niya ang kanyang sarili. Ni hindi pa nga ata nakakapagsuklay at naliligo.
Maga ang mata. Siguro hindi niya matanggap ang paghihiwalay nila ng aking
tiyuhin. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay mas higit pa ako duon kung hindi
sana ako natulungan ni mama, baka nga siguro wala na ako ngayon sa mundong
ibabaw.
Hindi siya sumagot sa tanong ko kung
kamusta na nga ba siya. "Anong ginagawa mo dito?"balik niyang tanong
sa akin. Hindi ko alam kung may galit pa siya sa akin o kung ano. Pero kita ko
sa kanyang mga mata ang pagkahabag sa kanyang sarili na minsan ko na ring
naranasan. Alam na alam ko iyon dahil ganun na ganon ang nararamdaman ko noong
nasa simbahan ako at takot akong may makakita sa aking mga kamag aral ko sa
ganoong kalagayan. Ayaw ko na sa ganung paraan nila ako makikita.
"Nabalitaan ko pong naghiwalay na
kayo ni Tiyo."pauna ko dito. Hindi ko alam kung tama nga bang banggitin ko
pa iyon pero nasabi ko na. "Ahmmn. Tutal naman po at nag-iisa na po kayo
dito. Kung pwede po sana ay doon na kayo sa hacienda ko tumuloy. Kayo na lang
po ang nag-iisang kadugo ko dito sa mundo at isa na rin po itong paraan upang
makabawi sa inyo at upang tumanaw ng utang na loob."saad ko dito.
"Hindi ko kailangan ng awa mo!
Bakit? Para ipamukha mo ngayon sa akin ang mga nariting mo? Ha? Ganun
ba?"may galit na tugod nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin
ngunit niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Ganun kasi ang pakiramdam na
kinaaawaan ang sarili. Panahong lugmok na lugmok ka na. Hindi mo pahahalagahan
ang bagay na ibinibigay sa iyo bagkus ay iisipin mo pa na ginagawa lang nila
iyon dahil sa AWA.
Habang yakap ko ang aking tiyahin,
doon na tuluyang kumawala ang hinagpis sa kanyang kalooban. Labis ang
pagdurusang kanyang nadarama sa pagkawala ng aking tiyuhin ngunit hindi din
naman niya matiis ang pambabae ng kanyang asawa kaya't napagdisisyunan niya
itong hiwalayan. Ayaw niyang maging matyr dahil lamang sa pagmamahal. Ayaw
niyang magpakatanga.
"Okay lang yan Tiya, ilabas mo
lang. May nakapagsabi nga sa akin dati noong mga panahong halos ganyan din ang
nadarama ko na "Ilabas mo lang yan. Iiyak mo lang. Tandaan mo na ang lahat
ng mabibigat na dalahin, kapag binibitawan ay gumagaan."" naalala
kong sabi ni Renz sa akin at sinabi ko din ito sa aking Tiyahin. Alam kong
gumagaan ang bigat ng iyong dibdib kapag pinakakawalan mo ito. Kapag may
napagsasabihan; kapag naiiiiyak.
"S-salamat Ramil. Napakabuti mo
talagang bata. Hindi ko alam kung ano na nagawa ko sa sarili ko kung wala ka
na. O-ohh tuluyang nawala at hindi nagbalik. Baka sumunod na ako kay Ate."
"Tiya, wag mo pong sabihin iyan.
May plano ang Diyos para sa lahat ng bagay na nangyayari sa atin. Minsan nga
lang mabibigat na pagsubok ang ibinibigay sa atin ngunit hindi Siya nagbibigay
kung hindi natin kaya. Alam ko po mahirap tanggapin at pakawalan ang mga bagay
na matagal mo nang pinanghahawakan pero kailangan mo itong bitawan dahil habang
hinihigpitan mo ito, lalo itong lumalayo; lalo itong nasasakal. Minsan hindi
natin alam kung bakit pero may dahilan ang lahat. Maniwala ka lang po sa kanya
at manalig sa Kanya."mahaba kong sabi dito. Alam kong kailangan niya ng encouragement
sa mga panahong iyon.
"Halos ganyan din po ang
naramdaman ko dati ngunit heto po ako ngayon, mas matibay at mas kayang harapin
ang mga pagsubok ng buhay; mas hanadang harapin ang susunod niyang pagsubok sa
akin."dagdag ko pa dito.
Huminto na siya sa kanyang pag-iyak.
"Ano nga pala ang sadya mo dito?"
"A-ah. Iyon nga po. Gusto po kita
sana kunin para magtrabaho sa hacienda ko. Nakita ko po dun kasing walang
tindahan at malayo ang binibilhan ng mga tao doon. Magpapatayo po ako ng
tindahan doon at kayo po sana ang mamamahala. Alam ko po kasi na magaling ka po
sa negosyo. At syempre para na rin makalimutan mo ang mga pinagdadaanan mo at
makatulong na rin kahit papaano. Bagong invironment ika nga. Okay lang po
ba?"
Hindi siya agad na sumagot. Tumayo
siya at tumingin sa may bandang pintuan. "Sino nga pala ang kasama mo?
Kanina pa siya sa labas nakatingin oh. Hindi mo man lang pinapasok."
Nakalimutan ko na si Renz na kasama ko
pala dahil sa pag-uusap namin ng aking Tiyahin. Nilingon ko ito at kita ko sa
kanya na nakangiti ito. "Si Renz po pala, Tiya."Pakilala ko kay Renz.
"Renz po pala."magiliw na
bati nito sa aking tiya. Nagkamayan sila. "Boyfriend po ni
Ramil."dagdag pa ni Renz.
"Hindi..."naputol na
pagtutol ko sana sa kanyang sinabi ngunit inunahan na naman niya ako.
"Hindi na po kami magtatagal. Kailangan na po naming umalis. May mahalaga
po po kasi kaming aasikasuhin. Kapg nakapagdisisyon ka na po, Pwede mo akong
tawagan dito."sabi nito sabay lahad ng kanyang calling card sa aking
tiyahin. Hinigit niya ang aking kamay upang makalabas na ng tahanang iyon.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa
kokote niya bakit niya ipinakilala ang sarili na boyfriend ko siya. Habang
naglalakad kami pabalik ng kanyang sasakyan ay hinawakan niya ang aking mga
kamay, inilingkis ang bawat dalii nito sa akin. Hindi tuloy maiwasang
pagtinginan kami ng mga tao na naroon. Parang proud na proud pa siya sa kanyang
ginagawa. Ako naman sobrang hiya ko noon. Naakatungo na lang ako upang hindi
makita ang reaksyon ng mga tao. Parang baliw talaga itong si Renz. Niyakap pa
niya ako habang tinutungo ang kanyang kotse. Paang ewan lang ngunit sa kabilang
banda ay nagustuhan ko rin naman ito. Hindi naman talaga mahirap mahalin ang
katulad ni Renz, maalaga, masiyahin, mabait, gwapo. Halos lahat na ata ng
katangiang hanap mo ay nasa kanya na ngunit iba pa rin talaga ang tinitibok ng
aking puso.
Sa wakas ay nakarating na kami kung
saan naka parada ang kanyang sasakyan. "Bakit mo ba ako niyakap habang
papunta taypo dito? Bakit mo sinabing boyfriend mo ako kay Tiya?" inis
kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay
ngumisi lang ito. Ang cute niyang tingnan ngunit inis pa rin ako sa kanyang
inasta. "Feeling!" sabi ko na lang sa aking sarili. Pagkapasok namin
ng sasakyan ay tinanong ko siya kung bakit niya ako minamadali kanina. Tumawag
daw si mama at may mahalaga daw kaming pag-uusapan. Napa "ahh" na
lang ako. Tahimik.
Tiningnan ko siya habang nag-uumpisa
nang magmaneho. Cute naman talaga si Renz. Kung siya lang sana ang tinitibok
nitong lintik na puso ko. Siya na lang sana ang minahal ko. Yung mga yakap niya
kanina sa akin, mga akbay at higpit ng hawak niya ay parang nasasabik akong
muling madama. Nakakasabik siya ngunit ayaw ko din namang maging rebound lang
siya. Ayaw kong ibigay ang pagmamahal ko sa kanya dahil may laman pa ito.
Magiging unfair lang ako para sa aming dalawa. parang naglolokohan lang. Dahil
si Rolly pa rin ang mahal ko kahit wala mang kasiguraduhan na mahal din niya
ako. Sabihin nating, nakapagmove on na ako dahil may girlfriend siya ngunit
hindi pa rin nito maaalis sa akin ang pag-asang mahalin din niya ako. Kahit sa
malayo. Martyr na kung matryr. Siguro ganyan nga talaga pag nagmahal ka. Kaya
mong harapin lahat ng sakit, lumigaya lang ang mahal mo.
Dumating kami sa bahay na gulong gulo
ang puso at isip ko. Hindi ko alam ang aking gagawin at susundin. Kung ang
aking isipan na nagsasabing pagbigyan ko na ng pagkakataon ang pagmamahal ni
Renz. Kung palayain na ang sarili sa gapos ng pag-ibig ko para kay Rolly para
maibigay ko na ng buo ang aking pagmamahal. Kung ipaglalaban ko ba ang pilit na
kinakalimutan ngtunit pilit namang isinisigaw ng aking puso ;ang pagmamahal ko
para kay Rolly. Kung sasabihin o kung ipaglalaban ito, hindi ko din alam.
Natatakot ako sa maaaring maging sagot niya o kahinatnan ng aking disisyon,
kahit ano pang mapili ko. Ewan. Magulo. Kung patatagalin ko naman ito o kung
hahayaan na lang na ang tadhana ang bahalang sumagot sa mga tanong ko, hindi ko
din alam. Ang alam ko lang, habang tumatagal na hindi pa ako nakakapagdisisyon
kung ano nga ba ang gusto ko, mas lalo akong nasasaktan. Mas bumibigat ang
sakit na dulot nito. Para akong yumayakap sa cactus, habang pahigpit ng
pahigpit ang yakap ko dito, mas ibayong sakit ang nararamdaman at tumutusok sa
aking puso at sa buo kong pagkatao. Pero wala akog choice. Yayakapin ko ito
kahit na masakit dahil ito ang pinili ko. Ito ang katotohanan at ito ang
nadarama ko. Gulong gulo na ako. Masakit. Sakit na gumagapos sa aking buong
katauhan. Sakit na dulot ng pagmamahal. Siguro tama nga sila. Kapag nagmahal
ka, hindi lang puro tamis, saya at sarap ang mararamdaman mo kalakip din nito
ang pait, kalungkutan at sakit na pilit babalot sa buo mong katauhan. Siguro
upang subukin kung gaano katibay at katatag ang pagmamahal ng isang tao.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang
pumasok sa pintuan. Isinet na ang isip kong handa na akong yakapin ang cactus
ng aking buhay. Si Rolly. Nakapagdisisyon na akong sabihin sa kanya ang lahat
ng nasasaloob ko; ang pagmamahal para sa kanya. Pinili kong harapin at labanan
ang hiya, takot at sakit na madudulot nito.
Kumakabog ang dibdib ko habang
binubuksan ni Renz ang seradura ng pinto. Hindi pa man niya tuluyang nabuksan
ito ay may lumabas dito.
"Oh, Parts andyan na pala kayo.
Kanina pa kayo hinihintay ni Tita Alissa."sabi kay Renz ng isang lalaki.
"Hi, you must be Ramil right?" tanong sa akin sabay lahad ng kanyang
mga kamay. Inabot ko naman ang aking mga kamay at inalis agad ang pagkakahawak
dito pagkatapos kong makipagkamay sa kanya. Tiningnan ko siya at nginitian.
Makisig ang kanyang pangangatawan, matangos ang ilong, may maputi at pantay na
mga ngipin, may matang kaakit akit, may balbas na bagay na bagay sa kanyang
maputing kutis. Ang astig ng kanyang dating. Habang nasa ganoon akong pag aaral
sa kanyang itsura, nakita ko naman itong hinalikan si Renz sa may pisngi.
"Anong meron? "Parts"? Partner ba ang ibig sabihin noon? Kung
mag partner sila, bakit kailangan pang sabihin saakin ni Renz na mahal niya
ako? Bakit kailangan pa niyang ipakita ang pagmamahal niya sa akin ganong may
"Partner" na naman pala ito? Biro lang ba ang lahat ng mga lambing at
halik niya? Wala lang ba iyon sa kanya?" mga tanong na gumulo sa aking
isip sa nakita sa kanila.
"Parts, bakit daw kami hinahanap
ni Mama? Pensya na pala natagalan kami kasi may pinuntahan pa itong si Ramil
eh"tanong nito.
Mas lumakas ang pagnanasa kong sabihin
lahat ng nasasaloob ko para kay Rolly dahil alam kong maroong iba sa kanilang
dalawa. Binuksan ko na ang pinto at
tuluyan ng pumasok.
"Tita, siguro ay tama lang po ang
disisyon kong pakasalan siya dahil nagbunga na ang aming pagmamahalan. Buntis
na po ako."narinig kong sabi ni Levie kay mama.
Tila isang maso naman itong pumokpos
sa aking ulo at dumurong sa aking puso at sa mga pangarap kong ipaglaban ang
pagamahal ko sa kanya. Oo. Hindi naging kami ngunit hindi din naman maitatanggi
ng aking puso't isipan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon pa at handa na
akong harapin at sabihin sa kanya lahat lahat. At alam ko din na nasasaktan ako
sa magiging kahinatnan nito ngunit iba pa rin pala ang sakit kapag nalaman mo
na ang mahal mo ay may mahal ng iba at ngayon nga ay nagbunga pa ang kanilang
pagmamahalan.
Tuluyan nang gumuho ang natitirang
pag-asang meron ako. Tila naging isang bangungot at magandang panaghinip ko
para sa aming dalawa. Mga pangarap na naglaho na lang parang isang bula; sing
bilis ng kisapmata.
Durog ang puso ko at tulala laman
pagkapasok ko ng pintuan. Parang tumigil ang oras sa panahong iyon. Parang ayaw
kong humakbang pa dahil hinang hina ako.
"Oh hijo, andyan ka na pala.
Halika at may pag-uusapan tayong mahalaga."sambit ni mama naa kumuha ng
aking atensyon. Inayos ko ang aking sarili bago ako lumapit sa kanila. Nagsuot
ako ng maskara upang matakpan ang sakit na aking dinadala. Ngumiti ako
pagkalapit ko sa sala kung saan sila naroon. "Ma, pwede po bang mamaya o
sa susunod na lang po ako sumali sa usapan? Napagod po kasi ako sa byahe ehh.
Nahihilo po ako, kelangan ko na po ata magpahinga."saad ko dito nang
nakangiti. Pinayagan naman niya akong magpahinga na dahil baka daw kung mapaano
pa ako sa hilong nararamdaman ko pero ang totoo ay gusto ko lamang makalayo sa
kanila upang di nila makita ang pagkadurog ng aking puso. Tutal din naman ay
alam ko na ang sasabihin nila. Na plano na nila magpakasal dahil nagbunga na
nga ang kanilang pagmamahalan.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad
patungo sa aking kwarto. Pagkatalikod ko ay hindi na kinaya ng maskarang
ginamit ko upang takpan ang sakit na aking nararamdaman. Kusang tumulo ang
aking mga luha. Hindi ko mapigilan. Hindi ko ito pinahid at hinayaan ko lang
itong umagos dahil baka mapansin nila na umiiyak ako kung kukuskusin ko ang
aking mga mata. Naiinis ako noong mga panahong iyon dahil parang ang layo ng
aking kwarto mula sa sala kung saan nandoon sila Rolly. Ang tagal kong
makaratig.
Dumating din ako sa wakas sa aking
silid at patuloy pa rin ang pag-agos ng lawa ng aking luha. Hindi ako ng
patugtog ng aking ipod na lagi kong ginagawa tuwing nalulungkot ako. Pero hindi
ko iyon ginawa dahil mas lalo lang akong lulubog, mas lalo lang akong
masasaktan at madaragdagan ang sakit na nadarama ko. Tumingin na lang ako sa
labas ng bahay sa may bintana ng aking kwarto. Patulog pa rin ang bagsak ng
aking luha. Masakit isiping kung kelan handa ka ng ipaglaban at sabihin
lahat-lahat saka naman darating ang ganitong balita. Nakakapanlumo.
Pinukpok ko ang aking dibdib gamit ang
sariling mga kamay. Iniisip ko sana na mabawasbawasan ang sakit na nadarama ko.
"Bakit? Bakit? Bakiiiit!!!!??" tanong ko sa aking sarili.
"Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Ganito ba talaga ang pag-ibig na
pinili ko? Ganito pala kasakit ang unang pag-ibig." dagdag kong tanong sa
aking sarili.
Kasabay ng kalungkutan at hinagpis na
aking nararamdaman, tila nakisabay din ang kalikasan dito. Nagsimulang dumilim
ang paligid at pumatak na ang ulan. Nahahabag ako sa nagyayari sa akin. Hindi
ko alam ang gagawin. Kanina lamang ay nakapagpayo pa ako sa aking tiyahin na
hindi katapusan na ng mundo ang pagkawala ng minamahal. Bagkus ay isa lamang
ito sa mga pagsubok sa atin ng maykapal. Ngunit talaga palang mapagaro at
napakahiwaga ng tadhana. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Mahirap talagang
mapagsinungalingan ang damdamin. Mahirap magmove on. Mahirap takasan ang
tadhana. Napakadaling sabihin at magpayo tungkol dito ngunit sadya talagang
mahirap i-apply sa sarili.
Nasa ganon akong pagtutok sa mga patak
ng ulan mula sa bintana ng aking kwarto. "Anong ginagawa mo
dito?"tanong ko kay Renz noong makapasok na siya.
"Bakit ganyan ang itsura mo?
Bakit ka umiiyak?"tanong nito sa akin na nagpantig ng aking tenga. Parang
tumaas lahat ng dugo ko sa katawan. Alam niyang mahal ko si Rolly at sigurado
akong alam din niyang magpapakasal na sila ni Levie dahil buntis na nga ito. O
baka naman busy lang siya masyado kanina sa "Parts" niya kaya't hindi
niya alam ang balita. "Wag ka ngang umasta diyan na kala mo ay nag-aalala
ka! Dun ka na lang sa "Parts" mo! Kung sabihin kong hindi ako okay?
may magagawa ka naman ba? Ha!?"pagalit kong tugon dito.
"Eh kung sabihin ko sayong mahal
ka din ni Kuya, maniniwala ka? Kung sabihin ko sayo ngayon na lahat ng ginawa
ko ay pagpapanggap lang para subukin kung gaano katatag ang pagmamahal mo sa
kanya, maniniwala ka? Kung sabihin ko sayong hindi si Kuya ang ama ng dinadala
ni Levie at hindi talaga sila magboyfriend, maniniwala ka?"
Itutuloy. . . . . . . . . .
justynstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment