Wednesday, January 30, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 01

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt.1"
By. Iam Kenth


Paminsan hindi natin alam kung paano nating panghahawakan ang isang bagay na pilit nating ikinunubli, hindi natin alam kung hanggang kailan natin magagawang itago.

Alam nating mali sa paningin ng iba, pero masasabihan ba nila ang ididikta ng sigaw ng ating puso?

ano ang mas mahalaga? ang sasabihin nila o ang nararamdaman ninyo para sa isa't isa?

*********

Huling Linggo ng bakasayon na pala. Sa susunod na Linggo aalis na kami at pupunta na kami ng Maynila at doon ako mag-aaral.

"Myk!!!" Si Ryan, tinaas niya ang kamay niya. Malayo pa siya sa kinauupuan ko, nasa bandang tulay pa siya. Mga 100 steps pa siguro bago makarating siya dito sa akin. Tinaas ko ang kamay ko.


Pogi nitong si Ryan, ang kasu nakakainis eh! Hindi ko masabi sa kaniyang, 'Tang ina mo Ryan, mahal kita!' Pero, bakit ko pa sasabihin gayung isang Linggo nalang din naman kami dito. Nonsense kung sasabihin ko, atsaka baka maupakan lang ako nito pagsinabi kong Mahal ko siya, parehas kaming lalaki.

Hindi iyon makatarungan no. Tsaka nakakahiya sa kaniya , tagal naming nagsama, sabay kaming kumakain, naliligo, at magkatabing natutulog. Then all this time, sasabihin ko sa kaniya na. Mahal ko pala siya.

Hooh! Buntong hininga ko noong malapit na siya sa akin.

"Aalis na pala kayo sa next week no?" Umupo siya sa tabi ko, nasa labas bahay lang kami, mapuno sa paligid kasi nasa probinsiya kami.

"Oo nga eh."

"Magkakahiwalay na pala tayo no? tagal nating nagsama tapos maghihiwalay din lang naman pala tayo, kung sabagay, kailangan din naman iyon." Sabi niya, tapos kumuha siya ng maliliit na bato at binabato niya ang isa pang malaking bato.

"Kamusta na ba kayo ni Jenna?" Tanong ko? Syota niya iyon, pero nagkalabuan sila nitong nagdaang araw, sabi niya sa akin. nakita niyang may kasamang ibang lalaki sa burol, nagpang-abot pa nga sila kaya meron pa siyang sugat sa labi.

"Ah, wala na kami. Ilang taon na niya pala akong pinipindeho. Minahal ko pa naman yun talaga, naasar ako sa tuwing naalala ko. Pero okay na din iyon, pero alam mo, mas nalulungkot ako kasi... mawawala ka na din." sabi niya.

"Ano kaba, babalik balik din naman ako dito no, tsaka, makakahanap ka ng iba pang babae, sa gwapo mong yan." sabi ko, napatingin siya sa akin, matagal.

nakaramdam ako ng pagkahiya.

"Virgin ka pa diba?" Nabigla ako sa tanong niya.

"Huh? ano namang tanong yan. adik to!"

"eh wala kapang naging syota eh, pati nga ata yang labi mo, virgin pa eh." Sabi niya, tapos tinignan niya ako, tapos napaatras ako.

naku, huwag niya akong tinitignan ng ganyan, lalo akong naiinlove sa kaniya. Nakakainis, hindi ko masabi sa kaniyang mahal ko siya.

"Tara! Sama ka sa akin." Hinawakan niya braso ko.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.Hnila niya ako.

"Sa lambak. Sa tambayan natin. dapat nating sulitin ang ilang araw na pananatili mo dito sa atin. tara na." Tinayo niya ako.

"Tara, karera tayo, unahan tayo sa lambak, mahuli panget! Hahaha!" Sigaw niya, tapos tumakbo na siya papalayo.

Sinundan ko siya. Tumakbo na din ako.

hanggang sa marating namin ang lambak.

"Mamimiss mo ang lugar na ito, walang ganito sa Manila." sabi niya, pinagmamasdan namin ang kabuoan ng kapaligiran dahil nasa mataas ng parte kami ng lambak.

Berde ang kapligiran, asul na kalangitan, malawak ng karagatan.

Pero, hindi naman iyon ang iniisip ko na hindi ko makikita eh.

Siya.



Tumambay kami doon hanggang magdapit hapon. Umakyat siya ng mga puno para kumuha ng bunga at iyon ang kinain namin.


Naglalakad kami pababa ng lambak.

"Mag-iingat ka doon sa Manila huh?" Paalala niya.

Kaya lalo akong napapamahal sa kaniya eh, paano naman kasi. Noong mga bata pa kami, kapag may mga kaaway kami. Nagtutulungan kaming dalawa para ipagtanggol ang isa't isa.

Kapag kailangan namin ng karamay, lagi kaming magkasama.

Pag may problema ang bawat isa sa amin, nagtutulungan kami.

Kaya nga, mahirap talaga na magkakahiwalay kami.

"Oo naman." Sabi ko.

Noong naglalakad kami, bigla akong napatid sa isang ugat kaya napatumba ako at bago ako mahulog ay nakapitan ako ni Ryan. Kaya iyon, naggulong gulong kami pababa sa lambak.


Pagbaksak namin, nakadagan ako sa kaniya. Tapos, napatawa siya ng malakas. Pero ako pinagmasdan ko lang siya habang nakapatong ako sa kaniya.

"Bakit? may dumi ba ako sa mukha? o gasgas?" Tanong niya.

Pero, hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla ko siyang hinalikan.

Matagal. Oo, first kissed ko iyon.

Pero, pinigilan niya ako. At tinulak.

"TANGINA MYK? ano yun? Para saan yon?" sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita, kinabahan ako, bilis ng tibok ng puso ko, ang ginawa ko. Tumayo ako at tumakbo pababa. Iniwan ko siya, mabilis iyong takbo ko, natatakot ako sa maaring sabihin sa akin ni Ryan.

Pero habang tumatakbo ako pababa, nadidinig kong tinatawag niya ang pangalan ko.

Umupo ako sa isang malaking puno, siniksik ko ang sarili ko sa ugat.

Naiinis ako sa sarili ko, dapat hindi ko ginawa iyon!

ang tanga tanga ko talaga!

Pero, nakabakas parin sa aking labi ang labi ni Ryan kanina. naluluha ako, walang kapatawaran ang ginawa ko, nakakahiya. Nakakainis.

Ilang oras akong kumubli doon. Madilim na madilim na.


Malamig.


"Sabi ko na nga ba at nandiyan ka." Nakita ako ni Ryan, akala ko talaga umuwi na siya. Hinanap pala niya ako.


Hindi ako mapagsalita.

"Tara na, uwi na tayo baka hinahanap ka na sa inyo." sabi niya, inabot niya ang kamay niya sa akin.

Hinawakan ko iyon at tumayo ako.


naglakad kami pabalik sa bahay, pero tahimik lang ako.

Tahimik lang din siya.


hanggang sa makarating kami sa tulay.

"I'm sorry Ryan." sabi ko.

"Kalimutan mo na iyon." Sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya.. "Ano kasi Ryan, Ma----"
Tumingin siya sa akin.

"Ma--mauuna na ako." Sabi ko. Tapos tumakbo ako papasok sa bahay.


Diretso sa kwarto, talukbong.


Hinihintay na muling magbukang liwayway, kung anong mangyayari bukas.

No comments:

Post a Comment