By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
Kahit mag-iisang oras
ng nakahiga si Ryan sa kaniyang kama at kahit medyo napagod siya sa paglabas
nila ni Dan nung gabing iyon ay hindi parin magawa ng kaniyang mga mata na
sumara at mahimbing ng makatulog. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa kaniyang isip
ang magandang ngiti ni Dan, ang malalambot na kamay nito, ang boses nitong
musika sa kaniyang pandinig at ang ugali nitong hindi papadaig sa kaniya sa
tuwing sinisinghalan niya ito.
Hindi rin maalis sa
kaniyang isip ang halos pagdampi ng mga labi nila at ang tila ba
pag-aalinlangan ni Dan na lubos niyang ipinagtataka. Ito ang mga bagay na
tumatakbo sa kaniyang isip nang makarinig siya ng marahang pag-katok sa
kaniyang pinto. Hindi niya ito sinagot, iniisip na baka ang kapatid niya lamang
ang nasa labas at mangungulit lamang ito kapag pinagbuksan niya kaya naman
laking gulat niya nang marinig niya ang marahang pagtawag sa kaniyang pangalan
ni Dan.
“Ryan?” nagaalangang
tawag ni Dan na ikinabalikwas ni Ryan sa pagkakahiga sa kama.
“I-I'm sorry to
w-wake you up. I'll c-come back tomorrow--- I'm sorry.” nauutal na saad ni Dan
sabay tatalikod na sana nang pigilan siya ni Ryan.
“It's OK, Dan. Di rin
naman ako makatulog---uhmm--- tuloy ka---” saad ni Ryan na nagtulak kay Dan na
pumasok sa loob ng kwarto ng huli.
0000oo0000
Namumula ang pisngi,
hindi mapakali at nakatitig lang sa kaniyang mapuputing paa. Ganyan ang itsura
ni Dan sa loob ng maglilimang minuto nang asa loob ng kwarto ni Ryan, habang si
Ryan naman ay matiyagang nagaantay ng sasabihin ni Dan habang nakatitig sa maamo
nitong mukha. Maaaring tumagal ng isang buong magdamag ang dalawa sa ganitong
tagpo na hindi napapansin ng mga ito.
“---uhmm--- I-I like
to ask y-you something that's why I-I'm here.” simula ni Dan na siyang gumising
kay Ryan sa pagtitig sa mga mukha nito.
“OK.” marahang
pagpayag ni Ryan sa gustong mangyari ng huli.
“W-why did you hold
my hand the whole night while we were at the park and inside the cab? Why do
you act like a jealous boyfriend and were you about to kiss me earlier at the
front door?” lakas loob na sunod sunod na tanong ni Dan sa gulat na gulat at
natatamemeng si Ryan.
“Uhmmm--- I just felt
like holding your hands---” simula ni Ryan pero agad din siyang pinutol sa
pagsasalita ni Dan.
“Please---”
pagmamakaawa ni Dan. Kitang kita ni Ryan na gumugulo ito ng sobra kay Dan kaya
naman umamin na rin siya.
“I-I like you, Dan.”
pag-amin ni Ryan sabay buntong hininga.
“Like?” pagkukumpirma
ni Dan.
“Yes. I like you. I
was attracted to you since the first time I saw you. Pinigilan ko lang yung
sarili ko because I was seeing someone at the time. I tried hiding it by being
an ass to you which is a convenient cover since I was trying sooo hard to be an
ass to my brother so our parents would think that I hate being here and I want
to transfer back to my old school but you were acting so cute all the time that
it makes my heart melt whenever I try being an ass to you, you kept on being so
sweet even when I'm pushing you away that I can't help but like you even
more---” sunod sunod at mabilis na pag-amin ni Ryan habang nakatingin ng
daretso sa mga mata ni Dan.
“But you're still
involved with someone else.” singit ni Dan na siyang gumulo sa isip ni Ryan.
“What?” tanong ulit
ng huli.
“I saw you kiss this
guy a few blocks away from Gustav's.” paglilinaw ni Dan sa kaniyang gustong
iparating.
Saglit na natigilan
si Ryan, hinahalungkat ang sariling utak kung kailan maaaring naganap ang
pangyayaring iyon na tinutukoy ni Dan. Kumain pa ng ilang saglit bago pumasok
sa isip ni Ryan ang huling paghahalikan nila ng lalaking minahal niya ng ilang
taon.
“That kiss is the
last kiss we shared, Dan. I broke it off with him since I realized that I like
you.” sinserong sagot ni Ryan. Ang sinseridad na ito ni Ryan ay hindi
nakaligtas kay Dan, kitang kita ito ni Dan sa mga mata ng huli, basang basa sa
mga labi nito at dinig na dinig sa boses nito.
“Is that why you kept
on pushing me away this past few weeks?” tanong ni Ryan atsaka dahan-dahang
tumayo mula sa kaniyang kama at unti-unting lumapit kay Dan na hindi
makapaniwala sa kaniyang mga naririnig.
“I don't want to get
into trouble if ever you're still in a relationship. I don't want to ruin
things between you and that guy---” hindi na naituloy pa ni Dan ang kaniyang
mga gusto pang sabihin nang ilapat ni Ryan ang kaniyang hintuturo sa mga labi
ng huli.
“Does that mean you
like me too?” pabulong na saad ni Ryan saka idinikit ang kaniyang katawan sa
katawan ni Dan. Namula ang mga pisngi ni Dan, alam niya kasing wala na siyang
kawala pa at ang tangi na lang niyang magagawa ay ang umamin, wala rin sa
sariling napayuko si Dan, hindi maisalubong ang kaniyang tingin sa mga tingin
ni Ryan at nagtense din ang kaniyang buong katawan dahil sa lapit nila sa isa't-isa.
Marahang inabot ni
Ryan ang mukha ni Dan at marahang itinaas ang tingin nito pasalubong sa
kaniyang mga tingin. Tumango si Dan bilang sagot sa tanong ni Ryan na
ikinabilis ng tibok ng puso ni Ryan na tila ba nagtulak kay Ryan na isalubong
ang kaniyang mga labi sa mapupulang labi ni Dan.
0000oo0000
“Where the hell did
you sleep last night?!” bulaga ni Bryan na nagdulot sa magkatabi at magkahawak
kamay na si Dan at Ryan na mapatalon palayo sa isa't isa.
“Uhmmm I fell asleep
at the couch. I couldn't sleep last night after talking to you so I decided to
watch the T.V. and fell asleep on the couch.” nauutal na sagot ni Dan habang
humaharap dito, hindi pinapahalata ang kakaibang paglapit ng kanilang mga katawan
ni Ryan kanina sa kakambal nito.
“Yeah right.”
naniningkit matang pambabara ni Bryan kay Dan na ikinamula ng mga pisngi ng
dalawa.
“I'm hungry. What's
for breakfast?” biglang singit ni Bryan na ikinahagikgik ni Ryan at ikina-iling
na lang ni Dan matapos nilang magpalitan ng isang makahulugang tingin.
“You two are being
weird.” singit ulit ni Bryan sabay kagat sa hawak hawak na pandesal nang mahuli
niya ang dalawa na nagpapalitan ng makahulugan na tingin. Nang hindi nakasagot
ang dalawa ay muling nagsalita si Bryan.
“Are you guys fucking
each other now?” walang prenong tanong ni Bryan na ikinasamid ni Ryan at
ikinalambot at ikinamutla naman ni Dan.
“DUDE!” “BRYAN!”
sabay na saad ni Dan at Ryan nang makabawi sa gulat.
“That's none of your
business---” “Stop being a jerk---” sabay ulit na protesta ng dalawa na tumagal
pa ng ilang saglit. Sa dinami dami ng sinabi ng dalawa ang lahat naman ng iyon
ay idinaan na lang ni Bryan sa pagkibit ng balikat.
“HOLD YOUR HORSES! I
was just asking you know! Dami dami niyo ng sinabi.” kaswal na sagot ni Bryan
saka nagpatuloy sa pagkain, muling nagkatinginan si Dan at Ryan.
0000oo0000
“DAN! ANDITO NA SI
BRYAN!” sigaw ng gwardya ng Gustav's pagkatapos ng shift ni Dan.
“MANONG! HINDI SI
BRYAN YAN! SI RYAN YAN.” humahagikgik at namumulang pisngi na saad ni Dan
habang inaayos ang kaniyang mga gamit bilang paghahanda bago umuwi. Ang totoo
niyan nung wala ng pumapasok na customer ay tinapos na lahat ni Dan ang
kaniyang dapat gawin at tumambay na sa tapat ng bintana kung saan kitang kita
niya ang gate kung saan madalas siyang sunduin ni Bryan dati at ngayon ni Ryan.
Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita niya ang papalapit na si Ryan, hindi
mapigilan ng kaniyang puso ang tumibok ng mabilis at hindi mapigilan ang
sariling mga paa na manginig dahil sa antisipasyon.
Ang mga nakakatuwang
bagay na ito ay hindi nakaligtas kay Jase na alam na alam ang ganoong
pakiramdam lalo pa't dalawang beses na niya itong nararamdaman.
“Ipakilala mo nga
sakin yang kinahuhumalingan mo kaya ka hindi mapa-pirmi dito sa restaurant nang
makilatis at para malaman kung karapat dapat ba siyang ika excite mo.”
nakangising saad ni Jase sa likod ni Dan na ikinagulat nito. Nang makita kung
sino ang nagsalitang ito ay agad na ngumiti si Dan.
Hindi ikinakaila ni
Dan sa kaniyang boss ang tungkol sa kaniyang sekswalidad dahil alam naman
niyang maiintindihan ito ng huli kaya naman hindi magiging mahirap sa kaniya na
ipakilala dito si Ryan.
0000oo0000
Hindi na pinansin pa
ni Dan ang mapanuring mga mata ng gwardya na hindi parin naniniwala na siya si
Ryan at hindi ang kakambal niyang si Bryan na madalas nitong kakuwentuhan dahil
abala na siya sa pag-iintay sa tanging tao na kaniyang ipinunta doon. Si Dan.
Iniintay ang oras na bumukas ang kulay itim na pinto na siyang nilalabasan ng
mga nagtratrabaho doon sa restaurant na iyon.
“Hindi ka ba talaga
si Bryan?” tanong ulit ng gwardya na ikinahagikgik naman ni Ryan.
“Hindi po, manong.
Kapatid ko po yun.” nakangiting saad ni Ryan na ikinakunot ulit ng noo ng
gwardya, hindi nagtagal at tila ba naniwala na ito kaya naman tumango-tango na
ito.
“Oo nga, hindi ikaw
si Bryan, hindi ka madaldal eh.” saad naman ng gwardya sabay talikod kay Ryan
na tila ba wala na itong gana dito makipag-usap na ikinailing na lang ni Ryan,
iniisip ang mga klase ng mga tao na kinakaibigan ng kaniyang kapatid ay mas
matindi pa ang sapak kesa sa kaniya.
Nang sa wakas ay
narinig na ni Ryan ang pagpihit ng door knob ng itim na pinto na iyon ay
biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Dahan dahan siyang humarap sa
gawi ng pinto at pinanood itong bumukas. Nang makita niya ang nakangiting mukha
ni Dan ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti pa lalo ng malaki.
Pero ang ngiting iyon
ay unti-unting nahupa nang makita niyang may kasama si Dan.
0000oo0000
Nangunot ang noo ni
Dan nang makita niya ang sasalubong sa kaniya na si Ryan ay nakasibanghot ang
mukha at halos mag-dikit na ang nguso at ang matangos na ilong nito. Hindi rin
nakaligtas kay Dan ang nakatiklop nitong mga malalaking braso sa dibdib at ang
pagtapik ng kaliwang paa nito sa lupa kung saan siya nakatayo.
“Hi Ryan!” nakangiti
paring bati ni Dan kahit pa naniningkit ang tingin nito sa kaniya.
“Uwi na tayo.”
malamig na balik ni Ryan saka lalong nanghaba ang nguso na hindi naman
nakaligtas kay Jase na alam na alam na ang kilos at tingin na iyon.
“Yup uwi na tayo---”
masayang simula parin ni Dan sa kabila ng malamig na salubong sa kaniya ni
Ryan. “---but first I have to introduce you to my boss, sir Jase, this is Ryan,
Ryan si Sir Jase.” pakilala ni Dan kay Jase at Ryan.
Tila naman bumalik sa
pagkabata si Jase at muling lumikot ang isip nito para gumawa ng isang
kalokohan. Nang i-abot ni Ryan ang kaniyang kamay kay Jase ay hinila niya ito
payakap sa kaniya at binulungan. Ang lakas ng bulong na iyon ay sapat lang para
sa kanilang dalawa, malayo para sa mga tenga ni Dan.
“Huwag na wag mong
sasaktan si Dan or I swear you'll never have him.” may lason na sabi ni Jase
kay Ryan na natigilan pa saglit.
“Never. I'll never
hurt him.” balik naman ni Ryan saka agad siyang pinakawalan ni Jase upang hindi
na mahalata pa ni Dan ang kanilang palihim na paguusap.
“Nice to meet you,
Ryan.” nakangisi pero matalim na tingin na sabi ni Jase kay Ryan.
“Same here.” matipid
na balik ni Ryan.
“See you tomorrow.”
baling naman ni Jase kay Dan sabay yakap ng mahigpit dito na ikinagulat ni Dan,
hindi na siya nagdalawang isip pa na ibalik ang yakap na iyon ni Jase dahil
alam niyang wala itong intensyon na masama sa kaniya. Itinuturing na niya ito at
ang nobyo nito bilang mga nakatatandang kapatid na hindi na kailangan
pagdudahan pa ang intensyon. Hindi man ito maipaliwanag ni Dan sa sarili, pero
pakiramdam niya ba ay alam nila Jase at ng nobyo nito ang kaniyang pinagdaanan
kaya naman alam niyang hindi sila nito sasaktan.
Kinuwa ni Jase ang
pagkakataon na ito upang lalong asarin si Ryan na alam niyang inis na inis na
sa kaniya. Tumingin siya sa naka sibanghot na mukha ni Ryan at nag-make face.
Agad namang namula ang mukha ni Ryan dahil sa galit at hindi nga nagtagal ay
pinutol na niya ang pagyayakapan ng dalawa.
“Ehem. I would like
to go home now.” malamig na saad ni Ryan.
0000oo0000
“Hey. Why are you so
quiet?” tanong ni Dan nang hindi na siya makatiis sa pananahimik ni Ryan nang
makasakay na sila ng dyip pauwi.
“Nothing.” matipid at
tila isang batang natatakot na sagot ni Ryan.
“C'mon. You can tell
me.” nagaalala ng pagpupursigi ni Dan kay Ryan sabay simpleng abot ng kamay
nito na pinakamalapit sa kaniya. Hindi mapigilan ni Ryan na mapatingin sa
malambot na kamay na iyon ni Dan na siyang bumabalot sa kaniyang kamay. Ang
paghawak na ito ni Dan sa kamay ni Ryan ang nagtulak sa huli na itanong na ang
bumabagabag sa kaniya.
“D-do you like him
also? I-I m-mean do you like him like the way you like me?” parang bata ulit na
tanong ni Ryan kay Dan na ikinagulo man ng isip ni Dan ay ikinabahala niya rin
dahil kitang kita niya ang pangamba sa mga mata ni Ryan.
“Huh?”
“Your boss. Do you
like him like the way you like me and like the way I like you or are you just
really close to him?” paglilinaw ni Ryan. Saglit na naguluhan si Dan pero nang
makuwa na niya ang ibig sabihin ng huli ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.
“Is that why you're
so cold to him earlier?---” simulang tanong ni Dan, pinipigilan ang sarili na
mapatawa ng malakas. “B-because you're jealous?” nauutal na pagtatapos ni Dan
dahil sa pinipigilang tawa.
“Who wouldn't be?! I
mean, He's rich, he's handsome he has everything every gay guy would want---”
nababahala paring simula ni Ryan na agad namang pinutol ni Dan.
“Hey. He might be
rich, handsome and everything a gay guy could ask for but I still don't like
him the way I like you because he's not you---” simulang pagpapapanatag ng loob
ni Dan kay Ryan. “---and besides, Sir Jase is so in-love with his boyfriend
it's not even funny anymore.” paniniguro pa ni Dan kay Ryan na tila naman
unti-unti ng nagigising sa kaniyang katangahan.
“H-he told me that
I'll never have you if—if---” simula ulit ni Ryan sa isa pa sa mga bagay na
bumabagabag sa kaniya. Napa-iling na lang si Dan sa sinabing ito ni Ryan,
iniisip na dahil sa gusto siyang protektahan ni Jase ay pinagbantaan pa nito si
Ryan na ikinakabagabag naman ng loob ni Ryan.
“Shhhh--- he's just
bluffing, Ry.” nakangiti ng paniniguro ni Dan kay Ryan na hindi naman napigilan
ang sarili na madala sa mga ngiting iyon ni Dan.
“So are you OK now?
Di na magdidikit yang nguso at ilong mo?” sunod sunod na tanong ni Dan na
ikinamula ng pisngi ni Ryan.
“Yes. I'm going to be
OK.” sagot ni Ryan atsaka sila muling nagpalitan ng ngiti. Ang mga magagandang
ngiti na iyon ang nagbigay ng isang magandang ideya kay Ryan na siya namang
nagtulak sa kaniyang susunod na gagawin.
“Manong para!”
malakas na saad ni Ryan na ikinataka ni Dan at ikinatigil naman ng kanilang
sinasakyang dyip.
“Pero hindi pa tayo
dito bababa, Ry.” pigil naman ni Dan.
“Basta!” parang
batang excited na excited na saad ni Ryan sabay hila pababa kay Dan ng dyip.
0000oo0000
“Time for a change of
scenery.” nakangiting saad ni Ryan sa takang taka parin na si Dan habang
naglalakad sila papasok sa isang ferry.
“I don't think this
is something to be called a scenery.” kunot noong saad ni Dan saka iginala ang
tingin sa paligid ng ferry kung saan madaming batang kalye na nagkalat malapit
sa daungan ng ferry pati narin ang gabundok ng basura na amtagal ng hindi
nakokolekta malapit sa pinaglalaruan ng mga batang ito. Narinig ni Dan na
humagikgik si Ryan kaya't tinignan niya ito ng mariin.
“Believe me it'll get
better.” matipid na saad ni Ryan sabay pisil sa kamay ni Dan na ikinangiti at
ikinamula ng pisngi ng huli.
Hindi nagtagal ay
umandar na nga ang ferry, hindi nagtagal at nag-iba na nga ang paligid, andyan
ang mga likod ng isang malaking paaralan, mga tulay na puno ng kotse dahil sa
trapik, mga tore ng simbahan na hindi niya napapansin kung sa dyip siya
nakasakay pauwi at mga likod ng nagtataasang building na ibang-iba sa harapan
nito dahil sa natatakpan ito ng mga naglalakihang billboards sa high way. Mukha
man itong ordinaryo ay kakaiba ito para sa nakasanayang tagpo ni Dan, hindi
niya inakala na makikita niya ang kagandahan ng mga ito sa ibang anggulo.
“Wow.” saad ni Dan na
ikinangiti na lang ni Ryan.
“There's more.” saad
ni Ryan na lalong ikinangiti ni Dan.
“There's more?”
parang batang hindi makapaniwalang tanong ni Dan na ikinatango naman ni Ryan.
“Look.”
Pagkalingon ni Dan sa
bintana ng ferry ay hindi niya napigilan ang sarili na mamangha. Ang bahagi na
iyon ng ilog ay walang kahit na anong gusali na nakatayo, napanatili ng kung
sino mang nangangalaga dito ang mga puno at halaman na karaniwang makikita sa tabi
ng ilog sa mga probinsya. Lalong nanlaki ang mga mata ni Dan nang makita niya
na tila ba sinilaban ang isa sa mga matataas na puno na iyon dahil bigla itong
nag-ilaw.
“Those are not
christmas lights either.” bulong ni Ryan sa manghang mangha na si Dan. Ilang
pulgada lang ang layo ng bibig ni Ryan mula sa tainga ni Dan kaya naman gulat
na gulat si Dan na humarap kay Ryan dahil akala ng huli ay malayo ito sa
kaniya.
Nang biglaang humarap
si Dan ay agad na nagtama ang tingin ng dalawa. Saglit lamang ang itinagal ng
titigan na iyon dahil wala sa sariling inabot ni Ryan ang mukha ni Dan at dahan
dahan na inilapit ang kaniyang mga labi sa labi ng huli. Sabay na napapikit ang
dalawa bago pa man magsalubong ang labi ng mga ito.
Nang magtama ang labi
ng dalawa ay hindi nila mapigilang maramdaman ang mabibilis na pagtibok ng
kanilang mga puso, ang pakiramdam na tila ba ang kanilang ginagawang iyon ay
isa sa bagay na kanilang matagal ng pinkahihintay. Hindi lang maalab ang
halikan na iyon, punong puno din ito ng emosyon at walang pagaalinlangan.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment