Wednesday, January 30, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 05

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 5"
By. Iam Kenth

Mabilis akong bumaba ng barko, at sinalubong ko ng yakap si Ryan. Mahigpit ang pagkakayakap ko noon sa kaniya, tila wala akong pakialam sa mga nasa paligid. kahit pa na kasama ko noon sila Mama at Papa.

Alam naman kasi nilang matalik ko na kaibigan si Ryan noon pa. Kaya wala lang sa kanila ang mga yakap ko na iyon kay Ryan, pero para sa akin at sa kaniya at binuno ng mga yakap naming iyon ang ilang araw at buwan naming hindi pagkikita.

Sa sasakyang aming sinakyan, nagtitinginan kaming dalawa. nagkakangitian sa isa't isa.

Magkatapat kami sa sinasakyan naming jeep at pasimple naming pinagdidikit ang aming mga daliri. sabik na sabik na ako sa kaniyang mga halik at haplos ng mga sandaling iyon.

Pagdating namin sa bahay. Ay agad akong umakyat sa kwarto ko, nagpalit ng damit at dumungaw sa bintana. Naghihintay sa akin si Ryan sa baba. Mabilis akng tumakbo papalabas.

"Oy, oy, Makyo saan ka pupunta?" pagpigil sa akin ni Mama.


"Sa labas lang po, namiss ko kasi ang lugar na dati kong pinupuntahan, kasama ko naman po si Ryan." sabi ko.

"Hindi ka ba muna magpapahinga? o kakain man lang galing tayo sa biyahe." sabi ni Mama.

"Hindi na Ma, siguro mamaya nalang." tapos tumakbo na ako papalabas.

"O siya siya, wag kayong magpapagabi huh?" sigaw ni Mama.

ay ngayon nga'y kaharap ko ng muli si Ryan pagkalipas ng mahabang paghihintay.

"saan tayo pupunta?" tanong ko.

"sa lambak.. tara!" Inakbayan nya ako. At naglakad kami patungo doon.


Noong makarating kami doon ay agad akong hinatak ni Ryan papalapit sa kaniya, mahigpit iyon at mabilis na dumampi ang labi niya sa aking mga labi.

Marahan, mainit, malalim, may pagkasabik sa bawat linya ng aming halikan. Pinalibot niya ang knaiyang kamay sa aking likuran at nagawa niyang mahubad ang aking kasuotan.

Nagmamadali kaming dalawa, sabik na sabik sa bawat haplos ng bawat isa.

Namalayan ko nalang na kapwa na kami nakahubad, nakapatong siya sa akin at hinahalikan ang aking katawan.

at may isang bagay siyang nais mangyari sa amin na handa akong ipagkaloob sa kniya.

pinaghiwalay niya ang mga hita ko, at nakadama ako ng hapdi, kirot at sakit pero kapalit noon ay ginhawa. binuhos niyang lahat ng kaniyang pag-aasam sa akin. hanggang sa marating naming sabay ang kaligayahan.


Magkatabi kaming dalawa habang nakatingin sa langit.

"Mahal na mahal kita Ryan." Sabi ko sa kaniya, tinignan niya ako sa aking mga mata.

"ganun din ako sa iyo." sabi niya na may ngiti sa labi.

"Sanay wala ng katapusan pa ito..." sabi ko.

AT SA ILANG ARAW na muling pamamalagi ko sa amin ay wala kaming sinayang na araw at gabi, dahil alam naming darating ang araw na aalis na akong muli at babalik sa Manila, marami kaming napag-usapan, mga kwentong hindi namin maisulat sa papel sa sobrang haba. Pinakilala din niya ako sa dati ay tuta palang daw na si Bokbok.

Naging masaya ang pagsasamang muli namin ni Ryan.

"Nakikita mo iyong bituin na nasa tabi ng buwan?" Tinuro ni Ryan iyon, nasa lambak parin kami at inabot na kami ng dilim

"oo, nakikita ko." sabi ko.

"sa tuwing maalala mo ako titingin ka lang sa bituin na iyan, asahan mong gagabi akong nakatingin diyan, iniisip ko na malapit ka lang sa akin. lagi kitang inaalala, araw araw, gabi gabi.. oras oras, mahal kita myk, kaya maraming salamat sa pagsabi mo sa akin na gusto mo ako." Nakangiting sabi ni Ryan sa akin.

Tinandaan ko ang bituin iyon, dahil iyon ang magiging tukay namin upang masilayan namin ang isa't isa. Magkakalayo man kami ulit, madadama kong malapit lang siya sa akin sa tuwing titingin ako sa bituin na iyon.

Yumakap ako sa kaniya, at hinalikan ko siya sa labi niya.


Pero, kagaya ng nakaraan taon, kinailangan kong bumalik na ng Manila, sa sandaling pamamalagi ko sa Probinsya, naging masaya akong muli na nakasama ko si Ryan, iyon na ang pinkamasayang bakasyon na naranasan ko. ang pakiramdam na mahalin ako ng taong mahal ko.

Sa huling gabi ko, sinabi ko sa kaniya na nais ko siyang makatabi sa pagtulog, kaya ganun ang ginawa niya. dumaan siya sa bintana at magkatabi kaming natulog.

Gumisng ako, at nakita ko siya na nakadilat padin.

"hindi ka ba natulog?" tanong ko.

"ayaw kong matulog, gusto kong pagmasdan ka lang, dahil matagal kitang di makikita muli eh. at napakasakit nun para sa akin.." bigla siyang napaluha.

"anu kaba, wag ka namang ganyan..." Napaluha ako, tapos pinunasan niya ang luha ko. niyakap niya ako, humalik sa aking noo. Bumangon na ako. Sya naman ay nagbihis na at humalik sa akin.

"babalik din ako, ihahatid pa kita sa tampalan." sabi niya, at muling humalik. Dumaan siya sa bintana at pagkababa ay kumaway pa sa akin.

Nag-ayos na ako n gamit ko.

Nag-almusal at naligo.

Ilang sandali pa ay dumating na muli si Ryan.


nakakalungkot isipin na maghihiwalay nanaman kami at maghihintay muli ng ilang buwan at tanging mga sulat nalang muli ang magiging tulay ng aming pag-uusap.

Sa mga sandaling papunta kami sa daungan ng barko, tahimik lang si Ryan, nakatingin siya sa akin. Ganun din ako, may parang kirot na nais kong isigaw na, ayaw ko ng umalis, ayaw ko na siyang iwanan pa. Pero pinigilan ko ang sarili kong maluha.

Nakangiti siya sa akin habang nagakakatinginan kaming dalawa.


AT muli at kinalingan naming magpaalam sa isa't isa.

Muli ay tanging palitan ng sulat ang ginawa namin.

Hindi kami nagsasawang basahin ang bawat kwento ng bawat isa.

naging mabilis lang ang pagpalit ng mga araw at buwan. Hindi namain iyon namamalayan, at noong bumalik ako ay ang nakangiting Ryan muli ang sumalubong sa akin.

Pero, kinailangan ko muling bumlik ng Manila upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.


Sa kalagitnaan ng taon, ay biglang nawala sa sirkulasyon si Ryan.

Nakailang padala ako ng sulat pero wala na akong natanggap na sulat mula sa kaniya, inisip ko na baka may masamang nagyari sa kaniya.

Dumating ang tito ko galing sa amin, tinaong ko siya kung kamusta na si Ryan.

"Okay naman ata siya, pero.. madalang na siyang bumisita sa bahay. Hindi kagaya noong nagdaang buwan, lagi siyang nakikibalita sa iyo. Pero nakikita ko parin naman siya doon." sabi niya.

bigla akong nalungkot noon, inisip ko na baka ayaw na niya sa akin na baka nagsasawa na siya sa ganitong uri ng sitwasyon, iyong malayokami sa isa't isa.

ang sakit sakit ng nararamdaman ko!

Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko iniyak ang sakit nanararamdaman ko. Pakiramdam ko, wala ng dahilan pa para bumalik ako sa amin.

Paglipas ng ilang araw.

nakatanggap akong muli ng sulat mula sa kaniya.

"Myk, pasensiya na kung hindi ako nakasagot sa mga sulat mo kaagad, nagkaroon lang kasi ng problema dito. Pero, tatandaan mo ito.. mahal na mahal padi kita kahit na anong mangyari, lagi kang mag-iingat diyan. -ryan."

Ganoon lang iyon kaikli. Tila merong kakaiba na nangyari.

Hindi ko maiwasan maiyak sa mga iniisip ko.

Nakakainis din naman kasi, umamin ako sa maling pagkakataon. Kaya nagsasakripisyo ako ng ganito.

ayakong sabihing nahihirapan na ako, dahil alam kong darating kami sa punto na magsasama din kaming dalawa.

pero tila patuloy ang panlalamig niya sa akin. Iyon ang huling sulat na natanggap ko mula sa kaniya, hindi narin ako sumulat noon.

Isang buwan bago ako magbalik sa amin ay nakatanggap akong muli ng sulat galing kay Ryan.

Noong binasa ko iyon ay napaluha ako, hindi ako makilos, hindi kao makahinga, ang sakit sakit! hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin. Hindi ko alm kung kaya ko pang mabuhay pa. Napansin ko nalng na tulala ako sa isang sulok ng aking kwarto habang hawak ko ang sulat na padala galing sa kaniya..

ito ang nakasulat....

"Myk, bakit di ka na sumusulat sa akin? hmm.. malapit na pala ang balik mo. Malapit na nga pala akong maging ama, nakakainis ko? please oh, huwag ka namang umiyak... alam kong masasaktan ka, ayaw ko naman na dito mo pa malaman sa paguwi mokaya inunahan na kita.. pero, tandaan mo, naging masaya ako noong nakasama kita, mahal na mahal padin naman kita eh. handa akong magpaliwanag sa iyo pagbalik mo dito. basta, huwag mong pababayaan ang sarili mo diyan ah? hihintayin ko pagbabalik mo dito. at pasensya na ulit. i love you. --ryan"



parang nagunaw ang mundo ko. Mahal niya ako pero magiging ama na siya? gusto kong unawain pero hindi ko tlaga maunawaan. Nalilito ako, nasasaktan ako.

hindi ko na alam ang gagawin ko pa.


hindi ko alam kung kakayanin kong makaharap pa siya.

No comments:

Post a Comment