Wednesday, January 30, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 07

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 7"
By Iam Kenth

"Bakit kailangan mangyari sa atin ito?" Tanong ko kay Ryan, kasalukyan kaming nakahiga sa aking kama. Magkayakap.

"Hindi ko alam. Pero hindi mo naman ako basta basta isusuko diba?" Pagbalik niya ng tanong sa akin. Hinihimas niya ang aking buhok gamit ang knaiyang daliri.

"Oo. Kahit na alam kong mali, patuloy kitang mamahalin Ryan." Sabi ko.

"Walang mali sa ginagawa natin, ang tanging pagkakamali ay ang nagawa ko." Sabi naman niya.

"Huwag sisihin ang sarili mo, basta magsasama tayo. At walang makakaalam nito." Sabi ko. Humalik siya sa aking noo.

Pero sandali lang siyang mamamlagi sa aking kwarto dahil kailangan na niyang bumalik sa kaniyang mapapangasawa. Mula noon nalaman buntis si Herminia ay pinagsama na silang dalawa, para narin hindi mabahiran ng kung ano mang katanungan ang pagbubuntis ng anak ng isang Mayor sa aming lugar.

Masakit para sa parte ko na aalis ang mahal ko at alam ko kong saan siya pupunta.

Minsan tinanong ko siya kung napapamahal na siya kay Herminia, hindi malabong mangyari iyon dahil parate na silang nagkikita at nagkakasama. Pero ang parate niyang sinsagot sa akin ay.


"Ikaw lang ang mahal ko." Hindi pwedeng dugain o pasinungalingan ang tunay na nararamdaman, ramdam ko na naman na seryoso siya sa kaniyang sinasabi.


Sa ilang Linggo kong pamamalagi sa lugar ay walang araw na hindi kami nagkikita ni Ryan, at sa tuwing sasapit ang gabi. Ay muling siyang magpapaalam sa akin. Iiwanan niya ako.

Napasakit noon. Nais kong makasama siya buong magdamag kagaya noong dati, gigising ako na siya ang katabi ko, pero muling nagbago ang lahat ngdahil sa isang hindi inaasang pangyayari ni Ryan noong mabuntis niya si Herminia.


Sa araw ng alis ko sa amin upang bumalik ng Maynila ay kasama namin si Ryan sa paghatid sa amin.

"Huwag mong kalilimutang sumulat..." Paalala niya sa akin. Tumango ako.

"Mag-iingat ka dito." Paalala ko sa kaniya.

"Oo naman, ikaw din doon." Sabi niya, akmang hahalikan niya ako, pero...sa halip ay inakap nalang niya ako at bumulong....

"Mahal na mahal kita."

Paulit-ulit man niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hindi ako nagsasawang pakinggan iyon lalo pa't sa kaniya nanggaling.

"Mahal na mahal din kita."


Muli sa unang mga buwan ng pagbalik ko sa Maynila ay muli kaming nagpalitan ng sulat ni Ryan. Tanging mga masasayang balita lamang ang sinasabi niya sa akin.

At ganoon din siya sa akin.

Pero, muli ay natigil ang kaniyang pagpapadala ng sulat, naisip ko na maaring nagkaroon nanaman ng problema. Kaya naghintay lang ako ng ilang buwan pa, at isang araw naka tanggap ako ng isang sobre.

Walang nakasulat kung kanino iyon galing pero naka.address ang nagpadala sa lugar namin sa probinsya. At sa akin nakapangalan.

Binuksan ko iyon.

Isang litrato iyon ng bata, isang sanggol. Sa likod ay may nakasulat.

"Herreno Leyran-Guilaran. Born September 12, 1988."

Naisip kong anak nga iyon ni Ryan at ni Herminia. Kuhang kuha ng bata ang ilong, mata at labi ni Ryan. Napaka.gandang lalaki ng batang iyon.

Nakramdam ako ng lungkot at saya, lungkot dahil sa paglabas ng bata ay ikakasal na si Ryan, at saya dahil nakita ko ang unang anak ni Ryan. At sa edad niyang 19 ay isa na siyang Ama.

Walang kasamang sulat, tanging litrato lang ang pinadala sa akin. Kaya, ginawa ko muli akong nagsulat. Nangamusta ako sa kaniya, tinanong ko kung bakit hindi na siya nagpapadala pa ng sulat sa akin, nakwento ko din na nakita ko na litrato ng anak niya na pinadala niya.

Pero naghintay ako ng ilang buwan, pero wala parin akong natatanggap na sulat mula sa kaniya.

At noong nalalapit na ang bakasyon ay nakatanggap ako ng litrato ng kaniyang anak muli, 5 buwan na ang bata. Karga karga ni Ryan ang bata. At sa sobre ay meron pang nakalakip na isang card.

Isa iyong imbetasyon ng kasal nilang dalawa.

Nalungkot ako noon, nakalista ang pangalan ko noon bilang kaniyang bestman sa kaniyang kasal. Isinakto nila ang kasal nila sa araw ng pagdating ko sa probinsya.

Hindi ko alam kung makakarating ako, dahil ayaw kong makita si Ryan na haharap sa tapat ng altar na ibang babae ang katabi, masasaktan ako ng husto.

Nagtataka lang din ako dahil bakit kinailangan pang isama ako sa kasal niya at maging saksi sa kanilang pag-iisang dibdin, alam ni Ryan na hindi ko kakayanin ang masasaksihan ko. Alam niyang masasaktan pero bakit kailangan ako pa ang kailangan niyang kuning bestman.

Sa mga sandaling iyon pa nga lang, nasasaktan na ako. Paano pa kung nadoon ako.

Isa pa din sa pinagtataka ko, ay ang hindi na niya pagpapadala ng sulat, pero nagawa niyang imbitahan ako sa kasal niya, nagawa niyang padalhan ako ng litrato ng kanilang anak ni Herminia.

Nais ba niya akong masaktan? Pero, wala akong naalalang nagawang mali sa kaniya, ang tanging pagkakamali lang ay ang minahal ko siya na para sa akin ay iyon ang tama.

Pero, bago ako bumalik sa amin ay sumulat ako na papauwi na ako, naniniwala kasi ako na nagiging abala lang si Ryan sa kaniyang Pamilya pero, sigurado akong natatanggap niya ang mga sulat ko. Nababasa niyang lahat iyon.

Naunang bumalik ng probinsiya sila Mama at Papa. Sumunod lang ako dahil madami pa akong inasikaso sa paaralan.

At sa aking pagbalik sa aming lugar, sobrang nanibago ako. Pabago ng bago ang lugar namin.



At mula sa barkong sinasakyan ko, nakita ko si Ryan. May dala siyang bata. Noong itinaas ko ang aking kamay, tila may lungkot sa kaniyang mukha. Tila walang pananabik sa kaniya na makita ako.

Mas nabigla ako noong may babaeng tumabi sa kaniya, at nagpayakap.

At hinding hindi ako maaring magkamali, si Herminia iyon.

Bigla akong napaatras sa kinatatayuan ko, parang ayaw ko ng bumaba pa ng barko, parang gusto ko nalang na bumalik ako sa Maynila.

Hanggang sa huminto na ang barko sa pantalan.

Wala na akong ibang magawa kung di ang ihakbang ang aking mga paa, papalabas ng barko.




Sinalubong ako ng Pamilya ni Ryan. Tahimik lang siya ng mga sandaling iyon. Sobrang nagmatured na itsura ni Ryan.

May ngiti sa labi niya, pero alamkong pilit lang iyon. Parang meron siyang tinatago sa kaniyang kalooban. At gusto kong malaman kung ano iyon.

"Siya ba ang baby niyo?" Tanong ko.

"Oo. ikaw marahil si Michael?" Sagot at tanong ni Herminia. Hindi talaga niya ako kilala sa personal, kilala ko lang din naman siya sa pangalan at itsura noong mga bata pa kami.

Nagkamayan kaming dalawa.

Pero, wala parin kibo noon si Ryan.

"May bibilhin lang muna ako doon." Paalam ni Herminia.

Naiwan kami ni Ryan.

"Pwede ko bang makarga ang anak mo?" tanong ko, binigay sa akin ni Ryan ang bata. Mabigat ang bata at malusog.

"Pasensiya ka na Myk..." Mahinang sabi ni Ryan. Sa tono niyang iyon, meron siyang nais sabihin sa akin, marahil ay ang mga dahilan kung bakit hindi niya ako noong pinapadalahan ng sulat.


"Pasensiya saan?" tanong ko, pero bago siya magsalita ay bumalik na kaagad si Herminia. Ibinalik ko na kay Ryan ang bata dahil naiyak na iyon.


At inihatid na nila ako sa amin gamit ang kanilang sasakyan, nalaman ko na marunong ng magdrive si Ryan .

Ramdam ko parin ang panlalamig sa akin ni Ryan. At sa pagkakataong iyon, mas lalo akong nalulungkot, nasasaktan. Dahil kung ano man ang sasabihin niya ay ayaw ko ng marinig pa dahil alam kong mas masasaktan lang ako...

No comments:

Post a Comment