By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Ang Patagong
Pagmamahalan pt. 10"
By Iam Kenth
Lagi lang akong nasa
kwarto, wala rin naman kasi akong ibang pupuntahan. Paulit-ulit kong binabasa
ang mga sulat sa akin ni Ryan na nagpapangiti sa akin. Mga bagay na pinapaalala
niya sa akin sa sulat noong magkasama pa kaming dalawa.
Nakakalungkot isipin
na parang bula na nawala nalang ang lahat ng iyon ng bigla.
Humiga ako sa kama
habang nakakalat pa sa paligid ko ang lahat ng naipon kong sulat na galing sa
kaniya. At isang litrato na magkasama kaming dalawa ang aking hawak hawak at
pinagmamasdan ko iyon.
Para akong baliw na
ngingiti at maya-maya ay malulungkot, maluluha.
Mula sa mga sandaling
iyon sinabi ko sa sarili hinding hindi na ako magmamahal pa ng iba, tama na
siguro na si Ryan lang. Kahit na alam kong malabong magkasama pa kaming dalawa.
Nauna ako sa Maynila.
Sila Mama at Papa ay nasa probinsiya pa. Kaya wala akong kasama pa sa bahay na
tinutuluyan namin sa Maynila.
Matutulog ako ng
nagiisa, kakain ng nag-iisa. Halos natatapos lang ang buong araw ko sa loob ng
bahay, lalabas lang ako sa tuwing may bibilhin ako. Kagaya ng makakain o ng
kung ano-ano pa.
Habang nakahiga ako
sa kwarto biglang may kumatok sa pintuan.
Sino naman kaya iyon?
Wala kasi akong ideya talaga, ay mga kakilala ako sa Manila, pero sa ganitong
bakasyon, wala akong kaibigan na pupuntahan ako sa bahay.
Hindi rin naman iyon
sila Mama dahil pagkakaalam ko kasi, sa kalagitnaan pa sila ng taon papaMaynila
ni Papa.
Bumangon ako sa kama
ko at lumabas ng kwarto ko, patuloy ang pagkatok.
"sandali lang
nandiyan na..." Sabi ko.
Pagbukas ko ng pinto,
nabigla ako noong malaman ko kung sino ang kumakatok.
"Ryan???
Paanong??? anong ginagawa mo dito??" Pagkabigla ko.
Bigla siyang pumasok
at agad akong niyakap. Mahigpit iyon, Sinarado niya ang pinto at sinimulan niya
akong halikan sa aking mga labi.
Hindi ko muna
inalintana ang kahit na anong katanungan sa aking isipan, kung bakit siya
nandito? kung paano siya nakarating dito? at kung anong ginagawa niya dito sa
maynila noong mga sandaling iyon.
Dinama ko ang bawat
linya ng kaniyang mga halik. Napasandal ako sa pader.
Mainit ang mga
palitan namin ng halik at napansin ko nalang na kapwa na kami nakahubad sa kama
ng aking kwarto.
Nakayakap ako sa
kaniya habang nakaibabaw siya sa akin. Ayaw kong ipikit ang aking mga mata,
baka kasi kung sakaling ipikit ko ang mata ako at muling dumilat, baka magising
na ako kung itoy isa mang panaginip.
Nakahawak ako sa
matitigas niyang braso, nakatitig siya sa akin at mayat mayay hinahalikan sa
labi.
Noong matapos kami ay
humiga na siya sa tabi ko.
Hindi iyon isang
panaginip.
Hinaplos niya ang
aking pisngi at nagsimulang magsalita.
"Hindi ako
maaring magtagal Myk, nagbasakali lang ako na dito parin kayo nakatira, ito
kasi ang ginagamit mong address sa mga sulat mo, nagtatanong tanong lang ako
hanggang sa matagpuan ko ang bahay na to." Sabi niya.
Hindi parin ako
makapaniwala na kasama ko si Ryan, nahahawakan ko siya, nayayakap ko siya,
nahahalikan ko siya, sabik na sabik na ako sa kaniya.
"Pero anong
ginagawa mo dito sa Maynila?" tanong ko. Hinawakan niya ang palad ko at
hinalikan iyon.
"Aalis na kami
sa susunod na Linggo at sa ibang bansa na kami maninirahan ni Herminia at ng
bata. Mananatili muna kami ng ilang araw dito sa Maynila bago kami tuluyang
umalis. Kaya, gagawa ako ng paraan para makasama muna kita hanggat nandito pa
kami." Sabi niya.
Masaya ako na
malungkot dahil, sa ilang araw na palihim ko siyang makikita, pagkatapos noon
ay habambuhay ko na siyang hindi na makikita, pero hindi ko alam, pero hinanda
ko na ang sarili ko sa bagay na iyon.
"Aalis na pala
talaga kayo..." Malungkot kong pagkakasabi.
"Huwag ka naman
malungko oh? Kahit naman ako nalulungkot na.. pero, pagwala na talaga ako dito
sa bansa, huwag mong isasarado ang puso mo sa iba. Subukan mong magmahal ng iba
para hindi ka malungkot..." sabi niya. Iniisip parin niya ang nararamdaman
ko.
"Hindi ko alam,
hindi ko alam kung magagawa ko iyon Ryan. Ikaw lang ang mahal ko, kahit tumanda
na ako, ikaw parin ang mamahalin ko..." Hinalikan ko siya sa kaniyang
labi.
"Ikaw lang din
ang mamahalin ko Myk... ikaw lang." Mahina niyang pagkakasabi.
Pagkalipas ng ilang
sandali ay bumangon na siya at nagbihis. Pinagmamasdan ko lang siya, nakahiga
pa ako. Noong matapos siyang magbihis ay lumapit siya sa akin at humalik.
Bumangon na rin ako.
at hinatid ko siya sa pintuan. pero bago siya lumabas ay yumakap siya sa akin
ng mahigpit.
"Babalik ako
dito bukas... okay?" bulong niya sa akin.
"Maghihintay ako
sa iyo..." sabi ko.
Paglabas niya ay muli
akong nalungkot. Bumalik ako sa kwarto ko, sumilip sa bintana at pinagmasdan ko
siyang papalayo. Tumingi pa siya sa akin. At itinaas niya ang kamay niya upang
magpaalam.
Noong hindi ko na
siya natanaw ay humiga ako sa kama ko, dinama ko ang pinagkahigaan niya noong
kasama ko pa siya kanina.
Kagaya ng kaniyang
pinangako, muli siyang bumalik kinabukasan. At muli naming pinagsaluhan ang
kasabikan namin sa isa't isa.
"Hindi ba
maghihinala si Herminia na ako ang pinupuntahan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman,
hindi niya alam na nandito kana sa Maynila. Ang akala niya nasa probinsiya ka
pa, tska ang alam niya, nilalakad ko ang passport ko. Sinasabi ko sa kaniya na kailangan
kong araw arawin balikan upang makasigurado ako na makukuha ko. Pero dahilan ko
lang iyon para makita kita, sa probinsiya palang inayos ko na ang mga papeles
ko at pasaporte ko. Gumawa nalang ako ng kung ano-ano pang dahilan." Sabi
niya na may ngiti sa labi.
"mahal mo talaga
ako no?" Nakangiting tanong ko.
"Oo. sobrang
mahal na mahal." Humalik siya sa labi ko.
Marami pa kaming
napagkwentuhan, kinukwento niya rin sa akin ang anak niya. Masaya siya habang
nasasaksihan niyang lumalaki ang bata. nagdala din siya ng litrato ng kaniyang
anak.
Naikwento din niya sa
akin na nabigyan ng posisyon sa Cityhall sa amin ang kaniyang mga magulang
dahil nga sa Mayor ang ama ng kaniyang asawa.
Ilang araw din niya
akong pinuntahan sa bahay.
At sa huling araw ng
pagsasama namin, ayaw ko na siyang pabalikin pa.
Pinagmamsdan ko sya.
Tinatatak ko sa aking isipan ang kaniyang itsura, at sa tuwing maluluha ako,
pupunasan niya iyon.
Hindi kami naguusap,
pinagmamasdan lang namin ang isa't isa.
"Kailangan ko ng
umalis... maaga pa kami bukas." Sabi niya. Biglang tumulo ang aking luha
muli.
"Magiging okay
ka din.. ipangako mo sa akin na makakamit mo ang mga pangarap mo sa buhay. Mga
pangarap natin noon na sinsabi mo sa akin noong mga bata pa tayo." sabi
niya.
Hindi na ako
makapagsalita pa.
Ayaw ko kasi siyang
mawala.Ayaw ko siyang paalisin pero... wala akong magawa.
"Naalala mo
iyong sinabi ko sa iyong bituin na malapit sa buwan? pagmasdan mo lang palagi
iyon, asahan mong sa tuwing gabi, titingin ako doon, araw man dito, at gabi
doon...lagi kong ipapaalala sa bituin na iyon na sabihin sa iyong mahal na
mahal kita." Sabi niya. At napansin kong gumuhit na rin ang mga luha sa
kaniyang mga mata.
"Mag-iingat ka
doon, mahal na mahal kita Ryan." Sabi ko.
"Oo, ikaw din
dito....mahal na mahal kita." Humalik siya sa palad ko, sa noo ko, at sa
labi ko.
Bumangon na siya at
nagbihis.
Hinatid ko siya sa
labas...
Hanggang sa sakayan.
Bago siya sumakay ng
Bus ay niyakap muna niya ako ng mahigpit.
Matagal na yakap iyon.
Pagkatapos ng yakap
na iyon ay agad na siyang sumakay ng bus at hindi na humarap pa sa akin.
Noong papalayo ang
bus at pinigilan kong hindi umiyak dahil nasa lugar ako ng napakaraming tao.
Pinagmasdan kong
papalayo ang bus kasabay noon ay ang hapdi at kirot na tanggapin ang
katutuhanang malabo ng magkita pa kaming dalawa...
Walang kasing sakit,
walang kasing kirot....
Napakasakit palang
magbiro ng tadhana...
Hindi ko na kaya pang
mabuhay pa...
Paalam, Ryan.
Mahal na mahal
kita...
----KATAPUSAN NG
UNANG YUGTO----
Iam Kenth
http://hipogi.blogspot.com
No comments:
Post a Comment