Wednesday, January 30, 2013

Hiram na Pagmamahal (Complete)

Hiram na Pagmamahal
Part 1, Part 2, Part 3, Part 4, Part 5 at Part 6 (Last Part)


Dumating si Junard sa buhay ni Rex sa panahong lugmok na lugmok siya at pakiwari niya'y wala nang gustong umunawa at magmalasakit sa kanya.

Di nga ba't masaya siyang nag-aaral dito sa Maynila nang magkaroon ng isang malaking problema ang kaniyang pamilya at kinailangan niyang bumalik sa kanilang probinsya upang duon na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Isang matinding alitan ang namagitan sa kanyang ama at sa mga magulang nito na naging sanhi ng pagkakagulo sa kanilang pamilya. Pati siyang dati-rati'y kinagigiliwang apo ay nadamay sa sigalot at muntik-muntikan nang hindi makapag-aral dahil sa naputol na sustento ng kanyang lola. Sa awa't tulong na rin ng kanyang magulang ay nakapasok siyang muli sa isang unibersidad sa kanilang lugar. Mas gusto pa niyang magtagal sa loob ng paaralan kaysa naman umuwi sa kanilang tahanan na lagi na lamang may bangayang nangyayari.

Dahil sa pangyayaring ito ay natutong magrebelde si Rex. Pumapasok man ay hindi inintindi ang pag-aaral. Kung papasa eh di papasa ang naging panuntunan niya sa buhay. Alam niyang kayang-kaya niyang ipasa ang kanyang mga subjects, matalino naman siya. Pero talagang ang gulo sa pamilya ang humihila sa kanya upang gawin ang mga bagay na di naman niya talagang gustong gawin.


Nang matutunan niyang mag-chat ay natutunan din niya ang pakikipag-eb na nang lumaon ay pakikipag-seb. Dito ay nagawa niya na ata ang halos lahat ng dapat gawin ng isang taong dayukdok sa laman. Natuto siyang magpagamit at nanggamit. Kung ang kailangan ng kanyang ka-eb ay ang kanyang katawan ay kusa niyang ibinibigay ito. Wala siyang hinindian, lahat ay kanyang pinatulan. Marunong siya makipaglaro sa mga ka-chat niya. Lamang lahat ng mga nakasama niya ay pawang mga kapwa niya lalaki. Mga taong ang hilig ay makipagniig sa kapwa nila lalaki.

Ilang taon rin na naging ganito ang kanyang pamumuhay. May mga pagkakataong hindi siya umuuwi sa kanilang tahanan at nakikitulog kung kani-kanino. Kapalit ng pagtulog at pagkain ay ang katawan niya. Hanggang dumating ang isang araw na parang nilalayuan na siya ng mga kakilala. Naging usap-usapan na pala sa chatroom ang pagsama-sama niya kung kani-kanino at inakala na siya ay nagkaroon na ng malubhang karamdaman. Unti-unting natauhan si Rex. "Hindi totoo ang ibinibintang nila sa akin!" gusto niyang isigaw sa mga kakilala sa channel. Pero may maniniwala pa ba? Sa puntong ito nakilala niya si Junard, isang chatter na higit ang katandaan sa kanya.

Dahil sa wala nang kumakausap sa kanya kahit na mga kaibigan niya sa paaralan ay naging malulungkutin si Rex. May mga pagkakataon pang sa loob ng sariling kwarto ay umiiyak siya dahil sa bakit naging ganuon ang kanyang kapalaran. Akala niya ay sa mga kaulayaw niya matatagpuan ang hinahanap niyang atensyon at pagmamahal na di na niya nadarama sa loob ng kanilang tahanan.

Di naman niya maiwasan ang pakikipag-chat dahil duon lamang siya nakakatakas sa mga problemang kanyang kinakaharap. Naghanap siya ng ibang channel na mapaglilibangan. Hanggang sa mapadako siya sa bi-friendly channel. Sa umpisa'y nagmamasid lamang siya sa mga usapan sa main room. Di siya kumikibo o nagsasalita man lang. Pero nasisiyahan siya sa daloy ng usapan ng mga nagcha-chat duon. Di tulad sa ibang channel na puro sex ad ang nadatnan niya sa bi-friendly channel. May isang topic na pinag-uusapan ang mga chatters at karamihan ay nagbibigay ng kani-kanilang mga opinyon ukol sa topic for the day. Isa ang nakaaangat sa lahat ng mga chatters na iyon. Wala naman siyang OP status subalit parang lahat ay sa kanya nakasandig. Pag nagsalita na siya ay may laman ang kanyang sinasabi at talagang mapapaisip ka ng parang "oo nga ano, bakit nga ba hindi ko naisip agad iyon." Naubos na ang kanyang oras ay talagang pinangatawanan niyang wag magsalita. Sa susunod na lang ang sabi niya sa sarili niya.

Nang sumunod na araw, matapos ang kanyang klase ay pumunta agad siya sa isang internet café na malapit sa kanilang paaralang. At di nga siya nagkamali andun muli ang chatter na magaling makipagdiskusyon sa main channel. Nabigla pa siya nang i-welcome siya nito.

MangTasyo : Hello Ralion. Welcum to bi-friendly. Hope you enjoy your stay here.

Ralion : Hello MangTasyo. Salamat po. Ano po topic ngayon dito?

MangTasyo : Wala pa nga eh. Me suggestment ka ba?

Ralion : lolz@suggestment. Bago yun ah. Ahihihi

MangTasyo : Asus. Joke lang yun. Para maging comfortable ka sa amin.

Ralion : Ganun? Eh comfy naman ako kaya nga nagbalik ulit ako dito eh.

MangTasyo : Salamat naman. Sige enjoy ka lang sa pakikipag-usap sa kahit na sino dito. Walang nangangagat dito. Mababait lahat tao dito eh. Mababait pag tulog... ahahah

Duon nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap. Hanggang sa magkapalagayang loob na sila. Nalaman ni Rex na Junard ang tunay na pangalan ni MangTasyo. At siya daw ang pinakamatanda sa mga nagcha-chat sa channel na yun. Biniro pa niya ito nang, "Ay kaya pala kapita-pitagan ang dating nyo sa kanila. Dapat pala Pilosopo Tasyo ang itawag ko sa inyo." Na sinagot naman ni Junard nang, "Suit yourself, Rex. Kung dun ka ba masisiyahan na tawagin ako eh."

Pero kinalaunan ay sinabi na lang ni Rex na tatawagin na lang niya si Junard na Kuya dahil nga sa agwat ng kanilang edad. Eksaktong sampung taon ang agwat ng edad ng dalawa kaya minabuti na rin ni Junard na tawaging bunso naman si Rex. Habang nagkakakilalanan ang dalawa ay saka nila naisip na nakakatawang magtawagan sila ng Kuya at bunso sa kadahilanang si Junard ay bunso sa kanilang magkakapatid, samantalang si Rex ay panganay naman. "Ang galing natin, walanghiya ka. Lakas mong tawagin akong Kuya, eh ikaw pala ang Kuya sa atin," ang pabirong wika ni Junard sa kanya. "Ngek, panganay nga ako, eh ang tanda mo naman sa akin ano? Kapal mo talaga Kuya, ahehehe." ang bwelta naman ni Rex dito.

Sa umpisa'y puro ganun ang kanilang mga usapan hanggang sa lumaon ay naging seryoso na ang mga pag-uusap nilang dalawa. Pag nag-online si Rex ay private kaagad ang gawa nilang dalawa ni Junard. At duon nga niya naiihinga ang kanyang mga saloobin sa buhay. Si Junard man ay may mga pinagdaanang hirap noong mga nagdaang panahon at iyon, ayon sa kanya, ang nagsilbing hamon para harapin ang iba pang mga darating na pagsubok sa kanyang buhay. Nagugulat si Rex sa mga advice na ibinibigay sa kanya ni Junard. Talagang dumuduro sa kanyang puso ang mga binibitawan nitong pananalita. Kung mahina-hina ang pang-unawa mo ay sasabihin mong napakataray at walang-pakundangan si Junard. Dahil madalas sinasabihan siya nito ng "Gago ka pala. Alam mo nang masama iyon, bakit ipinagpatuloy mo pa rin?" Alam niyang concerned lang ang Kuya Junard niya sa kanyang kapakanan kaya nagiging ganuon ang tono ng kanyang pananalita.

Sa tinatagal-tagal ng pagiging magkaibigan nila sa chatroom (mahigit isang taon na silang nagkakausap) ay ni minsan hindi pa sila nagkitang magkaibigan. Bakit? Si Rex ay nasa malayong probinsiya sa timog nakatira samantalang si Junard ay laking Maynila. Madalas ngang itanong ni Junard kung may pagkakataon si Rex na makabalik ng Maynila o makadalaw man lang. Hindi maipangako ni Rex kung matutuloy ang kanyang balak na dito maghanap-buhay matapos makagraduate o baka duon na lang siya manatili sa kanilang lalawigan. Hindi naman siya pinipilit ni Junard na lumuwas para lamang makipagkita sa kanya. Pero sabi nga niya ay mainam na rin yung "kahit minsan ay magkakilala tayong dalawa."

Kahit ano pang pangaral ang gawin ni Junard ay talaga atang may katigasan ang ulo ni Rex. May isa siyang lihim na hindi niya sinasabi sa kanyang kaibigan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Isang araw ay may nakausap si Junard na nagpakilalang siya raw ang lover ni Rex. Nung una ay ayaw niyang maniwala dahil baka nagloloko lang si Rex at nagpalit lang ng nickname. Subalit matapos ang ilang pag-uusisa ay natanto ni Junard na hindi nga iyon si Rex at ibang tao ang kanyang kausap. Di man aminin ay parang may kirot na naramdaman si Junard sa kanyang puso. Bakit kailangang maglihim sa akin ni Rex? Akala ko ay open kami sa isa't isa. Bakit itinago niya ito sa akin?

Nang magkaroon ng pagkakataon na magkausap muli sila ni Rex ay abut-abot ang hingi ng paumanhin nito sa kanya. Subalit lubhang nasaktan si Junard sa ginawang iyon ni Rex. Para sa kanya ay betrayal of trust ang nangyari at hinding-hindi niya mapapatawad ang kaibigang itinuturing niyang bunsong kapatid. Naging madalang na ang pag-uusap nila, pati ang pagte-text o pagtawag ni Junard kay Rex ay naging madalang na rin. Hanggang sa dumating ang panahong wala na talaga silang komunikasyon.

Makalipas ang anim na buwan ay nakatanggap ng text message si Junard. "Hi! Kuya, r u stil mad @ me?" Dahil hindi kilala ni Junard ang cell number ay sinagot niya ito ng "may i kno hu s ds? ur nt n my list f cntacts." "Si Rex 2 Kuya. talgang galit k s akn L" Biglang nagbago ang sagot ni Junard at parang gulat na gulat na nakatanggap siya ng text mula kay Rex. "oy rex kaw pla. bkit iba n # mo?"

Iyon ang naging simula ng kanilang pagkakabalikang magkaibigan. Humingi si Rex ng sorry sa kanyang nagawa at nang sabihin niya ang kanyang dahilan ay pinatawad naman siya ni Junard. Sinabi nitong kung talagang magkapatid ang turingan nila ay dapat walang inililihim ang bawat isa. Nagkasundo silang muling ibabalik ang naputol nilang pag-uugnayan at nagpasalamat pa si Rex sa pagbibigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon. Ayaw na niyang mawala pang muli sa kanyang piling ang kanyang Kuya Junard.


[Part 02]
Nagkabalikan ngang muli ang magkaibigang Junard at Rex matapos ang anim na buwang walang komunikasyon. Di lumipat ang isang buwan matapos ang kanilang muling pag-uusap ay sinabi ni Rex na luluwas siya ng Maynila para maghanap ng trabaho. Tinanong naman siya ni Junard bakit biglang nagbago ang kanyang plano at paano ang naiwan nitong special someone. Sinabi ni Rex na nagpaalam na siya kay Jovi at naintindihan naman siya nito. Si Jovi man ay abala na rin sa kanyang paghahanapbuhay kung kaya't madalas ay wala na rin silang time na magkasama. Natuwa naman si Junard at sinabing abisuhan na lang siya kung kelan siya luluwas at nang magkita na rin sila.

Naka-settle na si Rex sa kanyang kamag-anak dito nang muli niyang i-text si Junard at sinabing nasa Maynila na siya at naghahanap na ng mapapasukan. Laking tuwa ni Junard nang malaman ito at nagtanong kung kelan sila pwedeng magkita na. Sinabi naman ni Rex na saka na lamang pag may trabaho na siya para di nakakahiya kay Junard. Di na umapela pa si Junard at hinayaan na lamang ang kanyang kaibigan ang mag-imbita sa
kanya.

Matapos ang isang buwan ay mismong si Rex ang nagsabing may trabaho na siya sa Makati at sa unang sweldo niya ay iti-treat niya ang kanyang Kuya. Natuwa naman si Junard sa gesture na ito ni Rex at sinabing dapat niyang i-treat ay ang kanyang mga pinsan at tiyo't tiya na kanyang tinutuluyan dito. "Naku, iba yun. Basta gusto ko i-treat kita kasi special ang first meeting natin eh." Pumayag na rin si Junard at napagkasunduan nilang sa Glorietta na lang magkita sa araw ng sweldo ni Rex.

Nasa may magazine section na ng National Bookstore si Junard dahil duon ang usapan nilang magkikita. Nai-text na rin niya kung ano ang kanyang suot para madali siyang makilala ni Rex. Nagbubuklat-buklat siya ng isang magazine nang maramdaman niya ang isang tao sa kanyang likuran na nagsabing "Maganda ba ang article na binabasa mo, Kuya?" Nang pag-angat niya ng mukha ay bumulaga sa kanya ang isang nakasalaming chinito na kahawig ni Gilbert Remulla. Napangiti siya at saka patakang nagsalita nang patanong na "Rex, is that you?" "Yes, Kuya Junard." Sabay ngiti nito.

Ngani-ngani na lamang na magyakapan ang dalawa dahil sa pananabik sa isa't isa. Ngunit nakapagtimpi sila at minabuti nilang lumabas na nang NBS at maghanap ng mapupuntahan para makapag-usap na rin sila ng sarilinan. Habang naglalakad ang dalawa ay di iisipin ng makakasalubong na first time lang nilang magkita. Kahit si Junard ay di makapaniwala na at ease na at ease silang dalawa sa isa't isa. Nakaakbay na ito kay Rex at panay-panay ang tawanan nila habang naglalakad. Napagkasunduan nilang kumain na lang sa isang chinese restaurant. Sinabi ni Junard na masarap sa Kwan Tong dahil sa bukod sa masarap ang pagkain ay cozy pa ang place. Nakakairita ng lang ang chinese songs na maya't maya ay pinatutugtog. Ok lang naman kay Rex iyon dahil biro pa niya kay Junard ay "may chinese blood naman ako Kuya eh."

Habang kumakain ay panay ang titigan ng dalawa. Matindi kung makatitig si Junard bagay na nakakaasiwa naman kay Rex. Pero katwiran ni Junard ay gustung-gusto niyang tingnan ang mga mata nitong singkit. Lalo namang namula si Rex sa sinabing ito ng kanyang Kuya. Matapos ang kanilang kainan (na si Rex talaga ang nagbayad) ay minabuti nilang maglakad-lakad muna sa mall dahil maaga pa naman. Panay pa rin ang tawanan nila, laluna't madalas magbiro si Junard nang kung anu-ano.

Nagtungo sila sandali sa restroom para jumingle at nang lumabas ay umandar ang pagiging pilyo ni Rex. Isang nakaw na halik ang idinampi niya sa pisngi ng nabiglang si Junard. Biglang binatukan siya ni Junard at sinabing magtino siya sa pakikiharap sa kanya. Akala ni Rex ay nagalit si Junard at halos mangiyak na siya dahil sa kapilyuhang ginawa. Hinila siya ni Junard sa isang sulok at saka tinitigan. Walang imikan. Nakatitig lang sa kanya si Junard at tanging mata nito ang nangungusap. Nang may sumilay na ngiti sa mga labi nito at saka ginulo ang buhok niya ay naunawaan na niya ang ibig sabihin ng kanyang Kuya Junard. At muli masaya silang naglakad...

Nang patungo na sila sa MRT station ay parang ayaw pang maghiwalay ng dalawa. Palibhasa'y magkaibang landas ang kanilang uuwian. Si Junard ay pa-south, samantalang si Rex ay pa-north. Kaya nang nasa akto na silang maghihiwalay ay nagdaop ang kanilang mga palad at saka nagpaalaman. Nagpasalamat si Junard sa masarap na treat at si Rex naman ay nagpasalamat sa masayang pakikisama ng kanyang Kuya. Pababa na sila kapwa sa kani-kanilang platform ng mag-text ang bawat isa. Nagtama pa ang paningin nila habang hinihintay ang pagdating ng kani-kanilang train.

Di naglipat-linggo at muling nagkasundo ang dalawa na magkita. Kapwa sabik dahil sa masayang mga pangyayari sa unang pagkikita kaya minabuti nilang sa dating tagpuan na lang maghintayan at bahala na kung saan sila pupulutin ng kanilang mga paa pagkatapos. Akala mo'y matagal na nga silang magkakilala nang personal dahil sa hindi man lang kinakitaan ng pag-aalinlangan ang dalawa habang sila ay nag-uusap o naglalakad man lang sa mall. Kinalaunan ay isinasama-sama na rin ni Junard si Rex sa kanyang tahanan at duon nga nito nakilala ang asawa ng kanyang kaibigan, si Alice.

Dahil sa magkalapit lang ang opisinang pinapasukan nina Rex at Junard ay naging madali para sa kanila ang magkasama parati. May mga pagkakataon pa nga na sabay silang nananghalian o kaya nama'y sabay na maglalakad patungong MRT Station. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan sila kung ano ang nangyari sa araw na iyon at kung ano ang balak sa mga susunod na araw. May mga pagkakataon din na sabay silang nanonood ng sine kung maganda ang palabas. Kung tutuusin ay hindi talaga palanood ng sine si Junard, ngunit sa kagustuhang mapagbigyan na rin ang kaibigan ay sinasamahan na rin nya ito.

Habang tumatagal ay lalong nagiging open ang isa't isa sa kanilang mga saloobin sa buhay. May mga pagkakataon na naihihinga ni Rex ang kanyang mga problema ka Jovi. At kadalasan ay pinapayuhan siya ni Junard na gawin ang lahat ng magagawa para maalagaan ang kanyang relasyon sa kasuyong naiwan sa probinsiya. Kapag ganun ang mga naririnig na salita ni Rex ay hindi niya maisip kung bakit nuon lang sila nagkakilala nang lubusan ng kanyang Kuya. Sa isip niya ay sana naging babae na lang siya at si Junard ang nakatuluyan niya.

Si Junard naman ay hindi na rin naglilihim kay Rex. At isang gabing papalabas na sila ng mall ay naihinga niya ang kanyang suliranin tungkol sa asawa.

Junard : Alam mo bang ang tagal-tagal ko nang nire-request kay misis na mag-anak na kami. Pero ano nakita ko sa medicine cabinet ng bathroom namin, pills. Kaya pala di mabuntis-buntis si Alice, nagpi-pills.

Rex : Baka naman may dahilan kaya ayaw pa niyang magbuntis, Kuya.

Junard : Ano pa ba ang magiging dahilan nya? Ilan taon na kami, bunso. At gusto kong makitang lumalaki magiging anak ko habang malakas pa ako. Minsan tuloy nawawalan na akong ganang makipag-sex sa kanya eh.

Imbes na sumagot pa ay nanahimik na lang si Rex hanggang sa magkahiwalay na sila pababa ng platform.

Pagkauwi ng bahay ay nasa isipan pa rin ni Rex ang sinabi ng kanyang Kuya. "Minsan tuloy nawawalan na akong ganang makipag-sex sa kanya eh." Paulit-ulit niyang naririnig ito sa kanyang isipan. Hanggang sa dalawin siya ng antok.

Isang araw biglang nagyaya si Junard na mag-videoke daw sila at nang mabago naman ang pinagkakaabalahan nilang dalawa. Since it's a Friday, maaari naman siyang gabihin at alam naman ni Alice na si Rex lang ang kasa-kasama niya sa mga lakaran.

Masayang-masaya ang dalawa habang nagkakantahan. Dito rin nalaman ni Rex na may itinatago palang galing sa pagkanta ang kanyang Kuya Junard. Habang patuloy sa pagkanta ang dalawa ay panay-panay rin ang inom ng beer ni Junard, bagay na nakatawag ng pansin kay Rex.

Rex : Kuya, nagpapakasaya ka ba o nagpapakalasing?

Junard : Wala. Minsan lang naman eh. Sige pa, kanta ka pa. Inom lang ako.

Rex : Eh mukhang lasing ka na eh. Baka di ka na makauwi niyan.

Junard : Akong bahala. Pag di ko kaya, magtaksi na lang ako pauwi. Sige na. Kanta ka na. Hehehe

Rex : Ay ayoko na, hatid na lang kita, Kuya.

Junard : Wag ka magulo. Kaya ko pa.

Dahil sa medyo malagihay na si Junard ay napagpasyahan ni Rex na sa bahay niya na lang ito dalhin at baka mapahamak pa kung hahayaang umuwing mag-isa. Matapos bayaran ang kanilang bill ay tumawag ng taksi si Rex at nagpahatid sa may Pag-asa, Quezon City.

Nagtaka pa ang kaniyang tiyahin kung bakit me kasama ito at sinabi ni Rex na kaopisina niya at nagkayayaang mag-inuman. Dahil sa malayo pa ang bahay ay sinabi na lang niyang duon sa kanila matulog. May sariling kwarto si Rex sa bahay ng tiyahin. Naging magalang naman si Junard at humingi ng paumanhin sa istorbo.

Umakyat na sila sa kwarto at saka tinanong ni Rex kundi man lang ba tatawagan ni Junard ang kanyang asawa. Dahil sa may tampo nga ito kay Alice ay sinabing hindi, kaya nagpasya si Rex na siya na lang ang tatawag at ipaaalam ang kinaroroonan ni Junard.

"Hello, Ate Alice! Oo, si Rex ito. Ate, ganito... Nalasing nang husto si Kuya Junard kaya dito ko na lang dinala sa bahay para dito magpalipas ng magdamag. Worried kasi ako kung pauuwiin ko eh baka kung ano mangyari... Oo, Ate. Kadarating lang namin... Oo, bagsak ang tuka, ahahaha... Ano?... Naku wala yun, si Ate naman. Alam na ng auntie ko,.. Oo, sinabi ko naman sa kanila ang dahilan... So pano, Ate, wag ka na mag-alala ha. Yaan mo, pagsabihan ko bukas. Akong bahala," mahaba-habang pag-uusap nila ng asawa ni Junard.

Nang bumalik siya sa kwarto matapos ang pagtawag sa telepono ay nakita niyang nakahiga na si Junard at tulog, ni hindi man lang nakuhang maghubad ng kasuotan. Habang pinagmamasdan ni Rex ang nakalatag na katawan ng kanyang kaibigan ay hindi niya maiwasang may kung anong nararamdaman dito. Oo nga't matagal na rin silang magkaibigan at malaki ang paggalang niya dito, subali't hindi rin maitatatwa na nagkakagusto siya sa kanyang kinikilalang Kuya. Dahil sa mga ipinapakita nitong kabaitan sa kanya ay unti-unting nahuhulog ang kanyang kalooban dito. At pag nalalaman niyang may problema ito ay nalulungkot din sya at nakikisimpatiya sa nararamdaman nito.

Nasa ganon siyang pag-iisip nang marinig niya ang mahinang katok sa kanyang kwarto. Nang pagbuksan niya ang pinto, ang tiyahin pala niya ang naroon at sinabing makabubuting punasan niya ng maligamgam na tubig si Junard nang mahimasmasan ito at makatulog nang ayos. Sinabi pa ng tiyahin na nagpainit na siya ng tubig at kunin na lang ito sa baba at sya man ay ganon din ang gawin. Nagpasalamat si Rex sa kanyang tiyahin at sinabing magpapalit lamang ng damit pambahay at gagawin ang utos nito. Sinabi na rin ni Rex na matulog na ang tiyahin at sya na ang bahala sa baba.

Maya-maya lang dala ang isang maliit na palangganitang naglalaman ng maligamgam na tubig, kumuha sa kanyang tokador si Rex nang face towel at kanya ngang pupunasan si Junard. Tinanggal niya muna ang suot nitong sapatos at medyas at saka iniayos ang pagkakahiga sa kama. Sumunod ay binuksan ang polong suot at tumambad sa kanyang harapan ang dibdib nito na may ilang mga balahibo. "Balbon pala si Kuya," sa isip-isip niya. At pinagala niya ang kanyang mata mula sa dibdib nito hanggang sa puson kung saan makikita pa rin ang mga balahibo nito.

Binasa ni Rex ang face towel at saka ipinunas sa natutulog na mukha ni Junard. "Unnngghhh, ano ba yan?" parang inis na sabi ni Junard. "Shhh, wag kang maingay, pinupunasan lang kita para mawala amoy-alak mo," mahinang sabi naman ni Rex at muling ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mukha ng kaibigan. Mula sa mukha ay naglakbay ang basang face towel sa katawan ng natutulog na kaibigan. Halos manginig ang kamay ni Rex nang dumampi ito sa pinakadibdib ni Junard. Ngunit pinaglabanan niya ang sarili at ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang kaibigan na mag-isip na pinagsasamantalahan niya ito. Nasa may puson na ang face towel at maya-maya lang kailangan niyang hubaran ng pantalon ang kaibigan. Di niya malaman kung ano ang gagawin sa sandaling makita niya ang kabuuan ng katawan ni Junard.

Isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. Matapos punasan ang buong katawan ay niyugyog ni Rex ang kaibigan para maalimpungatan. Nang magdilat ng mata si Junard ay sinabi ni Rex na magpalit ito ng shorts para maging maaliwalas ang pakiramdam nito sabay abot dito ang shorts. Tumayo sandali si Junard at tumalikod kay Rex. Halos himatayin si Rex nang makitang naghubo si Junard at saka isinuot ang shorts na ibinigay niya. Hinubad lahat ni Junard ang suot—ang pantalon at briefs--kaya naman muntik nang himatayin ang Rex. Muling bumalik sa pagkakahiga si Junard at tinanong kung hindi pa rin matutulog si Rex. Sinabi nitong kailangan niyang tapusin ang pagpupunas sa kanya. "Huwag na, Ok na ako. Salamat na lang, bunso," saway ni Junard.

Napatitig si Rex kay Junard at may namuong luha sa kanyang mga mata. "Bakit, may nasabi ba akong masama?" ang takang tanong ni Junard. "Wala, Kuya. Na-miss ko lang ang pagtawag mo sa akin ng bunso," paliwanag naman ni Rex sabay ngiti at pahid ng luha sa mata. Napangiti rin si Junard at saka ginulo ang buhok ni Rex. "Hmm, tulog na tayo bunso. Gabi na," anyaya na lang ni Junard kay Rex.

Tumayo si Rex at kinuha ang palangganita at sinabing ibababa lang niya iyon at magbubuhos lang siya para presko bago matulog. Kumuha ng bihisan at twalya si Rex at bumaba na nga para maligo.

Habang nasa kwarto si Junard ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-isip-isip. Nawala na ang kalasingan sa kanya dahil sa ginawang pagpupunas ni Rex. Natutuwa siya sa pagiging maasikaso ng kaibigan at wala sa hinagap na maikumpara ito sa kanyang asawang si Alice. "Maswerte si Jovi sa pagkakaroon ng nobyong tulad ni Rex" ang naisip pa ni Junard at napangiti siya dahil dito.

Nang magbalik si Rex sa kanilang kwarto ay nakita niyang mahimbing na ang tulog ni Junard. Nakahiga itong lapat na lapat sa kama habang ang isang paa ay nakababa sa sahig. Nakaunan ang ulo nito sa isang braso at ang unan ay nasa gilid ng katawan nito. Inayos muna niya ang pagkakahiga ng kaibigan at saka inilagay ang unan sa ulo nito. Sinarhan na niya ang ilaw ng kwarto at saka tumabi sa kaibigang si Junard.

Medyo naalimpungatan si Junard nang tumabi si Rex sa kanya at saka sinabihan ng "Good night bunso. Sleep well, ok."

"Opo Kuya, kaw din po," ang sagot naman ni Rex.

Ilang minuto na ang lumilipas ngunit di dalawin ng antok si Rex. Alumpihit siya dahil damang-dama niya ang init ng katawan ni Junard. Natatakot siya sa kanyang sarili. Halos mag-iisang taon na rin nang magkaroon siya ng pagkakataong makipagniig sa kapwa lalaki. Di nga ba't ang pinakahuli ay kay Jovi bago siya lumuwas ng Maynila? Paano kung di niya mapigilan ang sarili at magawan ng kahalayan ang kaibigan? Mabuti kung papatol ito at magpapaubaya, pero paano kung hindi at magkagulo sila sa kwarto? Ano ang sasabihin ng kanyang mga kamag-anak pag nalaman ang dahilan ng kaguluhan? Ito ang mga tanong na bumabagabag sa kanyang isipan habang katabi sa higaan si Junard.

Walang kamalay-malay si Rex na hindi pa rin tulog si Junard at nakikiramdam. Hindi siya sanay na iba ang katabi sa pagtulog at ngayon nga ay buhay na buhay ang diwa niya sa gitna ng kadiliman ng kwartong ito. Nang kumilos muli ang katawan ni Rex ay tumagilid si Junard at iniunat ang kanyang kamay at saka nagsalita kay Rex.

"Di ka ba makatulog, bunso? Halika dito, higa ka sa braso ko, patutulugin kita," masuyong sabi ni Junard sa katabi.

"Kuya," alinlangang sabi naman ni Rex.

"Alam ko, sige na, i-unan mo ang bisig ko at patutulugin kita," muling anyaya ni Junard sa kanya.

Umusog nga si Rex sa kanyang Kuya-Kuyahan at inihilig ang ulo sa braso nito. Si Junard naman ay iniyakap ang isa pang kamay sa katawan ni Rex at saka tinapik-tapik ang likuran nito na parang nagpapatulog ng isang batang maliit. Masuyong hinalikan sa noo si Rex habang ibinubulong ang "tulog na bunso" nang paulit-ulit. Naluha si Rex sa sobrang saya niya ng mga sandaling iyon at lalo pang inilapit ang katawan sa katawan ng Kuya niya at lalong isinubsob pa ang ulo sa may dibdib ni Junard.

Mahimbing na nakatulog ang dalawa...


[Part 03]
Naalimpungatan ang dalawa sa katok na narinig nila sa pinto. "Hoy ala-10 na wala ba kayong balak gumising," ang sigaw ng tiyahin sa labas ng kwarto.

Nagulat pa si Rex dahil pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nakayakap pa rin siya sa katawan ni Junard na nang mga sandaling iyon ay gising na rin at nakangiti sa kanya. Isang mahinang "good morning" ang ibinati nito sa kanya. Napaigtad si Rex dahil sa kakatwang sitwasyon nila at natakot siyang baka buksan ang pinto at mahuli sila ng kanyang tiyahin.

"Opo Auntie, andyan na. Napasarap po ang tulog namin," pasigaw na sagot naman ni Rex.

Bumangon na sila at nakita pa niyang nakabukol ang harapan ni Junard dahil sa nakatulog nga itong walang suot na briefs. Sinabihan niyang mag-ayos ito bago bumaba at baka punahin iyon ng kanyang Auntie at Uncle.


Nakahanda na ang almusal ng pumanaog si Junard at muli ay abut-abot ang paghingi ng paumanhin dahil sa abala na naidulot niya sa mag-anak. Sinabi naman ng tiyahin ni Rex na walang anuman iyon at makabubuti pang kumain muna bago siya umuwi. Magkaharap sa mesa ang dalawa nang umupo para mag-agahan. Halos di makatingin ng diretso si Rex kay Junard dahil nga sa nangyari kagabi.

Nag-aayos na si Junard sa kwarto nang muling pumanhik si Rex para tanungin kung handa na siyang umalis. Nagsusuot na lang ng sapatos niya si Junard nang datnan siya ni Rex duon.

"Ehhh, Kuya, yung tungkol kagabi, kasi," panimulang sabi ni Rex.

"Shhh, wala yun. Naiintindihan kita. So pano, maraming maraming salamat sa abala at pag-estima sa akin. Di ko malilimutan ito," ang sabi naman ni Junard.

At bago ito lumabas ng kwarto ay niyakap muli si Rex at saka masuyong hinalikan sa noo. Napayuko ang binata at hindi alam kung ano ang isasagot. Naguguluhan siya sa ikinikilos ni Junard at hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng mga iyon.

Pag-uwi sa bahay ay tinanong ni Alice si Junard kung bakit lampas tanghalinan na ito nakauwi at anong oras ba ito umalis kina Rex. Sinabi naman ni Junard na tinanghali siya ng gising dahil nga sa kalasingan. Para di na humaba pa ang usapan ay sinabi niyang maliligo lang siya at ihanda na ang pananghalian.

Mula nang mangyari ang pagtulog ni Junard sa bahay nina Rex ay naging lalong malapit ito sa binata. Yung paminsan-minsang pagsabay sa tanghalian ay naging araw-araw na at pati ang pag-uwi ay talagang hinihintay siya nito para sabay na silang lumakad pa-MRT station. Dahil sa ikinikilos na ito ni Junard ay lalong umigting ang pagmamahal na nadarama ni Rex sa kanya. Kaya isang araw...

"Kuya, me sasabihin sana ako sa iyo," ang sabi ni Rex habang kumakain sila ng pananghalian.

"Hmm, ano yon bunso?" tanong ni Junard.

"Wag ka sanang magagalit sa akin, ha, Kuya."

"Bakit naman ako magagalit sa iyo? Me ginawa ka na naman bang kasalanan? Nag-away kayo ni Jovi?"

"Hindi yon. Lagi naman kaming nagte-text pa rin ni Jovi. Kasi, Kuya, ano eh."

"Ah ok. Mabuti naman pala at magkasundo kayong mabuti ni Jovi. Hoy, loko ka ha, alagaan mong mabuti relasyon ni Jovi, at wag kang tumulad sa akin. Kita mo ako problemado sa misis ko. hehehe, So ano yung sasabihin mo?"

"Wala, wag na lang. Baka makadagdag lang sa isipin mo eh."

"Kita mong lokong ito. Me sasabihin raw tapos wag na lang. Ano nga yon, bilis na," medyo asar na tanong ni Junard.

Uminom muna ng tubig si Rex at saka huminga nang malalim. "Kuya, I think I'm in love again."

Napalingon sa kanya si Junard at kumunot ang noo. "Wala ka namang nababanggit na bagong crush ah. Me itinatago ka ano?" panunukso ni Junard kay Rex.

"Wala, Kuya. Wala akong itinatago..."

"Eh kanino ka in love?"

"I'm in love with you, Kuya," paanas na sabi nito at pagkasabi nuon ay napatungo siya.

"Huh? Sa akin? Bakit mo naman nasabi iyon Rex?" medyo napalakas na tanong ni Junard.

"Ewan ko nga eh. Tanda mo nung time na natulog ka sa bahay? Duon ko naramdaman na talagang mahal na mahal na kita. Kasi naman ipinakita mo sa akin ang pagiging masuyo mo. Honest, Kuya, di ko ginusto na mahalin ka. Kusang tumubo na lang ang pagmamahal ko sa yo," halos mangilid na naman ang luha ni Rex sa mga mata.

Napalingon si Junard sa kapaligiran. Ayaw niyang makatawag pansin ang nangyayari kay Rex kaya sinabihan niya ito, "Rex, pag-usapan natin ito mamaya paglabas ng office. Okey? Ayusin mo sarili mo at baka mapansin ka ng mga tao dito, nakakahiya. Sige na. Hintayin kita sa dati nating hintayan at mag-uusap tayo. Wag kang mag-alala di ako magagalit sa yo," mahabang sabi ni Junard.

Wala nang imikan pa ang dalawa hanggang sa matapos ang kanilang pananghalian.

Pagtuntong ng alas-5:30 ay halos ayaw pang kumilos ni Rex. Natatakot siya sa sasabihin ng kanyang Kuya Junard. Ano kaya ang sasabihin ni Kuya Junard?... Sana hindi siya magbago ngayong alam na niya ang feelings ko sa kanya... Wag ko na lang kayang siputin siya sa usapan namin... Nasa ganon siyang pag-iisip nang sa tutunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at si Junard pala.

"Ano Rex? Palabas na ako ng opisina. Duon na lang tayo sa may G4 magkita ha. Alis na ako," sabi sa kabilang linya.

"Ok, Kuya. Sige, isara ko na lang itong computer ko at aalis na rin ako," malumanay niyang sagot dito.

Wala nang atrasan. Hindi niya pwedeng di siputin si Junard at baka lalo lang gumulo ang usapan. Bantulot man ay nag-ayos na nga si Rex at saka naglakad patungo sa G4.

Malayo pa lang ay nakita na niyang nakatayo si Junard at inaabangan siya. Di naman kagwapuhan si Junard pero iba talaga ang dating sa kanya. Marahil ay dahil sa pagiging malambing nito na nadama niya nuong natulog ito sa kanilang tahanan. Muli't muli niyang binabalikan ang alaala ng gabing iyon... nang patulugin siya ni Junard sa kanyang mga bisig at magising siya na nakayakap sa katawan nito.

Nang matanaw siya ni Junard ay nakangiting kumaway ito at sinalubong na siya. Inakbayan kaagad at tinanong kung kumusta na siya. "Ok lang ako at medyo naging busy sa trabaho," pagsisinungaling ni Rex. Para siyang robot na sunud-sunuran lang kung saan maglakad si Junard. Namalayan na lang niya na nasa harap na sila ng Carl's Jr. at tinatanong siya ni Junard kung anong gustong orderin.

"Hoy, bunso, ano gusto mong kainin?" muling tanong ni Junard.

"Ha, ah eh,... kaw na lang bahala Kuya," ang wala sa sariling sagot nito.

"Ok, sige humanap ka ng mauupuan at ako na bahalang umorder ng hmmm teka, snacks lang ha... wala pa akong pera, hehehe," pabiro namang sabi ni Junard.

Di na niya inintindi pa ang sinasabi ni Junard; sa halip ay naghanap siya ng upuan na medyo tago sa karamihan. "Duon sa bandang dulo, sa kaliwang bahagi, medyo OK na duon kami mag-usap." ang sabi niya sa sarili.

Maya-maya pa ay dumating na si Junard dala ang inorder na burger at iced tea. Nakangiti pa rin ito na parang nalimutan na ang nangyari kaninang tanghali.

"Oh sensya na ha, yan lang kaya ng budget ko. Sige tsibog na," yaya agad nito pagkababang-pagkababa ng tray.

Halos di makatingin si Rex kay Junard nang umupo na ito sa harap niya at magsimulang kainin ang burger. Nangangalahati na ito sa burger nang muling magsalita.

"Nga pala, bunso, ano nga iyong sinabi mo kanina sa akin? Yung bang in love ka kamo, sa akin?" medyo parang takang tanong ni Junard sa kanya.

Bago magsalita ay tumikhim muna si Rex ng iced tea at saka huminga nang malalim. "Eh ku-Kuya, wag ka sanang magalit dun sa sinabi ko ha. Actually di ko rin alam kung ano talaga ang nararamdaman ko eh. Pero ang tingin ko in love talaga ako sa yo," nakatungo pa rin si Rex habang sinasabi ang mga bagay na ito. Di naman kumikibo si Junard at patuloy lang sa pagkain habang nakikinig sa kanya. "Kasi alam mo nung time na una tayong nagka-usap sa chat, tas pinayuhan mo ako? I was so depressed and down and ikaw lang ang umunawa at nagtake time para kausapin ako... tas yung mga ipinakita mong kabutihan sa akin nung nandito na ako sa Maynila... hmmm tas yung nakatulog ka sa bahay... yung time na pinahiga mo ako sa bisig mo hanggang sa nagising akong nakayakap pa rin sa yo... Kuya, sa akin pagmamahal iyon eh," tuluy-tuloy na sabi ni Rex sa kanya.

Di agad nakakibo si Junard sa narinig. Tinapos muna niya ang kinakain at saka uminom. Hindi niya inakala na ang pagiging mabuti at maasikaso kay Rex ay iba ang dating sa kaibigan. Para sa kanya ay pagmamahal kaibigan iyon at talagang ganon siya sa kahit sinong nakakausap o nakikilala niya. Ngayon ay naguguluhan siya kung paano ipaliliwanag sa kaharap ang katotohanang iyon. Ayaw niyang muling bumalik sa pagka-depressed si Rex at baka magulo lang ang paghahanap-buhay nito. Tinatantya niya ang mga salitang bibitawan dito.

"Rex, hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa ipinagtapat mo sa akin," panimula niya. "Unang-una kung anuman ang ipinakita ko sa iyo ay sa dahilang ganon talaga akong tao... ahhh kahit itanong mo pa kay Alice ay ganun din ang sasabihin niya sa iyo... hmmm ganun talaga ako sa mga kaibigan. Di lang ikaw ang nakapansin ng pagiging magiliw at maaalalahanin ko... kaya di mo dapat ipag-akala na iba ang dating nun," mahaba-habang sabi ni Junard kay Rex.

"Pero bakit... ano yung pagyakap at paghalik mo sa akin, Kuya... Junard?" balik tanong ni Rex na ngayon ay nangingilid na ang luha sa mga mata.

"Yun ba? hehehe di ba magkapatid turingan natin? Kaya kita niyayakap bilang pagmamahal sa isang nakababatang kapatid, Rex," paliwanag nito.

"Yun lang ba talaga? Dahil kapatid ang turing mo sa akin? Wala nang iba? ha Junard? Ganun lang? Akala ko pa naman," nagsisimula nang mag-histerikal si Rex dahil sa narinig mula kay Junard.

"Rex! Rex! Makinig ka sa akin, wag kang ganyan."

"Ano pa dapat kong marinig? OK, sige, alam ko na... akala ko mahal mo rin ako kaya ganyan ka, huhuhuhuh" at tuluyan nang bumigay si Rex. Umiyak na ito.

Nataranta si Junard at di alam kung anong gagawin. Bigla siyang tumayo at niyaya si Rex na lumabas na sila. Nagtitinginan na ang ibang mga kumakain, nagtataka kung bakit biglang nag-iiyak ang kasama ni Junard. Sa umpisa'y ayaw pang tumayo ni Rex at inaalis ang kamay ni Junard sabay sabing "iwan mo na lang ako." Pero nagmatigas si Junard at halos hilahin na si Rex papalabas ng restoran. Dinala niya ito sa restroom at sinabihang mag-ayos ng sarili. Nang matapos ang pag-aayos ay lumabas na sila at sumakay ng taksi. Sinabi ni Junard na sa may Pag-Asa sila. Walang imikan ang dalawa habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA. Patuloy ang paghikbi ni Rex at panay-panay din ang hingi ng sorry dahil sa eskandalong nagawa niya kanina. Panay naman ang alo ni Junard sa kanya at sinabing "It's ok, I understand."

Nagulat pa ang tiyahin ni Rex nang pagbukas ng pinto ay makita sina Junard at Rex. Tinanong niya kung ano ang nangyari at sinabi na lang ni Junard na nahihilo ang kaibigan at minabuti niyang ihatid ito pauwi. Nagpaalam si Junard na iaakyat niya si Rex sa kwarto at aayusin lang nito at uuwi rin siya.

Nang nasa loob na ng kwarto ay muling umiyak si Rex at paulit-ulit na sinasambit ang "mahal kita Kuya... mahal kita." "Shhh alam ko, sige, mahal din kita, tama na, tahan na at baka marinig ka pa ng Auntie mo," ang pag-aalo namang sabi ni Junard para tumigil na ito.

Tumingin nang diretso si Rex kay Junard at parang inaarok ang katotohanan sa sinabi nito. Walang imikan silang nagkatinginan. Tanging mga mata lamang nila ang nag-uusap. Kay Rex ang paghingi ng pang-unawa sa kanyang nadarama, si Junard ang pagbibigay assurance kay Rex na hindi niya ito pababayaan.

Hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi at yumakap na nang tuluyan si Rex kay Junard...


[Part 04]
Isang buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatapat ni Rex ng tunay niyang nararamdaman kay Junard. Sa loob ng kwarto habang umiiyak si Rex ay nangyari ang di-dapat mangyari. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay nagkaroon ng lakas ng loob si Rex na gawin ang matagal na niyang nais gawin kay Junard. Sa kabilang dako, dahil na rin sa matagal-tagal nang hindi nakakaniig ni Junard ang asawa ay nadarang na ito at bumigay sa mga advances ni Rex. Hindi iyon natapos sa ganon lamang. Ilang beses na naulit pa ang mga naganap sa kwartong iyon.

At ngayon nga ay pangatlong buwan na mula nang mangyari ang eksenang iyon. Narito sila ngayon sa loob ng isang motel at nagseselebra ng kanilang 3rd monthsary. Maligayang-maligaya si Rex dahil sa mga nangyayari sa kanila ni Junard.

"Kuya, thank you so much. I love you and lahat gagawin ko para maging maligaya ka sa piling ko," ang sabi
niya habang panay-panay ang halik niya kay Junard.

"Ewan ko, Rex, hindi ako alam kung ginayuma mo ako o kinulam at bakit ako naging sunud-sunuran sa iyo," pabirong sagot naman ni Junard.

"Hmmm ginayuma, kinulam... magtigil ka nga dyan Kuya. Sabihin mo mula nang matikman mo ang milagrosa kong mga kamay at dila, hinanap-hanap mo na ako, hehehe," panunuksong sabi ni Rex sa kanya.

"Ah ganon, hinanap-hanap pala ha," at hinila siya ni Junard at saka pinupog ng mga maiinit na halik sa leeg at tenga nito.

"Ayyyy ano ba Kuya, wag dyan, nakikiliti ako, eeeeehhhh Kuya, wag sabi, eeeehhhhh!!!" ang tiling may halong kilig ni Rex.

"Langya ka, lakas mong tatawag ng Kuya eh ilang beses na kitang tinitira, ahahahah," at muli ay pinupog ni Junard ng halik si Rex.

Para silang mga batang naglalaro sa ibabaw ng kama. Nanduong si Junard ang nasa ibabaw ni Rex at nilalapongga ito, o kaya naman ay si Rex ang nasa ibabaw ng katawan ni Junard at ito naman ang nilalaro. Hanggang mapagod sila at hingalin dahil sa paglalandian nila.

Abut-abot ang hingal ng dalawa nang magkatitigan ulit. Isang mahinang "I love you, Kuya," ang sinabi ni Rex sabay halik sa labi ni Junard.

"I love you too, bunso," sagot naman ni Junard.

At muli ay naglapat ang kanilang mga labi habang isa-isa nilang hinuhubad ang kani-kanilang mga kasuotan. Maluluma ang mga performers sa isang xxx-rated movie na pang m2m sa mga ginagawa nina Junard at Rex.

Sa tuwing narito sa loob ng kwartong ito ay wala ang mga agam-agam nila sa buhay. Para sa kanila ay ang kasiyahan lamang ng bawat isa ang mahalaga. Lalo na kay Rex... ang kapakanan ni Junard ang pinaka-importante sa relasyon nilang ito. Alam niyang malaki ang pagkukulang ni Alice kay Junard at siya ang pumupuno sa mga kakulangang ito. Todo-bigay ang pagpapaligaya ni Rex kay Junard. Alam niya kung ano ang gustung-gusto nito—ang kainin niya ang naghuhumindig nitong sandata hanggang sa hilahin siya pataas at halikan ng todo sa labi. Habang hinahalikan siya ay unti-unti naman siyang itatagilid at saka siya papasukin nito sa kanyang lagusan. Hanggang duon na ito sumabog sa kaloob-looban niya. Damang-dama ni Rex ang pagmamahal ni Junard sa mga ganitong pagkakataon.

Hindi mahalaga kay Rex kung hindi reciprocated ang ginagawa niyang pagpapaligaya kay Junard. Para sa kanya ay masaya siyang makita na nakaraos ang pinakamamahal na lalaki. At iyon ang bentahe niya kay Alice. Marami na ring nasabi si Junard na hindi ginagawa sa kanya ni Alice ang mga bagay na ngayon lang niya natitikman.

Halos ayaw na nilang umuwi at matapos ang gabing ito. Pero kailangan nilang harapin ang katotohanan—pamilyadong tao si Junard. Hiram lamang ang mga sandaling tulad nito para sa kanila. At lalong alam ni Rex na kahit kelan ay isa lamang siyang kabit, isang lalaking kabit ni Junard.

Patuloy ang kanilang pagkikita at pagnanakaw ng mga hiram na sandali. May mga pagkakataong sinasabi ni Junard na naghihinala na si Alice sa gabi-gabi niyang pag-uwi. Paminsan-minsan ay tinatanong din ni Junard si Rex tungkol kay Jovi. Sinasabi naman nitong patuloy pa rin ang exchange of emails at text messages nila. Nangungumusta nga raw ito tungkol sa kanya dahil nabanggit na rin siya ni Rex dito.

"Hindi ka ba nagi-guilty sa ginagawa natin?" minsan ay naitanong ni Junard kay Rex.

"Ikaw ba? Ako hindi. Wala akong makitang dahilan para maging guilty. Sa akin mahal kita at kung anuman ang ginagawa natin ay isang proof lang ng pagmamahal ko sa yo," ang paliwanag naman ni Rex sa kanya.

Pagka naririnig ni Junard ang mga ganitong pananalita kay Rex ay hindi niya maisip na bakit sa kabila ng pagiging bata nito ay napaka-matured na mag-isip. Yayakapin na lang niya nang mahigpit si Rex at saka masuyong hahalikan sa noo.


[Part 05]
Isang taon na ang matuling lumipas at patuloy pa rin ang relasyon nina Rex at Junard. Hanggang sa isang masamang balita ang nagpagulat kay Junard.

Sabay na kumakain silang muli ng pananghalian nang may sabihin si Rex sa kanya.

"Kuya, me bad news ako sa yo," panimula ni Rex dito.

"Hmmm bakit ano yon?" kunot-noo namang tanong ni Junard.

"Dumating na si Jovi at gusto niyang magsama na kami dahil dito na rin daw siya magtatrabaho," muling sabi ni Rex.
Publish Post



"Ganon ba? So ano ang gusto mong mangyari?" halata ang pagkabigla kay Junard.

"Kuya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."

"At si Jovi paano siya? Alam ko namang siya talaga ang unang lalaking minahal mo."

"Pero Kuya, alam mong ikaw ang tunay kong mahal. Ano gagawin ko?"

"Rex, mahal din kita pero hindi ko gustong may madamay pang ibang tao sa ginagawa nating kasalanan. Mas magiging maligaya ka kay Jovi dahil wala kang kaagaw sa kanya. Samantalang ako, alam mong nandyan ang ate Alice mo at kahit kelan ay magiging hiram lang ang mga sandali natin."

"Kuya, please, ayaw kong mawala ka sa buhay ko," pagsusumamo ni Rex kay Junard.

"Hindi naman ako mawawala sa iyo eh. Kung me mababago man iyon ay ang pagkakataon nating magkasarilinan. Andito pa rin ako, ok?"

Nangingilid na naman ang luha ni Rex at hindi nya talaga kayang bitiwan ang pakikipagkita kay Junard. Dahil sa pangamba ni Junard na baka maghisterikal na naman si Rex ay minabuti niyang kausapin ito ng sarilinan. Pagkatapos kumain ay tumawag siya sa opisina at sinabing half-day na lang siya at may emergency lang. Si Rex ay ganon din ang ginawa at ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng taksi at patungo sa isang motel.

Nang nasa loob na sila ng motel ay abut-abot ang paliwanagan nina Rex at Junard tungkol sa mga mangyayari sa kanila sa mga susunod na araw. "Dahil nga sa pagdating ni Jovi, magiging iba na ang pakikitungo ko sa iyo," ang paliwanag ni Junard kay Rex. "Siguro balik tayo sa pagiging Kuya-bunso. Hindi na tulad ng ganito."

"Pero Kuya, please naman. Ayokong mawala ka sa akin."

"Hindi nga ako mawawala sa yo, Rex. Andito pa rin ako. Maiiba lang ang takbo ng buhay natin. Kung dati-rati nagagawa natin ang tulad ng sa isang mag-asawa, ngayon hindi na. Balik tayo sa pagiging barkada na lang."

"Yun nga ayaw ko eh. Ayaw kong barkada lang tayo. Gusto ko tayo, tayo!!!" nagsisimula nang sumigaw si Rex. "Mahirap bang intindihin yon? Ikaw ang gusto ko?!!! huhuhu"

Niyakap ni Junard si Rex para tumigi ito sa pagsigaw at pag-iyak. Damang-dama niya ang paghihirap ng loob nito at wala siyang magawa. Oo, inaamin ni Junard sa tagal ng pagiging magkasama nila ni Rex at ang mga hiram na sandaling tulad ng ganito ay natutunan na rin niyang mahalin ang nakababatang kaibigan. Hindi nga ba't sa umpisa ay parang laro lamang ang lahat ng Junard... si Rex ang tugon sa kakulangan ng kanyang asawa. Subalit kahit wala ang mga ginagawa nilang pagniniig ay ipinakita ni Rex na talagang kaya niyang magdala ng relasyon at iyon ang ikinalulungkot ni Junard. Alam niyang kung puputulin nila ang pakikipagkita sa isa't isa ay hahanap-hanapin niya ang mga bagay na nakagawian na nila.

"Rex, oo, inaamin ko mahirap para sa akin ang malamang dumating na si Jovi at iyon ang magiging hudyat ng paghihiwalay natin. Pero aminin man natin at hindi, walang kahahantungan ang relasyon natin. Me asawa ako, me nobyo ka. Tama ba na ipagpatuloy natin ang mga panakaw na pagkikita, ang mga hiram na sandali dahil mahal natin ang isa't isa?" ang pagtatanong ni Junard kay Rex.

"Kuya, pano ako? Ibinigay ko ang lahat-lahat sa yo? Unawain mo naman ako, please naman Kuya. Ok na sa akin ang ganon huwag ka lang mawala sa buhay ko, please Kuya, huhuhu!" pagmamakaawa ni Rex.

Dahil sa inaasal ni Rex ay hindi na rin nakaya pa ni Junard ang kanyang sarili at niyakap niya nang mahigpit ito at hinalikan nang buong suyo. Sa isip ni Junard sa kahuli-hulihang sandali ay ipadarama niya ang kanyang pagmamahal kay Rex. Kahit man lang sa huling hiram na sandaling ito ay maibalik ni Junard ang lahat-lahat ng sakripisyong ginawa ni Rex para sa kanya.

Ngayon nga ay nakahiga na silang dalawa sa ibabaw ng kama at panay pa rin ang halikan. Parang ayaw na nilang magkalayo pa ang mga labi nila sa isa't isa. Panay din ang pagdama ng kanilang mga kamay sa katawan ng bawat isa na para bang minememorya ang bawat bahagi nito. Nasa kainitan sila ng pagroromansa ng may ibulong si Junard kay Rex na ikinabigla nito.

"Bunso, pasukin mo ako," bulong ni Junard kay Rex.

"Kuya? Anong sinasabi mo?" takang sabi ni Rex dito.

"Gusto kong ibalik sa yo ang pagkakataong ipadama ang madalas mong ibigay sa akin," walang kagatul-gatol na sabi ni Junard.

"Kuya, baka nabibigla ka lang. Di ba ayaw mo ang pinapasok ka. Kahit kailan di ka pumayag sa pakiusap ko, di ba? Bakit ngayon? Anong dahilan Kuya?" sunud-sunod na tanong naman ni Rex sa kanya.

"Sige na, bunso. Pasukin mo ako. Gusto kong maranasan mo ang matagal mo nang hinihiling sa akin," may ngiting sabi nito.

"Kuya, natatakot ako..." sabi naman ni Rex habang nakatitig kay Junard.

Imbes na sumagot pa si Junard ay itinaas na nito ang kanyang paa tanda na handang-handa siyang isuko kay Rex ang kanyang pagkalalaki. Sa kahuli-huling hiram na sandali ay ibibigay na ni Junard ang kanyang pagkalalaki sa taong natutuhan na niyang mahalin. Ito ang pinakamabigat na desisyong kanyang isasagawa. Hindi madali para sa isang tulad niya ang pasakop sa kahit kanino. Subalit dahil sa pagmamahal na iniuukol niya kay Rex ay handa niyang tanggapin ang pagsukong ito.

Ayaw man ni Rex ay parang namalik-mata siya nang makita ang kumikibut-kibot na butas ng pwet ni Junard. Para bang inaanyayahan siyang hawakan at laruin ang pinakasentro nito. Muli niyang tinitigan si Junard at nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. Kaya habang bumababa ang katawan niya patungo sa bahaging iyon ay hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ni Junard.

Si Junard naman sa kabilang banda ay panay ang tungo ng ulo na para bang sinasabing "sige na, ituloy mo na." Isang mahabang buntung-hininga ang pinawalan ni Junard nang maramdaman ang pagdampi ng palad ni Rex sa kanyang kaibuturan. Maya-maya pa ay isang daliri nito ang naglaru-laro sa paligid ng butas niya. Napakagat-labi si Junard nang maramdaman ang mainit na palad ni Rex na pilit na pinaghihiwalay ang pisngi ng kanyang pwet para magkaroon ito ng mas malayang pagkakataong malaro ang pinakabutas niya.

Damang-dama ni Junard ang kiliti nang isang masuyong halik ang ipadama ni Rex sa kanyang butas. Napaangat ang pwetan niya nang patigasin ni Rex ang dila niya at saka ihaplos ito sa pinakabutas, habang patuloy ang pagmasahe sa magkabilang pisngi ng pwet niya. Parang pinsel ng isang dakilang pintor ang dila ni Rex sa paghagod sa pwet ng lalaking minamahal. Halatang wala pa kahit sino ang nakagalaw sa pwet nito at natutuwa siya sa pagkakataong ibinigay ni Junard na siya ang kauna-unahang lalaking papasok sa kaloob-looban nito.

Nang muling umahon si Rex sa ibabang bahagi ng katawan ni Junard ay iniabot nito sa kanya ang tube ng lubricant at saka sinabing "sige na, bunso, ihanda mo na ako."

Kinuha ni Rex ang lube at saka nilagyan ang kanyang kamay. Nilagyan niya ang pang-gitnang daliri at saka ito itinutok sa butas ng pwet ni Junard. Nang ipilit niyang ipasok ito sa masikip na butas ay naramdaman niyang napaigtad si Junard at napahawak sa kanyang balikat. "Dahan-dahan, bunso, masakit," ang daing ni Junard. At ganon nga ang ginawa ni Rex. Nang maipasok niya ang ito ay huminto muna siya at tinanong si Junard kung ano ang nararamdaman. "Nakakapanibago. Mahapdi at parang me pumasok na kahoy," ang sabi ni Junard.

"Ganon talaga, Kuya," ang nakangiting sabi ni Rex. "Masasanay din ang pwet mo maya-maya."

"Hmmm sana nga, bunso, sana nga."

Hinugot muli ni Rex ang daliri at saka nilagyan ng mas maraming lubricant. Sa ikalawang pagkakataon ay ipinasok niya ito sa butas ng pwet ni Junard. Muli ay napa-sipol si Junard dahil sa hapding nadama. Ilang sandali muna ang hinintay ni Rex bago ginalaw ang kanyang daliri sa loob ng pwet ni Junard. At muling inilabas. Dagdag pang muli ng lubricant. Ipinasok. Ginalugad ang loob. Inilabas. Sa bawat sandaling ginagawa ito ni Rex ay tinitingnan niya ang reaksyon ni Junard. Subalit habang tumatagal ay nasasanay na rin si Junard na may kumikiwal-kiwal na kung ano sa kanyang pwet at nakukuha na niyang ngumiti.

Nang sa tantya ni Rex ay madulas na madulas na ang butas nito ay nilagyan niya ang kanyang sariling sandata at saka sinabihan si Junard na sa ilang sandali ay papasukin na niya ito.

Lakas loob na kinaya ni Junard ang pagpasok ni Rex. Noon lang niya nadama ang hirap na dinadanas pala ni Rex sa twing pinatungan niya ito at noon lang niya naunawaan ang laki ng sakripisyong ginagawa ni Rex. Para siyang hinihiwa... kinakatay... Mahapdi... Makirot... Masakit... Ngunit titiisin niya alang-alang sa lalaking iniibig. Napayakap siyang lalo sa binata at saka sinabi dito ang mga katagang, "Mahal na mahal kita Rex" sabay halik sa mga labi ng lalaking ngayon ay naglalabas-masok sa kanyang kaibuturan.

Matapos ang maalab na romansa, kapwa nakahubad pa rin ang dalawa at walang imikan. Naisipan ni Junard na buksan ang TV at manood. Eksaktong paglipat ng channel ay papatapos ang isang lumang pelikula ni Vilma Santos at kinakanta ang theme song nito habang pinapakita ang credits.

Di ba't ako'y tao lang

na nadadarang at natutukso rin

maiaalis mo bang sa 'kin

ang matutuhan kang mahalin

sa bawat sandaling

hiram natin...

Muling nagkatinginan ang dalawa na para bang tinatanong kung ano ang kahihinatnan ng kanilang relasyon.

Si Junard na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Rex, nakapagdesisyon na ako. Ito na ang huling pagkikita natin. Maaaring sabihin mo na ginamit lang kita at nang makuha ko na ang gusto ko ay hahayaan ko na lang na maghiwalay tayo. Wag mong isipin iyon. Mahal kita at alam kong mahal na mahal mo ako. Lamang, mabuti nang harapin natin ang katotohanan. Asikasuhin mo si Jovi at ako naman ay aayusin ko na ang gusot sa aming mag-asawa. Hangad ko ang kaligayahan mo sa piling ni Jovi," ang mahabang pahayag ni Junard sa mangiyak-ngiyak na si Rex.

"Kuya, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Kahit hiram payag na ako Kuya, please... Ok na sa akin kahit minsan sa isang buwan... or kahit wala na itong ganito, wag mo lang akong iwan, please Kuya," ang pakiusap ni Rex at tuluyan na itong umiyak.

"Rex, Rex, wag mong pahirapan ang sarili ko, please. Tama na. Ito na ang huli nating pagkikita at magkanya-kanya na tayong buhay."

Pagkasabi nito ay tumayo na si Junard at iinot-inot na nagtungo ng banyo at naligo at inayos ang sarili. Nang lumabas ay nangitang nakahiga pa rin si Rex at patuloy sa pag-iyak. Hindi na niya pinansin iyon at nagpatuloy na lang siya sa pagbibihis. Nang makapagbihis ay tinanong niya kung paiiwan pa ang binata at mauuna na siya o ano ang balak nito. Padabog na tumayo si Rex at tinungo ang banyo. Naligo rin at inayos ang sarili.

Nag-check out sila at nang nasa bandang EDSA na ay pinahinto ni Junard ang taksi sa isang kanto at nagpaalam na nang tuluyan kay Rex.


[Part 06]
Lumipas ang maraming taon na walang naging communication sina Rex at Junard. Matapos ang kanilang kahuli-hulihang pagniniig dahil sa mga pangyayaring ayaw nilang talikuran, minabuti ng dalawa na putulin ang ugnayan at magkanya-kanyang buhay.

Si Rex ay nakisama na kay Jovi. Subalit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama dahil madalas uriratin sa kanya ni Jovi ang naging kaugnayan niya kay Junard. Hindi matanggap ni Jovi na sa kabila ng pagiging tapat niya dito nuong mga panahong naiwan siya sa kanilang probinsya ay nagawa pa ni Rex na makisama at makipagtalik kay Junard na ang pagkakaalam niya ay pamilyadong tao bukod pa sa turing nga nito ay Kuya ni Rex. Iyon lang naman ang nagiging ugat ng pagtatalo nilang dalawa. Kaya makalipas ang anim na buwan ay sinabi ni Rex na mas mainam pang tigilan na lang nila ang ganitong buhay at makabubuting kalimutan na lang nila ang isa't isa. Nagmamalaki namang sinabi ni Jovi na wala nang seseryoso pa kay Rex dahil ipagkakalat niya ang naging buhay nito noon sa kanilang probinsya at ang pakikipag-mabutihan niya sa isang pamilyadong
tao. Lumayas ito sa kanilang tinutuluyan dala ang lahat ng mga gamit.

Samantala si Junard naman ay ipinagpatuloy ang buhay sa piling ng kanyang maybahay. Matagal na niyang hinihingi dito ang pagkakaroon nila ng baby dahil nga sa di na rin naman sila mga bata pa at sa palagay niya ay mas mahihirapan ang kanyang asawa kung patatagalin pa ang pagbubuntis. Isang taon makaraan ang paghihiwalay nila ng landas ni Rex ay nabuntis ang kanyang asawa at laking tuwa ni Junard. Sinabi niyang makikita na rin niya ang produkto ng kanyang dugo. Ngunit ang hindi sinasabi ng kanyang misis ay ang kaselanan ng pagdadalangtao nito. Kung tutuusin ay nuon pa talaga nito nais na mabigyan ng anak si Junard lamang ay talagang mahina ang kanyang puso. At alam ito ng kanyang doktor ngunit pinakiusapan niyang huwag munang sabihin kay Junard ang katotohanan sa likod ng kanyang pagbubuntis.

Dumating ang oras ng kapanganakan ni Alice at bandang alas-10 ng gabi ng itakbo ito sa ospital. Tinawagan na rin agad ang kanyang OB. Makalipas ang ilang oras ay kinausap ng doktora si Junard at dito ipinagtapat ang lagay ng kanyang misis. Dalawa lamang ang maaaring mangyari: mabubuhay si Alice pero patay ang bata, o mabubuhay ang bata pero 50-50 ang chances ni Alice. Sinabi ni Junard na gawin ng doktora ang lahat ng kanyang nalalaman para mabuhay ang dalawang nilalang na mahal na mahal niya. Hindi maipangako ng doktora kung ano ang kalooban ng Dios kaya sinabi niyang lakasan ni Junard ang loob at ipanalangin ang kanilang kaligtasan.

Lalaki ang naging anak nina Junard at Alice. Subalit gaya nga ng sabi ng doktora ay 50-50 ang chances na mabubuhay si Alice. Depende na iyon sa kagustuhan ni Alice na lumaban kay kamatayan. Itinakbo kaagad si Alice sa ICU para malapatan ng kaukulang atensyon. Ang bata naman ay inilagak agad sa nursery para papagyamanin ng mga mag-aalaga duon.

Hindi rin nagtagal ang buhay ni Alice. Marahil ay ito talaga ang itinadhana ng Maykapal—ang maibigay kay Junard ang kanyang kahilingan na magkaroon ng anak at nagawa naman ito ni Alice. Halos mapasigaw si Junard nang makita ang kanyang asawang wala nang buhay. Muli ay tumimo sa kaisipan ang awiting HIRAM na para bang ipinahiram lang sa kanya ng Dios si Alice upang ipadama dito ang kahulugan ng pag-ibig na wagas at ang pagpapaubaya makamtan lamang ang minimithi. Maayos na nailibing ang bangkay ni Alice at sinikap ni Junard na palakihin ang anak sa tulong na rin ng kanyang mga magulang.

Sampung taon na ang nakalilipas at binatilyo na ang anak ni Junard. Dahil sa Christmas vacation naman ay minabuti niyang duon na muna ang anak sa kanyang mga lola at susunduin na lamang sa Bisperas ng Bagong Taon. Nakaugalian na nilang mag-ama ang salubungin ang pagdating ng Bagong Taon sa libingan ng namayapang asawa.

At sa mga ganitong pagkakataon na nag-iisa si Junard sa kanyang tahanan ay naaalala niya si Rex. Kumusta na kaya ito? Ano na kaya ang naging buhay nila ni Jovi? Sana ay masaya silang nakapamumuhay sa piling ng isa't isa. Mula nang maghiwalay ang landas nilang dalawa ay hindi na muling nakipagmabutihan pa si Junard sa kapwa lalaki. Si Rex ang kahuli-hulihang lalaking nakaniig niya at ito rin ang kauna-unahang lalaki nakapasok sa kanyang lagusan.

December 24. Half day halos lahat ng mga empleyado sa Makati para may oras pa raw sa paghahanda ng Noche Buena. Si Junard naman ay nagpunta sa Odyssey Records sa may Glorietta at naghahanap ng "Reunion" album ng Peter, Paul and Mary. May nakita siyang CD nito at binabasa niya ang mga nakapaloob na awitin nang may isang boses sa kanyang likuran ang nagsalita.

"Di ka pa rin nakakalimot sa grupong iyan ano, Kuya?"

Laking gulat ni Junard nang sa paglingon niya ay makita niya si Rex, nakangiti. Tulad ng dati ito ay nakasalamin pa rin. Medyo tumaba nga lang at mas nagka-edad. Bigla na lang siyang niyakap nito at panay ang sabi ng, "I miss you so much, Kuya." Paulit-ulit. Naglilingunan na ang ibang mga taong nasa paligid nila kung kaya't pilit humiwalay ni Junard sa pagkakayakap dito. Nagkatinginan silang muli at nagkamustahan. Kahit may mga luha ang kanilang mga mata ay nagkatawanan sila. Binili ni Junard ang CD at saka sila lumabas ng record bar.

Tulad ng dati ay magkahawak kamay silang naglakad sa mall hanggang sa dumating sila sa MRT station. Ngayon ay iisang platform na lang ang tinungo nila at sabay silang sumakay sa train. Pagbaba sa Pasay Rotunda ay sumakay silang byaheng pa-Nasugbu.

Nag-iisa si Junard sa kanyang tahanan. Wala ang kanyang anak. Isinalang ang CD at pinatugtog. Nagkatitigan muli ang dalawa at pawang mga mata lamang ang nangungusap. Yumakap si Rex kay Junard at muling ibinulong ang kanila pa niya paulit-ulit na sinasabi dito... "I miss you so much, Kuya. I miss you so much."

Hindi na nagkalas ang kanilang pagkakayakap. Sa saliw ng awitin ng PPM sa kanilang Reunion album ay naghalikan ang dalawa. Hindi na tulad ng dati. Hindi na ito HIRAM na mga sandali. Malaya na silang ipadama ang kanilang pag-ibig sa isa't isa.

Malamig ang simoy ng hangin... ilang oras na lang ay isisilang na ang sanggol sa sabsaban. Alay ng Dios sa sangkatauhan...

Sa loob ng silid-tulugan, magkayakap sina Rex at Junard. Pumailanlang sa hangin ang tinig ni Mary Travers...

Like the first time

Only better

We're a song that must be sung together

Like the first time

Only this time

It would be forever

In love....

--wakas--

postscript: Habang isinusulat ko ang kwentong ito ay hindi ko pa rin maisip na magbabago ang pananaw ko sa buhay. Madalas kong sabihin sa aking sarili na ang relasyong lalaki sa lalaki ay hanggang kama lamang, kumbaga ay nakasentro sa aspetong sekswal. Subalit sa mga nangyayaring bago sa aking buhay ay nagkakaroon na ako ng malinaw na idea that friendship if nurtured and cared for can develop and grow into love... I smiled...





Source: bioutloud.net

No comments:

Post a Comment