Wednesday, January 30, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 02

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt.2"
By. Iam Kenth


Kinakabahan parin ako sa maari niyang sabihin sa akin, kaya na sabihin niyang wag ko ng isipin iyong ginawa kong pagnakaw ng halik ay 'di parin mawawala sa aking isipan na nakagawa ako ng isang bagay na maaring ikasimula ng pagkasira ng aming pagkakaibigan, ng aming samahan.

Ang tanga, tanga ko!

Sinubukan kong pigilan ang aking nararamdaman, ngunit ang hiraphirap. Siguro, tama na din iyon. Sinakripisyo ko ang samahan namin para sa aking sariling kagustuhang ipaalam sa kaniya iyong nais kong iparating mula sa isang simpleng halik na iyon.

Pero matatawag ko bang simple iyon? Hindi pala simple, mapangahas na halik.


CRACKSSS!

Napatingin ako sa bintana dahil may nambato.

Sino naman kaya iyon?

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at sinilip.


"Ryan?" bulaslas ko, binuksan ko ang bintana, kagaya ng nakagawian namin, umaakyat siya at doon pumasok.

Dumaan siya sa puno, kumapit sa mga sanga at nagawang makapasok sa kwarto ko.

"Bakit hindi kapa nauwi?" Tanong ko, nakaupo siya sa edge ng bintana.

"Wala lang, bakit ayaw mo ba akong makita?" Tanong niya, bigla tumibok ng napakabilis ang aking puso.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

"Pasok ka sa loob." sabi ko.

Hinawakan niya ako sa braso bago pa ako makalayo.

"Kailan mo pa tinatago ang nararamdaman mo sa akin?" Tanong niya na nagpabilis lalo ng tibok ng puso ko.

Hindi na ako makatingin sa kaniya ng tuwid.

Iniiwas ko ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Saglit pa'y hinatak pa nya ako papalapit sa kaniya.

Sobrang lapit na nagdikit ang aming mga katawan, dama ko ang kaniyang hininga.

"Tinatanong kita, kailan mo pa tinatago yang nararamdaman mo sa akin?" Mahina niyang pagkakasabi.

"Hmm... Matagal na, hindi ko na matandaan ko kelan pa nagsimula, basta matagal na.." Yumuko ako tanda ng aking pagkahiya.

Inabot niya ang aking baba, at hnarap niya ang aking mukha sa kaniyang mukha. Napalunok ako habang pinagmamasdan niya ako.


"Bakit ganyan ka makatingin?" <--ako

"Bakit ngayon mo lang ipinaalam sa akin?" <---siya

"Bakit hindi mo ba naramdaman?" <--ako

"Bakit ngayon lang kung kailan aalis ka na?" <-- siya

"Bakit tatanggapin mo ba ako?" <-- ako

"Bakit hindi mo sinubukan noon pa?" <--siya

"Bakit may aasahan ba ako kung sasabihin ko noon?" <--ako

"Bakit hindi ka ba nagtitiwala sa akin?" <-- siya.

"Mahal kita." <--- ako.

Tumahimik siya.

"Gustong maramdaman yang sinasabi mo Myk, ayako ng naririnig ko lang mula sa labi mo." sabi niya.

"Anong gusto mong gawin ko?" Kinakabahan ako. Ginapang niya ang mga kamay niya sa braso ko, sa beywang ko at pinihit niya ako padikit sa katawan niya.

Pulgada ang layo ng aming mga labi. Halos nagdidikit ang aming mga ilong.

"Halikan mo ako ulit." Bulong niya.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko.

"Oo." Nakatingin siya sa akin.

Kinakabahan ako, mabilis tibok ng puso ko.

"Huwag kang kabahan..." Sabi niya.

Ginawa ko ang nais matagal ko ng nais, ang matikman ang kanyang labi.

Marahan kong inilapit ang labi ko habang ipinikit ko ang aking mga mata.

Ay muli, nadama ko ang kaniyang mga labi ng hindi nag-aalinlangan sa aking ginagawa.

Naramdaman ko nalang na sinisimulan na din niya akong halikan.


At naghiwalay ang aming mga labi. Lumayo ako sa kaniya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Hindi ko alam... bakit mo ginagawa sa akin ito?" Tanong ko.

"Dahil kaibigan kita."

"Pero hindi naghahalikan ang magkaibigan! Tapos parehas pa tayong lalaki." Sabi ko.

"Bakit ngayon mo lang iyan inaalam?"

Pumasok na siya at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko at muling mahigpit na inilapit akong muli sa kaniya.

"Huwag nating sayangin ang ilang araw na pananatili mo dito." Mabilis niya akong muling hinalikan, hindi na ako nakaapela pa, hindi na ako kumilos pa.

Matagal ko ng inaasam ang mga sandaling iyon.

Namulat nalang ako na magkatabi kami sa aking higaan habang nakayakap siya sa akin.

"Hanggang kailan ka sa Manila?" Tanong niya.

"Hanggang sa makatapos ako, pero babalik balik din naman ako dito." Nakahrap ako sa kaniya. At ganun din siya sa akin, hinihimas niya ang aking mukha.

"Dapat lang na bumalik ka, dahil nandito pa ako." Sabi niya.


Iniisip ko, tama ba itong ginagawa namin?

"Nalilito pa ako, ano nabang estado ng pagkakaibigan natin Ryan?" Tanong ko.

"Hmm.. hindi ko alam kung anong itatawag dito. Basta, masaya ako kung masaya ka na kasama ako. Parang noong mga bata pa tayo." Sabi niya.

"Ipangako mo na sa akin ka lang?"

Ngumiti siya. At nagsabing...

"Oo." Humalik siya sa labi ko. "..pero ipangako mo na babalik ka."


"Oo naman. Para sa iyo."

Lumapit ako sa kaniya at muli niya akong niyakap ng mahigpit.

No comments:

Post a Comment