Wednesday, January 30, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 04

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 4"
By. Iam Kenth

Ang unang araw ng pagkawalay ko kay Ryan ay hindi naging ganoon kadali, habang nasa barko ako ay tinatanaw ko ang napakalawak na karagatan, iniisip ko na ano na kayang ginagawa ni Ryan sa mga sandaling ito.

Kumain na ba siya? Nasaan siya ngayon? Anong tumatakbo sa kaniyang isipan sa mga sandaling ito? at kagaya ko, iniisip nia rin ba ako?

Sobrang layo ko na sa kaniya pero kahit gaano man kalayo namin sa isa't isa, pinanghahawakan ko iyong sinabi niya sa akin.

"Mahal kita Myk." Iyon ang patuloy na nagpapaulit ulit sa aking isipan na nagbibigay dahilan upang mapangiti ako kahit wala siya sa tabi ko.




Ilang araw na pamamalagi ko sa barko bago kami nakarating ng Manila.

Ibang iba iyon sa aking nakagisnang probinsya, nagtataasan ang mga gusali, maiingay na busina ng mga sasakyan, madaming tao sa daan, mausok na kapaligiran.

Mga bagay na wala sa kinalakihan ko, at sa mga sandaling ito... inisip ko na sana, kasama ko si Ryan, para naman makita nya rin ang KaMaynilaan. nasabi nya sa akin na nais niyang makarating dito, mga bata pa kami noon.

Gusto daw niyang dito makapagtrabaho, nais niyang maranasan ang buhay dito. Samantalang ako, sabi ko noon na mas nanaisin kong manatili sa probinsiya, pero... nagbaliktad kami eh, ako ang napunta dito at siya ang naiwan sa probinsya.


Unang gabi ko sa Manila, ay naMiss ko ang mga yakap ni Ryan, ang mga nakaw niyang halik. At tangin ang binigay niyang litrato lamang nya ang hawak ko sa tuwing matutulog ako sa gabi.

Hindi ko maiwasan na hindi maluha sa tuwing naalala ko siya.

Pero kinaya ko iyon.

Inisip ko na, dapat ibaleng ko ang sarili ko sa pag-aaral upang hindi ko mapansin ang araw.

Sinulatan ko siya.

"Ryan, kamusta kana? ako ito medyo naninibago pero okay lang naman. grabe dito sa Maynila, ang daming tao.. ang tataas ng mga building, pasensya na kung ngayon lang ako napakapagsulat sa iyo. hindi ko pa kasi alam ang kalakaran dito eh, pero huwag mong isiping hindi kita naalala. Miss na miss na kita, lagi akong umiiyak sa gabi tuwing naalala kita. Haha! ano bayan, naiiyak nanaman ako habang sinusulat ko to, miss na ksi talaga kita. Mahal na mahal po kita. Sana lagi kang mag-iingat diyan, at ganun din naman ako dito. Hindi na ako makpaghintay na makauwi diyan para makita kitang muli. mayakap at mahalikan.
basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita...

siya nga pala, madami na akong kakilala dito, may mga napuntahan narin akong mga lugar dito sa Manila. Nililibot ko na din, para kung saka-sakaling magpupunta ka dito, ako ang magiging tour guide mo.

Oy, basta lagi kang ma-iingat diyan. Tsaka asahan mo na may kasunod ang sulat ko na ito.

mahal na mahal kita Ryan Guilaran.

-Myk ♥

Ilang araw mula noong pnadala ko ang sulat na iyon ay nakatanggap ako ng sulat mula sa kaniya.

Nagmadali akong basahin iyon.

"Aking Myk, mabuti at nasabi mong okay ka diyan, okay lang din naman ako dito, ngayon pat nakatanggap ako ng sulat mula sa iyo, kung alam mo lang kunggaano mo ako pinasaya sa sulat mo, akala ko talaga kinalimutan mo na ako, ( may nakadrawing na naiyak ng mukha ). Naiyak naman ako bigla noong sinabi mong naiiyak ka, tahan ka na huh? kng nandiyan lang ako, pupunsan ko ang luha mo.

Mahal na mahal din kita, at totoo talaga iyon. Mag-iingat ka diyan huh?
sige, pagnakarating ako diyan, ipapasyal mo ako uh. pero sa totoo lang, sobra na din kitang namimiss eh, ang hirap hirap ng sitwasyon natin pero huwag kang mag-alala hinding hindi ko isusuko ang pagmamahal ko sa iyo, at alam ko namang ganun ka din sa akin, diba sabi mo mahal mo ako? Hehehe!

kung may problema ka diyan, sulatan mo lang ako, alam kong wala ako diyan para macomfort ka, pero asahan mong magpapadala din ako ng sulat sa iyo sa tuwing makakatanggap ako ng sulat galing sa iyo, kahit na malayo ang bayan dito sa atin, maglalakad ako para lang makapagpadala ng sulat sa iyo.


mahal na mahal kita Michael Bayquen, tandaan mo iyan, nakaukit yan sa puso ko.


-Ryan"

Gumuhit sa mukha ko ang magkahaong tuwa, galak, saya at lungkot.

Mula sa araw na iyon ay naging palagian ang pagsulat ko sa kaniya.

"....kamusta ka diyan? anong ginagwa mo??....."

"..okay naman ako dito... siya nga pala, iyong aso niyong si dugay nanganak na ulit...ang kukyut, alam kong mahilig ka sa tuta... humingi ako ng isa at pinangalanan kong.. Bokbok..."

"...araw araw kita namimiss... gabi gabi kitang iniisip kung alam mo lang... gusto na kitang makasama ulit... sabik na ako ulit sa iyo..."

".......kung alam mo lang kung gaano na ako nasasabik sa iyo...kaya nga, binabaling ko nalang ang sarili ko dito sa school... pero huwag kang mag-alala, ikaw lang sa puso ko..kaya dapat ako lang din diyan sa puso mo uh..."

".....oo naman, ikaw lang nag-iisa dito sa puso ko... mahal na mahal kita.. sobra..."


".......mahal na mahal din kita Myk...hihintayin ko pagbabalik mo dito...yayakapin kita ng mahigpit na mahigpit kapag nagkita tayong dalawa ulit..."


at marami pang sulat akong pinadala, at natanggap mula sa kanya..



at dumating ang araw ng bakasyon.. at ang araw ng aking pagbabalik sa probinsiya namin...


muli ay makikita ko na si Ryan, naging matagal ang di namin pagkikita at tnaging mga sulat lang namin ang nagiging tulay namin upang makapag-usap.


Habang nasa barko ako ay hindi na mawala sa labi ko ang ngiti at pag-asang masilayan muli si Ryan.


sabik na ako sa kaniyang mga yakap.


Mula sa kinatatayuan ko.. papalapit sa pantalan at nakita ko kaagad si Ryan.

Halos mapaluha ako, gusto ko ng tumalon sa tubig at yakapin siya..


ilang sandali nalang ay malalapitan ko na siyang muli...

No comments:

Post a Comment