By: James W
E-mail: james.wood86@yahoo.com
Blog: akosijamesw.blogspot.com
[06]
NAKARAAN...
Nagyaya si Nick na manood ng Concert
ni Regine sa Manila kaya pumunta kami sakay ng plane at umabsent narin kami sa
school. Nang matapos at makalabas sa area ay sinabi ni Nick na may pupuntahan
kami, sabay hawak sa kamay ko...
PAGPAPATULOY...
AKO: “Teka Nick, bakit ka ba
nagmamadali?”
NICK: “Basta.”
Hinatid kami ng Kotse sa isang lugar
na sobrang ganda. Para syang mini forest, dahil ang daming magagandang halaman
at maraming puno sa paligid, may man-made river and falls pa. Maliwalas ang
lugar at parang walang tao, parang kami lang ni Nick ang nasa lugar na iyon.
Pag dating namin sa maliit na tulay ay may naririnig akong tunog ng violin sa
may di kalayuan.
NICK: “Jakey pipiringan kita.”
AKO: “Bakit, anu bang ginagawa natin
dito?”
NICK: “Basta, trust me. ok.”
Na wiwirduhan na ako sa kanya, pero
pumayag nalang ako. Masaya naman lagi ang sopresa nya.
Piniringan nga nya ako, pagkatapos
nyang itali ang panyo sa mata ko at habang nasa likod ko sya ay nilagay pa nya
ang dalawa nyang kamay sa mata ko. Langhap na langhap ko naman ang katawan ni
Nick, kulang nalang ay yakapin na nya ako sa likod. Nararamdaman ko rin ang
hininga nya sa batok at kaliwang tenga ko. Mainit na parang kinakabahan dahil
sa buga ng hangin.
Ang heaven talaga ng feeling.
AKO: “Kailangan ba talagang hawakan mo
pa?”
NICK: “Oo syempre. Baka mamaya,
nandadaya ka.”
Lumakad na kami patawid sa tulay at
palakas ng palakas ang sound ng violin. Love songs ang naririnig ko at palakas
ng palakas ang kaba sa dibdib ko.
NICK: “Are you ready?”
AKO: “O-o-ok.”
Kinakabahan kong sagot, ramdam ko
parang alam ko natong setup na to.
Nang tanggalin ni Nick ang piring,
medyo Malabo sa una ang paningin ko pero ng lumilinaw na ay unti-unti kong
nakikita ang isang katamtamang mesa na may dalawang kandila at dalawang baso at
isang bote ng alak, color light blue ang cover ng mesa at ng silya, at maganda ang
preparation, medyo dim-lighted ang paligid at covered ng mga halamang maraming
bulaklak. May isang lalaking tumutugtog ng
violin pero ang nakagising ng aking damdamin ay ang sopresa ni Nick.
AKO: “Ano to?” Medyo nagtataka kong
sagot. Kahit nahuhulaan ko na ang nangyayari, dinner with candles at may
violin. Date ito. Date namin ni Nick. Bakit? Syempre me gusto sya sa akin.
Paano? Bakit? lalaki sya. Hindi sya bakla. Katulad ko rin ba sya? Kasi nag
prepare sya ng date para sa aming dalawa. May alam na ba sya sa akin? Sa
pagkatao ko? Kailan? Sinong nagsabi? Ang
daming tanong sa utak ko. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Nananaginip ba ako?
NICK: “Jakey please, maupo muna tayo.
Papaliwanag ko lahat.”
Hindi ko naririnig ang sinasabi nya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Blanko ang utak ko. Umupo ako sa
upuan. Bigla syang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako.
Napansin ko nalang umiiyak si Nick.
Hindi agad ako naka kilos dahil sa bilis ng pangyayari at dahil nagulat na din
ako ginawa nya.
AKO: “Nick, nick?” tinatawag ko
pangalan nya pero hindi ko sya ina-alis sa pagkakayakap.
AKO: “Nick magsalita ka anung ibig
sabihin nito?”
(From James wood: please pakinggan nyo
po ang kantang “How Can I Not Love You” by Joy Enriquez, while reading –available
in Youtube)
NICK: “I don’t know what I am going to
do, iniisip ko baka magalit ka, pero sumugal parin ako. Pero ayokong mawala ka
sa akin. Pero hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang nararamdaman ko, gabi
gabi pinapatay ako nito. Please Jakey, wag mo kong iiwan." Mahigpit parin
akong yakap at umiiyak.
AKO: “Bakit naman kita iiwanan?”
Humarap na siya sa akin at basang basa
ang mukha.
Sinabayan naman ito ng mamang nag
vi-violin ng kanta ni Joy Enriquez na “How Can I Not Love You”
Cannot touch
Cannot hold
Cannot be together
Cannot love
Cannot kiss
Cannot have each other
Must be strong,
And we must let go
Cannot say
What our hearts must know
How can I not love you
What do I tell my heart
When do I not want you
Here in my arms
NICK: “Since 2nd year in college until
now, I always looking for whatever chances just to be near to you. Laging
mahirap, lagi kang umiiwas, hindi ako namimiilit nang sinumang tao at yun ang
pagkakakilala ko sa sarili ko, but my heart tells me to do it to you, ang
pilitin maging malapit sayo. Anung magagawa ko? Ngayon na malapit ka na sa
akin, natatakot akong magtapat sayo dahil baka lumayo ka ulit pero lalo kong
na-realize kung gaano kita kamahal, the person I want to be with me in my
lifetime.”
NICK: “I’m madly inlove with you.”
Muntik na akong mahulog sa upuan ko.
NICK: “Please Jake don’t get mad at
me, Hindi ko lang talaga kayang itago pa sayo ang nararamdaman ko. Maaaring
habang buhay kong pagsisihan kong hindi ko paglalaban ang nararamdaman ko sayo.
Hindi ko na kaya Jakey. Everytime I see you, I really want to say how MUCH I LOVE YOU."
Puno ng pait ang kanyang mga salita.
Na-iiyak na rin ako. Damang-dama ko ang mga salita nya. Tagos hanggang Puso ko.
Nag-iinit ang mga mata ko. Namamasa na sa luha. Hindi ko akalaing may kasama
pala ako sa bawat gabi ng hinagpis ko, sa pagiging ganito ko. Hindi ko akalaing
sa isang taong ito ko makikita ang sarili ko. Itinatago ang bawal na
pagmamahal. Sinasarili kahit unti-unti sumasakal. May pumapatay na kalungkutan
. Dahil hindi mo magawang isiwalat. Na ang taong ito ang gusto kong alagaan at
mahalin. Ay bawal... Oo yun ang nasa isip ko bawal syang mahalin.
Masakit, ang sakit sakit. Lalo kong
naramdaman ang sakit. Dahil mahina ako. Dahil si Nick ang tapang nya. Kinaya
nya kahit hindi nya alam ang susunod na mangyayari sa ginawa nya. Pinaglaban
nya ako. Bakit hindi ko nagawa?
Wala naman siguro akong kasalanan kung
naging mahina ako.Baka may magagalit, may uusig, magsasalita ng “hindi maaari”, mga salitang humaharang sa
dalisay kong puso para ibigay sa isang tao ang pagmamahal na bawal.
NICK: “Jake forgive me...” Hagulhol
nya. Nakatungo lang ako. Kita nya umiiyak ako.
NICK: “Jake, kahit masakit... kaya
kong tanggapin na kakalimutan mo nalang ang pag-ibig ko, kesa lumayo ka sa akin
ng lubusan.” Hindi sya makapagsalita ng maayos sa pag-iyak. “Even it cause me a
million of pains. Tatanggapin ko ng buong-buo ang relasyon natin na hanggang
pagkakaibigan lang. Wag mo lang akong iwasan. Kahit yun lang po wag mo pong
ipagdadamot. Masayang masaya na ako doon.”
AKO: “Nick ako ang patawarin mo. Sorry
dahil mina-mahal din kita. Minahal kita ng patago, pero hindi ako kasing tapang
mo. Sorry kung hindi ko nagawang sabihin sayo, hindi ko pinaglaban ang
nararamdaman ko gaya ng pinakita mo ngayon. Wala akong lakas ng loob. Kung
mapapatawad mo ako buong puso kong ibibigay ang sarili ko sayo. (walang patid
ang mga luha namin)
Bigla nya ako hinalkan sa labi. Wala
kaming pakialam sa mga nakapaligid sa amin. Manhid ang mga utak at puso namin.
Lunod sa emosyon ang aming buong katawan.
Luha ng kasiyahan.
Nagyakap kami.
Ramdam ang bawat hibla ng balat. Ang
init ng katawan. Ang wagas na pagmamahalan.
KATAHIMIKAN...
Alas 12 ng hating gabi. Tapos na namin
ang dinner. Masaya ako. Sa puso. Ramdam ko ang kaligayahan nya. At dama ko ang
kaligayahan ko. Pareho kaming nakatingin sa isa’t isa. Tahimik na nakaupo.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
NICK: “Jakey, I love you.”
NICK: “I will not say a promise, but
If you let me be your boyfriend, pipilitin kong maging masaya ka.”
AKO: “Paano ang girlfriend mo?”
NICK: “Huh? Wala akong girlfriend.
Kelan ko sinabi sayong me girlfriend ako?”
Hindi nga pala nasagot ni Nick ang
tanong sa kanya nung nasa simbahan kami dahil sinaway kami nung isang ale dahil
sa maingay kami...
AKO: “Sino yung nakikita kong
kinakausap mong babae sa campus at hinahatid mo minsan gamit ang kotse mo?”
NICK: “Ah tinitignan mo pala ako ha...
hehehe , wala yun , best friend ni Angela. at friend ko rin yun. Alam nyang
ganito ako at madalas kitang ikwento sa kanya. So anung sagot mo Jakey”
AKO: “Hindi ko alam Nick. Hindi ko
tinatanggihan ang pag-ibig mo. Dahil mahal din kita. Pero napaka komplikado ng
sitwasyon. Nick nag-iisang anak ka. mayaman kayo. Paano pag nalaman ito ng mga
magulang mo. Lalong lalo na ni tito Roman at ni Gob. Baka magalit sila sa aming
pamilya. Wala kaming laban sa pamilya nyo.”
NICK: “Trust me. I know what I’m
doing. Pero hindi ko papayagan na mawala ka pa, ngayong alam kong mahal mo rin
pala ako. Accept my love please. Please. Please. Please.”
Tumango ako at ngumiti...
NICK: “What? hahaha... You do?
Okkkkkk. Let’s make this official, Jake Garcia, will you accept me as your
lawfully boyfriend on this day of _______?”
AKO: “Yes Nick Salvador, I accept you
to be my lawfully boyfriend today.”
NICK: “Yahuuuuuuuuuuuuuuuuu” tawanan
kami...
NICK: “Sa wakas hindi kana
mapopormahan ni Ken”
AKO: “Hahaha.” nagseselos.
NICK: “I love you so much.”
AKO: “Mahal na mahal din kita...”
Bigla nya akong niyakap at hinalkan
muli.
Gaya ng dati. Sinusundo parin kami ni
Nick. Nalaman ko kay Pau na sinabihan pala siya ni Nick ng nararamdaman nya
para sa akin nung nasa resort kami. At doon natuwa si Pau kay Nick dahil alam
ni Pau na sa wakas magiging maligaya na rin daw ako. Siya rin ang nagpalakas ng
loob kay Nick para sabihin sa akin ang nararamdaman niya. Although sinabi ni
Pau ang sexual references ko kay Nick, takot parin daw si Nick na sabihin sa
akin ang nararamdaman nya baka daw hindi ko magustuhan iyon dahil sa nakikita
ni Nick ay wala naman akong interes sa kanya dahil sa pagiwas ko noon.
Tumigil na din si Ken pagiging sweet
sa akin nang malamang magboyfriend na kami ni Nick. Hindi na sya nagbigay ng
motibo kahit sa text.
Kay Nick ko nalaman na alam ng buong
angkan nila na si Ken at Sya ay katulad ko. Kahit pala mga magulang nya ay alam
din at tanggap ito kaya nang malaman nila tita Glenda at tito Roman, sila pa
ang tuwang tuwa at gusto nilang tawagin ko nalang silang mommy at daddy.
Lumipas ang 1 taon at 4 na buwan at
dumating na ang aming graduation kasabay nito ang pagiging matatag ng relasyon
namin ni Nick...
Ang regalo ko kay Nick para sa
graduation ay Gold engagement ring na pinag-ipunan ko talaga. At ang regalo sa
akin ni Nick ay ang pagpunta namin sa Paris "The most romantic Place"
dahil yun daw ang sinabi ko sa kanya na pangarap kong marating, gustong isama
ni Nick ang nanay at si Linet pero hindi pumayag ang Nanay. Sa susunod nalang
daw. Si Linet ay may summer exam kaya hindi narin nakasama. Si Pau naman ay mag
sisimula na sa work nya kaya di rin nakasama.
Sa FRANCE...
Nakaupo kami sa isang bench at nasa
harap namin ang tanyag na Eiffel Tower, may fireworks at fountains, ang ganda
ng lugar. So romatic. Medyo malamig pa ang climate dahil March kami nag punta.
NICK: “Happy monthsary. I love you
Pa.” Oo Monthsary namin, nag-anniversary na nga kami. at “Pa” ang tawagan
namin, yun ang gusto ko dahil parang mag-asawa ang dating.
AKO: “Happy monthsary and I love you
so much Pa” Sabay abot ng regalo ko
NICK: “Wow. what’s this?”
AKO: “Open it.”
NICK: “Wow, wedding ring?”
AKO: “No, engagement ring palang po.”
NICK: “Nice. Its so wonderful sweetheart.” Kita sa mata nya ang kasiyahan.
sabay sinuot ko sa kamay nya ang sing-sing at sinuot naman nya sa kamay ko ang
sa akin. Then we kiss kahit maraming tao. liberated naman ang ibang
nationality.
Iba ang ligayang nadarama ko. Sana
hindi na matapos ang kasiyahang ito. Pagkatapos ng 2 araw ay marami pa kaming
pinuntahang lugar, at sa bawat litrato ay may ngiti, kulitan, tawanan, kainan,
talunan sa ere, lambingan, akbayan,
buhatan sa likod, akyatan sa bato, panakaw na halik sa noo , pisngi, labi,
balikat at kamay at marami pang iba.
Meron pa kaming 5 araw para sa isang
linggong bakasyon namin. Ito ang mga ala-alang hindi lang sa pictures namin
tinago kundi maging sa mga puso namin ni Nick ay hinding hindi ito mabubura.
SA HOTEL (ROOM)...
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na
ako ng banyo at umupo sa gilid ng kama para mag-cotton buds, habang si NICK
naman ay nag-uupload ng mga pictures namin sa FB.
NICK: “Pa.” may kasamang lambing.
AKO: “Bakit Pa?” maang-maangan kong
sagot.
NICK: “Yung matagal ko ng hinihingi,
sana ngayon na po iyon?”
Sa loob ng halos 2 taon ng aming
relasyon ni Nick at lagi nyang hinihiling sa akin kung pwede nya akong
maangkin. Pero lagi kong sinasabi sa kanya na hindi pa ako handa. Regular naman
ang aming pagtatalik pero intercourse na nga lang ang kulang. Nagkataon naman
kasing pareho kaming top ni Nick.
Pero ngayon gabing ito handa na ako.
AKO: “Oo”
NICK: “What did you said Pa?”
Panlalaki ng mata nya at bigla syang tumayo sa kama at yumakap sa likod ko.
AKO: “Wala hindi ko na uulitin, once
ko lang sasabihin”, pagbibiro ko
NICK: “Naman eh. I heard you said OO,
wala ng bawian yun” pagmamaktol nya habang nakapatong ang baba nya sa balikat
ko.
May malaking salamin sa gilid ng kama
at kita namin ang isat isa.
AKO: “Sinabi ko ba yun?” Biro ko ulit
NICK: “O wag mo ng babawiin, narinig
kita, rinig na rinig ko” Pagpapacute nya.
Bigla nya akong hinila sa kama, sa
laking tao ni Nick, kayang kaya nya akong buhatin anu mang oras, nagulat naman
ako sa bilis ng pangyayari, hanggang naramdaman ko nalang na nakahiga ako sa
ibabaw ni NICK at nakahiga sya sa kama at yakap yakap ako at dinidilaan ang
tenga ko, alam nya ang weakness ko, at yun ang pag-tongue sa tenga ko habang
mahigpit nyang hawak ang kamay ko na tipong kahit kiliting kiliti kana eh hindi
mo maigagalaw ang katawan mo, gusto ko rin naman ang ginagawa nya, kaya
hinayaan ko nalang... at nagsimula na nga ang foreplay...
Inihiga na nya ako sa kama at unti
unti na syang nagtanggal ng saplot hanggang boxer nalang ang maiwan, take note
di kami nag be brief dahil nakakaitim daw yun ng balat kaya lagi kaming naka
boxer. Tinanggal na rin nya ang suot ko at pinaligaya nya ako.
Nang hindi ko na kaya at malapit na
ako, saka sya tatayo at gagawin na namin ang lagi naming ginagawa.
Ang magpapatali sya sa dalawang kamay
ng panyo at itatali naman sa headboard ng kama. Yan ang fetish nya. Mas matikas
daw sya pag ganun ang ginagawa sa kanya. kaya sa ganoong posisyon ko naman sya
roromansahin.
Pag katapos nun ay makakaramdam narin
sya ng malapit na sya. at tatangalin ko na ang tali magyayakap na kami at
maghahalikan. Dati kinikiskis lang namin sa isa’t isa ay nag rerelease na kami,
pero ngayon alam ko, may ibang mangyayari.
At nangyari na nga, inangkin nya ako.
Masakit nga pala talaga. Hindi sya magkamayaw sa gagawin nya kasi napaiyak na
ako. Sorry sya ng sorry pero sabi ko sa kanya, wag na nyang tanggalin, tutal
naipasok na nya. At masaya nman akong ibigay ang gusto ng mahal ko.
Pero pagkatapos ng ilang minuto ay nag
release na rin sya sa loob ko. ang biro nya para daw mabuntis ako. Pag katapos
nun magtatawanan kami. syempre hindi pa ako tapos, kaya hindi sya pumapayag na
hindi ako makakarelease pag nag lolove making kami. Sya naman. hinahayaan nyang
nasa bibig nya hanggang sa mag release ako. Ang biro ko naman, para mabuntis ka
rin sa bibig. At tatawanan lang namin katatapos na init ng aming pagmamahalan.
NICK: “Mahal ko, salamat po sa binigay
mo sa akin ha. Sobra sobrang naapreciate ko yun. At buong buhay kong
pahahalagahan ang sacrifice mo, kasi alam ko ako ang una sayo.”
AKO: “Pa, Mahal na mahal din kita.
Ikaw ang magiging una at huli ko, ako para sayo at ikaw sa akin”
NICK: “Salamat Pa, kiss mo nga ako sa
lips.”
AKO : “Mwah”
NICK: “Sa nose”
AKO: “Mwah”
NICK: “Sa Chin”
AKO: “Mwah”
NICK: “Sa Chest ko”
At ginawa ko naman, at bigla nya akong
kinulong sa bisig nya at sinabing.
NICK: “Pa. Kailangan mangako tayo sa
isa’t isa na walang bibitaw sa pag-ibig natin.”
AKO: “Opo, pinapangako ko po”
NICK: “Ako din Pa, pinapangako ko din
po”
Lambingan sa isa’t isa hanggang sa
makatulog kaming dalawa...
Alas 11am na ako nagising... Natural
wala sya sa tabi ko, kahit anung pagod yang si Nick, laging alas 8am sya
nabangon, anu bang meron sa alas 8... wala naman daw, work out time nya daw
yun.Kaya pag nagising na ako, himalos, tooth brush at pinupuntahan ko na sya
para sabay na kaming mag bf(break fast).
Habang nag b-bf, biglang nagring ang
cellphone ko, tumatawag si Ken kay Nick.
Kita ko sa mga mata ni NICK ang
pagkagulat at tumingin sa akin... Kinabahan din ako, nang matapos ang overseas
call.
AKO: “Bakit daw?”
ITUTULOY...
[07]
NAKARAAN...
Kinbukasan matapos ang aming mainit na
pagniniig kagabi, ay pinuntahan ko na si Nick para makapag–bf na kami
(breakfast) pero nagulat kami sa pagtawag ni Ken.
Matapos ang overseas call ni Ken kay
Nick.
AKO: “Bakit daw?”
PAGPAPATULOY...
NICK: “Linet, your sister is in
Hospital, she’s in serious condition.”
AKO: “Ha? Paanong” Bigla akong
napaiyak.
Tumayo si Nick at nilapitan ako at
niyakap.
NICK: “Don’t worry Pa, I will re-sched
our flight para makaalis na tayo mamayang gabi.”
Wala na kaming inaaksayang oras, hindi
na ako makakain, tinawagan ko si Nanay, pero naka off ang cellphone nya, kahit
si Linet naka off din, si Pau naman hindi ko makontak, out of coverage sya. Anu
ba talagang nangyari. Si Nick na ang nag impake ng gamit namin dahil alam nyang
magulo na ang isip ko ng mga oras na yon. Kinagabihan ay naakalipad na rin kami
pauwi ng bansa.
Sa Davao City International Airport...
NICK: “Pa, tinawagan ako ni Ken, sya
daw maghahatid sa atin kung saang ospital dinala si Linet.”
AKO: “Talaga. Thank you Ken” Mahina
kong usal.
Hanggang ngayon hindi ko parin
makontak ang pamilya ko.
Dumating na nga si Ken kasunod ng
kotse nya ang kotse ni Nick na ang family driver nila ang nag drive.
Pag kababa ni Ken, ay pinababa nito
ang driver at pinalipat sa kotse nya. Sinabi nyang si Nick ang mag drive nang
kanyang sasakyan at sundan namin ni Nick ang sasakyan ni Ken para ituro kung
sa’ng ospital naroroon ang kapatid ko.
Paalis na kami ng biglang huminto
saglit ang sasakyan ni Ken at bumaba ulit si Ken at sinabi nya sa amin na mas
makakabuti kung ang driver nalang nila ang maghahatid sa akin sa ospital at
sila naman ni Nick ay maghahanap na ng gamot para sa operasyon ni Linet dahil
wala daw ganung gamot sa ospital na yun.
AKO: “Operasyon?” Bigla nalang pumatak
ang luha ko. Ang lakas lakas ni Linet nung umalis kami. bakit ganun?
NICK: “Ken, what operation are you
talking about?”
KEN: “Cuz, we don’t have time ok.
Let’s just do what i’ve said”
Wala na kaming nagawa ni Nick kundi
ang sumangayon sa sinasabi ni Ken, tutal malaki na ang nagagawa ni Ken, sya pa
siguro ang nagdala kay Linet sa ospital, pasalamat talaga ako at mababait ang
pamilya ni Nick.
Habang binabaybay namin ang daan,
napansin kong parang papunta kami sa aming bahay.
AKO: “Kuya, bakit po yata pauwi tayo
sa bahay namin?”
KUYA RONNEL (driver): “Pasensya na po,
ito po ang sabi ni Sir Ken sa akin, ihatid ko daw kayo sa inyo”
AKO: “Ha??? Diba pupunta tayo sa
ospital? Narinig mo naman ang sinabi nya kanina diba? Ihahatid mo ko sa
Ospital!!!” Na-iinis kong tugon sa driver.
KUYA RONNEL: “Naku Sir Jake, wag na po
kayong magalit sa akin, sumusunod lang ako sa utos”
AKO: “Kuya, malubha ang kapatid ko,
kailangan ko syang makita ngayon!”
KUYA RONNEL: “Yun na nga po ang
pinagtataka ko bakit nya sinabi sa inyong ihahatid ko kayo sa ospital, tapos
ang sabi naman sa akin ni Sir Ken ihatid ko kayo sa bahay nyo? Samantalang
kanina lang nagpahatid si Sir Ken dito sa bahay nyo para kausapin ang Nanay at
Kapatid nyo?”
AKO: “Wag mo nga akong biruin, ihatid
mo na ako sa ospital, wala na tayong oras”
KUYA RONNEL: “Sir, hindi ko po kayo
niloloko, patay ako kay Sir Nick kung gagawin ko yun, at wala tayong pupuntahang
ospital dahil nasa bahay talaga ang Nanay at Kapatid mo, kaya mas mabuting
dalhin kita sa bahay nyo para maniwala kang maayos ang kalagayan ng kapatid
nyo.”
AKO: “Haaa??? Ibig mong sabihin walang
problema kay Linet? Nasa bahay sila ni Nanay?”
KUYA RONNEL: “Opo.”
Napayakap ako kay Kuya Ronnel dahil sa
tuwa na walang problema kay Linet.
KUYA RONNEL: “Naku Sir, pasensya na
po, pero nagmamaneho ako.”
AKO: “Ay sorry kuya, natuwa lang ako.
Pero teka bakit nagsinungaling si Ken?”
Nagkibit balikat nalang si Kuya
Ronnel, tinawagan ko agad si Nanay, sumagot naman sya at nag taka sya kung
bakit ako nasa Davao, dahil ang alam nya na sa isang linggo pa ang uwi namin ni
Nick, sinabi ko nalang na papaliwanag ko nalang pag nakarating na ako sa bahay.
Kinausap ko din si Linet kinamusta ko ito at sinabing kahit anung mangyari wag
nyang kakalimutang mahal na mahal ko sya. Sinabi nalang nya sa akin na ang
weird ko daw. Dahil hindi nya alam ang nararamdaman ko ngayon.
Nang makarating kami ng bahay ay
nagpasalamat agad ako kay kuya Ronnel at dali-daling pumasok ng bahay para
tignan ang aking pamilya. Lalo na si Linet.
Bagamat naguluhan sila sa reaksyon ko
nung una. Naliwanagan naman sila nung ma-ikwento ko sa kanila ang
kasinungalingang ginawa ni Ken sa amin ni Nick.
Bigla kong naalala si Nick. Tinawagan
ko agad si Nick. Nagri-ring pero hindi nasagot. Pati sila nanay nag – aalala
dahil anak na talaga ang turing nya kay Nick mula ng maging kami ang mag
boyfriend. Bagamat ayaw ni Nanay na maging ganito ako, pero naisip nya na kung
si Nick din lang ang magiging anak nya ay papayag na sya.
AKO: “Nay bakit hindi ko kayo
matawagan nung nandun pa kami sa FRANCE?”
NANAY: “Ha? Paano nangyari yun? Laging bukas ang cellphone ko? Diba tumawag
ka lang nung isang araw at kahapon?”
AKO: “Hindi Nay kanina tumawag din ako
para i check kung anu nang kalagayan ni Linet pati yung kay Linet nakapatay
din”
Linet: “Ha? Ahhh. Alam ko na Nay, Kuya
ganito yun, pumunta si Kuya Ken dito sa bahay, nangamusta sya may dala pa ngang
pasalubong. Tapos maya-maya sinabi nyang magkakaroon daw ng electronic problems
ang mga cellphone kaya kailangan naming patayin ni Nanay ng buong araw ang
cellphone namin, naniwala naman kami, tapos kani-kanina lang bago ka dumating,
bumisita si Issa dito sa bahay,nag dala ng banana cue, tapos nagulat kami ni
Nanay biglang nagring ang phone nya, tapos nakikipag-usap siya dun sa tao sa
kabilang linya. Nalaman namin nanay na wala namang palang problema at niloko
lang kami ni Kuya Ken. Dahil kanina pa daw umaga nakabukas ang linya ni Issa.
NANAY: “Anak seryoso nayan, una niloko
nya kami, tapos ikaw kaya bigla kayong napa uwi ni Nick dito sa Pinas.”
Doon ko napagtagpi tagpi ang lahat.
Planado ang mga bagay bagay, Sinandya nya to para di ko matawagan sina Nanay,
at habang daan namin ni Kuya Ronnel papunta sa bahay, ay sya naman sigurong
dating ni Issa sa bahay kaya nakontak ko sila. Yung pag-bili ng gamot ni Ken at
Nick ay pakana lang ni Ken. Pero bakit hindi nasagot si Nick? Nag aalala na ako.
AKO: “Nay baka napaano na si Nick ko.”
Umiiyak na ako.
NANAY: “Anak tama na.” Pag hagod ni
Nanay sa likod ko “Walang mangyayari sa anak kong iyon, mabait na bata yun at
sigurado akong gagabayan sya ng maykapal”
Tumango nalang ako. Pero hindi ko pa
rin maiwasang mag-alala. Tinawagan ko ang mommy Glenda at tinanong ko kung nasa
bahay si Nick, maging si mommy ay nagulat nang malamang nasa bansa na kami at
hindi ko kasama ang anak nya.
Sinabi kong kasama ni Nick si Ken.
Sinabihan narin akong sila na ang bahalang maghanap sa dalawa. Mga ilang oras
din ang nakakalipas hindi ako makatulog, panay tawag ko sa Cellphone ni Nick
hanggang makareceive ako ng caller sa ibang line.
Ang mommy Glenda...
AKO: “Hello mom.”
MRS. SALVADOR: “Iho, nandito kami sa
ospital, dalawin mo si Nick.” Umiiyak nyang tugon.
AKO: “Ha??? Anu pong nangyari kay
Nick?” Bigla nalang sumikip ang dibdib ko
MRS. SALVADOR: “Car Accident,
natagpuan ang kotse ni Ken na nakasalampak sa malaking puno”
AKO: “Sige mom papunta na ako dyan,
san po kayo naroon?”
MRS. SALVADOR: “Pinasundo na kita iho,
intayin mo si Jerry yung driver ko, parating na sya”
Nang makarating ako sa ospital agad
kong nakita si mommy at umiiyak sa balikat ni daddy Roman. Nang makita ako ay
agad itong yumakap sa akin. Di ko na napigilan ang umiyak.
AKO: “Nasan po siya?”
MR. SALVADOR: “Anak nasa operating
room pa. Hinhintay pa naming lumabas ang doctor” Alam ko pinipigilan lang ni
dad ang umiyak pero kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan.
Bigla akong nanlambot. Iba pala pag
pinapanood mo lang sa tv or sinehan ang tagpong ito. Parang wala lang. Pero pag
ikaw na ang naroroon, halos himatayin ka sa kakaisip kung anu na ang kalagayan
ng minamahal mo. Basang basa na ako ng luha nang maalala ko kung bakit ba
nangyari ito.
AKO: “Nasan po si Ken? Gusto kong
malaman kung anu talaga ang nangyari” Pero tagos sa utak ko na sya ang may
kasalanan ng lahat kahit hindi ko pa alam ang tunay na naganap.
MR. SALVADOR: “Nasa Room 23, ikaw
nalang pumunta iho, baka kung ano pa ang magawa ko sa taong iyon” Pagalit na
turan ni daddy.
Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan
ni Ken, nakahiga ito sa kama, may dextrose nakatalikod ito at mukhang ayaw
humarap sa mga tao.
AKO: “KEN, anung ginawa mo kay NICK”
Pasigaw kong sabi kahit nandoon Mama nya na umiiyak din.
Biglang humarap si Ken nang marinig
ang boses ko.
MRS. NATIVIDAD: “Jake iho, hayaan mo
muna syang makapagpagaling”
KEN: “Ma, ok lang po. Kailangan kong
magpaliwanag kay Jake. Ma pweding iwanan mo muna kami?”
At umalis pasumandali si Tita Sonia.
KEN: “Jake, Sorry, kasalanan ko, nag
sinungaling ako sayo. Kaya ko lang naman nagawa yun dahil baliw na baliw na ako
sayo. Ang tagal kong tiniis, kung paano kita makakalimutan. Pero hindi ko
magawa Jake. Patawarin mo ko.”
AKO:
“Ken tinatanong kita anung ginawa mo kay NICK!!!”
(Base sa kwento sa akin ni KEN)...
Nag-aaway na sina Nick at Ken sa
kotse. Balak dalhin ni Ken si Nick sa isang lugar na walang nakakakilala sa
kanya. Itago ito dahil.
KEN: “Mahal na mahal ko sya... Hindi
ko na kaya ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa tuwing nababalitan ko kayong
magkasama, hindi ito kinakaya ng isip ko, ako ang unang nanligaw sa kanya, pero
anung ginawa mo Nick, sinulot mo sya, wala kang kwentang pinsan, pati ako
tinalo mo!”
NICK: “Are you out of your mind Ken,
Ihinto mo sabi ang kotse, baka mabangga tayo ang bilis mong magpatakbo!!!”
Sigaw ni Nick
KEN: “Hanggang kailan mo ba ako
lalamangan, mula sa pamilya, kay tito, kay lola, pati ba naman kay Jake!!!”
Sigaw ni Ken
NICK: “Mas una ko syang minahal Ken
tandaan mo, hindi mo sya makikilala kung hindi ko sya dinala nung birthday ni
Grandma!” Sigaw ni Nick ulit, “Kaya ihinto mo na ang kotse!”
KEN: “No, Not unless I place you to
where you belong...”
Nagsuntukan na sila at nag-agawan ng
manibela.
Hanggang sa iniwasan ni Ken ang
kasalubong na sasakyan. Kaya bumangga sa puno ang kotse at nabasag ang unahang
salamin ng sasakyan. Na kinasanhi ng pagkakaroon ng maliit na hiwa sa ulo ni
Nick, nawalan din ng malay si Ken dahil
sa lakas ng impact ng sasakyan.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Nanghihina akong lumayo sa kama ni
Ken, hindi ko maisip na ang taong lubos kong ina-aalagaan at pinaka-iingatan ay
maaksidente lang nang ganun kabilis. Walang patid ang luha ko, palabas na ako
ng kwarto pero tinatawag ako ni ken, pero hindi ko masyadong marinig ang boses
nya dahil nababalot ng sakit ang buong puso ko. Biglang lumitaw sa aking
harapan si Pau, hinihingal. Halatang hinahanap ako.
PAULO: “Best, nabalitaan ko kina tita
ang nangyari kaya pumunta agad ako dito sa ospital, nakita ko si Tita Glenda
pinapasundo ka nya sa akin, nakalabas na raw ng operating room si Nick.”
Dali dali akong naglakad pabalik sa
kinaroroonan nina mommy Glenda, habol naman sa akin si Pau.
PAULO: “Best hindi dyan, dito alam ko
ang room ni Nick”
Inakay na ako ni Pau, halata nyang
wala na ako sa katinuan. Wala paring patid ang luha ko.
Nang makarating namin ang pintuan ng
kwarto ay malaking kaba ang naramdaman ko, parang di ko kakayanin ang
ma-aabutan ko sa loob ng kwartong iyon.
Pero dahil inalalayan ako ni Pau ay
binuksan ko narin ang pinto.
Halos mapaupo ako sa sahig ng makita
ang kalagayan ni Nick, puro makina ang nakakabit sa katawan nya. Hindi ko halos
makilala ang lalaking pinakamamahal ko. Para syang lantang gulay sa ibabaw ng
kama, ibang-iba. Kanina lang 6 na oras ang nakakaraan, ang lakas lakas pa nya.
Ngayon halos kapusin sya ng hininga kung walang tulong ng makina sa tabi nya.
Maging ang heartbeat sa monitor sobrang bagal. Balot ng bandage ang ulo nya at
puro tapal ng kung anu anung aparato ang dibdib at braso nya. Dahan-dahan akong
lumapit kay Nick. Kahit hindi ko sya kayang pag masdan sa ganuong kalagayan.
Pinipilit ko paring magpakatatag dahil kailangang naroon ako sa tabi nya.
AKO: “Mo-mmmy, A-aa-ano d-aw ang
sa-bi ng d-doktor” Halos hindi ko
magawang magsalita sa iyak, hikbi at kirot. Nakapikit na ang mata ko sa
kakaiyak.
Si Pau, umiiyak narin pati si Daddy.
Hawak-hawak ni Mommy ang kamay ng minamahal nyang anak. at hindi nilalayo sa
mukha nito.
MRS. SALVADOR: “Fi-fifty percent daw
ang chances... huhuhu...” hagulhol ng nanay ni Nick. “Hindi daw alam kung
kakayanin nya ang kalagayan nya ngayon. Himala nalang daw kung maka survive sya
pagkatapos ng 2 araw. Kung makasurvive man daw sya comatose daw ang
kalalabasan” At umiyak na ng umiyak si mommy glenda.
Para akong sinasampal-sampal,
sinusuntok sa mukha o di kaya ay para akong hinihiwa ng itak sa dibdib. Hindi
ko na kinakaya ang naririnig ko hanggang sa magdilim ang paningin ko.
Pagmulat ng mata ko, nasa isang kwarto ako.
Nakahiga ako sa kama. Bigla kong naalala si NICK. Muli na namang tumulo ang
luha ko. Bigla akong bumangon, nagising si Pau, nakatulog pala sya sa tabi ko.
Binantayan pala nya ako.
PAU: “O Best? Ok kana ba hinimatay ka
kanina, San ka pupunta?”
AKO: “Kailangan ko puntahan si Nick”
PAU: “Best, sure ka? ok ka na? Baka
himatayin ka na naman? Wag kang magmadali, nasa kabilang kwarto lang naman si
Nick, binabantayan ni Tito Roman at ni Kiko”
AKO: “Best sabihin mo nga sa akin,
paano ako magiging ok ha? Hindi ako MAGIGING OK HANGGA’T HINDI SYA OK
,naintindihan mo ba yun?” pagdidiin ko ng mga salita at pagsigaw sa kanya.
Biglang napaluha si Pau.
PAU: “Best hindi lang naman ikaw ang
nasasaktan, kahit ako naman, mahalaga sa akin si Nick dahil sya ang nagpapasaya
sayo. Best mahal na mahal kita alam mo yan. Gusto ko lang malaman mo na
nag-aalala na ako sa kalagayan mo, kanina kapa iyak ng iyak at ang hindi ko
kinaya ay nang makita kitang mawalan ng malay. Simula ng mga bata pa tayo
ina-aalagaan na kita, dahil ikaw lang ang kapatid ko, Best wag kang mag-alala
hindi kita iiwan lalo sa ganitong pagkakataon.”
Natauhan ako sa ginawa ko, unang beses
kong sinigawan ang Best Friend ng buhay ko.
Nilapitan ko sya at niyakap.
AKO: “Best, sorry ha. Unawain mo
nalang ang dinadanas ko ngayon at maraming maraming salamat sayo.”
Hinarap nya ako. Tinignan nya ako sa
mata.
PAULO: “Ilabas mo yan sa akin.
kausapin mo ako. wag mong kimkimin yan sa sarili mo. Alam ko ngayon mo ko
kailangan, magdamayan tayo. Gusto kong gumaan ang pakiramdam mo.”
AKO : “Best, Wala ng mas sasakit
pa...pag... pag... ang kaagaw mo sa minamahal mo ay ang kamatayan” pagluha
ko (Sobrang pait ng nararamdaman ko...)
“di bale nang agawin sya sa akin ng ibang tao. Basta malaman ko na nabubuhay
sya at kita ko ang kanyang kasiyahan, atleast nakikita ko sya. (pinipilit kong
ngumiti, habang umiiyak) pero hindi ganun Best, ngayon hindi ganun ang
nangyayari. Unti-unti akong nanghihina tuwing ipapa-alala ng ospital na ito ang
kalagayan ni Nick. Hindi ko lubos maisip na maaaring mawala si Nick pagkatapos
ng 2 araw.” (kandabulol kong pagsasalita dahil sa pagiyak.) “Best ni hindi nya ako nagawang lokohin, mahal na
mahal nya ako, kasalo ko sya sa hirap at saya, lagi kaming magkasama, kulang
ang araw ko pag hindi ko sya nakikita, anu nalang ang mangyayari sa bawat
Segundo ng buhay ko kung hindi ko na sya makakasama.”
PAULO: “Best, magpakatatag ka sa kung
anuman ang mangyari, hindi ko papagaanin ang loob mo sa pag-sasabing hindi sya
mawawala, kundi gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa kahit anung posibleng
mangyari, haharapin mo ito ng buong tapang... Kung mawala man sya (lumuluhang
tugon ni Pau) alam naman natin kung sino ang nasa puso nya, ikaw yun Best.”
AKO: “Best kahit kelan lagi kang nandyan sa
tabi ko. Noong mga bata tayo, pag may kalaro tayong nang-aaway sa akin o
inagawan ako ng laruan, kukunin mo ito at ibabalik sa akin para mawala ang
sakit ng nararamdaman ko. Para, Para tumahan ako.Pero bakit ganun Best, kahit
naiintindihan ko ang sinasabi mo at pinapalakas mo ako, hindi ko alam kung saan
ako huhugot ng lakas para harapin ito. Sana best katulad din ito nung mga bata
tayo, ganun parin sana kadaling alisin ang hapdi at sakit. Pero hindi ko kaya.
Sobrang hirap na. pagod na ako.”
Pumunta muna ako sa maliit ng kapilya
ng ospital at mag-isang inilabas sa KANYA ang aking kahilingan.
AKO: “Wag NYO po syang kunin, parang
awa NYO na. Sya po ang kaligayahan ko. Ang hininga ko at ang pangarap ko. Hindi
ko po alam kung saan ako pupunta, KAYO nalang po ang naiisip kong
pinakamakakatulong sa akin ngayon, pero kung yun po talaga ang dapat mangyari,
sana po bawasan nyo naman ang hapdi dito” sabay turo sa puso ko.
Biglang may kamay na pumatong sa
balikat ko.
Ang nanay. Niyakap nya ako. Lumabas
ang lahat ng sakit. Umiyak ako sa balikat ni Nanay.
AKO: “Nay si Nick nay, baka dalawang
araw nalang daw sya Nay. Anung gagawin ko?”
NANAY: “Anak nasasaktan ako pag
nakikita kang ganyan, kung ako ngang isang ina, nasasaktan pag nakikita kitang
nahihirapan. Lalo pa SYA, ang Diyos. Mas nababasa nya ang nilalaman ng puso mo.
Mas lalo nyang nauunawaan dahil kitang kita nya lalo ang pagdurusa mo. At
walang ibang mas nagmamahal sayo nang higit sa pagmamahal ko, kundi SYA, dahil
SYA ang nagbigay ng mabuting anak sa amin ng itay mo at ikaw iyon. Kaya
naniniwala akong pinapakinggan ka NYA, ang mga dalangin mo dahil isa kang mabuting bata pati na din ang mga
pinagdarasal mo sa KANYA. Pero anak anuman ang mangyari, hindi man matupad ang
gusto mo, wag mo SYANG sisisihin dahil mas alam NYA ang ginagawa NYA. Wag mo
ring kakalimutan, Mahal na mahal ka ng Nanay”
Nauunawaan ko ang sinabi ni Nanay.
Gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.
KATAHIMIKAN...
NANAY: “Kumain ka na ba anak?”
AKO: “Wala po akong gana”
NANAY: “Anak alam kong wala kang gana,
pero kailangan mong piliting kumain para lumakas ka, pag nagkasakit ka at
magising si Nick, paano mo sya babatiin?”
Napaisip ako at tama si Nanay. Kaya
napilit na rin ako ni Nanay na kumain. Binalikan ko si Nick. Wala paring malay.
Kami na ni mommy Glenda ang nagbantay magdamag.
Kinabukasan, pangalawang araw maaga
akong nagising. Nakatitig lang ako sa monitor ng heart beat ni Nick at lagi
akong nakatingin sa mukha ng pinakamamahal kong lalaki. Habang matamlay akong
nakatingin kay Nick, nagising si mommy..
MRS. SALVADOR: “Good morning Iho.”
sabay beso sa akin.
AKO: “Good morning Mom” Sabay ng
simpleng ngiti, bilang pag-galang , dahil sa mga oras na iyon ay hindi ako
makaramdam ng kasiyahan kung alam mong oras nalang ang binibilang ng lalaking
mahal mo.
Biglang pumasok sa pinto si Tito Roman
at si Governor Salvador, bigla naman akong tumayo sa upuan bilang paggalang.
Alam na rin ni Gov ang relasyon ng pamangkin nya.
AKO: “Good morning, Dad, Good morning
Tito.”
Gov. SALVADOR: “Good morning Iho”
sabay yakap sa akin...
Gov. SALVADOR: “Kumusta Glenda?, I
know you’re not ok, pero everything will be fine dear sister” Wika ng Gobernor
sa sister in law nya.
MRS. SALVADOR: “Salamat kuya, kahit
sobrang busy mo, nabigyan mo parin ng oras si Nick”
Gov. SALVADOR: “Iho umupo ka na ulit
dito, mas kailangan ka ni Nick ngayon. Gusto ko lang makita ang pamangkin ko.”
Naiiyak na wika ng gobernor.
Pag katapos nang 2 oras na kwentuhan
ng mga magkakamag-anak ay nagpaalam na rin ang Gobernor bagamat mabigat sa loob
ang pag-alis ay pinilit narin sya ni Daddy Roman dahil may kailangan pa itong
gawin para sa bayan.
Mamaya naman ay tumawag na ulit ang
mga magulang ni dad from Australia at kinakamusta kung gising naba si Nick...
Nilagay ni dad sa Loud Speaker ang
phone para marinig ni Nick ang boses ng Lolo at lola nya.
Pagpapahayag ng di matutumbasang
pagmamahal ang sinawika ng dalawang matandang mag-asawa para sa paboritong apo.
Sinasabi nila na gumising na ito at magpagaling dahil nakahanda na ang bahay na
pinagawa ng dalawang matanda para sa amin ni Nick. Yun ang matagal na hinihingi
ni Nick sa mga lolo at lola nya.
Syempre bumuhos ang luha sa loob sa
kwarto. Baradong barado na ang ilong ko at masakit na ang mata ko sa kakaiyak.
Dahil si Nick, nanatiling walang malay. Natapos ang salita ng lolo at lola ni
Nick nang binigay sa akin ni dad ang phone, gusto daw akong kausapin ng
mag-asawa.
Sinabi lang nila sa akin ang kanilang
lubos na pasasalamat sa walang sawang pag-aaruga ko sa apo nila, malaki daw ang
utang na loob nila sa akin sa kasiyahan na-idulot ko kay Nick at hanggang
ngayon ay ito parin ako at ginagawa ang mga bagay na dapat ay ginagawa din nila
sa apo nila, pero hindi talaga sila makauwi ng bansa.
Mag-aalas 6 na nang gabi ng biglang
mag-beep ang heart beat monitor dahil hindi nito maramdaman ang pulso ni Nick.
Nataranta na kami nang mommy at
pinatawag agad namin ang doktor. Kita kong lalong hinigpitan ni tita ang
paghawak sa kamay ni Nick at sinasabing wag kaming iiwan habang lumuluha ang
sugatang Ina. Samantalang sinasatinig ko naman ang mapapait na katagang “parang
awa mo na “Pa” di ko kayang mawala ka.
Wag kang bibitaw sa pangako mo.” Nang biglang
dumating ang kanyang doktor at pinakisuyuan kaming lumayo muna para bigyan sya
ng “cardiac arrest”. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat, ang wala kang
magawa. Nakatingin ka lang habang unti-unting kinukuha ng kamatayan ang
itinuring mo nang karugtong ng iyong buhay, parang pati ako ay namamatay sa
sakit na aking nakikita. Parang tubig lang na umaagos ang luha ko sa aking mga
mata. Ang luha ang katulong ko ng mga oras na iyon na ilabas ang napakabigat na
dinadala ng aking dibdib.
Dr. Rosales: “One, two, three,
4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15, Nurse two rescue breath”
Nurse: “Yes Doc”
Paulit ulit iyon, hanggang ginamitan
na nila ng defibrillator (makinang nagbibigay ng tamang dosage ng electrical
energy para sa pag buhay sa puso)
AKO: “Panginoon ko, tulungan mo si
Nick, bigyan mo pa sya ng kaunting panahon, hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi
pa ako handa. Kahit konting panahon lang po. Hindi pa ako nakakapag-paalam sa
kanya” Mahinang usal ko...
Paulit ulit, nalalamog na ang katawan
ni Nick, hanggang sa i deklara ng doktor na itigil na.
ITUTULOY...
[08]
NAKARAAN:
Mag aalas 6 na nang gabi ng biglang
mag beep ang heart beat monitor dahil hindi nito maramdaman ang pulso ni Nick.
Nataranta na kami nang mommy at pinatawag agad namin ang doctor.
Binigyan si Nick ng CPR at paulit ulit
iyon, hanggang ginamitan na nila ng defibrillator. Paulit ulit, nalalamog na
ang katawan ni Nick, hanggang sa i deklara ng doktor na itigil na.
PAGPAPATULOY...
AKO: “Dok” Biglang lapit ko “Parang
awa nyo na, isa pa, isa pa po. Isipin nyo nalang anak nyo ang gusto nyong
buhayin, sige na Dok. Sige na po...” Nagmamakaawa kong hiling sa kanya.
Dr. Rosales: “Nurse, another counts”
Nagkaroon kahit papaano ng konting pag-asa sa puso ko.
At inulit nga nila ang ginagawa
kanina. Pagkatapos ng pangatlong defibrillation ay saktong kitang kita ko sa
malaking monitor ang pag buga ng pulso ni Nick.Napangiti ang lahat, si mommy,
si daddy, Si Dr. Rosales at ang mga Nurse. Lumundag ang puso ko sa tuwa at noon
ko ulit naramdaman ang kasiyahan matapos
ang ilang araw na kalungkutan.
Napayakap sa akin ang mga magulang ni
Nick at sabay sabay pa kaming nagpasalamat sa Maykapal.Pero hindi parin lubusan
ang kasiyahan sa akin, dahil kahit alam kong napagtagumpayan ni Nick ang
dalawang araw ng sinabi ng Doctor ay mauuwi naman ito sa comatose. Maaring
magising si Nick nang hindi nakakagalaw o nakakapag salita o di kaya ay matulog
ito na buhay ang sistema ng katawan.
Nang maayos na lahat ay dumating naman
si Pau, sinabi nya sa akin na gusto akong makausap ni Ken. Nagpaalam lang ako
sa mga magulang ni Nick at ginawaran ko lang si Nick ng halik sa Noo at labi
sabay patak ng aking luha at nagpaalam muna pansamantala.
Sinabihan narin ako nina mommy na
kumain na dahil hindi pa nga daw ako nag hahapunan. Sinabihan ko na sila na
sabay-sabay nalang kami dahil madali
lang naman akong babalik.
SA KWARTO NI KEN...
KEN: “Jake, patawarin mo na ako. Hindi
na ako pinapatulog na konsensya ko. Pinagsisihan ko nang malaki ang nagawa ko
sa pinsan ko.”
Tumayo si Ken mula sa kama at lumapit
sa akin at tinignan ako ng mata sa mata, anyong nagmamakaawa at akmang luluhod.
KEN: “Kung kailangang gawin ko ito
Jake para lang mapatawad mo ko”
Natauhan ako at mabuti nalang at
nahawakan ko ang braso nya para hindi matuloy ang gagawing pagluhod.
AKO: “Anu bang ginagawa mo. Sinabi ko
bang lumuhod ka? Ken kahit gaano kalaking kasalanan at pasakit ang ginawa mo sa
amin ni Nick, hindi naman maibabalik ng galit ko sayo ang kagalingan ng
kasintahan ko. Kaya pinapatawad na kita.”
KEN: “Talaga Jake? Pinapatawad mo na ako?”
Napayakap sya sa akin sabay umiyak...
Naisip kong dapat maging bukas sa puso
ko ang pagpapatawad at upang mabawasan narin ang dinadalang bigat ng nasa
dibdib ko. Niyakap ko na rin sya tanda ng lubusang pagpapatawad.
KEN: “Jake, hindi ako nagkamali na
ikaw ang minahal ko, sobrang buti ng kalooban mo, ginawa ko lang na mali ang
paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sayo at lubos kong pinagsisihan iyon. Kahit
mahirap, magpapakalayo-layo ako para maipangakong hindi ko na uulitin ang
ginawa ko. Sa malayo nalang kita mamahalin. Sige Jake... Inaantay kana siguro
ni Nick...” Nasa mga luha nya nakatatak ang sensiridad ng kanyang sinasabi.
Bagaman wala akong nararamdaman para
kay Ken, nakaramdam naman ako ng awa sa kanya kaya bago pa ako mapaiyak ay
tumalikod na ako at umalis papunta sa kwarto.
Nang makita ko sina mommy ay
naghapunan na kami sa loob ng kwarto ni Nick. Pero wala talga akong gana, hindi
ko talaga magawang kumain ng maayos.
Lumipas ang isang linggo.
ANG KASALUKUYAN... (karugtong ng unang
kabanata)
Iyon ang mga kabanata ng buhay namin
ni Nick, kung saan kami nagsimula hanggang sa dumating kami sa yugtong ito.
Ngayon
isang linggo na buhat ng malagpasan ni Nick ang pagsubok sa kanya. Pero
hindi parin sya nagkakamalay. Nakaupo kami ni Pau sa isang tahimik at malamig
na pasilyo. Gabi gabi nya akong sinasamahan, Isang linggo na rin akong walang
tamang tulog. Ang puso ko. Ayaw pa nyang sumuko. Ramdam ko parin ang hinagpis
nito. Hanggang kailan kita iintayin...
Pero nagpapakatatag ako. Dahil ito ang
sumpaan namin ni NICK. Ang hindi nya ako iiwan.
PAULO: “Best sobra sobra na ang
ginagawa mo sa sarili mo. Magpahinga ka naman kahit konti.”
AKO: “Hindi naman ako napapagod Best.
Kaya ko naman ang sarili ko”
PAULO: “Best kahit na. Alam ko kaya
mo. Pero alam ko rin na pagod na yang puso mo kaya kahit konti. Isipin mo naman
ang sarili mo. Kahit konti ipahinga mo muna ang isip mo.”
AKO: “Salamat Best. Lagi mo kong
inaalagaan. Miss na miss ko na siya.”
PAULO: “Best, sige na umuwi ka muna.
Ako na ang bahalang magbantay ngayon. Pahinga ka naman. Ibang iba na itsura mo
oh, kamukha mo na si Kokey?”
AKO: “Bakit? Sino ba yung kokey na
yun? Bago mong kaibigan?” Seryoso kong tanong sa kanya.
PAULO: “Hahahaha” Hagalpak ni Pau
“Hindi mo kilala si Kokey? Hehehe. Alien yun sa TV. Sikat yun” Tawa parin sya
ng tawa, napatangiti na rin ako. “Si kokey lang pala ang makakapag pangiti
sayo.” wika ni Pau. “Sige na pahinga ka muna sa bahay niyo. Malay mo bukas
gising na si Nick, kailangan gwapo ka”
AKO: “Hehehe..”
PAULO: “Mamaya hindi ka makilala nun.
Sige ka. Antagal mo syang inantay tapos madidisappoint lang sya sa itsura mo.
Hahaha...”
AKO: “Best naman eh. Puro ka
kalokohan. Alam mo kahit anung itsura ko sigurado ako hahalkan at hahalkan nya
ako. Kasi yun ang love.”
PAULO: “Hahaha. Best hindi ka pa nya
pinapalapit, I’m sure tatakbo kana at susunggaban mo na sya ng halik kasi miss
na miss mo na sya. Kaya umuwi ka na at ayusin mo ang sarili mo.”
AKO: “Bakit maayos naman ako ah”
PAULO: “Hehehe...I mean mag pahinga ka
naman”
Wala na akong nagawa napilitan narin
na akong umuwi. Nag paalam lang ako kay tito Roman, kay kiko, at kay Leo. At
umuwi na nga ako. Unang beses kong matutulog sa amin. Natuwa ang nanay sa
ginawa kong dun matulog sa bahay. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Kahit
alam nilang malungkot ako, pinakita ko sa kanilang kaya ko basta nandiyan sila
sa tabi ko.
SA AKING KWARTO...
Na-miss ko ang kwarto ko. Sobra.
Pagpasok ko palang ay inayos ko ang buong kwarto. Nagpalit ako ng bed cover. Naligo
ako at uminom ng sleeping pills at gatas para makatulog dahil siguradong hindi
ako papatulugin ng pag-aalala kay Nick.
Pag lapat palang ng balat ko sa kama, nagkumot lang ako at sakto
tuloy-tuloy ang tulog ko...
KINABUKASAN...
Mga alas 9am ako nagising.
Napaniginipan ko ang pamilya ko, kaklase ko, si Pau, si Amy, pati si Issa.
Maging ang mga kamag anak ni Nick nasa panaginip ko. Isa lang ang wala. Si
Nick. Hindi naman ako kinakabahan. Parang normal na umaga lang katulad ng
kahapon at nung nagdaan. Kaya binalewala ko nalang ang panaginip ko.
Pagkatapos mag- almusal ay nag-usap
kami ni Inay.
AKO: “Nay pasensya na kung hanggang
ngayon hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.”
NANAY: “Wala yun anak. Nauunawaan
kita. Alam ko pinagdadaanan mo. At hindi naman tayo nagugutom ah. Malakas kaya
ang business ko. Bakasyon naman ang kapatid mo.”
AKO: “Hindi nay. Inuunawa nyo ko pero
kailangan unawain ko rin ang pamilya natin. Me repsonsibilidad na iniwan si
Itay sa akin, kaya sa isang linggo mag-uumpisa na akong maghanap ng trabaho”
NANAY: “Naku ang anak ko talaga,
halika ka nga dito payakap nga. Alam mo anak, pinagmamalaki kita, mas
gugustuhin ko pang ganyan ang kalagayan mo pero ikaw naman ang pinakanormal na
anak para sa akin. Kesa naman dun sa mga lalaking lasenggero diyan sa kanto
walang inatupag kundi ang hmm.. ewan. Basta anak salamat ha.”
AKO: “O bakit ka naiyak Nay?”
NANAY: “Wala naalala ko lang ang Itay
mo, kagaya mo sya. Responsable, malawak ang pananaw at maalalahanin.”
LINET: “Eh ako Nay. Matino naman ako
ah”
Sabay tawa namin ni Nanay. At niyakap
narin namin si bunso. Nagpaalam na rin
ako kay Nanay papuntang ospital para batayan ulit si Nick. Sinabi nilang
susunod nalang sila mamayang hapon.
SA OSPITAL...
Pagdating ko sa kwarto ni Nick ay wala
nang tao sa loob kaya dali-dali akong nagpunta sa station para itanong kung
nasan na yung pasyente sa room na iyon. Ngunit bigla kong nakasalubong ang
nurse at sinabing dinala na sa morgue ang labi ng pasyente. At kaninang alas
9am daw ito namatay.
Nurse: “Gusto mong samahan kita sa
location?”
AKO: “Hindi, hindi, hindi, hindi” mga
salitang lumalabas sa bibig ko pero kahit ako hindi ko naririnig ang sinasabi
ko.
May sinasabi pa ang nurse pero hindi
ko na rin sya naririnig. At dali- dali na syang umalis. Ramdam ko ang bigat ng
katawan ko. Hindi ito kinakaya ng mga paa ko at napaupo ako sa bench sa labas
ng kwartong iyon. Pati ang mga balikat ko ay nakalaylay at biglang naubos ang
lakas ko at umagos muli ang luha ko. Nakatitig lang ako sa semento ng ospital
at waring sasabog ang ulo ko sa narinig kong impormasyon. Impormasyong gustong
ipasok ng isip ko sa puso ko pero tinatanggihan ito. Akala ko nailuha ko na
lahat hindi ko pa pala nararamdaman ang pinakamasakit na yugto. Ngayon palang.
Lahat ng ala-ala namin ni Nick bumalik mula simula. Para itong pelikulang
ni-re-rewind.
Ang unang pagkakita ko kay Nick nung
unang tumapak sya sa classroom. Yung mga paanyaya nya sa akin. Pag-hila nya sa
akin na sumakay ng kotse nung papatak na ang ulan. Ang pagbibigay nya ng
favorite food ko. Ang unang beses naming magkasamang magsimba. Ang pag-boat racing namin sa resort nila. Ang
unang paghawak sa kamay ko at pagsasabing Goodnight. Ang pagdadala sa amin ni
Pau sa bahay nila.
Ang pagpapakilala sa magulang at mga
kamaganak nya. Ang unang pagyakap nya sa akin. Pati ang pagsama ko sa kanya sa
plane papuntang Manila para manood ng concert bumabalik muli sa aking alaala.
Ang pagtatapat nya sa akin. Ang pagiging official namin. Ang monthsaries namin.
Ang Anniversary namin. Ang pag graduate namin. Ang pag-punta namin sa France.
Ang sing-sing. Ang unang pagiisang katawan namin. At ang huling yakap at halik
nya ng magkahiwalay kami sa Airport ng Davao. Lahat ng mga sandaling iyon ay
nakikita kong sariwang sariwa sa isip ko na ngayon ay pinanghihinayangan ko.
Bakit ako pa, bakit kami pa ni
Nick.Hindi ko matanggap na wala na siya. Dahan dahan akong tumayo para tumungo
sa huling kwartong saksi sa huling mga sandali nya. Dahan dahan akong lumapit
sa kama nya. Inihiga ko ang sarili ko sa kamang huling hinigaan ng mahal ko.
Gusto kong malanghap ang katawan nya. Kahit sa kahuli-hulihang sandali ay
maamoy ko parin sa hindi pa napapaltang kobre-kama ang samyo ng balat ni Nick.
Humahagulhol kong sinasamyo lahat ng amoy na iyon, at inilalagay ng permanente
sa puso ko. Kahit nagmumukha akong baliw, pero yun lang ang paraan para muli ko
syang makasama.
Maalala ko kung gaano kasarap ang yakap ng mga
bisig nya. Muling makita sa nakapikit kong basang mata ang mga ngiti nya.
“Nick, Nick hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nick bakit mo ako
binitawan? Akala ko walang iwanan? Diba sabi mo magsasama tayo sa Australia sa
mga lolo at lola mo? Diba sabi mo mag aampon tayo para may ituring tayong
sarili anak natin? Paano ko tutuparin yun kung wala ka? Paano na ang mga bukas
ko? Nick... Miss na miss na kita” Ang sakit sakit ng nararamdaman ko noon. Kung
pwede nga lang tanggalin ang emosyon ng mga oras na yun. Inalis ko na.
Pinagsisihan ko nang wala ako ng mga
huling oras ni Nick. Sana hindi ako umuwi, kung alam ko lang. Kung alam ko
lang. Baka nagawan ko pa ng paraan para madugtungan ulit ang buhay nya. Katulad
ng nangyari noon. “Ito ba ang kaunting panahon na binigay MO sa akin Panginoon.
Hindi parin po kami nakakapagpaalam sa isat isa. Kahit masakit tatanggapin ko,
ibinabalik ko na sya sayo.” Walang patid kong pag-iyak. “Maraming salamat at
pinakilala MO sya sa akin, kahit papaano natuto akong magmahal ng lubos. Sana
tulungan mo akong makabangon mula sa pagkaguhong ito, yun nalang siguro ang kailangan
ko po ngayon.”
Matapos ng isang oras na pag-iyak ay
nagpasya na akong bumangon. Kahit alam kong hindi ko pa kayang harapin ang
pinakamamahal kong walang buhay. Kahit hindi ko pa kayang makitang nasa loob
sya ng ataul. Wala akong magagawa kundi gawin kung ano ang katungkulan ko
bilang isa sa pinakamalapit na tao sa puso ni Nick. Tutal pinagpasa Diyos ko na
ang kalagayan ko, alam ko tutulungan nya ako sa bagay na ito.
Pumasok muna ako sa banyo. Para ayusin
ang sarili ko. Sa salamin, pulang pulang mata, malaking eyebag, linya ng mga
luha sa pisngi, gusot na buhok, mukha ng isang iniwan, mukha ng isang nag-iisa,
mukha nang hinagpis at kalungkutan. Naghilamos ako. Inayos ko ang sarili ko.
Kailangan tatagan ko to.
Pagkalabas ng kwarto ay tinanong ko sa
station kung nasan ang Morgue. At tinuro naman sa akin ang lokasyon. Bago ako
maka alis ng station ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa
caller.
Mommy Glenda...
Mrs. Salvador: “Jake anak asan ka ba?”
Masayang wika ni tita.
ITUTULOY...
[09]
NAKARAAN:
Pagkaraan kong ilabas ang lungkot ko
sa kamang ginamit ni Nick sa kwarto ng ospital na iyon ay pumasok muna ako sa
banyo. Para ayusin ang sarili ko. Naghilamos ako. Kailangan tatagan ko.
Pagkalabas ng kwarto ay tinanong ko sa station kung nasan ang Morgue. At tinuro
naman sa akin ang lokasyon. Bago ako maka-alis ng station ay biglang tumunog
ang cellphone ko at nakita ko sa caller.
Mommy Glenda.
Mrs. Salvador: “Jake anak asan ka ba?”
may halong saya na sambit ni mommy.
PAGPAPATULOY...
Mrs. Salvador: “Narito kami sa bahay
nyo?”
AKO: “ Mom, nandito po ako sa ospital”
Hindi ko parin maiwasang maiyak.
Mrs. Salvador: “Pinasundo na kita,
pumunta ka na sa labas ng Ospital. Nag-aantay na doon si Jerry. Tahan na.
Magiging ok din ang lahat iho.”
Tama ba ang narinig ko? Magiging ok
ang lahat. Ang nanay pa ni Nick ang nagpapayo sa akin na parang walang
nangyari. Kinakabahan ako na di ko mawari. Gusto ko pa sanang itanong kung
bakit nasa bahay namin sila samantalang nasa morgue si Nick. Pero sa tono ng
salita ng mommy Glenda ay parang kailangang-kailangan nya akong makita ngayon
kaya hindi na ako nagtanong pa. Paglabas ko ng Gusaling iyon ay agad kong
nakita si Kuya Jerry. Hindi ko paring maiwasang maluha dahil kahit si Kuya
Jerry ay may hatid na mga alaala namin ni Nick. Pinatahan nalang nya ako sa
pagsasabing bubuti rin daw ang pakiramdam ko.
Pagkatapos nun ay isang malungkot at tahimik ang aming byahe papunta sa bahay.
Mukhang pati panahon nakikisabay sa aking damdamin. Makulimlim ang langit,
nagbabadya ng pag-ulan. Parang noong panahon na pinilit nya akong sumakay sa
kotse nya dahil uulan na. Pagkarating sa amin, Nakita ko agad ang sasakyan ni
daddy Roman at 2 malalaking Van. Bakit maraming tao, at kita kong nasa labas
ang mga tiyahin at tiyuhin ni Nick pati ang mga pinsan ni Nick ay nandun din.
Bakit nandito silang lahat? Tanong sa aking isipan.
Nakatingin ang lahat sa akin habang
papalapit ako sa bahay. At ang luha ko ay hindi mapatid dahil lahat sila ay mga
bahagi ng alaala namin ni Nick. Sinalubong ako ni Angela at Leo, hinahaplos ang
likod ko habang papasok sa bahay. Pinapatahan. Tinignan ko lang ang mukha ni
Angela, umiiyak siya. Pero nakangiti sya. Tinawag ako ni Daddy Roman para
pumasok sa loob.
Mr. Salvador: “Anak halika, tawag ka
ng Mommy mo.” Naluluhang sabi ni daddy Roman.
Pagpasok ko ng bahay, niyakap ako ni
mommy Glenda.
Mrs. Salvador: “Anak, may nag-aantay
sayo.” Naluhang wika nya.
Mula sa
kwarto ko ay lumabas ang isang lalaking tulak tulak ng nurse sa kanyang
wheel chair. Ang lalaking sa simula palang ng makita ko ay binigyan ko na ng
puwang sa aking puso, ang lalaking nag bigay sa akin ng tunay na kahulugan kung
paano magmahal at paano mahalin, ang lalaking sumuporta at laging nasa tabi ko
ng halos dalawang taon, ang lalaki ring ito ang nangako na hindi kailanman ako
bibiguin, ang lalaking buong akala ko ay hindi ko na makakasama kahit kailan,
hindi ko na mayayakap at mahahalikan, buong akala ko hindi na ako
makakapagpapaalam sa kanyang paglisan. Narito sya ngayon sa aking harapan at
nakatingin sa akin.
Wala akong pakialam kahit kanino ng
mga oras na iyon, Buong pusong pananabik kong tinakbo at niyakap si NICK SALVADOR.
Humagulhol ako sa kanyang dibdib, tanda nang sobrang pangungulila sa kanya.
Miss na miss ko sya, yun ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Buong akala
ko ay mawawala na sya. Akala ko ay kailangang kong harapin muli ang buhay ng
wala ang pagmamahal niya. Pero eto sya, hawak hawak ko sya ng mahigpit. Ang
pwersa na aking ibinibigay sa pagkakayakap sa kanya ay nagpapadama sa kanya
kung gaano ako nangungulila. Hinahalikan nya ang buhok ko, ramdam na ramdam ko
ang init ng katawan nya. Ang mga patak ng kanyang mga luha sa aking pisngi.
Umayos ako, hinarap ko siya.
AKO:
“Akala ko” at naputol ang sinabi ko ng halkan ako sa labi ni Nick.
NICK: “Tahan na mahal ko, tapos na ang
pagdurusa mo, kinuwento sa akin ni Inay ang lahat” Sabay tingin sa aking Nanay.
Umiiyak lahat ng tao sa loob ng bahay.
Damang dama nila ang pangungulila namin ni Nick sa isa’t isa. Kahit ang nurse
nya nakikisimpatya.
AKO: “Miss na miss na kita.”
NICK: “Tahan na sabi, ayaw kong
nakikita kang umiiyak, at saka baka magalit si Pau sa akin, sige ka” Kahit
sinasabihan nya ako, hindi rin nya mapigil ang pag-iyak. Tumingin sya kay Pau.
Ngiti lang ang kanyang sinukli sa akin. Andun din si Amy, sinisipon sa
kakaiyak.
Ngumiti rin at nag thumbs up.
AKO: “Ikaw kasi ang tagal mong
bumalik”
NICK: “Sorry na po. Di na mauulit”
At nagtawanan na ang mga tao sa bahay
na iyon.
MRS. SALVADOR: “Mga anak, tulad ng
sabi ni Balae” sabay tingin kay Inay “Kailangang ipagdiwang natin ang regalong
ito ng Panginoon, lahat tayo pupunta sa paboritong lugar ni Nick at pagkatapos
ay may sopresa kami ng daddy Roman nyo sa inyong dalawa”
Sopresa na naman. Para sa akin ay nasa
akin na ang pinakamahalagang sopresa na aking matatanggap. At si NICK iyon.
Dumiretso nga kami sa Resort ng mga Salvador at habang daan.
SA KOTSE NI DADDY ROMAN...
Sa unahan syempre ang asawa, si Mommy
Glenda. Sumunod ay si Nick at ako sa likod nila, katabi ko ang Nanay, sa likod
naman namin si Pau, si Amy, si Issa at si Linet.
Lahat masaya at kwentuhan habang daan,
nadaanan namin ang favorite ko at naging favorite narin ni Nick, si Mang
Donalds. Kaya nag drive thru nalang kami. Habang kumakain sa kotse ay walang
sawa ang patawa ni Issa at ni Amy. Basta sa Kalokahan, bidang bida ang dalawa,
nahahawa tuloy ang kapatid ko.
Masayang masaya ako. Sinusubuan ako ni
Nick ng French Fries. Kahit naka dextrose sya, ang gwapo nya parin. Baby na
baby talaga ang “Papa” ko. Alagain ika nga. Habang naka sandal ako sa balikat
ni Nick, si Nanay naman ay nakasandal sa balikat ko. Ang sweet talaga ng mga
mahal ko sa buhay. Bigla namang nagreact ang kapatid ko.
LINET: “Nay ang daya gusto ko ding
humiga sa balikat nyo.”
NANAY: “Mamaya na anak. Di tayo kasya
dito”
ISSA: “O dito ka sa balikat ko, mas
malapad to kesa sa kuya mo”
LINET: “Ayaw ko nga amoy banana cue”
Sabay tawanan lahat...
MRS. SALVADOR: “Iha, yaan mo, mamaya
higa ka sa balikat ko, ok”
LINET: “Yehey, kay mommy Glenda ako”
Sabay tawa ulit kaming lahat, ramdam
na ramdam namin ang pagseselos ni Bunso.
Ang mga magulang naman ni Pau na sina
tita Rosy at tito Milling ay nakasama rin. At nalaman na nila ang tungkol sa
amin ni Nick. Bagamat nagulat sila, ay tinanggap parin nila ako bilang
pangalawang anak. Dahil kahit ganito daw ako, wala naman silang nakitang
masamang naidulot sa pakikipagkaibigan ko sa anak nila. Bagkos lagi nilang
nakikita si Pau bilang masayahing bata kahit na solong anak lang ito.
Nakasakay sila sa isa sa mga Van
kasama sila Angela at Kiko.
SA RESORT...
Gabi na ng makarating kami sa lugar.
Nagutom na naman ang lahat kaya, puro mga inihaw ang napagtripan. Matapos ang
hapunan ay beach naman ang target ng lahat. Pero hindi pa pweding maligo si
Nick kaya ako nalang ang pinapunta nya.
AKO: “Ayaw ko nga, kakabalik mo lang
sa akin, tapos iiwanan kita. Kailangang ibalik ko ang mga nawalang oras natin
“Pa”. Sobrang miss na miss na kita”
NICK: “Naughty ng mahal ko. hahaha.
Namiss ko rin yan”
AKO: “’Pa’ naman ehh. Hindi naman yun
eh”
NICK: “Hmmm biro lang” sabay pupog sa
akin ng halik sa leeg. Na kakiliti sa akin kaya natawa nalang ako.
NICK: “Basta mahal na mahal kita”
AKO: “Mahal na mahal na mahal kita”
At biglang may kumatok. Pinapasok
namin ng kwarto ang Nanay. Naka pang swimming attire ito at biniro namin na
makakakita ito ng prince charming sa kanyang suot. Natawa naman ang Inay. Umupo
si Nanay sa kama.
NANAY: “Anak me sasabihin lang sana
ako sa inyo”
AKO: “Anu yun Nay?”
NANAY: “Anak, tanda mo nung mga oras
na nasa chapel tayo ng Ospital?”
AKO: “Opo Nay, yung ipinagdarasal ko
si Nick” Sabay tingin kay Nick na matama lang nakikinig sa pag uusap namin ni
Nanay.
NANAY: “Oo. Anak, paano kung hindi
bumalik si Nick sa atin? Magagalit kaba sa KANYA”
Napatigil naman ako sa kataga ni Inay,
kaya humugot muna ang nang malalim na hininga at saka sinabing.
AKO: “Hindi NAY. Alam nyo Nay, Alam mo
NICK nung bago ako dumating sa bahay kanina, tanggap ko ng wala ka kasi nung
nasa ospital ako, binuhos ko lahat sa KANYA. Parang pinagaan nya ang pakiramdam
ko. Humingi lang ako sa KANYA ng lakas ‘Nay para harapin sana ang bangkay ni
NICK. Pero hindi ako nagalit sa KANYA”
NANAY: “Tama yung ginawa mo anak, basta
lagi nyong tandaan, SYA lagi ang kakampi nyo.”
Tumango lang kaming dalawa ni Nick at
bago umalis ay nagpasalamat muna si Nanay kay Nick at niyakap ito tanda ng pag
ka miss din nito sa kanyang pangalawang anak.
Napagpasyahan naming panoorin ang palulunoy sa
tubig na mga mahal namin sa buhay sa tabing dagat. Ang iba nangungulit, tulad
ni Amy, sinasabi nyang maligo na ako pero sabi ko hindi ko maiiwan si Nick. May iba naman hinahatiran
kami ng inihaw na pusit at hotdog, tulad ni Linet. Tapos tatakbo ulit sa dagat
dala ang salvavida at hahabulin, makikipagkulitan sa tinuring narin naming
pangalawang amang si Daddy Roman.
May lalapit naman para tamabi kay
Nick, para bumulong at si Pau iyon, sabay tatawa si Nick, at titignan ko ng
masama ang dalawa at paaaminin kung anung bagay ang pinag-usapan nila tungkol
sa akin. Pero makulit talaga ang dalawa ayaw umamin. Si Governor lalapit din at
wiwisikan kami ni Nick ng tubig dagat, makulit din si Gob. Mapapasigaw nalang
kami dahil malamig ang tubig. Saka kami tatawanan at tatakbo papunta sa dagat.
Si Issa lalapit din, para lang tumabi sa akin at tititigan si Nick, sabay
bubulong, na ang gwapo talaga nya. Mag tataka nalang si Nick kung ano ang
pinagbubulungan namin. Pero hindi rin
ako aamin. Kukulitin din nya ako kung anu yung sinabi sa akin ni Issa. Kahit
nasa isang tabi lang kami, para narin kaming nakikipag lunoy sa tubig.
AKO: “Pa, alam mo kanina pag-gising ko
nung umaga, wala akong naramdaman, hindi talaga ako kinabahan kung anu ng
nangyari sayo. Nanaginip lang ako na lahat nasa panaginip ko ikaw lang ang
wala, pero pag-gising ko ayos lang ang pakiramdam ko. Yun pala hindi ka pala
talaga nawala sa akin.”
NICK: “Pwede ba naman akong mawala, I
am SUPER MANG DONALDS. Hindi yata ako tinatablan ng kahit ano”
AKO: “Weee. Kung nakita mo lang ang
itsura mo nung wala kang malay, tapos nung after 2 days na malapit ka nang
mawala, kasi sabi ni Doc dun malalaman kung kakayanin mo pa ang kalagayan mo,
takot na takot ako. Sabi ko kay Doc, kung pweding ulitin pa nya ang pag CPR
sayo at pumayag naman siya kaya nagpasalamat ako at sa huling pagkakataon ay
nalagpasan mo ang kinatatakutan ko”
NICK: “Alam ko po yun Pa, kinuwento po
sa akin yun ni Inay at ni Mama, wag kang mag alaala hindi ko na hahayaang
mangyari muli ang bagay na iyon. Kaya wag ka nang magisip ng kung anu-ano. Ok?”
At ngumiti na naman ng ubod tamis.
AKO: “Oo na po" Ang gwapo nya
talaga.
NICK: “Ang cute na Pa ko”
AKO: “Ay hindi ah, mas gwapo ka naman
po”
NICK: “Magkamukha tayo kasi sabi nila
pag ang dalawang tao ay nagmamahalan nagiging magkamukha”
Ang sweet tagala nya. At lumapit si
Mommy Glenda.
MRS. SALVADOR: “Mga iho, i booked you
for next week flight to Australia, your Grand Ma and Grand Pa wants you both to
be there as soon as possible”
NICK: “Wow... But how about you and
Dad? Aren’t you come with us?”
MRS. SALVADOR: “Of Course we do, Alam
mo Iho nung magkasakit ka, dun ko natutunan ang aral na kailangan hindi natin
dapat iwala ang oras natin sa ating pamilya. Mahalagang napapagtuunan namin ng
pansin ang bagay na ito. Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan nalang
natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay. Kaya, susunod kami ni Dad mo at
si Balae at si Linet kulet, hehehehe. Is it nice?”
AKO at si NICK: “Alright” At tawanan
kaming lahat... Sabay gigil na halik ni Mommy Glenda sa aming dalawa ni Nick.
ITUTULOY...
[Finale]
ANG NAKARAAN...
Pagkatapos ng pag-aakalang patay na si
Pa, ay sinorpresa nya ako sa bahay namin. Lahat ay lumuha ng kaligayahan at
wala na akong pagsidlan ng aking kasiyahan dahil sa ang pinakamahalagang
kahilingan ko sa buhay ay natupad, ang mabuhay siya. Wala kaming inaksayang
oras at nagpunta agad kami sa resort ng mga Salvador dahil miss na miss na
namin ang lugar na iyon. At naging masaya ang lahat ng mga kaibigan ko at ang
pamilya namin ni Pa.
Sinabihan kami ni Mommy Glenda na
ibo-book na kami papunta sa Australia para makasama ang lolo at lola ni Pa,
ngunit nagtanong si Pa kung sasama ba ang magulang niya.
MRS. SALVADOR: “Of Course we do,
susunod kami ng Dad mo at si Balae at si Linet kulet, hehehehe. Is it nice?”
AKO at si NICK: “Alright” At tawanan
kaming lahat...
PAGPAPATULOY...
Dumating ang araw ng aming pag alis,
nakaupo na kami ni “Pa” sa 3rd row ng business class. Syempre doon ako sa may
bintana, hindi dahil gusto kong makita ang pag lipad ng eroplano, kundi gusto
ni Nick na lagi akong protected. Diba ang sweet. Habang inihahanda ng piloto
ang makina ng eroplano para sa gagawin nitong pag lipad. Abala naman si “Pa” sa
paghahanap ng mga bagong movies. Hindi pa man nakakaalis ng bansa ang eroplano,
nami-miss ko na agad ang Davao, ang bayan na naging saksi sa lahat. Mula sa
pagkasilang sa akin hanggang sa kung ano man ako at meron ako ngayon.
Nami-miss ko rin si Pau at Amy, na
malapit ng ikasal sa susunod na taon, at syempre hindi mawawala kaming dalawa
ni “Pa” bilang best man at abay sa kasal nila. Si Pau na naging kababata ko,
kuya, kaklase, kabarkada, karamay, kapatid, at pinaka-natatanging kaibigan.
Hindi ko malilimutan ang huli nyang sinabi sa akin.
PAU: “Mag-iingat ka doon best, alam mo
kung gaano kita kamahal, sunod sa Diyos, magulang ko at kay Amy. Hindi ko
mapapatawad si Nick pag may nangyaring masama sayo. Ok? Kaya alagaan mo ang
sarili mo ha habang wala ako sa tabi mo, at wag mong kakalimutang balitaan ako.
Mahal na mahal kita Best ko.”
AKO: “Oo Best, salamat po, hindi kita
malilimutan, saan mang sulok ng Australia at anu mang oras na gising ako,
mami-miss ko ang pagsasamahan natin. Mahal na mahal din kita Best, payakap
nga.”
Syempre iyakan moment kami ni Pau sa
isang sulok ng airport.
Nag moment din kami ni Amy, Si Amy na
nakakakilala din ng mga kalandian ko. Ang clown ng buhay ko. Meron din syang
pahabol na salita.
AMY: “Bhe, mamimiss kita, wala na
akong kachorvahan. Ang updates ko... Mag-iingat kayo ni Nick. I’m so happy
you’ve been this far. Unawain nyo lagi ang isa’t isa, hindi mawawala sa
relasyon ang away. Balitaan mo rin ako ha.” Nguyngoy ng gaga.
AKO: “Anu kaba syempre may updates ka
parin, lalo na ngayong malayo sa isa’t isa ang dalawang maganda sa earth.
Hehehe. Ingatan mo si Pau, sya lang ang kapatid kong lalaki. Wag ring kayong
mag-aaway, wag mo kong kakalimutan.
Mahal ko kayong dalawa.” Pina-iyak din ako nito.
Naghatid din si Angela, at Leo, Pero
si Kiko hindi daw makakasama, busy sa itinatayong business. Kaya tumawag nalang
sa amin ni “Pa”. Si Issa naman binalitaan ako, may nanliligaw daw sa kanya,
sinabi ko na sana kasal na sila pag balik ko ng bansa at ipaghanda nya ako ng
maraming banana cue dahil siguradong mami-miss ko iyon sa bansang pupuntahan
ko. Pero hindi rin nakasama si Issa sa pag hatid.
Ang Mommy Glenda umiiyak habang paalis
kami, walang katapusang
MRS. SALVADOR: “Ingat kayo doon,
tatawag kayo pag nakarating na kayo ha.” Hindi kami bitawan ni Nick sa
pagkakayakap.
Ang mga tita at tito ni “Pa” ay
naghatid din, isang mahigpit na yakap naman ang iniwan sa amin ni Daddy Roman.
May Pahabol din ito sa akin.
MR. SALAVADOR : “Mga anak, wala ako sa
tabi nyo, kaya alagaan nyo ang isa’t isa, Jake anak,sumbong mo sa akin si Nick
pag hindi sumusunod sayo ha. At ikaw Nick, mamahalin mo to, hindi mo alam ang
sakripisyo ni Jake sayo” Tango lang kami ng tango ni Nick. Iba talaga pag may
ama. Nami-miss ko tuloy si Tatay.
At ang Nanay at si Kulit Linet, syempre
malungkot. Sinabi ko sa nanay na susunod naman sila pagkatapos ng isang linggo. Kaya wag na nilang pabigatin
ang loob ko kasi ang hirap umalis ng malungkot.
NANAY: “Nak, hindi natin hawak ang
buhay natin, kaya isang aral din sa akin na sabihin ko ito sa inyo ng kapatid
mo, anu man ang mangyari, lagi mong tatandaan mahal ko kayo ng kapatid mo”
Singkit na naman ang mata ko, si nanay kasi, basta ina sobrang lambot ng puso
ko.
NANAY: “Nick, anak, alagaan nyo ang
isa’t isa, mahal na mahal din kita anak” at niyakap kami ni Nanay.
Si Ken, nagpakalayu-layo na,
nagka-ayos na rin ang mga magulang ni Ken at sina Mommy Glenda at Daddy
Roman. Sinabi ko kay Nick na paano kami makakapagsimula ng tahimik kung
meron kaming dinadalang bigat sa dibdib, kaya napatawad na nya si Ken.
Bigla kong naramdaman ang labi ni “Pa”
sa pisngi ko,
NICK: “O anung iniisip ng mahal ko,
hindi na ako naririnig.” May pagtatampong himig ni Pa.
AKO: “Wala, ok lang ako, namimiss ko
lang silang lahat”
NICK: “Ako nalang isipin mo, ok. Para
smile kana”
Napatawa naman ako sabay tahimik ng
maalalang nasa business class area kami.
AKO: “Ikaw kas-” naputol ng biglang
halikan ang labi ko.
NICK: “I love you Pa.” Nakatitig sa
mga mata ko.
Hinalkan ko ang Noo, ang Ilong at ang
labi nya. Umaapaw ang kasiyahan na nadarama ko. Nakarating din kami sa
Australia at sinundo kami ng lolo at lola ni Pa.
Sa Sydney Airport...
Sinundo kami ng mag-asawa, ang mga
lolo at lola ni Pa, na naging pangalawang lolo at lola ko narin dahil wala na
akong nakilalang mga lolo at lola dahil maagang pumanaw ang mga ito, sina nanay
at tatay kasi ay mga nag-iisang anak, unico hija at hijo ika nga. Kaya excited
din ako kung paano ba magkaroon ng lolo at lola. Bagamat nakikita ko kung paano
ang pakikitungo ng mga lolo at lola ni Pau sa kanya, iba parin ang pakiramdam
na ako mismo ay magkakaroon na ng sariling mga lolo at lola sa pamilya ni Pa.
GRANDMA SALVADOR: “Nick, hijo, mabuti
at nakaligtas ka,huhuhu” Umiiyak na salubong sa amin lola ni Nick, hinahagod
naman ni lolo ang ulo ng apo nila. Kitang kita ang pagkamiss at pagaalala ng mag- asawa. Maliit pala ang lola ni Pa,
pero maganda, at ang lolo kamukha ni Eddie Gutierez at matangkad, halatang may
itsura sya nung kabataan.
NICK: “La enough na, I’m ok and I have
someone for you”
Kumalas naman ang matandang babae at
sabay tumingin sa akin ang dalawang matanda, sabay pahid ng luha ng lola.
Ngumiti sila sa akin at.
GRANDMA SALVADOR : “Naku hijo,
pasensya kana apo, ikaw ba si Jake? Halika dito, lumapit ka, naku ampogi pogi
pala ng boyfriend ng apo ko” Sabay lapit ko sa kanila at yakap din.
GRANDPA SALVADOR: “Aba oo nga, hijo
ituring muna kaming mga lolo at lola mo ha, dahil malapit na kayong ikasal ni
Nico.” Sabay patong ng kamay sa ulo ko gaya ng ginawa nya kay Nick. Nico pala
ang tawag nila kay Pa.
Hindi ako makapagsalita, yakap at
ngiti ko nalang ang pinakita ko sa dalawang matanda tanda ng labis kong
kasiyahan una sa pagkakaroon ng mga tunay na lolo at lolang maituturing,
pangalawa sa mainit nilang pagtanggap sa akin, at pangatlo sa pagsuporta sa
pagmamahalan namin ni Pa.
NICK: “La Let’s go, my baby is hungry”
Sabay akbay sa akin.
GRANDMA SALVADOR : “Oo nga naman,
matagal ang byinahe ng mga apo ko, at nakaprepare narin ang pagkain sa bahay,
kaya tayo na.”
Nakarating kami sa 2 storey na bahay
nina lolo at lola, Puno ng halaman at mga puno ang bahay, sa malaking bakod ay
umaapaw ang nagagandahang bulaklak na siguradong si lola ang nag-aalaga. Parang
pilipinas pero mas may kalidad nga lang ang mga materyales na ginamit sa
naturang bahay. Pag pasok namin sa gate ay walang katao tao.
AKO: “La, bukod po sa inyo sino pa
pong nakatira sa bahay na ito.”
GRANDMA SALVADOR: “Kami lang hijo ng
lolo mo ang nakatira dito. Kaya apat lang tayo sa bahay na ito. Pero pag kasal
na kayo, ipapakita ko sa inyo ang bago nyong bahay. Pero syempre dapat lagi
parin kayong papasyal sa amin kasi ma-miss ko kayong dalawa ni Nico”
NICK: “Ofcourse nman ‘la, dito kaya
nakatira si Pubu at Madrigal, asan na nga pala sila”
AKO: “Sino si Pubu at Madrigal?”
GRANDPA SALVADOR: “Tayo na sa loob at
nang makilala mo sila.”
Kaya pagpasok ko sa bahay ay namangha
ako sa linis at ayos ng bahay nina lola, sobrang cozy ika nga, na feel ko agad
ang pagod nang makita ko ang lavander na sofa, parang ang sarap-sarap humiga at
magpahinga doon. Ang ganda ng wooden furnitures na inayusan ng mga thin glasses
figurines, malaki ang spaces ng bahay, pero wow naman sa mga appliances, na
kung saan nakikita ko lang ang mga ito
sa mga MTV cribs o yung mga hollywood celebrity houses. Speechless ako sa crib
ni lola at lolo. Hehehe.
Bigla namang bumaba sa sofang iyon ang
isang super duper cute na aso, na noon ay diko alam ang tawag sa family
classification ng aso pero kalaunan ay sinabi rin sa akin ni Pa na iyon daw ay
isang Westie dog. At lumapit agad ito sa paanan ni Pa at dali-dali namang
kinarga ito ni Pa at niyakap at hinalik-halikan, nakaka-overwhelmed na makita
ang dalawang cute na nilalang sa harapan mo. Si Pa na talagang cute at ang
karga nya na sobrang cute din, hindi ko namalayang abot tenga na pala ang ngiti
ko. At naramdaman ko nalang na lumapit sa akin si Pa para ibigay ang aso.
AKO: “Anung name nya Pa? Babae ba
ito?”
NICK: “Oo babae si Pubu”
AKO: “Ah, aso pala si Pubu, ang cute
naman nito, ang bait nya ano, di sya galit sa ibang tao”
NICK: “Matapang yan, pero alam nya
kasi na kilala kita kaya maamo sya sayo”
GRANDPA SALVADOR: “Alam ni Pubu kung
sino ang magiging asawa ng amo nya”
NAgtawanan nalang kaming lahat at
nagyaya na si Lola sa dining area para makapagsimula na kaming kumain, kahit
gusto kong isama sa lugar si Pubu, pero kailangan parin ang right manners sa
hapag kainan, kaya binalik ko nalang si Pubu kay Pa at kinuha nya ito at bago
ibaba ay hinalikan ulit.
AKO: “Mag tooth brush ka ha”
NICK: “Ayaw ko nga, hindi ako
magto-tooth brush kahit hahalik ako sayo”
AKO: “Subukan mo lang”
NICK: “Hehehe, biro lang Pa.”
Nang makarating naman kami ng kusina
ay pinakilala ni lola si Madrigal, isa pala syang Parrot. At tinawag agad nito
ang pangalang ni Pa, nasinasabing.
MADRIGAL: “Nico, nico, nico, ang pogi
pogi mo nico, kumusta nico”
Napatawa naman ako sa galing ng ibon
na magsalita, alam ko tinuruan yun ni Pa kung ano ang sasabihin. Nag simula na
din ang dinner. Kahit nasa ibang bansa kami, gulay ang pagkain, tortang talong,
amplayang may itlog, sinaing na tulingan na may gata na nasa palayok pa talaga,
litsong kawali, at sariwang juice na galing sa kinatas na orange. Grabe ramdam
kong namamasa ang lalamunan ko. Sobrang sarap ng kakainin namin.
AKO: “La buti nalang hindi nyo
binabago ang pagkain na nakasanayan na natin.”
GRANDMA SALVADOR: “Syempre hijo, ito
yata ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo”
Wala kaming inaksayang panahon at
kumain na kami habang panay ang tanong sa akin ng dalawang matanda mula ng
simula kaming magkakilala ni Nick hanggang sa bago kami umalis ng pilipinas.
Maraming nabuksang mga bagay bagay at mga impormasyong nagdala sa aming lahat
upang higit na makilala ang isa’t isa. Naging masaya ang aming hapunan at
nagsimula nang magsipaghanda para sa gagawing pamamahinga dahil siguradong
bukas at sa mga susunod na mga araw ay magiging abala na kaming lahat sa
preparasyon ng aming kasal ni Nick.
Naihanda ko narin ang singleness
papers ko bago ako umalis sa pinas, sabay kaming nag pa-authenticate ng
singleness sa government na isa sa mga kakailanganing dokumento para sa
pagkakasal.
Dumating ang bukas at kasama sa aming
pag to-tour ay ang pagpaplano ng mga bagay bagay, mabilis na lumalakad ang mga
araw at dumating narin sa wakas ang nanay at si Linet kasama si Mommy Glenda at
Daddy Roman. Abalang-abala kami sa mga preparasyong katulad ng mga isusuot
namin ni Nick sa Civil Wedding Ceremony, natural pareho kaming naka coat and
tie hehehe, ang mga witnesses ay kinuhanan narin ng mga sukat para sa tatahiing
mga damit, at syempre sina lolo at lola ay hindi papahuli sa attire, gorgeous
blue floral print Organdie shift dres na matching pa sa hat with feathers.
Syempre deep midnight blue ang motif kaya yun din ang kulay ng gown ni Lola at
si Lolo naman ay black suit with same motif color ang inner nya. Parang sila
ang mag go-golden wedding. Maganda rin ang gown ni nanay, mommy at ni Linet.
Sobrang gwapo naman ni daddy sa suot
ng gray suit. Pinuntahan din namin ang mga kilalang hotels para piliin ang
lugar kung saan idadaos ang reception, iba talaga si lola, masyadong galante
pagdating sa amin ni Pa. Kasundong kasundo ni Lola si Linet dahil sa kakulitan
nito. At binibiro naman ni Lolo si nanay na may ipapakilalang matipunong biyudo
sa araw ng kasal para sa kanya. Natatawa nalang kami ni Pa at ni Linet sa
naririnig. Nahihiya man ang nanay ay nginingitian nalang nito ang lolo. Hindi
rin namin pinalampas honeymoon location. At ang Cable Beach Club Resort &
Spa ang napiling lugar.
Bawat gabing magkatabi kami ni Pa ay
labis na kasiyahan ang pinapakita ko sa kanya. Sana hindi na magwakas ang
kasiyahan sa aming mga puso. At ang araw nga na aming pinakahihintay ay
dumating.
Naging isang parang fairytale ang
buong umaga para sa akin, kahit mahirap tanggapin ay lagi kong ginigising ang
aking sarili na ang aking nakikita ay totoo, oo ikakasal na rin ako sa lalaking
aking pinag-alayan ng aking puso. Hindi ganun karami ang bisita, pero lahat
naman sila ay kakikitaan ng pagiging masaya, tanda na tanggap nila ang aming
pagmamahalan. Hindi ko alam, pero sobrang biyaya ang tinamasa ko mula sa Kanya,
alam ko wala sa banal na kasulatan nagpapahintulot sa pagsasama ng dalawang
magkatulad na sekso, pero wala akong ibang pagaalayan ng pasasalamat kundi sya
lang.
Nasa loob na kami ng isang korte at
isa isa na kaming tinanong ni Mrs. Thomson ang county commissioner na napili ng
lolo na magkakasal sa amin.
MRS. THOMPSON: “Ok where is the ring?”
At nilabas nga namin ang sing sing.
MRS. THOMPSON: “Perfect, hold the ring
you will be given to your partner, Ok Nick, you will say the vow first because
you are older than Jake, Ok Nick, dear, ready the ring to be place in Jake’s
Ring finger and insert it after you repeated all what I will say. Let’s start,
I (your name), take you (his name) to be my husband”
NICK: “I, Nick Salvador, take you,
Jake Garcia to be my husband”
MRS. THOMPSON: “And I promise to
always be loyal”
NICK : “And I promise to always be
loyal”
MRS. THOMPSON: “In hapiness and in
suffering, in sickness and health”
NICK: “In hapiness and in suffering,
in sickness and health”
MRS. THOMPSON: “And I promise to love
and honor you all the days of my life.”
NICK: “And I promise to love and honor
you all the days of my life.”
MRS. THOMPSON: “Excellent, now insert
the ring, ok good, Now, Jake your turn. Prepare the ring in Nick’s Ring Finger
and insert it after you repeated as well what I’ve said. Ready?”
AKO: “Yes” Habang lumalagas ang luha
sa aking mga mata, kahit si Nick at ibang tao sa loob ng court, umiiyak din.
MRS. THOMPSON: “I (your name), take
you (his name) to be my husband”
AKO: “I, Jake Garcia, take you, Nick
Salvador to be my husband”
MRS. THOMPSON: “And I promise to
always be loyal”
AKO : “And I promise to always be
loyal”
MRS. THOMPSON: “In hapiness and in
suffering, in sickness and health”
AKO: “In hapiness and in suffering, in
sickness and health”
MRS. THOMPSON: “And I promise to love
and honor you all the days of my life.”
AKO: “And I promise to love and honor
you all the days of my life.”
MRS. THOMPSON: “Awesome, now insert
the ring, ok perfect.”
Syempre nagkiss kami pero smack lang
kasi may ibang tao sa korte.
MRS. THOMPSON: “Ok if you don’t mind,
please come over here and sign this papers, which legally proves that the two
of you are joined by the law of Government of Australia. Ok Nick, come over
here, and signed this paper”
At Pagkatapos ay ako naman ang tinawag
at ang mga witness.
MRS. THOMPSON: “Ok you still not
married because I still not signing” Pagbibiro ni hukom na nag-alis
pansamantala sa kaba ng kasalukuyang nagaganap sa kwartong iyon.”
MRS.THOMPSON: “Ok i will sign. There
you go... Now I legally pronounce that Nick and Jake are couple this day of
_________.
At nagpalakpakan ang lahat. Sinalubong
kami ni nanay, mommy at daddy, pati si linet. Ang dalawang matanda ay
sumalubong din ng yakap at halik. Lahat ng bisita ay bumati at hindi rin namin
nakalimutan ang taong tumulong sa pagiisang dibdib namin na si Mrs. Thompson.
Invited si Mrs. Thompson sa reception pero sa araw din palang iyon ay pabalik
na sya sa UK para sa reunion nilang pamilya.
Maraming naganap sa receptional area.
After nun ay pinuntahan din namin ang bahay na pinagawa sa amin ng lolo at lola
ni Nick. Wala akong masabi, dahil para sa akin kahit gaano kasimple ay sobrang
maaapreciate namin iyon. Pero sobrang ganda talaga ng regalong ito sa amin.
Pero mabilis lang ang takbo nang oras at namalayan nalang namin na nasa isang
duyan kami ni Nick, sa lugar kung saan namin gaganapin ang honey moon namin.
Dinadama namin ang isa’t isa ang ligaya na hindi na kami maghihiwalay dahil sa
aming pag iisang dibdib. Hinahaplos haplos ang kamay ng bawat isa. Masuyong
hinahalikan ang mga labi at mukha. Tinig lang ng pintig ng aming mga puso ang
aming naririnig. At masuyong paghinga lang ng bawat isa ang aming nalalanghap.
Ngayong papunta na kami sa kabanata na
kung saan ay uumpisahan na namin ang buhay para sa aming dalawa. Kasama ng mga
taong tunay na nakakaintindi at tunay na nagmamahal sa amin. Wala na akong
mahihiling pa. Hanggang sa pagtanda, aalagaan kita “Pa”.
AKO: “Mahal na mahal kita kasi IKAW
ANG PUSO KO”
Hinawakan nya ang kamay ko.
NICK: “Alam mo ba kung bakit ako
nakarecover?”
Umiling ako
NICK : “Dahil IKAW NAMAN ANG BUHAY KO”
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<FOREVERMORE>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold night
I just can't believe that you are mine
now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for
you
I just can't compare you with anything
in this world
You're all I need to be here with
forevermore
All those years,
I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night,
I've been watching all the stars that
fall down
Wishing you would be mine
I just can't believe that you are mine
now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for
you
I just can't compare you with anything
in this world
You're all I need to be here with
forevermore
Time and again
There are these changes that we cannot
end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore
Wishing you would be mine
I just can't believe that you are mine
now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for
you
I just can't compare you with anything
in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You're all I need to be here with
forever more
(As endless as forever
Our love will stay together)
You're all I need
To be here with forevermore...
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
No comments:
Post a Comment