By: Alexander
E-mail: getmybox@hotmail.com
Source:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
Author: Alexander Cruz
Ang pag-ibig ay parang isaw. Sabi ng
karamihan, mura na, sobrang sarap pa. Sabi naman ng iba, kakaiba, nakakadiri.
Kahit ano pa man ang sabihin ng tao, tanging ang nakatikim lang ng isaw ang
makakapagsabi kung ito ay masarap o hindi. Ganun din sa pag-ibig. Hindi mo
masasabi kung ano ang pakiramdam ng umibig hanggang hindi mo pa ito
nararanasan, nalalasap, natitikman.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
“Hi, I’m Joshua Javier, 19 years old.
Some call me Josh; others call me J.J., but Ma’am, you can call me yours,”
sabay bitiw ng pilyong ngiti sa klase matapos ipakilala ang sarili. Di naman sa
nagyayabang pero may maipagyayabang talaga ako. Hehe. Sa hitsurang mestisohin,
tangkad na 5’10”, katawan na hinubog ng tiyaga sa gym, at posturang cool and
confident eh alam kong angat ako sa pangkaraniwan.
CLASS BECOMES A LIVING FRENZY...
“Class, class... CLASS! Shhh...,”
sigaw ng natatarantang propesora. “Is that the proper way to welcome our new
student? Mga pasaway talaga kayo!” patuloy pa nito. Kumalma na ang
klase—although may mangilan-ngilan paring ngumingisi at tumitingin sakin—pero
hindi ko inaasahang lalapit pala sakin ang prof. Pumunta siya sa likod ko,
ibinaba nang bahagya ang kanyang ulo, ang mga labi malapit sa aking tenga.
Natakot ako. Bahala na!
“Hijo, sa susunod, wag masyadong pilyo
ha? Sige ka baka i-singko kita,” sabay tapik sa aking balikat at tumawa ng
mahinhin habang pabalik muli sa podium. Kala ko kung ano. Ma’am talaga oh!
Hehehe.
“Thank you for jumpstarting the
semester, Mr. Javier. It’s a pleasure to have you hear. Let me introduce
myself. Bear with me class dahil alam kong pampitong beses niyo nang maririnig
ang aking intro, haha. I am professor Suzie Almario, 34 years old, and I’ll be
your teacher in this subject: Public Speaking. I’ve been handling all of you
since your enrollment in the university, and it pleases us to have another
future Communication Arts graduate. So welcome, Mr. Javier! I’ll be expecting a
lot from you, and class, excel as always!”
“Wow,” sabi ko sa sarili ko. Iba ang
fighting spirit ng teacher na ‘to. Pati ang klase, lupet! Mukhang bawal na
magbulakbol ah. Hehe.
ORIENTATION...DISCUSSION...DISMISSAL.
“Hay sa wakas! Tapos na,” excited na
sabi ng katabi ko. Patayo nako nang may tumapik sa balikat ko. “Tol san ka
ngayon,” tanong ng isang lalake. “Ah uuwi na, inaantok nako eh,” sagot ko. “Ah
sige, ingat ka na lang. Nga pala, Ivan pare,” sabay alok ng handshake sa akin.
Kinamayan ko siya. Tapos umuwi na ako.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
“Oh Ivan, kamusta first day?”
pangangamusta sakin ni mama. “Ma, ayos naman po. Prof na naman namin si Ma’am
Suzie. Nakakasawa, pampitong semestre na naming nakikita ang pagmumukha niya!
Haha.” “Nako talaga Ivan, namintas pa! Buti nga eh pinapasukan kayo ng prof
niyo! Hala sige, at magbihis ka na. Hahanda ko na ang ating sideline.” “Opo,
ma!”
Nagbihis nako ng aking paboritong
costume: black na maong shorts at sando. Umaatikabong bakbakan na naman,
hehehe. Sarap talaga magsando, preskong presko!
Pumunta na ako sa tapat ng aming
bahay. Nakahanda na ang ihawan, napaningas na ni mama ang mga uling. “Burn
beybeh. Yeah!” sabi ko sa mga uling habang nakangisi. Baliw talaga ako.
Kausapin daw ba ang mga uling? Haha.
“Ivan, anak magsalang ka na ng mga
barbecue. Maraming order si Aling Inday. Yung mga isaw din, isalang mo na para
ready na mamayang six. Sige ka baka mataranta ka na naman gaya kahapon,”
paalala sakin ng mama ko.
Matagal na naming sideline ni mama ang
magtinda ng mga inihaw. Sapat naman ang kinikita ni papa para maipangtustos sa
amin, pero naisip ni mama na mag-business parin kami kahit small-time para may
extra income kahit pano. Ganyan ka praktikal si mama.
Nagtatrabaho sa isang construction
firm si papa bilang isang engineer. In-house worker siya, at bihira lang uwumi
dito sa Maynila dahil sa sunud-sunod na mga projects ng kanilang mga kliyente.
Si mama naman eh isang housewife na napakamaalaga. Kung tutuusin eh hindi na
niya kailangan magtinda ng mga cosmetic products dahil nga sapat na ang
kinikita ni papa, pero pinatos parin niya ang pagiging dealer ng mga makeup at
pabango. Simple lang ang prinsipyo ni mama: pag may extra income, may
panglakwatsa. Akalain mo nga naman?
Spoiled ako kay mama, at masasabi kong
mama’s boy ako. Ultimong girlfriend ko eh i-spoil-din ba naman niya. Di ako
namomroblema sa pang-date dahil malakas ang kickback ko sa ihaw-ihaw namin. Kay
mama ang puhunan, akin ang kita! Kaya sulit kahit magpapaypay ako gabi-gabi!
“Tol, pabili nga...” wika ng isang
matangkad na lalake. Teka classmate ko siya ah!
Si Josh.
“Oh Josh, kaw pala. Pano ka naman
napadpad dito?” pagtataka ko.
“Akalain mo ito pala yung grill shop
na nasa address na ‘to? Si Ms. Inday kasi nirekumenda na bumili dito ng
barbecue,” paliwanag ni Josh habang iniabot sakin ang papel na may sulat kamay
ni Aling Inday. Nakalagay nga ang address namin, at may mapa pa! Halatang
nagulat siya sa setup. Ang kaklase niya kanina ay hetong nagpapaypay ng mga
ihaw-ihaw ngayon. Eh ako rin kaya nagulat!
Macho ng loko. Nakaka-insecure. Kung
dati eh naaaliw ako sa papuri ng mga tao tungkol sa aking physique eh parang
nanliit ako sa katawan ni Josh. Sa height eh talagang talo ako, 5’7” lang ako
eh. Kung hitsura, aba eh may laban ata ako! Hehehe. Madami ang nagsasabing
hawig ko raw si Coco Martin. Sabi lang nila yun. Alam ko namang mas gwapo ako
kay Coco! Hehe biro lang. Asa naman ako syempre. Pero itong si Josh, lakas ng
appeal. Mas gwapo pa kay Dennis Trillo. Astig ang mata kulay green, at
anak-araw sa puti. Bagay na bagay sa kanya ang sandong black na suot niya.
Kahit maputi ako, iba pa rin ang puti niya. Nakakasilaw kumbaga. Ewan.
Ka-insecure. Malamang eh kung makita siya ngayon ng mga classmates naming babae
at bading eh doble o triple pa ang hiyaw nila kumpara kanina. At malamang pati
mga boys eh mainsecure talaga sa kanya. Ewan.
“Hey, may dumi ba ako sa face?” tanong
niya sabay pakawala ng ngiting makapanglaglag-panty. “Ah, eh wala, wala.
Nagtataka lang ako kung pano mo nakilala si Aling Inday,” paglilihis ko sa
kahihiyan. Di ko kasi napansin na kanina pa pala ako nakatingin, mali
nakatitig, sa kanya. Di ko kasi maiwasang humanga sa kanya. Lakas ng appeal,
pang artista!
“Si Ms. Inday kasi ang land lady
namin. Pansamantala kaming umuupa sa kanya kasi may problems pa sa house, may
mga inaayos.”
“Ganun ba. Anlapit niyo lang pala
samin. Hehehe.”
“Oo nga eh. Imagine that,” sabay ngiti
na naman. Grabe ngiti niya, pang modelo talaga. Bukod sa pagkakinis-kinis ng
mukha eh may dimples pa at pantay ang mga mapuputing ipin. Parang model lang ng
toothpaste ah. Hehe.
“So Mr. Javier, what’s your order?”
pag-ingles ko sa kaklase ko. Hindi ko lubos maisip na ang kagaya niyang mukhang
mayaman eh bibili sa aming munting ihawan. Rich-kid ang dating pero heto at
bibili ng mga ihaw-ihaw a la Andres.
“Fifteen na barbecue tol, at limang
ano ‘to, i-soh?” halatang hindi alam kung ano ang isaw. Hehe.
“I-sau tol. Isaw,” pagwasto ko.
“Ah. What’s isaw?” halatang hindi niya
talaga alam. Nakakatuwa.
“Ano yan, intestine ng manok o kaya ng
baboy.” Biglang nabago ang timpla ng mukha niya.
“What?! Gross pare! May bumibili
niyan?”
“Oo naman tol, masarap kaya yan!”
Medyo na-badtrip ako sa inasta niya. Pasalamat siya at hindi masyadong narinig
ng mga tao yung sinabi niya. Ang yabang kasi ng dating.
“I can’t believe yan pala ang favorite
ni Ate.” Bakas parin sa mukha niya ang labis na pagtataka at pagkasuya.
“Oh sige tol, wait ka lang muna. Upo
ka oh,” sabay turo sa pahabang upuan kung saan namin pinapaghintay ang mga
bumibili.
“Okay.”
IHAW...PAYPAY...IHAW...PAYAPAY...AYOS.
“Tol, ready na order mo.”
“How much lahat?”
“Bale 12 per barbecue, tapos 8 sa
isaw. 220 lahat.”
“Okay. Heto oh,” sabay abot sakin ng
1000.
“Ala ka barya tol?”
“Ala eh. Sorry.”
“Naknampating hehe. Teka lang ha
pabaryahan ko lang.” Hay halatang rich-kid talaga ang mokong.
“Sure, sure,” plus killer smile.
Nagmadali akong tumakbo sa
pinakamalapit na tindahan para magpabarya ng pera. Wala. Takbo ulti sa kabila.
Wala parin. Asar!
Matapos ang lagpas limang minutong
pakikipagsapalaran, nakapagpabarya din sa wakas. Ayos. Solved!
Teka, may problema...
Ang mga iniihaw ko!!!
“Shet naman Ivan! Iwan ba naman ang
mga iniihaw? Badtrip ka!” paninisi ko sa aking sarili habang nagmamadaling
bumalik sa aming bahay. Kala ko eh magiging tindero nako ng uling. Pero may
bumaba atang anghel at nagkaroon ng milagro...
“Tol andyan ka na pala. I hope you
don’t mind kung ako na ang nag-takeover sa pag-grill ng mga ‘to,” mahinahong
paliwanag ni Josh sabay bitiw na naman ng signature move: the killer smile. At
may mga kinilig sa madlang customers. Hehe.
Hindi lang ang ngiti niya ang napansin
ko. Dinumog lang naman ng mga tao ang harapan ng aming bahay! Pati waiting
bench, puno! Ayos! Instant endorser ng barbecue. Hehe. Pero seryoso. Kahit
sanay nako na madaming nakaabang sa aming ihaw-ihaw, iba parin ngayong gabi.
May kung anong gayuma atang gamit ‘tong kaklase ko. Hehehe.
“Naks pare. Hindi ko alam na may
master’s degree ka pala sa pag-iihaw,” ngisi-ngisi kong pangaasar.
“Tol naman, di mo man lang ba ako
tutulungan sa dami ng mga orders?” balik-kantsaw niya.
At ganon na nga ang nangyari. Ako ang
nagtake ng mga orders habang siya naman ang nagsorta at nagsupot ng mga inihaw.
Akalain mo, parang ako lang mag-handle ng business. Nakakapagtaka tuloy.
AFTER 10 YEARS...HAHA 30 MINUTES LANG
PALA...
“Hay natapos din!”
“Oo nga eh. Kala ko wala nang
katapusan.”
“Nga pala Josh, eto pala yung sukli mo
oh, 780.” Inabot ko sa kanya ang sukli niya. Nadungisan ata ng mantika,
marinade, at uling ang kanyang kamay. Pero kahit ganon eh amputi parin. Inabot
ko na rin ang order niya.
“Josh salamat ha. Naabala pa tuloy
kita. Baka iniintay ka na sa inyo.”
“Wala yun pare. Isa pa, nag-enjoy din
ako. Namiss ko mag-manage ng grill shop eh hehe.”
“Talaga? Nag-manage ka ng ihawan
noon?” pagtataka ko.
“Oo, pero matagal na yun. Minsan
kwentuhan tayo. Paalala mo lang sakin ha, at baka malimutan kong ikuwento.”
“Oo ba! Nagulat lang talaga ako
kanina. Di ko akalaing may alam ka pala sa pag-iihaw.”
“Oh siya, mauna na ako ha. Good
night,” sabay killer move na naman. Mukhang reflex na niya ang ngumiti nang
ganon.
“Ingat tol.”
At umuwi na nga siya. Nagligpit na din
ako, at pumasok na para maghapunan at magpahinga.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
“Hijo, sang lupalop ka ba
naglamyerdya? May balak ka bang gutumin kami ng ate mo?” buong pagaalala ni
mommy. At mukhang di rin yata makakalagpas ang konteng dungis ko. Hehe.
“Bakit parang ikaw ang binar-becue?”
pagtataka ni ate.
“Ah eh, wala. Bagong style ‘to ate.
Hehe.”
“Oh siya, siya, nabilan mo ba ko ng
isaw? Papatayin kita Joshua pag wala ha!” Pagbabanta ang namutawi sa salita at
titig ni ate.
Alam ko naman na um-order ako ng isaw,
pero ewan ko ba kung bakit ako kinabahan. Dali-dali kong tinignan ang supot ng
mga inihaw. Ang bilin ni ate, 5 isaw. Si mommy naman, 15 barbecue para saming
3.
Teka, may mali.
Bakit sobra ng 1 isaw?
Nagtaka talaga ako. Bakit sobra?
At hindi ko na namalayan na sinugod na
pala ako ni ate!
“JOSHUA!!! WAG MONG SABIHING WALANG
ISAW HA!!! ANTAGAL-TAGAL MO TAPOS WALA??? PAGSISISIHAN MO ‘TO!!!” bulyaw niya
ate matapos hablutin ang supot ng mga inihaw. Sinipat-sipat niya yong mabuti.
Nakakatakot. Bakit para siyang mamamatay tao? Kapatid ko ba talaga siya? Hehe.
Tinignan ko na lang siya, at nginitian.
“Ate. May isaw. Diba five ang pinabili
mo.”
“OO!!! AT BUTI NAMAN!!! I love you
bunsooooooo!” sabay akap sakin nang pagkahigpit-higpit. Isaw lang talaga ang
katapat niya. Kahit ano pang taray niya eh sigurado na ko ngayon na hindi siya
uubra sakin basta may isaw ako! Haha. Instant anting-anting. Cool.
DINNER TIME!
“Mmmmmmm...sarap! Ang sarap sarap! Ang
saraaaaaaap talaga! Try mo bunso!”
“Yuuuuuuuck ate! Ano ba! Stop it! Alam
mo namang hindi ako kumakain ng laman-loob at ng kung ano-ano pa!” pandidiri ko
sa alok niya. Hindi ko talaga lubos maisip kung pano nakakain ni ate ang ganung
pagkain—kung pagkain nga ba yong maituturing. San ba kasi siya nakakain ng
isaw?!
“Josh, alam mo ba? Dati ganyan din ang
reaksyon ko nung hindi pa ako nakakatikim ng isaw. As in super eeewness! Pero
nung pinatikim sakin ng ex ko yung isaw na luto nila ng mama niya, ay nako! The
best! Two years ago na yun pero hindi ko parin malimutan. In fact, super kalasa
ng binili mo ngayon yung isaw nila! Mmmmmmm!”
Yun na lang ang nasabi ni ate habang
nilamon na naman niya ang second-to-the-last na stick ng isaw. Pero ako ayoko
talaga. Hinding-hindi niya—o kahit sino pa—ako mapapatikim ng isaw. I’ll die
first bago mangyari yun!
“Oh Trisha, Joshua, kainin niyo na
yang nalulungkot na isaw. My God Josh masarap ang barbecue dun ha? Buti na lang
at nakinig tayo kay Ms. Inday. Okay talaga dun sa grill shop na yun! Ano nga
ulit name nung bilihan?”
“Dibale mommy, bukas tanong ko sa
kaklase ko kung ano name ng grill shop nila. Swerte nga eh. Who would’ve
thought na classmate ko pala ang nagma-manage dun? Hehe discounts na yun
syempre!”
“Eh Josh, five lang pinabili ko, bakit
may sobrang isa?” pasimpleng tanong ni ate habang kinuha na yung lonely na
i-soh...este isaw. Haha. Syempre sinunggaban na niya, para wala nang makaagaw.
Ganyan talaga si ate. Ang kanya, kanya lang; ang hindi kanya, kanya parin; at
ang wala sa kanya, mapapasakanya. Deadly. Geeez.
“Ewan ko ba ate. Nagkamali lang siguro
siya.”
“Mmmmmmm...nako...sana, lagi siyang
magkamali. Ano pala pangalan niya?” Ninanamnam ni ate ang kadiring isaw.
“Ivan.”
Boom!
Nabilaukan si ate! Namutla pa! Haha,
yan kasi katakawan. Tsk.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
“Ehem! Ehem! Ano ba yan! Urk...”
“Oh Ivan, anak, anong nangyari sayo?”
“Ewan ko ba ma. Urk...rah!”
“Sumabit na naman ba yung pechay? Nako
talaga anak, di ka parin nagbabago. Hahaha”
“Ma naman! Ako na nga yung nabilaukan,
ako pa ang tinawanan. Tampo nako sa inyo nyan,” biro ko kay mama. Ganyan kami
magasaran. Palibhasa only child ako, tapos madalas pang wala si papa.
Bestfriend na ang turing ko kay mama. Walang lihim-lihim, walang sikretong
tinatago. Wala nga ba?
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
Shet. Why’s this guy so cute? Hindi ko
talaga mapigilan. Damn feeling. I’m still attracted to girls. But why am I so
attracted kay Ivan. That Coco Martin look-alike. Eh mas gwapo pa nga siya kay
Coco eh! Asar... Kala ko pa man din, okay na. Badtrip.
Papatayin kaya ako ni daddy? Si mommy?
Even ate Trisha, and kuya? Wah...
I hate this feeling.
Haaay...
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
Ano na lang kaya ang iisipin ni mama
at papa pag nalaman nilang bading ang kaisa-isa nilang anak? Tangna, hindi
naman ako bading eh. May girlfriend naman ako. Ano bang kulang? Tapos dadating
pa sa eksena si Josh. Patay na! Gulo na nga ng isip ko, paguguluhin niyo pa
Diyos ko! At nananadya pa kayo talaga ha? Sa dinami-dami ng pwede niyang maging
kahawig eh si Dennis Trillo pa? Galing mo talaga Lord. Pramis. Kahanga-hanga.
Tapos mas gwapo pa sa crush kong artista? Galing talaga!
Itutulog ko na nga lang ‘to. Baka
sakaling mawala. Baka sakaling um-okay din ang lahat.
COMPOSING MESSAGE...
luv u hon.
ur my 1 n only girl.
muah.
SENDING MESSAGE...MESSAGE SENT.
Haaay...
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
“Mommy, ate Trish, mauna na ako! Late
nako eh!” Geeez Josh. Nagpuyat ka na naman kasi kakaisip eh. Eh kung sinabi mo
na sa kanila, eh di hindi ka na nahihirapan. Eto na naman ako. Kausapin at
sisihin na naman daw ba ang sarili. Di naman kasi kasalanan maging bi eh!
“Ow! Pare nam...oh Josh. K-kaw
pala...”
Shet. What a morning. Malelate na nga
sa school, nakabangga pa ang crush mo. God!
“Hey, Ivan...sorry ha. Hindi kasi ako
nakatingin sa dinadaanan. I’m really sorry. Lalim kasi ng iniisip ko.” sabay
abot ng kamay para tulungan siyang makatayo.
“Wala yun tol. Haha kaw talaga, wag
mong isipin yun, mahal ka rin nun.”
Damn. Napakagandang joke.
“Haha, asa naman ako bro. Tara, late
na kaya tayo!” paglilihis ko sa napaka-awkward na sitwasyon ngayong
pinaka-awkward kong umaga.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
“Very brave of you, Mr. Andres and Mr.
Javier! I commend both of you for you sense of punctuality. Very exemplary!”
Lintek na prof ‘to ah. Aga-aga
nambubuset! Haaay... Ikaw na nga mabangga ng crush mo, ikaw pa itong pepestehen
ng prof. At least di ako nagiisa. Haha.
“And what are you smiling for, Mr.
Andres? Can’t get enough of my sweet sarcasm? Very brave! That is what I expect
all of you to exude! In this class, I—Mr. Michael Ardenbas—shall teach you the
art of Debate!”
Parang may sayad ata si prof.
Nakakatakot.
“Well then, let’s start! I shall
randomly group the class into two. Inside this box are twenty-four folded
papers. Each of you must get one folded paper from this box, afterwhich, we
will determine the groupings. There should be twelve groups all in all. Pairing
system shall be implemented via same-symbol principle. If you got a star, then
the person who also got a star is your partner. So on and so forth! Begin!”
RANDOM EK EK...EK EK...DONE.
Ang kulet. Heart pa talaga ang symbol
ko ha? Haha. Sino naman kaya ang nakakuha din ng heart?
“First Row! We have Ms. Asuncion with
a star; Mr. Marquez with a leaf; Mr. Sandoval with a spade; Ms. Chua with a
circle; Ms. Panganiban with a crescent; and Mr. Javier with a heart.”
Putek.
Heart pa talaga ha, Joshua...
Tadhana, ikaw ba yan?
Haaay...
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
Of all people, si Ivan pa...
This is so not real!
And heart pa talaga ang nabunot ko at
nabunot niya? Geeez.
“Now class! Given that we already have
a final set of groupings, let us proceed with the pairings and topic
assignments. For pair number one, we have Ms. Asuncion and Ms. Davide versus
Mr. Ramos and Ms. Kho; pair number two, Ms. Panganiban and Mr. Santos versus
Ms. Martinez and Ms. Diaz; pair number three, we have Mr. Sandoval and Mr.
Pabelonia versus Mr. Reyes and Ms. Vargas; pair number four, Mr. Marquez and
Ms. Dela Cruz versus Mr. Gomez and Ms. Castro; pair number five, Ms. Chua and
Ms. Boromeo versus Ms. Arebalos and Ms. Yco; and finally, we have Mr. Javier
and Mr. Andres versus Mr. Domingo and Mr. Bradley as pair number six.”
Iba talaga ang dating sakin ng “Mr.
Javier and Mr. Andres.” Bakit ba ako nagkakaganito?
“For the topics, pair number one –
Should people have a religion?; pair number two – Should prostitution be
legitimized?; pair number three – Can celibacy be a threat to a priest’s
vocation?; pair number four – Does the current president deserve the country’s
trust?; pair number five – Can death sentence be a plausible solution to
mitigate plunder?; and pair number six – Should same-sex marriage be encouraged
or even allowed in our country?”
God, are you crazy? Partner na nga
kami ni Ivan, tapos yun pa ang topic na assigned samin? Grabe naman talaga!
“Conduct an extensive research on your
topics class! You will know if your group is going for the affirmative or
negative side on the day of the debate itself. Prepare for defending either
side. By next Wednesday, our debate shall commence. Any questions?”
Halatang pressured ang class, pero mas
pressured ako! I can’t believe na for real ang lahat ng nangyayari. Haaay...
Nasa ganon akong kalagayan nang
biglang may tumapik sa balikat ko. Si Ivan pala. Great.
“Wuy tol...may problema ba? Dismissed
na tayo! Ano pang pinagmumuni-munihan mo dyan? Siguro, ayaw mo akong partner
noh? Hehehe,” sabay ngiti sa akin.
Ngayon ko lang napansin na killer
smiler pala siya; pantay at maputi ang mga ngipin, mapula ang mga labi, may
ilang dimples, at naniningkit ang mga mata. Waaah!
“Ay tol, walang ganyanan ha? Natutunaw
ako. Sige ka, kahit straight ako eh baka patulan kita sa gwapo mong yan!” banat
niya habang ngingisi-ngisi, ang mga mata lalong naningkit.
“Haha, nice one. Wag ka ngang magbiro
ng ganyan Ivan. Tara, lunch na tayo oh past twelve na pala,” paglilihis ko.
Nakakahiya. Siguro obvious talaga ako sa kanya. I can’t help it. Geeez.
LUNCH AT CAFETERIA...
Marami rin kaming napagkuwentuhan ni
Ivan. Nalaman ko na only child pala siya. Parehas kami na ang tatay ay nasa
malayo; ang kaibahan lang eh si daddy ay nasa abroad. Nalaman ko rin na mahilig
siya sa gulay. Palibhasa raw eh staple na sa kanila ang barbecue at iba pang
grilled food kaya nagsasawa na raw siya. Gulay na lang daw ang pantanggal niya
ng umay sa karne. May natutuhan pa nga ako sa kanya eh. Pwede pala i-fry ang
kalabasa. Lagyan lang daw ng salt, pepper, at soy sauce eh solve na. Cool.
Masarap siyang kasama, kwela, at
street-smart. Nakakahawa ang ngiti niya. Kaasar. Lalo tuloy akong naguguluhan
sa sarili.
“Wuy tol, sabi mo kukuwentohan mo ko
tungkol sa pag-manage mo ng grill shop noon.” Hindi pala niya nakalimutan.
“Three years ago, nagbukas si daddy at
kuya ng grill shop near our place sa Taguig. Opening palang eh nag-hit na agad
ang shop. Best-seller pa nga namin ang chicken and pork barbecue, stuffed
squid, at seven-spice grilled shrimp and seafood. Eventually, nag-expand ang
shop at naging resto. Kaso, nung bago mag-one year yung business, kinailangan
nang mag-abroad ni daddy at kuya. They accepted kasi the job offer sa kanila ng
matagal na naming family friend. Yung friend kasi naming yun eh may contact sa
higher-ups ng isang kilalang IT company. Kahit naman kasi well-off kami eh di
hamak daw na mas malaki ang compensation na makukuha nila daddy at kuya dun sa
company na yun kesa kung itutuloy nila ang work nila dito sa Pinas. Kaya ayun,
di na sila nag-hesitate na tanggapin yung offer. Pinagpatuloy ko yung business
kahit na ganon. Nakakahinayang kasi na magsara na lang sila basta dahil lang
aalis sila. May ilang cooks and helpers na naman kami sa shop that time, so
medyo naging madali na rin ang pag-manage. Pero kahit ganon, ako pa rin ang
nag-prepare ng mga inihaw. Yung grilled food kasi ang talagang mabenta, so
ginusto ko na sigurado yung consistency sa taste and preparation.”
“Ah. Kaya pala sanay ka sa pagiihaw.”
Bakas pa rin ang pagkamangha sa mukha ni Ivan. Nakakatuwa siyang pagmasdan.
“Kaso, naisip ni mommy na lumipat muna
kami sa Manila since balak nila ni daddy na ipagawa yung house. So kinausap ni
mommy si Ms. Inday, ang matagal na niyang kaibigan since high school pa, para
pansamantala muna kaming mag-rent sa kanya. Sayang nga eh at kinailangan
mahinto ang pag-manage ko sa grill since hindi na magiging convenient para
sakin ang ipagpatuloy pa iyon dahil mahihirapan ako sa studies ko pag
nagkataon. Uncle ko muna ang namamahala habang wala kami sa Taguig.”
“I see. Pero ang galing noh? Small
world. Magkalapit lang pala tayo sa isa’t isa, at magkaklase pa tayo. Hehe.”
“Hehe, oo nga eh. Akalain mo yun.
Kahit nakaka-miss ang dati, solve na ako kasi andyan ka naman. Kala ko mag-isa
lang ako eh. Haha.” What the hell did I say! Waaah.
“Drama mo tol! Hehehe. Don’t worry, di
kita iiwan. Gusto mo sabay pa tayong umuwi and pumasok eh.” Ang sarap naman
pakinggan. Ewan. Hehe.
“Talaga lang ha? Hehe. Sige ba.
Seriously, thankful ako at nandyan ka. Loner kasi ako, and I don’t usually
reach out sa iba. May pagka-introvert kasi ako. Di ako mahilig sa matao at
party-party.”
“Wow. Parehas pala tayo eh. Haha. Di
rin ako mahilig sa matao, at di rin ako ma-party. May mga kaibigan ako, pero di
rin yung super close. Ewan ko ba. Yaan na nga natin yun. Hehe.”
Medyo natahimik kami. Awkward silence.
Weird.
“May dumaan na anghel,” basag ko sa
katahimikan.
“Saan? Wala naman eh! Ang alam ko lang
eh kanina pa may anghel na nakaupo sa harapan ko,” sabay smile. Ano daw???
“Huh?”
“Wala! Sabi ko ampogi mo talaga.
Hahaha!”
Shet! Di ko napigilang mamula. Anlakas
naman ng trip niya!
“Ayiii! Nagba-blush siya oh!”
pangaasar pa niya.
“Yeah right! Hehe.” Kaasar naman ‘tong
si Ivan!
Nasa ganon kaming setup nang biglang
may mag-ring na cellphone. Sa kanya pala.
“Hello? Hey hon. Musta ang one and
only ko?”
Ouch. How sweet of him. Teka, why do I
seem affected? Parang may kung anong namumuong bigat sa dibdib ko. Parang nagda-dry
rin ang lalamunan ko. Argh! This is so awkward!
“Sige, sunduin kita maya. I love you,”
sabay baba ng phone.
“Naks. Sweet naman bro. Hehe.” Bakas
pa rin sa mukha niya ang saya at pananabik.
“Haha. Girlfriend ko kasi eh.”
“Nice pare. Lucky the girl.”
“Hehe. Mas swerte ako sa kanya.”
Ewan ko, pero sumikip ang dibdib ko sa
binitiwan niyang mga salita. Lalo na sa “mas swerte.”
May kung anong kirot.
Ewan.
“Wuy...may nasabi ba ako? Bakit bigla
kang nalungkot?” tanong ni Ivan.
Hindi ako makasagot. May nasabi talaga
siya. Pero what’s wrong with that? Lucky the girl pala ha, oh yan tuloy Josh.
Nakarinig ka na naman ng “mas swerte ako sa kanya” na linya. Brings back
bittersweet memories. Very bittersweet...
7 MONTHS AGO...
“Ang sweet niyo naman!”
“Oo nga, nako baka langgamin na kayo
niyan!”
“Ang swerte naman ni Josh, siya ang
minahal mo.”
“Mas swerte ako sa kanya. Mahal na
mahal ko si Josh,” sabay halik sa akin ng isang chinitong pagkagwapo-gwapo.
Pansamantalang nawala ang mga mata niya nang maningkit ang mga ito habang
pinanggigilan akong akbayan, yakapin, at halikan sa pisngi. Si Brendon. Ang
unang lalakeng minahal ko nang lubos.
3 MONTHS AGO...
“Happy fourth monthsary, Mr. Joshua
Romualdez Javier,” sabay abot sa akin ng bouquet of roses. The roses were as
red as his lips. Nasabik akong halikan ang mga iyon.
“Happy fourth monthsary too, Mr.
Brendon Steven Lee,” sabay abot ko sa kanya ng box of Swiss chocolates. Mas
matamis pa siya sa mga iyon. Akmang hahalikan ko na siya nang harangan niya ang
aking mga labi gamit ang kanyang hintuturo.
“Love, not so fast. Chill. I forgot to
lock the door. Hehehe.”
“Binibitin mo ako kahit kelan ka
talaga Mr. Lee.”
Pagkasarang-pagkasara ni Brendon ng
door, niyakap ko siya mula sa likod. Napakasarap niyang yakapin. Kahit medyo
bata pa kami, well-developed na ang aming mga pangangatawan. Mas maliit sa akin
si Brendon. 5’9” lang siya. Pero ang build ng katawan niya ay mas malaki sa
akin. Walang kataba-taba. Lean at muscular talaga. Sexy.
“Let’s eat these chocolates. Para may
energy tayo. Hehehe,” ngingisi-ngisi siya habang magka-holding hands pa kami
nang pumunta sa bed. Napakagrande. Sa isang luxury hotel kasi kami naka-book.
Lingid sa kaalaman ng aming mga magulang na dito pala napunta ang hiningi
naming additional allowance. Pasaway talaga kami. Haha.
“Sarap Josh. Alam mo talaga ang
kahinaan ko.”
“Mas masarap ako diyan Brendon,
hehehe.”
“I know. Wala yatang sinabi kahit
Swiss chocolates laban sa ahm...lollipop ng love ko. Hahaha!”
“You are such a naughty chinito guy,”
at pinaibabawan ko siya.
Nagtatawanan pa kami nung una. But not
for long. Silence. And we gazed at each others eyes.
“I love your green, emerald eyes. Pero
love, mas mahal kita sa mata mo. Mahal na mahal kita. Sabi ng mga friends ko na
swerte ka daw sakin. Totoo yun, hahaha. Pero mas swerte ako sayo Joshua.”
“Brendon, di mo lang alam kung ano
nararamdaman ko pag tumitingin ka sa aking mga mata. The blackness of your
eyes...geeez, I can’t even find the words para i-describe yung nararamdaman ko.
I love you so much, Brendon,” at hindi ko na napigilan ang paghalik sa love ko.
It began as a chaste and tender kiss.
Nakakakoryente ang bawat dampian ng aming mga labi. It was a teasing feeling.
Bawat dampi eh parang gusto ko siyang angkinin. Matagal din kaming nasa ganong
setup. Nakapikit. Ninanamnam ang init at pagpipigil. Huminto siya.
“Josh, love, I’m yours. I love you.”
Nangungusap ang mga mata niya. Naniningkit ngunit nananabik.
“I love you too, Brendon.” Hinalikan
ko siyang muli. Ngayon ay mas nagaalab. Nagpaubaya siya. Marahan na naglaro ang
aming mga dila, ang kanya’y pumasok sa aking bibig, at ang akin ay ganon din sa
kanya. Nalasahan ko ang Swiss chocolates na pinagsaluhan namin kanina lang.
Bumilis ang tibok ng aming mga puso. Naging mas mapusok ang aming halikan. May
mga beses na sinipsip niya ang aking dila; ilang beses din akong parang kinapos
ng hininga. Gumanti rin ako. Sinipsip ko ang dila niya, habang nakapatong ako
sa kanya. Testamento ng aming pagmamahal at pagiinit ang aming mga nanginginig
na katawan, at mga naninigas na pagkalalaki.
Kumalas kami pansamantala sa isa’t
isa. Naghahabol sa paghinga. Di rin naming mapigilang ngumiti.
“Love, tonight we lose our virginity.
Hahaha.”
“Yeah right! Sawa na din naman ako sa
pagpipigil eh. You have no idea kung gano kahirap magtimpi ng pagnanasa,
Brendon,” sabay bitiw ko ng ngiting alam ko eh ikababaliw niya.
“Wag naman ganyan, Josh. Kinakapos na
nga sa paghinga yung tao, bibitiwan mo pa ng pamatay na ngiti. Pano yan kung
mamatay ako nang hindi man lang kita natitikman. Sayang naman! Hahaha,” pilyo
niyang banat. Kasabay ng paniningkit ng kaniyang mga mata ang pagdulas ng
kanyang polo. Tumambad sa akin ang isang anghel na may naniningkit na mga mata
at mapanuksong mga labi. Lalo akong naginit at tinigasan.
Hinubad ko na rin ang aking suot na
polo. Tinignan ko ang mga mata ni Brendon. Nagaalab. At bumukol lalo ang
kanyang harapan. Niyakap niya akong muli. Nakakapaso. Nakakakoryente. Iba ang
pakiramdam ng may kayakap ka nang balat sa balat. Ito ang gabi na isinuko namin
ang aming pagkainosente.
Halikan na mapusok ang muling
namagitan sa amin. Shet! It was really burning hot in our room. Kahit pa todo
ang aircon, nakakapaso ang pakiramdam. Sobrang nakakapaso pero masarap lasapin.
Hinagod namin ang bawat isa. Bawat
halik, dumidiin ang mga hagod. Sa pagitan ng aming mga hita ay kanina pang
namumuong pagnanasa. Pagnanasang mapakawalan sa saplot, mahawakan, matikman.
Bumaba ang isang kamay ni Brendon sa aking harapan. Parang pansamantalang nawalan
ng heartbeat ang puso ko. Nakakakiliti. Masarap. Mapanukso ang malambot ngunit
madiing kamay. Nanghihina ako.
Kumalas siya sa paghalik. Binaba ang
mga kamay upang alisin ang belt ko. Tinapon niya sa sahig yun. Sumunod din agad
sa sahig ang aking jeans. Nakalabas na sa brief ko ang kanina pang matigas kong
ari. Lumunok siya ng malalim. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ang aking ulo sa baba.
Napasinghap ako sa isang sensasyon na ngayon ko lang naranasan. Kung gaano
kanakakakoryente ang mga labi niya nung dumampi ang mga ito sa aking labi,
doble o triple pa ang naranasan kong kiliti at koryente nang idinampi niya ang
mga labi niya sa ulo ng aking pagkalalaki.
“Bren...don.”
Inalalayan niya akong alisin ang aking
brief. Ngayon, tumambad sa kanyang mata ang kabuuan ng aking pagkalalaki, ang
kabuuan ng aking katawan.
“Josh, love, you’re mine.”
Napaka-sweet ni Brendon. Isang pagangking punong-puno ng pagmamahal at
pananabik.
“I’m all your Brendon.” At idinampi ko
ang kanang kamay ko sa kanyang galit na galit na harapan. Napasinghap rin siya
parang ako kanina. Parehas kaming walang muwang sa kamunduhan.
Tinulungan ko siyang alisin ang
kanyang belt at jeans. Ginantihan ko rin siya. Hinalikan ko rin ang ulo ng ari
niya na nakasiwang na sa kanyang brief. Napaungol siya. Shet. Lalong
naghumindig ang ari ko nang marinig ko ang kanyang ungol. Napaka-husky.
Bruskong-brusko. Lalakeng-lalake. Malalim. Sexy.
Inalis na niya ang kanyang brief.
Tumambad sakin ang kabuuan ng love ko. Mas malaki kaysa sa akin. Napalunok ako.
Niyakap niya ako.
Ngayon, balat na lang ang pagitan
naming dalawa. Sabik na sabik kami sa isa’t isa. Naghalikan kami muli. Mas
mapusok, mas mainit. Gumapang ang kamay niya sa aking puwet. Napakainit ng
kanyang palad. Malambot, madiin, maiinit. Inihiga niya ako.
Hinalikan niya akong muli sa labi,
pababa hanggang sa aking dibdib. Napaungol ako ng sipsipin niya ang nipple ko.
Sinabayan pa niya ng paghawak sa ari ko. Bawat paglalaro ng kaniyang dila ay
siya rin namang pagtaas-baba ng kamay niya sa aking katigasan. Napakasarap.
Nakakapangdeliryo. Pinagpatuloy niya iyon, hanggang bumaba ang kanyang halik sa
aking pusod. Nilaro ng kanyang mga labi at dila ang linya ng buhok sa aking
pusod. Nakakakiliti. Napakasarap.
“Ahhh...Bren...don...aaahhh.”
Ibinaba niya ang paghalik. Tumigil
siya.
“Hindi ko inisip na ganito na kita
kamahal, na kaya ko palang gawin ang mga bagay-bagay ng walang pagaalinlangan.
Love, mahal na mahal kita. Joshua, I offer you myself.” At muli niyang
hinalikan ang ulo ng ari ko. Napaungol akong muli. At napasigaw ng nang isubo
niya ang akin pagkalalaki, ang ulo, pababa.
“Shet! Ahhh...ahhh!
Bren...don...aaaahhh!” Nakakabaliw. Wala akong mahanap na salita para
ipaliwanag ang nararamdaman. Napakasarap.
Tsup...tsup...tsup... Dinig na dinig
ko ang pagdulas ng ari ko sa bibig ni Brendon. Punong-puno ng pagmamahal.
Punong-puno ng pagpapaubaya. Napakasarap.
Nang maramdaman kong malapit na akong
labasan, ipinaalam ko iyon sa kanya.
“Brendon...ahhh...malapit na
ko...iluwa mo na, ayokong magpalabas sa iyong bibig. Ayokong mabastos kita.”
Iniluwa niya ang aking ari na basang
basa na sa naghalong precum ko at laway niya. Tinignan niya ako, ang mga mata
niya, naniningkit.
“Napakagalang naman ng love ko.
Joshua, love, salamat. Pero mahal na mahal na mahal kita eh,” sabay bitiw ng
napakaganda ngunit pilyong ngiti.
Sinubo niyang muli ang katigasan ko.
Napaungol na naman ako. Binilisan niya ang pagromansa sa akin.
Tsup...tsup...tsup...pabilis ng pabilis. Naramdaman kong lalabasan na ako.
“Brendon! Mahal na mahal
kita...aaaaaaaaahhh!!!” Sinagad niya sa lalamunan niya ang pagkakasubo niya.
Naramdaman kong umagos palabas ang aking katas. Marami. Mainit. Malapot. Sinaid
niya ako, kahit halatang naduduwal na siya, mapaligaya lang ako. Di niya ininda
ang sarili. Naramdaman kong lumambot nang muli ang aking pagkalalaki.
Sinipsip niya itong muling, at iniluwa
na niya. Tumayo siya. Bakas ang pagod sa kanyang mukha, ang hirap at sakit sa
lalamunan niya ay pinatotohanan ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata.
Tumayo na rin ako. Niyakap ko siya. Hinalikan. Nalasahan ko ang aking sarili.
Wala akong pakialam. Napakasarap. Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Ako naman
ang magpapaligaya sa kanya.
Ihiniga ko siya. Ginawa ko rin sa kanya
ang mga ginawa niya sa akin. Halong saya at sarap ang namutawi sa kanyang
mukha. Napakasarap niyang pagmasdan. Alam kong hindi ko kakayaning isubo ng buo
ang kaniyang katigasan. Over 7.5” yata yun. Hindi makatotohanan, pero sadyang
pinagpala at sexy si Brendon eh. Nonetheless, I sucked him. Every blow,
pinadama ko sa kanya kung gaano siya kaimportante. Napuno ng ungol niya ang
aming kwarto. Napakasarap pakinggan. Hindi ko na inisip ang mga sinasabi ng
iba. Eh ano kung sumubo ako ng ari ng lalaki? Eh mahal ko siya eh. Nang gabing
yun, hindi na mahalaga sa akin ang pride. Siya nga eh nagawa niyang ibaba ang
kaniyang sarili, mapaligaya lang ako. I wanted him to feel kung gaano ko siya
kamahal, kahit pareho pa kaming lalaki na pawang hinahanap ang mga sarili.
“Jo...osh...ahhh...it
feels...soooo...good...aaaaaahhhhh.”
Tinignan ko siya. Mala-anghel ang
mukha niya. Sarap na sarap. Tinigasan akong muli.
Sinubo ko siya ulit.
Tsup...tsup...tsup...tsup...tsup...sinabayan na ng kanyang bewang ang
pagpapaligaya ko sa kanya. Naduduwal na ako. Pero tiniis ko lang. Bigla siyang
kumalas. Naguluhan ako...
“Love, ayokong nasasaktan kita. Tama
na ito. Ok na ako. Salsalin ko na lang, ayokong nahihirapan ka eh,” pagsusumamo
niya. Napakabait niya talaga. Ngunit gusto kong isuko ang sarili ko sa kanya
nang buong-buo.
“Brendon, pasukin moko,” ang aking mga
mata itinuon ko sa kanya. Alam ko mas masakit ang hinihingi ko. Mas mahirap ang
gusto kong ibigay. Pero yun ang tanging naiisip ko nang mga panahong yun. I’m
all his naman eh.
“Josh, lalong mas masakit at mahirap
yun! Ano ka ba?! Ayaw nga kitang masak...” Hindi ko na siya hinayaan magsalita.
Pinahiga ko siya. Dumura ako sa kamay ko at ipinahid iyon sa butas ko. I bent
over him, dinilaan muli ang kanyang ari, nilawayan. Tumayo ako nang ang
dalawang paa ay nasa magkabila niyang gilid, ang kanyang katigasan sa tapat ng
aking puwet.
“You can have me Brendon. I’m all
yours, love.”
At dahan-dahan akong pumaupo sa
kanyang katigasan. Naramdaman ko ang ulo ng kanyang ari. Eto na. Ibibigay ko na
ang lahat. Diniinan ko ang upo. Masakit. Parang may napupunit.
“Josh, dahan-dahan lang.”
Umangat ako sa kanyang katigasan.
Mahapdi. Dumura ako muli sa isa kong kamay at ipinahid sa aking butas. Dumura
din si Brendon sa kanyang kamay at ipinahid yun sa ari niya. Sinubukan ko ulit
siyang upuan. Masakit, pero eventually, naipasok ko rin sa aking butas ang
kabuuan niya. Magkahalong hapdi at sarap and nadama ko.
“I love you.”
“I love you too.”
At umindayog na ang aking katawan sa
kanyang pagkalalaki. Taas-baba...taas-baba... Pinapawi ng ngiti sa mukha niya
ang hapdi ng pagniniig namin. Nagtagal din kami sa ganong setup.
“Josh, mapapagod ka niyan,” sabi niya
at nagbitiw ng napakagandang ngiti. Bigla niya akong pinatigil. Dahan-dahan
niya akong inalalayan, ang kaniyang ari ay nahugot sa paghihiwalay ng aming
katawan. Inihiga niya ako. Hinalikan, at napakalambing na inangkin.
Dumura siya sa kanyang kamay,
pinadulas ang kanyang katigasan. Itinaas niya ang mga binti ko at ipinatong sa
kanyang balikat. Dahan-dahan niya akong pinasok. Anlaki kasi ni Brendon ko.
Hahaha. Mangiyak-ngiyak na naman ako sa hapdi. Pero solve na talaga ako makita
ko lang siyang nasasarapan, naliligayahan. Sinabayan ko ng pagsasalsal ang
pagbayo niya sa akin. Sa pagiisa ng katawan namin, naramdaman namin ang sarap
ng pagmamahalan.
“Josh, malapit nako. Sabay tayo.” At
nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang katigasan ko. Ang galing niya talaga
mangromansa. Sinalsal niya ako habang umiindayog ang katawan namin. Bumilis siya
nang bumilis sa pagkadyot at pagsalsal sa akin.”
“Josh ayan
na...ahhh...aaaaaaaahhhhhh!!!”
“Aaaaaaahhhhhh!!!”
At sabay namin narating ang langit.
“Mahal na mahal kita, Mr. Joshua
Romualdez Javier.”
“Mahal na mahal din kita, Mr. Brendon
Steven Lee.”
1 MONTH AGO...
“Tangina! Shet, Brendon!” Napakasakit.
“This will never work, Josh. I’m
sorry.”
“This will never work? Fuck, Brendon!
Fuck! Tangina. Our relationship has been working well. Bakit kailangan natin
itapon nang basta-basta ang lahat? TELL ME!!!”
“Wala naman sayo ang problema Josh eh.
Nasakin. May mahal na akong iba. Sorry...” Sabay iwan sa akin. Nasa lapag ang
isang kahon ng mga ala-ala naming dalawa. Sinauli niya ang lahat ng materyal na
bagay na aming pinagpalitan bilang testamento ng aming pagmamahalan. But damn.
Hindi na maibabalik ang lahat.
“Mas swerte ako sa kanya,” muli kong
inulit ang mga salitang binitawan niya noon. Hindi ko na napigilang umiyak.
Magisa na naman ako.
PRESENT TIME...
“Tol...tol...”
Umiiyak na pala ako.
Nagulat ako nang tuyuin ni Ivan ang
aking mga luha. Pinahid niya ang mga ito gamit ang kanyang malambot at maputing
kamay. Kanina pa pala dumadaloy ang mga luha ko.
“Sorry kung may nasabi man akong
masama...wag ka namang umiyak. Nasasaktan ako, Josh. Nasasaktan ako pag
nakikita kitang umiiyak.”
Lalo akong naiyak dahil sa mga sinabi
niya.
Hindi naman kasi ganon kabilis
mag-move on eh. Basta may magpakita sayo ng care, hindi mo maiiwasan na maalala
ang mga taong nagpakita rin sayo ng ganon. Masarap ang feeling ng may
nagpapakita ng care at concern sayo, pero minsan—kahit gano pa ka-well-meaning
ang gesture—binabalik lang nito ang mga ala-alang nakakapanghinayang.
“Tahan na tol. Sige ka, andami pa
namang chicks na nakatingin sayo oh,” biro ni Ivan. Nginitian niya ako. Isang
ngiting nakakapagpagaan ng feeling.
“Hehe, eh ano naman? Kahit naman
luhaan ako, gwapo pa rin! Hahaha.” Napangiti na rin ako.
“Oo na. Ikaw na ang gwapo! Hindi ako
aangal,” sabay bato sa mukha ko ng panyo.
“Para san?”
“Ano ka ba? Wag mong sayangin ang
kagwapuhan mo. Magpunas ka kaya ng luha...at ang sipon mo oh, tutulo na.
Hahaha.”
“Wag na meron naman ak...” Teka. Ang
panyo ko. Nawalan na naman ba ako ng panyo? Damn.
“Oo, meron kang luha at sipon kaya
gamitin mo na yan. Hehehe.”
“Naman bro nakakahiya. Pero di nako
makakatanggi. Pasensya ka na ha. Laban ko na lang at ibalik ko rin bukas.”
“Kahit wag na, Josh. Sayo na yan,”
sabay killer smile.
Gumaan na ang pakiramdam ko. Sobra.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
“Hi hon. Kanina ka pa ba?” Niyakap ako
ni Leah. Namiss ko siya, grabe!
“Hindi, okay lang hon. I missed you so
much, Ivan.”
“I missed you so much too hon, my one
and only.” Hindi ko na napigilang halikan siya. Sobra akong nasabik.
“Ang sweet talaga ng hon ko.”
“Hehehe. Sobra kitang na-miss, alam mo
ba yon”
“Haha. Sorry. Dibale, tapos na naman
ang review namin. Dahil na-miss mo ako dahil mas na-miss kita, date tayo!”
Yumakap muli sakin si Leah. Sarap talaga sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo.
Tandang-tanda ko pa kung paano kami
nagkakilala ni Leah...
2 YEARS AND 3 MONTHS AGO...
“Pabiling isaw,” wika ng isang
mestisa. Ang ganda niya. Sobra. Napakaputi, at kaakit-akit ang mga mata. Kulay
green kasi eh. Di pangkaraniwan. Ang mukha, walang ka pekas-pekas. Napakakinis.
Ngumiti siya. Ang ganda niya talaga.
Ang hubog ng katawan niya, wala akong masabi. Panaginip.
“Hey. I said pabiling isaw.”
Natauhan din ako.
“Ahm, miss ilan?”
“Five. Pakitustado ha?” sabay bitaw ng
napakatamis na ngiti. Para siyang anghel. Napakaganda niya talaga.
IHAW...PAYPAY...IHAW...PAYPAY...AYOS.
“Miss, heto na yung order at sukli mo.”
“Yehey! Thanks cutie,” sabay pisil sa
pisngi ko. Panaginip na naman.
Sana, wag na akong magising.
2 YEARS AGO...
“Hindi ka ba magsasawa sa isaw,
Trisha?”
“Hinding-hindi! Lalo basta isaw mo
dear,” sabay pisil sa pingi ko. Lagi na lang. Sana iba naman ang pisilin.
Hehehe.
“Oh Ivan, ano na naman yang iniisip
mo? Ikaw talaga ha! Maginoo...pero bastos! Hahaha.”
“Oy Trisha wala akong sinasabi ha.
Mahilig ka talaga! Babaeng mahilig! Babaeng mahilig! Hehehe.”
“Kapal ng mukha! Hahaha.”
Sana, hindi talaga panaginip ang
lahat.
A YEAR AND 9 MONTHS AGO...
“Oo.”
“Talaga?”
“Oo nga.”
“Talagang-talaga?”
“Talagang-talagang oo nga!”
“Seryoso?”
“Ay nako, magihaw ka na lang nga ng
isaw! Baka magbago pa isip ko sige ka!”
“WOOOOOOOH!!! WOOOOOOOH!!! WOOOOOOOH!!!”
“Ano ba Ivan! Ang ingay mo grabe ka!”
“MGA KABABAYAN!!! KAMI NA!!! KAMI
NA!!! KAMI NA NG MAHAL KONG SI TRISHA!!! WOOOOOOOH!!!”
Totoo ba talaga ‘to?
9 MONTHS AGO...
“Trisha dear, happy anniversary! Mahal
na mahal kita! Mahal na mahal!”
“I love you too dear! Ivan, I’ll
always love you. Mahal na mahal kita.”
“Sigurado kang gusto mong gawin ‘to?”
“Oo naman, dear.”
“Talaga?”
“Oo nga! Ang kulit!”
“Hehe. Sige na nga. Sabi ko na nga ba
eh. Gusto mong matikman isaw ko.”
“Bastos!” sabay pisil sa aking
natutulog na junior.
“Tara na nga. Ihaw na tayo.”
Ayoko nang magising.
3 MONTHS AGO...
“Ivan...”
“Trisha...”
“Buntis ako...”
“Pananagutan kita. Magpapakasal tayo.”
“Hindi ikaw ang ama...I’m sorry. I’m
breaking up with you. I’m really sorry...”
Isang halik ang gumising sakin. Tapos
na ang panaginip. Magisa na naman ako.
One Year, Six Months by Yellowcard [♫]
Sew this up with threads of reason and
regret
So I will not forget. I will not
forget
How this felt one year six months ago
I know I cannot forget. I cannot
forget
I'm falling into memories of you and
things we used to do
Follow me there
A beautiful somewhere
A place that I can share with you
I can tell that you don't know me
anymore
It's easy to forget, sometimes we just
forget
And being on this road is anything but
sure
Maybe we'll forget, I hope we don't
forget
I'm falling into memories of you,and
things we used to do
Follow me there
A beautiful somewhere
A place that I can share with you
So many nights, legs tangled tight
Wrap me up in a dream with you
Close off these eyes, try not to cry
All that I've got to pull me through
is memories of you
Memories of you
Memories of you
Memories of you
I'm falling into memories of you and
things we used to do
Follow me there
A beautiful somewhere
A place that we can share
Falling into memories of you and
things we used to do.
“...and things...we used to...do...”
Ang sakit-sakit. Sobra. Trisha...
2 MONTHS AGO...
Concentrate, Ivan. Kaya mo yan.
Hinga ng malalim. Yan!
“Pucha. Malas. Ano ba yan!” Kaasar.
Hindi pa nahulog yung teddy bear. Buset. Benteng tokens na yung lagay na yun
ha. Ang malas ko talaga. Naknam...
“Sayo na lang oh.”
“Ah eh...hindi na miss. Nakakahiya.”
“Kanina mo pa gustong makuha yon diba.
Konti lang naman ang diperensiya nito kumpara don. Imbes na blue ang ribbon
niya, red.”
“Pero bakit ako ang naisipan mong
pagbigyan niyan?”
“Andami mo pang tanong! Libre mo na
lang ako ng isaw minsan. Hehe.”
Hehe. Napakatamis na tawa. At kilala
ko pala siya?
A MONTH AGO...
“Hon...mami-miss ko ‘to.”
“Leah naman eh...”
“Hayaan mo, babawi ako sayo pagtapos
ng review namin.”
“Sabi mo yan ha.”
“Oo. Basta, pag nami-miss mo ako,
tignan mo lang yung teddy bear na bigay ko sayo.”
“Ngayon pa lang nga eh nami-miss na
kita.”
“Mami-miss ko talaga ang isaw niyo ni
tita. Pero mas mami-miss kita, hon. I love you Ivan.”
“I love you too Leah. Wag mo kong
iiwan ha?”
“Promise. Hinding-hindi kita iiwan
Ivan.”
“Mami-miss talaga kita.”
PRESENT TIME...
Ambilis talaga ng panahon. Dati si
Trisha. Ngayon si Leah. May Joshua pa. Lintek. Ano ba ‘tong iniisip ko!
Nasa ganon akong pagmumuni-muni nang
mapansin kong may kayakap pala ako. Si Leah.
“Hon, mas miss mo pala ako eh. Di mo
lang sinasabi. Hehehe.” Napakaganda talaga ng ngiti at mata ni Leah. At maganda
talaga siya. Mabait pa, at sexy hehehe. Swerte ko talaga sa kanya!
“Ah...eh...oo nga eh. Hehe. Hindi kita
na-miss. Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss lang naman kita
hon ko.”
“Ang sweet talaga ng hon ko. Sa sobrang
sweet nga niya eh siya na daw pala ang manlilibre hindi na ako. Haha.”
“Oo ba!”
“Sira, diba sabi ko sayo babawi ako?”
“Nakabawi ka na.”
At sabay kaming tumawa.
* * * * * * *
Nakakapagod. Pero masaya ang araw na
‘to.
Iba talaga ang pagmamahal sa crush.
Kahit parehas silang nawawala, mas matagal pa rin mawala ang pagmamahal.
Antok na ko. Bukas, panibagong araw na
naman.
COMPOSING MESSAGE...
nyt hon. muah.
luv u luv u luv u!
slmat sa date ah.
pero mas slmat sa pgdting mo sa lyf
ko.
muah.
SENDING MESSAGE...MESSAGE SENT.
Maya-maya lang, nag-reply na ang
pinakamamahal ko.
love u too hon ko.
i’m really happy coz you came into my
life.
kala ko, klangan ko pa bmili ng mdmeng
isaw para lng mpansin mo ako.
hehe.
mwahugsss ü
Sarap talaga.
Masarap talaga magmahal.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
“Bro, nakapag-research ka na?”
“Nako tol hindi pa. Hehehe.” Parehas
pa pala kami ni Ivan. Hehe. Pasaway.
“Sa Wednesday na yata tayo sasabak ah.
Mahirap ba debate dito?”
“Di naman tol. American Parliamentary
ang format.”
“Ah I see. Nasanay kasi ako sa British
Parliamentary.”
“Dibale, mas madali naman ang AP.
Dalawa lang kasi for both sides unlike ng BP.”
“Sabagay, less members, more chances
na maging coherent ang arguments.”
“Tama. Isa pa, ikaw naman ka-partner
ko kaya, swak na swak tayo. Hehehe,” sabay akbay sakin si Ivan. Shet.
Nanti-trip na naman siya. Waaah.
“Ganon? Bakit naman?” Hehe syempre
lubus-lubusin na tutal nanti-trip ang mokong.
“Parang pagiihaw lang yan. Marunong
akong magihaw. Marunong ka din magihaw. Eh di iihawin natin sila. Hehehe,”
sabay killer smile na naman. Geeez.
“Ahhh...ganon pala yon.”
“Oo, kaya tara mag-research na tayo.”
At naglakad na nga kami papuntang
library...ng magkaakbay? Oh no. Hehe.
RESEARCH AT LIBRARY...
“Tol ikaw, ayos lang sayo makakita ng
dalawang cute na babae na magka-holding hands?”
Expected ko na kung ano-ano ang
mapapagusapan namin ni Ivan lalo na at hanep ang topic na napunta samin.
“Oo naman. Cute nga eh hehehe.”
“Eh kung magka-kiss?”
“Hot.”
“Eh kung dalawang guy na magka-holding
hands?” Sapul.
“Ah...ayos lang. Weird, pero ayos
lang.”
“Talaga?”
“Yeah, I guess.”
Hindi ko ine-expect ang sumunod niyang
ginawa.
Kinuha niya ang kamay ko. Hindi pa
nakuntento, sinadya pang i-interlock ang mga daliri niya sa daliri ko.
Nakakapaso. Nakakakoryente. Shet!
“Ang weird noh Josh?”
“Oo, kaya bitawan mo na ako tol
hahaha.” It’s not that awkward ang ganon, dahil walang binatbat ang holding
hands sa listahan ng mga nagawa ko with Brendon. The thing is, parang hindi ko
matagalan pag si Ivan ang nakahawak sa kamay ko.
“Iba pala ang pakiramdam kapag kamay
ng lalake ang hawak mo. Nasanay kasi ako sa kamay ng GF ko. Maliit. Sobrang
lambot. Makinis. Pero yung sayo, kahit malambot at makinis, may kakaiba. Ewan.”
Seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Ah eh, nakakahiya bro. Pasmado ako
hehe,” sabay kalas sa pagkakahawak niya. Hindi ko talaga matagalan. Ewan ko
kung bakit. Masarap, pero parang mali. Ewan. Di naman talaga ako pasmado, pero
pinawisan ata kamay ko. Nakakapaso kasi ang kamay ni Josh. May kung anong init.
“Sus, madalas ka siguro mag-ano!
Hahaha!”
“Gago hinde ah. Baka ikaw Ivan! Haha!”
He’s so unpredictable. At one point seyoso siya, bigla-biglang kukulet.
“Hehe ayos lang yan tol. Hindi ka nagiisa.
Madalas din naman akong magano eh...magihaw. Hahaha!”
“Sira ka talaga Ivan. Baliw!”
“Eh ayos lang ba sayo makakita ng
dalawang guys na naghahalikan?”
Hindi ko mapigilang maalala ang
kahapon. Memories of Brendon and I kissing. Di ko namalayan na nalungkot na
naman ako. Si Ivan pa yata ang nakapansin.”
“Hehe hindi yata ayos sayo yon. Sakin
din hindi ayos eh. Pero pano kaya natin pagtatanggol yung ganon?”
Magaling siya makiramdam. Pero ewan ko
kung bakit iba yung dating sa akin ng “Sakin din hindi ayos eh” na sagot niya.
Parang nakakapanghinayang. Para akong sira.
Pinagpatuloy namin ang pagri-research
about same-sex marriage. Kailangan handa kami sa debate. Naghanap kami ng mga
articles na susuporta at bubutas sa ideyang yon. Hindi namin alam kung for or
against ang aming magiging position. Bahala na.
PUBLIC SPEAKING CLASS...
“Class, we’ll have our first speech
activity sa Tuesday. Gusto ko, pumili kayo ng topic na gagawan niyo ng 5-minute
speech plan. Choose a topic na comfortable kayong pagusapan. Unstructured
format muna ang gagamitin natin, so you can use either English or Filipino as
your medium. Any questions?”
Mukhang klaro ang pagpapaliwanag ni
Ms. Suzie.
“Okay, since there seem to be no
questions, I’ll dismiss the class now.”
At nagkagulo ang klase. Early
dismissal ba naman eh. Sweet. Hehehe.
“Hay sa wakas, uwian na.”
“Oo nga eh.”
“San ka na nyan tol?”
“Uwi na siguro. Ikaw?”
“Palipas muna ng oras. Sunduin ko pa
si Leah mamaya.”
“Ah. Okay. Sige.”
“May gagawin ka ba?” tanong sakin ni
Ivan.
“Ha? Ano ibig mong sabihin?”
“May gagawin ka ba, kaya kailangan mo
nang umuwi?”
“Ah wala naman.”
“Tara, samahan mo muna ako.”
“San tayo pupunta?”
“Sa mall.”
“Ano naman gagawin natin dun bro?”
“Secret. Hehehe. Basta, samahan mo
ako, please?”
“Sige na nga.”
Lumabas na kami ng school. Walking
distance lang naman yung mall na tinutukoy niya. Mabuti na rin yon kaysa umuwi
ako at magpaka-senti. Pero may nakita ako. Isang bagay na matagal ko nang
gustong matikman. Who would’ve thought na merong fried chicken skins malapit sa
school? Hehehe. Yes!
“Bro, saglit lang ha. May bibilin lang
ako.”
“Ano naman yon Josh?”
“Secret. Diyan ka muna ha. Wait lang.”
At tumakbo nako sa may kanto.
“Manong, pabili po ng dalawang order.”
“Heto hijo,” sabay abot sa akin ng
tindero. Nagbayad ako at dali-daling binalikan si Ivan.
“Yehey chicken skins!” sabay alok ko
kay Ivan nung isang order.
“Wow. Thank you. Hehe mahilig ako
dito!” sabay killer smile ulit. Cute niya talaga.
“Weh.”
“Oo nga tol,” sabay kuha ng isang
piraso at parang nag-model ng kumakain ng masarap na pagkain. Nakakatuwa siyang
pagmasdan.
“Haha. Ayos ah. Parehas pala tayong
mahilig sa chicks—chicken skins.” Chicks pala ha Josh. Siguraduhin mo lang.
Mamaya birds pala hindi chicks. Ewan. Hehe.
“Kaya tayo magkaibigan eh. Hehehe,”
sabay akbay na naman si Ivan. Masarap sa feeling. Iba rin kasi ang may
ka-close. Sana nga lang eh mapigilan kong hindi mahulog ang loob sa kanya.
Magkaakbay kaming naglakad patungo sa
mall. By the time na nandun na kami sa entrance, ubos na ang snack namin. Sarap
talaga. Na-miss ko kumain nang ganon. Pero mas na-miss ko ang may kasama.
Hindi ko pa rin alam kung san kami
pupunta. Akyat lang kami nang akyat sa escalator. Parang alam ko na kung saan
kami pupunta.
“Josh, samahan mo muna ako. Gusto ko
kumuha ng stuffed toy hehehe.”
“Nye. Anlaki-laki mo na ah. Haha.”
“Eh kasi naman eh! Matagal na kaya
akong di naglalaro dito. Lagpas dalawang buwan na!”
“Oh, eh dati ba how often?”
“Every week!”
“Geeez Ivan. Adik ka! Hehehe.”
Nakakatuwa. Mahilig pala siya sa
stuffed toys. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong tao. Adik. Hehe.
* * * * * * *
“Ano ba yan! Naka trentang tokens na
ko, di ko pa rin makuha.”
“Haha. Malas mo naman bro!” Ansarap
niyang asarin. Hehehe. Pero seryoso pa rin ang mukha niya. Annoyed and
irritated. Para siyang batang hindi makuha ang gusto. Sabagay. Maganda kasi
yung hitsura nung teddy bear na inaasinta niya. Parang napaka-fine ng
pagkatahi. Siguro para sa GF niya.
“Swerte naman ni Leah, ang sweet mo sa
kanya.” Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yon. Patay.
Hindi niya ako pinansin. Buti na lang.
Focused na focused siya sa pagkuha nung teddy bear. Hanggang sa bumakat sa
mukha niya ang ngiting pagkatamis-tamis.
“YEHEY!!! WOOOH!!! WOOOOOOOH!!!” Tuwang-tuwa
ang mokong. Parang nanalo sa lottery. Hehe. Mas lumitaw tuloy ang pagka-gwapo
niya. Waaah.
“Oh yan bro masaya ka na ha.”
“Oo naman! May pagbibigyan kasi ako
nito na special na tao.”
“Naks. Swerte naman niya.” May halong
kirot na naman akong nadama. Ewan ko kung dahil sa sinabi niya or dahil sa
sinabi ko. Bakit na naman ba ako nagkakaganito. Geeez.
“Tara, meryenda muna tayo!” pagyaya
niya sa akin para kumain.
Napagkasunduan naming sa McDo na lang
kumain.
MERIENDA AT MCDONALDS...
“Ano order mo tol?” tanong sa akin ni
Ivan.
“Large fries na lang and caramel
sundae.”
“Hmph. Gaya-gaya hehe.”
“Sorry malay ko ba. Haha. Eto oh,”
sabay abot sa kanya ng pera. Pero umiling siya.
“My treat tol. Nanalo ako ng teddy
bear eh hehehe.”
“Haha. Sana lagi kang manalo para
nanlilibre ka,” kantsaw ko sa kanya.
Masaya ang hapon ko. Bukod sa nakakain
ako ng chicken skins ngayon, eh nakapag-large fries and caramel sundae pa ako.
Babaw ng kaligayahan noh? Hehe. Siyempre. Minsan lang ‘to. Ikaw ba naman ay
sumunod sa strict na diet plan eh. Cheat-time ko na lang today hehe.
Pero siyempre, masaya talaga ako dahil
magkasama kami ni Ivan. Hindi ko alam kung bakit palagay na palagay ang loob ko
sa kanya.
“Alam mo Josh.”
“Hindi pa. Hehehe.”
“Pasaway ka. Haha. Alam mo, masaya
ako,” sabay subo ng sundae. Lagpas-lagpas pa sa bibig niya yung caramel.
Nakakatawa. Hinugot ko phone ko sabay kinunan ko siya ng picture. Haha.
“Oy may bayad pag kinukuhaan ako ng
picture!” asar sa akin ni Ivan.
“Hehe, ang mahal naman ng panakot ko
sa daga,” balik kantsaw ko sa kanya.
“Panakot pala sa daga ha! Teka hindi
mo na ako pinatapos sa sasabihin ko eh!” Pagsaway niya sakin.
“Ano ba kasi yon?”
“Alam mo Josh, masaya ako at andyan
ka. Diba nga sabi ko sayo eh loner ako. I mean hindi ako mahilig makisalamuha
sa iba. Pero sayo, ang gaan ng loob ko.” Nagbitiw na naman siya ng
napakagandang ngiti. Ramdam ko ang sincerity ng mga sinasabi niya. Hindi ko
tuloy napigilang ngumiti pabalik.
“Bro, masaya din nga ako eh at
nagkakilala tayo. I mean, really, ansaya mo kasama. Palagay ang loob ko sayo.”
“Ang sarap mo ding kasama tol. Enjoy
ako. Di ka yung kagaya ng iba na gimikero o kaya ay parang wala lang. May sense
kang kausap.”
“Naks. So wala palang sense yung iba
mong nakausap. Hahaha.”
“Hindi naman sa ganon. Sabihin na lang
natin na para silang sundae. Yun nga lang, plain lang. Eh ikaw kasi, para kang
caramel sundae. Hindi ako magsasawang kausapin ka. Ayiii...” sabay ngisi niya.
Sarap pakinggan ng mga sinabi niya. Ewan. Kung nakikita ko lang ang sarili ko
sa salamin, malamang ampula ko na. Hehehe.
“Bolero. Hahaha. Eto sayo!” sabay
pasak ng french fries sa bibig niya.
Gumanti ang loko. Pahiran ba naman ako
ng sundae sa ilong.
At ganon na nga ang naging setup
namin. Kawawang fries at sundae. Hehe. Gamitin daw bang weapons.
Ewan ko ba pero ang saya ko talaga
ngayon. Enjoy ako sa kulitan at asaran namin. Di ko na napansin ang oras. Gabi
na pala.
* * * * * * *
“Grabe Josh, salamat ha at sinamahan
mo ako. Nag-enjoy talaga ako!” plus killer smile.
“Ako rin Ivan. Saya ng araw na ‘to!”
“Pano, susunduin ko na si Leah ha?”
“Ingat kayo.”
“Text-text na lang tol.”
“Text-text ka dyan! Hindi mo nga alam
ang number ko eh hahaha.”
“Kaya nga kukunin na eh.”
At kinuha na niya ang number ko.
Kinuha ko na rin ang kanya.
“Sige bro, mauna na ako ha.”
“Josh, sandali lang.”
Nilapitan niya ako, ang mga kamay niya
parang may itinatago.
“Ahm, pikit ka.”
Pumikit ako, nagtataka. Ano na naman
ba ang trip ni mokong?
Nagulat ako nang may lumapat sa aking bibig.
Malambot.
Pero malamig. Medyo basa.
At amoy barbecue?
Dumilat ako. Shet!
I-soh...este isaw?!
“Pweh!” Naman! Of all things, isaw pa!
Lakas talaga ng trip ni Ivan!
“Ivan naman!” Kung gaano ka-awkward
malamang ang pagmumukha ko dahil sa isaw prank ni Ivan eh siya namang
kabaligtaran ng emosyon ng mokong. Tawanan daw ba naman ako! Siya na nga ang
nang-trip, siya pa may ganang tumawa!
“Hahaha! Josh grabe ka! Kung nakikita
mo lang ang sarili mo sa salamin, para kang nakalaklak ng suka! Hahaha,” tawa-tawa
at ngisi-ngisi pa ang mokong. Asar.
Kung di lang kita crush, kanina ko pa
binasag bungo mo. Haaay.
“Kasi naman Ivan. Pinag-trip-an mo na
nga ako sa isaw, gagamitin mo pa ang suka sa usapan! Kadiri. Yaaaaaaak!”
Malamang hindi na talaga maipinta ang mukha ko, pati nararamdaman ko. Ang
saya-saya namin kanina eh, tapos biglang ganito. Nakakainis!
Naisipan ko nang mag-walk out dahil sa
badtrip. Uuwi na lang ako!
Tumalikod nako, ngunit nang akmang
lalakad na ako palayo ay biglang may humawak sa kamay ko at pinigilan ako. Si
Ivan. At hindi ko na namalayan ang sumunod niyang ginawa.
“Halika nga rito,” sabay hila sa akin
palapit sa kanya.
Niyakap niya ako.
Mahigpit.
Parang wala nang bukas.
“Sorry, Joshua.” Marahan at
napakatamis siyang humingi ng paumanhin. Hindi ko alam. Napalitan ang
pagkabanas ng isang pakiramdam na nakakakoryente. Nakakatunaw. Nakakapraning.
Shet.
Pabilis nang pabilis ang kabog ng
dibdib ko. Halo-halong alaala ang muling nagbalik. Masakit pa rin para sakin
ang lahat ng nangyari samin ni Brendon. Pero heto ang isang taong maaaring
magpatibok muli ng puso ko. Pero hindi pwede. Straight siya at may girlfriend
pa. Wala sa plano ko ang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman. Rejection ang
isang bagay na hindi ko pa kayang i-handle muli sa ngayon. Isa pa, kahit pwede
kami ni Ivan, hindi ko ugali ang sumira ng relasyon ng nagmamahalan. Ayoko.
Ayoko dahil alam kong masakit yon sa parte ng taong iiwan. Minsan na akong
iniwan. Ayoko nang may iba pang makaranas ng naranasan ko.
Kasabay ng pagdaloy ng luha ko ang isa
pang pananadya ng pagkakataon. Magpatugtog daw ba ang katabing videoke bar ng
isang kantang ewan ko kung sumasabay lang ba talaga sa sitwasyon... Damn!
Maybe by Neocolours [♫]
There I was
Waiting for a chance
Hoping that you'll understand
The things I wanna say
As my love went stronger than before
I wanna see you more and more
But you closed your door
Why don't you try
To open up your heart
I won't take so much of your time
Maybe, it's wrong to say please love
me too
'Coz I know you'll never do
Somebody else is waiting there inside
for you
Maybe it's wrong to love you more each
day
'Coz I know he's here to stay
But I know to whom you should belong
I believed what you said to me
We should set each other free
That's how you want it to be
But my love went stronger than before
I wanna see you more and more
But you closed your door
Why don't you try to open up your
heart
I won't take so much of your time
Maybe, it's wrong to say please love
me too
'Coz I know you'll never do
Somebody else is waiting there inside
for you
Maybe it's wrong to love you more each
day
'Coz I know he's here to stay
But my love is strong
I don't know if this is wrong
But I know to whom you should belong.
Tumigil ang oras. Pansamantala akong
nawala sa sarili. Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Ivan na dahan-dahang
pumupunas sa mga luha ko. Nagulat lang ako nang mapansing lumuluha din siya. At
mas ikinagulat ko dahil nakayanan pa niyang kantahin ang huling dalawang linya
ng kantang kanina lang ay sadyang nananadya.
“I don’t know if this is wrong, but I
know to whom...you should...belong.”
Hindi ko maintindihan. Ano ang ibig
niyang sabihin?
“Joshua, makinig kang mabuti... Hindi
ko alam, pero simula nang magkakilala tayo, hindi ko na maipaliwanag ang
nararamdaman ko. May ilang beses na akong humanga sa kapwa ko lalake, pero iba
ang nararamdaman ko sayo. Hindi lang simpleng paghanga eh. Joshua, gusto kita.”
Napaiyak muli si Ivan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong
maramdaman sa mga sandaling yon. Dapat ba akong maging masaya dahil gusto ako
ng taong gusto ko rin? Dapat ba akong ma-guilty dahil alam kong mahal siya ni
Leah at marahil ay naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya para sa akin?
Dapat ko na rin bang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya? Argh! Andami
kong tanong pero hindi ko naman alam ang mga kasagutan. Nasa ganon akong
pagkalito nang magpatuloy si Ivan, ang boses ay medyo gumagaralgal.
“Hindi ko alam kung ano na ang tingin
mo sakin. Hindi kita masisisi kung tatawagin mo na akong bakla, o kaya ay
walang respeto sa babae dahil sa inaasta ko ngayon kahit na may girlfriend ako.
Wala na akong pakialam. Ang mahalaga, nasabi ko na sayo Josh ang isang bagay na
matagal ko nang nililihim sayo. Isa pa, ngayon napatunayan ko na talaga sa sarili
ko ang isang bagay na matagal ko nang itinatanggi. Ikaw lang pala ang
makakapagpatunay sakin na isa akong bisexual. Oo humahanga ako sa mga lalake,
pero ikaw ang kauna-unahan kong nagustuhan at ginugusto.” Yumakap siyang muli
sa akin.
Ngayon, ang pintig ng mga puso namin
ang tangi kong nariring. Niyakap ko rin siya. Kasabay ng paghikbi niya ay ang
hindi ko namalayang pagsagot ko...
“Ivan, gusto rin kita. Takot lang
akong aminin sayo ang nararamdaman ko. Baka kasi ipagtabuyan mo ako. Oo,
bisexual din ako. At oo pa, gusto kita. Gusto kita talaga.” San ko kinuha ang
lakas ng loob para sabihin ito?
Kumalas si Ivan sa mahigpit na
pagyakap sakin. Hinawakan niya ako sa magkabilang side ng balikat ko at
tumingin diretso sa mata ko. Kitang-kita sa kanyang mukha ang tuwa. Lalong
nagningning ang brown eyes niya. Nakakalusaw. Titigan daw ba ako ng isang
anghel? Waaaaaaah...
“So, parehas pala tayo. Parehas tayong
bi. Parehas nating gusto ang isa’t isa.” Killer smile na naman. Sheeeeeeet!
Alam kong kinikilig ako, pero alam ko ring mali kapag hindi ako mag-set ng
boundary sa nararamdaman ko, sa nararamdaman namin. Mabigat man sa kalooban,
nagawa ko pa ring magpatuloy at sundan ang aking pananaw.
“Yeah, the feeling is mutual...Ivan.
Pero mali eh.” Napayuko ako. Hindi ko man nakita ang kanyang mukha, pero alam
kong nagbago yon...
“May girlfriend ka. Siya ang mahal mo.
Ako naman ay hindi pa nakaka-recover sa ex ko. Alam kong hindi pa ako handang
magmahal muli. At higit sa lahat, ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. Sayo
na lang ako humuhugot ng inspirasyon at lakas eh. And I don’t want to lose
you.” Yon ang mga nasabi ko... Masakit, pero yon ang totoo eh. Hindi ko
maibibigay ang isang bagay na wala ako. Pagkakaibigan lang ang tanging maiaalay
ko sa kanya. Kung suklian man niya yon, eh napakalaking bagay na sa akin non.
Pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan namin eh. On the other hand, hindi ko rin
pwedeng hayaan ang isang bagay na kahit pwede ay mali naman. Naniniwala kasi
akong hindi lahat ng pwede, dapat. Hindi rin lahat ng dapat, pwede. Haaay...
“Hindi ko naman hinihiling na mahalin
mo ako. Gusto ko lang sana, nandito tayo para sa isa’t isa. Tama ka naman eh,
parehas tayong hindi pa handa. Isa pa, gusto kong malaman mo na napakahalaga
rin sakin ng pagkakaibigan natin. Kaya ayokong mawala ka sakin Josh. Ayokong
mawalan muli ng taong mahalaga sakin.” At muli niya akong niyakap, mas mahigpit
kaysa noong una. Napakasarap. Heaven kung heaven. Totoo kung totoo. Naramdaman
kong muli ang sinserong pagpapahalaga ng isang taong mahalaga rin sakin.
Habang ninanamnam ko ang tamis ng
aming pagkakaibigan, biglang bumuhos ang ulan. Malakas, bayolente. Pero wala
akong pakialam. I felt so safe, so secure, sa mga bisig ni Ivan. It’s a very
happy night in my life...almost. Kumalas siya.
Hinalikan niya ako.
Mabilis lang.
Isang halik na puno ng pagmamahal sa
kaibigan, isang halik na umaapaw sa respeto.
Halik sa noo.
“Josh, I don’t ever want to see you
sad. Gusto ko, palagi kang masaya. Hindi man kita mapasaya bilang taga-ibig mo,
hayaan mo akong mahalin ka nang husto bilang kaibigan mo.”
At muli niya akong niyakap.
I’ve never been happier and felt
better than now.
Pinasaya talaga ako ni Ivan. Anggaan
at ansarap sa pakiramdam...
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
Thanks bro. You have no idea
how much our friendship means
to me. Keep safe always Ü
Text ni Joshua.
Ansarap basahin paulit-ulit. Hehehe.
Kinikilig ako.
Ilang araw na rin pala ang lumipas
mula nang ipagtapat namin ni Josh sa isat’ isa ang nararamdaman. Hindi ko malilimutan
ang araw na yon.
Ambilis ng panahon. Sa sobrang bilis
eh nakaligtaan ko na speech nga pala bukas. At sa makalawa, debate na! Patay!
Wala pa akong speech plan. At hindi ko pa rin na-finalize ang aking arguments!
Puyatan na naman!
“Anak, eto pa mga barbecue at isaw
oh.”
“Sige po ma, ihawin ko na.” Medyo
maraming order ngayong gabi. Haaay.
“Wahehehe.”
Medyo kakaibang tawa yon ah. San kaya
nanggaling yon?
PAGLALAHAD NI JAIRUS AT NOIME (Teka
bakit nandito ang mga ‘to?!)...
“Baby Jai, sabi ni kuya Glen, masarap
daw ang barbecue doon oh. Kasing sarap ko kaya?”
“Adik! Wahehehe. Ikaw masarap? Nako
food poisoning ata ang aabutin ng taong makatitikim sayo! Wahehe.”
“Hoy baby Jai! Kaya ka pala
nalason...nalason sa ganda ko! Aminin mo na! Wahehehe!”
“Oo na masarap ka...wahuhuhu.”
“Oh bakit baby Jai?”
“Na-miss ko lang si Gab.”
“Ay naman! Parang hindi kayo magkasama
kanina ni papa Gab.”
“Wahehe. Ganon talaga pag mahal mo ang
isang tao. Mawalay lang siya ng saglit eh mangungulila ka talaga.”
“Adik! Kailan ka pa naging makata?”
“Noong matikman ko si Gabriel...na mas
masarap sayo! Wahehehehe!”
“Wahuhuhu.”
PAGLALAHAD (Muli) NI IVAN...
Kakaiba ang gabing ito. Parang may
kung ano...
“Cute, pabili naman ng masarap na
barbecue” matamis na wika ng isang magandang babae.
Maganda siya. Anlakas ng appeal. Wala
akong masabi.
“Cute, may uling ba ako sa mukha?
Napapaso kasi ako sa tingin mo eh. Wahehe.”
“Adik ka talaga Noime! Wahehehe” sabi
naman ng isang, ahm...gwapong lalake. Patay tayo dyan. Hehehe.
“Ah, miss, wala. Wala. Napansin ko
lang kasi na kakaiba ang ganda mo.” Namula ata ako. Hehe.
“Oh Jairus! Narinig mo ang sinabi ni
papa, ah...ano nga pala ang pangalan mo?” ang tanong sakin ng babaeng maganda.
“Ivan,” sagot ko.
“Ni papa Ivan? Kakaiba raw ang ganda
ko!” sabay beautiful eyes at flash ng matamis ng ngiti.
“Nako tol, pagpasensiyahan mo na ang
kasama ko ha? Medyo nahithit lang ata ang usok ng barbecue kaya ayan adik na
naman. Wahehehe. Ako nga pala si Jairus, at siya naman si Noime.” Kinamayan ako
ni Jairus. Malakas din ang appeal ng isang ‘to. Medyo napatagal yata ang
pagkamay ko sa kanya...
“Ahem! Naaamoy din kita! Wahuhuhu.
Papa Ivan, isa ka rin pala sa kanila! Wahuhuhu.” Potek. Adik na nga, manghuhula
pa ata! Iba rin talaga ‘tong babaeng ‘to.
“Oy anong pinagsasasabi mo miss? Ilan
palang barbecue ang order mo?” paglilihis ko sa usapan.
“Wahehe. Adik ka Noime, pati yong tao
iniihaw mo. Eh kung ikaw kaya ihawin niyan? Wahehe.”
“Papa Van, 4 na baebecue. Wahuhu. At
hoy, baby Jai! Kasalanan ko bang biyayaan ng pangamoy sa lahi niyo?
Nade-depress lang ako dahil nauubos na ang mga poging lalake. Wahuhu.”
“Miss, andito naman ako” bola ko plus
killer smile. Nagulat ako sa sumunod na sinabi ni Noime.
“Papa Van, oo andiyan ka nga. Pogi ka,
pero BI ka! Wahuhuhuhu...” sabay arte ng iyak. Shet.
Wala na akong nasabi...
“Wahehe, tol pasensiya ka na talaga.
Ayos lang yan. Pogi pa rin tayo kahit bi tayo” sabay tapik ni Jairus sa balikat
ko.
“Luto na ata order namin. Wahuhu”
patuloy ni Noime.
“Bale 48, Noime.” Iniabot ko kay Noime
ang order nila. Binayaran na rin nila ito.
“Thanks papa Van. Balik kami ulit dito
ha. Mukha kasing masarap ka...este ang barbecue niyo,” sabay kindat ni Noime.
Maganda talaga siya.
“Ahm, salamat sa compliment. Hehe.
Kaso, may girlfriend na ako eh.” Bakit ko ba nasabi ‘yon?
“Wahuhuhu,” ngawa ni Noime.
“Hala, bakit may nasabi ba akong
masama?”
“Wala papa Van. Sana lang eh wag kang
magsinungaling sa girlfriend mo...at sa nararamdaman mo. Wag mo siyang
gagamitin bilang props ha?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin Noime?”
pagkalito kong tinanong sa kanya.
“I mean sana, mahal mo talaga ang
girlfriend mo, at hindi ka pumasok sa relasyon niyo dahil lang may gusto kang
patunayan sa sarili mo.” May ibig sabihin ang mga binitiwan ni Noime, alam ko
yon.
“Pano tol, sa uulitin na lang ha.
Pasensiya na ulit. Wahehe.”
“Nice meeting you, Jairus at Noime,”
pagpapaalam ko sa kanila.
Palayo na sila nang biglang humarap
muli si Jairus sa direksyon ko. Nilapitan niya ako.
“Tol, payong kaibigan lang ha. Hindi
masama maging bi. Mahirap, pero makabuluhan. Maraming sakripisyo, pero worth it
ipaglaban. Isa pa, wag kang mabuhay sa sasabihin ng iba. Babae man o lalake ang
mahalin mo, ang mahalaga ay wala kang inaagrabyado.”
“Salamat.” Yon na lamang ang naisagot
ko.
At tuluyan nang umalis si Jairus at
Noime.
* * * * * * *
Grabe, speech na. Ayos lang kaya ang
speech plan ko? Sana wag akong kabahan.
Dumating na si Josh.
“Wuy tol, tara tabi tayo,” aya ko sa
kanya.
“Good morning bro,” at matamis na killer
smile ang isinukli niya sa akin.
Kumabog ang puso ko.
Hindi sa kaba kundi sa kilig. Hehehe.
“Sweet mo naman tol. Hehehe,” sabay
pakawala ko rin ng killer smile ko. Gantihan lang haha.
“Naman Ivan! Dadagdag ka pa ba sa kaba
ko? Ambilis na nga ng heartbeat ko, pinabibilis mo pa lalo.” Umagang-umaga eh
bumabanat ‘tong si Josh. At kinakabahan pa siya ng lagay na yan ha. Ngayon lang
ako nakakilala ng kinakabahang abot-tainga ang ngiti. Tsk. Hehe.
“Langya eh ikaw nga pinatitigil mo
paghinga ko sa mga ngiti mong yan eh!”
Nasa ganon kaming asaran nang dumating
si Ms. Suzie.
Heto na. Katayan na.
“Good morning class! Let’s start para
makarami,” sabay ngiti at bunot sa kanyang mahiwagang kahon na naglalaman ng
aming mga pangalan.
“Mr. Alexander Cruz, please start the
day right,” ang maamong paghamon ni ma’am sa isa naming kaklase. Mas matanda si
Kuya Alex samin. Second degree na niya ito.
“Thanks ma’am.” Pumunta na siya sa
platform.
ALEXANDER’S SPEECH...
“Tanda ko pa ang sinabi ng nakilala ko
tungkol sa pagiging isang bisexual o bi. Sabi niya, "Kung may gamot lang
sa nararamdaman ko, matagal ko nang nilaklak yun." Napatango ako, dahil
naramdaman ko rin ang naramdaman niya.
Totoong mahirap maging bi. Di mo alam
kung san ka lulugar. Pakiramdam mo, mali lahat ng sinasabi ng isip at puso mo,
ng katawan mo, ng kalooban mo. Kadalasan, ang pagtanggi sa katotohanan na
humahanga ka at nagugustuhan mo ang kapwa mo lalake o babae ay ang tanging
paraan na naiisip mo para matakasan ang nararamdaman mo, at ang paraang ito ay
kadalasan ring palpak. Pwede mong lokohin ang sarili mo na wala kang
nararamdamang "kakaiba" para sa kapwa mo lalake o babae, pero hindi
mo maitatanggi na nagugustuhan ng katawan mo ang nararamdaman mo. Simple lang
yan. Pwede mong lokohin ang sarili mo na di masakit ang ipin mo kahit sa totoo
lang ay masakit ito, pero hindi mo maloloko ang katawan mo. Kapag hindi mo
gusto ang nararamdaman mo, hindi mo talaga ‘to gusto; pag nasasarapan ka,
nasasarapan ka.
Ang pagiging bi ay parang isang sumpa
na kahit ayaw mo ay hindi ka lulubayan, ngunit ito rin ay parang isang biyaya,
na kapag natutuhan mong tanggapin ay makatutulong sayo para maging mas mabuting
tao. Ako mismo, naranasan kong magalit sa Maykapal dahil sa nakararamdam kong
pagkagusto at pagnanasa sa kapwa ko lalake. Subalit ngayon, masaya ako na
unti-unti ko nang nakikita ang pagiging bi bilang isang napakagandang
pagkakataon upang makita na hindi tayo nagmamahal ng tao nang dahil sa kanyang
kasarian kundi dahil sa kanyang pagkatao. Totoo na ang pagiging isang bi ay
pwede nating tignan bilang isang biyaya upang matutuhan nating patawarin at
tanggapin ang ating sarili. Hindi natin kailangan pilitin ang ibang tao na
tanggapin tayo, pero kailangan nating matutuhan na tanggapin ang ating sarili
kung gusto nating mabuhay nang mapayapa at makabuluhan. Marahil ngayon ay sumpa
ang tingin mo sa sitwasyon mo, pero gaya ko, makikita mo rin yan bilang isang
biyaya na makapagpapalaya sa iyong pagkatao.”
APPLAUSE. APPLAUSE. APPLAUSE.
“Bravo Mr. Cruz! Kahanga-hanga ang
iyong katapangan. Ganyan kamakapangyarihan ang emosyon ng tao! Kapag ginamit
natin ang tinatawag na pathos sa speech o ang apila sa emosyon ng mga
nakikinig, di hamak na mas gumaganda ang delivery natin ng mga lines. Add to it
the fact na mas nagiging credible ang ating mga sinasabi, dahil hindi lamang
salita ang naririnig ng mga tao kundi pati ang mga emosyon ng tagapagsalita ay
dumadaloy sa bawat salitang sinasabi niya na siyang naririnig ng ating puso.”
Wow. Lupet ni kuya Alex. Mukhang
mataas na ang expectations ni ma’am.
Pero maliban sa galing niya sa
delivery, napahanga rin ako kay kuya dahil sa tapang niya. Hindi lang
palakpakan ang namutawi sa classroom. Andyan ang panghihinayang ng iba naming
classmates. Andyan din ang pagkailang ng ilan. Sino ba naman kasing magaakala
na bi si kuya Alex?
Sino ba naman ang magaakala na bi ako?
Hindi ako handa sa mga sasabihin ng
iba.
Nasa ganito akong pagmumuni-muni nang
tawagin na ni Ms. Suzie ang susunod na speaker.
“Ms. Stephanie Adarna, you’re next.”
STEPHANIE’S SPEECH...
“There are some things that are better
left untied. Their beauty will only be tarnished by the impulse of intentions
and expectations.
I lost my boyfriend in a motorcycle
accident. We were on our way to Tagaytay back then. It was a very romantic
evening. But it became the saddest day of my life. You have no idea how I
mourned for him. Til now, I still feel the pain of losing somebody that I
thought I can’t live without. Yes, I’m still alive, but things have never been
the same. Then I met Jon.
It’s funny how destiny meddles with
our lives. Imagine how I felt when I met somebody like Jon. For one, he had the
same name as my deceased boyfriend. For another, I found in him someone I could
trust, someone who can help me love again.
We dated. We enjoyed each other’s
company. We wrote memories in the fabrics of time. We laughed. We cried. We
lived.
I fell for him. I fell really hard.
But he can’t commit. He isn’t ready. He’s confused.
He was afraid of what others will say.
Imagine him, asking a girl not of a Chinese descent to be his girlfriend? Yeah,
he’s Chinese, and pure-blooded at that. I love him.
But he couldn’t love me back.
Indeed, there are some things that are
better left untied. One good example is our friendship. The beauty of what we
share will only be tarnished by the pressure of a romantic
commitment—commitment that is hindered by cultural barriers and traditions. If
I push him to commit, which I know is against his odds, I will only destroy
what we have. For in the end, expectation is the root of all sorrows.”
APPLAUSE. APPLAUSE. APPLAUSE.
“Now that’s the power of words!
Excellent choice of words Ms. Adarna! You showed the class that by matching
certain words with the degree of your pathos, we can create a very compelling
speech. Excellent as Mr. Cruz!” papuri ni Ms. Suzie.
Kahanga-hanga talaga ang mga naunang
speakers. Mas challenging tuloy ang setup. Patay.
“Let’s have Mr. Ivan Andres!” Ako na
pala...
MY SPEECH...
“I would have to thank the previous
speakers for setting the bar of standards quite high. Frankly, I was amazed by
how they conveyed their speeches. Nonetheless I’d like to share with you
something about life, something about friendship.
The greatest pain we could deal to a
person would be the result of our leaving. On the other hand, the greatest joy
we could give comes from staying by his or her side. But wouldn’t you agree
that saying “I’ll stay” is easier than staying itself?
Few people know the value of keeping
one’s word. Today we live in a world of broken promises. The saying, “Promises
are meant to be broken,” is supposed to be a testament of uncertainty, not an
excuse for forsaking one’s promises.
When we say, “I will never leave you,”
we commit ourselves to someone. Now that particular person, may he or she be a
relative, friend, or significant other, would undoubtedly take our word for
real—unless we have the unwanted reputation of being a promise-breaker. In one
way or another, he or she would certainly expect us to fulfill what we’ve said.
Therefore, behind, “I will never leave you,” lies a great responsibility of
staying. The same is true with, “I love you.”
Never say something that you cannot
do. In fact, you shouldn’t be saying something you can’t do in as much as you
shouldn’t be giving something you don’t have. The former is possible; the
latter is not. For we cannot give what we do not have, but we can surely lie.
And lying is definitely powerful enough to hurt someone.
Breaking a promise is worse than
lying. Don’t make people expect. You have no idea how painful it is to suffer
from a broken vow.
At the end of the day, it’s better to
do something than to say something. It’s better to show our care than to say,
“I care.” As the saying goes, “Actions speak louder than words.”
Good day.”
APPLAUSE. APPLAUSE. APPLAUSE.
Haaay. Natapos din sa wakas. Hehehe.
“Mr. Andres’ speech is quite balanced!
Very impressive. The ethos, logos, and pathos are well-developed. None is
overused. Excellent!”
Nambola na naman si ma’am. Hehe.
“Great speech, Ivan.” Kinamayan ako ni
Josh. Sarap naman sa feeling.
“Wuy, thanks hehe. Teka, anlamig naman
ng kamay mo ah.”
“Ah eh...kinakabahan kasi ako. Enge
naman ng good luck diyan. Ang galing mo kaya.”
“Sige, kiss. Hehehe!” biro ko kay
Josh.
“Ivan naman eh! Kinakabahan na nga
yung tao eh!” Medyo naasar ata. Haha.
“O sige na sige na, good luck. Akin na
kamay mo.”
“Bakit, ano na namang kalokohan
gagawin mo,” pagaalinlangan ni Josh. Hehe.
“Basta!”
“Ay nako Ivan ha. Pag ako...” sabay
abot ng kamay niyang nanginginig. Antalas ng tingin. Nakakatakot biruin. Pero
di ko naman siya lolokohin eh. Sa katunayan, papagaanin ko lang naman ang loob
niya...sa paraang alam ko. Hehe.
Habang abala ang lahat sa paghahanda
sa kanilang speech, nagnakaw ako ng mabilis na halik sa kamay ni Josh.
“Oh yan, wag ka na kabahan ha,” sabay
pakawala ko ng killer smile. Pero mas nakamamatay ang ngiting iginanti niya.
“Thanks bro. Hehehe. Dapat pala, lagi
akong kinakabahan.”
“Haha, sira ka talaga Josh.”
“Mr. Joshua Javier, it’s your turn
now!” sigaw ni Ms. Suzie, punong-puno ng expectation. Hindi yata nakinig sa
speech ni Ms. Adarna. Haha.
Si Josh na ang sumunod.
JOSHUA’S SPEECH...
“The previous speakers have set the
stage well, and I can only thank them for doing so. Allow me to talk about
something that we can never hear, yet can tell us a thousand things: silence.
Silence can mean a “yes” or a “no” to
a question that we ask others or ourselves. However, silence can also mean
something else. Sometimes, there are questions that we just can’t simply answer
with words. Sometimes we resort to being silent in order to minimize pain. But
I guess the most painful thing that silence can do is to cause more pain on the
part of the ones we love when we choose to remain silent over certain
questions, over certain things, rather than choose to tell them the answers to
such questions.
I cannot forget the day my significant
other left me. That particular person chose to remain silent over my one simple
question: why are you leaving me? Already, it’s been more than one year and six
months since the day that that person left me. Until now, I don’t know why. And
it hurts. It still does. It’s so painful to not know the answer.
So never be silent just because you’re
scared to hurt a person with the truth. More often than not, you will only
cause him or her more pain, greater pain. Although it may not be your intention
to hurt him or her, your being silent when he or she demands for an answer will
only hurt him or her more. Never assume that the truth would be more painful
than your being silent. Never assume because doing so would only make an ass of
you and me. Spell “assume” and you’ll get my point.
I believe that there is always a time
for everything. There is a time for talking, and a time for being silent.
Silence is something special, and by special I mean that it shouldn’t be
abused. Use it with utmost respect, because even if it causes great pain when
abused, silence can express the greatest language of all: love.
Good morning.
APPLAUSE. APPLAUSE. APPLAUSE.
Galing ni Josh! Epektib ata ang kiss
ko. Hehehe.
“What can I say Mr. Javier? You went
above my expectations! You surely display excellent communication skills. I
loved your speech! Very impressive!” wika ni Ms. Suzie. Bakas sa mukha ni Josh
ang tuwa. Pero kahit ganon, bahagya siyang nakayuko—tanda ng pagpapakumbaba.
Hanep. Lalo tuloy pumopogi.
“Congrats tol.”
“Salamat Ivan. Swerte pala ang kiss mo
eh, hehe.” At nagpakawala na naman siya ng killer smile.
“Magaling ka kasi. Walang biro. Tignan
mo nga si Ms. Suzie, na-impress mo agad. Galing!”
“Salamat. Hehe. Ikaw lang pala ang
magaalis ng kaba ko.” Potek. Kung alam mo lang Josh...kanina pa ako kinikilig.
Hahaha.
* * * * * * *
“Wow. Anlaki naman ng bahay niyo
Josh.” Nakamamangha.
“Tuloy ka. Teka, lapag mo nga muna
yang bag mo. Ano ba kasi laman niyan eh overnight lang naman ang mayron at
hindi naman camping? Gheeez.” Napagkasunduan kasi namin na mag-overnight para
makapag-case building kami ng magkasama. Debate na bukas. Patay kami kay Mr.
Ardenbas pag nagkataon, kay paghahandaan talaga namin ang arguments namin.
“Hehe, wag ka na ngang matanong. Tara
kain na tayo. Masarap ang barbecue at isaw habang mainit pa.”
“Sayang, wala si mommy at ate.
Gustong-gusto pa man din nila yang mga inihaw mo.”
“Eh bakit ikaw, hindi mo ba gusto ang
mga inihaw ko?” pilyo kong tanong kay Joshua.
“Hindi inihaw, Ivan. Ikaw ang gusto
ko. Hahaha!” mas pilyo naman niyang ganti. Nakakagigil.
“Ah ako pala ha? Eh kung tuhugin kita
dyan?!”
“Basta ba tuhog ng pagmamahal
eh...hahaha. Tado ka batukan kita dyan eh.”
“Sige, subukan mong batukan ako at
hahalikan talaga kita!”
“Ah ganon ha...”
“Ayiii!!! Babatukan niya na ako!
Hahaha! Sabi ko na nga ba gusto mong matikman ang matamis kong labi eh.” Para
kaming gago.
“Ewan ko sayo Ivan! Haha. Tara na nga
at gutom na ako.”
* * * * * * *
“Masarap ba kasi yang isaw na yan?”
Parang ewan ‘tong si Josh.
“Masarap sabi eh! Diyos ko naman
Joshua. Sa araw-araw nating napaguusapan ang mga inihaw na bagay-bagay eh lagi
mo saking tinatanong kung masarap ang i-soh,” pananadya kong gaya sa pagbigkas
niya sa isaw dati. Hehe.
“Malay ko ba. Ate ko lang naman ang
adik na adik dyan.”
“Ako nga rin, adik na adik eh.”
“San? Sa isaw?”
“Hindi. Adik na adik sayo! Hahaha.”
“Tarantado! Hehe. Yan ba epekto sayo
ng usok ng mga inihaw?”
“Hindi. Epekto mo lang naman sa akin.
Haha. Bilis na, tikman mo ‘to.” Dali-dali akong kumuha ng isaw.
“Tikman mo na kasi Josh. Please?”
pagmamakaawa ko habang nakaabot kay Josh ang kamay kong hawak ang isaw.
“Ayoko nga.”
“Please, please, please?” todo pa-cute
na ko.
“Kiss muna. Haha.”
“Pagtikim mo, promise. Hehe.”
“Alam mo Ivan, ikaw pa lang ang
makapagpapatikim sa akin ng isaw. Di kita matiis.” Inabot na niya ang isaw.
At naganap ang makasaysayang pagtikim
ni Joshua ng isaw...
“Ano, sabi ko sayo masarap eh.”
“Oo nga Ivan. Parang mas masarap pa sa
barbecue!” sabi ni Josh na parang si Einstein nang matuklasan ang E = mc2.
“Kung noon mo pa sana tinikman yan eh
di sana eh matagal mo nang nae-enjoy ang sarap ng isaw.”
“Hehe, sorry naman.” At sabay kaming
nagtawanan.
“Pero alam mo Josh, mas masarap ako
dyan,” biro kong muli.
Napailing-iling na lang siya habang
nakatingin sa akin. Hampogi niya talaga!
* * * * * * *
“Oh Josh, eto na yung mga arguments na
naisip ko.”
“Sige, iwan mo lang diyan. Maligo ka
na.”
“Hmmmmmmm...bango-bango naman,”
pakantsaw kong bati kay Josh nang magpangabot kami—ako papuntang banyo niya, at
siya naman ay palabas doon.
“Hey, hey, hey. Ano yan. Walang
ganyanan. Hehehe.”
“Hahaha. Sige, sige, mamaya na lang.”
“Tado. Maligo ka na nga. Haha.”
Ewan ko ba. Anlakas kong mang-trip kay
Joshua, pero di ko naman magawang totohanin ang mga biro ko. Ano kaya ang
feeling ng mahalikan ng kapwa lalake? Masarap kaya? Mas masarap kaya kaysa sa
babae?
15...30...45...60 MINUTES NG PAGLIGO.
AYOS.
Grabe. Umaga na. Ala una na ng umaga.
Antagal ko palang naligo.
Nakatulog na si Josh.
Bro, na-analyze ko na yung mga
arguments mo. Andito yung mga akin. Check mo na lang kung coherent sa mga iyo.
Idlip lang ako. Gisingin mo ko pag mag-build na tayo ng case. Antagal mo pala
maligo! Hehehe. Antok na ko. Zzz zzz zzz. –Josh
Note ni Josh. Wawa naman nakatulog na.
Ansarap niyang pagmasdan. Mala-anghel
ang mukha niya. Ang katawan naman nya ay kaakit-akit talaga. Lalo siyang pumuti
sa suot niyang itim na boxers. Pucha. Tinatablan na naman yata ako ng libog.
Hinila ako ng mga paa ko papunta sa
kanya, sa kama niya. Hindi ko napigilang ilapit ang mukha ko sa mukha niya.
“Tol, pasensiya ka na ha...gusto
talaga kitang tikman.”
Isang nakaw na halik sa labi ng isang
anghel.
Mainit. Nanginig ang mga kalamnan ko.
Akmang aalisin ko na sana ang
pagkakalapat ng labi ko sa labi niya nang bigla kong maramdaman ang kamay ni
Josh na gumapang sa aking likod. Tangna nakakapaso. Hinagod niya ako, papunta
sa aking batok. At dahan-dahan niyang idiniin pa ang aking labi na nakalapat pa
rin sa labi niya.
Heto ang isang anghel na tumutugon sa
panalangin ng aking katawan.
Banayad ang halikan namin. Bawat
dampian ng mga labi namin ay nagpapadala ng ibayong sarap sa aking pakiramdam.
Nagnanasa na ang katawan ko sa katawan ni Joshua. Hindi ko alam kung kaya ko
pang pigilian ang namumuong init sa aking katawan.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang
dila ni Josh sa loob ng bibig ko. Nabasa niya yata ang nararamdaman ko.
Mula sa pagiging banayad ay naging
mapusok na ang aming halikan.
Mawawalan na yata ako ng ulirat.
Napakasarap niyang humalik. Wala akong masabi.
Nagpakalunod ako sa sarap na nadarama
ko.
Matapos ang ilang gantihan ng mapusok
na mga halik, kumalas si Joshua. Parehas kaming habol-habol sa paghinga.
“Ivan.”
“Josh.”
“Ivan.”
“Josh...mahal na...”
“Shhh...”
At muling naglapat ang aming labi.
Hindi lang uling ang nagbabaga.
Pati katawan ng tao, katawan ko,
katawan niya...
Nagbabaga sa mga sandaling ito.
Mga ungol ng dalawang taong sabik sa
init ng apoy na pumupukaw...
Ungol ng dalawang lalake ang tanging
umaalingawngaw.
Bawat ungol na aming pinakakawalan ay
parang mga ningas ng nagbabagang uling sa ihawan.
Inihaw na pag-ibig, o paglalaro sa
apoy?
Hindi ko alam...
Hindi ko maintindihan...
Ito ang unang tikim ko ng
pakikipagniig sa kapuwa lalake.
Ito ang paglasap ko sa sarap ng
kakaibang pakikipagtalik.
Umiibig na ba ako, o naghahangad lang makaraos?
“Josh...”
“I...van...”
“Aaaaaaahhhhhhh....”
Katahimikan.
* * * * * * *
“...silence can also mean something
else.”
“There is a time for talking, and a
time for being silent.”
“Silence is something special...”
“...silence can express the greatest
language of all: love.”
May mga bagay talagang hindi natin
agad maipapaliwanag. Hanggang ngayon hindi ko maipaliwanag.
Ewan.
Parang paulit-ulit kong naririnig ang
mga katagang binitawan ni Joshua sa kanyang speech.
Nabasag ang pagmumuni-muni ko nang
magsalita na si Mr. Ardenbas.
“Pair number six goes first! Mr.
Javier and Mr. Andres, please take the government or affirmative side. Mr.
Domingo and Mr. Bradley, please take the opposition or negative side. Prepare
your arguments for or against the question, “Should same-sex marriage be
encouraged or even allowed in our country?” We will begin in thirty minutes.
“Ivan, kaya natin ‘to.”
“Oo. Kakayanin natin.”
Lumipas ang bawat minuto habang
pinagplanuhan namin nang husto ang aming mga argumento.
Sa hudyat ni Mr. Ardenbas, nagsimula
ang debateng babago sa buhay namin ni Josh...
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
This isn’t happening.
“You’re Brendon’s cousin?” This isn’t
real...no...
“Yeah, faggot. I’m Brendon Steven
Lee’s cousin. I’m Axle Lee Bradley.”
Nagitla ako. Parang nanumbalik ang
lahat ng alaala ng kahapon. Ang kaibahan nga lang, bukod sa sakit eh may kasama
ring kahihiyan ang ipinadama sa akin ng pangalang “Brendon Steven Lee.” “Lee,”
inulit ko sa aking isip.
Dama ko ang pagkalito ng classmates ko.
Pati si Ivan, naguguluhan. Sumisikip na ang dibdib ko, ang mga luha,
nagbabadya.
“Now, if I may continue my pleasant
revelation as to why it’s so easy for Mr. Javier to support the legitimization
of same-sex marriage. The reason is that Mr. Javier is bisexual. Fag. Gay.
Whatever. He sucks dick,” pangungutya niya sa akin. Hindi ko na napigilang
hindi umiyak.
Ngunit nagulat ako.
“POINT OF INFORMATION!,”
nanggagalaiting sigaw ni Ivan.
“Yes, Mr. Andres?” ngingisi-ngising
reply ni Axle.
“Mr. Speaker and members of this
house, it pains me to hear such a fallacious argument from a fourth year
student. Shameful as it may be, but the fact of the matter is that Mr. Bradley
is committing an attack against my Prime Minister, an argumentum ad hominem!
He’s not even rebutting our case! What he says is plain idiocy!”
“Wow. Scary. Know what, I don’t care.
I don’t freakin care. And I don’t even care if you care for that faggot! He
ruined my cousin’s life! He ruined it!” bulyaw ni Axle habang dinuduro ako.
“FUCK YOU AXLE! I will not allow you
any further to hurt Joshua!” pagtatanggol sa akin ni Ivan. Pakiramdam ko eh
hindi ako nagiisa.
“Fuck me? Fuck ME? Hahaha. Why don’t
you fuck HIM instead? Surely mage-enjoy ka sa kanya like my cousin did. As a
matter of fact I invite you and the class to see for yourselves! Just don’t
fuckin blame me pag masira ang buhay mo dahil sa putang inang baklang yan!”
Bawat binitiwang salita ni Axle ay parang sibat na tumusok sa aking puso. Ni
minsan sa buhay ko eh hindi ko naramdaman ang ganitong klase ng pagpapahiya.
Sobra na! Yon ang akala ko...
Binuklat ni Axle ang kanyang binder.
May mga kinuha siyang papel. Pumupnta siya sa front row at dinistribute ang mga
ito. Napuno ng pagkabigla ang bawat tao sa room. Nang matapos siya ay pumunta
siya sa side namin ni Ivan. Binigyan niya ng kopya si Ivan. Binigyan niya rin
ako. Gumuho ang mundo ko.
Ang mga papel pala ay mga larawan.
Makikita sa mga ito ang imahe ng dalawang lalakeng nagniniig. Ang isa don ay si
Brendon. Ang isa naman ay ako. FUCK!
“See? So go! Fuck him Mr. Andres.
You’ll surely love him. But don’t you fuckin tell me that I didn’t warn you!
THAT FAG will RUIN your LIFE.”
The next thing I knew ay kinwelyohan
ni Ivan si Axle at pinagbubugbog.
Natigil lang ang kaguluhan nang magsalita
na si Mr. Ardenbas.
“ENOUGH! I WILL NOT HAVE THIS DEBATE
TURN INTO A BOXING RING! SUCH AN ACADEMIC SACRILEGE! ALL OF YOU, HAND ME THE
PICTURES!” Kinuha ni sir Ardenbas ang mga larawang ginamit ni Axle para babuyin
ang pagkatao ko. Walanghiyang Axle...
“Mr. Bradley, Mr. Andres, Mr. Javier,
you three come with me.”
This is the worst day of my life.
* * * * * * *
Matapos ang insidente, minabuti ni
Joshua na lumipat na lamang sa ibang pamantasan upang matapos ang kursong
kinuha niya. Nagkahiwalay rin sila ni Ivan. Para kay Joshua, mabuti na rin yon
para hindi na masangkot sa mga usap-usapang ukol sa kaniyang sekswalidad si
Ivan. At isa pa, mabuti na rin yon para maputol ang anumang nabuo simula nang
magkita at magkakilala sila.
Nakatapos silang dalawa, subalit di na
muling nagkita. Maraming tanong ang bumalot sa kanilang isip. Maraming
pagaalinlangan. Maraming panghihinayang. Maraming beses ng pangungulila ang
lumipas. Matagal at mabagal man lumipas ang panahon, ang mga oras, araw, buwan,
at taon ay naglaon din...
Ilang taon din ang lumipas. Pero hindi
pa tapos ang tadhana. Hindi pa. Malapit na, pero hindi pa.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI IVAN...
“Kamusta na kaya sila mama at papa? Si
Leah? Si Trisha? At si...”
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bigla
akong tawagin ng kasamahan ko sa trabaho.
“Tol, may tawag ka.”
Nakapagtataka. Dali-dali kong tinungo
ang kinaroroonan ng telepono sa opisina. Hindi ko mawari pero bigla akong
nabalisa at nakaramdam ng kung anong kaba, pagaalala...
“Hello.”
“Ivan, help..HUHUHU...” Boses ni
Trisha. Halatang kinakapos sa hininga. At umiiyak siya? Kinutuban ako. Masama.
Dali-dali akong nagpaalam sa boss ko.
Kailangan kong pumunta sa mga Javier...
JAVIER RESIDENCE...
“Ivan, si Joshua...HUHUHU...” sabay
yakap sa akin ni Trisha. Nagitla ako. Hindi sa reaksiyon niya kundi sa nakita
ko.
Nasusunog ang kanilang bahay.
Napakalaki na ng apoy!
“Si tita? Si Joshua?!” pagaalala kong
tinanong si Trisha.
“Andun pa sila sa loob...HUHUHU...”
Putang ina...
Kung kailan nagkaayos na kami ni
Trisha...
Kung kailan dapat sana ay magkikita na
kaming muli ni Joshua...
Ngayon pa!
“Hijo!”
Napalingon ako. Ligtas na si tita.
“Tita! Salamat sa Diyos at ligtas na
kayo!” sabay yakap sa ina ni Trisha at Joshua.
“Hijo...hijo...si Joshua...si Joshua!
HUHUHU...”
“Asan po siya?! San po ba siya banda
sa bahay?!”
“Sa katunayan eh...HUHUHU...siya ang
nagligtas sa akin! HUHUHU...”
“Pero nasaan po siya?!”
“Bumalik siya sa loob...may
nakalimutan daw siya...HUHUHU...”
“Huh?! Ano naman yon para isugal pa
niya ang kaniyang buhay!” Halong inis, kaba, at pagaalala ang nadarama ko
ngayon. Asar!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Tumakbo ako at sinugod ang
naglalagablab na apoy.
“JOSHUA! JOSHUA! NASAAN KA BA?!!!”
Hinanap ko si Joshua sa loob. Malakas
na ang apoy. Nagsibagsakan na ang mga kisame.
Tinunton ko ang kaniyang silid.
Nakakandado.
Bumuwelo ako at tinadyakan ang pinto.
Pinasok ko ito.
Nakahandusay si Joshua sa lapag.
Nakatakip ang kaniyang ilong ng panyo.
Ang panyong ibinigay ko sa kaniya
noong nasa canteen kami dati...
Putang inang buhay ‘to!
Yakap niya rin ang teddy bear na
ibinigay ko...
Ibinigay ko yon sa kaniya bago kami
tuluyang maghiwalay ng landas.
Isa lang ang binilin ko sa kaniya
noon.
“Ingatan mo ‘to ha. Wag mong pababayaan.
Kunsakali mang gusto mo na akong limutin...sunugin mo na lang ‘to.”
“JOSHUAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!”
* * * * * * *
Ito ang pinakamalungkot na araw sa
buong buhay ko.
Kung kailan masasabi ko nang mahal ko
si Joshua, tsaka pa siya inagaw sa akin ng tadhana.
Hindi mapantayan ang sakit na idinulot
ng pagkawala ni Josh. Kahit pa parehas mawala si Trisha at Leah...
Mga babaeng minahal ko...
“Josh...ua...”
Dumaloy nang masagana ang aking mga
luha habang ibinababa ang kabaong ni Josh.
Maaalaala ko man ang mga ngiti ng
gwapong lalakeng minsan pa ay bumago sa buhay ko, hindi ako mapipigilan ng
kahit sinuman o anuman sa paghihinagpis...
Patuloy akong maghihinagpis dahil sa
aking isip ay habambuhay nang nakaukit ang mukha ni Josh sa likod ng salamin ng
kaniyang kabaong...
Nagiisa, Wala Ka Na by Noel Cabangon
[♫]
Papalubog na naman ang ilaw
Nagpapaalam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi
Ilang araw na ang lumipas
Magmula nang ika'y magpaalam
Ilang gabi na ang nagdaraan
Ang pag-iisa'y 'di na 'di na makayanan
Ngunit kailangan kong indahin ang
lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin wala
ka na sa tabi
Nag-iisa, wala ka na
Wala ka na, nag-iisa
Ala-ala'y nagbabalik sa aking isip
Mga larawan ng bawat sandali
Pag-ibig nating sinumpaan
Ipinangako sa liwanag ng buwan
Ngunit kailangan kong indahin ang
lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggapin wala
ka na sa tabi
Wala ka na, nag-iisa
Nag-iisa, wala ka na
Ngunit kailangan ko nang masanay
At tanggapin na lumisan ka na ng tunay
Ang lahat lahat ay bubuti ang pag-ibig
ay mananatili
Langit, lagi hanggang sa walang
hanggan.
“Nag-iisa...wala...ka...na...mmmmmmmm....”
“Mmmmmmm...mwah. Ang galing mo pa rin
kumanta ah kahit binabangungot ka na.”
At niyakap ko siya ng mahigpit.
“Hey, hey. Parang wala nang bukas ah,
mahal.”
Lalo kong hinigpitan ang pagyakap kay
Joshua.
“Happy Anniversary, Ivan Queja Andres
Javier.”
Napaiyak ako.
Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa
naguumapaw at humahataw na saya.
“Happy Anniversary, Joshua Romualdez
Javier Andres.”
Siniil niya ako ng napakatamis na
halik.
“Mahal, ihaw tayo.” Napatunayan kong
pilyo talaga ‘tong si Josh. Nasa loob ang kulo. Hehehe.
“Sige, mahal. Kahit kagabi lang eh
naka walo tayo, ihaw tayo ulit. Ihaw tayo...ng pag-ibig.”
At sabay kaming nagtawanan. At
nagharutan. At nagihawan.
* * * * * * *
PAGLALAHAD NI JOSHUA...
“Ang pag-ibig ay parang isaw. Sabi ng
karamihan, mura na, sobrang sarap pa. Sabi naman ng iba, kakaiba, nakakadiri.
Kahit ano pa man ang sabihin ng tao, tanging ang nakatikim lang ng isaw ang
makakapagsabi kung ito ay masarap o hindi. Ganun din sa pag-ibig. Hindi mo
masasabi kung ano ang pakiramdam ng umibig hanggang hindi mo pa ito
nararanasan, nalalasap, natitikman.
Masaya ako sa pagbubukas ng grill
house na ito dito sa Gwapito. Ang “Ihawan ni Josh at Ivan” ay testamento ng
pagmamahalan namin ng mahal kong si Ivan. Hangad namin na bukod sa mag-enjoy
kayo dito sa pagkain ay mag-enjoy din kayo sa buhay. Dahil masayang mabuhay. Masarap
ang mabuhay, lalo na kung natagpuan niyo na ang taong inyong minamahal at
mamahalin.”
Sa harap ng madla, siniil ko ng
pagkatamis-tamis na halik si Ivan. At mas matamis niya yong tinugon.
Ang “Ihawan ni Josh at Ivan” ay napuno
ng hiyawan at palakpakan.
Napuno naman ng kasiyahan at kabuluhan
ang buhay ko.
Nang dahil sa i-soh...
Brighter Than Sunshine by Aqualung [♫]
I never understood before
I never knew what love was for
My heart was broke, my head was sore
What a feeling
Tied up in ancient history
I didn’t believe in destiny
I look up you're standing next to me
What a feeling
What a feeling in my soul
Love burns brighter than sunshine
Brighter than sunshine
Let the rain fall, i don't care
I'm yours and suddenly you're mine
Suddenly you're mine
and it's brighter than sunshine
I never saw it happening
I'd given up and given in
I just couldn't take the hurt again
What a feeling
I didn't have the strength to fight
suddenly you seemed so right
Me and you
What a feeling
What a feeling in my soul
Love burns brighter than sunshine
It's brighter than sunshine
Let the rain fall, I don't care
I'm yours and suddenly you're mine
Suddenly you're mine
It's brighter than the sun
It's brighter than the sun
It's brighter than the sun, sun,
shine.
Love will remain a mystery
But give me your hand and you will see
Your heart is keeping time with me
What a feeling in my soul
Love burns brighter than sunshine
It's brighter than sunshine
Let the rain fall, I don't care
I'm yours and suddenly you're mine
Suddenly you're mine
I got a feeling in my soul...
“Alam mo Joshua...”
“Ano yun?”
“Nang dahil sayo, natikman ko ang
Inihaw na Pag-ibig.”
“Shhh...”
At muling naglapat ang aming labi.
WAKAS.
No comments:
Post a Comment