Friday, January 4, 2013

Ikaw ang Puso ko, Ikaw naman ang Buhay ko (01-05)

By: James W
E-mail: james.wood86@yahoo.com
Blog: akosijamesw.blogspot.com

[01]
Malamlam ang ilaw sa isang tahimik at malamig na pasilyo... nakaupo ako katabi ang Best ko, gabi gabi nya akong  sinasamahan.

Isang linggo na rin akong walang tamang tulog, wala akong kinakain pero hindi ako makaramdam ng gutom.

Manhid na ang buong katawan ko...

Hindi pala lahat... May isa pang parte ng katawan ko ang nanatiling nakakaramdam ng sakit...
Ang puso...

Ayaw pa nyang sumuko...

Ramdam ko parin ang hinagpis nito. Hanggang kailan kita iintayin. Wala na akong lakas. Hindi ko na alam kung saan ako hihingi ng tulong...

Pero nagpapakatatag ako... dahil ito ang sumpaan namin ni NICK... saan nga ba kami nagsimula...




----------------------------------------------

NICK: “Come on, hurry up. Malapit ng umulan oh...”  Sakay sa kanyang Honda Civic na kulay Asul.

AKO: “Sobrang gwapo nya talaga”, Ang bulong ko ...

Suot nya ngayon ang kulay pulang polo shirt na may puting kwelyo, at naka faded jeans pa at sapatos na lacoste white and green combination. 

 Maputi sya dati pero ngayon kulay “tan” na sya... marahil sa pagkahilig nito sa pagpunta sa dagat para mag surfing o sa bundok para mag mountain climbing.

Pero hindi parin maitatago ang mapupula nyang pisngi at ang tinatawag sa english na “kissable lips”. (Yun yun eh, hehehe) May dimples pa...

Hindi sya sobrang maskulado pero, fit ang katawan nya malaki ang chest at flat stomach. (Ammpt...)
Wala syang kahawig na artista pero maihahanay sya sa mga models, hunks, o  Mr. Davao 2010, nakadadag ng appeal ang height nya na  6”1’ ...

Nakita nya akong naglalakad papunta  sa paradahan ng Traysikel papasok sa Campus.
Sabado nun at me praktis kami nang mga gaganap para sa pagtatanghal sa susunod na buwan, kaya naka “civilian”(hindi naka school uniform) kami.

Madilim ang kaulapan at ang lakas ng ihip ng hangin,    nililipad ang mga dahon ng mga puno sa Kalsada.  Mukhang babagyo pero wala namang “forecast”.

Pero kahit mukhang mas masarap sumakay sa kanyang kotse eh mas nanaig ang desisyon kong mag traysikel nalang.

 Hindi talaga ako magkaroon ng lakas ng loob na maging malapit sa kanya.

Siya si Nick Salvador, 21 taong gulang.
Pamangkin sya ng Governor sa  lugar namin, at kami ay pangkaraniwang bahagi lang ng lipunan.

Mayaman ang mga angkan nila at kami eh mahirap lang (me ganung factor).

Kami ng nanay ko kasama ang isa kong kapatid na babae ay simple lang ang pamumuhay dito sa lungsod ng Davao.

Wala na ang tatay...
Nung ako ay nasa ika tatlong baitang ng elementarya ay pumanaw na sya at ang kapatid kong babae at si nanay nalang ang pamilya ko.

Ako si Jake Garcia, 21 taong gulang.
 Ako ang panganay at nasa ikatlong baitang sa kolehiyo, sa isang Pamantasan na sya ring pinapasukan ni Nick...

Sa isang taon ay ang aking pagtatapos sa kolehiyo. Kung loloobin ni “Bro”...

Pero mahusay si nanay, marami syang pinagkakakitaan at magaling ang estratehiya nya sa mga bagay bagay kaya naman nakakaraos kami sa mga pangangailangan.

Letty Garcia ang pangalan ni Nanay nasa 45 na sya, pero malakas na malakas ang pangangatawan.
Wala namang problema sa pagaaral ko dahil scholar ako.

Kaya ang pinag kakagastusan lang namin ay ang pagkain sa araw araw, allowance naming magkapatid at iba pang bayarin sa bahay, tulad ng kuryente at tubig.

Ang iba ay iniipon nalang ni nanay para daw kung sakaling mangailangan daw kami eh meron kaming madudukot.
Yun ang agwat namin ni Nick. Alam ko mabait sya pero ewan ko ba, basta ilang ako sa mga katulad niya.

Parang hindi ko kayang makisabay sa kanya, sa mga bagay na hilig nya ay naiiba sa mga bagay na nakahiligan ko, iba ang pamumuhay nila at namin...

Mahilig syang mag surfing, diving at mountain climbing.

Bakit ko alam,
 dahil niyaya na nya ako minsan.
Iba din ang mga lagi nyang kasamang barkada, lahat ika nga eh nasa “alta sociedad” o angat sa lipunan.

Bakit ko na naman alam,
kasi nga pag may programa sa bayan at ang kakatawan sa pambungad na pagsasalita ay si Governor Salvador, makikita ko ang sasakyan nya na parating at sabay magdadatingan ang iba pang magagarang sasakyan at pagkababa sa sasakyan ay sila sila ang magkakasama na uupo sa inihandang upuan para sa mga kamag anakan ng Gobernador.

Pero lagi nya ako nakikita sa loob ng campus. Naaaliw naman ako na napapansin nya ako.

Alam ko me itsura ako at maputi ako at cute, (kapal... hehehe) sabi nila yun, hindi ako.

Lagi syang lumalapit sa akin pag nagrereview ako sa ilalim ng puno, o kaya sa bench sa loob ng campus, o kaya sa canteen o sa library.
Mag “wazz-up” sya sa akin o kaya, “what’s new”,“how are you dude?” , “How are you doing?”, “Are you ok?” . Yaan ang mga bungad nya sa akin.

 Lumaki kasi sa Australia kaya englisero. Pero marunong ding magtagalog at marunong makaintindi ng tagalog.

Mangangamusta lang sya... Iimbitahan ako sa ganitong lugar...

 Pero laging isa ang patutunguhan ng sagot ko, “Next tym nalang”, “ Me gagawin pa ako”, “Me pupuntahan pa kami ng nanay”. At marami pang ibang kapanipaniwalang dahilan.(Pakipot ba hehehe) .

Hindi ko talaga kayang dumikit sa kanya, yun eh hindi dahil sa mayabang sya kasi hindi naman talaga. Sya pa nga itong laging nauunang mangungumusta.

 Pero dahil siguro lumaki akong ganito. Iba ang mundo kesa sa kanya. Kaya naiilang ako.
Ang nakakapagtaka sa aming magkakaklase, ako ang madalas nyang nilalapitan. Nag iimagine nalang ako na me gusto sya sa akin... ( yun yun eh, hehehe) Pero malabong mangyari ang iniisip ko.

Sobrang straight looking si Nick at ang dami nyang naging girlfriend sa campus kaya malabong magkagusto sya sa kapwa lalaki. Ang nasa isip ko lang eh gusto nyang makipag kaibigan.

Kahit abot langit ang pagka crush ko sa taong yun, hindi ko parin maibigay sa kanya kahit man lang pakikipag kaibigan.(kasi more than pa doon ang gusto kong ibigay, hehehehe)...

Hindi ko naman magawang itanong kung bakit sya laging dikit ng dikit, baka maging iba ang dating sa kanya at mapahiya sakin, Sobrang bait pa naman nung tao. Kaya hina hayaan ko nalang.

Magulo ang nararamdaman ko... Lagi ko syang hinahanap , pero pag anjan na sya hindi ko naman sya mapagbigyan sa mga imbistasyon nya...

Ako tanggap nina nanay na ganito ako, isang lalaking me pagtingin sa kapwa lalaki. Dahil sa isang notebook ko dati nung highschool ako...

Nabasa ni nanay doon ang “F-L-A-M-E-S” na nilalaro ko. (F-Friend, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S-nakalimutan ko na) eh, puro lalaki ang nakapatong este katapat ng pangalan ko.

Kaya hindi na sya nagtanong, sinabi lang nya sa akin ang salitang hanggang ngayon eh hindi ko malilimutan,

NANAY: “hindi kita pinagbabawalan sa mga gusto mo, pero hindi rin kita masusuportan sa maling damdamin mo, dahil mas alam ko ang makakabuti sayo. Kung kaya mo pang putulin iyon anak, gawin mo, pero kung di mo talaga kaya, eh tatanggapin parin kita ng buong buo, bilang anak ko” Ang seryoso nyang pangangaral akin.

Naluluha parin ako pag naalala ko ang sinabi ni nanay. Sobrang mahal nya talaga ako at ganun din ako sa kanila ng kapatid ko.

 Pero astigin akong magdala. Hindi mo mahahalatang ganito ako at ni minsan hindi ako nagdala ng lalaki sa bahay upang ipakilalang bilang boyfriend ko. (asa pa, hehehe)

Kahit sa labas si Paulo o Pau, “Best” ang lagi kong kasama, ang pinakamatagal ko nang matalik na kaibigan mula pa nung elementary ako.

Mabait nga si itay kay Pau (Pronounced as “Paw”) nung nabubuhay pa si itay at ganun din sa akin ang pamilya nina Pau...

 Siguro dala narin ng tiwalang binibigay ni nanay sa akin na matatapos ko ang pag aaral ko at ako ang makakatulong sa pamilya kaya kahit nag kaka crush ako sa campus ay ini-ignore ko nalang iyon. Upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ko. (Dalagang pilipino effect, hehehe)

Ang mahalaga sa akin ngayon ay maitaguyod ang pamilyang naiwan ni Itay. At alam kong thumbs up sya sa akin kung malalaman nya ito...

NICK:“Come on, Jake” Sigaw nya...

Pero katulad ng dati kong pakikitungo sa kanya.

AKO: “Sige lang una kana, salamat sa tulong”, pagyuko ng ulo ko paharap sa bukas  na bintana ng sasakyan.

Paalis na ako nun sa tapat ng kotse nya papunta sa paradahan ng traysikel ng bigla syang bumaba ng sasakyan.

NICK:“What is your problem, hindi naman ako masamang tao ah, lagi mo nalang akong ini-snob, me problema ba sa akin?”, Ang bigla nyang sinabi nung makababa sya ng kotse at makalapit sya sa harapan ko...

Sa totoo lang wala sa kanya ang problema kundi na sa akin. Halatang napipikon ang itsura ng mukha nya. (pero cute parin hehehe)

Nagulat naman ako dahil bumaba pa talaga sya ng sasakyan ganun din sa inasta nya. Kaya kitang kita sa “tantanlizing eyes” ko (Yun yun eh, hehehe) na bigla itong bumuka at dilat na dilat. Dahil sa reaksyon ko. Nag bago ang galit nyang mukha at bigla syang napatawa dahil nga sa reaksyon ng mukha ko.

Hindi na nya mapigilan ang tumawa ng tumawa. Hawak  hawak na  din nya ang kanyang tiyan.

Naka masid lang ang mga tao sa paradahan at halata sa mukha nilang naguguluhan.
Napangiti nalang ako sa pag kakatawa ni Nick.

Parang ang isang taling nakaharang sa aming dalawa na ako lang ang nakakaramdam ng agwat na ito na mayaman sya at mahirap lang ako, ay bigla nalang naputol...

Daig pa pala nya akong tumawa.  At hindi ko akalaing mapapatawa ko ng ganun ang crush ko.(blush... hehehe)
Bigla nalang pumatak ang ulan at walang isang iglap na hinila nya ako para maupo sa tabi ng driver seat at pagkasarado ng pinto ng kotse ay bigla nalang syang tumakbo para maupo sa tabi ko.
Wala na akong nagawa kundi ang manahimik sa loob ng kotse nya.

SA KOTSE...
Masarap pala ang pakiramdam pag nasa loob kana ng kotse, at mas masarap kung ang nagmamaneho ay ang lalaking laging laman ng isip mo.

NICK: “Jake”,  ang mahina nyang sabi, napatingin naman ako as mukha nya.
NICK: “What’s wrong with you?, Ramdam ko  lagi mo nalang akong iniiwasan.” Ang pagsasalita nya habang nakatingin sa daan. At sa side mirror nya.
Hindi ako makapagsalita. Na babato- balani ako kay Nick
NICK:“Jake!”,  Ulit nya, na mas malakas kesa kanina ang pagkakasabi.
AKO:“Ah... anu, kuwan, anu nga ulit ang tanong mo?”, kunyari hindi ko narinig, kaya pinaulit ko, dahil hindi ko talaga pweding sabihin sa kanya ang dahilan. Dahil alam ko hindi nya iyon maiintindihan.

Kaya nang ulitin nya ang tanong nya,
NICK: “I said, bakit ka laging umiiwas sa akin?”
Anu ba ang sasabihin ko, paano ko sasabihin sa kanya sa paraang mauunawaan nya. Ang hirap naman oh...

RINGGGGGGGGGGGGG...
Biglang nag ring ang cellphone ko. (Thank you “bro” hehehe)
AKO:“Wait lang ha, sagutin ko lang”
NICK:“Ok”

Si Pau pala...
AKO:“ O Best, napatawag ka. Anung atin?”, Ang bungad ko.
PAULO: “%&%^$#$%*@#$@#$%&**%#&%$$^”, (syempre ako lang nakakarinig noh)
AKO: “ O sige ingat nalang ha... Kita tayo mamaya, puntahan kita sa bahay nyo.” Ang tugon ko sa kanya at naputol na ang linya.

NICK: “What did Paulo said, Bakit daw sya tumawag?” Alam ni Nick ang tawagan namin ni Pau.
AKO:“Ah, may sakit daw sya kaya hindi sya makakasama ngayon sa practice”
NICK:“That’s why you’ll visit him?” sabay tingin sa akin...
Ang sarap este ang gwapo talaga nya... Kung mahahawakan ko lang ang kamay nya ulam nay un sa akin...
AKO: “Oo, dadalhan ko na rin ng kamay, este prutas si Pau, paborito nya kasi yung Ponkan at grapes”

NICK:“Really, You’re so sweet, pwede ba akong dumalaw din sa kanya? Sama mo ako, please”

Shocking naman to...

PAGMUMUNI...
Si Nick pupunta sa bahay nina Pau naku hindi maaari yun, siguradong magagalit si Pau sa akin kasi tulad ko, ilag din sya sa mga mayayaman, at ngayon pa na ganito ang kalagayan nya,
Alam ko kasi pag me sakit yun, ayaw nun ng bisita kasi, ang pangit daw ng itsura nya. (Concious talaga si Best)...

Tama nalang daw sa kanya ang mga text ng kaibigan, kung nag aalala sila sa kanya. Dahil may mag aalaga naman daw sa kanya, si Tita Rosy at si Tito Milling ang nanay  at tatay ni Pau, kaya kahit hindi na sya dalawin ay ok lang.

Ako lang ang nakakadalaw sa kanya. At mas gumagaling sya pag dinadalaw ko sya. Binibigyan ko sya ng massage sa ulo...(forehead hehehe)
Hindi nga pala bisexual si Pau, ni hindi yan naglilihim sa akin. At alam nyang ganito ako. Pero hindi nagbago ang pagtitinginan naming bilang matalik na magkaibigan.

Pag may umaapi sa akin, sya ang nagtatanggol sa akin, at ako, hindi ako marunong makipag away, kahit astigin ako, mahina ang loob ko.
Kaya si Pau lagi ang nasasaktan, pero magaling naman sya kaya mas napupuruhan ang kalaban. (hehehe)...
Gwapo ang best friend ko, Kayumanggi, pero sobrang ganda ng balat, makinis at may maninipis na semi kalbo na buhok, may mga matang laging Masaya, matangos ang ilong.
Mas matangkad sa akin dahil  5’8” sya, at 5’6” naman ako...

May Girlfriend  narin si Pau, Si Amy. Alam din ni Amy na ganito ako. Kaya ako ang tagapag bantay ni Amy kay Pau.
Pag may umaali- aligid na bulaklak kay Bubuyog, este kay Pau, hindi sila makaporma dahil alam nila ang lagi kong sinasabi. “Subukan nyo lang” Sabay tingin ng makahulugan...
Hehehe...

Ok naman yun kay Pau, dahil matino sya pagdating sa relasyon.

Sabay nga pala kami ng kaibigang kong si Pau na nag exam at pareho kaming pumasa kaya buong college life namin ay scholar kami, yun nga lang kailangan naming i-maintain ang major subjects namin na above 95% at above 90% naman para sa minor subjects para hindi mapaalis sa scholarship list.

Matalino si Paulo konting aral lang nya nakukuha na nya ang pinag-aaralan nya. Samantalang ako kailangan ko pang ulit ulitin ang binabasa ko para maintindihan ko.

Buti nalang nandiyan sya.

Pero sa Math (Physics, Geometry at iba pa) magaling ako at doon ako bumabawi kay Pau, kasi hindi sya ganun kagaling sa math.

PAGBASAG NG PAGMUMUNI...
NICK:“Jake, Are you listening? May problema kaba?” Biglang akong nagulat at nagising sa pag-mumuni.
AKO:“Ah , wala naman, hehehe, pasensya na ha. Pero itatanong ko muna kay Pau kung ok lang na isama kita, baka kasi magulat yun na may bisita pala sya” Ang tugon ko, halatang napahiya ako sa pagkakatahimik ko.
NICK:“Ok, inform me later if he agreed.” Ang tugon ni Nick sabay smile.
AKO:“Ah, Sige” Natuwa naman ako at nakalimutan na ni Nick ang tungkol sa pagtatanong nya kung bakit ako umi-iwas ko sa kanya.

Nalala ko kailangan ko nga palang tawagan si aling minda para send-an ng Unlitext 20 si nanay dahil wala na syang load, kaya tinawagan ko si aling minda at binigay ang bagong number ni nanay kay aling minda...

TAHIMIK SANDALI... (may dumaang jezebel)
NICK: “ Jake, tungkol sa tanong ko kanina”
Toinks...naalala pala nya... malakas pala ang memory ng crush ko...huhuhu...
AKO:“Ah yun ba, hindi naman kita iniiwasan, kung yun ang iniisip mo.”
Halatang iba ang sinasabi ko sa mga pinapakita ko dati sa kanya.
Dumating na kami sa Campus at mag papark na sya ng sasakyan nya. Tumila na din ang ulan...

TIGIL  ANG KOTSE... (PERO NAKA AIRCON PARIN)
NICK:“Jake, nararamdaman ko umiiwas ka. Kung hindi nga lang umulan, hindi pa kita maisasakay sa kotse ko”
Anu ba ito, namamawis na ako (aggrrr) kahit sobrang lamig sa loob ng kotse.
Sobrang intense naman...
Anu bang sasabihin ko sa lalaking crush ko. Ah Alam ko na.

AKO: “Nick mamaya na natin pag usapan yan, alas-diyes na, baka mapagalitan pa tayo ni Ma’am, pag nalate pa tayo ng matagal” pababa na ako ng kotse nya.
AKO: “Sige Nick, ah salamat sa pagtulong mo. Kita nalang tayo sa stage, una na ako.”
NICK: “See, look what are you doing, tayo ang magkasama , tapos mauuna kapang pumasok, Pareho naman tayo ng pupuntahan, right? Bakit di mo ko mahintay?” May pagtatampo sa tinig nya...

Oo nga naman JAKE, hindi ka ganyan pinalaki ng nanay mo, iiwanan mo ang taong naghatid sayo.  Anu ba, mahiya ka naman. Pero anung magagawa ko, ayoko ngang maging malapit sa kanya... Pero halatang halata sa kinilos ko na umiiwas talaga ako sa kanya.

AKO: “Nick pasensya kana, sige sabay na tayo”, Dyahe...
NICK: “Ok, No problem, but please we need to talk after this practice?”
AKO: “Ok”
NICK: “Promise Jake?”
AKO: “P-p-pro-mise”..., Naiilang kong tugon.

Huh? Me pa promise promise pa sya, ganun ba kahalaga sa kanya ang pag-uusap na to at kailangan matuloy iyon.

NICK: “Ok lets go”...

NAGPRACTICE-NAGPRACTICE ULIT-TANGHALIAN-PRACTICE-MERYENDA – AT PRACTICE PA-UWIAN...

AKO: “Nasaan ba si NICK, kailangan hindi nya ako makita, kailangan makauwi na ako sa bahay, paghahandaan ko pa ang sasabihin kong explanation sa kanya” bulong ko sa sarili...

Hindi ako dumaan sa hall way ng campus, dalawa kasi ang daan, isang malapad na pangkaraniwang daanan ng mga estudyante na kung saan ang hangganan ay sa Main Road at ang isa ay sa kabila na medyo malayo pero walang masyadong dumadaan at isa lang ang lalabasan ang Main Road parin...

Sa pangalawang daan ay maraming talahib sa tabi at mapuno, madamo ang daan pero maliliit naman dahil natatapakan ng mga tao at regular na tinatabas ito ng mga maintenance ng Campus. Pero pag tagulan ay mas maputik sa daang iyon. Sementado kasi ang Hall way.
Kailangan hindi kami magkita ni Nick...

Pasakay na ako ng traysicle pabalik sa bahay...

NICK: “Jake” Sigaw nya...

ITUTULOY...


[02]
NAKARAAN...

Nang matapos ang practice ay nagmadali na akong umuwi dahil kailangang hindi ako makita ni Nick. Pagkalabas ko ng Main Road ay pumara na ako ng traysikel para makauwi ng mabilis ng bahay.

NICK: “ JAKKKEE!!!” sigaw nya.

PAGPAPATULOY...

Nabosesan ko agad sya, dahil sya lang ang may ganung accent sa mga kaklase ko. Naku patay na. Inabangan pala ako ni Nick. Kaya pala before the last practice ay bigla nalang syang nawala at hindi mahagilap ng paningin ko. Nauna na pala sya sa labasan.


Inantay ba nya talaga ako? Alam kaya nyang tatakasan ko sya? Anung sasabihin ko? Nag promise pa naman ako kaninang umaga. Ahhhrrrrr. Ang hirap naman. Paano ako haharap sa kanya ngayon? Ah basta,bahala na si bro.

Nilapitan ko agad sya.

AKO: “O Nick, andyan ka pala?” Kunyari pa ako.

NICK: “ Jake, halika na, Hatid na kita” Ang magiliw na imbita ni Nick.

AKO: “ Ah next time nalang, hindi na naman naulan.”

Medyo madilim pa ang paligid  gawa ng makapal na ulap.

Sana nga po wag munang umulan ulit. Please...

NICK: “Yes, but you forgot something.” Nakangisi si Nick.

AKO: “ Ha??? Anu namang nakalimutan ko” Kahit alam ko, iniiwasan ko parin maalala nya. Pero dahil nga sa matalas ang memorya nya.

NICK: “ Your promise. Right? Kaya tara na, ihahatid na kita.”

Hay mahihimatay talaga ako. Anu bang pinakain, at sino bang nagpakain dito at parang nagayuma ko yata. Wala na akong nagawa, sumakay narin ako. Promise is a promise nga eh. Nahuli na rin lang ako kaya “go”.



SA KOTSE...

NICK: “ Jake, can I have the answer now?” Ang tanong nya sabay tingin sa akin ng malamlam.

(sana hindi ako namumula) Ang puti ko pa man din...

AKO: “ Ah kasi, hindi naman talaga ako umiiwas”

NICK: “ Hep he hep, you do.” Sabay tingin sa akin. “First. You rejected all of my invitations. Then, this morning when I asked you to take a ride, you refused again. Then, after we reached the school you want to go ahead, and then after our practice, I saw you’re fleeing.” Ang sunod-sunod nyang tugon.

AKO: “ Ok. I admit, umiiwas ako, tumatakas ako.” Mahinahon kong tugon

NICK: “ Bakit?” Malungkot nyang tugon

AKO: “ O sige tanungin muna kita.”

AKO: “ Bakit kaba lapit ng lapit” Malumanay kong tanong para hindi naman sya ma-offend.

NICK: “ I want you and Paulo to be my friend. Real friends”

AKO: “ Bakit wala ka bang kaibigan, ang dami mong kaibigan ah...”

NICK: “ Paano mo naman nasabi? wala nga akong masyadong kinakausap sa room”

Oo nga naman, lagi ka nga palang nasa isang tabi at nagbabasa ng libro, or nagsusulat sa notebook, or mag i-ipod, or mag p-psp...

Pero…

AKO: “ Nakita kaya kita nung isang buwan sa beach. Sa bayan ng Samal. Kasama mo diba ang barkada mo at nag susurfing kayo? At nung isang linggo sa plaza, nung National Heroes Day nag speech si Gobernor, kasama mo ulit sila.”

NICK: “ I see...” Mukhang nakalimutan nyang kilala sya sa bayan namin.

NICK: “ Ok, but, There is another reason”

AKO: “Ano?”

NICK: “Listen Jake. I didn’t see myself so happy when I’m with them, like what I’ve seen with you and with Pau when you were together.”

Totoo naman ang sinabi nya na masaya lagi kami ni Pau pag magkasama. Sa totoo lang meron kaming kaibigan sa classroom, pero hindi talaga ganun namin ka dikit, ang lakas pa naming tumawa. Pag may problema naman kami, pinapasantabi nalang namin ni Pau, at pag alam na namin ang solusyon ay saka lang namin yun iisipin. Pero hindi ko akalaing may isang taong na-iinggit sa saya naming magkaibigan, at hindi ko akalain sa katauhan pa ni Nick. Siya na mukhang wala ng mahihiling sa buhay...

NICK: “Everytime I see you, tawanan, biruan, naisip ko, sana magkaroon din ako ng kaibigang katulad nyo. Alam mo ba ang mga barkada ko, they always talk about happenings, latest cars, gambling or alcohol and worst, drugs. I am toxicated with this, I think there's a part of me that’s empty.” Malungkot nyang tugon.

NICK: “Before I came here. My life in Australia, is simple but full, Kung di lang dahil kina mom and dad hindi ako uuwi ng Pilipinas at dun nalang ako kina grand pa at grand ma.”

NICK: “ That’s why I wanna know, if we can be friends?”

Naaawa naman ako sa kanya. Ngayon lang kami nakapag-usap ng matagal. Akala ko dati, “happy go lucky” sya. Laging masaya. Lagi pa nga syang bumabati sa lahat, pero wala nga ng dinidikitan.

AKO: “Aaminin ko, para sa akin, mabait kang tao, at kaklase, pero iba kasi ang buhay na meron ka sa buhay na meron ako.”

NICK: “ What do you mean?”

AKO: “ Nick mayaman kayo. Kung ano ang tingin mo sa mga kaibigan mo, yun din ang nasa isip ko tungkol sayo. Hindi ko kayang sakyan ang kaisipan at hilig mo. Hindi kami mayaman. Dito sa Pamantasang ito, hindi kami makakapasok dito kung hindi kami scholar ni Pau... ” 

NICK: “ I understand you.”

NICK: “ But, I’m looking forward for this, at sana baguhin mo na ang nasa isip mo na katulad ko ang mga kaibigan ko sa lahat ng bagay. Let’s know each other deeply, I’ll promise ako ang sasakay sa mga hilig mo” Makahulugan ang mga salitang binitiwan nya.

Napako naman ako dun sa sinabi nya. Malalim na tao pala si Nick. Hindi ko inaasahan ang isang tulad nya ay may malawak na pananaw.

NICK: “ So Friends?”

AKO: “ OK”


Sabay tawa namin...

NICK: “ By the way...About  Paulo, Payag na ba syang dalawin ko sya?”

AKO: “ No, sorry Nick, hindi sya pumayag. Salamat nalang daw, ok n daw sa kanya yung nalaman nyang gusto mong bumisita. Pasensya na.”

NICK: “ No problem, I understand him.”


Buti naman at hindi na sya nag pumilit.


SA TAPAT NG BAHAY NAMIN...

AKO: “ O Paano Nick, salamat sa pag hatid. Ingat ka sa pag uwi at
pagmamaneho”

NICK: “ Thank you... By the way, are you free tomorrow?”

Sunday bukas, san ba ako pupunta?

AKO: “ Hindi eh. Sisimba kaming lahat ni Nanay at ng kapatid ko”

NICK: “ Anung oras?”

AKO: “ Mga 7 ng umaga”

NICK: “ Ah ok”

Ok. Anu daw.? Di ko na gets. Ang gulo nya.

Pababa na ako ng sasakyan ng...

NICK: “Jake, please give this to Paulo”

Inabot nya ang isang supot ng PONKAN at isang supot ng GRAPES, siguro tig isang kilo yun.
Nakakagulat naman siya, hindi ko akalaing ganito pala siya. Nasopresa talaga ako.

AKO: “O bakit nag-abala kapa, nakakahiya naman sayo. Kalian mo to binili?”

NICK: “ Bago matapos ang last practice” nakangiti nyang tugon

Ang gwapo na, mabait pa, maunawain, maalalahanin at galante pa.

NICK: “Ito naman ang iyo”

Sabay abot ng malaking bag ng “Mang Donald’s”(Binago ang pangalan). Ang favorite ko.
Hindi ko na to kaya,baka himatayin na ako hindi sa bigat ng dala ko kundi sa bigat ng level ng energy. (whew)

AKO: “Sigurado kaba akin ang mga ito, ang dami naman, pang maramihang tao na ito ah”

NICK: “ I share mo sa family mo”

Oo nga naman, wag kang matakaw Jake, andyan si nanay at si Linet. Bigyan mo sila kahit tig isang fries lang (toinks).

AKO: “ Salamat, sana hindi utang to ha.” Asta ko...

Biglang tumawa si Nick. Nakatingin lang ako at napatawa na din.

NICK: “ Hahaha...Don’t worry, you just paid it.”

Pagkakakitaan ko pala ang joke ko...

AKO: “ Sige salamat ulit, ingat sa daan.”

NICK: “ Ok thanks for the company. Goodnight.”

AKO: “ Goodnight”

Pagbaba ko ng sasakyan ay umalis na din si Nick, sya namang labas ni Linet sa bahay at nakita ang mga dala ko.Tinulungan nya ako sa pagbuhat at pagdating sa loob ng bahay.


AKO: “ Nay magandang gabi po, mano po.”

NANAY: “ Kaawaan ka ng Diyos, o kumusta ang praktis anak?”

AKO: “ Ayos naman po Nay”

NANAY: “ San galing yan mga pagkain na yan? Ang dami naman yata”

AKO: “ Ah para po ito sa atin, at itong mga prutas ay kay Pau”

NANAY: “ Anak ang dami naman ng binili mo”

LINET: “ Nay hindi... galing yan sa boyfriend ni kuya, nakita ko hinatid sya nung lalaki at ang gara ng sasakyan. Maganda talaga nay”

AKO: “ Uy Linet umayos ka nga diyan... hindi totoo yan”

Boyfriend daw. Sana nga (asa pa...) Bigla namang nag-iba ang mukha ni nanay.


NANAY: “Totoo ba yon anak?”
AKO: “Hindi nay, anu naman ang alam nyang batang yan,  hindi nga nya nakita kung sino ang kasama ko. Saka kaklase namin yun ni Pau, si Nick yun. Nag-magandang loob lang at nagbigay ng prutas kay Pau dahil may sakit yung tao. Tapos dinagdagan din nya ang kabutihan nya sa pagbibigay ng favorite ko hehehe"

NANAY: “ Ah may sakit pala si Pau, hindi ko man lang nadalaw ang batang iyon.”

AKO: “ Ok lang Nay, I-text nyo nalang. Ako nalang ang pupunta, kilala nyo naman yun ayaw padalaw... Sige Nay, aalis na ako, punta muna ako kina Pau...”

Binubuksan ni Linet ang prutas na dala ko...

AKO: “Hoy, Linet, hindi sa atin yan prutas wag mong buksan yan”

Bigla kong kinuha ang prutas mula sa makulit kong kapatid.

LINET: “ Si kuya ang damot, isang grapes lang”

AKO: “ Yung Mang-Do nalang ang kainin mo, at tirhan mo ko hindi pa ako nakain. Sige po nay, alis muna ako.”

NANAY: “ Bakit di ka muna kumain?”

AKO: " Ipagtabi nyo nalang ako ng “Big-Mang”

NANAY: " O sya sige ingat ka, i-kumusta mo nalang ako sa tiyo Milling at tiya Rosy mo. Pati narin kay Paulo"

AKO: " Opo"


HABANG NASA DAAN...

ISSA: “ Jake, san ka pupunta?”

Si Issa. Matagal ko nang kaibigan.

Hindi na sya pumapasok dahil hindi sya kayang pag aralin ng mga magulang nya sa kolehiyo.
Kasing edad namin sya ni Pau.Nagtitinda nalang sya ng Lugaw, Sopas at Spagetti sa umaga at sa hapon naman ay tumatanggap sya ng labada at minsan ay nag titinda naman ng banana cue. Sobrang bait nitong si Issa, lagi kaming dinadalaw sa bahay. May gusto si Issa kay Pau, pero maganda si Amy at si Issa naman ay mabait (Alam nyo nayun)...

AKO: “Hi Issa, kumusta?, Pupunta ako kina Pau, dadalawin ko sya.”

Bilang sumaya ang aura ni Issa. Nag blush pa yata... hindi ko makita dahil maitim sya...(toinks)

ISSA: “Ah talaga , samahan na kita.”

AKO: “ Issa may sakit si Pau”

Nag-iba ulit ang mukha ni Issa, ngayon naman ay malungkot na. Alam nya na kapag may sakit si Pau, as usual, hindi pweding puntahan sa bahay... hehehe...

ISSA: “ Ah ganun ba, O sige dalhan mo nalang sya ng banana cue ko.”

AKO: “ Ah... sige. Masarap ba yang banana cue mo?”

ISSA: “ Jake naman eh,,, puro ka kalokohan...” Tumawa na si Issa.

AKO: “ Malungkot ka kasi kaya pinapasaya lang kita. Hehehehe, Sige na baka gabihin pa ako.”
ISSA: “Sige ingat ka, i-halik mo nalang mo nalang ako ke Pau”

AKO: “ Kung pwede nga lang, gagawin ko talaga, hehehehe”

ISSA: “ hahahaha, hala may pagnanasa”

AKO: “ Hahaha, di siguro... O sya sige na, bye na...”

ISSA: “ Bye”



KINA PAU...

AKO: “ Magandang gabi po tita Rosy at tito Milling, andyan po ba si Pau?”

Tita Rosy: “ O Utoy, magandang gabi naman, oo naroon, umakyat ka na sa taas.”

Tito Milling: “ Naku kanina ka pa inaantay ng batang yan, ayaw mag-hapunan, sabay daw kayo.”

AKO: “ Ah ganun po ba, sige po aakyat na po ako"
Tito Milling: “Mabuti pa nga at nang makakain na kayo, kami naman ay tapos ng kumain ng tiya mo, hindi na namin maantay yang kaibigan mo.”

AKO: “ hehehe, sige po”

Dalawang palapag ang bahay nina Pau, Nasa baba ang silid tanggapan, komedor, kusina at dalawang kasilyas. Nasa taas naman ang tatlong silid. Yung una ay kay Pau, sumunod ay bakante dahil nag-iisang anak lang si Pau. Pag may bisita ay duon pinapatulog, pero hindi ako bisita kundi kamaganak na ang turing sa akin nina Pau kaya kay Pau na kwarto ako natutulog. At nasa dulong silid ang sa magulang ni Pau.

SA KWARTO...


AKO: “ Musta Best, ok na ba ang pakiramdam mo?”

PAULO: “ Ang tagal mo, kanina pa kita inaantay...” Nagtatampo ang bata...

AKO: “ Bakit gutom na ba ang Best ko?”

PAULO: “ Hindi naman, wala na nga akong ganang kumain. Pero sana kanina kapa dumating, wala tuloy akong kausap dito. At diba ima-massage mo pa ang ulo ko” May himig ng paglalambing...

AKO: “ Ito talaga.  Alam mo naman ang sched ng “practice” natin, diba?” Sabay abot sa kanya ng prutas.

PAULO: “ Wooooowwww... Iba kana ngayon best ha, ang dami nito ah, anung nakain mo..." Sabay upo ni Pau sa kama at senyas sa akin na umupo sa tabi nya. Tuwang tuwa ang mokong at umakbay.

AKO: “ Kay Nick galing yan noh... wala akong ibibili ng ganyang kadami.”
Sabay bitaw ng akbay nya sa akin at bitaw sa prutas na dala ko.

AKO: “ O bakit? Ayaw mo, sige ka ibibigay ko yan kina tiya, o kay linet. Kanina pa nya gustong kainin nyan, alam mo naman yun pareho kayo ng Favorite” Banta ko sa kanya.

Nagdadalawang isip sya na baka totohanin ko ang banta ko, at tumingin sa akin ng masama.

PAULO: “ Magkasama ba kayo? “

AKO: “ Si Nick ba ang tinatanong mo Best?”

PAULO: “ OO NAMAN, SINO PA!”

Galit ang drama...

AKO: “ Alam mo best, mabait nga pala talaga si Nick. Hindi sya yung taong iniisip natin... Alam mo. Kaninang umaga, nakita nya ako sa paradahan. At niyaya nya ako sumabay”.

At kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari mula umaga hanggang ihatid nya ako sa bahay.
Walang reaksyon akong nakita sa mukha nya...

AKO: “ Best, Ok ka lang?

PAULO: “ Akala ko ba ako ang Best mo? Bakit parang ang saya saya mo sa kanya, akala ko ba ayaw mo sa katulad nila?”

AKO: “ Best yun naman talga ang totoo. Ikaw ang best ko at ayaw ko sa katulad nila, pero Best, wag kang mag alala, mabait si Nick, iba sya, Ito nga oh, at nag aalala sya sayo. Gusto ka nga nya dalawin. Binilhan ka pa ng favorite mo... Gusto lang nyang magkaroon ng kaibigan katulad natin. Ipagkakait ba natin yun sa kanya kung matutulungan naman natin sya para maging masaya?”

Ngumiti si Pau at umakbay na ulit, kinuha ulit ang prutas at tinago sa lalagyan nya, ganyan sya pag ok na sya. Madaling makaintindi ang kaibigan kong ito.

AKO: “ O Ito nga pala ang banana cue mo, bigay ng paparazzi(ADMIRER) mo.”

PAULO: “ hehehe, ang bait talaga ni Issa. Basta Best, ako lang ang Best mo ha.”

AKO: “ Oo Best, hindi yan magbabago. O sya tama na nga ang drama...”

Nakakatuwa talaga si Pau. Kahit brusko ay nagiging emotero pag dating sa aming pagkakaibigan. Pumayag na rin sya na maging malapit kay Nick. Pagkatapos naming magkwentuhan ay sabay na rin kaming bumaba para maghapunan. Matapos nun ay ginawaran ko lang ng masahe ang kaibigan ko at mga bandang alas diyes nang gabi ng makapag-paalam ako kina tiya Rosy at tiyo Milling. Gusto sana nilang dun ako matulog pero sinabi kong kailangan umuwi na ako dahil maaga pa kami magsisimba bukas.

KINABUKASAN...

Beep.... beep... beep...

AKO: “ Ang ingay naman, sino ba yun?” Tinignan ko ang alarm clock, alas-syete na pala umaga.

Tumayo na ako habang nakapikit pa ang isang mata ko. Tinungo ko ang bintana ng aking kwarto upang alamin kung bakit may bumubusinang sasakyan sa labas. Nang masilip ko ay nakita ko si Nanay na lumabas at tinungo ang nakaparadang sasakyan na Black “Range Rover”. Maya maya ay kinakausap na ni Nanay ang nasa loob ng sasakyan. Hindi ko naman maaninag kung sino dahil tinted ang sasakyan. Mukhang masayang-masaya naman si nanay habang nakikipag-usap at nagmamadaling pumasok ng bahay.

ITUTULOY...


[03]
NAKARAAN...

Beep... Beep... Beep...
Ang ingay naman ng sasakyan nayun... Sino ba yun at alas syete ng umaga ay nambubulahaw na, pagsilip ko sa bintana ay may kulay itim na sasakyan, kinausap ni nanay ang tao sa loob nang sasakyan na di ko naman maaninaw kung sino at maya maya lang ay dali-daling pumasok si nanay sa loob ng bahay...

PAGPAPATULOY...

(Tok.tok.tok.) mga katok sa pintuan ng kwarto ko,

NANAY: “Jake, anak gising na dalian mo na, at nang umabot tayo sa misa”

Binuksan ko ang pinto at tinanong ko si nanay kung sino yung nasa labas.

NANAY: “Ah wala yun wag mo nang pansinin yun, may inaantay daw yung tao dito sa lugar natin, kung maaari daw ay pasumandaling maki parada muna sa labas ng gate natin.” Ang paliwanag nya.

Pinagmadali nya na akong mag-almusal, maligo at magbihis at ginising narin nya si Linet para makapaghanda ito. Kakatwa ang mga kilos ni Nanay,parang may hinahabol na kung ano, nagtinginan nalang kami ni Linet, at napangiti sa isa’t –isa ng makahulugan.

Palabas na kami ng gate ng makita ni Linet ang Itim na sasakyan na Range Rover.

LINET: “Nay bakit may kotse sa gate natin?”

Tahimik lang ang nanay at nang makalabas kami ng gate ay nagulat ako ng biglang binuksan ni nanay ang isang pinto ng sasakyan at niyaya si Linet na sumakay, sabay baba naman ng bintana sa harapan at nakita ko si Nick sa driver seat.

NICK: “Good morning Jake. Hurry up, we will be late for the first mass.”

Aba,naloka naman ako sa surprise nitong mokong na to. At kinuntsaba pa si nanay.
Wala na akong nagawa nakasakay na si nanay at si Linet. Mukhang hinding hindi mo mapapababa sa ayos ng pagkakaupo at nang tignan ko ay nakangisi sa akin ang kapatid kong makulit sabay taas ng kilay na parang sinasabing... “Hindi pala boyfriend ha...”

SA SIMBAHAN...

NICK: “Suprised?”

AKO: “Bakit hindi mo sinabi, me pa ganito-ganito kapa...”

NICK : “May phobia na ako sa pag-iwas mo, baka di ka pumayag, that’s why i keep it secret. Hehehe...., Gusto ko rin namang may makasamang magsimba”

AKO: “Bakit hindi mo isama ang girlfriend mo???”

ISANG TAO SA LIKOD NAMIN: “Ssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhh............” Pag-saway sa aming malakas na boses.

AKO: “Mamaya na tayo mag-usap” Natatawa kong bulong kay Nick.
Siguro kung nandito ang girlfriend nya hindi nya ako maaalala. Toinks. Nagdrama, hehehe, bakit ba magkaibigan lang naman kami... Yun ang katotohanan... ARAY...

SA KOTSE NI NICK...
Papakilala ko sana si nanay kay Nick, pero magkakilala na daw silang dalawa, tumawag daw si Nick kay nanay ng alas 6 ng umaga para ihatid kami sa simbahan. Kaya si Linet nalang ang pinakilala ko. Tuwang tuwa naman si Linet, kinikilig ang loka... Akin yan, humanap ka ng sayo...

AKO: “Nick, paano mo nakuha number ni nanay?”

NICK: “Ikaw nagsabi”

AKO: “Ako? Hindi ah! Kelan?”

NICK: “When you tell to Ms. Minda that she need to send load to Aunt Letty’s Cellphone”

Juice koh… Pinaglihi ba sa computer tong si Nick... pati simpleng paguusap ay naitatala nya sa utak nya habang nagmamaneho. Narinig kong bumubungisngis si Linet at nakangiti naman si Nanay nung tignan ko.

NICK: “By the way, san nyo gustong pumunta Auntie?”

NANAY: “Sa bahay nalang utoy, marami pa akong gagawin sa bahay.”

NICK: “No way Auntie, treat ko po kayo sa favorite place ko.”

AKO: “Nick, wag na, sobra sobra na yung tulong mo sa amin.”
LINET: “Anu kaba kuya ang sarap sarap nga dun sa pupuntahan natin. Ang KJ mo talga.”

Napatawa naman si Nick, at si nanay ay ngingiti ngiti lang. Aba’t ang gagang batang ito... hindi na nahiya... para namang alam nya kung saan kami pupunta at parang alam nya kung saan yung favorite place ni Nick. “EXCITED? EXCITED?” Tinawag pa akong KJ. Kill joy? anung kill joy sa sinabi ko? Nay dipensahan mo naman ako...

NICK : “Please Auntie, payag kana” Pacute pa sa rear mirror.

NANAY: “Sige Nick,pumapayag na ako”

Anu pa bang magagawa ko, si nanay na ang pumayag. Maganda sa pinuntahan namin, parang paraiso, ang malawak na resort ng mga angkan ng Salvador.

SA RESORT...

Sa gate palang ng resort ay siguradong mapapamangha ka sa mamahaling materyales na siguradong inangkat pa mula sa ibang bansa upang mabuo ang napakagandang bakuran ng resort. Sa pasukan ay may malalaking fountain na hugis Pisces, may Mermaid Fountain, may kabibe, at iba pa na mahusay na nililok mula sa bato. Sa kabilang banda naman ay may man-made falls na napapaligiran ng magagandang uri ng halaman at bulaklak. Maraming ibat-ibang klase ng puno na nag papalamig ng hangin sa mainit na panahon.

May pool pang makikita sa banda roon at sa gitna ay may mga slides pa. May mga kubo doon na  gustong gusto ko nang puntahan ng mga oras na iyon, para bang nag aanyaya itong pumasok ka sa loob at magpahinga habang tanaw tanaw mo ang malawak na malinaw na karagatan na puno ng buhay na mga nilalang na masayang lumalangoy sa ilalim ng tubig sa maliwanag na sikat ng araw. Bawat masalubong naming tao ay yumuyuko at bumabati sa amin bilang paggalang sa isa sa anak ng may-ari ng malaking resort na iyon. Naku sayang sana sinama ko si Pau, siguradong matutuwa sya pag nakita nya ang mga nakikita ko.

NICK: “Yes, Jakey? You like it?” Sabay akbay sa akin... Jakey na ang tawag nya sa akin... hehehe

AKO: “Oo naman.” Nanlalaki pa mata ko sa tuwa at sa pagkabigahani sa lugar.

NICK: “Auntie, Nagugutom na ako, let’s  see the cottage”

LINET: “Oo  nga kuya Nay, gutom na gutom na ako”

Pasaway ka talaga Linet. Grrr...Bigyan mo naman ng kahihiyan ang kuya mo.

SA COTTAGE...

NICK: “Surprise”

AKO: “Pau” Sabay yakap kay Pau....

AKO: “P-pa-paanong?”

NICK: “Let’s talk about that later, the food is waiting ok” ngumiti na naman syang nakakatunaw...

Hindi talaga nawawalan ng supresa si Nick… Lahat gagawin nya mapasaya lang nya ang kaibigan nya. Masaya ako kasama ko Best Friend at Pamilya ko Pati narin ang Crush ko.Masarap sa cottage. May cable ang TV, DVD player at isang laptop sa tabi. Ang ganda ng 2 malalaking kama, Linen pa yata ang tela. Puno din ng swimming attire ang 2 cabinet. At sa tabi nito ay may malaking bintanang salamin na makikita mo ang tanawin sa karagatan.Duon naka lagay ang malaking mesa.  Ang daming handang sea food. At iba pang masasarap na ulam. Me fruit shake pa at ibang panghimagas.

Nanaginip ba ako.

Sa kanan ko si Nick at si Linet naman sa kaliwa. Katapat namin sina Nanay at si Pau. Sumulyap ako kay Pau, at nagbungisngisan kami, pareho naming alam ang ibig sabihin nun. Na masaya kami pareho at mamaya ay magpapakasaya pa kami sa dagat.Nanpansin kong nakatingin si Nick, kaya sumeryoso nalang ako sa pagkain at in-enjoy ang buhay prinsesa este prinsepe.

SA TABING DAGAT...

 PAU: “Pinasundo ako ni Nick, gusto daw nyang mag –enjoy tayo, kaya pumayag ako.”

Kung nagkataon palang hindi ako pumayag. Si Pau lang ang mag-eenjoy ng todo...

AKO: “Ano naniniwala ka na... Sabi ko sayo mabait si Nick... Sure ako magkakasundo kayo”

Tango at ngiti lang ang sagot ni Pau. Biglang dumating si Nick kasama ng dalawang staff ng resort. May bitbit ang mga staff na maliliit na inflatable boat. Wow ang sarap talaga ng araw na ito. Tumayo na ako at inabot sa amin ni Nick ang mini boat na gagamitin namin ni Pau. Tig-iisa kami at wala na kaming inaksayang oras. Nang maayos na namin ang mini boat sa tubig ay nagsipag-unahan na kami sa pagsasagwan...

Ang saya talaga, nahalata ko nagpapatalo si Nick pag nauuna ako kay Pau, at pag naman si Pau ang nauuna ay todo ang sagwan ni Nick sa bandang likuran ko para itulak ang Bangka ko at mauna kay Pau...Nagkakatinginan kami ni Nick pag napapalayo si Pau at nag papalitan kami ng ngiti. Para sa akin,masayang masaya ako dahil kasama ko sya. Pero alam ko para sa kanya, tanda lang yun ng pagkakaibigan namin at wala ng iba...

Pagkatapos naming mag mini boat racing ay dumating naman ang diving gadgets namin. Nung una ay kinakabahan ako kung kaya ko ba ang gagawin namin, pero dahil sa suporta ni Nick at ng ibang personal trainor at assistant ni Nick nagawa din naming mag explore sa ilalim ng karagatan...Nakakatuwa si Pau, ang lakas ng loob. Sya pa yung tanong ng tanong kung sakaling dumating kami sa ilalim ng tubig, anu daw yung mga unang hakbang pag nawalan ng oxygen o aksidenteng matanggal ang ibang gadget... Pinaliwanag naman sa kanya ng trainor at ako naman ay nakikinig nalang...

Masaya ako sa nagaganap... Mukhang magkasundong magkasundo si Nick at si Pau. Sila Nanay naman ay hindi mo talaga mapapasama sa diving, delikado naman kasi. Kaya nag sight seeing nalang sila sa pag sakay sa Bangka. Pumunta sa kung saan saang sea under cave na malapit lang dito sa resort.

Mag aalas 6 na nang kami ay bumalik sa cottage at upang kumain ng hapunan. Sina nanay naman ay nadatnan ko sa swimming pool at tinawag ko na para sabay-sabay na kaming kumain. Nag-uusap si Pau at Nick ng makabalik kami sa cottage. Kitang kita sa dalawa ang saya at mukhang may pinag-uusapan, ngunit ng makita ako ay bigla nalang tumahimik at inayos na ang sarili para makakain na kaming lahat. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Matapos naming maghapunan ay ihinatid na kami ni Nick pauwi sa bahay, nag pasalamat kami sa lahat ng staff ng Resort sa pagtanggap sa amin at sa mabuting pag-aasikaso sa amin. Naunang bumaba si Pau at nang makarating na kami sa bahay at pagkatapos makapag-pasalamat ay bumaba na ng sasakyan ang Nanay at ang kapatid ko. Inaya pa nga ng Nanay si Nick na pumasok sa loob pero tumanggi din dahil baka gabihin at may pasok pa bukas. Naiwan muna ako sa kotse...

AKO: “Salamat ha... isa ito sa hindi ko malilimutang weekend ko.”

NICK:  “Welcome, Wala yun...”

AKO: “Para sa akin, malaking bagay yun, dahil talagang masayang masaya sina Nanay at Linet. Ganun din si Pau”

NICK: “Really... Well, salamat din, I really had fun, don’t worry malapit na din yung next time”

AKO: “Sige pasok na ako...”

NICK: “Ah... Jake...” Pahabol nya

AKO: “Yes?”

NICK: “Nothing...” sabay ngiti nya

AKO: “Praning ka rin pala, hehehe, sige na gabi na me pasok pa tayo bukas”

Pababa na ako ng kotse ng hinawakan nya kamay ko...

NICK: “ Jake...”

AKO: “Anu???” Natatawa kong wika sa kanya

NICK: “Goodnight”

(Sus kala ko kung ano na... good nyt lang pala)

AKO: “Ok, Goodnight, ingat ka sa pag da drive”

NICK: “Ok”

SA KWARTO KO...
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, gusto ko syang i-text ulit kahit na kakatext ko lang sa kanya para mag goodnight na. Alam ko matutulog na sya, kaya kailangan hindi na ako mag text ulit. Pero pabaling – baling ako sa unan, hindi ako makatulog, lahat ng ala-ala ng umagang iyon hanggang sa ihatid kami sa bahay, sya ang rumirehistro sa utak ko.

Hay ang hirap naman...

Ang hirap talaga pag hindi babae ang gusto mong mahalin, gustong gusto ko syang i-text, tawagan, puntahan sa bahay nila, para makita ulit. Kahit sa bintana lang sya. Pero hindi pwede. Ang hirap naman, dahil baka ikagalit lang nya ang gagawin ko. At malaman nyang ganito ako. Anu bang dapat kong gawin. Mahal ko na siya. Hindi sya matanggal sa isip ko kahit anung pilit ang gawin ko. Mahirap magmahal sa tulad niya. Straight si Nick. Hindi nya ako  maiintindihan.

Bigla nalang pumatak ang mainit na tubig mula sa aking mga mata dumaloy ito sa pisngi at dumeretso sa unan.  Ang bigat sa dibdib pag may gusto akong gawin pero kailangang pigilan. Kahit nag-uumapaw ito, kailangan takpan, saraduhan at kimkimin sa sarili. Humahagulhol na ako... Hanggang hindi ko namalayan nakatulog na ako sa lungkot.

ITUTULOY...


[04]
ANG NAKARAAN...




Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Mahal ko na siya. Hindi sya matanggal sa isip ko kahit anung pilit ang gawin ko. Mahirap magmahal sa tulad niya. Straight si Nick. Hindi nya ako  maiintindihan. Humahagulhol na ako... Hanggang hindi ko namalayan nakatulog na ako sa lungkot.




PAGPAPATULOY...



KINABUKASAN...


Paglabas na ako ng gate ng bahay ay may HI-ACE Van na kulay puti sa labas ng gate. Biglang binaba ni Nick ang tinted na bintana na sya kong kinagulat. Sya na naman.


NICK: “Hurry up, Late na tayo...”

AKO: “Huh? Nick?, ok lang namang tumulong ka. Pero araw arawin mo ba ang pag sundo sa akin? Baka mamihasa ako nyan.. At saka hindi na kita iiwasan.”



Biglang bukas ng pinto sa likod ng Van at sumabat si Pau sa usapan na sya kong kinagulat.



PAULO: “Hindi ka na namin iiwasan, hahaha”

AKO: “Best?”

PAULO: “Halika na Best , ang dami mo pang sinasabi eh... baka magbago pa ang isip ni Nick, sige ka iwanan ka namin.”



Aba at ang Paulong ito, hindi na nahiya, at iiwanan pa daw ako. Anu pa bang magagawa ko. E di sumakay na ako kay Nick este sa kotse ni Nick. As usual sa unahan ako umupo, bakante eh, ayoko namang gawing driver si gwapo.



AKO: “Ilan pa ba ang kotse mo? Baka bukas limousine naman ang nakaparada sa gate namin.”

NICK: “Hahaha....Actually I have 2, one blue Honda and the black yesterday.”

AKO: “Kanino naman tong gamit mo?”

NICK: “This had just given by my grandmom, Birthday nya kasi and I just try the condition of this one if it is good.”

AKO: “Baligtad yata, diba dapat ikaw mag regalo?”

NICK: “Ya, I already sent my gift to her, pero dahil sa sila ang nagpalaki sa akin, kaya ako ang naging paborito nilang apo...”



Ayus ah. iba talaga pag walang paglagyan ng pera.



NICK: “Paulo, are you ok?”

PAULO: “Yeeaah, shure...” mukhang namumuwalan ata at may kinakain ang mokong...



Kumakain sya ng grapes, kay Nick yata yun.



AKO: “Best sayo ba yan?”

NICK: “It’s fine, binili ko yan para sa atin”

PAULO: “Si Nick kaya ang nagbigay sa akin nito.”



Haysss. Si paulo talaga, basta pruuuutassssss.



PAULO: “Best, o eto sayo”

AKO: “Mamaya na best, busog pa ako, nag breakfast ako”

NICK: “So, What do you prefer most among the three?” Ang sabat nya

AKO: “Ha?”

NICK: “What do you like most, for us to use?”

AKO: “A.E. Kahit ano, hindi naman ako mapili sa sasakyan, saka Nick, wag mo na kaming sunduin ok. Tama na yung magkakaibigan tayo. Hindi ka naman namin school service driver”



Biglang tumahimik si Nick. Mukhang nalungkot sya ...Pinakiramdaman ko muna



AKO: “Sorry Nick. I didn’t mean to say that, ang sinasabi ko lang, kaya naman namin ni Pau na pumunta ng school, baka maabala ka pa namin, tignan mo maaga kang gumigising para lang sunduin kami” Paliwanag ko.

NICK: “I’m happy of doing this” malungkot parin sya...



Ok.



AKO: “O sige na nga, payag na ako... pero sabihin mo lang pag nahihirapan kana, ok lang sa amin”



Ngumiti na sya ng ubod tamis.



PAU: “Alright”

NICK: “So tell me, Anung gusto nyong gamitin natin?”


Seryoso talaga sya sa tanong nya, ako naman kahit anu, dati nga tricycle lang ang sinasakyan ko, kontento na ko dun.



AKO: “Kahit anu, basta yung me gas para hindi tayo tumirik, ok?”

NICK: “Hahaha. Crazy, but cute. Ok” Pag smile nya.

NICK: “Guys, informed your parents that they are also invited in my Grandmom’s birthday celebration”

AKO at PAULO: “Ok sige” tawanan kaming tatlo...



PAPUNTA SA LUGAR NG MGA SALVADOR... (9 Pm)


Sinundo kami ni Nick, pero hindi nakasama ang mga magulang namin ni Pau at si Linet, kaya kami lang dalawa ni Pau ang dumalo sa pagdiriwang. Nakangiti lang si Nick habang tinitignan nya akong manghang mangha sa lugar nila. Kailangan talagang baybayin ang daan mula gate papunta sa mismong bahay nila dahil sa kalakihan ng lupa ng kanilang angkan. Madadaanan mo ang maraming mga puno na hitik na hitik sa bunga, mga rantso ng mga kabayo at mga baka, ang manukan at iba pang alagang mga hayop...

May nadaanan ding kaming maliit na golf course na libangan daw ng kanyang ama at mga kapatid nito.




 Meron pang Orkidaryum at lahat halos ng magagandang uri ng halaman at bulaklak ay nakatanim sa hacienda ng mga Salvador.

15 minuto yata naming tinahak ang daan mula gate hanggang sa bahay mismo. At ang bahay, parang palasyo. Ang daming sasakyan sa kanilang malawak na parking area. May natanaw pa akong swimming pool sa may bandang likod ng bahay. Mayaman talaga sina Nick, Hindi lang dahil sa Gobernador ang Tiyuhin niya kundi talagang mayaman na ang angkan nila noon pa. Noon ko nasukat kung gaano kalaki ang agwat namin ni Nick. Alam ko, iyon din ang nasa isip ni Pau.



AKO: “Wow ang ganda pala ng lugar nyo. Bukana palang pwedi ka nang mamalengke dahil sa dami ng prutas at gulay isama mo pa ang mga baka at manok.”



Tumawa na naman si Nick ng ubod lakas, wala syang pakialam kung may makarinig. Natawa naman kami ni Pau sa reaksyon nya.Napatingin ako sa suot ko, naka short sleeve polo (pink checkered “jejemon talaga ang dating”) at white pants at converse shoes ako, ganun din ang style ni Pau, naka white short sleeve polo at jeans at black shoes naman sya. Naisip ko baka pormal na pormal ang mga dadalo, baka naka amerikana sila at naka gown naman ang mga kababaihan. Tapos kami nakaganito lang.

Si Nick talaga. Sabi kahit anu daw isuot, ok lang daw. Sya naman naka Spring Field pink polo shirt na bumagay sa kanyang malaking chest  at very flat stomach. At may white chaleco at fitted jeans na nakalabas ang belt...at Nike shoes... Mapapalunok ka pag nakita mo lalo na yung bumubukol hahahaha... sasabayan pa ng nakakatunaw na ngiti. At dimples.

Bahala na kung anung madatnan namin. Pero mukhang walang mga bisita at tahimik ang paligid. Nang makababa na kami ng sasakyan ay tinanong ko si Nick kung bakit mukhang walang selebrasyon. Sinabi nya na mga kamaganak lang at pinakamalalapit na kaibigan ang naroroon. Kinabahan lalo ako baka nandoon ang mga barkada ni Nick. At lalo na ang girlfriend nya.

Nasaan nga pala ang girlfriend nya. Bakit hindi ko na nakikitang kasama nya ito. Pagsinusundo kami ni Pau bakit hindi ang girlfriend nya ang sinusundo nya. Saka ko nalang itatanong. Dinala kami ni Nick sa likod ng palasyo. At naroon pala ang handaan, white siguro ang motif dahil mapa mesa at silya ay puti pati balloons at stage ay nadedekurasyunan ng puti. Na may nakalagay na malaking Sign Board na “Happy Birthday Ms. Gregoria Salvador”.

Ang mga Coconut Tree at Palm Tree ay pinalibutan ng Puting tela at alagang alaga ang Bermuda grass. Tiningnan ko ang suot ko at naka white pants naman ako. Si pau naka puti polo. Pero naka white lahat ang mga tao.



Sobrang ganda ng paligid, simple lang. Pero sobrang kaakit-akit. Mahahalata mo talagang mayayaman. Maraming table na may habong na puti at nagsisimula nang kumain ang mga tao. Nag se-serve na sa mga guest ng mga pagkain at umaalingaw-ngaw na ang mga tutugin na Jazz. Napaka elegante ng nakikita ko.Hinawakan ni Nick ang kamay ko at dinala kami sa isang table kung saan naroon ang dalawang matanda na nasa edad 38-42. Hinawakan ko naman ang kamay ni Pau para hindi sya mawala sa paningin ko.


NICK: “Dad, Mom, I’m here” bati nya, sila pala ang magulang nya. At humalik si Nick sa pisngi ng mga magulang.

MR. SALVADOR: “My son, why you’re late? Kanina kapa namin hinahanap ng mama mo, si Ken kanina kapa hinahanap ng pinsan mo.” Pag aalala ng daddy nya.


Nakonsensya naman ako dahil kami ang dahilan kung bakit nalate si Nick. Si Pau kasi ang tagal magbihis.



NICK: “ Sorry po, cars almost not moving, heavy traffic Dad.”


Oo nga traffic nga din pala...



NICK: “ Mom, Dad,  I’d like you to meet, Jake Garcia and Paulo Rosales my new bestfriends, Jake, Pau, meet Mrs. Glenda Salvador and Mr. Roman Salvador my parents”

AKO: “Nice to meet you Ma’am Glenda” Sabay kamay ko sa ginang, ang ganda ng kutis ng mama ni Nick, mamula mula na kapag hinawakan mo ay parang magsusugat agad at magdurugo dahil sa kaselanan ng kutis. Dito nakuha ni Nick ang kanyang labi at dimples.

MRS. SALVADOR: “ Nice to meet you iho... Sabay beso sa akin” na syang kinagulat ko, ganun pala yun kailangan hahalik sa pisngi.

MRS. SALVADOR: “Ang cute naman ng batang ito” nakangiti na ang ginang.

AKO: “Nice to meet you Sir Roman” Ang gwapo ng papa ni Nick dito nya nakuha ang malamlam  na mga mata. Matangos na ilong. At matipunong pangangatawan, siguro nag gy -gym ito. Akala ko bebeso din ako. Shake hands lang pala. Buti nalang magaling akong makiramdam.

MR. SALVADOR: “Nice to meet you Jake.” Nakangiti din sa akin. Si Nick ang nakikita ko pag nakatingin ako sa mga mata ni Sir Roman...

PAULO: “Nice to meet you Ma’am Glenda” Beso din sila..

MRS. SALVADOR: “Nice to meet you iho. Naku nakakatuwa naman tong mga kaibigan mo Nick, gwapo na, magagalang pa. Dito mo na sila paupuin at nang makasalo namin. Kami lang kasi ng papa mo dito.”


Natawa si Nick sa reaksyon ng mga magulang niya, ako man ay nagagalak sa mainit na pag tanggap ng mga Salvador at makakasalo pa namin sa isang mesa ang isa sa mga tinitingalang angkan sa Davao.



MRS. SALVADOR: “Mga iho wag nyo na kaming tawaging Ma’am at Sir, just Tita and Tito, ok?” Tumango nalang kaming dalawa at naka ngiti rin ang papa ni Nick bilang pagsangayon.

MRS. SALVADOR: “Mga Iho, San ba kayo nakilala ng anak ko.”  Malumanay na tanong ni Tita. Feeling close.

NICK: “Ma, Pa there are also my classmates.”

MR. SALVADOR: “Alam nyo mga iho, ngayon lang si Nick nagdala ng kaklase dito sa bahay, nagtataka nga kami bakit di sya nag-iinvite dati, wala naman syang sinasagot sa amin, nagulat nalang kami at maaga nang pumapasok at may susunduin pa daw syang kaklase, at laging masaya. Kayo pala yun” napangiti naman ako sa balitang iyon ni tito Roman.

MRS. SALVADOR: “Kayo pala yung kinukwento nyang mga Scholar. Bilib ako sa mga katulad nyo. Atleast you are prioritizing your futures.” Ang naka ngiting sagot ng ginang...


Marami pa kaming napagkwentuhan, dito din pala sa davao nag kinder si Nick at sumunod nalang sa Australia nung mag-e-elementary na sya. Makwela ang mag asawa at tawa kami ng tawa ni Pau sa mga kwento nila sa ginagawa ni Nick nung bata pa sya. Minsan daw ay natuwa itong kumuha ng kawad at sinundot ang sasaksakan ng kuryente, nakita nalang ito ng mama nito na biglang inalis ang kamay at naupo sa sofa at tumahimik. Hindi nalang kumibo ang mama nya dahil alam nito na nakuryente si Nick at simula noon ay hindi na nito inulit ang pagkalikot sa mga saksakan ng kuryente, kaya tawanan ulit kami.



MR. SALVADOR: “Eto pa, Takot din si Nick sa gagamba, kaya pag ayaw nyang kumain ng gulay ay sasabihan lang ni yaya na me big spider na lalapit sa kanya pag unhealthy siya at kaagad na mapapapayag mo na itong kumain ng gulay.”

NICK: “Thank you Dad, thank you so much” Kakamot kamot sya ng ulo.


Nahihiya man si Nick dahil siya ang topic pero masaya sya. Iba ang ning ning sa mga mata nya.


LALAKI: “O Nick insan, musta na asan ka ba kanina? Punta ka naman dun sa table namin. Hinahanap ka ni Angela at ni Kiko”



Angela? Baka sya yung girlfriend ni Nick. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Basta hindi ako komportable ng oras na iyon.


NICK: “OK, Guys, wanna join me there?”

PAULO: “Yeah, Tapos  na kami. tita, tito, ok lang po ba sama muna kami kay Nick”

NICK: “You don’t need to worry about them, diba Pa?”

MR. SALVADOR: “Sige lang mga iho ng makilala nyo ang mga pamangkin ko”

PAULO: “Sige po doon muna po kami”


SA TABLE NINA KEN...


KEN: “Ah guys, mga kaibigan ni Nick, si...” Sabay akbay at tingin sa akin tanda ng hindi pa nya alam ang pangalan ko.

AKO: “I’m Jake Garcia” kahit nagulat sa reaksyon ni Ken ay nakasagot naman ako ng maayos.

KEN: “Sya naman si...” tingin naman kay Paulo na hindi parin inaaalis ang pagkakaakabay sa akin.

PAULO: “I’m Paulo Rosales” sabay ngiti ni Pau.

KEN: “Jake, Pau this is Leo, Kiko, Angela and Justin our cousins” Lahat ay ngumiti at tumango at ang iba naman ay nagtaas ng kamay bilang pagbati.


Cousins naman pala. Biglang umayos na ang pakiramdam ko. Lumapit bigla si Nick at inakbayan ako at hinila, na sya namang naging dahilan ng pagkakabitaw ni Ken sa pagkakaakbay nya sa akin. Inalalayan nya akong makaupo sa silya.


NICK: “Pau come here, dito tayo.” Seryoso ang mukha ni Nick, bigla nagbago ang mood,bakit kaya.


Nagulat kami ni Ken pero ngumiti nlang sa akin si Ken. Kaya ngumiti nalang din ako. Huling naupo si Ken sa tabi ng ngingisi-ngising si Pau. Parang me alam ang mokong na hindi sinasabi sa akin.


Justin: “Gusto nyo ng salad, nag desert naba kayo?” Tanong sa aming dalawa ni Paulo.

Sasagot sana ako ng hindi pero...


PAULO: “Sige, mahilig ako jan” Talaga tong si Pau basta prutas.

Angela: “Ikaw Jake anung gusto mo, may leche plan pa dito” Wala akong masabi sa pamilya Salvador lahat may disiplina at marunong makitungo sa mga bisita sinuman ito.

NICK: “Try this leche plan, taste so great” Pag aasikaso sa akin ni Nick, inabutan din nya si Pau.


KEN: “Where is mine?”

NICK: “Serve yourself Cuz”

KEN: “Ang init naman ng ulo mo?”



Di na napigilan nina Leo, Justin, Angela, at Kiko ang pag tawa. Nakitawa na rin kami ni Pau.

KIKO: “Nick is always be Nick. Ang kanya, kanya lang kasi, wag kasing aagawan.”

LEO, ANGELA & JUSTIN: “Absolutely.” Sabay tawanan sila, nagtinginan nalang kami ni Pau at si Ken naman ay nagkamot nalang ng ulo nya.


Anu kayang ibig sabihin ni Kiko dun. Marami pa akong nalaman tungkol kay Nick, mabait ang mga pinsan nya, pinakilala din kami ni Nick sa mga tito at tita nya. Hinanap ko si Gov., pero wala daw at busy daw ito sa mga meeting sa ibang lugar.

Matapos ang handaan ay nag paalam na rin kami ni Pau sa mga kamag-anak ni Nick, hiningi ni Ken ang number ko at binigay ko naman at nakita yun ni Pau at ngumiti lang ng makahulugan na para sa akin wala lang iyon. Nag pasalamat narin kami sa tito at tita at mga magulang ni Nick, at sinabi na wala kaming dalang regalo at pag pasensyahan nalang pero ang sabi ng mga magulang nya ay wala naman daw sa bansa ang lola ni Nick kaya walang problema at naiintindihan nila, ang mahalaga daw sa kanila ay ang pagiging masaya ng kaisa-isang anak nila.

Hinatid na kami ni Nick at syempre unang ihahatid si Pau pagkatapos ako. Alas 11pm na nang makarating kami sa bukana ng bahay. Nagpasalamat ako sa kanya at sinabi kong masaya akong nakilala ko ang pamilya nya, sinabi ko sa kanya na kung dati kilala sila sa bayan dahil sa pangalan, ngayon di ko lang sila kilala kundi ginagalang ko ang kanyang pamilya dahil sa pagiging mabuting kapwa ng mga ito.

NICK: “Thank you for the beautiful night. I’m glad my parents like you.”

AKO: “Ha?”

NICK: “I mean you and Paulo as my bestfriends”

AKO: “Ah ok...salamat din. Sige pasok na ako sa loob para makauwi kana at may pasok pa tayo bukas.”


Nagulat nalang ako bigla akong niyakap ni Nick at sabay...

ITUTULOY...


[05]
NAKARAAN...


Natapos ang handaan at nakapagpaalam narin ako sa pamilya Salvador, Kinuha ni Ken ang number ko pero kahit nakita yun ni Pau ay wala lang yun para sa akin...
Hinatid na namin sa bahay si Pau at nang makarating kami sa bukana ng bahay ay nagpaalam narin ako kay Nick ng bigla nya akong niyakap at sabay...



PAGPAPATULOY...

At sabay nagpasalamat...

Bagamat nagulat ako nakabawi naman agad ako at niyakap din sya at nagbalik ako ng pasasalamat.

Dating gawi, iiyak na naman ako ng magdamag sa kwarto ko.

Lumipas ang mga araw. Patuloy ang aming pagkakaibigan. Laging may sopresa si Nick at lalo kaming napalapit na tatlo sa isa’t isa. Lalo ko syang minamahal. At lalo akong nasasaktan.Malapit na rin si Nick sa mga magulang namin ni Pau, at pag bumibisita sa bahay laging may pasalubong si Linet na prutas at ako ay Mang Donald’s. Madalas din akong pumasyal sa kanila at kinakamusta ang mga magulang niya.Hanggang isang araw sa palasyo ng Salvador..


KEN: “Jake kumusta na” galing sya sa likod ko, at nakaupo naman kaming tatlo mag bebest friend sa receiving area nina Nick habang nag mo-movie marathon. At kumakain ng B-Cut at Zortillas with Koke.

AKO: “Hi Ken, ok naman... ikaw? Tagal na rin nating di nag kikita, simula pa nung birthday ng lola mo”

KEN: “Oo nga...”

NICK: “Hi Cuz’” Pag putol ni Nick.

KEN: “O insan, anung bago, Hi P-paulo?  right? ”

PAULO:  “Yup, musta”

KEN: “I’m good”

NICK: “wala namang bago. Wanna come with us. We go to Fridays.”

KEN: “Sure.”

NICK: “But it’s your treat?”

KEN: “No problem” sabay ngiti ni Ken sa akin. Ngumiti narin ako.


Parang di masaya si Nick, siguro hinuha ko lang. Pero kanina sobrang ganda ng usapan namin. Pero si Pau naku tuwang tuwa. Dahil kakain na naman.


NICK: “Pau, why don’t we invite Amy?”

KEN: “Sinong Amy?”

PAULO: “Girlfriend ko.”

KEN: “Me Girlfriend ka pala???” takang taka ang itsura nya.

PAULO: “Oo naman”

KEN: “Ah ok”


Natawa nalang si Pau at si Nick.  Nahihiwagahan na talaga ako kay Ken. Una malapit sa akin si Ken, ngayon naman hindi sya makapaniwala na may GF si Pau, anung akala nya kay Pau katulad ko. Anu naman kung may GF si Pau, bakit interesado ba siya kay Pau? Bi ba si Ken? Ito ang mga gumugulo sa utak ko ng mga oras na iyon.


SA FRIDAYS...

AMY: “Vakklaaaaa, ang ga-gwapo naman ng kasama mo!”

AKO: “Adik wag kang maingay. Upakan kita. Hindi nila alam na ganito ako.”

AMY: “Fine ok ok, hindi na nga magsasalita. Fine”

AKO: “Paulet-ulet.”

KEN: “Jake, pwede tumabi???” Lapit ni Ken

AKO: “Sure”


Si Pau at Nick ang umorder ng meal. Pagdating tumabi na si Pau kay Amy, dalawa kami ni Amy sa may wall pumwesto, at magkaharapan kami ni Amy, Si Pau at Ken naman ang magkaharapan at sa dulo si Nick. Sayang sana sa upuan ako ni Ken para katabi ko si Nick.


KEN: “Kumakain kaba ng balat ng manok?”

AKO: “Oo naman.”

KEN: “Dapat iwasan mo yun dahil maraming sakit ang makukuha dun, dapat white meat lang kainin mo.”

AKO: “Ganun, Nandun nga yung sarap diba?”

KEN: “Kahit na. Akina yan, pag babalat kita.” Kinuha nya ang  plato ko.


Napataas ang kilay ni Amy at nahihiwagahan siya sa kinikilos ni KEN. Sinapa ni Amy ang paa ko, tanda ng pagtataka kung bakit sweet si KEN sa akin, napasenyas naman ako kay Amy, nang malay ko sabay taas ng dalawang kilay ko. Matapos akong paghimay ay kumain narin ako. maya maya ay pinunasan naman ni Ken ang labi ko at sinabing may ketchup daw.
Sinipa ko naman si Amy. Confirmed na namin na di pala straight si Ken at nagpapakita ng mga senyales ng pagiging berde ng dugo. At sa akin pa naging sweet. Nang maubos ang baso ko ay tinanong naman ni Ken, kung gusto ko parin ng ice tea o iba naman. Sasagot na sana ako ng...


KEN: “ARAAAYYY...”

AMY at AKO: “O Napaano ka?”

KEN: “Wala may sumipa este naipit ng silya ang paa ko”


Natawa naman si Pau, ang weird na ha. Napansin ko kanina pa tahimik si Nick na kumakain at nang tignan ko ay nakatitig sa plato at nakabusangot ang mukha.


AKO: “Nick ok ka lang?”

NICK: “Ah oo.  I’m ok. Kuha muna ako ng drinks, ikaw Amy drinks kapa?” Parang wala sya sa mood habang nagtatanong.

AMY: “No thank you Nick. Hindi ko na to mauubos.”



Kaya imbis na si Ken ang kumuha ng drinks ko ay si Nick nalang ang kumuha. Hindi na siguro makatayo dahil sumakit ang paa dahil sa pagkakaipit ng silya. Nang matapos ang lahat kumain, syempre nagtake-out si Nick ng pasalubong kay Linet at sa mga magulang ni Pau at kay Amy narin. Tinawagan ako ni Amy pagkarating na bahay.



AMY: “Bhe, yung Ken mo. Amoy na amoy. Lacoste ang pabango ng katauhan nya. Ang scent with touch of Pink.” Bhe ang tawagan naman namin ni AMY tanda nang pagiging close ko sa kanila ni Pau.

AKO: “Bhe anu kaba hindi ah, chamomile. Hahaha”

AMY: “Hindi ko akalaing sa astig na yun, bekimon pala sya”

AKO: “Ako nga din hindi ko agad nahulaan, alam mo naman ako matangos ang nose ko pagdating diyan. E bakit ako ba halata?”

AMY: “Hindi, pwera nalang ipahalata mo”

AKO: “See. Kaya hindi natin nalahata agad, pagbalat ba ako ng manok at pahiran ng tissue ang ketchup ko sa mukha?”

AMY: “Oo nga ang sweet, sya nalang kaya Bhe, kesa iyak ka ng iyak jan sa Nick na yan. Masasayang lang ang cuteness ng eyes mo.”

AKO: “He. Wag kang maingay dyan. Oy atin lang to wag mong sasabihin kay Pau ang mga updates ko sayo”

AMY: “Oo na. Takot ko nalang. Basta update mo ko ha”

AKO: “Ok sige na matulog na tayo”

AMY: “MMR Time”

AKO: “Anu yun”

AMY: “Major major resting time”

AKO: “Adik. Sige na. bye”

AMY: “Bye Bhe. Mwah”


LINGGO...

Church day...


Si Nick na naman ang driver. Kaya matapos ang misa ay deretso na kami sa favorite place ni Nick na naging favorite place narin namin ni Nanay. Hindi nakasama si Pau dahil may pupuntahan daw sila ni Amy. Nakaupo lang kami ni Nick sa tabing dagat. Medyo maulap kaya maganda ang kulay ng dagat.


NICK: “Narinig ko kanina kausap mo si Ken. Right?”

AKO: “Oo tinatanong nya ako kung nasaan ako.”

NICK: “What did you say?”

AKO: “Sabi ko narito kasama ka at sila nanay.”

NICK: “Anung sabi?”

AKO: “Ok daw. Tinatanong din nya kung may lakad ako bukas after school.”

NICK: “Why?”

AKO: “Iniinvite akong lumabas, nood daw kami ng sine.”


Tahimik...


AKO: “Bakit”

NICK: “Wala naman. Sasama kaba?”

AKO: “Oo, bakit? Wala namang masama doon at pinsan mo yung nag-iinvite”

NICK: “Ok. Pero sa Tuesday nood din tayo ng Movie.”

AKO: “Ha? Paulit ulit? Bakit hindi ka nalang sumama sa amin ni Ken?”

NICK: “Ayoko, ma a-out of place lang ako dun”

AKO: “Bakit naman???”

NICK: “Basta. Anyway, lets change the topic. Pagusapan natin ikaw."

AKO: “Ako?”

NICK: “Oo, anung ambitions mo?”


At yun nga kwentuhan kami ng tungkol sa mga pangarap namin, pag ka graduate. At kung anu anu pa.


KINABUKASAN NG GABI...


Wow... ganda ng kotse ni Ken, Red Hot Wheel Racing Car. Astig.

Pagkatapos manood ng movie, nag yaya si Ken pumunta ng Baskin Robbins.


KEN: “Thank you at pumayag ka.”

AKO: “Wala yun, thank you din”

KEN: “I love you.”

AKO: “Ha???” nagulat ako sobra.

KEN: “Sabi ko I love you.”

AKO: “Wag mo nga akong pinaglolo-luko” kinabahan ako syempre, alam kaya nyang ganito ako.

KEN: “Seryoso ako at hindi kita niloloko. Gusto na kita nung una palang kitang makita.
Hinangaan na kita at kasabay nun ang mga bagay na nalaman ko tungkol sayo. Dahil kaibigan ko ang isa mong kaklase at sobrang sipag mo daw mag aral at behave ka daw.”

AKO: “Sorry pero hindi ako.”

KEN: “Wag mo na akong paglihiman alam ko ang straight at acting straight lang.”

AKO: “Paano mo nalaman?”

KEN: “Di umamin ka din”


Ang hirap pala pag kinakabahan. Hindi mo alam ang sasabihin mo kung tama ba o hindi. Patay baka alam na ni Nick, siguradong lalayo na yun sa akin.


AKO: “Sino pang pinagsabihan mo ng tungkol sa akin?” Me galit na sa tono ko.

KEN: “Please Jake, easy... I’m not that kind. Hindi ako nagpapahamak ng tao at ikaw ang huling taong ipapahamak ko. Wala akong sinasabihan ng tungkol sayo at anung mapapala ko.”


Natapos ang Ice Cream session namin ni Ken, nang hindi ko man lang napansing hindi ko dala ang cellphone ko. Nang makauwi na ako sa bahay ay nakita kong naparaming text and miscalls from Nick. Over naman.

1st Text: Hi, musta, natuloy ba kayo?

2nd Text: No reply?

3rd Text: Jakey naman, update me please.

5 miscalls...

4 Text: I’m worried, please answer my call...

15 Miscalls..


Tinawagan ko agad sya.


AKO: “Hello.”

NICK: “Jakey, what happen, why you’re not attending my calls, are you ok? Where are you?”

AKO: “Nick. Huminahon ka, ayos lang ako. Pasensya na, naiwan ko ang cellphone sa bahay. Napansin ko lang nung pauwi na ako.”

NICK:  “You didn’t easily notice that you ain’t got your phone? Hindi mo naisip na may mag-aalala sayo?”

AKO:  “Ahh. Sorry na talaga. Pasensya na. Nalibang ako sa pinapanood ko. Wag ka nang magalit hindi na mauulit.” Bakit ko ba nasabi yun at bakit ba sya sobrang nag-aalala. Siguro dahil mag best friend kami. Yun nalang ang inisip ko.

NICK: “No problem, you know you can have my forgiveness”

AKO: “Ha? Paano?”

NICK: “Bukas. Nood ulit tayo”

AKO: “Ha? Movie na naman?”

NICK: “No. How about concert, is it ok with you?”

AKO: “Ha? concert, wow sige maganda yan.”

NICK: “Ok tomorrow, we go to Manila by plane. Nasabi ko na din kay Ma’am na absent tayo bukas dahil isasama tayo ni uncle.”

AKO: “Ha? Ah... ok”


Sabagay kung governor naman ang kasama mo, walang teacher na hindi papayag. Pero hindi naman talaga si Gov ang kasama namin. At saka bakit nya sinabing absent na agad ako bukas samantalang ngayon lang sya nagyaya, malay ba nya kung pumayag ba ako o hindi. Pero hindi naman makakatanggi ang puso ko. Ito talagang si Nick pasaway din.


AKO: “Sige tawagan ko na si Pau, ok”

NICK: “No. I just called Pau, he’s not able to come with us.

AKO: “Ha??? Bakit daw”

NICK: “Basta, just trust me.ok?”

AKO: “Ganun.”

NICK: “Oo, hehehe”


IN MANILA...


Sinundo kami ng driver nina Nick, may bahay din nga pala sila sa manila. Kaya umuwi muna kami ng bahay nila para maibaba ang mga gamit. Pagkatapos nun ay nagpalit lang kami ng panlakad at nagpahatid na rin sa venue ng concert.

Concert pala ni REGINE ang papanoorin namin. Pinamagatang “SONGBIRD SINGS LOW KEY”. Wow how exciting...

Puno agad ang Venue ng Music Museum. At sa medyo harapan pa kami nakareserve. Tindi talaga ni Nick. Ang ganda pala ng Songbird. Maputi pa sya sa gown na suot nya, mukha syang goddess. Heaven pa ang boses. Nang kinanta na ang “Good Friend” Nagkangitian kami sa isa’t isa, tapos nang kantahin naman ang “I Never Dreamed Someone Like You, Could Love Someone Like Me” tinignan ako ni Nick.  Tinignan ko lang sya at sumenyas ng “Bakit?” at umiling lang sya para iparating na “wala naman”


Feel na feel ko ang presence ni Nick nang kantahin ang song na ito...

“How can I tell you that I love you, I love you
But I can't think of right words to say
I long to tell you that I'm always thinking of you
I'm always thinking of you, but my words
Just blow away
It always ends up to one thing, honey
And I can't think of right words to say
Wherever I am babe, I'm always walking with you
I'm always walking with you, but I look and you're not there
Whoever I'm with, I'm always, always talking to you
I'm always talking to you, and I'm sad that
You can't hear, so sad that you can't hear
It always ends up to one thing, honey,
When I look and you're not there
I need to know you, need to feel my arms around you
Feel my arms around you, like a sea around a shore
And each night and day I pray, and hope
That I might find you, and hope that I might
Find you, because hearts can do no more
It always ends up to one thing honey
Still I kneel upon the floor


Nang matapos ang concert. Nakalabas na rin kami ng area at sinabi nya sa akin na may pupuntahan kami, sabay hawak ng kamay ko...


ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment