By: Mikejuha
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[Version 01]
Pakiwari ko ay napakabigat ng aking
mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito
hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang
ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga
bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo
ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. Hindi ko lubos maipaliwanag ang
naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi
ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si
Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang
paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi
niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa
pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.
Noong magsimula na ang misa at nasa
parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak
ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung
anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.
Tinanong uli ako ng pari. “Warren,
tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”
Sa pangalawang tanong ng pari,
naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa
tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng
simbahan.
Nabigla ang lahat, ang iba ay nanlaki
ang mga matang sinundan ang mabilis kong pagtakbo palabas ng simbahan, di
makapaniwala sa nasaksihang eksena at sa gnawa ko. Ngunit wala akong pakialam.
“Warren! Saan ka pupunta!!!” ang
narinig kong sigaw ni Sarah.
Hindi ko siya snagot. Nagpatuloy ako
sa pagtakbo.
Noong nasa labas na ako ng simbahan,
tinumbok ko ang puting kotse na sasakyan sana namin ni Sarah patungong
reception area pagkatapos ng aming kasal. Kumpleto pa ito sa mga dekorasyon,
bulaklak, ribbons, at may streamer pang nakasulat sa likuran nitong “Just
Married”. Binuksan ko ito at dahil sa nakasaksak lang ang susi sa susian,
agad-agad akong umupo sa driver’s seat.
Hindi ako lubusang marunong magmaneho
at wala pa akong lisensya. Si Lito lang ang nagturo sa akin isang beses noong
namasyal kami gamit ang sasakyan nila. Ayaw ko sanang magpaturo gawa nang wala
naman kasi kaming sasakyan ngunit mapilit isya. “Sa buhay ngayon, Tol… isang
advantage ang marunong ang isang taong mag-drive. At malay mo, darating ang
panahon ng kagipitan at kailangan mong magsalba ng buhay at walang ibang
marunong mag-drive. E di manghihinayang ka kung bakit hindi ka pa nag-aral
magmaneho, diba?” Ang paliwanang niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatanggi.
Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan
at noong makaandar na, pinaharurot ko naman ito, ang ibang mga sasakyang
nakaparada ay nasasagi ko. Sinisigawan at hinahabol ako ng mga may-ari ngunit
hindi ko na pinansin pa ang mga ito. Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo
sa bahay ni Lito.
Noong makarating na ako, agad-agad akong
nag door bell.
Nakailang door bell din ako. Sa
pagkainip na matagal binuksan ang pinto, kinapa ko na ang door knob at noong
mapansing hindi naka-lock ito, binuksan ko na at tuloy-tuloy sa pagakyat sa
second floor kung saan naroon ang kwarto ni Lito. Agad-agad kong binuksan ito
at ang sumalubong sa aking pandinig ay ang malakas na tugtog galing sa stereo
niya. Ang paboritong kanta niya -
“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue
ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm
trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
Hinalughog ko ang buong kwarto – sa
CR, sa cabinets, pati na sa ilalim ng kama. “Litooooo!! Nasaan ka?” Ang sigaw
ko.
Dahil sa hindi ko naisara ang pinto,
narinig ng katulong ang ingay ng tugtog at sigaw ko na nagmula sa kwarto ni
Lito at agad-agad itong napasugod.
“Martha, nasaan ba si Lito?” ang
tanong ko kaagad sa kanya. Bakat sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkakita sa
akin na nandoon sa loob ng kuarto ni Lito imbes na sa simbahan, sa kasal ko.
“Nakaalis na Kuya, kanina pa mga 8:45
ng umaga! Dala niya ang Toyota Camry, siya mismo ang nagmaneho. Bakit kuya,
wala pa ba siya doon?”
Hindi ko na sinagot si Martha.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang mga paa
ko sa hagdananan habang patakbo akong palabas ng bahay at binalikan uli ang
kotseng dala, sabay paandar at paharurot uli nito.
Ang sunod kong tinumbok ay ang
paborito naming beach kung saan nakalibing ang kabibeng may malaking kahulugan
para sa kanya at sa aming relasyon.
Noong makarating na, dali-dali kong
tinumbok ang ilalim ng hagdanan ng cottage kung saan ibinaon namin ito.
Dali-dali kong hinukay ito. Ngunit laking gulat ko noong makitang isang biyak
na lang ang naroon. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay umikot ang paligid
ko sa magkahalong lungkot, pagkalito sa nasaksihan, at takot sa kung ano man
ang ibig ipahiwatig nito. At lalo akong kinabahan noong may nakabaon na sulat
kasama sa natirang biyak na kabibe. Binuksan ko ito. Sulat kamay ni Lito.
“Tol… binigyang laya na kita.
Dala-dala ko ang isang biyak ng kabibe at dadalhin ko ito saan man ako pupunta.
Ang kabibeng ito ang magsilbing alaala ko sa iyo. Dito, sasariwain ko ang mga
masasayang samahan at karanasan natin kung saan, kahit pilit lang, ay ipinadama
mo sa akin kung paano mahalin ang isang katulad ko... Sobrang sakit. Alam kong
hindi mo ako minahal. Ramdam ko ito sa bawat bigkas ko sa mga katagang ‘I Love
You’ pero hindi mo ito tinugon… Naghintay ako, ngunit wala. Hanggang sa nalaman
ko na lang na ikakasal ka. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo ngunit
paano ko ito gagawin gayong alam kong hindi mo naman ako mahal? Ngunit huwag
kang mag-alala dahil natutunan ko nang tanggapin ang lahat…Huwag mo akong
alalahanin pa, at huwag mo akong sundan kung saan man ako patungo. I-enjoy mo
lang ang buhay kasama ang babaeng mahal mo na siya mong pakakasalan. Sa kanya,
matutupad ang mga pangarap mong magkaroon ng anak at pamilay. Hangad ko ang
kaligayahan ninyo. At palagi mong tandaan tol… mahal na mahal kita. Sana
ingatan mo palagi ang sarili mo… Warren.”
Pumatak ang mga luha ko sa pagkabasa
sa sulat niya. At lalo itong nagpaigting sa takot na namumuo sa isip ko.
Agad kong inilagay ang kabibe at ang
sulat niya sa isang plastic. Hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya
hahanapin ngunit biglang pumasok sa isip ko ang rooftop ng school building.
Muli pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon.
Ibayong kaba naman ang naramdaman ko
noong makita ang panyo niya na nakatali sa may hagdanan ng palapag papuntang
rooftop. Iyon kasi ang palatandaan namin na kung ang isa sa amin ay maunang
umakyat doon, itatali niya ang panyo niya sa may hagdanan at ang susunod sa
kanya ay siyang magtanggal nito at dadalhin na sa itaas.
Tinanggal ko ito at isiniksik sa aking
bulsa. Ngunit noong makaakyat na ako, walang Lito akong nakita. Hinanap ko siya
sa paligid, sa likod ng tangke. Wala. Noong mapansin ko ang malaking takip ng
tangke na nakalatag na sa sahig na semento, agad-agad kong inakyat ang bunganga
ng tangke. Bukas nga ito. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninag.
Bumaba uli ako at nanghagilap ng mahabang kahoy upang gawing panungkit sa loob
ng tangke.
Nakahanap ako ng isang tubo na may
habang 4 na metro, umakyat muli ako sa bunganga ng tangke. Nahirapan akong
iakyat ang tubo na iyon dahil sa sobrang bigat at haba. Ngunit marahil ay dahil
sa nag-uumapaw na pagkabagabag ng isip at matinding pagnanais na isalba si Lito
kung nandoon nga siya, nagawa ko pa rin itong iakyat at ipasok sa tangke.
Hawak-hawak ang nakausling dulo ng tubo, hinalukay ko ang buong lalim ng tubig
sa loob ng tangke. Maya-maya lang, may nasundot ang dulo ng tubo na sa pakiwari
ko ay mistulang isang katawan ng tao.
Tila nawala na ako sa tamang katinuan
sa matinding kutob na iyon na nga si Lito. Binitiwan ko ang tubo at umangkas sa
bunganga mismo ng tangke. Akmang tatalon na ako sa loob niyon noong mula sa
likuran ay may narinig akong sigaw, “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?!”
“S-si Lito!” sigaw ng isip ko. Akala
ko ay niloloko lang ako ng kaibigan. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng
boses. Ngunit laking pagkadismaya ko noong makita ang dalawang maintence
technician ng school. Ang isa sa kanila pala ang sumigaw sa akin. Wala na
kasing pasok sa araw na iyon kaya gumawa sila ng maintenance activity sa buong
building.
“Kuya! Nasa loob po ng tangke ang
kaibigan ko, hindi po marunong lumagoy iyon!” ang sigaw ko sa kanila at
nagmamadali na akong tumalon sa loob ng tangke, hindi na hinintay ang kanilang
isasagot pa. Sinisid ko nang sinisid ang tubig hanggang sa may makapa ang mga
kamay ko. “Tao nga!” sigaw ng utak ko. Bigla ko namang naramdaman ang kalamnan
kong nanginginig, iniisip na baka katawan ni Lito nga iyon.
Hawak-hawak ko ang kwelyong suot niya,
hinila ko siya hanggang sa nakalutang na kami sa ibabaw ng tubig. Noong
maaninag ko na ang mukha, doon ko na nakumpirma. Si Lito. At kumpletong suot pa
niya ang sinabi kong uniporme namin para sa pagbe-best man niya sa kasal ko –
itim na coat, tie, at isang pulang-pulang rosas na naka-pin pa sa kaliwang
dibdib niya. Parehong-pareho sa sinusuot ko.
“LITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!”
Hiyaw ko, ang lalamunan ay mistulang puputok sa sobrang lakas nito. Niyakap ko
siya ng sobrang higpit habang hawak-hawak ng kamay ko sa likuran niya ang
tubong ginamit kong panungkit upang hindi kami lumubog.
Nanumbalik sa isip ko ang sinabi niya
sa akin isang beses noong nagparinig siya na may iba siyang mahal at hindi niya
magawang sabihin ito sa kanya. “Kapag hindi ako kayang mahalin ng taong iyon,
tol… tatalon ako sa tangke na to at magpakamatay na lang.” Sa pag-aakalang
babae nga ang ibig niyang ipahiwatig, tumawa pa ako ng malakas at biniro ko
siya na “Ikaw? Hindi kayang mahalin? Sa dami ng nagka-crush at nagkandarapa sa
iyo d’yan? Tol naman…” Natandaan ko pa ang isinukli niya sa biro kong iyon –
isang matalinghagang ngiti. Malay ko ba naman na ako pala ang ibig niyang
sabihing taong mahal niya.
Humagulgol ako nang humagulgol,
sumigaw nang sumigaw at umaalingwngaw ang aking paghihimutok sa loob ng tangke
na iyon. “TOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! BAKIT MO GINAWA ITO??!!!
ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHHH!!!” Mistula akong isang batang naglupasay sa
mgakahalong galit at sama ng loob.
Habang nasa ganoon akong paghihimutok,
namalayan ko na ibinaba ng dalawang maintence personnel ang hagdanan na gamit
nila. Dali-dali naming iniakyat si Lito na noo’y sa tingin ko ay simputi na ng
papel ang balat at malamig na malamig na ang kamay at mukha. Noong mailatag na
siya sa sementong sahig ng rooftop, sinabihan ko ang mga technician na tumawag
ng ambulansya. Agad naman nilang sinunod ang utos ko.
Habang nakalatag siya, napansin kong
isang sapatos lang pala ang suot niya. Namukhaan ko ang sapatos na iyon; iyon
din iyong kapares noong itinapon namin sa tangke. At noong tinggal ko naman ang
mga butones ng long sleeves niya sa may bandang leeg upang luluwag ang pressure
sa parte ng katawan niyang iyon at sisimulan ko na ang CVR, lunamtad naman ang
kabiyak ng kabibe na kapares noong naiwanan sa beach na dinala ko. Isiniksik
pala niya iyon sa sa loob ng kanyang coat. Iyon pala iyong matigas na bagay na
dumampi sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya sa loob ng tangke.
Tinanggal ko ito at walang sinayang na
sandaling pinump ko ang dibdib niya tapos mouth-to-mouth, tapos pump uli, mouth-to-mouth,
pump uli, mouth-to-mouth… tila walang katapusanang pag-CVR ko sa kanya dahil sa
hindi ko pa rin mahagilap ang kanyang pulso at walang bakas na bumalik na ang
pintig ng kanyang puso. Hanggang sa dumating na ang mga paramedic at itinuloy
nila ang CVR.
Maya-maya, dinala nila si Lito sa
ambulansya nila kung saan may equipment silang pampa-revive ng puso at
paghinga. Ngunit pati ito ay wala na ring silbi kay Lito. Hanggang sa ang isa
sa mga paramedics ay nagsalita. “Hindi na kaya… We are sorry.”
Mistulang pinutukan ako ng bomba sa
narinig, hindi makapaniwalang wala na si Lito. Sumigaw ako hanggang sa tuktok
ng aking baga sa laki ng panghihinayang at sama ng loob. “ARRGGGGHHHHHHH!!!
Ngunit hanggang sa pagsigaw na lang ang kaya kong gawin para sa kaibigan.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga
sandaling iyon. Puno ng pagsisisi, galit sa sarili, at awa sa kaibigan.
Pakiramdam ko, gusot ko na ring magpakamatay at samahan na rin si Lito. Ang
nakahadlang lang nito ay ang paniniwala ko na mali ito.
Ibinurol si Lito sa bahay nila ng
limang araw. Sa panahon din iyon, doon ako pinatulog ng mga magulang siya sa
kwarto mismo ni Lito. Ibinigay nila sa akin ang karapatan sa kung ano man ang
gusto kong gawin sa mga personal na gamit ni Lito. Noon daw kasing panahon na
malungkot na malungkot si Lito dahil sa hindi ko pagpatawad sa kanya, may
nabitiwanitong salita ito sa kanila na kung ano man ang mangyari sa kanya ay
huwag nila akong sisihin at ipaubaya sa akin ang mga personal na gamit niya.
Noong manghalungkat ako sa mga
personal na gamit ni Lito, nakita ko ang mga litrato namin sa panahong
napakasaya pa naming nagsama bilang magkaibigan. May isa ding litrato kung saan
may nakaukit sa likod na, “My Best Friend, Warren… Mahal na Mahal Ko Iyan!”.
Nakita ko rin ang isang tuyong bulaklak kung saan natandaan kong ibinigay ko sa
kanya isang beses na biniro ko siyang bakla. Nandoon din ang isa kong shorts na
hiningi niya sa akin matapos kaming maligo sa beach. Habang isa-isa kong
hinalungkat ang mga gamit niya, isa-isa ding bumabalik ang mga ala-ala na
nakaukit nito. Hindi maiwasang hindi tumulo ang mga luha ko.
Iniligay ko ang lahat ng iyon sa isang
karton, kasama na syempre ang pinakamahalagang mga bagay para sa amin, ang
pares ng sapatos na itinapon namin sa tangke na pinagbuo ko na at ang kabibe.
Bago ko binuo at tinalian ang kabibe, gumawa muna ako ng sulat –
“Dear Lito, salamat sa lahat ng
kabutihan mo sa akin. Salamat at kahit sa maikling panahon ay may isang katulad
mo na dumating sa buhay ko. Salamat sa lahat ng tulong, salamat sa lahat ng
payo, salamat sa pagiging tapat na kaibigan, salamat sa kaligayahang ibinigay
mo sa akin. Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal. Pasensya ka na, na ako pa
itong dahilan sa wala sa panahong pagpanaw mo. Kung alam mo lang kung gaano ko
pinagsisihan ang lahat… Hindi ako mapakali. Nahirapan akong tanggapin ito. Kung
alam ko lang na ito pala ang kahahantungan ng lahat, sana, hindi ko na hinayaan
ang sariling lumayo pa sa piling mo. Hindi ko mapatawad ang sarili ko tol. Sana
naghintay ka. Sana hiniling mo sa akin na ayaw mo akong magpakasal. Hinintay ko
lang naman na sabihin mo iyon sa akin e… Ngunit wala na akong magaagwa pa. Sana
ay kung saan ka man naroon, masaya ka, mapayapa, sa mundo na kung saan sinabi
mo sa kanta na ‘lucky’ ka dahil mahal mo ang best friend mo. Huli na man ang
lahat, ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito Tol… I Love You!”
Isiniksik ang sulat na iyon sa loob ng
binuong kabibe. Tinalian ito upang siguradong hindi na maghihiwalay pa.
Sa libingan ni Lito inilibing ko rin ang
lahat ng mga alaala namin. Nakihatid ang lahat ng mga kaibigan, kaklase, mga
buddies. Ako nag pinakahuling umalis sa libingan niya.
Habang nag-iisa, parang isang baliw
akong nakikipag-usap sa kanya. Walang humpay ang pag-agos ng aking luha. At
bago ako umalis, binitiwan ko uli ang mga katagang matagal na niyang
inaasam-asam na marinig sa mga bibig ko.
Alam ko huli na ang lahat…
Mahigit alas 8 na ng gabi noong
maisipan kong umuwi. Sa taxing napara, umupo ako sa harapan sa tabi ng driver.
Disoriented, pagod ang katawan at sobrang bigat ng kalooban. Pakiwari ko ay
himinto ang takbo ng mundo, naglaho ang sigla na harapin pa ang bukas.
Inilabas ko ang cd na baon-baon ko.
Hiniling ko sa driver na isalang ang laman noon sa player niya.
“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue
ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm
trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I
will
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have
stayed
Lucky to be coming home someday
And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have
stayed
Lucky to be coming home someday”
Tumulo muli ang mga luha ko. Sa bawat
bigkas ng mga kataga ng kanta, naiimagine ko ang tindi ng kalungkutang nadarama
ni Lito sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin. At ang naibulong ko sa
sarili, “Sana natupad na ang mga katagang sinasabi ng kantang iyan, kagaya ng
palagi mong sinasabi sa akin kapag pinatugtog mo iyan, na sa kantang iyan mo
lang nabibigyang-buhay ang ‘pagmamahalan’ natin dahil sa totoong buhay, ikaw
lang ang nagmamahal. Ngunit nagkamali ka tol… Hindi ko lang masabi-sabi ito sa
iyo dahil nahirapan din akong tanggapin sa sariling nagmahal ako sa isang
lalaki. Hintayin mo ako d’yan; isang araw, magsama din tayo. Palagi mong
tatandaan, tol… I Love You!”
(Wakas)
Ang sakit naman :( naiyak ako dun, hirap tlga kapag kapwa lalaki ang minaha. :'(
ReplyDelete