Thursday, January 3, 2013

Si Utol at ang Chatmate ko (06-10)

By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
FB: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

[06]
Dali-daling bumalikwas si Kuya at tinungo ang salamin upang tingnan kung gaano kalaki ng pinsalang idinulot ng pag-ahit ko sa kanyang pinakaiingat-ingatang bigote. Noong makitang nakakalahati ang na-shave ko, hinarap niya ako, ang mga kamay ay nanginginig, ang mga mata ay nanlilisik at mabilis na lumapit sa akin. “Anong ginawa mo sa bigote ko! Anong ginawa mo sa bigote koooooo!!!” Arrrggghhhhhhh!!!” Sabay sakal sa akin at pagkatapos ay itinulak ako sa kama.

Natumba ako doon at nakatihaya, gulantang at hindi alam ang gagawin sa sobrang takot kay kuya.

Inupuan niya ang tiyan ko. At parang kidlat sa bilis na binitiwan ang isang malakas na suntok na tumama sa bibig ko. “Bog!”


Sa sobrang bilis ng pangyayri naalimpungatan ko na lang na umiyak na ako sa sakit na nadarama sa bibig ko. At noong pinahid ko ito, nakita kong may dugo ang kamay na ipinahid ko dito.

Natulala naman si kuya, hindi makapaniwalang nasuntok niya ako. Ni minsan kasi, kahit sinasapak niyan ang ulo ko, hindi naman ganoong kalakas na para bang gusto na niya akong patayin. Natigilan siya, hindi makapaniwala sa lakas ng suntok na pinakawalan niya at ang dugong umagos sa bibig ko.

“Tol… sorry, nabigla ako tol! Sorry! Ikaw kasi… alam mo naman kung gaano ko kamahal itong bigote ko eh. Paano na iyan, magagalit na sa akin si Lani nito.” sabay abot sa kamay ko upang tulungan akong makatayo.

Ngunit hindi ko tinanggap ang kamay niya. “Ganyan ka naman eh. Mas mahal mo ang Laning iyan kaysa akin!” ang bulyaw kong nag-iiyak ng malakas sabay tayo at tumbok sa pintuan ng kuwarto niya, hawak-hawak ko pa rin ang shaver.

“Tol… saan ka pupunta? Sorry na please!” sigaw niya.

Hindi mo ako mahal!!!! Sigaw ko sa kanya sabay bagsak ng malakas ang pagsara ng pintuan sa kwarto niya.

Dali-dali naman akong pumasok sa kuwarto ko, nag-iiyak pa rin, inilock ito at diretso sa salamin, tiningnan ang pinsalang dulot na kanyang kamao sa aking inosente, sariwa, at walasng kamuwang-muwang na mga labi.

Hindi ko pa napagmasdan ng maayos, kumatok na si kuya sa kuwarto ko. Malakas at mabibilis na katok. “Tol… papasukin mo nga ako! Please…?”

Hindi ko pa rin siya binuksan. “Manigas ka!” sigaw ko sa sarili.

Ngunit narinig pala ni mama ang aming ingay at tinawag niya si kuya. “Erwin! Anong ingay ba iyan? Nag-aaway ba kayo?!!”

Bigla din akong kinabahan kasi, baka makita ni mama ang ginawa ko sa bigote ni kuya at pagagalitan pa ako. Syempre, mali naman talaga ang ginawa ko eh. Kaya dali-dali ko ding tinungo ang pinto at binuksan ito. ”Ok lang kami ma! Naghaharutan lang!” sagot ko kay mama.

Hindi na sumagot si mama habang si kuya naman na naka-brief lang, hindi na nagawang magpantalon pa ay dali-daling pumasok sa kwarto ko at naupo sa gilid ng kama. Ini-lock ko ang pinto, nakasimangot na tiumbok uli ang salamin at pinahid ang dugo sa bibig ko.

Tumayo naman si Kuya. “Tol… sorry na.” ang sambit niyang may dalang panunuyo, kumuha din ng tissue at pinaharap ako sa kanya, itinuloy niya ang pagpahid ng dugo sa bibig ko.

“Hindi mo ako mahal. Mas mahal mo pa ang Laning iyon kaysa sa akin!” ang pagmamaktol kong sagot.

“Mahal naman kita eh…” sagot niya habang patuloy sa ginawang pagpahid.

“Mahal mo nga ako pero mas mahal mo ang Laning iyon!”

Natigilan siya s sinabi ko, napahinto sa ginawang pagpahid sa bibig ko at umupo sa ibabaw ng kama.

“See? Di ka makasagot eh. Mas mahal mo nga ang Laning iyon kaysa akin!” bulyaw ko uli.

“Halika nga! Upo ka dito” ang sabi niya.

Umupo naman ako sa tabi niya.

“Nasaan iyong shaver? Kunin mo.”

Tumayo ako at kinuha ang shaver, umupo naman siya sa gitna ng kama.

“Halika, upo ka dito sa harap ko.”

Walang imik naman akong umupo sa harap niya.

“Lapit ka pa dito.” Sabi niyang isa-isang itinaas ang mga paa ko, ipinatong sa mga paa at umusog akong palapit sa kanya.

Halos maglapat na ang aming mga katawan sa sobrang lapit namin. Para kaming magsing-irog na naglalambingan sa aming posisyon. Ewan, para akong kinikilig sa posisyon naming iyon. Wala siyang saplot sa katawan kungdi ang brief, ang macho-macho pa niya, makinis…Nasabi ko tuloy sa sarili na sana ay hindi ko na lang siya kuya. Ang cute kasi niyang tingnan. Tapos, lapat na lapat pa ang mga katawan namin na kulang na lang ay ang magyakapan kami at maghalikan. Tuloy, unti-unting nalusaw ang galit ko.

“Tingnan mo nga ang bigote ko?” sambit niya sabay ngiti.

Tinitigan ko. Ang guwapo-guwapo at ang kinis ng mukha tapos nasira lang sa bigoteng ang kalahati ay napanot na. Hindi ko napigilan ang matawa.

“O, tingnan mo ang pinaggagawa mo. Tinatawanan mo pa. Ahitin mo na lang.” sambit niya.

“T-talaga kuya? Ako ang mag-ahit?”

“Oo.”

“Eh, pagagalitan ka na niyan sa pinakamamahal mong Lani!”

“Hayaan mo siyang magalit. Mas mahal ko naman ang baby bro ko...”

Grabe. Di ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa narinig. Sobrang happy ako na nalamang mahal na mahal pala ako ng kuya ko, at mas mahal pa sa kanyang kinababaliwang Lani. Pero ewan ko lang din kung masasabi pa rin niya ito kapag nabuking niya na niloko ko na nga siya, dalaga din pala ang baby bro niya. Hay buhay! Maloloka na yata ako! “Talaga Kuya?” Ang nasabi ko na lang sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “P-puede kiss kuya?” dagdag ko pa.

“May ganoon pa talaga?” Ang sagot niyang medyo nag-aalangan, marahil ay naninibago o naiilang. Ngunit pumayag din. “Saan mo gustong ku-miss?”

“Sa pisngi, syempre!”

“O sige, sige.”

At nag-kiss nga ako. “Mwah! Mwah! Mwah! I love you kuya!” tapos nag kiss din ako sa leeg niya “Mwah! Mwah!”

“Oy, tama na! Sinabi kong mahal kita pero hindi ko sinabing magromansahan tayo!” sabi niyang pabiro. “Hindi ka na galit sa akin?” tanong niya.

“Hindi na po…”

Hinawakan ng dalawang kamay niya ang ulo ko at kiniss niya ako sa noo. “Mwah!” Tapos, tiningnan maigi ang mga labi kong natamaan ng suntok niya, hinahaplos-haplos. “Kawawa naman baby bro ko…” at kiniss uli ako sa pisngi.

Hindi ako kumibo. Mistula din akong isang batanag nagparaya.

“O, sige, i-shave mo na…” itinuro ang bibig niya sa akin.

At inahit ko ang bigote niya sa ganoong posiyon naming magkaharap at halos magkadikit ang katawan, ang isang kamay ko ay nakahawak sa shaver at ang isa ay nakahawak sa panga niya. Para siyang isang batang susunod-sunran at ipinaubaya sa akin ang kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya. Ipinihit-pihit ko ang kanyang mukha sa kaliwa, kanan, habang inaahit ko ang makasaysayang bigote niya. At may papikit-pikit pa sya sa mata niya ha.

Syempre, gusto ko ring ahitin iyong pinanggigigilan kong goatee. Malinis kasi ang mukha niya noong naka-chat niya si kuya Zach kaya gusto ko ay kasing linis din noon upang wala talagang duda. Ngunit nagdadalawang-isip akong imungkahi iyon dahil baka magalit na naman sa akin. Alam ko, gustong-gusto rin niya kasi ito. Hinihipo-hipo daw kasi iyon ng Lani niya.

“K-kuya… itong goatee mo, ampangit. Ang dumi-duming tingnan kaya ng mukha mo…” Ang nasabi ko na lang kahit ang totoo, bagay na bagay din naman sa kanya iyon.

Akala ko magre-react siya sa sinabi ko. Ngunit, “Di ahitin mo na rin kung gusto mo” ang casual niyang sagot.

Touched naman ako. Syempre, hindi ko akalain na sa isang malakas na suntok lang pala sa bibig ko igi-give up na niya ang kanyang pinakaiingat-ingatang mga balahibo sa mukha. At wala na akong sinayang pa na sandali. Inahit at inahit ko talaga ito ng bonggang bongga.

“Hayan kuya, tapos na. Ang pogi talaga ng kuya ko kapag malinis na malinis ang mukha!” sabi ko noong matapos na ang ahitan session namin.

“Ganoon ba?” Hinipo-hipo niya ang mga na-ahit na parte ng mukha niya at pagkatapos ay, “O di sige, simula ngayon, ikaw na ang taga-ahit sa mukha ko.” and nasambit niya.

“Yeheey! Love talaga ako ng kuya ko!” Niyakap ko siya uli at kiniss sa pisngi. “Mwah! Mwah!”

Doon ko narealize, mahal na mahal pala talaga ako ng kuya ko bagamat nakalanding muna to the highest level ang kanyang kamao sa aking bibig. Pero ewan ko lang kung kaya pa niya akong mahalain kung may ma diskubre pa siyang ibang kabulastugang ginawa ko.

Pagkatapos ng ahitan, ang sunod kong nilambing kay kuya ay ang pagcha-chat naman namin ni kuya Zach. At hindi naman ako nahirapann dahil sa alam na ni kuya ang role niya palagi pag sinabi kong makikipag chat ako sa napakagandang chatmate kong ang panagalan ay Zakie na in love na in love ako, na sa totoo pala ay Zach ang pangalan. Syempre, adik kaya sa babae si Kuya, lalo na kapag maganda at sexy. Kaya sa ngalan ng kanayan gpagka manyak, “Oo” kaagad ang sagot niya.

At kinabukasan ng gabi, nagchat nga kami ni Zach. At as usual, ako ang nagmi-message gamit ang laptop ko samantalang sa isang computer naman si kuya na nakaharap sa akin (hindi niya nasisilip ang monitor ko) at nagpapanggap na nagcha-chat, at mukha niya ang naka-focus sa webcam.

“Eyyyyyyyyyyyy!!!!!!” ang bati kaagad ni Zach. “You look OK now! How do you feel?” dagdag niya.

“Smile ka na kuya! Nand’yan na siya, nakatingin sa iyo!” sigaw ko.

Nag smile naman si kuya na parang gago. Pero ang ganda ng smile niya ha, with feeling pa talaga.

“I’m ok now Zach, salamat. How about you? Pinaayos ko na talaga ang cam ko dahil lang sa request mo.”

“Talaga? Just for me? Wow! Thanks man… you deserve a big hug from me.”

“Whoaaaaa! Ibang level na to!“ sigaw ko sa sariling nakangiting-aso, sumagi sa isip na baka nabighani na ang mokong sa akin, este kay kuya pala. “Oo. Ganyan ka kalakas sa akin” ang sagot ko.

“Ano daw ang sabi?” tanong naman ni kuya na gusto nang pumapel dahil sa nakitang nakakalokang ngiti ko sa pagkabasa ko sa message na “big hug” daw. “Pogi daw ako?” dugtong niya.

“Opo! Pogi ka daw. Gusto ka raw niyang i-hug!” Sagot ko kay kuya. “Ano ba to, egocentric na manyak na kulang sa pansin” sa isip ko lang kay kuya. “Smile ka nga lang d’yan kuya! Huwag kang maingay” dagdag ko pa, di pinansin kung ano ang ginagawa niya basta concentrate lang ako sa pagcha-chat kay Zach at pagtitingin sa mukha niya sa monitor.

Sumunod naman si kuya. Type nang type at ngiti nang ngiti. Mukha talaga siyang gago, di ko lang masabi-sabi.

“Really… so dapat magkita na tayo in person this Friday na talaga.” Message ni Zach

“Oo naman, sure na yan” paniniguro ko.

“If I can’t still see you on Friday, I guess you won’t see me anymore.” Sagot naman niya.

Nabigla naman ako sa messge niyang iyon. Parang ma-drama kasi at may dalang pagbabanta. “Ha? Bakit?” sagot ko.

“Nothing. I just want to be sure…”

“Hmm, nagduda yata ang kumag.” Sa loob-loob ko. “Sure about what?”

“If I’m really chatting to the right person.”

“Ha?? Bakit?” tanong ko uli. “Nagduda ka?”

“Not really. It just seems that you have many chatmates. Type ka kasi ng type kahit ang message mo ay lumabas na sa screen.”

“Aba! Seloso!” sa sarili ko. “Kuya!!! Wag ka ngang type nang type diyan? Napapansin kang nagtatype pa rin kahit lumalabas na ang message ko sa screen niya.”

“E, paano ko ba malalaman kung tapos ka nang mag-type. Hindi ko naman nakikita ang monitor mo!” ang pagmamaktol ni kuya. “Kapag naiinis ako, magwa-walk out ako dito, sige ka!” pananakot ni kuya.

“Kuya naman eh…” ang sagot ko naman, ang mukha ay mistulang iiyak na sa pagtatampo dahil sa sinabi.

“Sabihin mo kasi kung kailan ako magtatype para consistent ang mga galaw natin.”

“Ganyan ka. Lagi mo akong tinatakot…” hirit ko pa, pangungonsyensiya sa kanya.

“O sya… chat ka na. Sabihin mo lang kung magtatype na ako.” Ang panunuyo naman niya.

Nahimasmasan naman ako.

Dahil sa pag-uusap naming ni kuya, natigil ang pagchat ko ng sandali at dumami nap ala ang message ni Zach sa monitor. “What happened?” “It seems you are talking with someone…” “Are you still there?” “Is there any problem?” “Heyyy!”

Marahil ay nakita niya ang mukha ni kuya sa pag-uusap namin na nakasimangot at inaamo ako kaya natanong ni Zach ang ganoon.

“Ang makulit ko na namang utol… alam mo na, nandito kasi kaya nahihirapan akong mag-chat.” ang alibi ko na lang.

“Ha? Nasaan si Erwin?” ang name ni kuya na ako ang gumamit sa pagpakilala sa kanya.

“Nalintekan na! Paano ba to?” sigaw ko sa sarili. Ang ginawa ko, nagtype muna ako ng “Heto siya o!” tapos tumayo ako at tumabi kay kuya upang makita sa cam at kumaway-kaway, at ininggit pang hinalik-halikan si kuya sa pisngi. “Mwah! Mwah!”

“Bakit? Ano ba ang sinabi at hinahlik-halikan mo ako?” ang tanong ni kuya, ang mukha ay nakasimangot na naman sa kalituhan.

“Hay naku Kuya. Nakita ka noong mag-usap tayo kaya ang sabi ko na lang na may kapatid akong makulit.”

Mukhang satisfied naman si kuya sa paliwanag ko kaya, upang hindi na lumala pa ang usapan, “Sige na kuya, smile ka na uli d’yan. Ako na ang bahala dito.”

“Ah… nand’yan pala ang makulit na duwag? Lol!” message ni Zach.

“Amfffff!!! Duwag ka jan!” sa sarili ko lang. “Nandito nga eh…” sagot ko.

“Ganyan ba kayo ka close ng kapatid mo? How I wish may ganyan din akong kumikiss-kiss sa akin.”

Natawa naman ako sa message niya. “Nainggit!” sa isip ko lang. “Gusto mo sa iyo na lang siya?” ang naitype ko, na parang gusto kong i-test kung gusto ba niyang maging little bro ako.

Ngunit “Ah, huwag na lang!” ang kanyang sagot.

“Araykopo!!!!” sigaw ng utak ko. “E, di sige. Love na love ko din naman yang baby bro ko.” depensa ko na lang din upang maredeem ang aking nasaktang pride.

“Lol!” sagot niya.

Maarte siya. Nagtatampo tuloy ako sa kanya….

Anyway, sa pagcha-chat namin, ipaalam ko kay kuya kung magta-type na ako, “Type na tayo kuya” at pag natapos na ang pagta-type, “Tapos na ang pagtatype kuya, send na!” “may message na kuya, read mode na ang mukha mo!” O kaya, “Maganda ang message kuya, smile ka!” “Nakakatawa ang message, tumawa ka!” “May sinabi akong mwah, mag mwah ka sa cam!”. At sinusunod naman niya lahat.

Para kaming mga tanga. Pero si kuya, parang uto-uto. Hay naku, kung alam lang niyang nauuto na nga siya, naloko pala siya dahil sa hindi babae ang nanunood sa kanya kundi lalaki. Isang lalaki lang pala ang pinag aaksayahan niya ng oras. Grabe, dahil sa pag-ibig ko sa mokong na Zach na iyon nagawa ko ang lahat ng kabulastugan at sa sariling kuya ko pa man din.

Anyway, ganyan ang setup ng pagcha-chat namin. At mabuti na lang at naniwala naman si Zach na utro ding nauto ko. Ah, ewan ko lang din.

Hanggang sa humantong na ang message niya sa, “Be sure to come on Friday if you don’t want me to think you’re just taking me for a ride.”

“Whoaaa! Demanding! May pagdududa ba? Mapapasubo talaga ako na ipapakita ko si kuya sa kanya.” sa isip ko lang.

Dumating ang takdang araw ng aming makasaysayang eyeball. At pumayag naman si kuya na paninindigan na siya talaga ang chatmate. Feeling ko nga, excited siya eh. Iniisip kasi niya na guwapo si Zach kaya maganda rin ang kapatid noong babae.

Syempre, natatakot pa rin ako. Hindi ko lubos maisalarawan ang tunay na naramdaman. May takot na baka mabuking kami ni kuya at kung ano ang magiging reaksyon ng pinakamamahal kong kuya kapag malaman niyang lalaki pala ang napusuan ko at ginamit ko pa siya na siyang magpanggap na si Enzo at ka chatmate. Ngunit may excitement din naman kasi makikita ko uli ang Zach ng puso ko. Basta, sobrang tuliro ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon.

“Ano ba ang sasabihin ko doon kapag nagkausap kami?” tanong ni kuya.

“Wala. Normal lang lahat. Lahat ng detalye naman na sinabi ko ay detalye mo eh, gusto, di gusto, sports, favorite movie, singer, songs, games, artista, singers… lahat.”

“Ah, ganoon ba? O, e.. di, walang problema!” ang sagot niya. “Woohhh! Binata na talaga ang utol ko! Na in-love na sa babae.” dugtong naman niya.

“Correction! Dalaga!” bulong kong pagtutol sa sinabi niya.

“Anong sabi mo?”

“Wala Kuya. Masaya lang ako!”

Masaya naman talaga ako na pumayag si Kuya. Kaso nga lang, hindi ko kayang sabihin sa kanya na lalaki pala ang ka-chatmate ko, na papanindigan niyang siya ang ka-chatmate. Syempre, nabulabog ang utak ko, nakonsyensyan, tuliro. Pressure. Grabe.

“E… paano yan tol kung tuluyan nang ma-inlove sa akin ang babae mo… pasensyahan na lang”

Bigla naman akong nabilaukan sa narinig. “Kuya, kahit ma-inlove pa siya sa iyo, hindi mo siya magugustuhan! Promise! Kaya akin lang siya.” ang naisagot ko na lang.

“Talaga lang ha? E, di tingnan na lang natin…” ang hamon naman niya.

Akala ko, tuloy-tuloy na talaga ang plano. Ngunit 30 minutes bago kami aalis na sana papunta sa resto na venue namin, nagtext ang kontrabidang Lani niya at magpasama daw itong magshopping.

“Disgrasya na!” Sigaw ng isip ko. “Paano yan kuya? Sabihin mo na lang kayang di maganda ang pakiramdam mo?”

“Tange! Pupunta dito iyon. At kapag nalaman noon na nagsinungaling ako hahagisan noon ng nuclear bomb ang bahay natin. Alam mo ba na sa pagtanggal ko ng bigoteng ito, katakot-takot na explanations ang ginawa ko? Kaya mahirap kontrahin iyan ngayon.”

“Bakit kasi di mo pa hiwalayan yan! Kadami-daming nagkandarapa sa iyo d’yan ah, naghihintay lang na magkahiwalay kayo?”

“Tol, naman… hindi ganyan kadali yan”

“E, anong gagawin natin ngayon? Paano na lang ang chatmate ko? Ako naman ang malalagay sa alanganin nito?”

“Ganito na lang ha… ikaw na muna ang mauna doon at susunod ako. Maghanap ako ng paraan para makaeskapo, ok?”

“Promise na sisipot ka ha? Maghintay kami!”

“Oo! 7:00 tol. Pipilitin kong makarating.”

Alas 5:30 ng hapon nandoon na ako sa restaurant na nasabi. Dahil sa sobrang kaba ko, nag-order ako ng beer habang hinintay ang pagdating ni Zach. Delikado kasi ang kalagayan ko. Imagine, kung hindi susulpot si kuya, baka sakalin na ako ni Zach at tuluyan na niya akong iiwan. Hindi ko kakayanin ang ganoon! Mas gugustuhin ko pang tamaan ng kidlat kesa iiwanan ni Zach!

Maya-maya, heto, dumating na siya. Shiittt! Ang ganda ng porma ng kumag. Kumalampag na naman ang aking dibdib ng bonggang bonga sa nakita sa kanya. Talagang guwapong-guwapo ng Zach ng buhay ko!

At lalo akong namesmerize noong makita na niya ako at ngumiti, tinumbok ang mesa ko sabay sabing pabiro, “Ikaw na naman?” sabay hila ng silya at naupo sa harap ko.

Tangina, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa sobrang excitement na nakita at nakasama uli siya. Para akong matatae! Grabe mga ateng. Pero nilabanan ko ito. Kunyari, parang wala lang sa akin, hindi ako natatae. “Ehem… Ok ka lang? Sinabi kaya ni kuya na ako muna ang maunang pupunta dito.”

“Oppsssss! Huwag mong sabihing wala na naman ang kuya mo dahil nagkasakit.. Magdududa na talaga ako niyan.”

“Sisipot po alas 7:30 daw. Kaya mag-order ka na ng makain natin.” Ang sambit ko. Ako pa tlaga ang nag-utos na siya ang mag-order. “Hahaha! Tawa ko lang sa sarili”

At nag-order din naman siya, beer nga lang at pulutan kasi hintayin pa raw namin ang chatmate niya at sabay kaming kakain. “Huh! Sweet!” sigaw ko sa sarili.

Kaya, nag-inuman na lang kami. Kuwentuhan ng konti, pantasya ng marami sa kanya. Basta, di ako mapakali.

“Oist! Bakit hindi mo ako pinapasok sa bahay ninyo?” tanong niya pahiwatig noong inihatid iya ako sa amin.

“E… madaladal ang mama ko! Ano, gusto mong mabuking si Kuya na lalaki pala ang type??”

“Ah… so inamain mo na ngayon na bakla pala ang kuya mo…”

“Eh… hindi ah! Ang ibig kong sabihin, na lalaki ang ka chatmate! Syempre, magdududa iyon.”

“Hindi mo alam na bakla ang kuya mo?”

“Dyos na mahabagin!” sigaw ko sa sarili ko. “Dagdag kasalanan ko na naman kay kuya to. Bakla si kuya??. Paano na to!!!”

“O bakit hindi ka makasagot?”

“Hindi bakla si kuya!” pagtutol ko.

“Kung hindi bakla, e bakit siya nakikipag-chat sa akin?”

“Eh, ikaw din naman ah. Nakikipag chat ka rin naman sa kanya ah. Ikaw kaya ang bakla!”

“Hoy, makulit.” Sambit niya na mistulang na touched ang pride. “Noon pa lang unang magchat kami, sinabi ko na sa kanya na hindi ako nakikipag chat sa kapwa lalaki. Ngunit itong kuya mo ang message ng message sa akin… O ngayon sasabihin mong hindi siya bakla?”

“Eh… malay ko ba sa kanya. Baka trip lang niya. Ang guwapo kaya ng kuya ko at madaming babae…” sabay irap sa kanya.

Napangiti na lang siya na para bang ang sinasabi sa isip ay “Guwapo pala. Ok, fine…” at ayaw nang makipag argumento. Tapos, tinitigan na lang ako na parang ewan, nakakaloka ang titig niya ha.

At hayon… mistulang nalulusaw na naman ako sa titig niya. Iba kasi ang titig niya eh. Makalaglag panty at brief. Grabe. Heaven!

Ngunit naiirita din ako sa mga tanong niya ha. Na lalo namang nagpatindi sa takot ko kay kuya. Imagine, si kuya ay bakla? Oo nga naman, bakit siya nakikipag chat at makipag eyeball pa sa kapawa lalaki kung hindi nga siya bakla? At heto pa, matatanggap kaya ni kuya na tawagin siyang bakla ni Zach? Huwaaa!!!! Naamoy kong may kamao na namang maglalanding sa aking mukha at baka mas marami pa at ito na ang ikamamatay ko!”

“Sandali, anong nangyari d’yan sa bibig mo?” pahiwatig niya sa medyo namaga ko pang labi gawa ng pagsuntok sa akin ni kuya Erwin.

“Wala yan!”

“Siguro nakikipaghalikan ka ano, at hindi nagustuhan ang halik mo kaya ka kiinagat?” pang-iinis niya.

“Woi, walang ganyanan ah! Virgin pa po ako!”

“Woo? Virgin pa daw o. Wala naman sa hitsura mo eh.” Sabay halakhak.

“Ikaw siguro andami mo nang nahalikan!”

“Mga babae, oo. Pero kapag ikaw ang nakatikim sa halik ko, mababaliw ka, hahanap-hanapin mo na ako!” biro niya.

“Waaahhhh!” Sigaw ko sa sarili, ramdam ang pamumula ng pisngi ko. “Di pa nga ako nakatikim e hinahanap-hanap ko na siya, e lalo na siguro kapag nangyari” sigaw ko sa sarili. Napayuko tuloy ako, di makatingin sa kanya.

“Woi... bibigay na yan!” dgdag pa niya.

“Ano ba tong kumag na to? Nagpaparamdam ba ito, o gusto lang niya akong asarin?” bulong ko sa sarili. Nakakainis kasi… “Hindi ako bakla no!” ang nasabi ko tuloy.

Tumawa siya ng malakas.

Anyway, kahit ninierbiyos sa hindi pa rin pagdting ni kuya, nag-eenjoy din naman ako sa pakikipag-usap at pakikipag-okrayan kay Zach. Ang siste lang, 7:30 na ng gabi at hindi pa rin sumipot si Kuya Erwin, ni hindi sumasagot sa mga text ko! Wala!

Nakita kong unti-unti nang nakasimangot si Zach, tahimik at mistulang malalim na ang iniisip. “May naaamoy talaga akong hindi maganda.” Ang pagparinig niya sa akin.

Syempre, kinakabahan na ako at di mapakali. At sa pakiramdam ko ay galing sa pamumula, nagtransform sa pamumutla ang aking mala-anghel na faace at nanginginig ang aking sariwang kalamnan. “At bakit mo naman nasabi iyan?” ang sagot ko.

“Basta…”

“Darating iyon. Hindi iyon indiyanero” pagdepensa ko pa

“Paano kung hindi??”

“Basta, darating iyon! Pramis!”

Ngunit alas 8 na lang at walang kuya ang sumipot. Hanggang sa tumayo na si Zach at umalis nang walang paalam.

“Saan ka pupunta?” sigaw ko.

Lumingon siya, bakas ang galit sa kanyang mga mata, “Sabihin mo sa kuya mo na huwag na siyang mag-expect na makipagkita pa ako sa kanya. OK?” sabay walk out at hindi na lumingon pa, nagdadabog at iniwanan akong tulala at ramdam ang matinding galit at pagkadismaya.

(Itutuloy)


[07]
At talagang tuloy-tuloy lang si Zach sa pag walk out, pansin ang galit sa kanyang kilos.

Hinabol ko siya, “Hoy! Hindi mo lang ba hintayin iyong tao na mag-explain sa iyo kung bakit hindi siya nakasipot? Anong klaseng kaibigan ka?”

Huminto siya, humarap sa akin at tinitigan ang mukha ko. “Ok… kailangan kong mag-explain siya kung bakit dalawang beses na hindi niya ako sinipot at ikaw ang palaging nad’yan. Weird?” buminto siya sandal, ini-empahsize ang salitang “weird” sa mukha ko, pinalaki ang mga mata niya. “Baka may kasagutan ka. Ikaw ba ang chatmate ko? Sabihin mo lang para klaro… di ako magagalit. Sa lahat ng ayaw ko ay ang niloloko ako.”

Para akong nasuntok sa mukha sa narinig kong iyon, hindi makasagot sa sobrang kaba na parang natunugan na niya ang modus ko.

“O… hindi ka makasagot? Ikaw ang chatmate ko ano?”

“H-hindi ah!” sagot ko na lang. “B-bakit hindi mo siya bigyan ng chance at para naman masagot iyang mga katanungan sa malisyoso mong utak?” ang banat ko naman sa kanya.

Nag-isip siya. “OK… bigyan ko siya ng last chance. Bukas. Sabado, same venue, same time. Siguro naman ay nad’yan na siya. Kapag pumalpak pa siya at uli, ikaw ang sisipot, sorry… ayoko na. Sa sinabi ko, pinagbigyan ko lang naman ang kuya mo dahil siya itong pm nang pm sa akin… Ok ba? Well, kung siya nga iyon at hindi ikaw.” pananakot niya sabay talikod at diretso nang lumisan.

Natulala naman ako sa binitiwan niyang salita. “Nagduda talaga ang kumag!” sigaw ko. Syempre, natakot ako. Ayaw ko kasing mawala siya sa akin. Mahal ko na kasi ang mokong.

Sa sama ng loob ko, tinumbok ko na lang ang mesa namin sa loob ng restaurant bagamat sumagi din sa isip na sana ay tawagin niya ako, pasakayin sa kanyang motor at ihatid pauwi.

Ngunit hindi niya ginawa iyon.

Sa gabing iyon, umuwi akong luhaan at nanggagalaiti sa galit kay Kuya Erwin.

Alas onse na ng gabi noong dumating ng bahay si Kuya Erwin. Kumatok agad ito sa kwarto ko. “Tol… sensya na hindi ako nakarating. Birthday pala ng mama ni Lani at hindi ako pinauwi agad…” paliwanag ni kuya.

Pinagdabugan ko naman siya. “Anong paki ko sa birthday ng mama niya! Buti pa sila pinaunlakan mo samantalang ako… ipinahiya mo!” sabay tumbok sa kama, ibinagsak ang katawan at tinakpan ng kumot ang mukha.

Sumunod siyang pumasok sa kwarto ko. “Promise tol... sa sunod nating eyeball sa chatmate mo, nandoon na talaga---”

“Bukas daw uli!” ang pabulyaw na pagputol sa sagot niya.

“Bukas? A, e…” Nag-iisip siya ngunit bigla ring dugtong ng “O, e… di sige, bukas na kung bukas.”

Syempre nabuhayan na naman ang loob ko. Ngunit hindi ako nagpahalata. “Tapos niyan… sisingit na naman ang kontrabidang Lani na iyan!” sagot ko.

Hindi na Tol… promise. Sa chatmate mo na ako magpapakita. Basta... kapag na-inlove sa akin iyon, hindi ko na kasalanan ha?” ang may halong pagbibiro niya.

“Hmmpttt! Kahit ma-in love pa sa iyo iyon, alam kong hindi mo siya magugustuhan.” Bulong ko sa sarili. “Basta bukas..” ang sabi ko na lang.

At tinupad naman niya ang kanyang pangako. Sa pagkakataong iyon, wala nang Lani na nanggulo pa sa lakad namin.

Alas 5:30 ng hapon at nandoon na kaming pareho ni Kuya sa restaurant na nasabi. Dahil sa sobrang kaba ko, nag-order ako ng beer habang hinintay ang pagdating ni Zach. Delikado kasi ang kalagayan ko. Para akong na-hostage ng kilabot na kidnapper habang parating ang militar na siyang tutugis dito. Either papatayin ako ng kidnapper o gawin akong panagga sa mga bala. Imagine, sa unang pagkakataon ng buhay ko, mabubuking na ang pinakatago-tagong lihim ko dahil kay Zach na noon ko lang din na-realize na sa lalaki pala ako mai-inlove. Ewan, para akong may typhoid fever, di malaman kung mabubuang o mamamatay.

In fairness, noong pinagmasdan ko si Kuya, ang ganda ng porma niya. Halatang pinaghandaan talaga ang okasyon na iyon. Suot niya ay ang bago at mamahaling t-shirt na kulay blue na may tatlong stripes na yellow sa balikat, ang pantalon ay maong na faded at may butas-butas sa tuhod, naka-gell ang buhok, mabango. Noon ko palang nakitang isinuot niya ang t-shirt at pantalon na iyon. Sa tingin ko, binili talaga niya ang mga iyon para lang sa makasaysayang eyeball na magaganap ano mang oras sa lugar na iyon. Hayup sa porma! Daig pa ang isang artista! Hay naku… Kung hindi ko lang siya kuya siguradong na-in love na rin ako dito.

Ramdam ko, excited si Kuya, hindi lang ipinahalata iyon sa akin. Naamoy ko iyon dahil sa tahimik siya at nag-iinum lang. Kuya ko ata siya, alam ko kapag may milagro itong ginagawa, kung masaya siya, kung malungkot, kung tensiyonadao, kung may itinatagong kabulastugan.

Alam kong napupulsuhan din niya ang nararamdaman ko sa tagpong iyon. Iyon nga lang; ang buong akala niya, mamatay-matay ako sa excitement na makita siya ng ka-chatmate ko at kung ano ang magiging kahinatnan sa pagpapanggap niyang siya nga ang tunay na ka-chatmate. Ang hindi lang niya alam ay na mas malalim pa ang naramdaman ko – natatakot ako sa nakaambang mangyayaring bukingan sa tunay kong pagkatao, na noon lang din niya malalaman sa tanang buhay niya.

“Dyos ko po! Tulugnan po ninyo ako! Tanggapin ko po ang ano mang parusang ibigay ninyo, huwag lang ang pag-iinarte ni Kuya kapag nalaman niyang dalaga pala ang kanyang kapatid at hindi binata!” Ang sigaw-sigaw ng isip ko. At lahat na rin ng pangalan ng mga santo ay nabanggit ko na sa aking mga dasal na sana ay hindi tataas ang cholesterol at blood sugar ni Kuya kapag nalaman niya ang lahat, at na pareho ko pala silang dalawa ng ka-chatmate ko na niloloko ko. Awwwtttts!!! To the highest level talaga ang kaba ko! Grabe!

Hay naku, ang pag-ibig nga naman. Gagawin ang lahat, susuungin ang lahat ng hirap, katarantaduhan, kabulastugan, pagsisinungaling, pagbabakasakali, walang pakialam sa magiging kahinatnan nito mairaos lang ang kalandian...

So, inum, inum, at inum pa. Pareho kami ni Kuya, tila sa pag-iinum ibinuhos namin ang magkaibang excitement na naramdaman. Pakiramdaman sa kilos ng bawat isa, ngunit walang imikan.

Maya-maya, heto na. Ang posisyon kasi ng lamesa namin ay paharap sa entrance mismo ng resto at magkatabi kami ni Kuya. Sinadya kong tumabi kay Kuya upang kapag dumating na si Zach, makita ko kaagad siya.

Heto na. Umentra na ang leading man ng buhay ko at akmang papasok na sa entrance ng restaurant.

“O my God, heto na siya! Heto na sya!!!!!! Arrgggggghhh!” sigaw ng utak kong talipandas, hindi ipinahalata kay Kuya na nakita ko na si Zach. Siyempre, hindi naman ako pwedeng tumayo na lang at salubungin siya ng yakap at halik. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng ulirat at parang umikot ang buong paligid sa sobrang magkahalong excitement, kaba, at takot. Para akong mapapraning! Kaso, hindi ko rin lubos maintindihan ang naramdaman. Kasi nga naman, ang alam ko, ang gusto niya ay si kuya. Tapos, heto namang si kuya, babae ang gusto. Ewan hindi ko talaga maintindihan. Kaka-sad, di ba? Pero kahit papaano, may saya din akong naramdaman na sa wakas ma-prove ko na kay Zach na hindi ako ang ka-chatmate niya taliwas sa kanyang hinala. At dahil ditto, hindi na siya lalayo pa sa akin.

“Waaahhh! Grabeh!” sigaw ng utak ko. Lalo yata siyang gumuapo sa pagkakataong iyon. Para bang gaya ni kuya ay pinaghandaan din niya ang makasaysayang eyeball na iyon. Naka-body-fit na puting t-shirt, sinadyang ang dulo nito sa harapan ay ipinaloob sa ilalim ng itim at stonewashed straight cut na jeans, inilantad ang buckle ng belt niya at ang umbok ng kanyang harapan. Hayup din sa porma! Pamatay sa kaseksihan! “Arrgggghhhh!” Sa isip ko lang. Umandar na naman ang aking insecurity. Bagay na bagay kasi sila ni kuya at para akong naa-out-of place!

Kunyari ay wala pa rin akong nakita. At bagamat mistulang puputok na sa matinding pagkakabog ang aking dibdib, kalmante pa rin ako, demure-looking baga at inum lang nang inum.

Nilingon ko si Kuya na panay pa rin ang inum, hindi alintana na palapit na nang palapit ang nakatakdang pag-krus ng kanilang mga landas. Bagamat nagkita na sina Zach at kuya noong una naming “date” ni Zach, hindi na niya ito natandaan pa dahil wala naman kasi siyang interes dito; o di kaya ay sadyang hindi lang niya napansin si Zach sa gitna ng maraming tao dahil ang nakatatak sa isip niya ay isang magandang babae ang darating.

At hindi ko rin pinansin si Zach. Hindi na kasi nakayanan ng powers kong harapin siya dahil nanlalambot na ang pakiramdam ko, iniisip na maaring iyon na ang huling sandali na masilayan ko ang naggagwapuhang mga nilalang na si kuya ko at si Zach dahil sa papatayin na ako ni kuya sa bukingan na magaganap sa tagpong iyon.

At wala pang isang minuto heto na. Huminto sa harap namin si Zach! Syempre, dahil hindi alam ni Kuya na iyon na pala ang ka-chatmate niya, inosenteng patuloy pa rin itong umiinon, ang mga mata ay nagmamasid sa mga taong papasok pa lang, sinasala ng kanyang mga mata ang isang babaeng maganda at mestisa. Ako naman, kahit mistulang puputok na ang dibdib sa sobrang kaba, ay kunyari nakatingin sa malayo, ibayong pagkokontrol sa sarili ang ginawa.

“Kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog” iyan ang naririnig kong tinig sa aking dibdib at malakas siya ha. Pakiramdam ko ay gusto ko na talagang magback out at kung maaari lamang ay ibalik ang oras sa puntong hindi pa kami nakarating sa restobar na iyon.

Nasa ganoong posisyon si kuya sa paglalagok ng beer, ang bote ay nakaungot pa sa kanyang bibig, noong iniabot ni Zach ang kanyang kanang kamay sa kanya upang makipag handshake, “You are Enzo, right? I’m your chatmate, Zach!” Ang pagpakilala ni Zach.

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni kuya sa gulat noong makitang lalaki ang nakikipagkamay sa kanya. “Gwarkk!!” nabilaukan bigla si kuya, ang beer na nasa lamamunan na ay lumabas lahat at sumambulat ito sa mesa, pati na sa kamay ni Zach...

Agad-agad inilatag ni kuya ang beer na hinawakan at humablot ng tissue, pinahid ang bibig niya habang si Zach naman ay dali-dali ding binaltak ang kamay upang matanggal ang isinukang beer ni Kuya na dumikit dito at pagkatapos ay humugot siya ng tissue na nakapatong sa mesa at nakipahid na rin.

Syempre, nagulat din si Zach, ngunit talagang cool na cool pa rin ang dating.

Habang pahid-pahid ni kuya ang bibig niya, nilingon naman niya ako, palihim na tinapakan ng sobrang pagkalakas-lakas ang aking kaliwang paang katabi lang ng kanyang kanang paa at idiniin-diin pa ito. “Arekoppppoooooooo!” ang nasambit ko sa pagkabigla ngunit pinigilan ko itong hindi mahalata ni Zach. Nagkataon pa namang sandal lang ang suot ko sa paa samantalang si kuya ay nakasapatos. Kaya masakit talaga siya.

Nilingon ko si Kuya at sumalubong sa mga mata ko ang nagbabaga at nanggagalaiting titig niya.

Alam ko ang ibig ipahiwatig ng titig na iyon. Katakot-takot na sermon ang naghintay sa akin at baka sa kauna-unahang pagkakataon ay matikman ko na ang dila-lang-ang-walang-latay na pambubugbog ng isang kuya sa kanyang kapatid. At ang mas masaklap pa doon ay baka isumbong niya ako kay papa at mama na niloko ko na nga siya, nadiskubre pa niyang nagdadalaga na pala ang bunsong kapatid niya! “Diyos ko po! Di ko yata kaya!” sigaw ng utak ko.

Alam ko din naman na kasalanan ko ang lahat e. Pero ano ba ang magagawa ng isang busilak na pusong natuto nang magmahal? Di ba mga ateng? First time ko kayang ma inlove. Kaya hayun, hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang nagliliyab na mga mata at sa pagkataranta, ang ginawa ko na lang ay ang humugot na rin ng tissue at pinupunas-punasan ang mesang nabasa ng beer na lumabas galing sa kanyang sikmura, nagkunyaring hindi ko napansin ang nakakapaso niyang pandidilat, kagat-kagat ko ang sariling labi sa magkahalong matinding hiya at panginginig sa sa takot. Para akong isang asong talunan na ang buntot ay itinago sa ilalim ng bayag at nagyuyukyok sa isang sulok.

At siguro, dahil sa wala nang choice si Kuya, pinansin na rin niya si Zach at binitiwan ang isang ngiting napilitan sabay sabing, “A… oo. Ako nga si E-enzo! Enzo nga ang name ko. Upo ka, Zachie, este, Zach!” turo niya sa bakanting upuan sa harap ng inuupuan namin.

Nangiti naman si Zach at umupo.

Tahimik kaming tatlo habang hindi ko na rin malaman pa ang gagawin ko, nakiramdam sa sunod na maaaring mangyari, patuloy pa rin sa pagpupunas sa mesa kahit tuyong-tuyo na ito at ang buong laman ng tissue box ay nauubos na sa kakahugot ko at kakapunas sa natuyo nang mesa.

Tahimik pa rin at ang mga kamay ni kuya ay iginuri-guri sa mesa na tila wala sa sarili, ang mga mata ay di makatingin-tingin kay Zach na nakaupo sa harapan lang namin, di rin makapagsalita, di makapagsimula ng kwento, di ko alam kung nininerbyos ba o nagpupuyos sa galit sa akin.

Samantala, si Zach naman ay bakat sa mukha ang matinding excitement sa pagkakita ng personal kay Kuya, ang ngiti na binitiwan ay nakakabaliw at kung makatitig sa mukha ni kuya ay halos lalamunin na niya ito ng buo.

“I met your brother, Enzo two times na…” Wika ni Zach kay Kuya habang itinuro ako, at maaaring paraan din niya upang mabasag ang katahimikan.

“E… e…” sagot ni Kuya, hindi makabuo ng salita at mistulang namumutla. “A… ok.”

“Makulit nga talaga no?” ang mabilis na tugon ni Zach, sabay bitiw ng isang pigil na tawa.

“Amffffffffff!!!!” sigaw naman ng isip ko. “Ako pa ang pinagtripan!” nanggagalaiti na nga si kuya sa akin, at heto, ako pa ang pinagtripan ng honghang?” sigaw ko sa sarili. Nahihiyang nilingon ko si kuya at noong mapansin niya ang paglingon ko sa kanya, pinadyakan niya muli ang aking paa sabay irap sa akin. “Arrggggggghhhhhhhh!!!!” sigaw g utak ko sa sakit ngunit hindi ko ipinahalata ang pagngiwi ng bibig ko.

Pakiramdam ko, pulang pula nga ang mukha ko sa pagpuna sa akin ni Zach, umuusok naman ang tenga at ilong ko sa sakit na para akong nakalunok ng isang garapong siling labuyo.

Binitiwan uli ni Kuya ang pilit na ngiti kay Zach, nakikinita kong sumisigaw din ang utak niya ng, “Mamaya hindi na makulit yan dahil papatayin ko na yan sa bugbog!”

Tahimik uli.

“A… waiter! Menu please!” Sigaw ni Zach noong mapansing puro beer ang inorder namin.

Lumapit ang waiter at iniisa-isang bigyan kami ng menu.

Ramdam kong parang gustong sabihin ni Kuya na treat namin iyon ngunit tila naubusan na rin siya ng lakas upang magsalita.

Nakahawak na kaming tatlo sa menu at namimili. Nilingon ko uli si kuya kung may napili na ba ngunit kahit ang mga mata niya ay nakatutuk sa menu mistulang lumilipad naman ang isip.

“What’s yours Enzo? I want this, this, and a regular rice…” sabi ni Zach tukoy sa menu, hindi man lang ako tinanong.

Ngunit imbes na sagutin ang tanong ni Zach, inilatag uli ni Kuya ang menu sa mesa. “Excuse me…” sabay tayo at tumbok sa CR na nagmamadali.

Natulala ako sa biglang pagwalk-out ni Kuya. Malakas kasi ang kutob ko na alibi lang ang pagpunta noon sa CR. Kung hindi walkout iyon, gusto niya akong sumunod at sigurado, bubugbugin ako noon sa loob ng CR. Kaya hindi ako sumunod. Pero syempre, kinakabahan ako na baka ibubuking na ni Kuya ang lahat.

Kaya nanatili akong nakaupo sa pwesto ko, sa harap ni Zach.

At heto na. Syempre, ano pa ba ang gagawin ni Zach sa sitwasyong nakaupo kami parehong magkaharap? Syempre, titingnan niya ang mala-anghel kong mukha.

At ano ba ang dapat kong gagawin sa eksenang nasa harap ang pinakamimithing pinakawafung lalaki sa balat ng internet, at kaharap ko pa? Syempre, maglupasay ang utak ko at sisigaw ng, “EEEEEEEEEEEEEE!” Ang cute cute niya! Ang cute cute niya! Pwede mo na akong kunin Lord! Wag lang muna now!”

Ngunit syempre, hindi ako nagpahalata huh! Kunyari, pinupunasan ko pa rin ang mesa at kahit na nanginginig ang buong kalamnan ko, pinilit ko pa ring gawing maayos ang pagpunas ng mesa habang pasikretong pinagmasdan ko siya.

“O my God! U mey Gadddddddd! Pinagmasdan niya ako! Pinagmasdan niya ang walang kamuwang-muwang kung mukha! Arrgggghhhh!” Sigaw uli ng utak ko noong mapansing tinitigan niya ako. Ah grabe. Pakiramdam ko ay isa akong ice na inilatag sa ilalim tanghaling araw. Nalulusaw ako mga pare, este, mga mare pala.

Doon ko na-realize na kaya pala may dalang pamaypay na abaniko ang mga dalagang ninuno natin noong unang panahon sa kadahilanang ito pala ang panangga nila sa mga nakakalusaw na titig ng mga wafung binatang ninuno din natin! Grabeh pala ang kuryenteng dulot ng titig ng super crush! Para kang matatae, maiihi, magkumbulsyon. Parang may intensity 25 na lindol sa loob ng iyong dibdib!

“Where’s your other kuya?” tanong niya.

“Abababa Eninglis ako!” sigaw ng utak ko. Pero syempre, natameme ako ng sandali. Kambal pala ang kuya kong pakilala sa kanya. “Ha?” sagot ko, hindi ipinahalatang ganoon ako ka focus sa kanya. Atsaka ang boses ko, astig siya ha.

“Iyong kambal niya.. Iyong sabi mong rapist?” pagfollw up niya.

“Nasa bahay e! Bakit, gusto mo siyang makilala?” ang mataray kong sagot.

“Ah… Ok. Pero bakit ka nagagalit?” ang sagot niya, marahil ay napansin ang boses ko. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi kabahan sa inasta ni kuya at sa hindi pa niya pagbalik.

“Hind ako galit no! Kung galit ako ay sana kinagat na kita!”

Bigla namang napahalakhak si Zach. “Ano ka aso? Arf! Arf! Arf!” ang pang-iinis niya sa akin.

Ngunit hindi ko na npansin ang pang-aasar na iyon. Kinakabahan na kasi ako sa hindi pa pagbalik ni kuya.

“E... may boyfriend na ba ang kuya mo?”

Muntik naman akong malaglag noong marinig ang tanong niyang iyon at mistulang nasapak ang ulo ko. “Arrgggggghhhh!” ang sigaw ko sa sarili. Syempre, lalong tumindi ang kalampag ng aking dibdib. Kapag nalaman kasi ng Kuya ko na ang tingin sa kanya ni Zach ay bakla, baka hindi lang ako ang papatayin niya kungdi pati na rin ang sarili niya! “Diyos ko pong mahabagin! Hindi ko kaya ito. Kapag nagkataon, headline kami kinabukasan sa tabloid na Tiktik o Abante: ‘magkapatid na bakla, patay dahil sa isang lalaki!’ Paano kaya ito tatanggapin ng mga magulang ko? Sigurado gagawin nila ang lahat upang mabuhay kami at kapag nabuhay na, papatayin uli. Huwaaaaa!”

“Waaaaahhh! Hindi bakla si Kuya ko!” sigaw kong pagdepensa kay kuya.

Napangiti siya. “Syempre naman, itatago niya iyan sa iyo” ang tugon niya na ang mukha ay mistulang hindi siniseryoso ang sinasabi ko. Tiningnan niya ang kanyang relo pagparamdam na matagal si Kuyang bumalik. “Mag CR muna ako.” Ang sabi niya.

Nataranta naman ako sa narinig. Syempre, ayaw kong magkita sila doon baka kapag nagkataon, magkabistuhan na dahil siguradong ibubuking ni Kuya ang lahat.

Akmang tatayo na sana si Zach noong hinarang ko siya. “A-ako na muna ang mag CR, naiihi na talaga ako. Antay ka muna dito, baka ihahatid na ang order at walang tao sa table natin...” ang pag-aalibi ko.

Noong makarating na ako ng CR, tyempo namang walang tao at nag-isa lang si Kuya. At tama nga ang hinala ko; hinihintay niya ako. At noong makita ako, isang napakalakas na batok ang pinakawalan niya kaagad, ”Tado ka! Inilalagay mo ako sa kahihiyan! Tangina, bakla ka pala?!” Ang pigil na bulyaw ni Kuya. At hinablot pa ang buhok ko. “Shiiiit! Wala naman sana akong paki kung bakla ka, eh. Ang problema sa iyo, idinamay mo pa ako, tarantado ka! Lahat ginawa ko, pati pagtanggal sa bigote ko para lang pala sa isang lalaki? Ha?!!!” ang pigil na pagsisigaw ni kuya.

At syempre, inamin ko ang lahat ng kasalanan. Ano pa ba ang magagawa ng byuti ko. “Kuya... please naman. Sorry po. Mahal ko po kasi ang taong iyon eh. Kuya sorry na po...”

“Mahal mo ang taong iyon? Tangina!” Sabay sapak na naman sa ulo ko. “Magmahal ka tapos ako ang gagawin mong proxy! Ano ang gusto mong mangyari ngayon? Makikipaghalikan ako sa kanya, ganoon? Ah, hindi. Hindi pwede yan. Dapat nating sabihin sa kanya ang totoo! At ngayon na!” sabay talikod at lalabas na sana ng CR.

Sa naramdamang pagpursige ni Kuya na ilantad ang lahat kay Zach, ang nasagot ko sa kanya ay, “Sige kuya! Sabihin mo sa kanya at tatalon ako dito sa dagat! At papatayin ka ni papa kapag nalamang pinabayaan mo ako!” Ewan kung bakit ko rin nasabi iyon, e ang totoo, hindi ako marunong lumangoy at napakalalim pa ng tubig gawa ng high tide sa oras na iyon.

Ngunit dumeretso pa rin si Kuya. Hindi na ako pinakinggan. Kaya ang ginawa ko ay dali-daling lumabas sa kabilang pintuan ng CR na deretso sa open terrace ng reataurant paharap sa dagat. At noong nandoon na ako, walang lingon-lingong umakyat sa barandilya.

Narinig ko pang nagsigawan ang ibang mga tao sa restaurant, “Ayyyy! Tatalon ang mama! Tatalon ang mama!”

Ngunit itinuloy ko pa rin ang pagtalon. At ang sunod na naalala ko ay ang pagkarinig sa isang malakas na “Splashhhhhhhhhhh!” sabay bulusok ko sa ilalim ng tubig.

(Itutuloy)


[08]
Tuloy-tuloy ang pagbulusok ko sa ilalim ng tubig; huli na noong ako’y magsisi kung bakit pa ako tumalon samantalang hindi naman ako marunong lumangoy.

Sa ilalim ng tubig ko naramdaman ang pagka-seryoso sa ginawa kong pagtalon. Syempre, lumundag lang naman ako gawa ng takot ko na ibunyag ni Kuya sa pinakamamahal kong si Zach ang aking sikreto. Gusto ko lang takutin ang kuya ko, i-blackmail kumbaga. Wala kaya akong balak na magpakamatay. Virgin pa po ako kaya wala sa plano ko ang pumanaw na hindi man lang matikman ninuman ang aking sariwang katawan.

“Glug! Glug! Glug!” Nakainum na ako ng tubig at maalat pa man din. Ramdam ko na ang sakit sa ilong sa pwersahang pagpasok ng tubig doon. “Dyos na mahabagin! Huwag po munang magwakas ang aking walang kamuwang-muwang na buhay! Hindi ko pa natikman ang yakap at halik ni Zach!” sigaw ng utak ko.

Kaya tarantang ikinampay-kampay ko ang aking mga kamay at paa. At nasagi ng kamay ko ang isang lubid.

Dali-daling kumapit ako dito at nag ala-Tarzan akong pumaitaas upang makalanghap ng preskong hangin ang aking baga. At wallah!

Habol-bahol ang paghinga, disoriented, at nababalot sa matinding nerbyos at takot pa rin, nanatili akong nakahawak sa lubid, naghintay na sana ay may magligtas sa akin. Syempre, hindi ako maka-akyat at hindi rin naman ako makalangoy patungo sa aplaya. At alam ko, hindi tatalon para sa akin ang kuya ko dahil hindi rin iyon marunong lumangoy. At ayaw kong siya ang tumalon dahil sigurado ako, gagawin lang niya akong salbabida. Kaya nanatili na lang akong nakalambitin sa lubid.

Narinig ko namang nagkagulo ang mga tao sa loob ng restaurant. Ang masaklap, ay may sumigaw pa na, “May pating na dumadayo d’yan! Baka kakainin iyon ng pating!”

“Dyos ko po! Huwag naman po sanang isang pating lang ang makinabang sa birhen at sariwa ko pang katawan! Huhuhu!” Kaya Umiyak na ako ng umiyak at sa sobrang pagkadesperado ay nasambit ko ang, “Promise ko sa iyo Lord, kalimutan ko na talaga ang Zach na iyan! Ayoko na sa kanya, huhuhu! At kung sino man ang tatalon at siyang magligtas sa buhay ko, ay siya ko nang pagsilbihan at mamahalin. Kalimutan ko na talaga ang Zach na iyan! Huwag lang akong lamunin ng pating. Ansakit kaya nang makagat ng hayup na iyan! Huhuhu!”

At naghintay ako ng milagro.

At heto na, may tumalon! Hindi ko na kinayang tingnan pa ang mukha niya dahil baka ang ibigay sa akin ni Lord ay isang mukhang mahirap i-describe at di ko kayang tanggapin. Tumalikod ako, hinitay na lumapit siya. Pero ang totoo, tumalikod din ako dahil sa sobrang hiya sa ginawang kagagaguhan, natatakot na imbes iligtas niya ako, tuluyan niya akong ilublob sa tubig dahil sa katarantaduhan ko.

At naramdaman ko na lang siya sa likod ko, humawak din sa lubid, inilingkis ang mga kamay sa katawan kong nakatalikod. “Ligtas ka na. Kumapit ka sa akin at tawirin natin isa-isa ang mga poste ng restaurant hanggang sa makarating tayo sa aplaya. May dumadayo daw ditong pating kapag ganitong high tide kaya dalian na natin.” Sambit niya.

“O my God!” sigaw ng utak ko, biglang nawala ang takot ko sa pating. “Kilala ko ang boses na iyon! Si Zach!” Dali-dali akong lumingon at nakumpirma ng aking magaganda at tantalizing na mga mata na siya nga! At ang guwapo pa rin niya kahit nagkagulo-gulo ang mala-Justine Beiber niyang buhok dahil sa pagkabasa nito! Parang gusto ko nang sabihin sa kanya na ipagpatuloy lang niya ang pagyakap sa akin at hintayin na lang namin ang pagdating ng pating upang sabay kaming lunukin at magsama ng wagas sa loob ng tiyan nito at doon na rin namin buuin ang aming mga minimithing pangarap! “Gosh! Grabe! Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na nasa bingit ng kamatayan dahil sa sobrang pagtatae at dumating ang aking knight in shining armor at agad akong pinainum ng immodium.

“Kapit na!” Sabi niya.

Bigla naman akong nagising sa aking pagpapantasya. Ngunit nanginginig talaga ako, mga ateng, pramis, hindi dahil sa sobrang lamig ng tubig kungdi dahil sa excitement na nad’yan iyong super crush ko, itinaya ang sarili niyang buhay upang mailigtas lang ang aking pinakaiingat-ingatang puri, at hayun, yakap-yakap na niya ako. Di ba sweet?

Mistulang nawala lahat ang mga tubig na pumasok sa aking eardrum at baga at pakiramdam ko ay biglang tumubo nang napakahaba ang aking hair sa pagkakataong iyon. Grabe.

“Dalian mooo!” utos niya, rinig ko pa ang paghahabol niya ng paghinga.

At tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkapit sa lubid upang sa kanya na kakapit. Ngunit marahil ay sa sobrang paglalandi ko, dumulas ang kapit ko sa kanya at bumulusok na naman uli ako sa ilalim ng tubig. At muli, “Glug! Glug! Glug!” Iyon na ang huli kong natandaan.

Ewan kung gaano katagal akong unconscious ngunit noong bumalik ang malay ko at ibinuka ko ang aking mga mala-anghel na mata, nanlaki ito bigla noong ang nasaksihan ko ay mismong si Zach na inuupuan ang aking tiyan at nakayuko at nag mouth-to-mouth sa akin!

“Uhu! Uhu! Uhu!” ang pag-ubo ko, gawa nang hindi ko makontrol ang tubig na iniluwa ng aking baga. Kakabadtrip nga lang ang ubo na iyon dahil bigla ring tinanggal ni Zach ang bibig niya na nakalapat sana sa bibig ko. At habang nanatiling nakaupo si Zach, ang mukha ay tuwang-tuwa sa nasaksihang na-revive ako, mistula namang nag-slow motion sa tingin ko ang paligid habang may narinig akong kanta ng mga anghel at quirubim sa kaloob-looban ng aking tenga. Ang ganda ng ngiti ni Zach, hayup, nakakainlove. Parang may kaaya-ayang sinag na nagmula sa kanyang mukha at ang sabi ay “Ligtas ka na! Nandito ka na sa aking kaharian…” Parang nasa langit ako at nasa bisig ng aking prince charming!

Ngunit bigla ring naputol ang mala-paraisong eksenang iyon noong ibinaling ko ang mukha sa gilid ko at nakita ang mukha ng isang demonyo. Si Kuya pala ang demonyong iyon, bagamat in fairness, isang guwapong demonyo naman. Iyon nga lang, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagpupuyos ng galit at ang kanyang mga tingin ay nagliliyab. Naiimagine ko nga na habang si Zach ay may koronang sinag sa ibabaw ng kanyang ulo, si kuya naman ay may sungay. Pero in fairness, bagay din sa kanya ang sungay.

At dahil sa nakitang pagpupuyos ng galit ng aking mahal na Kuya, bigla kong naisipang ipikit uli ang mga mata upang hindi ko makita ang kanyang mukha, nagkunyaring unconscious pa rin, nagbakasakaling i-mouth-to-mouth uli ako ni Zach.

Ngunit huli na ang lahat. Habang nakapikit ang aking mga magagandang mata na may mahahabang eyelashes, biglang may malakas na “SPLAKKKKK!” na dumapo sa aking flawless na mukha.

“Arekupppp!” Napadilat akong bigla sa lakas ng pagkasampal, naunsyami ang pinapantasyang “mouth-to-mouth para kay sleeping beauty” na galing kay prinsepe Zach.

Noong tiningnan ko kung saan nanggaling ang walang breeding na sampal na iyon, nakita kong galing pala ito kay kuya at hindi ma drowing ang kanyang mukha sa kinimkim na galit!

Grabe. Galit na galit din ako sa kanya. Ngunit wala na akong magawa pa kungdi ang haplusin na lang ang tama sa aking mukha, na hindi din ma-drowing sa tindi ng sakit habang binitiwan ko ang tingin na nanggagalaiti-ngunit-walang-magawa kay kuya, mistulang sa isang batang inagawan ng ice-crean ng mas malaki pang bata.

Noong mapansin ni Kuyang nakatutuk ang tingin ko sa kanya, inisnab naman niya ako at nilingon si Zach, binitiwan ang isang nakakalokong ngiti sabay sabing, “O pare, sabi ko sa iyo, buhay pa iyan e!” pagpahiwatig niya sa paggalaw at pagreact ko noong sinapak niya ng todo ang mukha ko. “Kaya umalis ka na sa pagkakaupo sa tiyan niyan. Baka sa pagdagan mo dyan yan mamamatay.” Dugtong ni kuya.

“Akala ko magma mouth-to-mouth uli ako eh!” ang sagot naman ni Zach sabay bitiw ng pilyong ngiti. Tila ganyan na sila ka close, huh!

Sa sagot na iyon ni Zach, naimagine ko tuloy ang eksenang nakayuko na si Zach upang handang ipagkaloob na sa bibig ko ang kanyang makasaysayang mouth-to-mouth noong maudlot ito dahil sa naunang lumanding sa mukha ko ang mabigat na palad ni kuya. “Waaahhhh! Nademonyo na talaga iyang si Kuya ko. Grabe na ang pagka-adik!” sigaw ko na lang sa sarili.

“Uuwi na lang tayo!” Ang mungkahi ni Kuya, sabay talikod halatang atat na atat nang makaalis sa lugar at makaiwas kay Zach.

Aba, noong akmang tatayo na sana ako ay bigla ba naman akong kinarga ni Zach sa kanyang mga bisig. “Wowwwwww! Heaven talaga! Todo na tooooo!” ang nasambit ng utak ko sabay naman lingkis ng mga kamay ko sa leeg ni Zach.

Ngunit noong lumingon si Kuya at nakitang karga-karga ako sa mga bisig ni Zach, bigla na namang nadiskarel ang kanyang mukha. “Bakit mo kinarga iyan? Nakakalakad naman iyan eh. Nag-iinarte lang iyan.”

“Hindi pare, groggy pa eh. Kawawa naman!” sagot ni Zach.

“Ako na ang kakarga niyan!” sabi ni Kuya.

“Ako na, Ok lang ako. May sasakyan ba kayo?”

“Mayroon pero ako na ang kakarga”

“Ako na nga lang… pare.”

“Ako na. Kapatid ko iyan kaya ako na ang kakarga…” ang pangungulit ni Kuya…

Pinag-aagawan talaga nila ang beauty ko. Ngunit hinigpitan ko ang paglingkis ng mga kamay ko sa leeg ni Zach. Ngunit makulit si kuya at ayaw patalo kaya nalipat ang pagkarga sa akin sa mga bisig ni Kuya.

Kaso, sadya yatang plano ito ng demonyo, nabitiwan niya ako (o binitiwan ba?) at… “KA-BLAGGGG!”

Nalaglag po ako, at naunang bumagsak sa semento ang virgin at walang mantsa ko pang pwet.

“Grrrrrr!” sabi ko na lang sa sarili, tiningnan ng matulis si Kuya. Sobrang sakit kaya ng puwetan ko. Dali-dali naman akong tumayo. Tiningnan ko naman si Zach na nabigla din sa pagbagsak ko, ang mga mata ko ay mistulang nangungusap na, “O, ano, kaya mo iyon?”

In fairness, hindi naman ako pinagtawanan ni Zach. O baka pinigil lag niya ang sarili. In fact, itong si kuya pa ng naninisi sa akin. “O, kasi… tangina, ang arte-arte, nagpapakarga pa!”

Hindi na ako kumibo. Iniabot naman ni Zach ang kamay niya sa akin. Ngunit sa magkahalong inis at pagkapahiya, hindi kinaya ng powers ko ang maglandi. Tumayo akong mag-isa nagtatakbo papuntang sasakyan, iniimagine na walang nakakakitang iba sa pagbagsak ko.

“O tingnan mo nga, mas mabilis pa sa kabayo kung tumakbo ang loko.” Ang narinig kong sabi ni Kuya kay Zach.

Hindi naman sumagot si Zach.

“Ok pare, mauna na muna kami ha? Sensya ka na sa nangyari. Basang-basa kasi tong utol ko kaya dapat maligo at makapagbihis na rin. Ikaw rin pare, basa ah... Salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko!” Ang narinig kong sambit ni kuya, hinayaan na lang si Zach na mag-isa.

Ewan kung ano ang pakiramdamni Zach. Pero noong nilingon ko siya, mukhang may lungkot ang kanyang mga mata. Kasi ba naman, iyon lang ang sinabi ni kuya. Wala man lang “take care” o kaya “chat tayo mamaya” o “kita uli tayo next time” o mas maganda nga, “Pare… samahna mo kami sa bahay”. Iyon bang something na nakaka-inspire. Siya kaya ang nagligtas sa buhay ko. Doon pa lang, proud na proud na dapat si kuya sa kanya. Sabagay, sa kabilang banda rin, hindi naman talaga siya ang tunay na ka-chatmate at “nagmahal”…

Nauna akong umupo sa sasakyan at noong dumating na si kuya, dali-dali nitong pinaandar ang kotse na para bang hinahabol ng isng ulol na aso. “Hay salamat naka-eskapo din!” sambit niya pagpaparinig sa akin.

Hindi na ako kumibo. Alam kong ang eskapong sinabi niya ay ang makalayo kay Zach. Syempre, lungkot na lungkot naman ako bagamat kasalanan ko ang lahat. Pero at least, nalaman na ni kuya ang tunay kong pagkatao at ang sunod na mangyayari ay ipagsapalaran ko na lang...

“Tangina, bakla ka pala…” ang pagmamaktol ni kuya habang nilingon ako.

Ewan. Parang ang sakit din pala kapag sinabihan kang bakla. Hindi kasi ako sanay. At lalo na kuya ko ang nagsabi na may halong pangungutya. “Bakit kung ganito ako? May problema ba?” ang palaban ko ring sagot.

“Oo! Mayroon! At malaki! Dahil kapag nalaman ito ng mga magulang natin, sigurado ako, palalayasin ka nila. Gusto mo iyon?” ang pagbabanta ni niya sa akin.

Para akong nabusalan sa narinig. Syempre, nagpakatotoo lang naman ako at kahit papaano, tao rin naman ako. Bakit hindi nila kayang tanggapin ang pagkatao ko kung mahal nga nila ako. “At bakit nila ako palayasin? Iyong aso nga natin na hindi naman natin kaanu-ano, inaalagaan natin, ako pa kaya? Bakit ikaw? Gusto mong palayasin ako?”

Mistula ring nabusalan si kuya sa sagot ko. Lalong sumungit ang mukha niya. Iyon bang galit na hindi makalabas at may kung anong gustong kumawala sa kanya at pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay ng tao. At ang tanging nagawa na lang niya ay ang tapakan bigla ang accelerator ng sasakyan. Bumilis ang takbo namin.

Sa takot na baka ibangga niya ang sasakyan, hindi na ako nagsalita pa. Hinablot ko ang seatbelt at isinukbit iyon.

“At ginawa mo pa akong bakla sa mata ng taong iyan? Malaki ang atraso mo sa akin tol… Malaking-malaki! Alam mo iyon?”

Yumuko na lang ako, hindi na kumibo. Totoo naman kasi. Ansama ko… “Pero masisisi ba niya ako kung ako ay umibig?” bulong ko sa sarili.

“Ngayong alam kong bakla ka pala, ayokong may makikita akong mga lalaking kasa-kasama mo ha?” sabi niya tiningnan ako ng matulis.

“Kuya... bakla po ako, hindi babae. Hindi po ako mabubuntis kahit ilang lalaki pa ang kasama ko!” ang pabalang ko namang sagot.

“Kahit na! Ako lang ang dapat na kasama mo. At kapag may nakita akong kasa-kasama mong ibang lalaki, bubugbugon ko talaga, lalo na ang Zach na yan! Makikita niya!”

“At kaya mo naman? Sa tingin ko nga maganda kung magsuntukan kayo eh para magkaalaman na kung sino ang mas magaling. At sa kanya ako tataya, promise.” Sagot ko.

“A ganoon! Gusto mo babalikan natin iyong ipinagmamalaki mong Zach at uupakan ko? Ha?”

“A... hindi na po kailangan.” sagot ko.

“Takot ka naman pala eh...”

“Hindi po ako takot kuya. Nand’yan na po siya o...” sabay turo sa isang lalaking naka-motorsiklo sa gilid lang na aming sinasakyan.

Alam kong si Zach iyon dahil kahit naka-helmet siya, iyon ang damit na isinuot niya. At basang-basa pa rin! “Waaahhh! Ang gandang tingnan talaga ng prince charming ko” sigaw ng utak ko habang pinagmasdan ang machong-machong porma ng pagdala niya sa kanyang motor, dinikitan ang sinasakyan namin”

Lumingon si kuya sa gilid niya at mistulang natuliro siya sa nasaksihan. “At ano naman kaya ang plano ng gagong ito?!” sambit ni Kuya na natunugang sasabayan kami ni Zach hanggang sa pag-uwi.

“E syempre, hinahabol ka niya eh. Kasi… hindi mo man lang siya kiniss kanina. Lagi kaya kaming nagki-kiss sa pagcha-chat namin! Hinahabol niya ang kiss!” ang pang-iinis ko kay kuya, ipinaparamdam din na kinilig ako, sabay tawa.

Mistula namang naputukan ng bomba si kuya sa pang-iinis ko. At marahil ay dahil sa kinikimkim pa ri niyang galit kay Zach at sa akin, sinadyang hinarangan niya ang motorsiklo nito.

“Kuya! Dahan-dahan! Mababangga mo si Zachhhhhhhhh!!!”

At ang sunod kong narinig ay ang malakas na “SCREEECCCCHHHHH!!!!!!”

(Itutuloy)


[09]
Ipinikit ko ang aking mga mata gawa nang hindi ko nakayanang tingnang nabunggo ag aking pinakamamahal na si Zach. At ang sunod kong naalala ay ang malakas na “KA-BLAGGG!”. Biglang nahinto ang aming sinakyan.

Tahimik.

Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata, kinabahan sa kung ano man ang makitang hindi kanais-nais. At bumulaga sa aking paningin si Zach na nakahandusay may ilang metro ang layo mula sa kanyang motorsiklo. At kahit med’yo madilim na ang paligid, may naaninag akong dugo sa ulo niya!

“Kuya! Napatay mo si Zach! Napatay mo siya!” ang sigaw ko sabay baba ko sa kotseng sinakyan namin at tinungo ang kinaroroonan ni Zach.

Shock naman si kuya na nanatili pa rin sa driver’s seat at hindi makakilos.

Pinagmasdan kong maigi si Zach. Hindi rin ito kumikilos. “Kuya tulungan mo ako dito! Patay na yata ito eh!” ang taranta kong sigaw.

Doon na biglang kumilos si kuya. Lumapit siya sa amin, pansin ko ang pamumutla niya. “Tingnan mo ang pulso daliii!!” sigaw niya sa akin.

Dali-dali kong hinawakan ang pulso niya at sinalat ito kung may pintig pa. Gusto ko rin sanang salatin ang harapan niya ngunit sigurado akong patay iyon kaya minabuting pulso na lang niya ang aking sinalat. “M-meron pa ata kuya!”

“O-ok kargahin natin iyan sa kotse at dalhin sa ospital”

Nawindang ako sa narinig. Alam ko, sobrang pagka-rattle na niya na hindi na makapagisip pa ng tama. “Kuya, ambulansya o paramedics ang dapat kumarga niyan no! Hindi tayo puweding gumalaw d’yan baka lalong mas makasama pa sa kanya!”

“O sige, sige… tawagan natin ang ospital.”

At tinawagan nga namin ang ospital.

Habang naghintay kami sa ambulansya at paramedics, sinisi nang sinisi ko naman siya. “Ikaw kasi, salbahe ka! Ngayon, pag namatay iyan, kaya mo bang panindigan na ikaw ang nakapatay d’yan?”

“Huwag ka ngang talak nang talak d’yan! Lalo akong naguguluhan sa iyo!” bulyaw naman niya sa akin.

“Dapat lang na maguguluhan ka kuya dahil kapag may nangyari d’yan,” turo ko sa wala pa ring malay na si Zach, “ibubunyag ko talagang balak mo siyang patayin! Isa kang mamamatay-tao!”

“At kaya mo namang ipahamak ako, ganoon?”

“Oo naman! Sa ngalan ng pag-ibig…!” At talagang nasambit ko ang mahiwagang katagang iyon.

Marahil ay sa sobrang takot, hindi nakaimik si kuya.

“Pero, mapag-usapan naman iyan kuya eh... Hindi naman ako mahirap kausapin” ang dugtong ko noong may biglang sumagi na maitim na balak sa aking utak.

“O… ano na naman ang damage niyan sa akin?” ang sagot ni kuya noong natunugang may kapalit ang pagtikom ko ng bibig sa aking nalalaman upang hindi siya madiin.

“Ah… una, huwag mo akong isumbong kina mama at papa na – ehem! – lalaki pala ang type ko, at pangalawa, itutuloy pa rin ang pagpapanggap mo kay Zach na ikaw si Enzo…” At tiningnan ko siya.

Nag-isip naman si kuya. Maya-maya, “Paano kung hindi ako papayag?”

“Di ok lang… fine. Hayan na ang mga pulis o.” Ang sagot kong ang tono ay may lihim na pananakot sabay turo sa isang patrol na nauna nang dumating sa aming kinaroroonan.

“O, ano ang nangyari dito?” Tanong ng lider ng tatlong pulis na dumating.

Ako kaagad ang humarap. “Itong si Kuya po kasi…” turo ko kay kuya “Yang kaibigan ko, gusto niyang pata--“

Hindi na ako nakapagpatuloy ng pagsasalita gawa noong mabilisang pagtakip ng kamay ni kuya sa bibig ko, natakot na baka totohanin ko ang banta kong sabihin ang nalalaman ko.

“Sandali, bakit mo tinanakpan ang bibig niya?” tanong ng pulis noong makita ang ginawa ni kuya sa akin.

“Chief, unahin muna natin ang biktima o, dalhin na natin sa ospital. Walang malay pa kasi chief, baka matuluyan.” Singit ni kuya paglihis atensyon ng mga pulis.

Dali-dali namang nilapitan ng tatlong pulis ang nakahandusay pa ring si Zach at habang busy sila sa kakacheck sa pulso at pagtitingin sa kalagayan ni Zach, hinablot naman ni kuya ang buhok ko at inilapit ang tenga ko sa bibig niya at bumulong, pansin sa boses ang pagkainis. “Oo na! Payag na ako sa gusto mo, tangina. Wag mo lang akong idiin.” Sabay bitiw at batok naman sa akin.

Kinamot ko ang ulong natamaan. “Dapat lang kuya no! Dahil kapag sinabi ko ang lahat, mabibilanggo ka. At sa loob ng bilangguan, mare-rape ka pa dahil kapag mga katulad mong bata pa, sariwa, at lalo na artistahin pa ang dating mo, iyan ang type ng mga preso. Maraming preso ang mag-aagawan sa iyo. I-auction ka pa nila. Ngunit bago pa ang mga hayok sa laman na mga preso, mga pulis muna ang titira sa birhen mo pang pwet! Imaginin mo na lang ang pagmumukha ng tatlong mukhang tikbalang na mga pulis na iyan” turo ko sa tatlong pulis “...na siyang titira sa iyong pwet! Gusto mo iyon?” sagot kong pigil din ang boses.

Binatukan na naman niya ako. “At bakit ko gugustuhin iyon? Tado ka!”

“Dahil ba pangit sila?” tanong ko.

At isang batok uli ang lumanding sa ulo ko. Ngunit kahit napa- “Arekop!” ako sa batok niya, ok lang sa akin iyon dahil ako pa rin naman ang nagwagi. Bumalik-balik tuloy sa isip ko ang bago ko lang naimbentong kasabihan na “Sa panahon ng kagipitan, daig ng may major major na utak ang may major major na hitsura”. “Hahahaha!” tawa ko lang sa sarili.

Bagamat nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi ni kuya, worried na worried naman ako sa kalagayan ng aking prince charming. Naisip ko tuloy ang ginawa niyang pagsagip sa akin sa dagat at paglips-to-lips niya sa aking wala pang karanasang mga labi sa pamamagitan ng CPR na siyang nagpagising sa aking natutulog na kagandahan. Naimagine ko ang hitsura niya habang nag-eenjoy siya sa pagbubuga ng hangin sa aking baga na sinasidelinenan niya ng pasimpleng pagsisipsip sa aking mga labi.

Habang naglalaro sa aking isipan ang eksenang iyon, hinihipo-hipo naman ng aking mga daliri ang aking mga labi, at pagkatapos ay sinisipsip ko ang mga ito, ninamnam ang laway ni Zach na naiwan pa doon.

Nasa ganong akong kalalim na pagpapantasya noong napa-“Arekop!” na naman ako sa pagbatok uli ni kuya sa akin. “Si Zach! Dadalhin na ng ambulansya sa ospital! Di ka man lang gumalaw d’yan?”

“Sandali!!!” Ang bigla ko rin sigaw noong akmang bubuhatin na nila ang aking mahal. Sabay kasi sa pagbatok ni kuya ang biglang may pumasok sa aking kukote. “Ang mahiwagang Halik! Iyon marahil ang susi upang manumbalik ang kanyang malay!” sigaw ko sa sarili. “Kasi naman noong malunod ako, hinalikan niya ako, mouth-to-mouth nga lang. Kaya siguro dapat, ako na naman ang humalik sa kanya!” sa isip ko lang.

Nagulat naman ang mga taga-ambulansyang bubuhat na sana kay Zach noong sumigaw ako. Tiningnan ang aking alindog habang tumatakbo papalapit kay Zach na dali-daling binigyang-daan din nila upang makalapit, ako bagamat takang-taka sila sa nakita sa akin.

Akmang itanim ko na sana sa mga mapupulang labi ni Zach ang mahiwagang halik ko noong, “Ahhhhh! Uhmmmm!” Umungol si Zach! At sabay sa pag-ungol niya ay ang paggalaw ng kanyang katawan.

Syempre, nagulat ako na hindi ko pa man nailapat ang mga kaakit-akit kong mga labi sa mga labi niya, nanumbalik na kaagad ang kanyang malay. “Ganyan na ba talaga katindi ang kapangyarihan ng aking halik o o naramdaman lang niyang may nakaambang karumaldumal na mangyayari sa kanyang mga labi.” Sa isip ko lang.

“Ahhh! Arekopppp!!!” ang sunod na sambit ni Zach, hawak-hawak ng kanyang kamay ang kanyang ulong nagdurugo.

At sa pagbukas ng kanyang mga mata, ang pagmumukha ko kaagad ang una ninyang nasilayan!

Syempre, heaven ako noong ako pa talaga ang una niyang tiningnan samantalang nakapaligid naman ang mga pagmumukha din ng mg taga-ambulansya.

“K-kuya Zach???” ang buong kasabikang sambit ko. “OK ka lang ba?”

“E-erwin?” Sagot niya.

Bagamat nawindang ng kaunti ang utak ko sa binanggit niyang pangalan, bigla ko ring naalalang pinagpalit ko pala ang pangalan namin ni Kuya Erwin.

Ngunit kung gaano ako kasaya noong binigkas niya ang alam niyang name ko ay siya namang pagkadismaya ko nang, “N-nasaan si Enzo?”

“Amffff!!!!” Hindi pala ako ang hinahanap niya. Prang gusto ko siyang sakalin upang mawalan uli siya ng ulirat.

“Kuyaaaaaa!!!!!!! Hinahanap ka!!!!” sigaw kong may dalang pagdadabog.

Hindi rin nakasagot kaagad si kuya. Natulala ba dahil sa takot na baka sisihin siya ni Zach ngayong nagkamalay na ito at idiin sa mga pulis na sinadya siyang banggain nito, o natulala na siya sa kinasasadlakang sitwasyon na kung saan ay paninindigan na talaga niya ang pagpapanggap na chatmate at may love interest kay Zach.

“Kuyaaa!!! Sigaw ko uli.”

At lumapit naman si kuya. “Zach? Ok ka lang ba?” sambit ni kuya.

“Kuya Zach, dadalhin ka nila sa ospital.” Singit ko naman

“Ayoko. Ok lang ako” sagot naman niya at akmang tatayo ito.

Ngunit natumba siya marahil ay sa pagkahilo. At dahil doon tuluyan na siyang dinala sa ospital.

Kaya, imbes na sa bahay ang punta namin, sa ospital ang bagsak, dinamayan si Zach na conscious na conscious naman at normal naming nakakausap. Sabi ng duktor, may mga check-up lang daw na gagawin at i-CT scan pa ang ulo kung wala bang damage sa kanyang utak ang nangyaring pagdugo nito at pagka-unconscious niya. Kaya, kinabukasan pa raw siyang makalabas.

Wala namang sinisi si Zach sa nangyari. In fairness, ambait talaga niya, nakangiti pa, nagbibiro. Kaya panatag ang loob ni kuya na ok na ang lahat.

Ngunit noong dumating ang papa ni Zach na may kasamang dalawa pa, doon na uli kami kinabahan ni kuya. Paano ba naman. Isang general pala ng militar ang papa ni Zach na sa tingin ko ay marami nang mga napatay at ang huling napatay ay kapapatay pa lamang at atat na atat pa itong pumatay uli. At naka-uniporme pa, may dala-dala pang mga armalite!

Lumabas uli ng kuwarto ang dalawang kasama niya at noong kami na lang apat ang nandoon, dumadagundong naman ang nakakatakot na boses nito sa buong kwarto. “Sino?! Sino ang may kagagawan nito?” ang tanong kaagad ng papa ni Zach.

Nagkatinginan kami bigla ni kuya sa sobrang pagkagulat. At sa pagkakita ko kay kuya, pakiwari ko ay nagsitindigan ang mga buhok niya sa kanyang ulo habang ang mga labi niya ay simputi ng US bond paper. Parang gusto naming magsiunahang tumakbo palabas ng kuwarto.

Nagulantang din si Zach sa hindi inaasahang pagbulyaw ng daddy niya. “Dad… I’m ok. Don’t worry.”

“No son, this is not ok. Sino ang may kagagawan nito? Tell me!” Ang lalong pagtaas ng boses ng daddy niya.

Wala nang nagawa pa si Zach kundi ang tingnan kami. At noong nilingon naman kami ng daddy niya, ramdam ko naman ang panginginig ng aking buong kalamnan at lalo na si kuya.

“What happened???!!!” ang tanong ng daddy ni Zach sa amin

Grabe. Kahit iyon lang ang tanong niya, sobrang napaka-overbearing ng dating ng kanyang pinagsamang boses, tingin, at postura na para bang hihigupin ang lahat ng lakas at pag-iisip mo at wala ka nang magawa pa kundi ang manlupaypay at mawala ang normal na takbo ng iyong utak. Iyon bang takot ka na nga sa lakas at dumadagundong na boses niya, mas takot ka pang magkamali ng sagot dahil may mas nakakatakot pang mangyayari kapag hindi niya magugustuhan ang maririnig sa iyo.

“A… e…, a… e…” Iyon lang ang nasagot ni kuya.

Parang gusto ko na nga rin sanang dugtungan ng “i… o… u…” Kaso, natatakot akong baka masapak na nga ako ni kuya, babarilin pa ako ng to-be daddy-in-law ko.

“Anooooooooo????!” Bulyaw ng daddy ni Zach, hinawakan ang gatilyo ng kanyang baril na lalo namang nagpatindi sa mga takot namin.

At ewan ko ba, kung bakit bigla kong naibuka ang aking bibig. Marahil ay sa sobrang takot sa lakas ng boses niya at sa baril na rin na baka kapag hindi kami nasagot ay tutuluyan na niya kaming barilin. “A… e…, a… e…” habang ang kaluluwa ko ay mistulang lumayas na sa aking katawan.

“Ikaw ba ang bumangga sa anak ko?” Ang dumadagundong uli niyang boses at sinabayan pa ng paglaki ng kanyang mga mata. Ang bulyaw niya sa akin.

“H-hindi po! Siya po!” Sabay turo ko kay kuya na lalong nanginig, namutla at ang buhok ay nanatilnig nakatayo sa aking paningin.

Hindi pa rin nakasagot si kuya, marahil sa magkahalong matinding kaba at pagkagulat.

Mabuti na lang at sumingit na si Zach, “Dad, it was an accident. It was even my fault because I pursued them. They are my friends, dad…”

“O-opo. Aksidente po ang lahat. Wala po kaming kasalanan.” Dugtong ko.

At sa sagot kong iyon, bumaling naman ang daddy ni Zach sa akin. “Sino ba talaga ang bumangga sa anak ko? Ikaw ba?!” sigaw uli ng daddy ni Zach.

“H-hindi po, siya po!” Sagot ko uli at sabay turo na naman kay kuya na sa tingin ko ay lalong nanginginig at namumutla at tayong-tayo pa rin ang buhok sa tingin ko.

“Bakit ikaw ang sagot nang sagot sa akinnn?!”

“A… e…, a… e…” ang nasambit ko uli, hindi na magawang mag-explain pa.

“Anong a-e-a-e? Gusto mong barilin na kita??!! Ha??!!”

“Huwag po! Huwag po!!!” Ang pagmamakaawa ko. “Siya na lang po! Siya naman kasi talaga ang nag-drive e!” ang pagturo ko kay kuya na nanatiling nakatulala.

At marahil ay lumabas na talaga ang natural sa akin sa sobrang takot, napansin naman ito ng daddy ni Zach. “Bakla ka ba? Ha?! Dahil galit na galit ako sa mga bakla. Kapag nakakakita ako ng bakla binabaril ko kaagad ito. Bakla ka ano? Sagotttt!” bulyaw uli niya na ang mga mata ay nanlilisik.

“A, eh... Hindi po! Hindi ako bakla! Lalaki po ako!” ang sagot ko naman, ang boses ay sinadyang pinalaki at lalaking-lalaki ang dating kahit na naginginig ito.

Grabe ang takot ko! Pakiwari ko ay mamamatay na talaga ako sa mga sandaling iyon kung hindi man dahil sa nerbiyos, ay dahil sa pilit na pagpapalaki ko ng boses. Napaihi talaga ako, basang-basa ang aking harapan sa di ko napigilang paglabas ng tubig galing sa aking pantog! Nakakahiya grabe! At sa harap pa naman ng aking prince charming. Iba pala talaga kapag naaalipin ka ng takot, naiihi ka na nga, gusto mo pang barilin na lang ang kuya mo… Grabeh.

Ang siste, noong mapansin pa ng daddy ni Zach ang basa kong harapan, sinabihan ba naman akong, “Kailangan mo yata ay nakapampers!”

Grabe talaga ang nadarama ko. Magkahalong nerbiyos at matinding hiya at ewan ko ba... Ansakit-sakit! Parang mas masakit pa siguro siya kaysa binaril ako sa ulo. Kung di nga lang ako takot e, sana sinagot ko na siya ng, “Whisper with wings na po ang gamit ko!” Kaso, baka tuluyan na siyang mamaril dahil galit nga siya sa mga bading.

Nilingon ko si kuya, ang mukha ko ay mistulang sa isang musmos na sobrang naaapi. Ngunit noong makita ko ang mukha ni kuya, mas nagmukha pa pala siyang kaawa-awa.

In fairness naman kay Zach, hindi kami pinagtawanan. Bagkus tumayo siya at nagpagitna, “Dad… please. Aksidente po ang lahat at wala silang kasalanan. Ako pa nga ang dapat na masisi noon dahil hinabol ko nga sila eh. They are my friends, dad. Huwag mo naman akong ipahiya sa kanila o.”

“Ok… ok… sinabi mo. Sige, maiiwan na muna kita, son. Dumaan lang kami dito. May titirahin pa kaming mga criminal d’yan lang sa tabi-tabi.” Sabay tapik sa balikat ni Zach at tingin sa amin ni kuya na tila bang ipinarinig sa amin na criminal din kami.

Noong kami na lang ang naiwan, nakahinga naman kami ng maluwag ni kuya.

“Pasensya na sa papa ko ha? Ganyan talaga iyon. Istrikto iyon pero mabait.”

“Mabait ba iyon? Babarilin na nga kami eh…” ang pagtutol ko. “Napaihi pa tuloy ako sa pantaloon ko!”

Natawa naman si Zach at pati si kuya ay napangiti na rin. “Tinakot lang kayo noon. Iniisip niya kasing sinadya talaga ang pagbangga sa akin.” Paliwanag ni Zach.

Napatingin naman ako kay kuya. Kasi nagigiguilty ako sa sinabing inakalang binangga. E, binangga naman kasi talaga ni kuya eh.

“P-pasensya na talaga Zach, Ah.” Ayan si kuya ang magpaliwanag bakit ka nabundol. Sabay lingon kay kuya.

“Pasensya na Zach…” ang maiksing tugon lang ni kuya.

“Paano iyan, may utang ka na sa akin. Dapat may kabayaran iyan” sagot ni Zach kay kuya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni kuya. “Ha?! K-kabayaran? Ano...?”

“Pag nakalabas ako dito bukas, Sunday naman eh. Invite ko kayo sa beach resort namin.”

“Talaga?!” Sigaw ko. “Sure!” Dugtong ko pa na hindi na kinunsulta pa si kuya kung papayag ito.

“Ikaw Enzo?” Ang tanong ni Zach kay kuya.

Tiningnan ko naman si kuya, ang mga mata ko ay may pagbabanta.

“Ah, ok ba...” Ang may pagdadalwang-isip na sagot ni kuya.

“Yeheeeyyyyy!” sigaw ko naman sa tuwa, nakalimutan na basang-basa pa pala ang pantalon ko ng ihi.

Syempre naman, nakikinita kong naka-swimming trunks lang ang naggagwapuhang kuya ko at si Zach at syempre ako din. Naiimagine ko tuloy ang mga naggagandahang mga katawan nila, at magharutan kami sa dalampasigan, hahabulin ni Zach si kuya at ako naman, nasa likod at hahabulin si Zach. At kapag nahuli na ni Zach si kuya at nahuli ko na rin si Zach, magpagulong-gulong kaming tatlo sa buhanginan…

Pwede ring magsasayawan kami. Habang yakap-yakap ni Zach si kuya, ako naman, yakap-yakap ko si Zach sa likuran niya. Ang saya-saya!

(Itutuloy)


[10]
Natuloy ang aming outing sa resort nina Zach. Ako, si kuya at syempre, ang aking prince charming na walang iba kundi ang may-ari lang naman ng resort.

At napa-“syeeettttttttt!” talaga ako sa sobrang ganda nito. Nasa isang med’yo liblib na lugar ito at bagong-bago pa lang. May natural waterfalls na ang crystal-clear na tubig ay dumadaloy sa mistulang hagdanang malalaking mga bato at ang bagsak ng tubig ay sa mismong harap ng mga cottages at may mga man-made pools naman sa ibaba na nagsilbing catch basins na kung saan nag-o-overflow ang tubig at tuloy ang pag-agos nito papunta sa dagat na nasa di kalayuan lang din at parte pa rin ng resort. Napaka-presko at tingin ko ay napakalamig ng tubig na nanggaling mismo sa waterfalls.

Sa paligid ng mga pools ay may mga pathwalks na sementado samantalang ang buong lugar ay nababalot ng mga bermuda grass na sadyang inaalagaan upang magbigay ng dagdag na atraksyon sa lugar. Napaka-linis, napaka-presko, may mga palm trees at iba’t-ibang malalaking kahoy din sa paligid na hinayaang magbigay ng lilim sa lugar.

Sa di kalayuan ay makikita ang dalawang naglalakihang swimming pools na may tig-iisang diving boards at matataas na slides. Pinalibutan ang mga ito ng mga folding chairs at mga malalaking de-kulay na mga payong. Ang mga swimming pools na ito ay nasa harap naman ng pormang letrang “C” na four-storey hotel.

Sa banda pa kung saan nagkasalubong ang dagat at ang tubig na galing sa falls ay makikita ang bagamat hindi kalakihan ngunit mapuputing dalampasigan na may haba lang sigurong mahigit 500 metro na sinadyang tambakan ng mga mapuputi at pinong-pinong buhangin.

Sa beach ay nandoon ang iba’t-ibang mga rides gaya ng banana ride, motorboat ride, waterbike ride, jetski, at may kayak pa!

At ang daming guests na foreigners na naka-bikini at swimming trunks. Ang si-sexy!

“Waaahhhh!” ang ganda-ganda ng resort ninyo, kuya Zach! Ito pala ang talk-of-the-town na bago at pinakamagandang resort sa province na to!!!” sigaw ko, sabay lingon sa kuya ko na nanlaki din ang mga mata sa sobrang ganda ng nakita. “Di ba kuya?” tanong ko rin sa kanya.

“May three months pa lang ito actually…” sagot naman ni Zach.

“Magkaano ang gastos ninyo lahat dito tol?” tanong ni kuya.

“Abah, interesado siya, kala mo may pera!” Sa isip ko lang.

“May one hundred million ata? Shareholders ang lahat ng mga kapatid ng daddy dito ngunit 50% ang share niya.”

Napasigaw naman ako, ang mga mata ay nanlaki “ONE HUNDRED MILLION!!!” ngunit bigla ko ding itinakip ang bibig noong mapansing tinitigan ako ni kuya ng matulis.

In fairness ha, ang yaman-yaman pala talaga nina Zach! Gustong-gusto ko na talaga siya. At to-the-max na! Pero si kuya? Dedma ko na lang ang mga matutulis niyang tingin sa akin. Ewan kung bakit naging “conservative” bigla ang kuya ko. Naalala ko tuloy ang sinabi niya noong malaman ang aking pinakatago-tagong sikreto, “Ngayong alam kong bakla ka pala, ayokong may makikita akong mga lalaking kasa-kasama mo ha?”

Siguro may kinalaman iyon doon.

Anyaway, kahit gusto niya akong harangan kay Zach, ang ginawa ko habang naglalakad kaming tatlo at sasadyaing magpagitna siya sa amin ni Zach, pasikreto naman akong lilipat niyan sa gilid ni Zach at aabresyetehan ko talaga ang braso niya. Syempre, sarap kayang tsansingan ng anak-mayaman!

Tapos mapapansin ko na lang si kuyang pasikretong na namang magpagitna sa amin, tanggalin ang kamay kong nakahawak sa braso ni Zach. At uli, pasimple na naman akong lilipat sa kabilang gilid ni Zach. Ang saya-saya! Ewan kung nainis si kuya ngunit wala na akong pakialam ah! Love na love ko na talaga si Zach. Grabe!

Anyway, tinumbok namin ang hotel at namangha uli ako sa ganda ng loob nito, pagpasok pa lang namin sa lobby. At kilala si Zach ng mga nagtatrabaho rito!

“Good morning Sir Zach!” ang sambit kaagad ng mga gwardia, bellboy, crews front desk personnel na sinasabayan pa nila ng pagyuko, lahat sila ay nakasuot ng mga bulaklaking uniporme. Pagkatapos, kinuha ang mga gamit namin, isinakay sa isang cart at hindi ko na alam kung saan dinala.

Mistula talagang mga prinsipe at prinsesa ang turing nila sa amin! At ako iyong prinsesa, naman. At hindi maikubli sa mga mata nila ang paghanga sa nakitang naggagwapuhang amo nila at si kuya ko, na syempre, kasama na rin ang ka-kyutan ko, hehe.

“How long will you be staying here Sir?” Ang tanong ng front desk.

Nilingon naman ni Zach si kuya at tinanong, “Two-days, two nights ba tol?”

“Yes, kuya Zach, yes!” ang pagsingit ko naman gawa nang nag-isip pa si kuya.

“Sandali, may pasok na tayo bukas!” singit din ni kuya.

“Kuya, wala nang pasok bukas. I declare it a holiday!” Sabay bitiw ng nambablackmail na tingin. “Kaya two-days and two nights na po, kuya Zach”

Hindi na nakakibo pa ni kuya. Alam niya na kapag nainis ako, hindi ako mag-atubiling ibuking siya kay Zach.

Napatingin si Zach kay kuya sabay kindat. “Two-days, two nights it is!” ang sagot niya sa front desk na sa tingin ko ay kinilig din sa pagkakita kay kuya at sa amo niyang si Zach.

At ineskortan na kami ng isang bellhop na in fairness, ang gwapo din, nasa 18 ang edad, may 5’10 ang tangkad, mahaba ang buhok na tinalian lang sa likod, makinis ang mukha bagamat moreno, na ewan ko ba sa kanya, tingin ng tingin naman sa akin.

Kaya ko nalaman na tingin ng tingin sa akin ang ungas, ganito kasi iyon. Noong pumasok na kami ng elevator, habang magkatabi sina kuya na nakaharap sa see-through na salamin ng elevator at nakatingin sa naggagandahan tanawin ng mga kahoy, falls, pools, mga naliligo, at landscape sa ibaba, nasa likod naman kaming dalawa. At habang nakitingin din ako sa tanawin, ito namang bellhop ay sa akin talaga siya nakaharap, pinagmasdan ang aking nag-uumapaw na alindog.

Tinitigan ko na rin siya. Mula ulo hanggang paa pa talaga. Siya ngayon itong yumuko na tila nahiya ba o nako-conscious. At noong marating na ng elevator ang 4th floor, naunang lumabas sina kuya at Zach, at kami ang nahuli. Ewan ko rin ba kung bakit nagpahuli ang mokong na di ba dapat ang bellhop ang mauna upang i-guide niya ang mga guests sa room? At nagpahuli lang naman ako dahil sa natanggal ang sintas ng aking sneakers.

Anyway, hala bigla ba naman akong tinanong ng loko. “Sir… kamag-anak nyo ba sina Sir Zach?”

Napalingon tuloy ako sa kanya sa kanyang ka-preskohan. “At bakit mo naman natanong yan, aber?” ang mataray kong tanong din.

“Kasi pareho kayong mga mestiso, mga guwapo…”

Of course, biglang humupa ang aking katarayan sa napakagandang himig na aking narinig. Napalingon tuloy ako sa kanya at binitiwan ang isang beautiful eyes na tingin sabay kurot sa kanyang dibdib. “Woi… ikaw talaga, hindi naman masyado…”

At napangiti naman siya.

At ewan ko ba, nasa dugo ko na yata ang pagkasinungaling at siguro dala na rin ng ka-kyutan niya kaya ang naisagot ko ay, “O-oo, magkamag-anak kami. Kaya ayusin mo ang trabaho mo at pagsilbihan mo kami ng maayos. Lalo na ako, upang mai-rekomenda ko sa Sir Zach mo na i-promote ka, dito, ok?” Parang biro ko lang naman kasi iyon e. Ngunit para rin namang kinagat. “Ano pala ang name mo?” Dugtong ko pa.

“Ormhel po”

“Ormhel? Parang hindi siya common. Wala yata sa almanac ang iyong name pero ok lang, cute naman at wala ka nang choice.” ang sagot ko.

Iyon ang kuwento ng aming pagkakakila ni Ormhel.

So galing elevator, umakyat pa kami sa hagdanan at napa-wow uli ako. Penthouse pala ang naka-reserve sa amin! Sa aming kinalalagyan ay makikita ang paligid ng boung resort at ang penthouse namin ay mistulang sa isang hari. Malawak, may apat na kwarto ito ngunit sa master’s bedroom kami dumeretso kung saan kumpleto ang mga gamit at may dalawang malalaking higaan.

Pinapili kami ni Zach kung tig-iisang room ba kami or doon kaming lahat sa master’ bedroom.

“Master’s bedroom tayong lahat!” Sagot ko.

Hindi na nakaimk pa ni kuya.

“Yeah, it’s what I like too para ma-maximize natin ang time na magakasama tayo. Di ba pare?” Sabi ni Zach, sabay lingon niya kay kuya.

Na sinagot naman ni kuya ng isang may pag-aalangang tango na pinarisan ng isang ngiting-respeto.

“Ang penthouse na ito ay nakareserve talaga exclusive sa sa family namin. Kapag nagbabakasyon kami o may mga bisita… apat lahat ang penthouses ng hotel na ito at ito ang pinakamalaki.” Dugtong ni Zach.

Napansin kong nandoon na rin pala ang mga gamit namin. Agad namang binuksan ni Ormhel ang mga ilaw, ang aircon, ang cable TV, atsaka nagpaalam.

Syempre, di ako magkamayaw sa paghanga sa ganda ng lugar, at pagbagsak-bagsak ng katawan ko sa malambot na kama, pagtatatalon, pagtatatakbo. “Ang sarap dito kuya Zach! Dito na ako titira!! Wooooohoooo!”

At dahil sa may dalawang kama lang ang naroon, napaisip naman ako na tabihan si Zach sa pagtulog. “OMG! Handa na akong mag-goodbye sa aking pikaiingatang virgennes! By hook or by crook, ibibigay ko na ito kay Zach!!!”

Lalo namang tumindi ang matulis na tingin ng kuya ko sa akin na para bang sumisigaw ang isip at nagbabanta ng, “Pag-uwi natin ng bahay, makikita mo, dila lang ang walang latay sa iyong talipandas ka!”

Pero dedma lang ako.

Maya-maya lang ay nag-ring ang intercom. Sinagot ito ni Zach, “Yes, dito na lang Ormhel, sa may terrace.” Ang sabi niya.

Lunch na pala namin iyon. Si Ormhel uli ang dumating, tulak-tulak ang cart na naglalaman ng aming mga pagkain. Inilatag niya ito sa labas ng aming penthouse sa parteng nagsilbing terrace na may mga eskwadradong mesa. Piangdugtong-dugtong muna ni Ormhel ang mga ito, at pagkatapos, inilatag ang pagkain. Sea-foods! At ang pinakapaborito ko – lobster, crab, grilled squid, at steamed lapu-lapu! Ansarap… Sinabayan pa ng napakagandang ambiance na overlooking sa napakandang tanawin sa ibaba, presko na simoy ng hangin, at love songs. Mistulang nasa langit talaga kami. Nakaka-in love! “Haayyyy! Ansarap pala talaga kapag mayaman!” sa isip ko lang.

At habang kumakain, nakaantabay naman si Ormhel sa isang tabi. Doon ko nakita ang busilak na puso ng aking knight in shining armor noong sinabi niyang, “Tol… sabay ka na sa amin!”

Na sinagot naman ni Ormhel na, “Sir… ok lang po ako dito, pagka breaktime na lang po ako kakain.”

“Ito naman o… Para kang ibang tao. Lika na dito, sabayan mo ang mga bisita natin”

Mistula naman akong nawindang sa narinig. Kasi parang may something ang pagkasabi. Di ko tuloy maiwasang hindi mapaisip ng malaswa.

“Lika na… tabihan mo si Erwin”

“Amfff!!! Sigaw ko sa sarili. “Mukhang gusto nitong ipartner sa akin iyong tao ah!”

Nag-aalangan namang umupo si Ormhel. Si Kuya naman ay patuloy pa rin sa kakatingin ng matulis sa akin, ewan ko rin ba kung ano ang drama niya.

Kaya kain, kain. Med’yo nabawasan ng kaunti ang ang aking ganang lumamon dahil sa set-up na magkatabi kami ni Ormhel, habang sina kuya at Zach naman ay ay magkatabi din paharap sa amin. Syempre, conscious na baka nakatingin siya kung paano ko ngatngatin ang crab o lobster or kung paano ko nguyain o isubo o lunukin ang mga grilled squid. Di ko rin maiwasang hindi maglalaro sa isip ang laman ng kaniilang mga utak – si kuya, na nag-aalangang tumabi kay Zach habang binabantayan ang mga kilos ko; si Zach na enjoy na enjoy na kasama si kuya habang pinagtripan kami ni Ormhel; si Ormhel naman na nag-aalangang sumali sa amin ngunit ewan kung ano pa ang naglalaro sa kanyang isip… Bigla tuloy kaming natahimik sa aming pagkain. Parang may dumaan na isang-libo’t isang anghel.

“Nasaan na pala iyong kakambal mo pare… Hindi ninyo isinama?” tanong ni Zach kay kuya.

Napalingon naman si kuya sa akin, ang mga mata ay puno ng kalituhan.

“Eh… n-nasa US na kuya, nag-aaral” ang pagsingit kong sagot sa tanong niya kay kuya.

Ramdam ko namang nabunutan ng tinik ang dibdib ni kuya sa pagsagot ko.

Ngunit may kasunod pa pala ang tanong niya. “Talaga? Ayos ah. Saang state? Marami akong mga cousins doon eh. Balak ko ring doon mag-eenroll ng MA.”

“Nalintekan na! Hindi ko alam ang mga lugar sa US” Sigaw ng utak ko. “S-saan daw iyon kuya?” ang pagpasa ko naman sa tanong kay kuya.

“C-california?” ang may pagdadalawang-isip na sagot naman ni kuya na nagpa-“Wow!” naman ng aking utak. May alam siya sa US. Tawa na lang ako ng lihim.

“Stanford U?” tanong uli ni Zach, tiningnan si kuya.

Tumingin naman si kuya sa akin, ang mga mata ay nanghingi ng tulong. Noong tumango ako, saka siya sumagot, “O-oo.”

“Bigatin! One of the best universities in the world!” ang paghanga ni Zach.

Hindi na kami umimik. Hindi ko naman talaga alam na may nakatirik palang unibersidad sa California na ang panagalan ay Stanford e.

“Alam mo pare…” kwento uli ni Zach. “Kapag pumasok sa isip ko iyong kwento mo sa huli nating pagchat, di ko mapigilan talaga ang di mapatawa.

Nataranta uli si kuya na lumingon sa akin, sabay sabi kay Zach, “Saan doon tol?”

“Iyong tungkol sa dalawang classmates mo sa high school na nagsuntukan, at sa gitna ng kanilang away ay biglang sumugod ang killer na Science Teacher ninyo at galit na galit bumulyaw sa kanila, nanlilisik ang mga mata sa nakitang suntukan, ‘What’s the matterrrr!!!!’ At sa takot ng isa sa kanila sa pagkakita sa tyrant nilang Science teacher ay taranta ding sumagot, inakalang tungkol sa klase ang tanong, ‘matter is anything that occupies space and has weight!’ Tumawa ng malakas si Zach at nagpatuloy. “At pagkarinig ng teacher sa sagot, lalo itong nagalit, bulyaw uli, ‘I’m just asking you what is happening here, idiot!’”

Tumawa uli ng malakas si Zach, pati si Ormhel. Syempre, tumawa din ako. Ako kaya ang nag kwento noon.

Ngunit si kuya, bagamat nakangisi, ay mukhang wala sa mood na tumawa.

“At may isang joke ka pa eh… ano nga iyon pare?” tanong uli niya kay kuya.

Ngunit natulala na si kuya at lihim na tinadykan ng malakas ang paa ko sa ilalim ng mesa. Magkaharap kasi kami. At ang nasambit ko ay, “Aray!”

“Bakit?” ang biglang tanong ni Zach sa akin.

“Ayan o, tinadyakan ako” ang walang pag-aalinlangang turo ko din kay kuya.

Na lalo namang nagpagulat kay kuya. “A… e... sa sobrang tawa ko, pati paa ko ay napatadyak, hehehe.” Ang pag-aalibi ni kuya kay Zach.

Siguro kung kami lang dalawa ni kuya noon, sasambunutan na naman ako noon at sasabihin, “Tado ka! Ano bang pinagsasabi mo doon?”

Pero hindi na ako natatakot. Ako lang kasi ang nakakaalam sa itinatago-tago niyang sikreto na sinadya niya talagang banggain ang motorsiklo ni Zach dahilan ng pagkabagok ng ulo nito sa semento. At lalo na kapag nalaman ito ng daddy ni Zach. Baka di lang manginginig ang buong kalamnan niya, mapaihi pa siya sa matinding takot… Hay naku, alam ko ang feeling.

Kaya iyon ang takbo ng setup namin. Bugbog si kuya sa mga topics na binabalik-balikan ni Zach sa pagcha-chat namin.

Ngunit bumanat din si kuya. “Pare, baka iyong sinabi mong isa kong joke ay iyong pambubugbog ng papa namin kay Manny Paquiao?”

Nabigla naman si Zach. “Owww? Di nga? Di ko pa narinig iyan. Bago iyan ah.”

“Ay... grabe. Sabi ni papa iyakin daw iyang si Manny kapag nabugbog eh.” Dugtong ni kuya.

“Hmmm. Iyong totoo tol... Di nga?” Pangungulit ni Zach.

“Totoo pare!”

“Paano nangyari iyon? Si Manny Paquiao ay world boxing champ at binugbog lang pala ng papa mo? Waaah. Grabe!”

“Kasi, noong 25 years old pa lang si papa, 8 yrs old lang din si Manny eh. Kaya kayang-kayang bugbugin ni papa.”

Mistula namang lalabas ang lahat ng kinain ni Zach sa sobrang paghalakhak. “Nadale mo ako doon ah!” sab ni Zach na halos maluha-luha na sa katatawa.

Ewan ko ba, ngunit may halong inis sa akin ang ginawa na iyon ni kuya. Kasi ba naman nagpapansin e. Di dapat siya ang mapansin ni Zach kundi ako, at ako lang.

Noong matapos ang aming kainan, sa beach naman ang tumbok namin. At napakaganda talaga ng lugar. Sa magkabilang gilid ng beach ay may malaking pampang na pulidong bato at kung saan, sa isang side nagtagpo ang dagat at tubig galing sa falls. May mga babaeng naka-two-piece at mga lalaking naka swimming trunk lang. Nakakapag-init ng katawan.

Ngunit ang pinakamagandang tanawin sa lahat ay ang naggagwapuhang kuya ko at si Zach. Waaahhh! Grabe, nakaka-L talaga sila. Nakakasakit ng puson! Parehong mga mapuputi, matatangkad, mga hunk ang katawan. Si Zach ay makinis ang balat samantalang si kuya naman ay balbon. All-white ang trunk na suot ni Zach at ang kay kuya naman ay all-black. Contrast pa tlaga silang dalawa! At ang sa akin? Ehehehe. Matingkad na pula.

Syeettt talaga. Parang malulusaw ako kapag tiningnan ko ang kanilang mga harapan. Alam kong extra large ang kargada ni kuya sa loob ng kanyang trunk eh; namana kaya niya ito sa kanyang tatay na isang Lebanese. Ngunit mukhang hindi padadaig si Zach kung laki lang ng bukol ang pag-uusapan! Nakikinita kong hindi malayo iyon sa kung ano man ang mayroong itinatago si kuya ko. At… ang gaganda pa ng mga dibdib nila, parang inukit ang mga ito hanggang sa abs nilang parehong six-pack, bagamat ang kay kuya ay may pinong maiitim na pubes na nanggagaling sa ibaba ng kanyang pusod patungo sa ilalim ng kanyang bukol si Zach naman ay kasing kinis ng isang porselana.

Noong una, enjoy na enjoy pa ako. Banana ride ang sinakyan namin. Nauna si kuya, sa likod niya ay si Zach, at ako naman ay sa likod ni Zach. Ang totoo, ayaw sana ni kuya sa ganoong seating arrangement. Gusto niya, isang banana ride sa aming dalawa lang at si Zach ay nasa isang banana ride. Kapangit kaya noon. Atsaka bakit? Napataas tuloy ang kilay ko. Demanding siya huh!

Kasi naman, nakuha ko ang nasa isip niya e. Ayaw niyang matsansingan siya ni Zach at ayaw din niyang ako ang tsatsansing kay Zach. Ang gulo talaga ng isip niya. Nag-iinarte ba!

Pero noong sumampa na si Zach sa isang banana ride, sumugod kaya kaagad ako sa pag-upo sa likod niya sabay tiningin kay kuya, “Kuya, halika na!”

Nag-aatubili man, sumampa na rin si kuya sa may likuran ko. Ngunit sinabihan siya ni Zach, “Tol… dito ka na sa harap ko!”

“Ayunnn!” Sa isip ko lang. “Disgrasya ka!”

At sino ba ang maka-hindi sa anak ng may-ari na bakat pa sa mukha ang enjoyment. Sobrang kj na talaga niya kapag pumalag pa. Atsaka, feeling close na kasi si Zach kay kuya kasi nga, sa pagkakaalam niya, silang dalawa ang magchatmate.

Kaya walang nagawa si kuya kundi ang lumipat ng upuan sa harap ni Zach. At noong umarangkada na ang banana ride, ang sayasaya! Hindi dahil sa sarap ng ride ha? Kundi pagyayakap kay Zach. Exciting!

Wala akong pakialam kung mabilis ang takbo namin o kung may alon mang masalubong. Wala. Hindi ko na-enjoy ang mga iyon. Sa kayayakap lang ni Zach umiikot ang aking interes. Nanginginig ang buo kong kalamnan, grabe! At ninamnam to the max ko talaga ang sarap ng pagdampi ng aking balat sa balat ng aking prince charming. Ganoon pala ang pakiramdam na mayakap ang katawan na walang saplot ng iyong mahal. Parang mawalan ako ng ulirat sa sarap. Habang ang isa kong kamay ay nakalingkis sa kanyang matipunong dibdib, ang isa naman ay nakalingkis sa may bandang abs niya, at palihim na hinahaplos-haplos ang kabuuang parte niyon. Kulang na nga lang ay ibaba ko pa ng kaunti ang kamay ko upang mahaplos ko na rin ang bukol sa kanyang harapan. At syempre, tumigas ang aking alaga sa kaiimagine na nag-lovemaking kami ni kuya Zach at yakap-yakap ko pa ang kanyang flawless na katawan. Parang ayaw ko nang mahiwalay pa sa kanya sa sandaling iyon.

Ewan ko. Pero alam ko tigas na tigas ang aking alaga sa aking ginagawa na mistulang sa ganoong eksena lang ay lalabasan na ako! At hindi ko rin alam kung napansin ito ni Zach. Hindi naman niya ako sinita. Kaya go lang ako.

Habang nasa ganoon ako ka busy sa aking mahalaga ngunit palihim na gawain, napansin ko namang nakayakap din pala si Zach kay kuya! At hindi pumalag si kuya! Na-eenjoy niya ang ride, at nagsisigaw pa silang dalawa ni Zach, “Yeeeeeeee! Yeeeeeee!” iniangat-angat pa ni kuya ang kanyang mga kamay kapag may malalakas at malalaking alon na makasalubong ang banana ride.

At ewan, parang may kung anong sakit akong naramdaman sa aking bayag, este sa puso sa nakita sa kanila. Selos ba?

Ok lang sana iyon. Ang kaso, sa sunod na ride, ang gusto nilang dalawa ay water skiing samantalang ako, nag-iisa sa de-padyak na inflatable ang gulong. “Kuya! Dito na tayo sa de-padyak!” Sigaw ko kay kuya.

Ngunit gusto talaga nilang doon sa water ski. Iyon bang hihilahin sila ng speed boat habang silang dalawa ay nakahawak sa tali at nakatungtong sila sa water skate board.

“Dy’an ka lang at kami na lang dito. Mas delikado rito!” sigaw sa akin ni kuya.

Doon na ako lalo pang nadismaya. Napa-hmpt na lang ako. Malakas lang talaga ang loob ni kuya sa water skiing eh, kahit hindi naman marunong lumangoy. Siguro, malakas lang ang adrenalin rush niya kaysa sa akin. At noong magsisigaw-sigaw na sila, doon ko na naramdaman ang lungkot, at selos na rin siguro.

Halos may isang oras din sila sa water skiing at pagkatapos ay bumalik na sa dalampasigan. Noong makita ko na sila doon, syempre, balik din ako sa dalampasigan at sumabay na sa kanila.

Hindi pa man ako nakalapit sa kanila, nagulat naman ako sa nasaksihan. Aba… anlakas ng tawanan! Nagharutan na sila, nag batuhan ng buhangin, naghabulan, si kuya ang hinabol ni Zach hanggang sa nakita ko na lang na natumba si kuya at nagpambuno sila na parang mga batang musmos at walang pakialam sa paligid kahit na ang mga empleyado sa resort ay nakatingin sa tisoy na boss nilang parang batang nakikipaghabulan sa isang gwapo ding nilalang. Shocked ako! Ganyan na sila ka-close!

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Hindi ko rin alam kung sinadya lang ni kuya na makisakay na lang at iinggitin na lang ako. Iyon bang, “if you can’t beat them, join them”. At “join them” na si kuya sa amin.

Kaya, ang kanina lang na slight na pagseselos ay mistulang sumiklab na naging dambuhalang apoy at nagngingitngit ito sa galit.

Tumakbo ako palapit sa kanila. Noong makita ako ni kuya na matulis ang tingin sa kanya, mistula naman siyang natauhan at biglang tumayo, ang katawan ay nabalot pa ng mga mapuputi at pinong buhangin na dumikit dito.

Bakit ganyan ka kung makatingin?” sambit niya.

Hindi na ako kumibo pa. Naupo na lang ako sa buhanginan at ang mukha ay mistulang iiyak na.

Ngunit lalong tumindi ang pag-aalburoto ko noong hindi nila ako pinansin. At noong lingunin ko sila, nagtatakbo palang pumunta naman sa swimming pool ang tinumbok ang diving board at nagpasiklaban sa pagda dive.

Takbo uli ako. Syempre, hindi ako makapagdive dahil takot naman ako. Ang taas-taas kaya. Kaya lumusong na lang ako sa swimming pool. Ang siste, noong nakalusong n asana ako, bigla na naman silang tumakbo patunog ng basketball court at doon, kinuha ang bola na nasa gilid lang ng court at nagsimulang maglaro.

Lalo talaga akong nainis, nagpupuyos sa galit kay kuya. Sinundan ko na naman sila sa basketball court at noong makarating na. “Kuya!!! Halika nga!” sigaw ko bagamat busy silang dalawa ni Zach sa pag-aagawan sa bola.

Naphinto ng saglit si kuya. “Bakit?”

“May sasabihin ako! Dalii!”

“Di sabihin mo na!” sigaw niya habang bumalik uli sa paglalaro.

“Ayoko! Halika rito!”

“Lintek na… naglalaro ang tao e!” ang pagmamaktol niya sabay pasa sa bola kay Zach. “Ano?” Ang tanong niya kaagad.

“Samahan mo ako sa CR!”

“Hayun ang CR o!” Turo niya sa CR, ipinahiwatig na ako na lang ang pupunta.

“Doon tayo mag-usap” ang pigil at patago kong sabi sa kanya upang di mapansin ni Zach.

Napilitan siyang sumama. Noong nasa CR na kami, tiningnan niya ako. “Ano?”

“Anong ano? Bakit mo inilayo si Zach sa akin?”

Bigla naman niya akong binatukan sabay sabing, “Anong inilayo? Pakana mo ang lahat ng ito. Ikaw itong nagsabi sa akin na ituloy ko lang ang pagkunwaring ako ang ka chatmate niya. At ngayon heto, feeling chatmate ko na nga iyong tao, ikaw naman itong may problema. Ano ba ang dapat kong gawin?”

“Magkunyari kang ka chatmate pero hindi ko sinabing agawin mo siya sa akin eh!”

At isang batok uli ang lumanding sa aking ulo. “Hindi ko aagawin iyan sa iyo dahil hindi ako bakla! Ngayon, kung ayaw mo na, e di sabihin na natin na ikaw ang tunay na chatmate niya, para matapos na to! Tingnan natin kung makipagkaibigan pa yan sa atin kapag nalaman niya ang lahat na niloko mo lang siya.”

Mistula naman akong nadaganan ng pison sa narinig. Kaya blackmail sa blackmail. “O sige, sabihin mo sa kanya iyan at isusumbong din kita sa daddy niya na sinadya mong bungguin ang motor ni kuya Zach kaya siya naaksidente at muntik mamatay!”

Hindi din nakasagot si kuya. Maya-maya, “Ano ba kasi ang gagawin ko, tol… Naguguluhan na ako sa iyo eh. Kasalanan ko ba kung gusto noong tao na magwater skiing o magbasketball kami? Kasalanan ko ba kung pareho ang aming gustong sport? Kasalanan ko ba kung gusto niyang sumama sa akin? At ikaw, ayaw mo rin naman sa mga ganoong klaseng sport eh! Ayaw mong sumali sa amin. At... ok, sabihin na natin, kasalanan ko ba kung siguro type niya ako o anuman...?”

“Araykopo!” Sigaw ko sa sarili. Ansakit noon ha. Para akong sinaksak sa dibdib. At ang nasambit ko na lang sa kanya ay, “Mahal ko iyong tao kuya… nasasaktan ako eh!” sabay iyak na.

In fairness, niyakap din ako ni kuya… tinapik-tapik ang balikat. “Oo na, naintindihan ko. Pero isipin mo naman kasi ang kalagayan ko. Heto nga, ginawa ko na ang lahat na gusto mo, kahit naiinis ako. Ayoko, ok? Ayoko, inenjoy ko na lang dahil wala akong choice. Ngayong ginawa ko na, heto, ikaw naman ang magagalit. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?” Ang pagmamaktol ni kuya.

Wala akong naisagot. Pati ako naguguluhan din kasi kung ano ba talaga.

“Sumali ka na lang kasi sa laro naming basketball. Tara?” ang paghikayat ni kuya na babalik na kami sa court. Ngunit may pahabol pa ito. “Ayaw ko rin kasing maglalandi ka sa Zach na iyan e!”

Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. “Ayaw mo akong maglalandi pero ikaw itong naglalandi sa kanya, ganoon ba iyon?” ang padabog kong sabi.

Hinablot naman niya ang buhok ko, sabay pisil sa aking mukha. “Kulit!”

At sumama na lang ako sa kanya pabalik ng court. Ngunit doon, nakaupo lang ako sa isang tabi, nanood sa kanila habang naglalaro, lungkot na lungkot ang mukha.

Bigla namang napahinto si Zach noong mapansin ako. Mistulang alam na may inis akong naramdaman. Iniwanan niya si kuya, nilapitan ako, at umupo sa tabi ko, umakbay sa akin sabay sabing, “What’s the matter?” binitiwan ang pamatay niyang ngiti.

At ewan ko ba... Pagkakita ko kaagad sa nakamamatay niyang ngiti, feeling ko ay bigla ding nalusaw ang aking naramdamang lungkot. At namalayan ko na lang ang sariling sinagot ang tanong niya ng, “Matter is anything that occupies space and has weight!”

Sabay kaming nagtawanan. At tuluyan nang nawala ang paghimutok ko. Ag sarap kayang tingnan ng ngiti ng prince charming ko. At ang galing niyang magpahupa ng sakit ng damdamin!

“Kulit! Kulit! Kulit! Kulit!” ang sunod naman niyang birit sa akin sabay pagpiisil sa aking pisngi. “Tara, kain tayo” dugtong niya sabay tayo at hinawakan ang kamay ko upang makatayo na rin. Agad naman siyang umakbay sa akin patungo sa cottage na nireserve ng mga staff sa resort para sa bosing nila.

Tiningnan ko na lang si kuya at dinilaan, may halong pang-iinggit na sa huli, ako pa rin ang nagwagi kay Zach. At hayun, dinilatan na naman niya ako.

Habang naka-akbay si Zach sa akin, iyon bang akbay na halos sakalin na ako sa sobrang higpit na may halong paglalambing, inilingkis ko naman ang braso ko sa katwan niya. Sarapppppp!

Nasa ganoon akong pananantsing noong si kuya naman na naasa likuran lang nakabuntot ay kinurot ang braso kong naka-lingkis sa katawan ni Zach.

Pero dedma na lang ako kay kuya. Tiniis ko ang sakit.

Mag-aalas dose na ng gabi iyon, galing kami sa beach party na inihanda para sa mga guests. Lasing na lasing na kami ngunit kahit sa terrace ng penthouse ay nag-inuman pa rin kaming tatlo. Si kuya, halos hindi na maibuka ang mga mata sa kalasingan at si Zach ay ganoon din. Kuwentuhan pa rin sila at kahit halos lupaypay na ang mga katawan. Napakaganda kasi ng puwesto namin, malamig ang simoy ng hangin, may mellow na music. At kung anu-ano na lang ang topic. Pansin ko talagang sobrang close na nila na halos lahat ng mga gusto at di gusto nila ay pareho. Sa isang maliit na kwento lang na walang katorya-torya, bigla na lang magtatawanan sila na parang mga gago.

Napaunta akong CR sandali noon upang dumumi. Ngunit sa pagbalik ko galing CR, pakiramdam ko ay biglang nawala ang kalasingan ko sa nasaksihan.

Magkaharap sina kuya at Zach, ang mga mukha ay halos magkadikit na, at nakaakbay ang isang kamay ni Zach sa balikat ni kuya na mistulang hinahawakan ang ulo at inilapit ang mukha ni kuya sa mukha niya. Nagtitigan sila na animoy mayroong nag-uumapaw na emosyon ang bawat isa sa kanila.

Habang nakatayo na lang akong nakatingin sa kanila, hindi magawang makakilos sa pagkagulat, kitang-kita ng aking mga mata ang unti-unting lapit at pagdikit ng kanlang mga mukha.

Hanggang sa tuluyang naglapat ng kanilang mga labi...

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment