Thursday, January 3, 2013

Si Utol at ang Chatmate ko (Finale)

By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
FB: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

Nagulat din ako noong bumulyaw din sa akin ang nasa kabilang linya ng, “Tado, ako to! Kuya Erwin mo! Sipain na kita d’yan eh!”

At pakiramdam ko ay umikot ang buong paligd sa aking narinig. Parang ang lahat ng dugo sa aking katawan ay dumaloy papunta sa aking puso at hindi ako makahinga sa sobrang pagkabog nito. “Kuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaa!!!!!!!!!!” ang sigaw kong naglupasay sa tuwa sa pagkarinig sa boses niya. Nagtatalon na ako na nag-iiyak, di malaman kung aawayin siya o lambingin.

Tawanan silang lahat. Parang alam nila na si kuya pala iyon.

“Saan ka ba ngayon? At saan ka nagpunta? Bakit mo ako iniwanan sa isla? Kuya naman e... Muntink na akong mamatay wala ka man lang sa tabi ko? Anong nangyari sa iyo?” ang sunod-sunod kong tanong, ang boses ay tumaas na mistulang galit.


“Ammffffffff! Isa-isa lang! Andami namang tanong! Pupunta kami ni papa d’yan next week, saka na ako magpaliwanag.”

“Next week? Bakit next week???”

“Anong gusto mo, next month?” ang pilosopo niyang sagot.

“Bakit ang tagalllll?!!!!” ang boses ko ay galit na.

“Bakit ano bang akala mo sa akin, superman? Syempre, maraming mga papeles, requirements... Hindi ganyan kadali magpunta d’yan no?!”

Bagamat na-disappoint ako ng kaunti kasi isang linggo ko pa pala siya makikita, wala na akong magawa. Natakot kasi ako na baka bigla naman siyang mawala. “Kuya wala na si kuya Zach!!!” ang naisiwalat ko, at muli hindi ko napigilan ang hindi mag-iiyak.

“Alam ko...” ang sagot niya, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. Halatang malungkot ang kanyang boses.

“Paano mo nalaman?”

“Basta ipaliwanag ko na lang kapag nandyan na ako!”

“Kuya text-text tayo ha? Na miss kita, sobra. Antagal kitang hinahanap e...”

“Namiss din naman kita e. Pero bukas na, bibili pa ako ng bagong sim. O sige, bye na asawa ko... Mwah!”

“Kuya??? Kuya??? Mag-usap muna tayo ah!!!” ang pahabol ko. Ngunit naibaba na niya ang kanyang telepono. Nagtaka na naman tuloy ako kung bakit para siyang nagmamadali. Pero iyong sinabi niyang “bye na asawa ko...” ansarap pakinggan! Sabagay, kasal na kami. Sa kanyang kuwarto nga lang at kaming dalawa lang ang nakakaalam. “Hayyyy! Hindi pala talaga niya nalimutan ang kasal-kasalan naming iyon.”

“B-akit kaya biglang ibinaba ni kuya ang telepono ma?” baling ko kay mama.

“M-may mga gagawin pa raw silang preparasyon ng papa mo anak, kaya nagmamadali. Kapos ang oras nila kaya hayun... Hayaan mo na. Makakapiling mo rin ang kuya mo.

Sa nakita kong pang-unawa at pag-intindi ni mama sa naramdaman kong kasabikan kay kuya, bigla ding pumasok ang pag-aasam na sana ay maisiwalat ko na sa kanya ang lahat tungkol sa namagitan sa amin ni kuya. Parang may nag-udyok sa akin na magsalita.

Napatitig ako kay mama.

“Bakit anak? May bumagabag ba sa iyong isip? May sasabihin ka ba?”

At tumulo na naman ang luha ko. Kasi, sobrang naappreciate ko ang kanyang kabaitan at malawak na pang-unawa. Niyakap ko siya. “Salamat ma ha?”

Mistulang nagtaka, niyakap na rin niya ako. “Salamat saan?”

“Sa lahat-lahat... sa hindi ninyo pagbitiw sa akin noong nasa bingit ako ng kamatayan, sa pag-alaga ninyo simula noong maliit pa ako. Sobrang blessed po ako na kayo ang napili ng aking ina na maging pamilya ko, na magiging mama ko. Sobra ang pasalamat ako na itinuring po ninyo ako na tunay na anak.” Ang nasambit ko.

“Ano ka ba Enzo. Anak naman talaga kita eh. At ayaw na ayaw kong isipin mong iba ako sa iyo dahil hindi kita itinuring na iba. Nasasaktan din ako anak. Nag-iisa kang bunso sa pamilya ko. Karugtong ng buhay ko at ng papa mo, ang buhay mo. Tandaan mo iyan. At hindi ako papayag na malayo ka sa akin.” Ang sagot ni mama.

“Mahal na mahal kita ma...”

“Mahal na mahal din kita anak...”

“Ma... puwede po bang may...” halos hindi ko na maituloy ang sasabihin. Parang may pagdadalawang-isip din akong nadama kung ituloy ko pa.

“A-ano iyon anak? Sige sabihin mo. Makikinig ako.”

“K-kahit ano po?”

“Kahit ano, anak...”

“Hindi po kayo magagalit?”

“Bakit naman ako magagalit?”

“Natatakot ako ma e...”

Nilingon ni mama ang nurse at ang aking biological na ina. “Puwedeng iwanan ninyo muna kami?” ang sabi niya sa kanila.

Tumalima naman sila.

At noong kaming dalawa na lang ni mama ang naiwan, “O sige anak... kahit ano ang sasabihin mo, pangako hindi ako magagalit. Huwag kang matakot anak... Kakampi mo ako.”

Sa narinig kong sinabi ni mama, lumakas ang loob kong ibunyag na ang lahat. “A-alam niyo po ma... may... eh... n-nagmamahalan po kami ni kuya Erwin.” at muli na naman akong napaiyak. Iyon bang feeling na nahahabag sa sarili at hayun, sa wakas ay naipalabas din ang lahat ng hinanakit sa isang taong pinagkakatiwalaan mo.

Niyakap ako ni mama, hinaplos ang aking buhok. “Alam na namin ng papa mo ang lahat, anak. Huwag kang mag-alala...” ang casual na pagsagot ni mama.

Na ikinabigla ko naman. Kumalas ako sa pagkayakap niya at tiningnan siya sa mata. “T-talaga po? Hindi po kayo galit?”

“Ako... nabigla. Pero ang papa mo, galit na galit... noong una lang naman. Nagtatampo, hindi makapaniwala. Kasi hindi naman niya inaashan na ganyan ang mangyayari, lalo na kay kuya Erwin mo... Ngunit natanggap na rin niya ang lahat kasi, na analyze din niya na marahil ang nangyari sa kuya Erwin mo ay dahil sa sobrang attachment niya sa iyo; napamahal siya sa iyo ng sobra dahil sa simula pa lang kasi, alam niyang hindi kayo magkapatid. Kung napansin mo nga minsan, sobrang napaka-overprotective sa iyo ang kuya mo na halos ang turing na niya sa iyo ay pag-aari niya. Kahit noong bata pa iyan, bago ka palang niyang nakita, halos ipasok ka na lang sa bag niya upang hindi mawalay sa kanya kahit pa nasa school siya. Hindi siya nagbago. Ang palagi niyang sinasabi sa amin ay, ‘akin yan, bunso ko yan, ako ang nakakita niyan.’”

Napatango na lang ako sa sinabi ni mama. Totoo naman kasing sa lahat ng aking gawain, hindi maaaring hindi umepal si kuya. Laging nakikialam, lagging nagbabantay, umaaligid... Sobrang seloso pa. “P-paano pala ninyo nalaman ma ang tungkol sa amin ni kuya?”

“Si kuya Erwin mo mismo ang nagsabi sa papa mo. Nag-usap sila ng masinsinan, lalaki sa lalaki...”

“G-ganoon po ma? Kailan naman po iyon nangyari?”

“May tatlong buwan na ang nakalipas?”

“Tatlong buwan?” Sa isip ko lang. “Ibig sabihin, noong nagkasal-kasalan kami sa kuwarto niya, nasabi na niya kina mama at papa ang lahat?”

Ngunit kinilig din ako sa nalaman. Kasi ipinakita ni kuya na ipinaglaban niya talaga ang aming pagmamahalan at pinanindigan pa niya ito. Siguro iyon na iyong sinabi niya palagi sa akin na siya daw ang bahala. Feeling ko tuloy ay isa akong babae, at hiningi niya ang mga kamay ko sa aking kinikilalang ama. Wow! Ang sarap naman ng pakiramdam. “B-bakit kaya sinabi ni kuya iyon kay papa ma?” tanong ko.

“Wala naman. Gusto lang daw niyang malaman namin na mahal na mahal ka niya at ayaw niyang mawala ka, at sa pamilya natin. At ang pagmamahal niya sa iyo ay mas higit pa kaysa kapatid. At natatakot daw siyang ibalik ka namin sa iyong biological na ina at doon na mamalagi sa Amerika...”

Tumaas nga ang boses ng papa mo bigla noong sinabi niya iyan, sabi sa kanya, “Gago ka ba? Kapatid mo iyan? At hindi babae iyan?”

Na sinagot naman ng kuya mo na, “Hindi ko kapatid si Enzo pa! Sa simula pa lang alam ko na iyan. Ako ang nakakita sa kanya! Akin siya! At wala akong pakialam kung hindi siya babae. Basta mahal ko siya.”

“Pinayuhan din namin siya na baka nasobrahan lang siya sa pagiging overprotective sa iyo at na subukan niyang ibaling ang pag-ibig niya sa iba. Ngunit ayaw paawat ng kuya mo. Alam mo naman iyan, hindi basta nanghihingi iyan ng kung anu-ano sa amin. Ngunit kapag nagkagusto naman ng isang bagay, hindi papayag na hindi niya makamit ito. Kaya, wala nang nagawa ang papa mo kundi ang makipagkumpromiso. May usapan na sila na hindi ipahiya ng kuya mo ang pamilya natin, at na hanggang sa makakaya niya, itago niya ang inyong relasyon hanggang buhay pa ang papa mo. Syempre, magkapatid kayo... Isa lang ang mga magulang ninyo. Sa batas ng tao at sa batas ng Diyos, hindi tama ito...”

Sobrang touched talaga ako sa ginawa ni kuya. Lalo tuloy tumindi ang aking pagnanais na makita siya, mayakap, mahagkan...

“S-salamat ma...” ang nasambit ko na lang.

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa araw na iyon. Para pa rin akong natulala sa dalawang magkasalungat at sukdulang mga pangyayari sa aking buhay. Sobrang lungkot dahil sa pagkawala ng kuya kong si Zach, ngunit sobrang saya naman dahil sa pagsulpot ng aking mahal na kuya Erwin at sa nalamang ginawa niyang paninindigan sa aming pagmamahalan.

Kinabuksan, naghanda kami upang bisitahin ang burol ni kuya Zach. Nasa mansyon na daw nila ito.

“Heto anak ang isuot mong damit, at dalian mo ang pagbihis upang makahabol tayo sa rite na gaganapin sa burol ng kuya Zach mo” ang wika ng biological kong ina.

Pansin kong pinaghandaan talaga nila ang pagpunta namin sa burol ni kuya Zach. Ang aming mga damit ay ipinagawa pa talaga sa isang sikat na couturier na nandoon din tumulong sa pagbibihis namin, may mga make up assistants din na nagmi-make-up kina mama.

Pero hindi na ako nagtanong pa kung bakit kailangang ganoon ka espesyal ang kanilang paghahanda sa okasyon kasi nga, mayaman naman ang aking biological na ina. At pangalawa, maaaring ganyan talaga ang mga mayayaman sa Amerika at lalo’t mayayaman din sigurado ang kanilang mga bisita o mga taong dadalaw sa burol ni kuya Zach. Mayaman kasi ang daddy ni kuya Zach kaya siguradong mayayaman ang kanilang mga kaibigan. “Ano pong rite iyon ma?” ang tanong ko na lang.

“Seremonya sa pag-bless ng mga labi ng kuya mo.” Ang sagot ni mama.

“Ah... pero kailangan po bang naka-coat and tie talaga ako ma? Hindi kasi ako kumportable eh.” Ang puna ko noong naisuot na sa aking ang coat and tie at parang hindi ako makakilos ng maayos.

“Kailangan, anak... Pormal ang okasyon at dapat tayong lahat ay naka pormal, lalo na bahagi tayo ng pamilya ng kuya Zach mo.”

“Ahhh g-ganoon po ba ma? Sige po... tiisin ko na lang po.” ang sagot ko.

At noong humarap na ako sa kanila. “Wow! Ang guapo-guwapo naman talaga ng anak ko!” ang sambit ni mama. Kapag nakita ka ng kuya Erwin mo sa ganyang ayos... naku, maiinsecure iyon sa iyong kapogian. Manggigigil na naman iyon sa iyo anak.” Ang biro ni mama.

Tawanan lang sila, bagamat kinilig din ako sa narinig. Alam kasi ng mama ko na kapag nangigigil sa akin ang kuya Erwin, guguluhin niya ang buhok ko, kukurutin o kagatin ang mukha, sambunutan, o ba kakarghin at kakagat-kagatin ang iba’t-ibang bahagi ng katawan. Sa biro ni mama, lalo itong nagpatindi sa aking pagnanasa na makita muli ang kuya Erwin ko at makita sa ganoong ayos.

Binitiwan ko na lang ang isang buntong-hininga. “Next week ko na makikitang muli ang kuya Erwin ko!” Sa isip ko lang.

Habang binaybay ng sasakyan namin ang highway patungo sa mansyon ng daddy ni kuya Zach, hindi naman ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit. Nalungkot ako sa pagkamatay ni kuya Zach, naawa, at sobrang naapreciate ang kanyang kabaitan lalo na sa pagbigay ng mga mata niya sa akin. Habang iniikot ng aking mga mata at sinamsam ang ganda ng aking mga nakikita sa paligid, hindi mbura-bura sa isip ko ang sinabi ni kuya Zach sa akin, “...palagi mo pa rin akong maalaala, at palagi mo pa rin akong makakasama. Sa pamamagitan ng aking mga mata, makikita mo ang kulay ng mundo, ang iba’t-ibang bagay, lugar, o tao na makakapagbigay ng aliw, inspirasyon at katuturan sa iyong buhay. Sa pamamagitan niyan, hindi na kita maaaring iwanan pa.” Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga.

May inip din akong nadarama sa hindi pagtext sa akin ni kuya, na taliwas sa sinabi niya na sa araw na iyon niya ako iti-text. Gustong-gusto ko na siyang makita o makausap, kahit sa text man lang, lalo na sa panahong iyon na nalulungkot ako sa pagkawala ni kuya Zach.

Noong nilingon ko ang aming mga kasama sa sasakyan, tahimik silang lahat, maliban kay mama na text nang text at minsan at may kausap sa telepono. Pero hindi ko na pinansin kasi abala ang aking isip sa pag-absorb sa napakabilis na mga pangyayari.

May halos dalawang oras noong dumating na kami sa mansiyon ng daddy ni kuya Zach. At med’yo nabigla ako noong sa bungad pa lang ng kanilang mansion ay may nakalagay sa monitor tumatakbong petsa ng araw, “Dec 14...”

Biglang napalingon ako kay mama. “December 14 na pala ngayon ma?” ang tanong ko. Bigla din kasing sumingit sa isip ko ang sinabi ni mama na dahilan kung bakit walang palyang binibigyan ako ng regalo ni kuya Erwin kada Dec 14 kahit wala namang okasyon. At ang palagi lang sinasabi niya kapag tinatanong ko kung anong virus ang umatake sa utak niya ay, “Lucky Day Celebration” lang iyon. Syempre, ako naman pag may regalo, tanggap na lang nang tanggap. Kuya ko yata ang nagbigay at baka magbago pa ang isip niya kapag marami akong tanong. Ngunit nalaman ko rin noong huli mula kay mama ang tunay na dahilan: ang petsa pala na iyon ay ang araw kung saan ako “napulot” ni kuya Erwin sa gate ng lumang bahay namin.

Syempre, sa sunod na linggo pa makakarating ang kuya ko sa Amerika kaya inexpect ko na marahil, may ibibigay na naman siya sa akin sa airport pa lang. Di ko tuloy maiwasang maglaro sa aking isip ang eksena kapag nagtagpo na muli kami ni kuya sa airport.

“Siguro... sa pag labas na paglabas pa lang niya sa exit area, tatakbo siya palapit sa akin, at ako din sa kanya, tapos yayakapin niya ako, kakargahin, iikot-ikot, guguluhin ang buhok, pipisilin ng malakas ang aking pisngi, kakgatin ang leeg o kaya ang dibdib o ang tiyan... Pagkatapos, bibigyan niya ako ng bulaklak, o chocolate, o baka isang regalo na nakabalot pa ng gift wrapper. Tapos ayaw na akong pakawalan niyan, harutan na at as usual, gagawin na naman akong parang laruan na aasar-asarin, tapos lalambingin.”

“Anak... pasok na tayo sa loob.“ Biglang naputol ang aking pagmumuni-muni noong magsalita si mama. Nasa labas na pala sila ng sasakyan at ako na lang ang nasa loob nito.

Noong pumasok na kami sa loob ng mansyon ni na kuya Zach, namangha ako sa ganda at lawak nito. Parang isang palasyo. Sa gitna ng lobby ay naroon ang kabaong ni kuya Zach at mula sa main entrance ng lobby ay may pasilyo sa pagitan ng mga upuang nakaharap naman sa kabaong ni kuy Zach.

Inikot ko ang aking mga mata sa paligid. Maraming mga taong pormal din ang mga kasuotan, nakaupo ngunit noong dumating kami ay lumingon lahat sa amin na nasa bungad pa lamang ng main entrance. Siguro ay alam na nila na ang inay ko ang biological na ina ni kuya Zach at ako ang kapatid.

Nilapitan kami ng daddy ni Zach na naka-coat and tie din. Kinamayan siya ng dalawa kong ina, at ng asawa ng aking biological na ina.

Noong ako na ang kumamay sa kanya, nagtaka ako sa kanyang binitawang salita sa akin, “Maya malaking kasalanan akong nagawa sa iyo, hijo... Sana ay maintindihan mo ako.”

“P-po???” ang bigla kong naisagot.

“Mamaya, sasabihin ko.” Sabay muestra sa amin na tumbukin na ang kabaong ni kuya Zach.

Nagtaka man sa kanyang sinabi, sumunod na lang ako sa mga mama kong dumeretso sa kinalalagyan ng kabaong. Noong masilip ng biological naming ina ang mukha ni kuya Zach sa loob ng kabaong, umalingawngaw sa buong lobby ang panaghoy ng isang inang nawalan ng isang anak. Lahat ng tao sa paligid ay napaiyak. At ang kinikimkim na sakit sa aking kalooban ay pinakawalan ko na rin. Kasabay sa pighati ng aking biological na ina ay ang aking hikbi at walang humpay na pagdaloy ng aking mga luha.

Maya-maya, narinig ko ang ugong ng mikropono. Nagsalita ang daddy ni kuya Zach.

“Minsan sa buhay ng tao, hindi maiiwasan na may matatapakan tayong ibang buhay din; ibang pamilya, mga taong nagmamahalan, mga emosyon, o pangarap... Ako ay hindi exempted sa alituntunin na ito ng buhay. Bilang isang ama na nagmamahal sa kanyang anak, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang sana ay kahit sa huling mga araw niya sa mundong ito, ay mabigyan ko siya ng kaligayahan. Bilang isang ama kung saan nakikita ang pagdurusa ng kanyang nag-iisang anak na pakikipagbuno sa kamatayan, pakiramdam ko ay tinatadtad ang aking puso, parang sa unti-unting pagliit sa mitsa ng kanyang buhay, ay kasama din akong nawawalan ng lakas, ng sigla, at ng pag-asa... Walang oras na ang tanging iniisip ko ay ay ang paghihirap niya at kung paano ko siya matulungan upang kahit bago siya pumanaw ay may saya pa akong makikita sa kanyang mukha at ngiti sa kanyang mga labi. Oo, sa palagay ko, ay nabigyan ko siya ng saya, kahit papaano. Lumisan ang anak ko na may baong saya at nag-iwan ng ngiti sa aking ala-ala...”

Napahinto sandali ang daddy ni kuya Zach, humugot ng panyo sa kanyang bulsa atsaka pinahid ang kanyang mga mata. “Ngunit sa kabila ng saya niya ay may mga taong natapakan dahil sa pagnanais kong sumaya ang aking anak. Noong una, hindi alam ng aking anak ang aking ginawa. Subalit walang lihim na hindi mabubunyag. Akala ko ay magagalit siya, ma-disappoint. Ngunit naintindihan niya ang lahat at siya ang nagmungkahi sa mga bagay na gagawin upang maituwid ko ang lahat ng mga kamaliang nagawa ko sa kanya, at sa mga taong natapakan ko. Ito daw ang paraan upang maituwid ang mga nasirang pangarap ng mga inosenteng taong natapakan ko, sa mga taong nasaktan at nasira ang buhay... Doon ko narealize na sadyang napakabait ng aking anak. Siya ang nagbukas ng aking mga mata sa tama. Sa ginawa niya, kahit na wala na siya, nagdulot ito ng saya at pag-asa... Noong narealize niyang nasa point of no return na siya at naisip niyang kapag wala na siya ay wala ng mag-aalaga sa akin, siya rin ang nagmungkahi na kukuhanan siya ng sperm cells para kahit pumanaw man siya ay magkakaroon pa rin ako ng apo, at marami kung gugustuhin ko... Ganyan ka maalalahanin ang anak ko.” At turo sa biological kong ina at sa akin, “At dahil dito, ay magkakaroon na rin ng mga apo si Martha, at si Enzo, mga pamangkin.”

Pumalakpak ang daddy ni Zach kaya nagsunuran na rin kaming lahat na pumalakpak. “At iyan ang gagawin ko, pagkatapos na pagkatapos kagad ng libing niya.”

Hinawakan ko ang kamay ni mama sabay bulong ng, “Ang bait talaga ni kuya ma no?”

Tumango lang din ang biological kong ina. Alam ko, noon lang din marahil niya na-realize kung gaano kabait si kuy Zach.

Tila nahimasmasan na ang daddy ni kuya Zach at pinilit na nitong ngumiti. “At dahil ayaw ng anak ko na maging malungkot tayo sa kanyang pagpanaw, kaya simulan na nating ipatupad ang hiling at plano niya para sa araw na ito ng kanyang burol...”

At bumalik na sa kanyang upuan ang daddy ni Zach.

Nanatili lang kaming nakaupo, naghintay sa sunod na mangyari, nagtatanong sa isip kong ano ang hiling ni kuya Zach na gusto ninyang mangyari.

Namatay ang mga ilaw.

“May brown out din pala dito sa Amerika ma?” ang inosenteng tanong ko kay mama.

Ngunit hindi ako sinagot ng aking biological na ina. Bagkus, “Anak, halika, samahan mo ako...” Sabay hila sa aking kamay habang tumayo siya at tinumbok namin ang main entrance.

Nakatayo kami doon sa bukana mismo ng main entrance ng may 15 minutos. Madilim pa rin ang paligid.

Noong binuksan na ang ilaw ay namangha ako sa nakita. Ibang-iba na ang hitsura ng paligid, puro makukulay na mga palamuti. Maraming mga bulaklak ang nagsulputan, balloons, ribbons. Naging isang masayang lugar na ito, taliwas sa naunang malungkot na halos puti at itim lang ang mga nakikitang kulay.

“Paano napunta ang mga iyan d’yan ma? Wowww! Ang ganda?” ang sigaw ng isip ko habang nanatili kaming nakatayo ni mama sa lugar na iyon  hindi ko rin alam kung bakit.

Pati ang mg gilid ng main aisle ay may mga flower pots at mga bulaklak na rin. Ambilis ng pagsulpot nila!
Noong tiningnan ko ang sentro ng lobby kung saan nandoon ang kabaong ni kuya Zach, bahagyang nasa tabi na ito at ang nakalagay na sa gitna ay isang lamesa at sa harap noon ay may dalawang upuan paharap sa mesa.

Maya-maya, may pumasok na isang taong naka-coat and tie din, may dala-dalang parang libro...

“A-ano ang nangyari ma?” ang tanong kong nabalot sa matinding pgkalito.

Hindi sumagot ni mama. Nginitian lang niya ako sabay hawak sa aking kamay.

Ngunit doon na ako tila mawalan ng malay noong makita ko ang dalawang lalaking naglakad galing sa isang sulok at tinumbok ang gitna ng aisle sa may harap lang naming.

Tumugtog bigla ang kantang –

Too many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you’d find your way to me
Tell me what is this sweet sensation
It’s a miracle that’s happened
Though I searched for an explanation
Only one thing it could be

That I was born for you
It was written in the stars
Yes I was born for you
And the choice was never ours

It’s as if the powers of the universe
Conspired to make you mine
And till the day I die
I blessed the day that I was born for you

Too many foolish people
Trying to come between us
None of them seems to matter
When I looked into your eyes

Now I know why I belong here
In your arms I found the answer
Somehow nothing would seemed so wrong here
If they’d only realized

That I was born for you
And that you were born for me
And in this random world
This was clearly meant to be

What we have the world
Could never understand
Or ever take away
And till the day I die
I blessed the day that I was born for you

What we have the world
Could never understand
Or ever take away
And as the years go by
Until the day I die
I blessed the day that I was born for you...

“Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!” ang sigaw ko.

Tatakbo na sana ako upang yakapin sina kuya at papa noong pinigilan ako ng biological kung ina at ang utos sa akin ay, “Sabay tayong pupunta sa kanila.”

“P-po????”

“Huwag mo akong iwanan, sabay tayong maglakad papunta sa kanila. I-endorso na kita sa kuya Erwin mo?”

“P-po???” ang sagot kong litong-lito pa rin sa mga pangyayari.

At habang tunutugtog ang kantang “Born For You” ay nagmartsa kami ni mama patungo sa kinaroroonan nina kuya at papa. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangang maglakad kami ng ganoon.

Halos nakakalahati na kami sa aming pagmamartsa noong napansin kong ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin at nagpalakpakan.

Doon ako kinabahan. Nilingon ko si mama, “Ma... a-ano ba ang mayroon? Bakit nakatingin silang lahat sa atin?”

“K-kasal mo anak... Di ba ito ang pinangarap mo? Ito ang hiniling ng kuya mo sa papa mo, at noong malaman ito ng kuya Zach mo, sinabi niya ito sa daddy niya. At sumang-ayon naman ang daddy ni Zach, upang makabawi daw siya sa mga nagawa niyang kasalanan...”

At sa narinig ko kay mama, mistula akong lumulutang sa ulap. Ansarap pala ng pakiramdam kapag ikinasal. Hindi ako makapaniwala, hindi magkamayaw sa aking gagawin. Parang isang panaginip lang ang lahat.

Noong narating na namin ang kinaroroonan nila ni kuya at papa, binitiwan na ni mama ang aking bisig sabay halik sa pisngi ko.

Una kong niyakap si papa at hinalikan din sa pisngi. “Pa... na miss kita ah!”

“Na-miss din kita anak! Pasensya na, wala ako sa tabi mo noong nasa delikadong kalagayan ka.”

“Ok lang iyon pa... Paano pala kayo nagkasama ni kuya?”

“Mahabang kuwento anak. Mamaya, malalaman mo rin ang lahat.”

“I-ibig sabihin nagkita na rin kayo ni mama dito sa Amerika?”

“Oo anak. Kasali ako sa pagplano ng lahat ng ito...”

“P-paano nangyari ito pa? Ikakasal ba kami? Magkapatid kami ni Kuya, di ba?”

“Hindi na anak... Ipinalakad ng biological mong ina ang pagbawi niya sa iyo at Carter na ang apilyedo mo, apelyido ng Amerikanong asawa ng biological mong mama.”

“At pumayag naman si mama ko?”

“Oo. Kasi, maging legal na asawa ka ni Erwin, anak ka pa rin namin...” sabay haplos na sa aking pisngi at turo kay kuya. “Hayan si kuya Erwin mo...” dugtong niya at nagpaalam na upang bumalik siya sa kanyang upuan.

Noong kami na lang dalawa ni kuya ang nakatayo sa center aisle, mistulang nabusalan naman ako, parang nagmental block ako, hindi alam ang gagawin. At noong binitiwan niya ang ngiting nakakaloko, parang bigla din akong natauhan at nainis na naisahan na naman niya ako. Bigla ko siyang sinambunutan. “Um!”

“Arekop!” ang sambit niya sabay hawak sa kanyang buhok na nasira ko. Binatukan din niya. “Umm!” At ginulo ang ang aking buhok, kinurot ang aking dalawang pisngi at pagkatapos, kinarga na ako patungo sa gitna ng lobby kung saan naghintay ang official na magkasal sa amin at ibinaba ako doon.

Tawanan ang lahat.

Akala ko ay tuloy-tuloy na ang seremonyas ng kasal noong bigla na naman akong nagulat sa sunod na nangyari. Pinatayo ang kabaong ni kuya Zach!

Pinasadya talaga ang paggawa ng kabaong niya kung saan ay may sarili itong control. Noong makatayo na, itinabi ito sa akin.

Bumukas ang isang 72-inch na monitor sa isang gilid ng lobby at lumantad ang mukha ni kuya Zach, may bendahe ang kanyang mga mata. Marahil ay tinanggal na ang kanyang mga mata noong ginawa ang video.

Nakangiti sikuya Zach sa video, bagamat pansin na sa kanyang mukha ang ibayong paghihirap at matinding pagpayat. Kitang-kita kong pinilit na lang niyang magsalita at ngumiti. Isa pala itong pre-recorded video bago siya pumanaw. “Tol... di ba sabi ko sa iyo na ako ang magbe-best man kapag ikinasal ka? Kaso, pasensya ka na kasi...” napahinto si kuya na tila humugot ng lakas dahil sa matinding hirap sa pagsasalita. “Kasi... mukhang hindi ko na kaya pa tol... Kaya hayan, pagtiyagaan mo na lang ang matigas at makapal kong attire ha?” at pilit siyang tumawa sa ipinahiwatig na kabaong niyang attire.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha sa nakitang effort niya. Syempre, bumilib ako sa ipinakita niyang tapang, tatag, tibay ng loob, at tinding pagnanais na bigyan ako ng kaligayahan at encouragement. Natawa na rin ako, bagamat patuloy lang ang pagdaloy ng aking luha.

“Tandaan mo palagi ang mga sinabi ko sa iyo, at huwag palaging pasaway...” Napahinto siyang muli. “At sa iyo, Erwin... Tol, maraming-maraming salamat sa pag-alaga mo sa akin at sa pagdamay mo sa aking mga huling araw. Napakasaya ko bagamat nalaman ko noong huli lang na pinilit at pinuwersa ka ni daddy dahil sa galit niya sa iyo at ayaw mo ring masaktan si utol. Pero nagpasalamat pa rin ako dahil sa ipinamalas mong totoong pagdamay at ipinakitang concern sa kalagayan ko... Mawala man ako sa mundong ito, lagi mong isipin na may isang tao kang napasaya sa huling mga araw ng kanyang buhay. Alagaan mo palagi ang bunso nating si Enzo ha? Hindi man kami nagkasama ng matagal bilang magkuya, nadyan ka naman na magsilbing kuya at kabiyak. Alam kong safe siya sa iyong mga kamay. Bagamat alam kong marami pa kayong pagdadaanang pagsubok sa buhay ngunit sana ay maging mas matatag ka pa para sa kanya.” Napahinto ng saglit si kuya Zach. “Sabagay, kapag pinabayaan mo iyang utol ko, mumultuhin naman kita. Sige ka.”

Tawanan ang mga tao. Tiningnan ko si kuya. Natawa rin siya bagamat kitang-kita ko ang mga luhang dumadaloy din sa kanyang pisngi. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay, niyakap ko siya.

“Sige mga tol... paalam. At oo nga pala, ayokong malungkot kayo sa aking pagpanaw ha? Lumisan man ako, tuloy pa rin ang buhay. Tuloy ang saya. Tuloy ang araw-araw na pakikibaka. Ang hiling ko lang ay huwag ninyo akong kalimutan, lalo na ang mga masasayang alaala natin. Ang magandang samahan. Ang mga pinagdaanan na nagbigay sa atin ng mga aral sa buhay at nagpatatag sa ating pagkatao. Mahal na mahal ko kayo! Paalam...”

At naputol na ang tape. Alam ko na sa pagkatapos ng tape na iyon, umiiyak siya. Sino ba ang hindi mapaiyak sa isang paalam? Kahit nga magpapaalam lang ang isang kaibigan na mangibang-bansa, mapaiyak ka pa rin. Siya pa, na hindi na babalik, aalis na nag-iisa, at maiiwan ang mga mahal sa buhay...

Napayakap na lang ako sa kabaong na nakatayo sa tabi ko at humagulgol. At lalo pa akong naiyak noong pinatugtug pa ang –

We used to be frightened and scared to try
Of things we don’t really understand why
We laugh for a moment and start to cry
We were crazy

Now that the end is already here
We reminisce ’bout old yells and cheers
Even if our last hurrahs were never clear

Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you

Yesterday’s a treasure, today is here
Tomorrows’ on its way, the sky is clear
Thank you for the mem’ries of all the laughters and tears
And not to mention our doubts and our fears
The hypertension we gave to our peers
It’s really funny to look back after all of these years

Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you

Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
I may be miles away
But here is where my heart will stay
With you, my friends with you
With you, my friends with only you

“Bakit naman sa burol pa niya ipinasyang ikasal tayo kuya? Kawawa naman ang kuya Zach?” ang naitanong ko na lang kay kuya Erwin pagkatapos ng kanta at pakiramdam ko ay parang tinadtad ang aking puso sa sobrang sakit na alam kong naramdaman din niya.

“Siya ang may gusto ng lahat tol... noong nalaman niyang Dec 14 ka napunta sa pamilya namin, ito na rin ang pinili niyang araw na maikasal tayo. Lahat ng ito, siya ang nagdesisyon. Dahil gusto niyang maging bahagi sa kasal natin at magbest man nga... Di ba sabi niya sa iyo yan? Akala kasi niya aabutin pa niya ang araw na ito eh... kayo noong maramdaman na niyang hindi na niya kaya, kaya hayun nabago ang plano, dali-dali niyang ipinatanggal na ang kanyang mata at gumawa na ng video...”

“G-ganoon po ba?” ang sagot ko na lang.

Mabigat man ang kalooban, ipinagpatuloy pa rin namin ang seremonya. “I, ERWIN, take you, ENZO, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ERWIN take you, ENZO, for my lawful partner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

At saksi si kuya Zach at ang lahat ng mga taong dumalo sa okasyong iyon noong inihayag naming pareho ni kuya ang mga katagang “I do...”

Doon na kami natulog sa mansion nin kuya Zach sa gabing iyon. Wala kaming honeymoon bilang respeto namin kay kuya Zach.

Noong mapag-isa na lang kami ni kuya Erwin, doon na kami nagka-kuwentuhan ng maayos tungkol sa mga nangyari sa kanya.

“Kuya, may naalala pala ako. Natandaan mo noong na-comatose ako nasa Pilipinas pa ako, dinalaw mo ba ako, di ba?”

“Oo... iyon ang time na kinidnap ako ng daddy ni Zach upang mamalagi sa tabi niya, lingid sa kaalaman ni Zach.”

“Paano mo ginawang bisitahin ako sa kabila ng maraming guwardiya sa iyo?”

“Sa kisame ako dumaan. Pinag-aralan namin ni Ormhel ang kuwarto mo at kuwarto ni Zach at noong makatyempo, umiskapo ako sandali, si Ormhel ang aking lookout. Si Ormhel din ang nagsabi sa akin na nasagasaan ka...”

Si Zach, paano niya nalaman na kinidnap ka ng daddy niya?”

“Nagduda na siya noong palagi ka niyang tinatanong sa akin at iisa lang ang sagot ko, hindi ko alam. Hanggang sa hindi ko na natiis at ibinunyag ko sa kanya ang lahat. Pinakiusapan niya ang daddy niya at tinakot na kung hindi ako pakawalan ay hindi na siya tatanggap ng gamot. Ngunit huli na rin kasi nasa Amerika na raw kayo. At doon na may nabuong ideya si Zach para sa atin... ang kasal.”

“Di ba may singsing kang isinukbit sa daliri ko noong lihim na binisita mo ako? Paano nawala iyon sa daliri ko at nakabalik sa iyo?”

“Ibinigay iyon ng nurse kay papa. Noong inihanda ka raw ng nurse para sa trip ninyo sa US, doon niya nakita. At nakuha ko ito kay papa noong pinayagan na akong makauwi sa daddy ni Zach. Kaya noong maibigay ng nurse it okay papa, alam ni papa na buhay ako...”

Tahimik.

“M-may aaminin ako sa iyo tol...” ang may pag-aalangang pagbasag ni kuya sa katahimikan.

“A-ano iyon kuya?”

“Noong ni rape kita?

“Bakit?”

“Hindi totoong wala akong alam sa ginagawa ko. Kahit lasing ako, alam ko ang lahat.”

“H-ha? Bakit mo ako ni-rape?”

“Nagseselos ako kay Zach noon. At dahil angpunta natin ay a resort nila, nag-isip ako na may mangyayari sa inyo ni Zach. Ayokong maunahan niya sa iyo. Kaya nagbaon ako ng pampatulog upang gamitin para sa iyo...”

“Bakit mo naman ginawa iyon?”

“Syempre, akin ka lang. Ako ang nagtanim, ako ang nag-ani, ako ang nagluto. Papayag ba ako na kakainin ka na lang ni Zach?” sabay tawa.

“Ganoon?” ang sambit ko.

“Oo...”

“Arrgggggggghhhhhhhhh!!!” Sigaw ko. At pabiro ko siyang dinaganan at sinambunutan. “Ummm! Ummmm! Ummm!”

Na humantong naman sa pagsambunuan naming ng lakas, at sa pagpin-down niya sa akin, sa pagkakagat sa iba’t-ibang parte ng aking katawan...

Kinabukasan pagkatapos sa aming kasal ni kuya ay iniuwi ang mga labi ni kuya Zach sa Pilipinas upang doon ilibing. Umuwi din kaming dalawa ni kuya Erwin.

Sa noong ibinurol sa mansion nina Zach sa Pilipinas ang kanyang mga labi, maraming tao ang nakiramay at nanghinayang; mga staffs nila sa resort, mga natulungan niyang mga batang naipagamot, ang mga recipients ng kanyang charities. Marami ang umiyak.

Araw ng libing. Mas marami ang sumama sa paghatid sa kanya sa huling hantungan. At habang patungo sa sementeryo ang kanyang mga labi, pabalik-balik namang pinatugtog ang paboritong kanta ni kuya Zach –

Over there, just beneath the moon,
There’s a man with a burden to keep,
New sleep will fall, washouts, rags and paperbags
Homes and lives passing by

Who will see the beauty in your life
And who will be there to hear you when you call
Who will see the madness in your life
And who will be there to catch you if you fall

Now dreams run wild, as lovers find their way through the night,
Not a cared in the world
And over there, oh the twinkling of the lights, harbour lights
Say goodnight one more time

Who will see the beauty in your life
And who will be there to hear you when you call
Who will see the madness in your life
And who will be there to catch you if you fall

Who will see the beauty in your life
And who will be there to hear you when you call
Who will see the madness in your life
And who will be there to catch you if you fall

Napakamakahulugan ng kantang iyon. Alam kong sarili niya ang inihalintulad niya sa katagang "Over there, just beneath the moon,
There’s a man with a burden to keep..."

Parang ipinahiwatig niya ang takbo ng isang buhay, kung saan ang lahat ay darating din sa kinahahntungan nya; at na kapag wala na siya, kung sino ang nandyan upang tingnan ang ganda ng aking buhay, kung sino ang makinig sa aking tawag, kung sino ang tumingin kapag may kabulastugan sa aking buhay, o kung sino ang sasalo sa akin kapag ako ay bumagsak..."

Nagsiuwian na ang lahat ng mga tao at kami na lang ni kuya ang naiwan. At sa harap ng kanyang libing, “Salamat kuya sa lahat ng mga kabutihang ginawa mo. Hindi kita malilimutan... Palagi kang nandito sa aking puso, sa aking isip... Paano nga ba hindi, habang dumadaloy pa ang dugo sa aking kaugatan, at nakikita ko pa ang kagandahan ng mundo, palaging ikaw ang nasa isip ko. Ito ay dahil may buhay pa na bahagi ng iyong katawan na naging parte na rin ng buhay ko. Salamat sa pagdating ng isang kuya Zach sa buhay ko. Salamat sa mga magagandang halimbawa na ipinakita mo – sakahalagahan ng buhay, at sa paggawa ng ikabubuti sa kapwa. Salamat sa iyong pagpaparaya lalo na sa pag-ibig, sa kabila ng sakit na naramdaman mo. Pangako ko sa iyo, mamahalin ko si kuya Erwin. Alam ko, iyan ang gusto mong mangyari. Hindi kita bibiguin kuya. Ikaw ang nag-iisang hero ng buhay ko. Sana ay mapantayan ko ang kabaitan mo. Sana ay maging kasing tatag mo ako, at kasing tapang na humarap sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Paalam kuya. Saan ka man naroron, may you rest in peace. Mahal na mahal kita...” At inilaglag ko ang hawak-hawak na bulaklak sa ibabaw ng kanyang puntod.

At ganoon din si kuya. May ibinubulong din kay kuya Zach. Maya-maya, may kinuha siyang papel at sinulatan ito, at ibinalabal sa bulaklak niyang hawak. Ihahagis na sana niya ito noong maisipang kong abutin ito sa kanya at basahin ko ang nakasulat. “Promise sa iyo tol... mamahalin ko ang iyong kapatid, kasi... kapatid ko rin siya, at ngayona ay asawa ko. Pangako ko rin sa iyo na hindi ko malilimutan ang ating mga masasayang sandali at magagandang alalala. Ngayon ko lang aaminin ito sa iyo tol... Mahal din kita. Ngunit nagkataon lang na nauna kong minahal ang utol mo... -Erwin-”

Pagkatapos kong mabasa ito, iniabot ko uli ito kay kuya. Noong tiningnan niya ako, binitiwan ko ang isang ngiti sabay hawak at pisil sa kanyang kamay, pahiwatign na naintindihan ko siya, at ang naramdaman niya.


At tuluyan nang inilaglag ni kuya ang bulaklat at sulat sa kabaong ni kuya Zach...

Isang taon ang nakaraan. Halos natanggap na rin naming ang lahat tungkol sa pagkawala ni kuya Zach. Sa Amerika kami naglagi ni kuya Erwin bagamat bumibisita din kami kina mama at papa at sa resort nina kuya Zach.

Masaya na rin ang daddy ni Zach kasi natupad ang wish ni kuya Zach na magkaroon ng surrogate mother na siyang magbuntis sa magiging iniwanang sperm ni kuya Zach. At nagkaroon na nga siya ng apo. Isang malusog na lalaking kamukhang kamukha ni kuya Zach.

At dahil sa ideyang ito ni kuya Zach, naisipan din ni kuya Erwin na ang parehong babaeng naging surrogate mother sa sperm cells ni kuya Zach ay siya ding gawing surrogate mother ng sperm cells ni kuya Erwin upang mabigyan din namin ng apo ang mga magulang ni namin. Pumayag naman ang babae.

Sa sunod na buwan na gaganapin ang procedure. Hopefully, sa sunod na taon din, ay may baby na kami... isang batang magiging kapatid na sa ina ng anak din ni kuya Zach.


At... malay ninyo, maisipan ko ring magpa-surrogate sa parehong babae upang kumpletong ang mga anak naming tatlo ni kuya Erwin at kuya Zach, ay magkakapatid. Hmmmmm...
Tunay ngang masalimuot ang buhay. Sino ang mag-aakalang ang ordinaryong pakikipag-chat ko ay hahantong lahat sa ganito? Sino ang mag-aakalang ang utol ko ay magiging asawa ko? Sino ang mag-aakalang sa pakikipagchat ko ay mabaliktad ang aking mundo at mahanap ang isang taong napakahalaga sa aking buhay? Sino ang mag-aakalang iisang tao lang pala si utol at ang chatmate ko...?

Wakas.

No comments:

Post a Comment