By: Mikejuha
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[Version 02]
Pakiwari ko ay napakabigat ng aking
mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito
hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang
ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga
bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo
ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. Hindi ko lubos maipaliwanag ang
naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi
ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si
Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang
paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi
niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa
pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.
Noong magsimula na ang misa at nasa
parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak
ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung
anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.
Tinanong uli ako ng pari. “Warren,
tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”
Sa pangalawang tanong ng pari,
naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa
tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng
simbahan.
Nabigla ang lahat, ang iba ay nanlaki
ang mga matang sinundan ang mabilis kong pagtakbo palabas ng simbahan, di
makapaniwala sa nasaksihang eksena at sa gnawa ko. Ngunit wala akong pakialam.
“Warren! Saan ka pupunta!!!” ang
narinig kong sigaw ni Sarah.
Hindi ko siya snagot. Nagpatuloy ako
sa pagtakbo.
Noong nasa labas na ako ng simbahan,
tinumbok ko ang puting kotse na sasakyan sana namin ni Sarah patungong
reception area pagkatapos ng aming kasal. Kumpleto pa ito sa mga dekorasyon,
bulaklak, ribbons, at may streamer pang nakasulat sa likuran nitong “Just
Married”. Binuksan ko ito at dahil sa nakasaksak lang ang susi sa susian,
agad-agad akong umupo sa driver’s seat.
Hindi ako lubusang marunong magmaneho
at wala pa akong lisensya. Si Lito lang ang nagturo sa akin isang beses noong
namasyal kami gamit ang sasakyan nila. Ayaw ko sanang magpaturo gawa nang wala
naman kasi kaming sasakyan ngunit mapilit isya. “Sa buhay ngayon, Tol… isang
advantage ang marunong ang isang taong mag-drive. At malay mo, darating ang
panahon ng kagipitan at kailangan mong magsalba ng buhay at walang ibang
marunong mag-drive. E di manghihinayang ka kung bakit hindi ka pa nag-aral
magmaneho, diba?” Ang paliwanang niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatanggi.
Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan
at noong makaandar na, pinaharurot ko naman ito, ang ibang mga sasakyang
nakaparada ay nasasagi ko. Sinisigawan at hinahabol ako ng mga may-ari ngunit
hindi ko na pinansin pa ang mga ito. Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo
sa bahay ni Lito.
Noong makarating na ako, agad-agad akong
nag door bell.
Nakailang door bell din ako. Sa
pagkainip na matagal binuksan ang pinto, kinapa ko na ang door knob at noong
mapansing hindi naka-lock ito, binuksan ko na at tuloy-tuloy sa pagakyat sa
second floor kung saan naroon ang kwarto ni Lito. Agad-agad kong binuksan ito
at ang sumalubong sa aking pandinig ay ang malakas na tugtog galing sa stereo
niya. Ang paboritong kanta niya -
“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue
ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm
trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
Hinalughog ko ang buong kwarto – sa
CR, sa cabinets, pati na sa ilalim ng kama. “Litooooo!! Nasaan ka?” Ang sigaw
ko.
Dahil sa hindi ko naisara ang pinto,
narinig ng katulong ang ingay ng tugtog at sigaw ko na nagmula sa kwarto ni
Lito at agad-agad itong napasugod.
“Martha, nasaan ba si Lito?” ang
tanong ko kaagad sa kanya. Bakat sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkakita sa
akin na nandoon sa loob ng kuarto ni Lito imbes na sa simbahan, sa kasal ko.
“Nakaalis na Kuya, kanina pa mga 8:45
ng umaga! Dala niya ang Toyota Camry, siya mismo ang nagmaneho. Bakit kuya,
wala pa ba siya doon?”
Hindi ko na sinagot si Martha.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko ay hindi lumalapat ang mga paa
ko sa hagdananan habang patakbo akong palabas ng bahay at binalikan uli ang
kotseng dala, sabay paandar at paharurot uli nito.
Ang sunod kong tinumbok ay ang
paborito naming beach kung saan nakalibing ang kabibeng may malaking kahulugan
para sa kanya at sa aming relasyon.
Noong makarating na, dali-dali kong
tinumbok ang ilalim ng hagdanan ng cottage kung saan ibinaon namin ito.
Dali-dali kong hinukay ito. Ngunit laking gulat ko noong makitang isang biyak
na lang ang naroon. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay umikot ang paligid
ko sa magkahalong lungkot, pagkalito sa nasaksihan, at takot sa kung ano man
ang ibig ipahiwatig nito. At lalo akong kinabahan noong may nakabaon na sulat
kasama sa natirang biyak na kabibe. Binuksan ko ito. Sulat kamay ni Lito.
“Tol… binigyang laya na kita.
Dala-dala ko ang isang biyak ng kabibe at dadalhin ko ito saan man ako pupunta.
Ang kabibeng ito ang magsilbing alaala ko sa iyo. Dito, sasariwain ko ang mga
masasayang samahan at karanasan natin kung saan, kahit pilit lang, ay ipinadama
mo sa akin kung paano mahalin ang isang katulad ko... Sobrang sakit. Alam kong
hindi mo ako minahal. Ramdam ko ito sa bawat bigkas ko sa mga katagang ‘I Love
You’ pero hindi mo ito tinugon… Naghintay ako, ngunit wala. Hanggang sa nalaman
ko na lang na ikakasal ka. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo ngunit
paano ko ito gagawin gayong alam kong hindi mo naman ako mahal? Ngunit huwag
kang mag-alala dahil natutunan ko nang tanggapin ang lahat…Huwag mo akong
alalahanin pa, at huwag mo akong sundan kung saan man ako patungo. I-enjoy mo
lang ang buhay kasama ang babaeng mahal mo na siya mong pakakasalan. Sa kanya,
matutupad ang mga pangarap mong magkaroon ng anak at pamilay. Hangad ko ang
kaligayahan ninyo. At palagi mong tandaan tol… mahal na mahal kita. Sana
ingatan mo palagi ang sarili mo… Warren.”
Pumatak ang mga luha ko sa pagkabasa
sa sulat niya. At lalo itong nagpaigting sa takot na namumuo sa isip ko.
Agad kong inilagay ang kabibe at ang
sulat niya sa isang plastic. Hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya
hahanapin ngunit biglang pumasok sa isip ko ang rooftop ng school building.
Muli pinaharurot ko ang sasakyan patungo doon.
Ibayong kaba naman ang naramdaman ko
noong makita ang panyo niya na nakatali sa may hagdanan ng palapag papuntang
rooftop. Iyon kasi ang palatandaan namin na kung ang isa sa amin ay maunang
umakyat doon, itatali niya ang panyo niya sa may hagdanan at ang susunod sa
kanya ay siyang magtanggal nito at dadalhin na sa itaas.
Tinanggal ko ito at isiniksik sa aking
bulsa. Ngunit noong makaakyat na ako, walang Lito akong nakita. Hinanap ko siya
sa paligid, sa likod ng tangke. Wala. Noong mapansin ko ang malaking takip ng
tangke na nakalatag na sa sahig na semento, agad-agad kong inakyat ang bunganga
ng tangke. Bukas nga ito. Sinilip ko ang loob ngunit wala akong maaninag.
Bumaba uli ako at nanghagilap ng mahabang kahoy upang gawing panungkit sa loob
ng tangke.
Nakahanap ako ng isang tubo na may
habang 4 na metro, umakyat muli ako sa bunganga ng tangke. Nahirapan akong
iakyat ang tubo na iyon dahil sa sobrang bigat at haba. Ngunit marahil ay dahil
sa nag-uumapaw na pagkabagabag ng isip at matinding pagnanais na isalba si Lito
kung nandoon nga siya, nagawa ko pa rin itong iakyat at ipasok sa tangke.
Hawak-hawak ang nakausling dulo ng tubo, hinalukay ko ang buong lalim ng tubig
sa loob ng tangke. Maya-maya lang, may nasundot ang dulo ng tubo na sa pakiwari
ko ay mistulang isang katawan ng tao.
Tila nawala na ako sa tamang katinuan
sa matinding kutob na iyon na nga si Lito. Binitiwan ko ang tubo at umangkas sa
bunganga mismo ng tangke. Akmang tatalon na ako sa loob niyon noong mula sa
likuran ay may narinig akong sigaw, “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?!”
“S-si Lito!” sigaw ng isip ko. Akala
ko ay niloloko lang ako ng kaibigan. Bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng
boses. Ngunit laking pagkadismaya ko noong makita ang dalawang maintence
technician ng school. Ang isa sa kanila pala ang sumigaw sa akin. Wala na
kasing pasok sa araw na iyon kaya gumawa sila ng maintenance activity sa buong
building.
“Kuya! Nasa loob po ng tangke ang
kaibigan ko, hindi po marunong lumagoy iyon!” ang sigaw ko sa kanila at
nagmamadali na akong tumalon sa loob ng tangke, hindi na hinintay ang kanilang
isasagot pa. Sinisid ko nang sinisid ang tubig hanggang sa may makapa ang mga
kamay ko. “Tao nga!” sigaw ng utak ko. Bigla ko namang naramdaman ang kalamnan
kong nanginginig, iniisip na baka katawan ni Lito nga iyon.
Hawak-hawak ko ang kwelyong suot niya,
hinila ko siya hanggang sa nakalutang na kami sa ibabaw ng tubig. Noong
maaninag ko na ang mukha, doon ko na nakumpirma. Si Lito. At kumpletong suot pa
niya ang sinabi kong uniporme namin para sa pagbe-best man niya sa kasal ko –
itim na coat, tie, at isang pulang-pulang rosas na naka-pin pa sa kaliwang
dibdib niya. Parehong-pareho sa sinusuot ko.
“LITOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!”
Hiyaw ko, ang lalamunan ay mistulang puputok sa sobrang lakas nito. Niyakap ko
siya ng sobrang higpit habang hawak-hawak ng kamay ko sa likuran niya ang
tubong ginamit kong panungkit upang hindi kami lumubog.
Nanumbalik sa isip ko ang sinabi niya
sa akin isang beses noong nagparinig siya na may iba siyang mahal at hindi niya
magawang sabihin ito sa kanya. “Kapag hindi ako kayang mahalin ng taong iyon,
tol… tatalon ako sa tangke na to at magpakamatay na lang.” Sa pag-aakalang
babae nga ang ibig niyang ipahiwatig, tumawa pa ako ng malakas at biniro ko
siya na “Ikaw? Hindi kayang mahalin? Sa dami ng nagka-crush at nagkandarapa sa
iyo d’yan? Tol naman…” Natandaan ko pa ang isinukli niya sa biro kong iyon –
isang matalinghagang ngiti. Malay ko ba naman na ako pala ang ibig niyang
sabihing taong mahal niya.
Humagulgol ako nang humagulgol,
sumigaw nang sumigaw at umaalingwngaw ang aking paghihimutok sa loob ng tangke
na iyon. “TOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLL!!! BAKIT MO GINAWA ITO??!!!
ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHHH!!!” Mistula akong isang batang naglupasay sa
mgakahalong galit at sama ng loob.
Habang nasa ganoon akong paghihimutok,
namalayan ko na ibinaba ng dalawang maintence personnel ang hagdanan na gamit
nila. Dali-dali naming iniakyat si Lito na noo’y sa tingin ko ay simputi na ng
papel ang balat at malamig na malamig na ang kamay at mukha. Noong mailatag na
siya sa sementong sahig ng rooftop, sinabihan ko ang mga technician na tumawag
ng ambulansya. Agad naman nilang sinunod ang utos ko.
Habang nakalatag siya, napansin kong
isang sapatos lang pala ang suot niya. Namukhaan ko ang sapatos na iyon; iyon
din iyong kapares noong itinapon namin sa tangke. At noong tinggal ko naman ang
mga butones ng long sleeves niya sa may bandang leeg upang luluwag ang pressure
sa parte ng katawan niyang iyon at sisimulan ko na ang CVR, lunamtad naman ang
kabiyak ng kabibe na kapares noong naiwanan sa beach na dinala ko. Isiniksik
pala niya iyon sa sa loob ng kanyang coat. Iyon pala iyong matigas na bagay na
dumampi sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya sa loob ng tangke.
Tinanggal ko ito at walang sinayang na
sandaling pinump ko ang dibdib niya tapos mouth-to-mouth, tapos pump uli, mouth-to-mouth,
pump uli, mouth-to-mouth… tila walang katapusanang pag-CVR ko sa kanya dahil sa
hindi ko pa rin mahagilap ang kanyang pulso at walang bakas na bumalik na ang
pintig ng kanyang puso.
Hanggang sa dumating na ang mga
paramedics at itinuloy nila ang CVR. Maya-maya lang, dinala nila si Lito sa
ambulansya nila kung saan may itinurok sila sa kanya at may mga equipment
silang pamparevive ng puso at paghinga.
Pinasakay din nila ako sa ambulansya
at humarurot na ito pabalik ng hospital.
Agad-agad kong tinawagan ang mga
magulang ni Lito na sa pagkakataong iyon ay pauwi na rin galing sa kasal kong
naudlot. At napag-alaman ko sa kanilang dinala din pala sa ospital si Sarah,
dahil nakunan gawa ng pagkaudlot ng aming kasal at sa tindi ng hiyang nadarama.
Noong nasa ospital na kamin,
idineretso na si Lito sa emergency room at pagkatapos, sa ICU.
“Delikado ang lagay niya…” Ang sabi ng
duktor sa paglabas nito sa ICU. “Ito ang mga possibilities na maaring mangyari
sa kanya. Una, ano mang oras maaaring tuluyang bawian na siya ng buhay.
Pangalawa, kung malampasan niya ito hanggang 24 oras, magiging comatose na lang
siya, hindi natin alam kung hanggang kailan. Pangatlo, kung manumbalik man ang
malay niya, ay magkakaroon siya ng damage sa kanyang utak at makakaapekto ito
sa kanyang normal na pananalita, pagkilos, at paggalaw. In 24 hours at
malampasan niya ito, then let’s hope for the best…”
Noong dumating ang mga magulang ni
Lito, walang humpay ang pag-iiyak nila. Hindi naman nila ako sinisi. Alam nila
na ginawa ko ang lahat para sa anak nila, na pinilit kong ibigay sa kanya ang
lahat ng suporta at makakaya ko. At lubos nilang naintindihan ang aking
kalagayan.
Niyakap ako ng mama ni Lito, “Warren!
Ano ba ang nangyari? Bakit nagkakaganito ang anak ko?” ang tanong niya sa akin
habang humahagulgol.
“Nasa loob ng water tank na po siya
noong maabutan ko, Ma… pasensya na po, hindi ko kaagad siya naagapan.”
“Huwag mong pabayaan ang anak ko
Warren.” Ang tugon ng mama niya sa akin.
Habang binantayan namin si Lito, hindi
kami mapakali at hindi namin alam kung ano ang gagawin upang matutulungan si
Lito sa kanyang kalagayan. At ang pumasok na lang sa isip namin ay ang magpunta
sa kapilya ng ospital at doon nanalangin.
Nabalot sa matinding lungkot, naghanap
ako ng pwesto sa isang gilid at lumuhod. Noong maalala ang kalagayan ni Lito,
tumulo na ang luha ko. Buong pagpakumbaba akong nanalangin. Iyon bang feeling
na sobrang helpless mo na at parang gi-give up ka na at ipaubaya mo na lang sa
kanya ang lahat, wala nang halaga pa ang ibang bagay kungdi ang bagay na lang
na ninanais mong ibigay niya sa iyo.
“Panginoon… alam ko, marami akong
kasalanan, marami akong pagkukulang sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako sa mga
pagkukulang ko, sa mga nagawa ko. Nagsisisi po ako. Sa buong buhay ko, ngayon
lang po ako nakaramdam ng ganitong panghihinayang at lungkot para sa isang tao.
Ngayon lang din po ako humingi ng isang bagay at nagmamakaawa sa iyo. Sana po
ay pagbigyan ninyo ang hiling ko. Sana po ay pagalingin nyo siya. Bigyan po ninyo
siya ng isa pang pagkakataon...” At namalayan ko na lang ang sariling
humahagulgol.
Noong lumabas ako ng kapilya ay
napag-alaman ko naman na doon din naka-confine si Sarah na ligtas na ang
kalagayan bagamat hindi naisalaba ang bata. Binisita ko siya at nanghingi ng
tawad.
“Masakit sa kalooban ko, syempre,
ngunit tanggap ko na ito, Warren. Noong una pa man ay may hinala na ako sa inyo
ni Lito. Kasi ba naman, kahit ako ang kasama mo, palaging si Lito ang lumalabas
sa iyong bibig. Tapos walang oras na hindi ka nagtitext sa kanya… o siya
tumatawag. At least ngayon, na-confirm ko na ang lahat ng hinala ko. Mahirap
pumasok sa isang relasyon kung isang side lang ang nagmahal, di ba? Kaya huwag
kang mag-alala, I can move on. Ngayong wala na ang baby natin, wala nang
dahilan pa upang hahabulin kita. Malaya ka, Warren, kung saan ka man liligaya,
hindi kita guguluhin. Napag-alaman ko rin na kritikal ang kalagayan ni Lito.
Puntahan mo siya. Mas lalo ka niyang kailangan. Basta, isipin mo lang palagi na
nandito lang ako, kung sakali mang kailangan mo ng tulong o ng karamay…” Ang
sabi ni Sarah.
Niyakap ko siya, at sa huling
pagkakataon, hinalikan ko ang mga labi niya. Pinasalamatan ko rin siya sa
kabaitang ipinamalas niya, sa lawak ng kanyang pang-unawa. Bagamat dumaloy ang
mga luha niya sa pisngi, ramdam kong mas naiintindihan niya ang kalagayan namin
ni Lito. At doon natapos ang relasyon namin ni Sarah. Maluwag sa aming kalooban
ang desisyong ginawa at wala kaming hinanakit sa isa’t-isa.
Bumalik ako sa ward ni Lito. Habang
pinagmasdan ko siya, matinding awa ang bumalot sa buong pagkatao ko. May kung
anu-anong mga tubong nakakabit sa katawan niya, sa ilong, sa bibig.
Dumaan ang walong oras, siyam na oras,
sampu, labing-isa, labing-dalawa… nakakasindak ang bawat patak ng oras, iniisip
na ano mang sandali ay maari pa ring bumigay ang katawan ni Lito. Hindi ako
mapakali at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip. Ngunit kahit papaano,
may dala din itong kaunting dulot na konsuwelo na nand’yan pa rin siya at hindi
bumibitiw.
Eksaktong 24 na oras ang nakaraan at
nanatiling lumalaban pa rin si Lito, wala pa ring malay at hindi gumagalaw.
Kaya’t ang sabi ng duktor na kung magiging steady ang takbo ng kanyang sistema
ay may tsansa pa raw na manumbalik ang malay nito.
Pagkatapos niyang malampasan ang 24
oras, araw naman ang binilang namin. Dalawang araw, tatlo, apat… Limang araw na
ang lumipas noong tila hindi ko na makayanan pa ang pagkainip. Kaya ang ginawa
ko noong umalis ang mga magulang ni Lito upang magpahinga sa bahay at ako na
lang ang naiwang nagbabanytay, kinausap ko si Lito. “Tol… naiinip na ako,
gustong-gusto ko nang makausap ka, makitang ngumiti, tumawa, makasama. Miss na
miss na kita, tol. Lakasan mo ang loob mo. Lumaban ka, huwag kang bibitiw. Sabi
mo doon sa sulat mo na kung sinabi ko lang sa iyo na mahal kita ay ipaglaban mo
ang relasyon natin. Ngayon, sasabihin ko sa iyo Tol… mahal kita. Mahal na mahal
kita! Kaya lumaban ka. Ipaglaban mo ang pagmamahalan natin kahit na kamatayan
pa ang gustong humadlang nito. Huwag kang padaig… huwag kang mawalan ng lakas.
Ipaglaban mo ako tol… dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo, hindi kita
iiwan at hihintayin kita hanggang sa pagbalik ng iyong malay.” At hinalikan ko
siya sa pisngi.
Naupo uli ako sa silya at pinagmasdan
ang anyo niya. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Bagamat
nanumbalik at lumilitaw na muli ang normal na katangian at anyo ng kanyang
mukha, pakiramdam ko ay nakikipag-usap pa rin ako sa isang taong walang buhay.
Kinapa ko ang cellphone ko at
pinatugtog ang paborito niyang kanta. Inilatag ko iyon sa higaan niya, malapit
sa kanyang tenga sa tiwalang maaring marinig niya ito at makakatulong sa
kalagayan niya.
“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue
ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm
trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I
will
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have
stayed
Lucky to be coming home someday
And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have
stayed
Lucky to be coming home someday”
Bumalik uli ako sa kinauupuan,
pinakinggan ang bawat kataga ng kantang paborito niya. Binitiwan ko ang isang
malalim na buntong-hininga, nakatatak sa aking isip ang tindi ng kalungkutang
nadarama niya sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin habang pinagmasdan ko
ang kanyang anyo. “Hindi ko na papayagang magdusa ka pa tol…” At ang sabi ko
uli sa kanya.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni at
pagtitig sa mukha niya noong hindi ko inaasahang mapansin ang mga luhang
biglang dumaloy sa mga pisngi niya at bumagsak ang mga ito sa unan.
Napabalikwas ako sa magkahalong gulat
at tuwa, hindi magkamayaw sa pagtatatalon. “Tooolll! Tangina, narinig mo pala
ako, tolll! Kanina pa ako nagsasalita nakikinig ka pala sa akin ha?” Sigaw kong
biro sa kanya. Pakiramdam ko talaga ay narinig niya ang lahat ng sinabi ko.
“Yeheeeyyyyy!” Sabay sampa sa kama at yakap sa katawan niya at hinalik-halikan
ang pisngi.
Pinahid ng kamay ko ang mga luhang
iyon na dumaloy sa mukha niya at saka seryosong kinakausap siya. “Kahit anong
mangyari tol… di kita iiwan, pangako iyan. Kaya lumaban ka, pareho nating
labanan ang buhay, tol. Narinig mo ba ako, tol? Huwag na huwag kang bumigay!
Magpakatatag ka tol para sa akin! Ipaglaban mo ako. Iparamdam mo sa akin na
mahal mo ako, tol!”
Ngunit ganoon pa rin siya. Boses ko
lang ang umaalingawngaw sa buong kwarto na iyon.
“Bigyan mo ako ng isa pang palatandaan
tol na narinig mo ako. Isa pa tol! Pleaseeee.” pag encourage ko sa kanya.
Tahimik.
“Ok, tol… igalaw mo ang katawan mo.
Kahit anong parte, kahit mata mo lang tol!” ang pag-encourage ko muli.
Akala ko ay wala na talagang chance
pa. Ngunit hindi ako sumuko. Ipinadama ko sa kanya na hindi ko siya igigive-up
at kaya dapat ay hindi rin siya gigive-up para sa akin. At nagulat na lang ako
noong habang inuutusan ko siyang piliting igalaw ang ano mang parte ng katawan
niya, nakita ko ang biglang pagbaltak ng kaliwang hintuturong daliri niya.
Halos hindi ko nga napansin ito ngunit kitang-kita ng mga mata ko ang paggalaw
nito na parang lang isang mabilis na di-kusang galaw ng kanyang kalamnan.
“Tol… ginawa mo iyon?” Ang excited
kong tanong sa kanya. “Kung ginawa mo iyon, tol, gawin mo uli! Gawin mo uli,
tol!” utos ko.
Pinagmasdan ko uli ang hintuturo
niyang iyon. At nakita ko na binaltak na naman niya ito.
“Tolllll. Shittt! Naririnig mo na
talaga ako! Yiheeeyyyyy!” at muli kong siyang niyakap at hinalikan. “Ngayon ay
pwede na tayong mag-usap tol!” ang sigaw ko habang nagtatalon sa nadaramang
kagalakan.
Hinaltak niya uli ang daliri niya na
para bang ipinadama niya na natuwa din siya na may contact na kami. Iyong
daliring iyon lang ang kaya niyang igalaw.
“Narinig mo ang tugtog ng paborito
mong kanta, tol?”
Hinaltak uli niya ang kamay niya.
“Gusto mong ipatugtug ko uli?”
Sagot uli siya.
At iyon na ang simula ng pagkakaroon
namin ng contact ni Lito. Kapag “Oo” ang sagot niya, hinahaltak niya ang
daliri. At kapag “Hindi” o “Ayaw” naman, hindi niya ginagalaw ang daliri.
Minsan binibiro ko siya kagaya ng, ”Sige ka, kapag di mo pilitin ang sariling
gumalaw, hindi na titgas iyang ari mo” sabay tawa. Hahaltakin naman niya ng
sunod-sunod ang daliri na tila tumatawa o sinasabing “Tado ka!”
Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari
sa amin ni Sarah; na hindi natuloy ang kasal namin dahil iniwanan ko siya para
sa kanya; na nalaglag ang bata, at na nagkausap na kami at napagdesiyonan
naming tapusin ang aming relasyon.
Isang lingo pa ang lumipas at bumalik
na ang buong malay ni Lito. Sabi ng dukto, tila isang milagro ang nangyari kay
Lito, sa bilis ng pagrecover niya. Ngunit sinabi din ng duktor na iyon ay dahil
sa ipinamalas na lakas ng loob ni Lito, dahil sa nadaramang suporta sa kanya ng
mga mahal sa buhay.
Noong ibinuka niya na ang kanyang mga
mata, ang pinakaunang nakita niya ay ang malaking streamer na ginawa ko at
isinabit sa dingding paharap sa kanya, na pinaikutan ng maraming pulang
balloons. At ang nakasulat sa malaking streamer at mga ballons ay, “TOL… I LOVE
YOU! Welcome back!”
Kitang-kita ko ang kagalakang bumakat
sa kanyang mga mata noong mabasa niya iyon. Tiningnan niya ako at ngumiti. Iyon
na ang pinakamaganda at pinakamasayang ngiti na nakita ko sa kanya. At ang una
niyang nasambit ng mga kataga? “Tol… I Love You!” at niyakap ko na siya at
hinalikan, hindi alintana ang nakatingin na mga magulang, kapamilya at mga
kaibigan namin na nandoon.
Pagkatapos ay ipinakita ko rin sa
kanya ang kabibeng binuo ko uli, at ang mga sapatos naming itinapon sa tangke
ng tubig.
Dalawang buwan pa ang nakaraan at
tuluyan na siyang gumaling, pagkatapos ng ilang mga physiotherapy sessions.
Syempre, sobrang tuwa at saya ang nadarama ng lahat, lalo na ang mga magulang
ni Lito. Nakita nila kung gaano ko inalaggan si Lito sa ospital na halos hindi
na ako natutulog, hindi kumakain, hindi nagpapahinga, hindi umuuwi ng bahay. At
malaking pasasalamat nila sa ipinakita kong suporta at pagmamahal sa anak nila.
At dahil nakita nila na sa akin din
humuhugot ng lakas at inspirasyon si Lito, naintindihan nila ang lahat-lahat sa
amin, at syempre, pati na ang kakaibang relasyon namin. Binigyang-laya nila ang
aming naramdaman at ang payo nila sa akin ay, “Warren, ngayong alam na namin
kung gaano mo kamahal si Lito, ipaubaya namin siya sa iyo. Ano man ang gusto
ninyong gawin o ano man ang mga plano ninyo sa buhay, susuportahan namin kayo…”
Nasa US na kami ngayon ni Lito; sa
isang estado kung saan legal ang pagpapakasal ng mga kagaya namin. Kasal na
kami, at nagsasama na sa isang bahay na binili ng mga magulang niya para sa
amin.
Sa bagong lugar na ito, sisimulan
naming buohin ang aming buhay, ang aming mga panagarap, at pagtibayin pa ang
aming pagmamahalan. Hindi man namin kuntrolado ang takbo ng aming magiging
bukas ngunit sapat na para sa amin na nagmahalan kami ng tapat at nangakong
hinding-hindi namin pababayaan ang isa’t-isa.
Alam ko, may laban kami sa buhay. Ano
mang dagok at pagsubok ang darating pa sa amin, handa namng harapin ang mga ito
at patuloy naming ipaglaban ang aming pagmamahalan.
(Wakas)
No comments:
Post a Comment