By: Mikejuha
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[06]
Agad na bumalik ang sinakyan naming
pumpboat sa parte na kung saan nhulog si Lito habang taranta naman kaming mga
lalaking nagsitalunan sa dagat at ang mga babae ay nanghahagilap ng mga
inflatables at inihagis sa amin.
Mabuti nalang at may dalawang
lifeguards na nakasama naming sumakay sa pumpboat at bihasang-bihasa pagharap
sa mga ganoong klaseng situwasyon.
Nakailang sisid din kami hanggang ang
isa sa mga lifeguards ay sumigaw, “Dito na!” habang hila-hila niya ang walang
malay na si Lito.
Kaagad naming pinagtulungang hilahin
ang katawan niya upang maiakyat at mailatag sa pumpboat. Habang nakalatag ang
katawan niya sa mahabang upuan ng pumpboat, tiningnan ko ang mukha niya.
Namumutla na ito. Pinulsuhan ko kaagad siya. Noong wala akong mahagilap na
pintig, at idinampi ko ang tenga sa bibig at pagkatapus, sa dibdib niya, inalam
naman kung humuhinga siya o pumipintig pa ang puso. Ngunit wala akong makuhang
bakas na humihinga pa siya o pumipintig ang puso.
Dahil sa ako ang nakasakay na at
siyang nagbuhat sa katawan at naglatag nito habang ang mga lifeguards ay naiwan
pa sa tubig, ako na ang binigyang-instruction nila. “I-CVR mo!”
“Ano iyon?” sigaw ko, ramdam ang
tensyon sa boses.
“I-pump ang dibdib at i-mouth to
mouth!”
At iyon ang ginawa ko kaagad. Pump,
buga ng hangin sa bibig niya, pump, buga ng hangin…
Naka-ilang pump din ako at buga ng
hangin noong bigla siyang umubo at sumuka ng tubig. Sa pagkakita ng lahat,
nagpalakpakan sila sa sobrang tuwa, ang iba ay nag-hug sa iba pang mga buddies.
Ngunit imbis na matuwa, kumawala sa
akin ang galit na matagal ko nang tinimpi. Tila isang bulking pumutok ito at
naalimpungatan ko na lana ang sariling inupakan ng suntok sa mukha si Lito at
pagkatapus ay hinablot ang niya buhok upang i-untog ang ulo sa sahig na nilatagan..
“Tangina ka! Pauwi na lang tayo, nagdadrama ka pa! Ano ba ang gusto mong
mangyari?!!” Sigaw ko sa kanya.
Alam ko, nabigla din si Lito sa bilis
ng mga pangyayari. Disoriented pa iyong tao at kababalik lang ng malay tapus,
suntok ang sumalubong sa pagmulat niya ng mata.
Hindi makapaniwala ang lahat sa
nasaksihan nila. At sa pagkabigla at nakitang hawak-hawak ko pa ang buhok niya
sa ulo akmang i-untog ito sa sahig, hindi naman sila magkandaugaga sa
pagsisigaw, “Warren! Warren! Manghunos-dili ka!” habang ang mga lalaki ay
dali-daling hinawakan ang mga kamay ko.
“Warren!!! Sumusobra ka na ah! Ano
bang akala mo sa sarili mo? Nasalba na nga iyang tao sa pagkalunod at ngayon ay
gusto mo namang patayin?!!!” ang sigaw ng moderator namin, galit na galit at
mistulang handang paulanan na rin ng suntok ang mukha ko.
“Arrrggggg!!!” Sigaw ko habang
pumiglas ako sa pagkahawak nila at tumakbo sa may likuran ng pumpboat na
pinaandar na patungo sa lugar namin. “Hindi nyo lang alam kung gaano katindi
ang sakit na dulot ng kahayukang ginawa niyan sa akin! P**** ina niya! Binaboy
niya ako! Sinira niya ang pagkatao ko!” At doon, napahagulgol na rin ako. Pakiramdam
ko na sa kabila ng naramdaman kong sakit ng kalooban at agrabyo, wala akong
kakampi, at bagkus, ako pa ang kontrabida.
Mistula namang nagulat ang lahat. Alam
ko na sa pagtagpi-tagpi ng kuwento simula pa sa deepening kung saan ni Lito
ibinunyag ang lahat, sa pagkakatong iyon, nakuha na nila kung sino ang taong
tinukoy ni Lito sa kanyang pag-unveil ng kwento niya.
Habang patuloy ang pag-iyak ko, hindi
naman malaman ng mga kasama namin kung ano ang gagawin nila at kung kaninong
side sila papanig. Alam ko, naguguluhan din sila. Habang ang karamihan ay
tinulungan si Lito sa nangyari sa kanya, may ilang kababaihang myembro naman
ang lumapit at nagpakalma sa akin. “Buds… pwedeng i-hug ka namin?”
Tila may sumundot naman na nagpalambot
sa puso ko sa sinabi ng mga babaeng buddies namin na iyon. At noong nag-group
hug kami, lalong tumindi ang pagnanais kong i-unload ang sakit at bigat ng
kaloobang dinadala. Napahagulgol uli ako sa harap nila, hindi makatingin sa
kanila at patuloy na nagpapahid ng luha.
“Ok lang iyan buds. Sige, ipalabas mo
ang lahat ng bigat ng saloobin.” ang sabi ng isang buddy sa akin.
“Hindi ko alam kung bakit niya ginawa
sa akin iyon buds, eh. Akala niya siguro, bakla ako. Hindi ako bakla, tangina
niya…” ang mahinahon kong pagpalabas ng hinanakit.
“Naintindihan namin buds… masakit
talaga ang naranasan mo.”
Sa pagkuwento at pag-unlaod ko na
iyon, naramdaman kong unti-unting humupa ang tension sa sarili. Tiningnan ko si
Lito sa kinauupuan niya, nakayuko lang, tila tulala pa rin bagamat safe na. At
bakat pa rin sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Ngunit sa sarili ko,
nandoon pa rin ang galit...
Lunes, balik-eskwela na naman.
Gustuhin ko mang maging normal ang lahat ngunit pakiwari ko ay pabigat ng
pabigat ang naramdam. Sa nangyari sa pumpboat ay parang nag-iba ang tingin ng
mga tao sa akin. Parang pinag-uusapan nila ako. Alam ko kasi na kahit amin-amin
lang iyong mga sikretong nabunyag sa deepening activity namin, hindi rin
maiwasang may hindi makapagpigil na sikretong magsalita, intentional man o
pahapyaw. Sa araw ding iyon nalaman kong hiniwalayan na daw si Lito ng
girlfriend niya.
Ngunit parang wala lang din epekto sa
akin iyon. Minsan na rin kasing inamin sa akin ni Lito na di niya mahal ang
girlfriend niyang iyon. Ang masaklap lang dahil naramdaman kong ang girlfriend
ko ay dry na ang pakikitungo sa akin. Nand’yan iyong kapag inofferan ko siyang
ihatid, marami na siyang alibi, kesyo dadaan pa sa kung saan-saan, kesyo kasama
niya ang mga barkada, etc. etc. Kapag sabihin kong bisitahin ko sa kanila ay
sasabihing may lakad, may ipapagawa ang mama, mag-aaral, etc. At kapag sa
school naman, kapag nakita niyang nasa isang lugar ako, kusa itong iiwas sa
lugar kung saan ako naroon. Hindi ko maintindihan kung ang inasta niya ay dahil
ba sa mga naririnig niya o may ibang dahilan. Pero malakas ang kutob ko na
dahil iyon sa mga naririnig niya tugkol sa nangyari sa amin nio Lito. Andaming
bumabagabag sa isip ko. Tuliro, hindi makapagconcentrate ng maigi, at bwesit na
bwesit na sa buhay. At ang dahilan ng lahat? Si Lito.
Sa nagdaang mga araw, hindi ko na
pinapansin si Lito. Bagamat alam kong gusto niyang makipagbati, ngunit matigas
ang paninidigan ko. Napansin ko rin ang pananamlay niya, at ang pagpayat. At
hindi na siya palaimik, naka-upo na lang sa isang sulok. Pati grades niya ay
naapektuhan din. May mga tests na wala siyang sagot at palaging nag-aabsent.
Dahil dito ay nagworry ang mga professor, mga kaklase at mga kaibigan na rin
namin.
Isang araw, bigla na lang akong
ipinatawag ng Guidance counselor. Pagpasok ko sa room, nakita ko ang mga
magulang ni Lito, kausap ang madreng Guidance counselor ng school. “Please take
your seat, Warren” ang sabi kaagad ng counselor.
Kumuha ako ng isang silya at naupo sa
tabi ng mga magulang ni Lito. Ang inaasahan ko ay pagagalitan nila ako. Ngunit
noong tingnan ko ang mga mukha nila, wala akong nakikitang galit bagamat pansin
ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Kinumusta ako at niyakap pa nila.
“Warren, we need your help.” Ang
seryosong sabi sa akin ni Sister. “Sana, you are willing to do it...”
“A-ano po iyon, Sister?” ang tanong
ko, nag-aalangan kung anong tulong ang gusto nilang gagawin ko.
“Warren, alam kong may problema kayo
ni Lito. May alam kaming kaunti. Ano man iyon, sa inyo na lang iyan. I am not
blaming you. Pero alam mo, I am very much worried para kay Lito. I feel na
hindi na siya ang dati kong anak. Iba na siya, Warren. Palaging wala sa sarili,
tulala, hindi kumakain, hindi makatulog. At minsan hindi na nag-aayos sa
sarili. Ang kinatatakutan ko ay kung hindi siya maagapan, ay baka masiraan siya
ng bait o kaya…” napahinto siya ng sandal gawa ng pag-crack ng boses.
“…magpakamatay” at tuluyan na siyang umiyak. “Bilang isang ina, napakasakit
pagmasdan na ang anak mo na dating puno ng sigla, puno ng pangarap, puno ng
pagmamahal, ng mga pangarap ay biglang magbago at mawalan ng sigla. Napakabata
pa ng anak ko, Warren para masira ang buhay niya. Ikaw lang ang makatulong sa
kanya Warren, nagmamakaawa ako…” dugtong ng mama niya.
Tila tinusok naman ang puso ko sa awa.
Simula kasi noong magkaibigan pa kami ni Warren, napakabait ng mama at papa
niya sa akin. Kapag doon ako natutulog sa kanila, nakakasama naming sila ni
Lito sala, nagkukwentuhan, tawanan, sabay nanonood ng palabas sa TV. At kapag
may importanteng okasyon sa kanila, hindi pwedeng wala ako dahil pinapatawag
nila ako at pinapadlo. Alam ko, napamahal na rin ako sa kanila, lalo na’t
nag-iisang anak lang si Lito at ako ay itinuturing niyang kapatid. Turing nila
sa akin ay talagang bahagi na ng pamilya nila. Mayaman ang pamilya nila. At
kahit ako ay anak-mahirap lang, napakabait nila sa akin at marami nang
naitulong lalo na kapag kapus ang mga magulang ko sa pang-tuition. Ang totoo
nga niyan, sila mismo ang nagpumilit na mama at papa na rin ang itawag ko sa
kanila.
“A-ano po ba ang maitutulong ko, Ma?”
tanong ko.
“Puntahan mo si Lito Warren. Kausapin
mo siya. Patawarin mo siya kung ano man ang nagawa niya sa iyo. Ibalik mo ang
dating pagkakaibigan ninyo… Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo kapag
napagbigyan mo kami, Warren, sana maawa ka kay Lito.”
Mahirap para sa akin ang hiniling
nilang iyon. Para bang heto, ako ang agrabyado, pero ako pa ngayon ang
lumalabas na may kasalanan. Pero dahil sa awa ko sa mga magulang ni Lito, ang
nasabi ko na lang ay, “S-sige po, Ma… pupuntahan ko siya, ngayon din.
At sa gabi ng araw na iyon, doon
pinuntahan ko si Lito sa bahay nila. At dahil napagkasunduan naming ng mga
magulang niyang doon muna ako titira sa kanila ng at least isang linggo, nagdala
na rin ako ng kaunting mga personal na gamit.
Noong makarating na ako sa bahay nina
Lito, pinaderetso na ako ng mga magulang niya sa kwarto ni niya at hindi pa raw
ito kumain at hindi lumalabas ng kwarto. Umakyat ako ng second floor kung
saanang kwarto niya. Noong nasa harap na ako ng pintuan, hinwakan ko ang door
knob at tinangkang buksan ito. Ngunit naka-lock ito.
Kumatok ako. Walang sumagot.
Kumatok uli ako, mas malakas-lakas.
Wala pa ring sumagot.
“Tol!” sigaw ko, habang kumakatok anko
ng mas malakas pa. Wala pa ring sagot.
Sumigaw na ako, “Tol!!! Si Warren to,
buksan mo ang pinto!!!” Wala pa ring sumagot.
Dahil sa hindi pagsagot na iyon ni
Lito, bigla akong kinabaha. Tumakbo na ako pababa, sa sala kung saan nandoon
ang mama at papa ni Lito. “Ma, pa! Walang sumagot sa kwarto ni Lito! Buksan
natin!”
Nataranta naman ang papa ni Lito.
Dali-dali niyang kinuha ang master key at tinumbok ang kwarto ng anak. Agad din
kaming sumunod.
Noong nabuksan na ang kwarto, malakas
na tili ang kumawala. “LITOOOOOOOOO!!!”
(Itutuloy)
[07]
“LITOOOOOOOO!” Walang humpay ang
pagsisigaw ng mama ni Lito noong makitang habang nakatihaya ito sa kama na
walang malay, ang kaliwang pulso nito ay laslas at maraming dugo ang nagkalat.
Tumagos ang iba sa bedsheet, sa sahig, at patuloy pang umaagos at pumapatak ang
mga ito sa sahig.
Taranta ang lahat at nagkagulo pati na
ang mga katulong. Hindi malaman kung ano ang gagawin.
Kahit gumapag din sa akin ang
matinding pagkataranta sa nakitang nagkalat na dugo, pinilit kong pakalmahin
ang sarili at mag-concentrate sa tamang gagawin. Agad kong inagapan ang sugat
niya, hinablot ang bedsheet, puwersahan itong pinunit at inaplayan ng
tourniquet ang parte ng braso kung nasaan ang nilaslas niyang pulso.
“Ihanda po ninyo ang sasakyan!” sigaw
ko sa papa ni Lito na dali-dali namang bumaba at hinagilap ang driver.
Nagkandaugaga naman akong buhatin si
Lito palabas ng bahay kung saan naghintay na ang van nila. Noong makitang
nahirapan ako sa pagbuhat, tinulungan ako ng papa ni Lito hanggang sa maipasok
namin ito sa passenger’s seat. Sumama na rin ako sa hospital. Ako ang katabi ni
Lito sa upuan, nakasandal siya sa akin, hawak-hawak ko ang kamay na may sugat
at inangat upang ang dugo ay hindi lalabas sa sugat. Sa kabilang side naman ni
Lito ay nakaupo ang mama at papa niya.
Na-admit naman siya kaagad. Ang
problema, kailangang masalinan siya kaaagad ng dugo at walang mahagilap na
kaparehong type ng dugo niya. Mahirap daw kasing hanapin ang type na iyon.
Kahit ang type ng dugo ng mama at papa niya ay hindi tugma. Nag-volunteer akong
magpacheck at ako man ay namangha dahil sa magkapareho ang type ng dugo namin.
Kaya agad-agad akong pinahanda upang kunan ng dugo upang isalin kay Lito.
Dahil sa mabilis na pagsalin ng dugo
sa kanya, idineklarang ligtas na si Lito sa kapahamakan. Laking pasalamat naman
ng mga magulang ni Lito sa akin na kahit papaano, hindi ko iniwan ang anak
nila. Hindi rin ako umalis sa tabi ni Lito. Doon na ako nakatulog sa private
ward niya.
Umaga, gising na ako. Umuwi muna ang
mga magulang ni Lito upang magpahinga, pansamantala namang inihabilin sa akin
ang pagbanatay.
Tulog pa rin si Lito. Bagamat hindi pa
siya nagkamalay simula noong gabing na-confine siya, ramdam kong ligtas na
siya. Pinangmasdan ko ang anyo niya habang natutulog. Pansin ko ang pagpayat,
ang mukhang dati ay punong-puno ng sigla ay nagbago; mistulang mukha ito ng
kawalang pag-asa, ng paghihirap ng kalooban, ng kalungkutan. Nakakaawa…
Naalala ko pa noong sobrang close pa
namin sa isa’t-isa, isang beses nag-inuman kami doon. Trip lang namin, at
kaming dalawa lang. Isang lingo iyon matapus ang test. Masayang-masaya siya sa
araw na iyon dahil sa siya ang nagta-top sa karamihan ng subjects niya. As
usual syempre, siya ang taya. Paano, eh, wala naman akong pera. Noong medyo
nag-iinit na kami sa nainum, bigla na lang itong nagtatakbo sa aplaya. At
habang nagtatakbo, isa-isang hinubad nito ang mga damit niya ikinalat angmga
ito sa buhanginan hanggang sa ang puting brief na lang ang natira sa katawan.
Syempre, di nawawala ang paghanga ko sa magandang hubog na katawan niya.
Proportioned ito, matipuno, may six-pack abs at hunk na hunk ang dating. Pero,
hanggang sa paghanga lang ito, wala nang iba pa.
“Ligo tayo Tol! Woooohhhhh! Sarap
maligo!” sigaw niya.
Tawa nang tawa ako sa nakitang tila
batang nagwawala na kaibigan. Ngunit nanatili lang ako sa harap ng cottage
namin at pinagmasdan siyang lumusong sa tubig.
Maya-maya, bumalik, may dalang kabibi,
iyong giant clam, halos kasing laki ito ng bungo ng tao. “Ano yan, tol?” tanong
ko. Akala ko talaga ay buhay at may laman pa, habang bitbit-bitbit niya ito
patungo sa akin. “Wahhhh! Anlaki!” sabi ko, di makapaniwalang sa dagat na iyon
may ganoon pa kalaking buhay na kabibi.
Noong makalapit na siya sa akin at akmang
hihipuin ko na sana ito sa pag-aakalang buhay nga, bigla naman niyang tinanggal
ang nakapatong na shell at ang tubig na laman ng kalahating shell ay inihagis
sa akin sabay karipas ng takbo.
“Arggggh! Tangina!” Sigaw ko sa
pagkabigla at pagkabasa ng damit. Dali-dali ko namang hinubad ang t-shirt at
pantaloon, natira na lang ang brief at sinugod siya.
“Tol… grabe ka pala kapag nabigla,
anlaki-laki ng butas ng ilong mo!” pang-aasar niya habang nagtatakbo at
tumatawa.
“Sige, tawa ka pa d’yan. Kapag naabutan
kita, dila lang ang walang latay sa iyo!”
Para kaming mga batang musmos na
naghabulan sa dalampasigan hanggang sa maabutan ko na sya, nagpambuno kami,
pagiling-giling sa buhanginan. At noong na pin down ko siya at nasa ilalim ko,
inupuan ko ang tiyan niya, hinablot ang buhok niya at iminudmod ang ulo sa
buhangin. “Um! Um! Um!”
“Arayyyy! Tado ka…” sigaw niya habang
sinikap naman niyang pwersahin akong itihaya.
At dahil sa mas malakas siya kaysa sa
akin, agad din niya akong napatumba at ako naman ang napatihaya. Dali-dali
niyang dinaganan ang katawan ko. Inilock niya ang mga paa niya sa paa ko, at
ang dalawang kamay niya sa kamay kong nakalapat sa buhangin sa may uluhan ko.
Napako ako sa posisyon na iyon habang ang mga mukha namin ay halos maglapat na,
dinig na dinig at naaamoy naming pareho ang hangin na lumalabas sa mga bibig
naming habol-habol ang hininga.
Inaakala kong mayroon siyang gagawin
sa akin na kagaya ng sasakalin ako, o hihilahin ang paa o braso o hahablutin
ang buhok, ngunit nanatili lang siya sa ganoong posisyon, nakatitig sa akin.
Noong mapansing nakatitig lang siya sa
akin sa posisyon na iyon, nagsalubong kaagad ang kilay ko, nagtatanong ang isip
kong anong kabulastugan na naman ang nasa utak niya. “Ano? Ba’t ganyan ka kung
makatitig?” ang sumbat ko, habang naka-lock ang katawan ko sa pagdagan niya.
Tila natuhan naman siya sa tanong ko
sabay sabing, “Ano, lalaban ka pa?”
“Paano ako makalaban, e nilock mo
ako?”
“E, di talo ka.”
“Oo na, talo ako.”
“May parusa ka.”
“Ano?”
“Iki-kiss kita.”
“Tangina ka Tol! Nababakla ka na yata
sa akin! Bakla!” biro ko sa kanya. Iyon naman ang palagi kong biro sa kanya eh.
Paano maraming beses ko na siyang nahuling parang iba kung makatitig. At
madaling napipikon pati kapag tinawag na bakla. Pero, walang malisya sa akin
iyon. Pati iyong pagbibiro ko sa kanyang "bakla", walang laman iyon.
Kaya noong mapikon na naman siya,
bigla din niyang hinablot ang buhok ko at iminudmod ang ulo sa buhangin. “Bakla
pala ha… Um! Um! Um!”
Pumiglas ako at humarurot na ng takbo.
“Bakla! Bakla! Bakla!” pang-aasar ko habang tumatawa ng malakas.
Habol ulit siya. Tawanan.
Noong mapagod na kami, inum uli ng
beer habang nakaupo sa buhanginan. At may naiibang klaseng posisyon kami kapag
ganoong umuupo sa buhanginan o damuhan. Nakaangat ang kanan kong tuhod at si
Lito naman na nakaupo sa kanan ko ay doon sasandal, paharap sa akin. Ang kanan
naman niyang tuhod ay iangat din niya at siya ko namang sasandalan ito. Sa
posisyong iyon, para kaming magkasintahan, halos magyayakapan na. Minsan habang
nasa ganoong ayos, nagbibiruan kami, at ang palaging ginagawa ni Lito ay iyong
mga daliri niya na pabirong igagapang sa dibdib ko, sa tyan, at pababa minsan
sa umbok ko ng pagkalalaki. Wala lang naman sa akin iyon. Tatawa lang ako. Pati
siya, tatawa din. Ako nga din, kinikiliti ko siya sa tyan, sa kil-kili. Wala
din naman kasi siyang ginagawa na iba pa. At lalong hindi ko alam na iba pala
ang naramdaman niya. At syempre, pareho lang kaming naka-brief kaya kung may
ibang taong makakakita sa ginagawa namin, iisipin talagang may relasyon kami.
Pero, wala kaming pakialam. At sa panahong iyon, hindi ako naaasiwa sa ginagawa
namin.
Pauwi na kami at nagbibihis na ako
noong pinulot ni Lito ang kabibi sa buhanginan kung saan niya ito nailaglag
noong binuhusan niya akong tubig-dagat. Ewan kung ano ang napasok sa utak niya,
o baka dala na rin ng kalasingan, kinuha niya ang dalawang biyak, nilinis at
pinunasan ang loob ng mga ito.
“Ano ang gagawin mo d’yan?” Tanong ko.
“Lagyan natin ng pangalan, tol, at
Buo-in natin…” sabay kuha ng pentel pen niya sa bag at isinulat ang pangalan
niya, pirma at petsa ng araw na iyon sa isang hati. Iniabot naman niya ang
pentel pen at ang isang kahati noong kabibe. O, yan, isulat mo ang pangalan mo
sa hati na iyan.” Sabi niya.
Kinuha ko ang iniabot niyang kahati at
ang pentel pen. Bagamat nalito, isinulat ko pa rin ang pangalan ko, pinirmahan
at nilagyan ng petsa. “Bakit?” tanong ko pagkatapus kong magsulat doon.
“Wala lang. Trip ko lang.” sagot niya.
“Buo-in natin ito…” sabay kuha naman ng pantali at binuo an dalawang pares na
parang buo pa rin iyong kabibi.
Noong matapos niyang talian, “Anong
gagawin mo d’yan?” tanong ko ulit.
“Patunay ito, Tol, na di tayo
maghiwalay, na di tayo magbabago sa isa’t-isa…” tiningnan niya ako. “OK ba?”
dugtong niya.
Medyo na-cornihan pero napa- “O-oo.
Ok. Ok yan.” din ako. Kahit kasi corny, pero dahil mahal ko naman talaga ang
kaibigan ko – bilang kaibigan – natuwa na rin ako, lalo na napakabait sa akin
ni Lito, mayaman, at malaki ang naitutulong sa akin.
“Maipangako mo kaya tol na di ka
magbabago? At na hindi tayo maghihiwalay ano man ang mangyayari? N
magtutulungan tayo habambuhay?”
“Promise! Cross my heart!” ang
binitiwan kong pangako.
“Itaas mo ang kanang kamay mo pag
nagpromise ka” dugtong niya.
“Putsa naman o. O sige na nga…” ang
pagprotesta ko. At itinaas ko ang kanang kamay, “Promise!”
“Eh.. paano kung may mali akong magawa
o kaya’y may isang bagay akong itinatago na di mo magustuhan, magiging buo pa
rin kaya ang pagiging magkaibigan natin?”
“Hahaha! Tado ka talaga!” sagot ko
naman. “Ano pa bang pwede kong malaman sa iyo? E kahit nunal sa titi mo at titi
ko alam nating pareho” ang pagparinig ko. May mga time kasi na minsan sabay
kaming nagpaparaos, kanya-kanyang diskarte, at pagkatapus, kinukumpara namin
ang titi ng isa’t-isa. Normal lang naman iyon sa mga close na mga lalaking
magbarkada.
“Hindi nga, mag-promise ka!” giit
niya.
“O sige…” at itinaas ko uli ang kanan
kong kamay “Promise!”
“E… paano kung magalit ka sa akin?
Mapapatawad mo kaya ako?” tanong uli niya.
Napakamot na ako sa ulo. “Bakit ba ako
magagalit sa iyo? Di mangyayari iyon Tol, ano ka ba? Ako magagalit sa iyo? Baka
ikaw pa ang magagalit sa akin, makukulitan o maiinis sa palagi kong
pagpapalibre” biro ko sabay tawa ng malakas.
“Basta, sagutin mo ang tanong ko.
Mapapatawad mo kaya ako kapag may nagawa ako o may di mo magustuhang malamang
sikreto ko?”
“Ano ba yan!” Sigaw ko sa sarili. “Oo
patatawarin kita, promise!” ang nasambit ko dahil sa nakukulitan na ako at
gusto ko na ring umuwi.
“E, paano ko naman malalaman na
pinapatawad mo na ako?”
Nainis na talaga ako sa tanong niya
kaya, “Letse na yan! E di mag sorry eh!” Ngunit sa sagot kong iyon ay napansin
kong nasaktan siya at sumimangot ang mukha kaya binawi ko rin at naghanap ng
magandang isasagot. “Hehehe! Biro lang po…” sabi ko. “E… di hanapin ko ang
kabibi na yan at ibibigay ko sa iyo”
Napangiti naman si Lito sa sinabi ko.
“Talaga tol? Gawin mo iyan?”
“Oo naman” ang sagot ko nalang upang
huwag na siyang magtampo. “O sige, alis na tayo…” mungkahi ko.
“Sandali! Ibaon ko muna itong kabibi
dito… sa ilalim ng hagdanan nitong cottage natin”
At nagsimula siyang maghukay gamit ang
mga kamay. At dahil gusto ko na rin talagang umuwi, tinulungan ko na rin siyang
maghukay upang mapabilis. Siguro ay may 3 talapakan na ang lalim noong sinabi
ko nang “Tama na yan, malalim na iyan!” At saka pa inililatag ni Lito ang
kabibi at pagkatapus ay pinagtulungan din naming itong tabunan ng buhangin.
Sa parte ko naman, hindi ko na
binigyang pansin iyon. Di ko naman kasi iniisip na hahantong sa ganoong
sitwasyon na maranasan ko ang matinding galit sa kanya o manganganib ang
pagkakaibigan namin.
Tulog pa rin si Lito habang naglalaro
sa isip ko ang mga eksenang iyon sa beach. At namalayan ko na lang na tumulo
ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla namang sumingit ang isang
eksena doon sa deepening namin kung saan ang isang buddy namin, si Buddy Rofil
ay nag unveil sa mga problema niya sa buhay.
Ang buddy na iyon ay may kapansanan.
Noong maliit pa siya ay nagkapolio ito at kailangang gumamit ng crutches upang
makalakad ng maayos. Ngunit hindi lang diyan nagtapus ang kanyang kalbaryo; may
mukha siyang masasabi mong talagang pangit. Malalaki at luwa ang mga mata,
malalaki ang pisngi, malaki ang ulo, pango ang ilong, at maitim. Ngunit ang
nagustuhan namin sa kanya ay ang pagkamasayahin niya, palabiro, maalalahanin,
matulungin, mother-figure sa grupo kumbaga. At kapag may problema ang mga
kaibigan niya, sa kanya nanghihingi ng payo. Sa kabila ng hitsura at kapansanan
niya, hindi mo makikita sa mukha niya na may hinanakit siya sa mundo. Ngunit
noong siya na ang nasa hotseat, ang mga sinabi niya ay nakaukit sa isipan ko.
“Marahil ay iniisip ninyo wala akong
problema… mayroon din. Syempre, alam nyo na. Hindi ko man sasabihin, nakikita
naman eh, di ba? Alam ko kung ano ang iniisip ng mga tao kapag nakita nila ako,
ang iba ay naaawa, ang iba naman ay may bahid panlalait. Simula noong bata pa
lang ako, inaaway na sa school, walang gustong makikipagkaibigan at kahit may
mga tao ding sa harap ay nakikisalamuha pero nararamdaman kong ang iba sa
kanila ay nandidiri o kaya’y pinag-uusapan nila kapag nakatalikod na ako.
Masakit. Ngunit natutunan ko pa ring lumaban. Na hanapin ang lakas na mabuhay
at humarap sa mga pagsubok sa kabila ng lahat. Lahat tayo ay may kanya-kanyang
pagsubok. Napakaraming taong sa kabila ng nasa kanila na ang lahat ngunit hindi
pa rin sila maligaya o kuntento. May mga taong napakayaman na ngunit sa konting
problema lang ay nagda-drugs na o kaya’y nagpapakamatay, sinasayang ang buhay.
Kahit ganito lang ako, pero natutunan ko ang halaga ng buhay, at lalaban ako
hanggang sa kaya ko. Hindi ko man alam kung bakit ibinigay sa akin ng maykapal
ang ganitong klaseng buhay, ngunit alam ko, may silbi pa rin ako sa mundo, I
have a place under the sun, at gagawin ko ang makakaya ko upang maraming tao
ang mapapaligaya ko at matulungan. Napakasarap mabuhay sa mundo. At lalo itong
mas masarp kapag wala kang galit sa puso, kapag marunong kang magpatawad,
marunong magmahal...”
Tulog pa rin si Lito. Dali-dali akong
lumabas ng ospital at pinuntahan ko ang beach… Agad din akong bumalik. Sa
pagbalik ko, tulog pa rin siya.
Maya-maya, nagising siya. Noong
iminulat niya ang mga mata, tila disoriented at inaaninag ang kisame ng kwarto.
Noong ibaling niya ang paningin sa paligaid, ako ang una niyang nakita.
Nginitian ko siya.
Ngumiti din siya. Ngunit bahagya lang
at agad napako ang mga tingin niya sa kawalan. Maya-maya, napansin ko ang mga
luhang dumaloy sa pisngi niya.
“Tol… ligtas ka na.” Sabi ko.
Hindi kaagad siya sumagot. “S-sana…
namatay na lang ako Tol. Ayoko nang mabuhay pa.”
“Huwag kang magsalita ng ganyan, Tol.
Hindi ako papayag na mamatay ka. Kailangan ka namin, Tol… Kailangan ka ng mga
magulang mo, ng mga taong nagmamahal sa iyo. Napakasarap mabuhay. Lumaban ka.
Naalala mo ang sinabi ni Buddy Rofil? May halaga ka sa mundo… May silbi ang
buhay mo. May dahilan kung bakit nandito ka.”
Tiningnan niya ako. “N-napatawad mo na
ba ako Tol?”
Tumango lang ako.
Ngunit tila hindi siya kumbinsido sa
pagtango ko. “Paano ko malalaman na tunay mo nga akong pinapatawad?”
At inabot ko sa ilalim ng kama niya
ang dala ko at ipinakita iyon sa kanya. “Ito tol… patunay na napatawad nakita.
Nakita mo, buo pa rin ito.”
Kitang-kita ko naman ang matinding
tuwa sa mukha ni Lito nang makita ang dala ko para sa kanya. “A-ang kabibe!
Natatandaan mo pa pala iyan, tol!”
(Itutuloy)
[08]
Simula noon, balik na naman ang
pagiging close namin ni Lito. Ang kinikimkim kong galit sa kanya ay nadaig ng
matinding awa. “Sino ba ako upang hindi magpatawad…” Tanong ko sa sarili, lalo
na kung nakikita mo naman na ang taong nagkasala sa iyo ay taos-puso at tapat
na nanghingi nito. Alam ko, abot-langit ang pagsisisi niya sa nagawa niyang
kasalanan sa akin. Alam ko rin na sobrang bigat ang pinapasan niya sa buhay
hindi lang dahil sa guilt na nadarama, nad’yan din ang problemang ng hirap ng
pagtanggap sa sarili sa pagkatuklas sa naiiba niyang pagkatao, at nad’yan pa
iyong sama ng loob niya sa pagkadiskubreng ampon lang siya. At isa pa, ayokong
magiging isa sa dahilan kung sakaling maisipan man niyang muli ang kitilin ang
sariling buhay. At syempre, ayoko ring masira ang respeto ng mga magulang niya
sa akin na kung saan ay tunay na anak na rin ang turing sa akin, sa laki rin ba
naman ng na utang loob ko sa kanila. Kaya, minabuti kong kalimutan na lang ang
kasalanang nagawa ng kaibigan ko sa akin. “Ang kasalanan lang naman niya siguro
ay minahal niya ako, at hindi niya kayang ma-kontrol ang sarili…” sabi ko na
lang sa sarili.
So, balik-close at magkaibigan uli
kami; may kaibahan na nga lang. Sa pagkakataong iyon ay sa side ko, may kaunting
pagkailang dahil sumisiksik sa utak kong may kakaibang naramdaman siya para sa
akin. Kahit mahal ko naman talaga ang kaibigan bilang isang kaibigan at bilang
turing-kapatid na rin, ang nangigibabaw sa akin ay awa na lang para sa kanya.
Ngunit hindi ko ipinahalata ang lahat. Ayokong isipin niya na may nagbago sa
akin at masaktan uli siya.
Kaya, balik uli kami sa laging
pagsasama sa school, sa mga gimmick, ang harutan, ang kantyawan, biruan.
Ngunit, may napansin din akong iba sa
mga galaw niya. Hindi ko na nakita pa ang dating natural na saya sa mukha niya.
Parang may kulang ito, may pagkukunwari. Oo, nagtatawanan kami, naghaharutan,
nagbibiruan, ngunit may mga pagkakataon ding bigla na lamang itong umiiwas,
nawawala sa samahan, at makikita ko na lang na nag-iisa ito, nagmumukmok sa
isang sulok, malungkot, at malalim ang iniisip.
Isang araw, noong mapansin kong bigla
na lamang itong nawala sa umpukan naming magkaklase, hinanap ko siya; nahanap
ko sa likod ng building ng campus, sa may mini-park nito, nakaupo sa damuhan sa
ilalim ng malaking puno ng akasya, nag-iisa, naka-earphone. Nakatalikod siya sa
akin at sa kagustuhang sorpresahin sana siya, dahan-dahan akong umupo sa tabi
niya. Nagulat siya noong nakita niyang nakaupo na ako sa tabi niya. Excited pa
naman ako na nahanap ko siya. Ngunit noong magkasalubong ang aming mga tingin,
pansin ko ang malungkot niyang mukha at ang mga namumuong mga luha sa gilid ng
mga mata niya.
Ngumiti siya ng bahagya, “Ikaw pala,
tol… ginulat mo ako ah.” ang sambit niya sabay lingon sa malayo at dali-daling
hindi pinapahalata ang pagpahid ng mga kamay niya sa mga luhang pinipigilan
niyang huwag dumaloy sa kanyang mukha.
Kunyari hindi ko napansin iyon. “Ba’t
iniwanan mo ako sa umpukan natin?” ang tanong ko.
Yumuko siya, tila nahihiyang mapansin
ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “W-wala… may naisip lang ako, at gusto ko
ring mag-music tripping.” ang sagot niya.
Ngunit naramdaman kong hindi siya
nagsabi ng totoo. Hinawakan ko ang panga niya at iniharap ang mukha niya sa
akin. “Tingnan mo nga ako tol?” sabi ko. “Hindi ka nagsabi ng totoo e. Ano ba
talaga ang dahilan?” pangungulit ko.
Kinabig niya ang kamay ko sa panga
niya at yumuko uli. Natahimik siya sandali. “Wala naman din akong interest sa
mga bangkaan. Nag-uusap kayo, mga babae, mga magagandang babaeng trip ninyo
dito sa campus, nagkakatyawan na baka bakla si ganire, si ganito… Pakiramdam
ko, ako ang pinapatamaan nila e…”
Bahagyang nagulat naman ako sa sinabi
niya. “Ito naman o… Huwag mo namang bigyan ng masamang kahulugan ang mga
sinasabi nila. Walang bahid patama ang mga bangkaan namin, alam ko yan. Ganoon
naman talaga ang mga kaklase nating iyon dati pa, di ba? Malakas mang-asar…”
ang pag-takip ko na lang.
“Hindi tol… sa tingin ko, ako ang pinapatamaan
nila e.”
“Huwag kang magsalita ng ganyan, tol…
Ito naman, o. Sobrang sensitive mo naman.” Ang nasabi ko na lang. Pero sa
loob-loob ko lang, pakiwari ko ay naramdaman ko rin ang kahirap ng katayuan
niya. “Malalampasan mo rin iyan tol. Either mawala din sa iyo iyan, o
matatanggap mo rin ang lahat ng iyan” dugtong ko.
Hindi na siya kumibo. Binitiwan lang
niya ang isang malalim na buntong-hininga at tumingin na sa malayo. Marahil ay
nasabi na lang niya sa sarili na, “Nasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang
nasa kalagayan ko”
Sa kagustuhan kong sumaya ang mood
niya, iniba ko ang usapan. “Hey… ano bang kanta iyang pinapakinggan mo, tol…”
Ang naitanong ko, tukoy sa pinakinggang sound sa earphone niya. “Pakinig mo
naman sa akin.”
Pansin kong nag-aalangan siya, ngunit
tinanggal din niya ang earphones sa tenga niya at iniabot ang mga ito sa akin.
“Paborito kong music iyan, Tol…” sabi niya.
tinanggap ko ang mga ito at inilagay
sa aking mga tenga. At habang pinakinggan ang tugtog, yumuko naman siya, tila
nahihiya sa magiging reaksyon ko -
“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue
ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm
trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I
will
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have
stayed
Lucky to be coming home someday
And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now
I'm lucky I'm in love with my best
friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have
stayed
Lucky to be coming home someday”
At nakita ko na lang ang sariling
imbes na ako ang magpapasaya sa kanya, naramdaman kong gumapang sa katawan ko
ang lungkot, o awa sa kanya. Pakiwari ko ay kinurot ang puso ko sa narinig.
Noong matapos kong pakinggan ang kanta, tinanggal ko ang earphones sa tenga ko
at iniabot ko uli iyon sa kanya. Pinakawalan ko ang isang malalim na
buntong-hininga. Tinitigan ko siya, may bahid na pagkaawa ang aking mga mata,
nakikisimpatiya sa kanyang naramdaman. “Hindi mo pa rin ba ako kayang
malimutan?”
Nanatili pa rin siyang nakayuko, ang
mga tingin ay napakalalim, at ang mga kamay ay wala sa isip na inilalaro sa mga
damong naka-usli sa may harapan ng inuupuan niya. At napansin ko na lang ang
mga luhang pumatak sa damuhan ding iyon. “Kung kaya ko pa lang sana tol… wala
na sanang problema” ang maikling sagot niya.
Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko na
lang ang paningin sa malayo, nag-iisip kung paano ko siya matutulungan sa
kanyang kalagayan.
“Ngunit huwag kang mag-alala, tol…
dahil tanggap ko naman na hindi mo ako pweding mahalin eh. Kaya, kaya…” hindi
niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil sa tuluyan nang nag crack ang boses
niya.
Nanatili pa rin akong nakayuko,
hinayaan siyang ipalabas niya angkanyang saloobin.
Pilit niyang ipinagpatuloy ang mga
salitang gustong kumawala sa bibig niya. “… kaya hayaan mo na lang akong sa
kantang iyan ko damhin ang pagmamahal ko sa iyo. Sa kantang iyan, ramdam kong
mahal mo din ako, na masaya tayo, na kaya mong gawin ang lahat para sa akin.
D’yan ko na lang naipapalabas ang lahat, ini-imagine na nand’yn ka, aking-akin,
na mahal mo rin ako at napaka-swerte ko dahil ikaw ang pinili at tinibok ng
puso kahit pa man alam kong hindi pwedeng mangyari ito.” At humagulgol na siya.
“Para akong baliw, tol… nagpapantasya, nangangarap, na sana nasa ibang mundo
ako at totoong nangyari ang mga sinasabi ng kantang iyan sa akin; na doon
‘Lucky’ nga ako.” Tukoy niya sa pamagat din ng kanta.
Hindi ko lubusang maintindihan ang
tunay na naramdaman sa tagpong iyon at kung ano ang gagawin upang maibsan ang
paghihirap niya. Ang alam ko lang ay matinding pagkaawa ang bumalot sa pagkatao
ko sa mga sandaling iyon. “Yakapin mo ako, tol kung iyan ang magpapagaan ng
kalooban mo.” Ang nasabi ko na lang.
Ngunit hindi siya yumakap sa akin. Ang
ginawa ko, umusog ako sa kanya at ako na ang yumakap dito. Bagamat naramdaman
kong sumandal siya sa akin, dali-dali din siyang kumalas. “Huwag tol… ok na
ako” ang sambit niya.
“B-bakit?” tanong ko ng naguluhan.
“May mga taong nakakakita. Ayokong
lalo kang madamay sa mga problema ko, tol. Alam kong nagsakripisyo ka rin sa
nangyari. Pati girlfriend mo, hiniwalayan ka na rin. Naawa ako sa iyo. Kaya OK
lang ako, huwag mo akong intindihin.” Ang paliwanag niya.
Doon nagsimula ang pagkahabag ko sa
kaibigan. At ito rin ang nagpatuliro sa isip ko dahil alam ko na isa ako sa
solusyon sa dinadala niyang bigat na saloobin. Bagamat gusto kong tulungan
siya, nahirapan din ako sa kalagayang hayan siya, hinahangad ang pag-ibig ko
ngunit hindi ko naman matanggap na magkunyari sa kanya dahil babae ang
hinahanap ko, babae ang gusto kong makarelasyon. “Paano naman ang kaligayahan
ko?” tanong ko sa sarili.
Ngunit habang tumatagal ang ganoong
set-up at nakikita ko ang kanyang paghihinagpis, lalo din akong tila
nato-torture. Kaya naisipan ko na lang na kausapin si Lito. “Tol… total Friday
ngayon, pwedeng doon ako matulog sa inyo?”
Kitang-kita ko naman ang bakas ng tuwa
sa mukha niya. “Oo ba? Sure!”
“Inuman din tayo ha?”
“Iyon lang pala, sige!”
Alas syete ng gabi noong dumating ako
sa bahay nila. Syempre, kasali ako sa dinner ng pamilya dahil noong malaman ng
mga magulang ni Lito na aakyat ako ng dalaw, hinintay nila talagang makasali ako
sa dinner. Kumustahan, kwentuhan. Wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga
magulang ni Lito sa akin. Bagkus pakiramdam ko ay lalo pa akong napamahal sa
kanila.
“Kumusta ang pag-aaral, Warren?”
tanong ng papa ni Lito sa akin.
“OK naman po…” ang maiksi kong sagot.
“Alam mo, Warren, madyo bumalik na rin
ang magandang performance nitong kaibigan mo sa school. Sana tuloy-tuloy na
ito. At sana huwag kang magbago ang pakikitungo mo kay Lito, Warren. Ikaw lang
ang nagpapalakas ng loob niyan. Sana – “
“Uhum!” ang pag butt-in naman ni Lito,
halatang hindi nagustuhan ni Lito ang sinasabi ng ina.
Tiningnan lang si Lito ng mama niya at
nagpatuloy ito. “Sana patuloy mo siyang intindihin, aalalayan, suportahan…”
“Ma, it is not Warren’s responsibility
to look after me. He has his own life and he can do whatever he wants with it.
Huwag po ninyo siyang i-pressure sa akin. At huwag ninyong gawing kaawa-awa ang
anak ninyo sa mata ng ibang tao!” ang mataas niyang boses, sabay tayo at alis
sa hapag-kainan, hindi na magawang uminom. Tinumbok niya ang hagdanan patungo
sa second floor kung saan nandoon ang kwarto niya.
Bigala namang natulala kaming lahat,
at hindi nakakibo.
“Ah… Ma, Pa, excuse me po, susundan ko
lang po si Lito sa kuwarto niya.” Ang nasambit ko naman.
“S-sige hijo. Pasenya ka na ha? At
ikaw na sana ang bahalang umintindi sa kaibigan mo.” Sagot naman ng mama ni
Lito.
Hindi naka-lock ang kwarto ni Lito
kaya dire-deretso akong pumasok. Nakahiga siya sa kama at nakatutuk ang mga
mata sa kisame. “Tol… bat ka naman nag-walk out? Ikaw talaga o… Nasasaktan ang
mga magulang mo.”
“Yun na nga tol eh. Sila nasasaktan.
Paano naman ako? Hindi ba nila alam na nasasakal na rin ako? Sabagay, di naman
talaga nila ako anak...” ang may halong pagdaramdam na sabi niya.
“Ano ka ba, tol? Wala ka dapat
problemahin sa kanila. Dapat nga masaya ka eh dahil nand’yan sila. Huwag kang
maag-isip ng ganyan, napakabait nila”
“Ayaw ko lang kasi tol na kaawaan ako.
At lalo nang ayaw kong ididiin nila sa iyo na kailangan mong ganito ang gagawin
mo sa akin. Kung may gagawin ka man para sa akin, iyan ay hindi dahil sa utang
na loob mo sa amin, o dahil sinabi iyan ng mama ko, o ano pa man. Ayoko nang
ganoon. Gusto ko ay iyong kusa, o bukas sa kalooban mong gagawin para sa akin
ang isang bagay. Ok lang sa akin kahit hindi mo ako puntahan dito, o kahit pa
hindi na tayo palaging magsama. At least alam kong hindi ka na galit sa akin.
Iyon lang ang importante. Kasi mas masakit kapag nalaman kong sa kapag may
ginawa kang maganda sa akin at malaman ko na lang na hindi pala ito ang tunay
mong kagustuhan, diba?”
“Ok… ok…” ang sabi ko na lang, sabay
hila sa isang braso niya upang maupo siya sa kama. Hindi na ako sumagot pa sa
mga sinasabi niya. Noong makaupo na, niyakap ko siya, hinahaplos-haplos ang
likod sabay sabing, “Pwede mo akong yakapin... Dito walang tao, walang
makakakita sa atin.”
At… nagyakapan nga kami. Humahagulgol
siya sa mga bisig ko at hinayaan kong maipalabas ang lahat ng mga hinanakit
niya. Hanggang sa tila napagod na siya sa pag-iyak.
Tumayo ako at tinumbok ang
refrigerator niya. Kumuha ako ng 2 bote ng beer. Binuksan ko at noong bumalik
na sa kama, iniabot sa kanya ang isa at umupo na rin ako doon.
Naka tiglilimang beer na kami noong
ramdam kong nag-init na ang aking katawan. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang
mukha niya at itinutok ko ito sa mukha ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang
pagpupungay nito gawa ng kalasingan. Nagtitigan kami. At naalimpungatan ko na
lang na lumabas sa bibig ko ang tanong, “Tol… gaano mo ba ako kamahal?”
(Itutuloy)
[09]
WARNING: This post contains explicit
scenes and is not suitable for readers below 18.
“Buhay ko, Tol… kaya kong ibigay para
sa iyo” ang sagot niya sa tanong ko.
“Talaga?”
“Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagtalon
ko sa pumpboat sa gitna ng dagat kahit hindi ako marunong lumangoy makuha lang
ang atensyon mo? Hindi pa ba sapat na nilaslas ko ang pulso ko para mapatawad
mo lang ako? Kulang pa ba ang mga iyon para patunayan ko sa iyo kung gaano kita
kamahal? Kung may kailangan pa akong gawin tol... sabihin mo, at gagawin ko
ito.”
Sa pagkarinig ko sa sinabi niya,
naramdaman ko ang awa. At ewan kung dala lang ng kalasingan ko, namalayan ko na
lang na hinaplos-haplos ng mga kamay ko ang mukha niya. “K-kung gusto mo tol…
papayag ako na magkaroon tayo ng relasyon. Ngunit sa isang kondisyon nga lang,
na itago natin ito at walang dapat makakaalam…”
Kitang-kita ko naman sa mga mata ni
Lito ang saya sa narinig. Ngunit bigla rin itong napawi. “Ayokong gawin mo iyan
tol dahil sa napilitan ka lang. Ayokong labag sa kalooban mo ang gagawin mo. OK
na ako sa ganitong setup. Mas maganda na ang ganito kesa magkaroon nga tayo ng
relasyon ngunit pilit naman, isang relasyon na sa bandang huli, ako pa rin ang
magdurusa…”
Mistulang nabigla ako sa sinabi niya,
hindi makasagot. Hindi ko akalalin na aayaw siya sa naging proposal ko.
“Sagutin mo ako, tol… labag ba sa
kalooban mong sabihin ito sa akin?” tanong niya.
“A… Hindi! Hindi!” Ang naisagot ko.
“Hindi labag sa kalooban ko ito, tol. Kusang loob kong gagawin ito dahil gusto
ko, at…”
“At ano?” pag follow up niya.
“M-mukhang tinablan na rin yata ako sa
iyo eh…” Ang naidugtong kong sagot.
Ewan kung nasabi ko lang iyon dahil sa
matinding awa sa kanya o talaga nga bang may naramdaman na rin ako para sa
kanya. Ang alam ko lang ay gusto kong sumaya siya, na maibsan ang pagdurusa
niya, na manumbalik ang sigla niya – sa kabila ng may kung anong bumabagabag sa
isip ko kung talaga bang kusa sa kalooban ko ang pagsabi sa kanya noon, na kung
tama ba ang iminungkahing pakikipagrelasyon sa kanya nang dahil lang sa awa ay
isang bagay na tila sumisigaw ng pagtutol ang kalooban ko.
Sa pagkarinig sa sinabi ko, hinaplos
din ni Lito ang aking mukha, bakat sa mga mata niya ang matinding saya sabay
bitiw ng isang ngiting nagpapahiwatig ng isang abot-langit na kasiyahan. Noon
ko lang nakita sa mukha niya ang ngiti na iyon. Puno ng sigla, puno ng
kasayahan, puno ng pag-asa.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko
sa mukha niya. Hinawakan niya ang ulo ko sabay kabig nito hanggang sa maglapat
ang aming mga labi. At iyon ang unang pagkakataon na ipinaubaya ko ng buong-buo
ang sarili sa kanya upang malasap niya kaligayahang inaasam-asam at mapatunayan
ko sa kanya na wala akong pag-aalinlangan sa sinabing pakikipagrelasyon.
Tumayo kaming pareho at isa-isang
hinubad ni Lito ang damit ko simula sa t-shirt, sa pantalon, at pati na rin rin
ang brief. Pnaliguan niya ng halik ang buo kong katawan hanggang sa ang
maririning ng buong kwarto ay puro ungol na lamang.
At iyon ang una kong karanasan ng
pagpapaubaya sa kama, malasap ang sarap na dulot ng pagnanasa ng isang kaibigan
sa aking katawan.
Simula noon, tila wala na akong pwedeng
hihilingin pa para sa pinakamamahal na kaibigan. Pati ang mga taong nagmamahal
sa kanya ay natutuwa sa ipinamalas na pagbabagong nangyari. Nanumbalik ang
lahat ng sigla, saya, at enthusiasm niya sa buhay at mas lalo pa itong
umigting.
Dating gawi din kami sa mga gimik, mga
lakwatsa, harutan. Ipinakita ko sa kanya na sinusuportahan ko siya, na
denedepensahan, ipinagtatanggol; na kahit may mga taong kinikwestyon ang
pagiging sobrang malapit namin sa isa’t-isa, hindi ko ito ininda. Dahil dito,
hindi ko na nakita pa sa mukha niya ang lungkot. Ramdam kong tanggap na niya
ang lahat sa buhay, at masaya siya. At ito ay dahil sa akin.
Syempre, hindi nawawala ang private
moments namin. At ang madalas naming puntahan ay ang beach kung saan muli
naming ibinaon sa ilalim ng hagdanan ng paboritong cottage naming na iyon ang
kabibe, na siyang nagsilbing simbolo ng aming pagkakaibigan.
“Tol… dapat palaging buo ang dalawang
magkabiyak na ito kagaya ng pagiging buo natin.”
“Oo tol… dapat lang na palaging buo
yan.” Ang sagot ko
“At palagi din nating alagaan ito tol,
gaya ng pag-alaga natin sa isa’t-isa.” Dugtong niya.
“Oo tol…” sagot ko.
“At dapat… wala tayong sikreto tol
ha?” Dugtong uli niya.
Natawa naman ako sa isiningit niyang
tanong na iyon. Hindi ko alam kung ito ay may bahid na insecurity sa pagiging
mag-on na na namin dahil alam naman niya na wala akong inililihim sa kanya
simula pa noon. “Ako pa!” pagmamayabang ko. “Ano pa bang sikreto meron ako na
hindi mo pa alam?” sabay tawa ng malakas.
“Malay natin…” ang isinagot lang niya.
Kaya, iyon ang isa sa dalawang lugar
na hinding hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko.
Ang pangalawang lugar kung saan ito ay
naging saksi din ng aming patagong relasyon ay ang rooftop sa fourth floor ng
school building. Noon pa man, ito na ang nagsilbing hangout namin kung saan
unang nabuo ang aming pagkakaibigan. Doon, malaya kaming naghaharutan,
nagkukwentuhan, nagbabahagi ng aming mga saloobin at mga pangarap. Minsan din,
aakyatin namin ang malaking tangke ng tubig sa gitna ng rooftop na iyon na
siyang nagsu-supply ng tubig sa buong campus. Pag naka-akyat na, bubuksan
naming ang malaking takip noon, sisilipin ang laman at katuwaang ipasok ang mga
ulo namin at sisigaw.
“Tol… mag swimming tayo d’yan!” biro
ko sa kanya isang beses.
“Wahhh! Ang lalim ng tubig!” Sigaw ni
Lito. “Lampas-tao sigurado ang lalim niyan! Malulunod ako d’yan kapag tumalon
tayo! Di ako marunong lumangoy tol!” Tumingin siya sa akin. “Atsaka, iyan ang
iniinum nating lahat sa campus di ba? Syempre, dudumi iyan pag naligo tayo
d’yan!” dagdag niya.
“Iyan nga ang maganda tol eh… Kasi,
kapag nagswimming tayo d’yan, ang mga libag at dumi sa mga katawan natin ay
maiinum nilang lahat, lalo na ang mga tyrant nating professor! At… tayo lang
ang makakaalam, diba? O ano… iihian na lang kaya natin?” biro ko.
“Tado ka talaga tol! Walang kapares
ang katarantaduhan mo!” biro din niya habang di magkamayaw sa katatawa.
Tumawa na rin ako. Ngunit bigla ding
huminto at tinitigan siya. “Kaya nga love mo ako eh, diba?” sabay bitiw ng
isang pilyong ngiti at ipinikit na ang mata, naghintay na may mangyari. Iyan
kasi ang weakness niya. Kapag binabanggit kong mahal niya ako, hahalikan na
kaagad ako niyan sa labi. At syempre, gagantihan ko rin ang halik niya,
ila-lock naming pareho ang mga katawan haggang sa sabay naming maipalabas ang
mga init ng katawan.
Ewan ko rin ba, hindi ko maintindihan
ang tunay kong naramdaman. Oo, inaamin kong sa bawat paglapat ng mga labi
naming, sa bawat pagniniig ay nasisiyahan din naman ako at masaya kapag kasama
ang kaibigan ko. Subalit hindi ko rin maitatwa sa sarili na parang may
hinahanap-hanap akong iba. Marahil ay masasabing natutunan ko na rin si Litong
mahalin ngunit ramdam kong may kung anong kulang ito.
“Tol… maipangako mo ba na hindi mo ako
iiwan habambuhay?” tanong niya isang araw na nandoon kami sa rooftop na iyon,
ang mga daliri niya ay inilaro-laro at iginagapang-gapang sa tiyan ko at sa
dibdib. Nakaupo kami na siya, nakaharap sa akin at ang likod ay isinandal sa
nakaangat kong kanang tuhod at ako naman ay ganoon ding nakaupo paharap sa
kanya, ang likod ay nakasandal sa nakaangat niyang tuhod.
“Pangako yan, tol… hindi kita iiwan”
ang sagot ko.
“Talaga?” dugtong niya.
“Oo! Promise!”
“Paano mo papatunayan yan?” tanong
ulit niya.
“Hmmm. Sandali ha…” nag-isip ako kung
ano ang gagawin sabay hawak sa kanya at bumalikwas.
“Anong gagawin mo?” tanong niya.
Pinulot ko ang isa kong sapatos.
“Halika Tol, sumunod ka sa akin at kunin mo rin ang isa mong sapatos” at
umakyat na ako sa hagdanan patungo sa bunganga ng tangke ng tubig.
“Hey! Anong gawin natin d’yan!” tanong
niya habang umaakyat na rin sa hagdanan nakasunod sa akin.
“H’wag ka nang magtanong…” sagot ko
naman.
Noong makarating na kaming pareho sa
bunganga ng tangke, binuksan namin ito. Tiningnan ang loob.
“Ngayon?” tanong niya ang mga mata ay
nakatutok sa akin, tila nag-abang sa sunod kong gagawin.
“Ito…” Sabay laglag sa dala kong
sapatos.
“Waahhhh! Anong ginawa mo?” Sigaw niya
ang mga mata ay nanlaki, hindi makapaniwala sa ginawa ko.
“Itapon mo din ang isang sapatos mo!”
“Bakit?”
“Para d’yan magsama sila…”
“E… iinumin nating lahat ang tubig
d’yan e…”
“O. E… di ba maganda, lahat tayo pati
na sila ay makakatikim sa lasa ng pinagkaisang sapatos natin. Parang silang
lahat ay nagiging lihim na saksi na rin sa ating relasyon! Iyan ang patunay ko
na hindi kita iiwan habambuhay tol.” sabi ko.
Tila na-excite naman siya sa narinig
“G-ganoon ba? E, di sige!” at dali-dali din niyang inilaglag ang dala-dalang
sapatos sa loob ng tangke.
Tawanan kami, tapos nauwi sa titigan.
“Tol… I love you!” sabi niya.
Hindi ko na siya sinagot. Pakiwari ko
ay may bigalang bumara sa lalamunan ko. Inilapit ko na lang ang mukha ko sa
mukha niya. Siniil niya ng halik ang aking mga labi ko. Naghalikan kami.
Noong umuwi na, tawanan sa ginawang
kabulastugan at dahil sa tig-iisang sapatos na natirang suot-suot ng aming paa.
Sobrang saya, di ko lubos maipaliwanag
ang kasayahang pareho naming nadama. At nagpatuloy ang ganoong set-up hanggang
sa tumuntong na kami sa pinakahuling taon ng College.
Akala ko, tuloy-tuloy na ang lahat.
Subalit noong magsi-second semester na, binulabog naman ako ng isang matinding
pagsubok: nabuntis ko ang girlfriend ko. At ito ang pinakatago-tago kong lihim
kay Lito.
Sarah ang pangalan ng girlfriend ko,
taga-ibang bayan siya at nakilala ko siya, isang taon na ang nakaraan noong
binisita ko ang tita kong doon din nakatira. Simula noon, paminsan-minsan na
akong pumupunta sa bayang iyon. Minsan alam ni Lito ngunit ang tunay na dahilan
nito ay lingid sa kaalaman niya.
Alam ko, nagdududa si Lito sa akin
noong may mga pagkakataong minsan ay nakikita niyang panay ang text ko kahit
nand’yan siya. Ang alibi ko na lang ay dati kong kaklase at matalik na kaibigan
sa elementarya ang ka text ko at nasa Maynila na tumira at nag-aaral ito. May
pagkakataon ding hinahanap niya ako at dahil kasama ko ang girlfriend sa bayan
nila, sinasabi ko na lang na pinuntahan ang isang kamag-anak doon. Kahit
marahil ay may pag-aalangan siya, hindi ko naman napansin na masama ang loob
niya sa akin at hindi rin siya nangungulit sa pagtatanong kung sino talaga ito.
Mahal ko ang girlfriend ko, walang
duda. Kaya ko lang itinago ang relasyon namin kay Lito ay dahil ayaw kong
masirang muli ang takbo ng pag-iisip niya, ang pag-aaral, ang pagkakaibigan
namin, ang pangarap niya. Kahit masasabi kong matinding awa ang naramdaman ko
sa kaibigan at di maitanggi na may naramdaman na rin akong iba para sa kanya,
mas matimbang pa rin sa akin ang girlfriend ko, lalo na na mabubuo na rin sa
wakas ang aking pinapangarap na anak.
Mahirap ang kalagayan ko. Alam ko,
masasaktan si Lito kapag nalaman niya ang lahat. Kaya napagdesisyonan kong
sabihin na lang sa kanya ito pagkatapos na pagkatapos kaagad ng graduation,
tamang-tamang isang linggo bago ang napag-usapang takda ng aking kasal.
Kaya, tuloy pa rin ang dating gawi.
Pinilit kong hindi magpahalata. Ngunit habang palapit nang palapit ang
graduation, tila lalo namang bumibigat ang dinadala kong problema. Pakiramdam
ko ay sasabog na ang utak at dibdib ko sa maaaring reaction ng kaibigan kapag
nalaman niya ang lahat. Hindi na ako makatulog, halos hindi makakain. At lalong
tumindi ang awang naramdaman ko para sa kanya.
Dumating nga ang graduation. Wala pa
ring kaalam-alam si Lito. Magna cum laude siya at sobrang proud ang mga
magulang. Syempre, proud din ako sa kanya. At dahil dumalo ang girlfriend ko,
ipinakilala ko siya kay Lito. Ngunit hindi ko binanggit na girlfriend ko ito.
Alam ko, nagdududa siya sa amin dahil dumidikit sa akin ang girlfriend ko at
halata naman ang mga kilos namin.
Pagkatapus ng graduation ay may party
na idinaos ng mga magulang ni Lito para sa aming dalawa. Doon ito gganapin sa
kanila. Inihatid ko muna ang girlfriend ko sa terminal at pagkatapos ay
dumeretso na ako sa party.
Maraming taong dumalo sa salo-salo. Sa
labas pa lang ng gate ay may malaking streames na nakalambitin,
“Congratulations Lito at Warren!”
Dali-dli akong pumasok ng gate at
hinanap si Lito. Ngunit wala siya doon sa lawn kung saan nandoon ang mga
bisita.
“Ma… nasaan po si Lito?” ang tanong ko
sa mama niya.
“Ah… nasa kuwarto niya, sabi niya may
gagawin lang daw siya doon sandali. Puntahan mo na lang doon, hijo!” sagot
naman ng mama ni Lito.
At dali-dali na akong umakyat. Noong
binuksan ko ito, nandoon nga si Lito, malungkot ang mukha, nag-inom na mag-isa
at ang mga tingin ay tila napako sa kawalan.
Ramdam ko ang biglang pagkalampag ng
aking dibdib, hindi maintindihan kung ibunyag ko na ba sa kanya ang sikreto o
hintayin pa ang bukas.
Dali-dali kong inilock ang kwarto,
tinumbok ang refrigerator at kumuha ng beer, binuksan ito at tinungga.
“Congratulations Tol!” sabay halik sa mga labi niya.
Ngunit hindi niya sinuklian ang halik
ko. Hindi siya umimik, hindi kumibo, walang emosyon sa kanyang mukha. Napako
lang siya sa pagkakaupo habang tinitigan ang mukha ko. Nagtitigan kami.
Maya-maya lang ay nakita ko ang pagdaloy ng mga malalaking butil ng luha sa
pisngi niya…
(Itutuloy)
[10]
“Bakit ganito ang ginawa mo sa akin,
tol? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo? Wala naman, diba…?” ang panunumbat
na sambit ni Lito, ang boses ay may bahid ng pagmamakaawa. Habang patuloy na
dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi, hinayaan lang niyang bumagsak ang mga
ito.
Bumalot sa katauhan ko ang panlulumo
sa narinig na tanong niya. Alam ko na ang tanong na iyon ang sukdulan na ng
aking pagtitis na itago ang pinakalilihim kong sikreto. Bagamat hindi ko alam
kung paano harapin ito, alam kong napatunayan na sa isip niya na magkasintahan
nga kami ni Sarah. Hindi kaagad ako nakasagot. Tila may bumara sa aking lalamunan,
hindi malaman kung ano ang sasabihin at paano sisimulan ito. “A… tol… pwede
bang hayaan mo muna akong magpaliwanag?” ang nasambit ko na lang.
“Napakanda ng ating pagsasama tol. Sa
simula pa lang, sinabi ko na sa iyo na ayaw kong ipilit ang sarili mo sa akin;
na ayaw kong ang pakikipagrelasyon mo sa akin ay labag sa kalooban mo. At
nangako ka pa sa akin sa beach na iyon, na wala tayong sikreto sa isa’t-isa.
Bakit? Bakiiiittttt?!!!“ at tuluyan nang kumawala ang matinding hinanakit niya
na kinimkim. Napahagulgol siya na parang bata sabay tayo at sinusuntok nang
sinuntok ang sementong dingding ng kwarto niya hanggang sa nakita kong nabalot
na ng dugo ang mga kamao niya.
Dali-dali ko siyang niyakap upang
ilayo sa dingding at pinaupo sa kama. Noong makaupo na, hinahaplos-haplos ko
ang likod niya at ang balikat. “Tol… I’m sorry. Ayaw ko lang naman sanang
masaktan ka eh, kaya ko itinago sa iyo ang lahat.” Paliwanag ko.
“At bakit?!!! Hindi ba ako nasaktan
ngayon? Ha?!!! Mas matindi pa tol! Mas matindi pa ang sakit na naramdaman ko.
All those times, iniisip ko na tapat ka sa relasyon natin, na maluwag sa
kalooban mo ang pagpasok mo sa relasyon natin. Ni ikaw pa nga ang nagmungkahi
na pasukin natin ang relasyon na ito! Iyon pala ay…” hindi na niya
naipagpatuloy pa ang sasabihin.
“Kayan nga nanghingi ako ng tawad sa
iyo nagyon, tol… patawarin mo ako, pleaseeee” ang pagmamakaawa ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin,
“Niloko mo ako! Niloko mo akooooo! Tanginaaaaa! F*** Youuuuu!!!” bulyaw niya habang
tinumbok ang gilid ng kwarto, naupo sa sahig, ang likod ay isinandal sa dingdin
at itinakip ang dalawang duguang kamay niya sa mukha. “Sinaktan mo ang
damdamin, ko, tol… sobrang sakit… alam mo ba?!! ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT
ANG NARAMDAMAN KO DITOOOOO?!!!” sigaw pa rin niya, itinuturo ang dibdib at
patuloy sa paghagulgol at itinakip muli ang mga kamay sa kanyang mukha.
Umupo ako sa harap niya, hinawi ko ang
dalawang kamay na itinakip niya sa mukha at pagkatapus, hinawakan ng dalawa
kong kamay ang mukha niya. Tinitigan ko siya “Nagkasala ako tol… at buong-puso
akong hihingi sa iyo ng tawad. Nasa akin ang lahat ng pagkakamali. Sabihin mo
lang kung ano ang pwede kong gawin upang mapatawad mo” ang mahinahon at
mapagkumbaba kong sabi.
Hindi siya kumibo. Yumuko siya,
patuloy pa ring umiiyak.
Tumayo ako, kinuha ang isang maliit na
towel at binasa iyon, ipinunas ko sa kamay niyang nagdudugo. “Tol… pangako ko
sa iyo. Kahit ganito ang nangyari, hinding-hindi kita pababayaan. Nandito lang
ako para sa iyo.” ang sabi ko habang patuloy na nilinis ang sugat niya.
Hindi pa rin siya kumibo. Hinayaan
lang niya ang mga kamay niya na pupunasan ko at linisin ang dugo na nagkalat
dito. Tumayo uli ako at kumuha ng bendahe at tinapalan ang parting may mga
sugat.
“S-sana, tol… maintindihan mo ako.
Lalaki ako, tol e. Alam mo kung gaano katindi ang pagsupil ko sa sariling huwag
matukso sa mga babae. Nakita mo naman; hindi ako nagpi-flirt, wala akong
niligawan, at kahit may mga nagparamdam, hindi ko sila pinatulan. Alam mo iyan
dahil sinasabi ko ang lahat ng iyan sa iyo. Tapat ako sa iyo, tol, wala akong
inililihim. Alam mo iyan. Ang pagkakamali ko lang ay noong dumating si Sarah sa
buhay ko, hindi ko sinabi sa iyo ito. Nalilito ako tol. Ayaw kong masaktan ka…”
ang paliwanag ko habang ramdam ko naman ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko.
Pinahid ko ang mga ito.
Wala pa rin siyang imik.
“Napagdesisyonan ko na sanang pilitin
ang sariling unti-unti siyang kalimutan, para sa iyo tol. Masakit pero ito ang
naisip kong pinakamabuting paraan upang matupad ko ang pangako sa iyo at hindi
ka masaktan. Ngunit nitong nakaraan, nalaman kong nabuntis ko si Sarah at…
nabitiwan ko sa kanya ang pangakong pakakasalan siya, tol…” at tuluyan na ring
akong humagulgol na parang bata, hawak-hawak ko pa ang mga kamay niyang
nakabendahe na. “Maniwala ka tol… nahihirapan din ako sa kalagayan ko…” dugtong
ko.
Tiningnan niya ako. Marahil ay
lumambot din ang puso niya sa narinig. “M-mahal mo ba siya?” tanong niya.
Tumango ako.
“Kung pakasalan mo siya, ano ang plano
mo para sa akin, sa atin?” tanong uli niya.
“Ganoon pa rin tayo, tol… walang
magbabago. Hindi kita pababayaan at kahit na ano man ang maging plano ko sa
buhay, palaging isasama kita sa mga plano ko.”
Iyon lang ang nasabi ko at binitiwan
na niya ang isang pilit na ngiti sabay yakap sa akin. At imbis na ako ang
sumuyo sa kanya, tila siya pa itong gumawa sa akin nito. Hinahaplos-haplos niya
ang likod ko, ang buhok, ang mukha. Pinahid niya ang mga luha ko sa pisngi at
pagkatapus, tinitigan niya ako nang matagal na tila iniuukit sa utak ang bawat
detalye, anggulo, at kabuuan nito.
Ewan ko ngunit may iba akong
naramdaman sa mga titig niyang iyon, hindi ko lang lubos maintindihan kung ano.
Maya-maya, niyakap niya uli ako, mahigpit na mahigpit sabay bulong sa tenga ko,
“Tol… tandaan mo palagi, mahal na mahal kita. At kahit kailan man, hindi
magbabago ito. Kahit ilang babae pa ang mahalin mo, palaging ikaw ang ititibok
ng aking puso, pangalan mo ang palaging ipipintig nito. Mawala man ako sa
mundo, ikaw lang ang nagmamay-ari nito… Wag mong kalimutan iyan.”
“S-salamat tol. Napakabuti mong tao.
Napakaswerte ko na dumating ka sa buhay ko.” ang tugon ko sa sinabi niya at
kumalas ako sa aming yakapan. Kahit papaano, naibsan ang paghihirap ng kalooban
ko.
Muli, tinitigan niya ako at
pinakawalan ang isang pilit na ngiti.
Hinaplos ko ang mukha niya at inilapat
ang mga labi ko sa mga labi niya.
Noong mahimasmasan, nag-ayos kami at
lumabas sa kwarto ng sabay na tila wala lang nangyari. Ang bendahe sa mga kamay
niya ay pinalitan din namin ng mga band aid upang huwag masyadong halata. Dahil
nasa kalagitnaan pa ang party na idinaos para sa amin, naki-saya kami sa mga
bisita, mga ka-klase, at mga kamag-anak nina Lito.
Sa gabing iyon, doon ako natulog sa
kwarto ni Lito. At muli naming pinagsaluhan ang init na bugso ng aming
nag-uumapaw na damdamin. At sa pagkakataong iyon, mas mapusok ito, mas
nag-aalab. Ang bawat init ng dantay ng aming mga kalamnan ay tumatagos hanggang
sa kaibuturan ng aming mga puso. Naghahalikan kami na parang wala nang bukas;
nagyayakapan na parang iyon na ang huli naming pagsasama, hanggang ang mga
katawan namin ay mistulang pinag-isa na tila ang mga ito ay hindi na pwedeng
paghiwalayin pa.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Naligo ako habang si Lito na gising na rin at inaantabayanan ang pag gising ko
ay ipinaayos sa katulong ang agahan. Alam ni Lito na maaga din akong
magbibiyahe patungo sa bayan ng girlfriend ko gawa nang doon muna ako lalagi
hanggang sa araw ng kasal namin upang maayos at mapaghandaan ito ng maigi.
Wala kaming imikan sa hapag kainan.
Sinabayan niya akong kumain na para bang ninanamnam niya ang huling pagsasalo
naming iyon na buong-buo pa akong para sa kanya. Tahimik at ramdam ko ang tensiyon
na bumabalot sa hapag-kainang iyon. Ang tanging naririnig lang ay ang mga
kalantong ng mga kutsara’t tinidor, at pinggan. Hanggang sa nagpapalam na akong
umalis.
Nasa bungad na ako ng gate, kaming
dalawa lang ang naroon dahil sa tulog pa ang ibang mga tao sa bahay. “Tol…
gusto ko na sa kasal ko, ikaw ang best man ko…”
Tinitigan niya ako, ang mukha ay pigil
na huwag magpapakita ng kung ano mang emosyon. Isang napakalalim na titig na
pakiwari ko ay tumagos sa aking pagkatao ang binitiwan niya, at pagkatapus ay
binitiwan naman ang isang bahagya at pilit na ngiti sabay tango sa sinabi ko.
“Black coat and tie ang isusuot ng mga
groom’s men tol…” ang pahabol kong sabi.
Tumango uli siya. Sa puntong iyon,
pansin ko na ang pigil niyang pag-iyak. Pakiramdam ko ay pilit niyang pinigilan
ang matinding emosyon na ano mang oras ay maaring kumawala at sumabog sa mga
sandaling iyon.
Niyakap ko siya at pagkatapus ay
hinalikan sa labi. “Text-text na lang tayo, Tol…” ang nasabi ko na lang sabay
talikod, pilit na isiniksik sa utak na normal lang ang pagpapaalam ko sa
kanyang iyon, kagaya ng ibang mga pagpapaalam ko pagkatapus matulog sa bahay
nila. Hindi ko na hinintay pa na masaksihan ang pagpatak ng kanyang mga luha at
pagbuhos ng kanyang saloobin.
Sobrang bigat ang kalooban ko sa
paglisan kong iyon. Pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ng mundo. Hindi ko
lubos maintindihan kung bakit matindi ang nadarama kong lungkot para sa
kaibigan ko. Narinig ko pa ang mga nagmamadaling yapak niya pabalik sa loob ng
bahay at alam ko, humagulgol siya at nag-iisa sa loob ng kanyang kwarto.
Nakikinita ko rin na ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon, na ang tagpong
iyon ang maaaring huling na naming pagsasama kung saan buong-buo niya akong
maangkin; na may nakaambang malaking pagbabago sa set-up namin pagkatapos ng
tagpong iyon; habang ang puso at isip niya ay nababalot ng matinding
pag-aalinlangan kung makasama pa ba niya uli ako pagkatapos ng kasal. Sa loob
ng kwartong iyon kung saan una ko ipinaubaya sa kanya ang sarili ng buong-buo
ay siya namang naging saksi sa mga sandaling iyon sa mga hinagpis at hinaing
niya…
Tumulo ang luha ko habang naglalakad
ngunit hindi ko alintana ang mga ito. Hinayaan kong dumaloy nang dumaloy ang
mga ito at pumatak sa damit ko at sa lupa. Pakiwari ko ay nawala ako sa tamang
pag-iisip at ako lang ang nag-iisang tao sa mundo sa mga sandaling iyon, hindi
malaman kung ano ang tamang gagawin, o kung kanino lalapit at hihingi ng
masasandalan sa mabigat na kaloobang pinapasan. Binilisan ko pa ang paglakad
hanggang sa nakarating ako ng terminal at nakasakay sa bus patungo sa bayan ng
babaeng aking pakakasalan.
Isang araw ang dumaan, dalawang araw,
tatlong araw, walang ni isang segundo na hindi sumisiksik sa isip ko si Lito.
Palagi siyang nand’yan, tila nagmamakaawa, humihingi ng tulong, nahihirapan.
Kahit sa gabi ay napapanigipan ko rin siya, ang mukha ay nagpapahiwatig ng
matinding kalungkutan. Dahil sa pagwo-worry sa kanya, tine-text ko siya at
maayos naman itong sumagot. Kaya, napapawi din ang pangamba ko.
Isang araw na lang ang nalalabi at
ikakasal na ako. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Excited, ngunit sa
kabilang parte ng aking utak ay may namumuong pag-alinlangan, nagtatanong kung
handa na ba talaga ako, kung ano ang buhay kong tatahakin pagkatapos ng kasal,
at higit sa lahat, kung ano ang kahinatnan ng patago naming relasyon ng
kaibigan.
Nagtanong ako sa mga kaibigan kong
nauna nang nag-asawa ngunit ang payo nila ay normal lang daw ang ganoong
pakiramdam at karamihan sa kanila ay naranasan din ang pinagdaanan ko. At may
nagpayo din sa akin na kung may pag-alinlangan ako, ay pwede pa akong umurong
kesa sa nand’yan nang nakasal kami at buong buhay ko itong pagsisisihan…
Sa gabing iyon, kahit magkatabi kaming
nahiga ng girlfriend ko, kung anu-anong bagay na lang ang pumapasok sa isip.
Syempre, hindi ko ito ipinahalata kay Sarah. Hindi ko maintindihan kung
magtatalon sa tuwa at excitement o humagulgol sa lungkot dahil sa iyon na ang
katapusan ng aking kalayaan.
Alas 10 ng umaga ang kasal namin sa
araw na iyon. Lahat ay handang-handa na – sa pagkain at handaan, dekorasyon,
reception, mga bridesmaid at groom’s men, bisita…
Alas 8:30 noong umalis ako ng bahay
patungo na sa simbahan. Bago ako umalis, tinext ko pa si Lito. Ang plano kasi
namin ay magko-kotse siya galing sa kanila at dideretso na lang sa simbahan.
Isang oras lang naman kasi ang biyahe galing sa bayan namin patungo sa bayan ng
girlfriend ko. At dahil sariling sasakyan naman nila at may driver pa siya, mas
mabilis ito.
“Tol, handa ka na ba?” text ko.
“Handa na tol” sagot niya.
“Maglagay ka pala ng isang pulang
rosas sa may left chest ng coat mo ha? May pulang rosas din ako…para terno
tayo.” dugtong ko.
“Copy” sagot niya.
“Di kami magsisimula hanggang hindi ka
pa darating.” paniniguro ko.
“Promise?” sagot niya.
“Promise tol…” sagot ko din.
“Ingatan mo palagi ang sarili tol…”
“Kaw din… kita na lang tayo dito.”
At iyon na ang huli kong text at
dumeretso na ako ng simbahan, kamapanteng darating siya.
Alas 9:30 ay puno na ang simbahan at
nandoon na ang halos lahat ng mga bisita, mga bridesmaid at groomsmen. Ang
kulang na lang ay ang best man at ang bride. Habang nakatayo ako sa may bukana
ng simbahan at naghintay sa kanila, tila may naririnig naman akong sigaw galing
sa isang parte ng utak ko, “Sana ay huwag na lang dumating ang bride”.
Ewan ko… marahil ay bunga lang iyon sa
sobrang excitement o anxiety ba…? Ewan.
Halos eksaktong alas 10 na noong
dumating si Sarah. Napakaganda niya sa suot na damit pangkasal. Nakangiti at
noong makalapit na sa akin, hinalikan ako sa pisngi.
Kinabahan na ako kung bakit hindi pa
rin dumating si Lito. Tinatawgan ko na siya sa kanyang cp ngunit walang
sumasagot dito. Tumawag ulit ako. Wala pa rin. Panay rin ang tingin ko sa relo
ko. Nakalipas ang 10 minuto, 15 minuto, 20 minuto, 25 minuto… wala pa ring Lito
ang sumulpot an gang cp niya ay panay lang ang ring ngunit walang Litong
sumasagot. Sobrang kaba na ang naramdaman ko.
10:30 noong sinabihan na ako ng pari
na magmartsa na patungo ng altar.
“Lito nasaan ka na! Shiitttt!” sigaw
ng utak ko. “Hindi ba pwedeng mahintay pa tayo ng sandali?” Tanong ko sa pari.
Ngunit nagalit ang pari dahil may
susunod pa raw itong misa.
Nag-aalangan man, pilit kong
inihakbang ang mga paa patungo sa altar habang sumunod naman ang mga groom’s
men. Ngunit noong nasa kalagitnaan na ako ng pasilyo, tila may isang malakas na
pwersang humihila sa akin. Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman sa mga
sandaling iyon…
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment