Thursday, January 3, 2013

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan (11-15)



By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
FB: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

[11]
Noong matanggal ko na sa daliri ang singsing, pumwesto ako sa parteng may pampang sa isang gilid ng ilog kung saan ito malapit sa malalim na parte. Inindayog ko na ang kanan kong kamay upang pakawalan ang singsing noong sa likuran ko ay may biglang sumigaw. “Huwaaaggggg!!!”

Si Kuya Romwel, halatang kagagaling pa sa laro, naka pambasketball shorts lang at sando, at nakasapatos pa.

Ngunit nabitiwan na ng kamay ko ang singsing. Pakiwari ko’y naging slow motion ang lahat, ninais ng isip ko na ipahinto ang paglaglag nito sa sa tubig. Ngunit huli na. Agad-agad itong lumubog kasabay ng pagtilamsik ng tubig sa pagtama nito sa ilog. Simbilis naman ng kidlat si Kuya Rom na du-mive sa pampang at tinumbok ang parte kung saan nalaglag ang singsing.


Nabigla ako sa bilis ng mga pangyayari. Kitang-kita ko sa mukha ni Kuya Rom ang tindi ng pagnanasa nitong ma-retrieve ang singsing.

Nakailang sisid na si Kuya Rom at ramdam kong hapong-hapo na siya sa kasisisid. Naramdaman ko naman ang gumapang na tindi na pangongonsiyensya sa utak ko. Alam ko, hindi na naglalaro si Kuya Rom. Seryosong-seryoso siya sa paghanap sa singsing. Pakiramdam ko, namumutla na kung mapaano si kuya Rom gawa ng hindi pa rin niya nilubayan ang pagsisid.

Ewan, hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra niyang pinahalagahan ang singsing na iyon na sa tingin ko ay kahit malaki at makinang, ay isang stainless lang naman.

May matinding pagsising namayani sa utak ko at nag-uumapaw ang kagustuhang tulungan na lang sana siya sa pagsisid. Ngunit dahil hindi ako marunong lumangoy, hindi ko rin magawa ito. Gusto kong sumigaw na “Kuya, huwag mo nang hanapin, baka mapaano ka pa!” ngunit hindi ko masabi ito gawa nang alam ko, galit siya sa ginawa ko.

May kalahating oras na siguro ang nakalipas at sumusisid pa rin siya. Maya-maya, hapong-hapo at kibit-balikat siyang bumalik sa parteng may dalampasigan, pansin ko ang sobrang panghihina niya na halos hindi na makaya ang sarili sa paglalakad. At pagkarating na pagkarating kaagad sa parteng buhanginan, ibinagsak bigla ang lupaypay na katawan, habol-habol ang paghinga at nakatihaya, ang mga kamay na latang-latang ay nakalatag sa kanyang gilid.

Tumakbo kaagad ako tungo sa kinaroroonan niya, naupo sa gilid ng nakalatag niyang katawan, hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya. Kitang-kita ko ang pamumutla ng kanyang balat at mga labi, at hirap siya sa paghinga. “OK ka lang kuya?” ang tanong ko, sinisiguro na ok lang siya at hindi nawawalan ng malay.

Hindi siya sumagot. Naghahabol pa rin sa paghinga, dinig na dinig ko ang bawat paglabas at pagpasok ng hangin sa bibig niya.

Noong malamang ok lang siya. “S-sorry kuya…” ang sambit ko, ang boses ay tila sa isang batang nagmamakaawa..

“Bakit mo itinapon ang singsing?” ang tanong niya, habol-habol pa rin ang paghinga.

Maiksi lang ang tanong niya na iyon ngunit bull’s eye itong tumagos sa puso ko. Hindi ako nakasagot kaagad, Nagdadalawang isip kung sasabihin ko bang dahil sa selos kaya nagawa ko iyon. Syempre, wala naman akong karapatang magselos kaya hindi ko puwedeng gawin iyong dahilan.

“Bakit?” tanong niya uli, ang mga mata ay nakatitig sa akin, bakas sa mukha ang matinding galit.

“E… naiinis ako sa iyo…” ang nahihiyang pag-amin ko.

“At bakit ka naiinis?” tanong niya uli, ang boses ay matigas pa rin.

Sa tanong niya na iyon ay naramdaman kong gusto nang kumawala ang tinimpi na sama ng loob. “Bakit? Di ba dapat ay ako ang sinasamahan mo? Di ba ang sabi ng mga magulang ko sa iyo ay bantayan mo ako, at alalayan mo ako dito? Pero ano ang ginawa mo? Nagbabasketball ka, nag-eenjoy ka habang pinabayaan mo akong mag-isa. Paano kung may nangyari sa akin? Anong sasabihin mo sa mga magulang ko?”

“Ah… oo nga naman pala. Alalay mo ako. Alam ko naman iyon s-e-n-y-o-r-i-t-o e.” pag emphasize niya sa katagang senyorito. “Pero di ba nag-usap at nagkaintindihan tayo na ang pakay natin dito ay maglaro, na mag-enjoy, na i-experience natin ang okasyon, di ba? Di ba?? Di ba nagpaalam din ako sa iyo na maglaro ako ng basketball? Di ba sinabi ko sa iyo na manood ka sa laro namin dahil ayokong hindi kita nakikita habang naglalaro ako? Di ba ang sagot mo mo ay manood ka sa laro? Nasaan ka ba? Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa alalay mo kung saan ka gumagala? Putsa naman o… Iyan ba ang dahilan kaya mo itinapon ang singsing? Ha?! Ano ba ang kinalaman ng singsing sa paglalaro ko?”

Tila pinukpok naman ng bato ang ulo ko sa narinig, hindi magawang sumagot.

“Sabagay… prinsepe ka nga pala dito, senyorito... Lahat ng bagay ay nagagawa mo!” sabay balikwas at walang lingon-lingong nagmamadaling tinumbok ang bahay, bakat sa mukha ang matinding galit.

Sinundan ko siya hanggang sa parehong makarating kami sa bahay. Noong makaakyat na, halos hindi na pinansin si Mang Nardo na nandoon lang sa may sala, nakatingin lang sa amin na parehong nagmamadaling umakyat.

Dumeretso siya sa kwarto. Nagshower, nagsuot ng underwear at pantalon, at walang imik na nahigang nakatihaya sa kama, ang mga mata ay blangkong nakatitig sa kisame, malalim ang iniisip.

Sumampa ako sa kama, umupo sa gilid niya. “Sorry na Kuya, please…” ang pagmamakaawa ko, tinitigan ang mukha niyang seryosong-seryoso. Noon ko lang nakita sa kanya ang sobrang pagka-seryoso.

Hindi siya sumagot agad. Maya-maya, “Iniisip ko kung ipagpatuloy pa natin itong pagiging ‘mag-kuya’ natin at itong pagsasama-sama at pagdidikit ko sa iyo…” Ang mahinang sabi niya.

Tila may biglang kumalampag sa dibdib ko noong marinig ang sinabi niyang iyon. Pakiwari ko ay may matinding takot na bumalot sa buong katauhan ko. At ang tanong na pumasok sa utak ay kung ganoon ba talaga ka-tindi ang kasalanang nagawa ko dahilan upang sabihin niya na hindi na siya sasama at didikit sa akin?

“Bakit kuya? Sagad ba sa buto mo ang galit sa kasalanang nagawa ko na parusahan mo ako ng ganyan? Hindi mo ba kayang patawarin ang nagawa ko?” ang sumbat ko. “Bakit ka ba nagdesisyon ng ganyan? Hindi mo ba inisip kung masaktan ako?”

“Masaktan ka? Bakit ako? Naisip mo ba kung masaktan ako?” bulyaw niya.

“Sa pagtapon ko sa singsing na iyon? Sa mumurahing stainless na singsing na iyon?” sigaw ko din.

Pakiramdam ko ay biglang nag-iba ang mukha niya noong marinig ang huli kong nasabi at tila may namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya. Ako man ay napaisip din sa nabitiwan kong salita.

“Mumurahin pala ha…” ang sabi niyang patango-tango, ang boses ay ibinaba, pansin ang pagtitimpi ng matinding galit. “Sabagay, mumurahin nga iyon dahil iyon lang ang nakayanan kong ibigay sa iyo. Ganyan ang tingin mo sa singsing ko. Pero sasabihin ko sa iyo na kahit mumurahin lang ang singsing na iyon, bigay iyon sa akin ng tatay ko bago siya binawian ng buhay. Iyong white gold na singsing na iyon na kaisa-isang ala-ala na natira sa tatay ko para sa akin at itinapon mo lang ito ng basta-basta! Tanginaaaaa!!!” Bulyaw niya. At namalayan ko na lang siyang humagulgol na parang bata.

Para pinutukan ng isang bomba sa di inaasahang marinig at masaksihan kay kuya Rom. Iyon pa ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong umiyak at humagulgol siya. Hindi ako makapaniwala na sa isang pagkakamali na nagawa ko, ang Kuya Rom na tinitingala kong isang napakatatag na tao, napaka-confident sa sarili, lalaking-lalaki kung kumilos, agresibo, masayahin, palatawa, friendly, at hindi mo makikitang nagmamaktol… sa pagkakataong iyon ay napahagulgol ko sa sobrang sama ng loob at galit. Sobrang gulat ko talaga sa nasaksihan.

Sa narinig kong sinabi niya tungkol sa singsing, tila tinunaw naman ang puso ko sa di maintindihang magkahalong hiya, panghihinayang, pagsisisi, at galit sa sarili. Para akong tinamaan ng isang napakalakas na sampal noong malamang napakahalaga pala ng singsing na iyon sa buhay ni Kuya Rom. Kaya pala halos magpakamatay na lang siya sa pagsisid nito sa ilalim ng ilog. Ang alam ko lang kasi tungkol sa tatay niya ay maliit pa lang siya noong namatay ito. At kapag tinanong ko naman siya tungkol dito, hindi ito nagsasalita gawa ng ayaw daw niyang malungkot dahil sa sobrang na-miss niya ang tatay niya.

Sobrang hiya ko sa sarili sa nalaman. At namalayan ko na lang na tumulo na rin ang mga luha ko. Sa kabila nang nakita kong tila pagwawalang-bahala niya sa akin, sa akin din pala niya ipinagkatiwala ang isang bagay na napakahalaga sa buhay niya.

“H-hindi ko alam, kuya... sorry na please. Hindi ko talaga alam.” ang pagmamakaawa ko habang isinampa ang katawan sa ibabaw ng katawan niya.

Ngunit bumalikwas siya at naupo sa gilid. Pinahid ang mga luha niya, at pagkatapos ay tinungo ang locker, kumuha ng isang t-shirt at isinuot iyon. “Mauna na akong umuwi sa iyo...” ang maikling tugon niya.

Nataranta naman ako sa narinig na desisyon niya. Nilapitan ko siya. Bagamat alam kong masama pa rin ang loob niya sa akin, niyakap ko siya. Pumasok sa isip ko na kapag nangyaring uuwi nga siya, hindi ko na alam kung iyon na ang huli naming pagsasama o kung ganoon pa rin ang magiging pakikitugno niya sa akin.

Pinilit kong ikumbinsing magbago ang isip niya, nagbabakasakaling sa pagtagal pa namin doon ay mapapawi ang galit niya sa akin. “Kuya naman... Dito na muna tayo, please.”

“Gusto ko nang umuwi. Alas dose pa naman ng tanghali kaya makahanap pa ako ng masasakyan sa d’yan sa terminal. Magpasama na lang ako kay Julius.”

Ramdam kong pursigido talaga siyang umalis kaya ang nasabi ko, “O, sige. Kung gusto mo nang umuwi, sabay na tayo. Ipahanda ko na sa driver ang sasakyan natin at magpaalam na rin tayo kina Mang Nardo at Aling Isabel.” Ang pagdesisyon ko rin, nagbakasakaling sa pagsama naming dalawang magbiyahe, maibsan ang sama ng loob niya sa akin.

Nag-isip siya sandali. “Kung ganoon, ikaw na lang ang mauna. Ako na ang magpaiwan. Hayaan mo muna akong mapag-isa...” ang matigas niyang sabi sabay tumbok sa pintuan ng kwarto atsaka lumabas na.

Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko. At naramdaman ko na lang ang malakas na bugso ng sakit dulot ng pagmamatigas niya. Napahagulgol ako at tumalikod, itinago ang tuluyang pagdaloy ng mga luha. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas, nanlalanta at napa-upo na lang sa sahig, isinandal ang likod sa dingding. Tila hindi mauubos ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ko.

Maya-maya, tumayo ako. Pilit na pinalakas ang kalooban, nilabanan ang matinding sakit na naramdaman sa takot na baka mahalata nina Mang Nardo, Aling Isabel, at Julius na may hindi magandang nangyari sa amin ni Kuya Rom. “Kaya mo iyan, Jason, kaya mo iyan...” ang bulong ko sa sarili.

Tumayo ako, humarap sa salamin at pinahid ang mga luha, pilit na binitiwan ang ngiti sa harap ng salamin, inihanda ang sarili na ano mang sandali ay may kakatok at tatawag na sa pananghalian.

At maya-maya nga ay may kumatok na. “Kuya Jason! Kain na po tayo!”

Si Julius. Kahit kasi kasing-edad ko lang si Julius at sinabihan ko na itong huwag mag-Sir sa akin, iginiit daw ng mga magulang niya na Kuya na lang ang itawag, dahil kahit papaano daw, may paggalang pa rin bilang anak ng may ari ng bahay at lupang tinatrabaho nila.

“S-sige, Julius, lalabas na ako” at kunyari ay parang wala lang nangyari sa.

Noong nasa hapag kainan na, nandoon sina Mang Nardo, Aling Isabel, Julius, ang driver, at si Kuya Rom.

“Bukas na pala ang pyesta at tiyak marami ang dadayo dito Sir Jason dahil marami ang gustong makita kayo at pinaghandaan talaga namin ni Isabel at Julius ang okasyong ito. Sigurado, masayang-masaya ang tagpo bukas. Sa unang pagkakataon at sa wakas, ngayon lang nila kayo makikita.” Wika ni Mang Nardo.

“Ah... e...” sambit ko. Natigilan at hindi alam kung paano simulan ang pagpapaalam na ako’y aalis pagkatapos na pagkatapos kaagad ng pananghalian.

Tiningnan ko si Kuya Rom. Nakayuko lang at tahimik, bakat pa rin ang hinanakit na kinikimkim sa mukha at iniiwasan ang mga tingin ko.

Nagpatuloy ako. “Alam ninyo po... may nalimutan kasi akong importanteng-importanteng gagawin sa sa bahay at kailangan ko na talagang umuwi. Mahirap po kung hindi ko magawa kaagad iyon.” Ang pag-aalibi ko. “Sobrang lungkot po na hindi ko kayo mapagbigyan ngunit talagang kailangan ko na pong umuwi pagkatapos na pagkatapos nito.” Dugtong ko.

Kitang-kita ko aman ang pagkagulat sa mga mukha nila. “G-ganon ba? Sayang naman.” Dugtong ni Aling Isabel. “Nandito na sana kayo eh... at bukas na ang pyesta.”

“Kaya nga po e. Pero di bale po dahil babalik talaga uli ako dito… Atsaka, sa pyesta, maiwan naman si Kuya Romwel. Magpahatid lang ako sa driver at pagkatapos, susunduin uli siya dito sa Lunes” ang sabi ko.

“Sayang naman Kuya Jason! May disco pa naman sana mamayang gabi. Madaming chicks! Marami ding mga dayo galing sa Maynila at mga mamimyesta galing ibang lugar at bansa.” Dagdag naman ni Julius.

“Sayang nga eh... Pero si Kuya Romwel na lang samahan mo. Adik iyan sa chicks.” Ang pabiro ko namang sabi, kahit na sobrang bigat na ng kalooban ko at tila puputok na ito, lalo na na nakikinita kong magsasama na naman sila, maglalasing, mag-eenjoy o kaya’y makahanap na naman ng babae si Kuya Rom at dahil syempre makakainum, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. Si Kuya Rom pa... sobrang hilig nito.

Tawanan sila ngunit pansin ko ang patagong pang-iismid sa akin ni Kuya Rom.

Dahil sa sobrang bigat na ng naramdaman, di ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko sa harap ng hapag-kainan. Dali-dali akong tumayo at tinungo ang lababo at umubo ng umubo, kunyari nabilaukan. “Uhu! Uhu! Uhu!” At dahil sa pakiramdam ko ay halata ang pamumula ng mga mata ko at nababasa ang mukha gawa ng pagdaloy ng mga luha, naghilamos na rin ako.

“Anong nangyari Sir Jason!” tanong ni Mang Nardo.

“Wala po. Nabilaukan lang ako. Uhu! Uhu!” sabay pahid sa mukha at dumeretso na sa kwarto. Mag-impake na po ako at kailangan ko na pong makauwi talaga, pasensya na po… mauna na ako. Ang sabi ko.

“Tutulungan na kita Kuya!” Ang pagvolunteer naman ni Julius sabay hugas ng mga kamay niya at sumunod na sa akin sa kwarto.

At tinulungan ako ni Julius sa pag-iimpake. Pinagkasya ko sa isang bag ang lahat kong damit at gamit habang ang kay Kuya Romwel naman, sa isang bag. Syempre, naalala ko ang masasayang pag-iimpake namin sa mga gamit din naming iyon bago kami umalis patungo sa lugar na iyon. Iyong harutan namin habang ginagawa niya ang pag-iimpake, ang panggugulo ko sa kanya, ang pinagpapawisan niyang katawan dahil sa halos di matapus-tapos na pag-aayos niya at pangugulo ko. Naramdaman ko na naman na tutulo na ang mga luha ko.

“Ba’t hindi ka nanood sa laro namin kanina, Kuya?” ang inosenteng tanong ni Julius. Bibong tao kasi si Julius. Kahit noong mga maliliit pa lang kami, hindi nahihiya iyang lumapit o magtanong sa akin o kahit pa sa mga magulang ko. Palakaibigan ding tulad ni Kuya Romwel, masayahin, madaldal. Kaya nga siguro madali din silang nagkapanatagan ng loob.

“Nagpasama ako sa itay mo na ikutin ang malalapit na parte ng lupain. Kaya hindi ako nakapanood.” Ang matamlay kong sagot, pansin ang pagkawalang ganang makipag-usap, pilit na pinigilag ang pagpatak ng mga luha ko.

“Alam mo kuya, ang galing-galing palang maglaro ng basketball ni Kuya Romwel no? Grabe andami na nga din niyang mga tagahanga dito eh. May mga babae pang tanong nang tanong sa akin kung sino daw iyon at kaanu-ano ko.”

“Anong sagot mo?”

“Wala. Sabi ko, kapatid ni Kuya Jason, iyong may-ari ng mga lupain dito?”

“At naniwala naman sila?”

“Oo naman. Hinihingi nga nila ang number ni Kuya Romwel, e. Ayaw ibigay, hehe. Pahiya tuloy sila”

“Ganoon ba?”

“Nagagalit ka raw na maraming babaeng tumatawag o nagti-text sa cp niya...”

Nagulat naman ako sa narinig. “S-sinabi niya iyon?”

“Opo. At kanina noong hindi ka sumipot, tanong ng tanong kung nasaan ka. Nakakawalang gana daw maglaro. Nakasimangot nga e. E, hindi ko naman alam kung nasaan ka.”

Sa mga narinig na sinabi ni Julius. Lalo akong nalungkot at naalala ko ang kabaitan sa akin ni kuya Romwel. Laking panghihinayang ko talaga. Gusto ko mang maglulundag sa saya sa narinig, hindi rin maiwasang sumiksik sa isip ang matinding galit niya sa akin. “Kanina lang iyon. Ngayon, napalitan na ng galit ang paghahanap niya sa akin...” ang bulong kong sagot sa sinabini Julius.

Eksaktong alas tres ng hapon noong lumisan na ang sinasakyan namin patungo sa bayan, ako lang at ang driver habang si Kuya Romwel ay pinanindigan talaga ang magpaiwan. Doon ko na-realize ang matinding galit niya at na hindi pa rin niya ako mapatawad.

Habang umaarangkada ang sasakyan, naglalaro sa isip ang pagkamangha sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Kung gaano kami ka saya sa pag alis at pagdating namin sa lugar na iyon ay siya namang kabaligtaran sa pagbalik. Nag-iisa na lang ako, mabigat ang kalooban at nagdurugo ang puso habang naiwan si Kuya Romwel na marahil ay mag-eenjoy na kasama si Julius at mga babae, magdidisco, maglalasing... At syempre, galit siya sa akin kaya siguradong magwawala siya.

“Ah... bakit ko pa ba siya iisipin?” Bulong ko sa sarili. “Buti nga na ganito ang nangyari, habang maaga pa upang mapilitan na akong kitilin itong maling naramdaman para sa kanya.”

Alam ko, na ang problema naman ay nasa akin; dahil nagmahal ako sa isang taong hindi naman pwede. Nakaukit sa isipan na maaaring iyon na ang huli naming pagiging close at huli naming pagsasama. At syempre hindi na ako mag-i-exopect pa na may Kuya Romwel pang bibisita sa bahay, doon matulog, o sosorpresa sa akin sa kwarto ko, ipagluluto ako sa paborito kong pagkain. Ma-miss ko ang mga ipinapagawa niya sa akin, at mga ginagawa niya din sa akin, lalo na ang isang bagay na sa tanang buhay ko, sa kanya ko lang unang naranasan... Ma-miss ko rin ang kakulitan niya, ang pang-aalaska ko sa kanya, ang mumunting away namin, ang mga harutan, ang mga tampuhan na sa bandang huli ay siya rin ang gi-give up at susuyo sa akin... Ansakit-sakit, sobra. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang buhay na wala na siya sa tabi ko o na nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. “Bahala na. Kakayanin ko naman siguro ang lahat” ang pang-aamo ko sa sarili.

Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha.

Eksaktong alas 9 ng gabi noong makarating ako sa bahay. Wala ang mga magulang ko gawa ng nagpunta daw ang mga ito ng Maynila, may inasikasong mahalagang mga papeles. Dumeretso na ako sa kwarto ko at noong makapasok na, ibinagsak ko na kaagad ang katawan sa higaan, hindi na nagbihis pa, hindi na kumain. Panay pa rin ang pag-iyak ko.

Lumipas ang alas 10, alas onse, alas 12 ng gabi, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ang nasa isip ko ay si Kuya Romwel at ang maaring ginawa nila sa diskohan.

Bumalikwas ako sa kama, pinailawan ang kwarto. Tinungo ko ang refrigerator, kumuha ng beer, binuksan ito atsaka tinungga. Tinumbok ko naman ang music corner ng kwarto ko at naupo sa sofa hawak-hawak pa rin sa kamay ang isang bote ng beer. Pinatugtog ko ang paborito naming kanta ni Kuya Rom -

“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me

There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me

Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home

Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on

Baby you need to come home back to me...”

Habang nasa ganoon akong seryosong pakikinig sa bawat kataga ng kanta, nabigla na lang ako at napabalikwas noong may narinig akong isang kalabog sa may bintanang parte ng kwarto ko. “KA-BLAG!”

Inaninag ko ang lugar kung saan nanggaling ang ingay at laking gulat ko noong makitang may taong nakatayo sa harap ng bintana. Hindi ako nakakilos o nakaimik agad, tinitigan lang siya.

“O, wala man lang welcome o kiss d’yan?” sambit niya.

“K-kuya Rom?”

“Sino pa nga ba? Bakit ka natulala d’yan? Mukha ba akong multo?” biro niya.

At hindi ko na napigilan ang sariling tumakbo patungo sa kinatatayuan niya. Niyakap ko siya. Mahigpit. Nagyakapan kami at isang malutong na halik ang pinakawalan ko sa pisngi niya. “Bakit dito ka sa bintana dumaan?” tanong ko.

“E... kanina pa ako kumakatok sa pintuan, wala namang nagbubukas. Alangan namang doon akomatulog sa labas, di ba?” sagot naman niya.

“Bakit ka sumunod sa akin? Hindi mo na-enjoy ang pyesta, ang disco, ang mga chicks...”

“E... hindi kita matiis eh. Atsaka... hindi ako nag-eenjoy kapag di ka kasama.” Sabay kindat naman at bitiw sa pamatay niyang ngiti. “At, oo nga pala, may ibibigay din ako sa iyo.” Dagdag niya.

“A-ano?” ang pagkabigla ko.

Iniabot niya ang isang kamay, nakatiklop ang mga daliri. At noong itinutok ko ang mga mata ko dito, saka niya itong binuksan sabay sabing, “Surprise!”

Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang laman nito. “Waaahhhhh! Ang singsing! Paano mo nakuha uli iyan!”

“Nakuha ko naman talaga ito kanina e. Di ko lang sinabi sa iyo sa sobrang pagka-inis ko na itinapon mo lang ito sa ilog.” Ang sabi niya. “Isuot mo na nga! Baka magbago pa ang isip ko” utos niya sabay hablot sa kaliwa kong kamay at sukbit nito doon.

Sobrang saya ko sa tagpong iyon. Hindi ko akalain na hindi pa rin pala ako matiis ni Kuya Romwel.

At hayun... hindi man natuloy ang pamimyesta namin, mas masaya naman kaming nag-inuman, nagkantahan, nagsayawan na kaming dalawa lang sa buong magdamag – sarili namin ang mundo, at sarili namin ang isa’t-isa.

(Itutuloy)


[12]
So… balik normal na naman ang lahat. I mean, iyong ganoong set-up na parang kami ngunit hindi. Ewan, basta parang ganoon. Hindi ko nga alam kung MU bang matawag iyon e. Kasi, mag-kuya ang nakalagay sa “official” registration ng mga utak namin e, hehe. Hmmm, baka hindi rin naman pero wala lang gusotng umamin. Oo, may singsing ako sa kanya, sa thumb nga lang at walang marriage proposal – charing! Oo, may nangyari sa amin, ngunit wala namang sinabi iyong tao na pananagutan niya ang puri ko, nyahaha. Hindi nga, dedma iyong tao kung mahal ba niya ako o hindi. At syempre, ayaw ko rin namang magsabi sa kanya na mahal ko siya no. Ano ka... Basta! Ayaw ko. Ano ako, cheap na NFA? (Hehe)

Ngunit kahit pa man sobrang nakakaloka ang set-up namin, kina-career ko na talaga ang pagka-close namin. Tinatanong siya kung kumain nab a, na dapat huwag masyadong magpapagod... halos susubuan ko na nga kapag kumain kami eh. At, palagi niya akong hinahatid sa bahay galing school at minsan, doon na matutulog sa bahay, doon kumakain at, take note, kapag may chance siya, nagluluto iyan. Mahilig kasing magluto ang kumag at ang sarap pa niyang romomansa, este, magluto, pramis. Dahil nga yata d’yan kaya siya naging close at kadikit ng mga parents ko eh. Sa totoo lang, feeling ko, kasal na lang talaga ang kulang sa amin.

Ang buong akala ko, tuloy-tuloy na ang lahat. Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang pag-ibig.

Isang araw, nag-absent si Kuya Rom sa klase. Walang text, walang explanation kung bakit. Noong pumasok kinabukasan, napansin kong tila malalim ang iniisip nito at kahit ngumingiti at nakikipagbiruan, parang may iba talaga siyang kinikimkim na hindi ko mawari. Noong magpraktis kami, parang wala din ito sa sarili. Kinausap ko siya tungkol dito at kung bakit siya nag-aabsent. Ngunit ayaw niyang magsalita, walang sinabing dahilan. Ang sabi lang niya ay huwag ko da siyang alalahanin at ok lang siya.

Kaya naninibago man, wala din akong magawa kungdi ang intindihin siya, ang magtiwala sa sinabi niya. Syempre, may sakit din na dulot iyon sa akin kasi pakiramdam ko ay may itinatago siya.

Hanggang sa dumating ang sunod-sunod na apat na araw na hindi siya pumasok. Sobrang na-nagtaka ako dahil hindi normal iyon sa kanya. Kahit may konting pagka-caarefree si kuya Rom, hindi ito ang type na nag-aabsent sa klase. Nag-worry na ako, kinakabahan, at hindi mapakali. Ni text ko ay hindi niya sinasagot.

At syempre sa team namin, hinahanap siya sa araw-araw na praktis. Ang masaklap, noong pang-apat na araw na absent siya habang nag-uumpukan ang mga ka-teammates ko pagkatapos ng praktis, “Si Romwel, nakita ko kagabi, kasama ang girlfriend niya…” sabi noong isang kasama namin.

“Iyon ba iyong ipinakilala niya sa atin noong may athletic meet tayo sa kabilang bayan?” tanong naman noong isa.

“Iyon nga! Iyong Kris ang pangalan? Iyong matangkad, sexy at parang model ang dating.”

“Siguro kaya nag-aabsent na iyong tao ay dahil naaadik na doon sa babae!”

Tawanan.

“E sino ba kasi ang di maadik sa babaeng iyon. Ansarap kasiping noon! Legs pa lang ulam na!”

“Baka kako naglive-in na iyong dalawa at buntis na iyong babae.” sambit naman ng isa sabay tawanan uli.

“Sa sobrang pag-iilang ni Romwel na hindi magpatali sa babae, bumigay na rin pala. Mahirap talagang labanan ng libog no?” hirit ng isa pa.

“At si Romwel pa. Anlaki-laki ng kargada noon. Sigurado, noong natikman ng babae ang alaga niya, hindi na pinakawalan.”

Pakiramdam ko ay dinurog ang puso ko sa sobrang sakit na naramdaman sa mga narinig. At kahit ganoon ang kwento nila, nakitawa na rin ako. Syempre, wala naman silang kaalam-alam sa naramdaman ko at sa namagitan sa amin ni kuya Rom, maliban na lang kay kuya Paul Jake na panay ang sulyap sa akin habang nagbabangkaan ang mga ka teammates.

Alam ko, naramdaman ni kuya Paul Jake ang aking saloobin kaya sa gitna ng topic nila na iyon, bigla niya itong inilihis, “Maiba pala tayo, napuntahn niyo na ba ang bagong bukas na floating barbeque grill sa loob mismo ng Tandang Sora Beach Front? Masarap daw doon ah at may banda pa at disco kapag gabi”

“Sabi nga nila! Maganda nga daw doon pare! At andaming magagandang dumadayong chicks!” sagot naman ng isa.

Kaya, doon na sa parteng iyong natapus ang bangkaan sabay yaya ni Kuya Paul Jake na umuwi. Nagsiuwian na rin ang lahat. Dahil gabi na, inihatid ako ni Kuya Paul Jake sa bahayat noong makarating, niyaya ko siyang umakyat muna sa kwarto ko upang makipagkuwentuhan sandali.

Pinagbigyan naman niya ako. Dali-dali kaming umakyat sa second floor kung saan nandon ang kuwarto ko at dumeretso na kaagad sa music corner. Ibinagsak ko ang dala-dalang bag sa sofa, pinatugtog ang sound, tinumbok ang ref at doon kumuha ng dalawang bote ng beer at binuksan ang mga ito.

Habang tumugtog ang paboritong kanta namin ni Kuya Rom, wala naman kaming imikan ni Kuya Paul Jake na magkatabi lang sa sofa. Tahimik lang kaming umiinum sa tig-iisang boteng beer na binuksan ko, nagpakiramdaman sa isa’t-isa. Alam kong alam ni Kuya Paul Jake ang saloobin ko gawa ng hindi pagpapakita ni Kuya Rom sa school, sa practice, at gawa na rin sa mga narinig kong tsismis o haka-haka tungkol sa hindi na niya pagsipot.

Maya-maya ay nagsalita din siya, marahil ay upang mabasag lang ang katahimikan. “Parang palagi mong pinapatugtog ang kantang iyan ah? Ano ba ang pamagat niyan? Maganda...”

“Back To Me by cueshe kuya” ang matamlay kong sagot.

“Paborito mo ba?”

Tumango lang ako, pilit na huwag ipahalata ang namumuong mga luha sa mata. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, “Parehong paborito naming ni Kuya Rom”. Ngunit hinayaan ko na lang na sarilinin ang nasa isip.

Tahimik. Hindi na ipinilit pa ni Kuya Paul Jake ang pakikipag-usap.

Ngunit hindi ko rin napigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. Para kasing ang tanong ni Kuya Paul Jake ay isang sibat na tumuhog sa aking puso. Marami kasi akong naaalala sa kantang iyan. At ewan kung coincidence lang din o mental telepathy ba (?), na may mga pagkakataong habang nag-iisa lang ako sa kuwarto at bigla siyang papasok sa isip ko, ipatugtog ko ang kantang iyan. Tapos, habang tumutugtog ang kanta ay bigla na lang din siyang darating o susulpot sa kuwarto, magugulat na lang ako. Para bang may connection ang mga isip namin.

Yumuko na lang ako, pinahid ng isang kamay ko ang luhang dumaloy sa mga pisngi. Noong mapansin ni Kuya Paul Jake ang pag-iyak ko. Nagsalita na naman siya, “Ahhhh… sinabi ko naman kasi sa iyo na huwag kang padadala sa emosyon eh.” Ang sambit niya, kuha kaagad ang dahilan ng aking pag-iyak.

“H-hindi ko kasi kayang pigilan kuya e… Ako man ay litong-lito na. Nahihirapan na talaga ako, kuya.” ang sagot ko, ang boses paputol-putol dahil sa paghikbi. “K-kasi ba naman, hindi ko rin maintindihan ang taong iyon. Sobrang close, sobrang sweet, wala namang sinasabi kung ano ba talaga ang naramdaman niya. Tapos, hayan, biglang mawawala na parang bula, wala man lang ni ho ni ha, o pasabi kung buhay pa ba siya o patay na!” ang dugtong kong pagmamaktol.

“Sabi ko naman sa iyo… lalaki si Romwel. Hindi ka niya puweding mahalin.”

Nagsisigaw naman sa pagtutol ang utak ko sa binitiwan niyang salitang iyon. “H-hindi mo naintindihan kuya e…” ang nasambit ko na lang.

“Ang alin?”

“A-alam ko, mahal niya ako, kuya. Di lang niya masabi.”

“At bakit naman hindi niya masabi?” tanong niya.

“Hindi ko alam” sagot ko.

“Kinausap mo na ba siya tungkol sa naramdaman mo? Di ba sabi ko sa iyo na kausapin siya upang habang maaga pa ay alam mo na kung saan ang lugar mo sa puso niya.”

“Hindi pa kuya… Natatakot ako eh.”

“O sige, ito na lang… Granting na mahal ka nga niya at hindi niya masabi ito sa iyo, bakit may nakakakitang nagsama sila ng girlfriend niya?”

Tila may bumara sa lalamunan ko sa pagkarinig sa tanong niyang iyon. Pakiramdam ko lalong bumigat ang naramdaman ko. Pilit mang pigilin ang sariling huwag ipalabas ang sama ng loob, hindi ko rin nakakayan ang hindi paghagulgol.

Sa awa, niyakap ako ni Kuya Paul Jake at hinahaplos-haplos ang likod. Niyakap ko rin siya, mahigpit at hinayaang kumawala sa mga bisig niya ang sakit na naramdaman.

Nasa ganoong eksena kami ni Kuya Paul Jake noong bigla namang bumukas ang pinto. Dahil nakaharap ang mukha ko sa may pintuan, kitang kita ko kung sino ang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

“Si Kuya Rom!” sigaw ng utak ko. Hindi ko lubusang maisalarawan ang naramdaman ko sa pagkakita sa kanya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at may bahid na takot din sa nakita niya sa amin sa ganoong asiwang posisyon.

“Uhum!” sambit niya, pagpahalata na nandoon siya at may nakita siyang kakaiba.

Bigla naman akong kumalas sa pagkakayakap kay Kuya Paul Jake na nabigla din sa ginawa ko.

“Ah... Bro! Nandito ka pala. Inihatid ko kasi si Jason dito galing sa practice natin…” paliwanag ni Kuya Paul Jake noong masilip niya na nandoon pala biglang sumulpot si Kuya Rom.

Para lang walang narinig si Kuya Rom, hindi pinansin ang sinabi ni Kuya Paul Jake. Umupo ito sa isang parte ng corner set sa gilid ng sofang inupuan namin. At kahit na walang ipinakitang emosyon ang mukha niya, ramdam ko pa rin na may inis siyang itinatago. Kinuha niya ang remote ng TV at walang sabi-sabing pina-andar iyon, hindi man lang kami pinansin o nilingon.

Nagtinginan kami ni Kuya Paul Jake na umaksyon naman sa akin na mauna na siyang umalis, nahalata marahil ang hindi magandang mood ni Kuya Rom.

Tumango naman ako, sumang-ayon na aalis na lang siya.

At tumayo kuya Paul Jake. “Bro… mauna na ako ha?” ang paalam niya kay Kuya Rom.

Tiningnan ni Kuya Rom si Kuya Paul Jake, binitiwan ang isang ngiting-respeto. “Ok bro… ingat!” ang nasambit niya.

Noong makaalis na si Kuya Paul Jake, tumabi sa akin sa pag-upo sa sofa si Kuya Rom. “Siguro kung hindi ako dumating, may milagro nang nangyayari dito.” Bungad niya sa akin, pagpapasaring sa nakitang yakapan naming ni Kuya Paul Jake.

Tinitigan ko lang siya, pinilit ang sariling huwag patulan ang sinabi niya.

Ngunit humirit pa rin siya. “Naka-istrobo ba ako sa plano mong matikman si ‘k-u-y-a’ Paul Jake?” pagbigay-diin niya sa salitang “kuya”.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo sa narinig at naalimpungatan ko na lang na lumapat sa pisngi ni Kuya Rom ang kamay ko at narinig ang malakas na “SPLAK!!!”

Ako man ay hindi makapaniwala sa mabilis na pangyayari. Nasampal ko si Kuya Rom!

Noong tiningnan ko siya, hawak-hawak na ng isa niyang kamay ang ang pisnging nasampal. “Happy ka na? Dito pa ang kabila kong pisngi kung gusto mo pa!” ang sarcastic niyang sabi, kitang-kita sa matutulis niyang tingin ang matinding galit na tinitimpi.

Pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit tumatak pa rin sa isip ko ang nakakainsultong sinabi niya at ang hindi niya pagsabi sa akin kung saan siya nagpupunta sa panahong hindi siya sumipot sa eskwela, lalo na ang isuue ng pagkakita sa kanila ng kasama namin na nagsama sila ng kasintahan niya.

“Ano ba ang akala mo sa akin? Ano ba ang akala mo kay Kuya Paul Jake? Sa tingin mo ba kaya niyang ipagawa sa akin ang mga ipinapagawa mo? Ikaw lang ang nagpapagawa sa akin ng ganoon! Ikaw lang ang gumawa sa akin ng kababuyan! Palibhasa kasi gawain mo!!!” ang bulyaw ko.

Mistula namang biglang nagbago ang mukha ni Kuya Rom sa narinig. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. “Anong pinagsasabi mong gawain ko? Ha?!” Bulyaw din niya. “At bakit ba nandito iyong tao na iyon? At bakit nagyakapan kayo?!!” sigaw din niya.

Sa tanong niyang iyon, hindi ko na napigilan pa ang sariling ipalabas ang lahat ng sama ng loob. “Hindi mo ba nakita? Umiiyak ako!!! Tinatanong mo ba kung bakit ako umiiyak? Naramdaman mo ba kung bakit ako umiiyak? Si Kuya Paul Jake lang ang tanging nakakaintindi sa naramdaman ko!!!” sigaw ko.

“At bakit ka ba umiiyak? Nagsusumbong ka kay Paul Jake...? Ano ang pinagsasabi mo sa kanya?! Tangina, may sinasabi ka sa kanya?”

“Oo! Sinasabi ko sa kanya na na-miss kita; na nag-alala ako sa iyo; na hindi ko maintindihan kung bakit ka na lang biglang nawala at hindi nagpaalam! Bakit ba? Bakiiiittttt?!”

Tila nahimasmasan naman siya sa narinig. Hindi nakasagot at biglang napayuko.

“Ngayon... masaya ka na?” sambit ko. “Alam ko namang nagsama kayo sa nobya mo e. May nakakita sa inyo. Sana lang naman ay may taong nagpaalam sa akin na hindi siya papasok o magpakita dahil sa nobya niya!”

Hindi pa rin siya kumibo.

“O ano… totoong nagsama kayo ng nobya mo kaya kinalimutan mo na lang ako, di ba? Ganyan naman palagi eh. Noong nandoon tayo sa athletic meet, itong babaeng ito din ang kasama mo at etsapwera mo na lang din ako. Ganyan palagi. Pupunta ka lang sa akin kapag wala siya, kapag hindi kayo nagkita o kapag inatake ka ng libog, di ba? Panakip-butas lang ako! Di baaaa?!! Tanginaaaaa!” sigaw ko.

Nanatili pa rin siyang tahimik.

Hindi ko lubos maintindihan ang anyo at katahimikan niyang iyon. Pakiwari ko ay may malalim na problema siyang dinadala. Binitiwan niya ang isang titig na tila puno ng katanungan, blangko, at tumagos sa likuran ng ulo ko habang ang mukha niya ay nababalot sa matinding lungkot. Ngunit hindi ko pinansin ito. Bagkus humirit pa ako. “Sumagot ka! Tama ba ako?! Sagutin mo ako!!!”

“Tol… isipin mo palagi. Lalaki ako.” Ang mahinahon niyang sabi, ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin.

Tila naputukan naman ako ng isang bomba sa narinig. Pakiramdam ko ay gumuho ang paligid ko at bigla akong nawalan ng lakas. Iyon bang nasa gitna ka n asana sa isang napakagandang panaginip at sa isang iglap lang ay may sumampal sa iyo ng napakalakas at biglang nagising ka sa katotohanan. Sobrang nakakasakit ang naramdaman ko sa sinabi niya. Sapul na sapul at tila tinadtad ang puso ko sa sobrang sakit.

“Tama... lalaki ka nga pala. At sino nga ba ako sa buhay mo?” ang naisagot ko na lang sabay talikod, tinumbok ang higaan, dumapa doon at humagulgol.

Mistula naman siyang napako sa kinauupuan. Hindi ko lang alam kung nabigla siya sa nasabi o talagang pinagplanuhan niya na ang sasabihin niyang iyon.

“Lumayas ka. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo.” Ang nabitiwan ko ding salita.

Iyon lang ang nasabi ko. At narinig ko na lang ang pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Umalis siya na hindi nagpaalam, na maraming katanungang iniwanan.

Sa buong gabing iyon, walang humpay ang aking pag-iyak. Tuliro, nababalot sa matinding hinagpis, sa matinding galit, at sa matinding pagkaawa sa sarili…

(Itutuloy)


[13]
WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

Buong magdamag na hindi ako nakatulog. Umiiyak at isiniksik sa utak na hindi talaga kami para sa isa’t-isa; na marahil ay tama lang na ganoon ang nangyari habang maaga pa; at na dapat ay matanggap ko ito ng maluwag sa kalooban.

Tinanggal ko sa aking mga kamay ang singsing na ibinigay niya at itinago iyon sa ilalim ng drawer ko, ipinangako sa sarili na hinding-hindi ko na isusuot iyon.

Kinabukasan, kahit namamaga pa ang mga mata dahil sa kaiiyak, pumasok pa rin ako sa school. Pinilit ko ang sariling ipakitang normal pa rin ang lahat sa kabila nang pagsisigaw ng damdamin ko kung bakit xsa akin pa nangyari ang ganoon. Alam ko, napapansin pa rin ng marami ang kakaibang lungkot sa mukha ko. Ngunit hindi ko ito alintana. Kapag may nagtatanong kung bakit ako malungkot, sinasabi na lang na ok ako, na wala akong problema.

Sa araw ding iyon, napag-alaman kong hindi pa rin pumasok si Kuya Rom at walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya, at kung saan siya nagpunta.

“Totoo nga siguro ang sinasabi nila na nagsama na sila ng kanyang kasintahan. At marahil ay totong nabuntis na niya ang babae…” ang pumasok na scenario sa isip ko. At iyon talaga ang naiukit sa isip ko, walang nang iba.

Sa sobrang sakit na dinadala, napag-isipan kong bumalik sa lupain namin sa bukid, kina Mang Nardo. Pakiramdam ko kasi, napakagandang magmumuni-muni doon dahil sa napakapreskong ambiance, walang ingay, simple ang pamumuhay. At dahil sa ang kinabukasan ay Sabado, nagpaalam ako sa mga magulang ko. Pinayagan naman nila ako kahit ang driver lang ang kasama ko. Ipinaliwanag ko na lang na may importanteng ginagawa si Kuya Rom sa lugar nila at hindi nga rin nakapasok ito dahil dito.

Kaya kinabukasan, alas 5 pa lang ay umalis na kami ng driver pabalik sa lupain naming sa bukid. Dumating kami sa luga na mag aalas onse na ng tanghali. Tamang-tama sa pananghalian. As usual, marami pa ring nakiki-usyuso na mga tenants namin sa pagdating ko. Noong pumunta kasi ako noon gabi iyon at kinabukasan ay umuwi naman kaagad. Kaya marami sa kanila ang hindi nakakita sa akin.

“Mabuti naman Sir Jason at nakabalik ka!” ang bungad sa akin ni Mang Nardo.

“Pangako ko kasi iyan inyo na babalik ako e. Nahihiy nga ako sa inyo na bigla na lang akong umalis, magpipyesta pa naman iyon.” ang sagot ko.

Napangiti naman sina Mang Nardo at Aling Isabel. “Eh.. nasaan si Romwel?” ang biglang tanong niya.

Feeling ko, nabilaukan ako sa pagkarinig sa tanong na iyon. “A.. e…” asng nasambit ko. “Ah... Umuwi po kasi sa lugar nila at may importante daw na aasikasuhin!” ang naisagot ko na lang.

Pagkatapos kong magpahinga sandali, sinamahan naman ako ni Julius na mag-ikot sa iba pang parte ng mga lupain namin. Dahil sa malaki at malalayo ang iikutin namin, isang kabayo ang sasakyan namin. First time kong makasakay ng kabayo kaya excited din ako. Iisang kabayo lang ang sinakyan namin ni Julius, nasa likod niya ako, yakap-yakap siya habang siya naman itong nagdala sa renda. Habang tumatakbo ang kabayo, hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi matawa gawa ng pag-iindayog din ng mga katawan namin. Syempre, hindi ko pa kabisado kung paano mag-adjust sa galaw ng katawan. Basta, kapag malakas ang pagpatakbo ng kabayo, hihigpitan ko lang ang pagyakap kay Julius.

In fairness, sarap ding yakapin ng katawan ni Julius. Bilog, di hamak na matipuno, rugged, barako ang dating. At dagdag pa nito ang angking tangkad at kapogian. Pero, pinapatakbo lang naman niya ang kabayo sa bawat lipat namin ng ibang parte ng lupain. Kapag nandoon na, marahan na itong pinapalakad.

Habang binabaybay namin ang kabuuan ng aming bukirin, ramdam ko ang napakagandang ng tanawin nito; malamig din ang simoy ng hangin, at ang lilim na likha ng mga naglalakihang puno ay nakakapagbigay ng ginhawa at aliw sa damdamin. Kahit papaano, nababaling ang isipan ko sa ibang bagay-bagay na nakakapagrelax. Nad’yan din ang mga preskong prutas, karamihan ay ligaw kagaya ng mga bayabas, saging, kapayas na halos walang pumapansin na sa mga bunga nito.

Sa pagsasama naming iyon ni Julius, doon ko na rin unti-unting nakilala ang pagkatao niya. Nag-aaral pala ito, first year sa kursong Agrucultural Engineering sa isang Agricultural State College na malapit lang sa lupain namin. At sa tingin ko ay matalinong bata si Julius. Masarap at masayang kausap, nakakapawi ng pagod. At nasabi kong wala naman pala sana akong dapat pagselosan sa kanila ni Kuya Rom. Halos pareho lang talaga ang mga ugali nila, ang personalidad, magkasundo sa gusto at di gusto. Likas ding bibo si Julius; mabait, palabiro, kengkoy, at palakaibigan. Sabagay, ang kinaiinisan ko lang naman kasi noon ay kung bakit hindi ako ginising hindi ako isinama ni Kuya Rom sa pagligo nila sa ilog na noon ko lang din naintindihan kung bakit.

Sa buong hapon naming pagsasama, halos lahat ng topic na pinag-uusapan namin ay tungkol lang kay Kuya Rom. Kesyo bilib siya sa tao dahil palakaibigan, magaling makisama, masipag. Noon nga dawng unang punta pa namin kung saan maagang siyang nagising ay tumulong pala ito sa kusina, sa paghahanda nila para sa nararating na pyesta. Kung hindi lang daw ito sinabihan sa tatay ni Julius na si Mang Nardo na baka magalit ako sa kanila kapag nakitang pinayagan siyang tumutulong ay saka pa ito huminto at nagyaya na lang kay Julius na maligo sa ilog. At habang nasa ilog na, wala daw silang ibang pinag-uusapan kungdi ako. Kesyo daw mabait ako, hindi niya akalain na ganito kalaki ang mga lupain namin. At kesyo daw may topak ako paminsan-minsan… natawa naman ako sa huling sinabi niya.

Pakiramdam ko, magandang kaibigan si Julius. Iyon bang klaseng kaibigang parang lahat ng mga saloobin o kalokohan mo ay puwede mong sabihin o ibulatlat sa kanya na hindi ka natatakot na kakantyawan, huhusgahan o ipagsasabi niya sa iba.

Tila naging pangalawang layunin na lang namin ang pag-iikot sa lupain. Pakiramdam ko, parang ang lakad naming iyon ay inilalaan para sa isang importanteng talakayan lang – tungkol kay Kuya Rom. Kinikwento iyong mga eksena nila sa basketball, sa lakad nila, sa mga pinag-uusapang kung anu-ano, mga biro, ang tungkol sa amin. Sumisingit-singit na lang siya ng salita tungkol sa lupain kapag may napapansin kagaya ng “Ang parte na iyan kuya ay katatanim lang namin ng palay…” o “Ito iyong loteng dating damuhan at ngayon ay tinamnan na rin namin ng palay…” at pagkatapos ng maiksing kumento ay balik uli siya sa walang kamatayang topic tungkol kay Kuya Rom. Tuloy parang sumiksik sa isip ko kung may alam ba si Julius tungkol sa amin ni Kuya Rom. Ewan kung napipick up niya ang hint kay Kuya Rom.

Kaya syempre dahil sa kwentuhan namin, bumabalik-balik din ang naghalong sama ng loob at saya na kahit papaano ay ako pa rin ang laman ng utak niya. At may halong paghanga din ang naramdaman ko sa mga ipinapakita niyang gilas at magandang pakikisama sa mga caretaker namin.

“Shitttt! Paano ko malilimutan ang tao na iyon kung kahit dito ay siya pa rin ang sumisingit sa eksena!” sigaw ng utak ko. Ganyan talaga siguro kapag may naramdaman ka sa isang tao. Kahit anong bagay na nakikita mo, naririnig, naamoy, lahat ay narerelate mo sa kanya. Noong pag-aayos ko ng mga dadalhing gamit ko pabalik sa ukid, naalala kong siya ang nag-ayos noong una kaming pumunta doon. Noong pagsakay ako sa Land Cruiser, naalala kong katabi ko siyang kasakayan doon at nakatulog pa ako sa balikat niya. Noong makita ko si Julius, naalala ko ang nakita ko sa kanilang dalawang masayang naliligo at nagtatawanan sa ilog. Noong makarating na uli ako sa bahay naming sa bukid, ang kwarto, ang tanawin, siya ang naaalala ko. Kahit na sa pagsakay ng kabayo ay naalala ko siya, ini-imagine na sana siya ang kasama at niyayakap ko. Syempre, sa malaswang parte, naalala ko rin ang mga kantyaw sa kanya ng ka teammates na ga-kabayo daw ang laki ng kargada…

Nasa ganoong pag-iisip ang utak ko habang nakasakay sa kabayo, yakap-yakap si Julius noong biglang umalma ang kabayo. Sa gulat ko, napayakap ako ng mahigpit na mahigpit kay Julius na med’yo nagulat din.

“Nakaita ng ahas ang kabayo!” Sambit niya, habang hawak-hawak ang tali, pinakalma ito.

Noong bumalik na sa normal na paglalakad ang kabayo, nakayakap pa rin ako ng mahigpit sa katawan ni Julius. Ewan ko ba ngunit tila may koryenteng gumapang sa buo kong katawan sa ginawa kong iyon. Naramdaman kong tumigas ang ari ko na bumubundol-bundol naman sa likuran niya. At sa naramdamang kiliti na di maintindihan, hinayaan ko na lang na manatiling nakayakap ng mahigpit ang mga bisig ko sa katawan niya, pinakiramdaman kung papalag siya o aalma din.

Ngunit wala akong narinig na reklamo kay Julius. Kaya lalong idinikit ko ang katawan ko sa likod niya, na halos hahalikan ko na ang balok at ang leeg niya. Langhap na langhap ko naman ang amoy ng pawis ng kanyang katawan, na amoy lalaki, na lalong nagpatindi sa kiliting naramdaman ng katawan ko.

Marahil ay napansin ni Julius ang lalong pagdikit ko sa kanya at pagbundol-bundol ng matigas kong harapan sa likuran niya sa bawat paggalaw ng katawan ng kabayo. Huminto siya sa pagsasalita, hinayaang maglakad ang kabayo ng marahan, tila nakiramdam. Sa reaksyon na iyon ni Julius, mistulang nanlalamig naman ang aking kalamnan, ramdam ang malakas na pagkabog ng dibdib. Nilingon ko ang paligid. Walang katao-tao at ang nakikita ko lamang ay ang mga naglalakihang puno ng kahoy at ang naririnig ko sa paligid ay ang ingay na gawa ng hihip ng hangin, ang mga nagkikiskisang dahon, at mga awit ng ibon.

Ramdam ko ang lalo pang pag-igting ng init ng aking katawan sa eksenang iyon. Hindi ko alam kung nagustuhan din ni Julius ang paghigpit ng yakap kong iyon o kaya ay naghintay lang siya sa sunod na maaaring gawin ko. Tila may nagtulak sa akin na ihaplos ko ang mga nakayakap kong kamay sa dibdib niya, sa tiyan papuntang ibaba kung saan nakatago sa ilalim ng pantalon ang bukol ng kanyang pagkalalaki.

“Shiitttttt! Grabe!” sambit ko sa sarili. Pakiramdam ko ay may namumuong pressure sa loob ng katawan ko at ano mang oras ay bibigay ito sa matinding pagnanasa.

Hindi pa rin umimik si Julius, hinyaan pa ring maglakad ng marahan ang kabayo. Ramdam ko ang palakas nang palakas na kalampag ng aking dibdib. Pakiwari ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras at nakabibingi ang katahiminkan sa pagitan naming dalawa. Biglang parang hindi kami magkakakila uli at nagkahiyaan, nagpapakiramdaman.

“Ampotik pala nitong si Julius!” Sigaw ko sa sarili. “Nakaka-L talagang yakapin ang katawan! Syyyeeettttt!” sigaw ko sa sarili. Kasi ba naman, ang suot niyang t-shirt ay halos body-fit na rin, bakat na bakat ang bilog niyang katawan, matitigas ang mga muscles, sculpted na dibdib. At kahit sa tiyan niya kung saan nakayakap ang aking mga kamay, ramdam ng aking kalamnan ang matitigas niyang abs at walang kataba-tabang baywang. At kung pagmasdan ang sunog niyang balat, makinis naman ito na mistulang nagtatan lang. Nai-imagine ko tuloy na siguro kapag naka-swimming trunk lang siya, hindi talbog sa kanya ang mga sikat na modelo o contestants ng mga Ginoong Pilipinas o kahalintulad na mga patimpalak. Hayup sa porma ang katawan ng kumag! Naalala ko na naman tuloy si Kuya Rom. Halos walang ipinagkaiba ang mga porma nila!

“Hoy! Talipandas! Maghunos-dili ka! Hindi ka pa ba natuto?” sigaw ng isang parte ng utak ko.

“Sige na… sunggaban mo na habang wala pang tao.. bibigay na iyan, bibigay na iyan!” sigaw naman ng kunsyensya kong naalipin ng kademonyohan.

“A, e… tol, kung mahigpit masyado ang yakap ko, sabihin mo lang ha? Hehe. Natatakot ako na baka bigla na namang umalma itong kabayo e. Nakakatakot palang sumakay dito, mabibigla ka na lang kapag umalma!” palusot ko.

Natawa naman si Julius. “Ok lang iyan kuya. Alam ko namang first time mong sumakay ng kabayo eh.”

So iyon… walang nangyari. Habang naglalakbay kami, hanggang sa pananantsing na lang ako. Doon ko na-realize na kahit pala sa kabila ng matinding tuksong haharapin ko, si Kuya Rom pa rin ang laman ng isip, ang isinisigaw ng aking damdamin.

Mag-aalas sais na iyon noong makarating kami sa bahay. Pagkarating na pagkarating namin ay naghanda pala sina Mang Nardo at Aling Isabel ng kaunting salo-salo at may mga dayong bisita ding mga tenants ng lupain namin. May inuman, syempre, kantahan gamit ang gitara, may nagsasayaw. At naki-inum na rin kami ni Julius. Doon nakilala ko ang mga nagtatrabaho sa lupa namin, na ang iba ay doon na ipinanganak, doon na lumaki, at ang iba ay doon na tumanda.

Maghahating gabi na noong nagyaya na akong matulog gawa nang hindi ko na kaya. Lasing na lasing na ako at halos hindi na makalakad patungo sa kwarto. Inalalayan na lang ako ni Julius na sa tingin ko ay halos hindi man lang tinablan sa nainum.

Noong makapasok, hinawi ni Julius ang kulambo at agad kong ibinagsak ang katawan sa kama. Aalis na sana siya noong bigla kong hinawakan ang kamay niya. “Saan ka pupunta tol?” tanong ko.

“Sa kwarto ko, kuya…” ang sagot niya.

“Dito na tayo matulog, tabihan mo ako, wala akong kasama e…”

“S-sige po kuya. Tatabihan kita” Nag-aalangan man, pumayag na rin siya. Marahil ay wala siyang choice dahil nahihiyang tanggihan ako o talaga lang walang malisya iyon sa kanya. Bago siya pumasok sa kulambo ng kama ko, nakita ko pang naghubad siya ng t-shirt at ang natira ay ang kanyang manipis na shorts pantulog.

Sa magkahalong pagod at pagkalasing ay hindi ko na namalayan pa ang pagsampa ni Julius sa tabi ko. Bago rin ako nakatulog, ang huling naglalaro sa aking isipan ay si Kuya Romwel pa rin; ang tagpo kung saan kami magkatabing natulog sa kwartong iyon.

Marahil ay sa sobrang pag-iisip ko kay Kuya Romwel, dumugtong sa panaginip ko ang huling tumatak sa isip bago ako nakatulog.

Magkatabi daw kami ni Kuya Rom sa kama. Hindi ko masydong natandaan kung saang kwarto iyon at kaninong bahay. Ang alam ko lang ay magkatabi kami, at naka-brief lang siya. Bago kami natulog, niyakap ko si Kuya Rom, mahigpit sabay lapat ng mga labi ko sa mga labi niya. Noong una ay nagulat daw siya sa pagyakap ko at paglapat ng aming mga labi. Ngunit dahil sa hindi ako nagpaawat, pinagbigyan na lang niya ako. At siguro nagustuhan din niya ang paglapat ng mga labi namin dahil kung talagang ayaw niya, kaya naman niya akong itulak, sa laki ba naman ng katawan niya.

Sarap na sarap daw ako sa paghahalikan namin at ramdam kong siya ay ganoon din. Dinig na dinig ko pa ang ungol niya habang gumaganti siya sa mga yakap at halik ko. Haplos-haplos niya ang ulo ko, ang katawan ko, habang mistula namang nag-espadahan ang mga dila namin. Para kaming mga gutom at hayok sa laman sa eksenang iyon ng panaginip ko.

Maya-maya, pinaliguan ko ng halik ang buong katawan ni Kuya Rom. Lalo namang umaalingawngaw ang ungol niya sa buong kuwarto sa sarap. Dinila-dilaan ko ang leeg niya, ang kangyang dibdib at nilaro-laro doon ang dila ko habang marahang kinagat-kagat naman ang utong nito at ang tila butil ng mais sa ilalim ng utong niya. Palipat-lipat. At habang ginagawa ko iyon, di naman mapigil ang pagliyad niya sa tindi ng sarap na naramdaman. Sa init ng aming romansahan, mistula kaming nawala sa tamang katinuan, walang pakialam sa paligid. Mablis ang kabog ng aming mga dibdib, mabilis ang paghinga, mistulang lumulutang sa alapaap.

Maya-maya, ibinaba ko ang pagdila, sa ibaba ng dibdib, sa abs, at unti-unti ko pang ibinaba ang pagdila idinaan ang bibig sa mga balahibong pusang tila agos ng tubig patungo sa tirik na tirik niyang pagkalalaki.

Noong dumampi ang ulo ng kanyang ari sa bibig ko, agad-agad kong isinubo ito. Dinig na dinig ko ang marahan niyang paghalinghing noong makapasok na sa bibig ko ang ulo ng kanyang ari. Dahil sa sobrang laki ng kanyang kargada, hanggang ulo lang ang naipasok ko. Labas masok ito sa aking lalamunan hanggang sa pakiramdam ko ay lalo pa itong lumaki at narinig ko na lang ang malakas na ungol niya, “Ahhhh! Ahhhhh! Ahhhhhh!” sabay pulandit naman ng kanyang dagta sa loob ng aking bibig, ang iba ay nalunok ko at ang iba naman ay hinayaan ko na lang sa loob ng bibig ko. Noong maramdaman kong tapos na siya, inabot ko naman ang bibig niya at muli kaming naghalikan, ang natirang katas niya sa bibig ko ay pinaglalaruan ng aming mga bibig.

Maya-maya, siya naman ang humalik sa akin, sa buo kong katawan simula sa leeg, sa dibdib, sa magkabilang utong ko, sa abs... kagaya ng ginawa ko sa kanya. Noong nasa may tiyan ko na ang bibig niya, pilit kong itinulak ito sa umbok ng aking naghuhumindig na pagkalalaki. At noong nasa bungad na ng bibig niya ang ari ko, ni-lock ng dalawa kong kamay ang ulo niya at ikinakanyod-ko na ang sarili sa bibig niya. Napaungol ako ng malakas noong makapasok na sa bibig niya ang ari ko. Kumanyod ako, marahan noong una ngunit pabilis ito nang pabilis hanggang sa naramdaman ko na lang na tila puputok na ako sa loob ng bibig niya at di ko na mapigilan ang pagpulandit ng aking katas. “Ahhhhh! Ahhhhhh! Ahhhh! Kuya Rom! Kuya Roooommmmmm, lalabasan na ako! Ahhhhhh!!” ang sambit ko.

Noong humupa na ang bugso ng init na naramdaman, hinila ko na ang ulo niya upang maglapat uli ang mga labi namin. At kagaya ng paglalaro ng mga dila namin sa tamod ni Kuya Rom sa bibig ko, ganoon din ang ginawa namin sa dagta kong natira sa bibig niya.

Nagpahinga kami ng ilang sandali. Noong makahugot uli ng lakas, muli naming inulit ang eksenang iyon.

Hanggang sa tuluyan nang nakatulog kami sa pagod at sarap, yakap-yakap pa ng mahigpit ang isa’t-isa…

Iyon ang panaginip kong klarong-klarong tumatak sa aking isipan. Sobrang napakasaya ko sa panaginip kong iyon.

Mag-aalas 8 na ng umaga noong magising ako. Disoriented, masakit ang ulo, nasusuka, at nagtatanong ang isip kung saang kwarto ako naroon. Noong ibinaling ko ang aking mga mata sa katabi ko sa kama, laking gulat ko noong bumulagta sa aking paningin si Julius na himbing na himbing pa - kayakap ko at pareho kaming walang saplot sa katawan!

(Itutuloy)


[14]
Mistulang nakakita ako ng multo sa nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot ang mga iyon.

Nagising naman si Julius at tila normal lang itong kinuskos ang mga mata, tumagilid sa direksiyon ko. “G-gising ka na pala kuya…” ang ang sambit niya, nakatingin sa akin habang pilit kong itinaas ang pantalon.

“Ah… O-o. Maliligo na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?” ang sambit ko, halata sa boses ang mistulang panginginig ng boses sa magkahalong hiya at pagkalito.

Agad-agad naman itong bumalikwas din, itinakip ang kumot sa harap niya na tila alam na nakahubad lang siya, hinahanap sa kama ang shorts na siyang suot-suot bago matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib muna ako kuya, walang pondong tubig ang banyo.”

“Ay, huwag na kung ganoon. Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.

“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita doon.”

Noong makita na ni Julius ang shorts na pamapatulog, agad niya itong isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya habang lumabas kami ng kuwarto. Ako naman ay nagpalit din ng shorts pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na naka-shorts lang at walang saplot ang pang-itaas na katawan, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Noong nasa gilid na kami ng ilog, dinig ko ang mga tilamsik ng tubig nito. Parang ang sarap pakinggan; nakaka-relax. Subalit nangingibabaw pa rin ang lungkot na gumagapang sa aking pagkatao. Naalala ko kasi si Kuya Rom; may sakit na dulot ang ilog na iyon sa aking alaala dahil sa ilog na iyon ko itinapon ang singsing na ipinagkatiwala niya sa akin, ang pilit na pagsalba niya nito na halos magpakamatay na sa pagsisisid maibalik lang ang singsing. At bago pa dito, naalala ko rin ang pinakaunang nangyari sa akin kasama siya na hinding-hindi ko malilimutan; noong muntik akong malunod at sinagip niya ako. Doon nagsimula ang paghanga ko sa kanya.

Ngunit pilit ko ring iwinaglit ang laman na iyon ng aking isip. Iginiit ko na masaya na siya kapiling ang girlfriend niya at na ako ay hindi na dapat makialam pa sa buhay niya; na dapat ay burahin ko na siya sa puso ko. Pilit kong nilabanang huwag pumatak ang mga luhang namuo sa aking mga mata.

“Marunong ka bang lumangoy, kuya?” ang tanong ni Julius.

“A… e… hindi e. “ Ang sagot ko. “Muntik na nga akong mamatay d’yan noon dahil hindi ako marunong lumangoy.” Ang sagot ko.

“Ay... talaga? Kung ganoon, puwede kitang turuan kuya.” ang mungkahi ni Julius na animoy wala lang talaga nangyari sa amin sa nakaraang gabi.

“O ba!” sagot ko naman. Syempre, kahit papaano, nais ko rin namang matuto.

Dali-dali kaming lumusong sa tubig. At dahil mas matagkad si Julius sa akin, ang malalim na parte ng ilog kung saan hanggang leeg niya ito ay halos lampas na ng ilong ko ang tubig. “Tol! Baka malunod ako!” sigaw ko sa takot.

“Relax ka lang kuya” ang sa bi niya habang hinawakan ang panga ko at hinila. “Sige kuya, ikampay mo ang mga kamay mo at ang mga paa…”

At iyon nga ang ginawa ko. Matagal-tagal din kaming nagturuan. Tawanan, turuan, pahinga... At sa ginawang iyon ni Julius sa akin, pakiramdam ko ay nagging mas panatag pa ang loob ko sa kanya. Hindi lang din kasi mabait si Julius, may katangian din siyang kagaya ni Kuya Rom.

Anyway, hindi ko alam kung natuto nga ako sa mga itinuturo niya. Ngunit pakiramdam ko ay tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili sa paglusong sa tubig at nabawasan ng kaunti ang takot ko sa pagpunta sa med’yo may kalalimang parte ng ilog.

Noong mapagod na, naupo kami sa may buhanginang parte ng aplaya. Habang nakaupo, naalala ko ang panaginip ko sa gabing nagtabi kami ni Julius. At biglang pumasok sa isip ang tanungin siya. “Tol, m-may itatanong ako. Huwag kang magalit ha?” ang may pagdadalawang-isip kong sambit.

“A-ano po iyon, Kuya?” Sagot naman niyang halatang kinakabahan sa linya ng tanong ko.

“M-may ginawa ba tayo kagabi?”

Napatingin siya sa akin, pansing nahihiya at hindi makatingin sa mukha ko, nakuha ang ibig kong sabihin. “E, lasing na lasing ka kuya at…” di niya naipagpatuloy ang sasabihin.

“At ano?” giit ko.

“N-niyakap mo ako at hinalikan…”

Pakiramdam ko ay may kumalampag sa dibdib ko sa narinig, nakumpirmang may nangyari nga sa aming dalawa “G-ganoon ba tol?” ang naisagot ko, napayuko sa hiya sa sarili sa nakumpirma. “A-anong ginawa ko pagkatapos kitang halikan?”

“Hinalikan mo ang buo kong katawn, hanggang isinubo mo ang ari ko”

“Ginawa ko sa iyo iyon?”

“Opo kuya. Tapos, binabanggit mo ang pangalan ni Kuya Rom…”

“T-talaga?” Pakiwari koy biglang naubusan ng dugo ang mga ugat ng mukha ko at simputi na ito ng papel. Alam ko, may nabuo sa isip niya tugkol sa amin ni Kuya Rom. Ramdam ko na parang gusto ko nang isiwalat kay Julius ang lahat upang kahit papaano ay maibsan ang aking mabigat dinadala. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang pagpigil.

Tahimik.

“Íkaw, bakit hindi ka pumalag noong ginawa ko iyon? Bakit o ako hinayaang gawin ko sa iyo sa iyon?” tanong ko uli.

Hindi nakasagot ni Julius. Yumuko lang siya at nilaru-laro ang isang kamay sa buhangin. Ewan kung nahiya siyang amining nagustuhan niya ang ginawa namin o nirespeto lang niya ako bilang anak ng amo nila kaya hinayaan na lang niya na mangyari sa amin iyon.

“M-may ginawa ka rin bas a akin?”

Tumango lang siya, nanatiling nakayuko at inilalaro ang daliri sa buhangin.

Ngunit hanggang doon na lang ang tanong ko. Hindi ko na inalam pa ang nasa isip niya. At hindi ko na rin siya tinanong pa tungkol doon. Hanggang sa naisipan na naming bumalik ng bahay at doon, nananghalian.

Alas dos ng hapon, nakasakay na ako sa sasakyan sa tabi ng driver’s seat at handa na sa pagarangkada ng sasakyan noong mapansing nakatayo si Julius sa harap namin, nakatingin sa akin at pansin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Lumabas uli ako, nilapitan siya at niyakap. “Malungkot ka ba tol?”

“Opo, kuya. Ma-miss kita...” sagot niya na tila iiyak na ang boses.

“Huwag kang malungkot, tol… magkita pa rin naman tayo e.” ang pagsuyo ko.

“Kailan ka na naman babalik?” tanong niya.

“Ewan, pero kapag di ako nakabalik, welcome kang pumunta sa lungsod at doon ka titira sa bahay. Igagala kita doon tol, promise.” Ang naisagot ko na lang.

“Talaga kuya? Sige kapag walang pasok pupunta ako sa inyo kuya ha?”

Tumango ako.

“Kuya, ingat ka lagi...” ang huling sabi niya.

Si ipinakita ni Julius sa akin, feeling ko sobrang close na namin sa isa’t-isa. Kahit isa’t kalahating araw at isang gabi lang ako nandoon, parang napakalalim na ng pinagsamahan namin, lalo na sa nangyari sa amin sa gabing iyon.

Alas 8 na ng gabi noong makarating ako ng bahay. Agad naman akong sinalubong ng mama ko, “Jason, Kumust ang lakad mo? Naikot mo ba ang buong lupain?”

“OK naman ma. Hindi po lahat ang naikot ko… kulang ang kalahating araw eh, nakakapagod din. Pero enjoy naman po.” ang sagot ko.

“Ah, mabuti naman. Kahit papaano, napuntahan mo na.” Ang sagot naman ni mama. “Oo nga pala, nagpunta dito si Kuya Rom mo kahapon!”

Pakiramdam ko ay umalingawngaw sa tenga ko ang pangalan ni Kuya Rom at pinokpok ng martilyo ang dibdib ko sa lakas ng pagkalampag nito. “S-si Kuya Rom ma? Nagpunta dito?” tanong ko, pansin sa boses ang sobrang excitement.

“Oo. Hinahanap ka. Ngunit hindi rin nagtagal at umalis noong sinabi kong nasa bukid ka at sa isang araw pa makabalik.”

“G-ganoon ba? Ano daw ang sabi?”

“Wala namang sinabi. Umakyat sa kuwarto mo sandali at umalis na. Pero may napansin ako, hijo. Sa tingin ko may problema ang taong iyon. Sana makausap mo at baka malay mo, may maitulong tayo, ano man ang problema niya.”

“Ganoon ba ma?” ang sagot ko. Bigla namang sumingit sa isip na baka sa pagpapakasal sa girlfriend niya ang problema at na dahil buntis ito. At kung gaano ako ka excited noong malaman na pumunta siya ng bahay, bigla rin akong nanlumo sa lungkot sa sumiksik na pangitaing namuo sa isip. “B-baka mag-aasawa na ma…” ang sambit kong tila kusa lang sabay akyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ko, hindi ipinahalata ang sama ng loob.

“E… kung tama nga ang hinala mo, hindi naman ako papayag na ganoon-ganoon na lang na wala tayo sa kasal niya no! Dapat na ako ang maging ninang niya para lalong mapalapit sa atin ang ang batang iyon!” Ang pahabol ni mama na pakiramdam ko ay halos sasabihin nalang na aampunin niya si Kuya Rom.

“… para lalong mapalapit sa atin ang batang iyon!” ang pabulong kong paggaya sa huli niyang sinabi, ngingiwi-ngiwi ang bibig hindi malaman kung mainis sa tila pagbigay niya ng mas importanteng atensiyon kay Kuya Rom at sa pagkatuwa pa na magpakasal na iyong tao.

Dire-deretso ako sa loob ng kwarto, inihagis ang dala-dalang knapsack sa gilid noon at ibinagsak ang pagod na katawan sa kama, nakatihaya, itinutok ang mga mata sa kisame. Syempre, ang laman ng utak ay walang iba kungdi si Kuya Rom. “Ano na kaya ang nangyari sa kanya…? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?” Tanong ko sa sarili. “Shiitttt! Bakit ba hindi siya maiwaglit sa aking isip!” ang sigaw ko rin sa sarili sa inis.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong makapa ko ang isang nakatuping papel sa tabi ko. Binulatlat ko ito at binasa. “Tol… kailangan ko ang tulong mo. Sana puntahan mo ako, -Kuya Rom-”

Tinitigan kong maigi ang papel at ang sulat-kamay niya, sinusuri ang bawat letra at pinilt na iniugnay sa aking isipan ang mga eksena kung saan ko siya nakikitang nagsusulat at kung paano niya isinulat ang mga ito.

Tumulo ang mga luha ko noong maisip ko ang mga eksenang iyon – sa loob ng klase, sa library, kahit sa kwarto kapag nandoon siya at nag-aaral at kung saan kukulitin ko sa kasagsagan ng pag-aaral niya at mauwi ang lahat sa harutan at pambunuan ng lakas…

Itinupi ko uli ang papel at pagkatapos ay parang wala lang na inihagis iyon sa sahig. “Bakit???” Sigaw ko sa sarili sa sinabi niya sa sulat na tulungan ko siya. “At ano namang tulong ang maibibigay ko? Ako ba ang magpaplano ng kasal nila? Ako ba ang gagastos? Ako ba ang magdedesign sa gown ng magiging asawa niya? Ako ba ang mag coordinate sa mga activities o mag-entertain sa mga bisita? Ang sakit kaya…” Ang pagmumuni-muni ko, pilit na inaaliw na lang ang sarili.

Maya-maya, sumagi rin sa isang bahagi ng utak ko ang pagnanais na tanggapin na lang ang kung ano man ang maging desiyon niya, ang direksyong tatahakin sa buhay kung sakaling magpakasal na nga siya. “Di ba kung talagang mahal mo ang tao ay handa kang magparaya, ibigay sa kanya ang kung ano man ang maaaring makapagbigay-ligaya sa kanya kahit na ito ay mangangahulugan ng kanyang paglayo; dahil kung para sa iyo naman ang isang pag-ibig, kahit ano man ang mangyari ay babalik at babalik pa rin ito sa iyo… Ngunit kung sa kabilang banda ay hindi man ito babalik, at least magagandang alaala ang maipabaon mo sa kanya na hindi niya malilimutan sa iyo kung sa kanyang paglisan ay maluwag sa kalooban mo ang pagbigay-laya, ang pagsuportang ipamalas sa kabila ng iyong pagdadalamhati.”

“Arrrggghhh!” sigaw ko sa sarili. “Sobrang hirap… Bukas ako ko na lang pagdesisyonan kung pupuntahan ko ba siya o hindi” ang sambit ko sa sarili, hindi na iniisip kung madalian ba ang hiningi niyang tulong.

Dahil saw ala akong pasok kinaumagahan, alas 10 an akong bumalikwas ng higaan. Noong magising, naalala ko kaagad ang sulat ni Kuya Rom.

Ngunit hindi ko rin agad ito inaksyonan. Nagtatalo kasi ang isip ko kung puntahan ko ba siya o hindi. Noong matapos kumain ng tanghalian, nabuo sa isip ko na puntahan na lang si Kuya Rom. Nagpaalam ako sa mama at papa ko na puntahan siya kasama uli ang driver namin.

May kalayuan din ang bahay nina Kuya Rom dahil sa ibang bayan sila nakatira at may tatlong oras pa ang biyahe. Noong natunton namin ang lugar, ipinagtanong-tanong pa namin ang bahay nila. Dahil hindi kilala ang pamilya nila sa lugar, matagal-tagal din naming nahanap.

Sa huli, natunton din namin ito. Kitang-kita ko ang kahirapan nina Kuya Rom. Gawa lang sa kawayan ang bahay at ang atip ay nipa. Maliit lang ito na kung titingnan sa labas ay may isang kwarto lang siguro ito at isang sala na kasama na ang hapag-kainan.

Hindi ko naman maiwasang hindi alipinin ng awa ang aking damdamin. Sa porma pa lang ng bahay nina Kuya Rom, hindi ko maisip kung pano niya nakayanan ang mga gastusin sa school, sa pamasahe, sa pagkain, sa boarding house. Kahit kasi varsity scholar siya, syempre, hanggang tuition lang naman ang libre sa kanya at marami pa ring gastusin ang isang estudyante. At kahit ganoon siya kahirap, ni minsan hindi iyan nanghingi ng tulong sa amin.

Kumatok kami sa bahay ngunit walang tao ito. May kapitbahay na lumapit at sinabing nasa ospital daw ang mag-ina.

Sa pagkarinig ko, dali-dali kong sinabi sa driver na puntahan namin ang ospital na nabanggit.

Nakarating nga kami sa ospital. Nagtatakbo akong pumasok, nagtanong sa information kung saan naka-confine si Kuya Rom. Napag-alaman kong ang nanay pala ni Kuya Rom ang na-confine ngunit ooperahan din daw si Kuya Rom.

“Ha? Bakit? Tanong ko sa information.

“Sa loob na lang ninyo alamin...” sagot naman noong nurse sa information.

Takbo naman ako kaagad sa ward na itinuro at noong nasa hallway ako, nakita ko si Kuya Rom na nakahiga sa stretcher, naka-damit pasyente, iyong isinusuot ng mga ooperahan at hila-hila ng may ilang nurse patungo sa operating room.

“Kuya! Anong nangyari!” Sigaw ko habang sinusundan ang stretcher.

Minuwestrahan ni Kuya rom ang mga nurse na huminto. “S-salamat Tol na nagpunta ka... Yakap ka naman sa akin. Na-miss kita.” Ang sabi niya, kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa na sumipot ako bagamat alam kong may lungkot iyong tinatago.

At niyakap ko siya, hinalikan sa pisngi. “Ano ang nangyari kuya?” Tanong ko uli.

“Mamaya ko na sasabihin sa iyo” ang sagot niya sabay tuloy ng pagtulak ng mga nurse sa stretcher niya patungo sa operating room. Sumunod ako hanggang sa makapasok na sila sa loob at naiwan ako sa labas.

Dali-dali ko namang tinawagan ang mama ko. “Ma... nasa ospitlal si Kuya Rom, ooperahan yata. I’m sure kailangan nila ng pera ma...”

Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa mama ko noong biglang may lumapit sa akin na isang foreigner na nasa may mahigit kumulang 30 ang edad, guwapo, toned ang katawan at nasa 6 talampakan ang taas. “Excuse me, are you Jason?” tanong niya.

“Ibinaba ko ang cp ko sabay sagot, “Yes Sir, I am”.

“I’m glad to meet you, Jason. Romwel told me so many things about you.”

“How did you know Kuya Rom?” ang tanong ko.

“I’m his partner...”

“What???” ang tanong ko, itinaas ang boses, naguluhan na mistulang may malaking question mark na nakapatong sa ulo ko “Partner?”

“Lover...”

(Itutuloy)


[15]
Tila pinalo ng malaking pala ang aking ulo sa pagkarinig ko sa sinabi niya habang ang cp ko naman ay halos mabitiwan na ng aking kamay.

“Jason, anak… ano kamo? Nasa ospital si Kuya Romwel mo? Bakit??” ang boses na narinig ko mula sa cp gawa nang hindi ko pagsagot sa mama ko.

Dali-dali kong pinatay ang cp at hinarap ang tisoy. “What did you say? You are Kuya Rom’s lover?” ang seryoso kong tanong sa kanya, ang boses ay tumaas at ang mga kilay ay nagsalubong na naging isang linya na lang yata.

“Yes.” ang maiksi naman niyang sagot.

“How come? Kuya Rom is not gay!”

“I am. We just decided to be in a relationship a while ago… actually, few munutes before you arrived.”

“What??? I’m 25 minutes too late by MLTR? Hoy, Kano –“

“I’m Canadian” pag interrupt niya. “And my name is Shane…”

“Whatever… Cana! Hindi ako naniniwala sa iyo dahil si Kuya Rom ay may girlfriend at ang pangalan ng gf niya ay Kris!”

“I know. And they already split”

Na-windang naman ako sa sagot niya. “Aba! At nakakaintindi ng Tagalog!” sigaw ng isip ko. “Hoy, huwag mo nga akong inglesin d’yan. Alam kong pinalitan na ng Tagalog ang national language ng Canada dahil sa dami na ng Pinoy doon!” Ang matary kong sabi. “At bakit sila nag-split?”

“They –“

“Whatever!” Ang pag-cut ko. “Kay Kuya Rom lang ako maniniwala, hindi sa iyo!” sagot ko, sabay silip sa glass window ng operating room. “Bakit ba si Kuya Rom ang nand’yan! Dapat ikaw ang nand’yan!” sabay irap sa kanya.

“Why would I be there?” sagot niya na tila natutuwa sa nakita sa akin sa inasta ko. In fairness, mukhang mabait naman ang kumag. Ewan ko lang din.

“Magpatanggal ka ng atay o ng baga o di kaya, utak dahil di mo naman yata nagamit yan. O yan na lang ari mo ang ipatanggal mo, wala din namang silbi iyan!”

“Hahahaha! Romwel is right. You are so funny!”

“Amfff! Ginawa pa akong clown nito!” sabi ko sa sarili. “Anong funny? Hindi ako nagbibiro no! Gusto mo ipabugbog kita sa driver ko?” sabay lingon sa aking driver na tila biglang namutla noong marinig ang sinabi ko at makita ang gahiganteng 6-footer na Canadian na sa porma pa lang ng katawan ay mistulang boksingero ang dating.

Napatingin naman ang Canadian sa driver ko, pansin sa mukha ang pigil na pagtawa. “Ok, ok… I’m sorry. Let’s be serious here. Romwel is there and he needs our support. If you don’t wanna talk to me, it’s OK. You can ask him everything when the operation is over and when his condition is fine already.”

“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” At Naupo na lang ako sa isang bench sa labas ng operating room. Sobrang kaba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at maraming katanungan ang bumabagabag sa isip. Bakit nandoon sa operating table si Kuya Rom? Bakit bigla na lang sumulpot itong isang alien na lover daw niya?

Habang nasa ganoon akong pagmumuni-muni, tumabi naman sa pag-upo sa akin si Shane. Ngunit inirapan ko lang siya. Kinapa ko ang cp ko at tinawagan uli ang mama ko. “Ma… si Kuya Romwel nandito sa operating room, hindi ko alam kung bakit. Pero malaki-laki siguro ang babayaran niya dito ma!”

“His expenses are already –“

“Shut the hell up!” Ang bulyaw ko kay Shane, pag cut sa sinabi niya, ang mga mata ko ay lumaki.

Nagulat at natameme naman si Shane at hindi na nagsalita pa.

“O Sige, mag-inquire ka nalang d’yan kung magkaano at bukas pupunta kami ng papa mo d’yan…” ang sagot ng mama ko.

Mistulang nabunutan ako ng tinik sa sinabing iyon ng mama ko. Ngunit syempre, litong-lito pa rin ang isip ko. Gusto ko sanang mgtanong katabi kong tisoy tungkol sa dahilan kung bakit na-operahan si Kuya Rom. Ngunit nanaig pa rin ang inis ko sa kanya sa sinabi niyang lover daw siya ni Kuya Rom. “Ano siya? Siniswerte? Ako ang nagbungkal sa lupa, nag-irrigate nito, nagtanim ng palay dito, hanggang sa pag-ani, pagluto, at pagkatapos ng lahat ay iba pala ang kakain? Hindi pwede iyan no! Mahal ko iyong tao at alam ko dito sa puso ko na mahal din niya ako. Kung ganoon man lang na sa isang lalaki din din ang bagsak niya, puwes, ipaglaban ko siya kahit darating pa kami sa bukana ng tambol mayor, saan man iyon!” sigaw ng utak ko.

Naisipan ko na tawagan si Kuya Paul Jake upang puntahan niya ako sa ospital at samahan ako. Ngunit nasa klase pa siya at hahabol na lang daw.

Maya-maya, hindi rin ako nakatiis. Nilingon ko si Shane at tinanong, “Bakit nga ba inoperahan si Kuya Rom? Ano bang ginawa mo sa kanya?” ang may halong pagkainis kong tanong.

Tumingin sa akin si Shane. Bago nagsalita, nilingon ang likuran niya at tumingin uli sa akin. “Are you talking to me?”

“Aba’t antipatiko!” Sambit ko sa sarili. “Bakit multo ka ba? Tayo lang namang dalawa ang nakaupo dito ah!” ang mataray kong sagot.

“Baka sasabihin mo na naman sa akin na ‘shut the hell up!’” ang malumanay na sagot niya pansin ang kahirapang magsalita ng Tagalog.

“Paano mo ako masasagot kung i-shut-the-hell-up na kita?” Bulyaw ko sa kanya sabay bulong at irap, “Hirap palang kausap nitong mga ET!”

“What? ET?” tanong niya, pagklaro sa narinig na salitang ibinulong ko.

“ET. Extra Terrestrial, alien, Canadian, martian…”

“Hahaha!” bigla siyang natawa.

“Sagutin mo na nga lang ako!”

“OK... Romwel’s mother is too sick. She needed regular dialysis and a kidney transplant. Romwel offered one of his kidneys for his mom.”

Tila binatukan naman ako sa narinig. “What? They are going to remove his kidney? Why not look for a donor first?”

”We’ve tried that but we could not find it. It’s hard to look for a compatible kidney and his mother needed the transplant immediately.”

Hindi ko lubos maintindihan ang tunay na naramdaman sa narinig. Syempre, nalungkot ako sa nangyari sa kanya. Ngunit may tampo din itong dulot sa akin sa hindi man lang niya pagsabi sa akin sa mga problema niya.

“Why did he not tell me all about this?” tanong ko uli.

“You better ask him… I’m not privy to what’s in his mind.”

“I’m not privy to what’s in his mind.” Ang paggaya ko sa sinabi niya, ang bibig ay ngingiwi-ngiwi. “How much is his hospital cost? My mom will pay it.” Ang pagdivert ko sa usapan.

“It’s OK. I’ve paid it all…”

“What? Why did you not tell me?” ang tanong ko, nabigla sa narinig.

“I told you… but you said ‘shut the hell up!’”

Natameme naman ako, hindi nakasagot kaagad.

“So..?” dugtong niya.

“And why did you have to pay his bills?”

“I love him; he loves me; that’s simple.”

Mistulang nakarinig ako ng napakalakas ng pagsabog ng isang bomba sa sinabi niya. Pakiwari ko ay hindi ako makahinga, at parang dinurog ang puso ko. “I don’t believe you!”

“Then you better ask him.”

“Of course I will.”

At iyon… bigla kaming natahimik at kahit nanatiling nakaupo na magkatabi, mistulang hindi kami nagkakilala.

Hinanap ko ang ward ng mama ni Kuya Romwel at noong mahanap iyon, kinausap siya, kinumusta. Doon ko nalaman ang kalubhaan ng kanyang karamdaman. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak sa kalagayan niya. Nakita ko kasi sa mukha niya ang kahirapan, bigat ng karamdaman at pagtitiis, na sa kabila nito ay pilit pa ring lumaban at mabuhay. Iyon bang nakikita siyang nakahiga lang at hind imakakilos, may mga nakakabit na kung anu-anong equipment sa katawan, bakas sa mukha ang hirap at sakit na naramdaman, hirap sa paghinga... ngunit lumalaban pa rin. At syempre, naitanong ko rin ang napakalaking gastusin sa pagpagamot sa kanya. “Nay... huwag po kayong mag-alala, tutulungan naming kayo” ang nasambit ko na lang. Gusto ko pa sanang itanong ang tungkol kay Kuya Rom at Shane ngunit naisip ko rin na baka makadagdag pa ito sa nadaramang paghihirap niya.

Doon ko narealize kung gaano kamahal ni Kuya Rom ang nanay niya.

Noong bumalik na ako sa operating room, eksaakto naman ng pagdating ni Kuya Paul Jake. “Nasaan si Romwel?” tanong niya kaagad.

“Nasa operating room pa.” Sagot ko naman.

Noong mapansin kong nakatingin si Shane sa amin at dahil na rin sa inis sa sinabi niya na partner siya ni Kuya Rom, ipinakila ko si Kuya Paul Jake sa kanya, “This is Paul Jake… my partner. You know what partner is? Lover!” ang may halong pang-iinggit kong sabi, ginaya ang pagkabigkas niya sa salitang iyon noong magpakilala siya sa akin.

Pansin ko ang pagkabigla ni Kuya Paul Jake sa sinabi ko at magre-react a sana. Ngunit agad kong patagong kinurot ang gilid niya, pagpahiwatig na sakyan na lang ang sinabi ko. Hindi naman siya umalma at binitawan na lang ang isang pilit na ngiti kay Shane, sabay pakipagkamay sa kanya. “Paul Jake!” sabi niya.

Tinanggap naman ni Shane ang kamay ni Kuya Paul Jake sabay sabi ding, “You two are good!”

“What do you mean good? We are better and best!” ang pabalang kong sabi. Natawa naman si Kuya Paul Jake.

Marahil ay nakuha ni Kuya Paul Jake ang gusto kong iparating, pinanindigan na rin niya ang pagka “magkasinatahan” namin. Inaakbayan niya ako habang nakaupo kami sa bench, minsan inililingkis ang kamay sa beywang o sa katawan. Noong kumain kami ng setserya, sinusubuan ako sinasadyang mapansin ni Shane. Nasabi ko tuloy sa sariling “Sweet pala nitong si Kuya Rom. Sana siya na lang ang minahal ko…”

May limang oras ang nakaraan at natapos din ang operasyon kay Kuya Romwel. Idineretso siya sa kanyang ward. Sumunod kami sa ward niya ngunit sinabihan kaming bawal pa siyang kausapin habang nasa ganoong delikadong kalagayan pa. Kaya nagkasya na lang kami sa pagtingin sa kanya sa loob ng ward niya. Noong makita naming OK naman siya, hinalikan ko ang pisngi niya at nagpaalam na. “Kuya, aalis muna kami ni Kuya Paul Jake, babalik na lang kami bukas…” ang bulong ko. Naiwan si Shane sa tabi niya.

Habang nasa sasakyan kami ni Kuya Paul Jake, tinanong niya ako tungkol kay Shane. “Sino ba iyon?”

Lover daw ni Kuya Romwel!” ang padabog kong sagot.

“Hahahaha! Lover? As in bf?” ang reaksyon ni kuya Paul Jake, hindi makapaniwala sa narinig.

“Opo!”

Tumawa uli siya, mas malakas pa.

“Huwag ka ngang magtatawa d’yan kuya! Naiinis ako!”

“Kaya pala ipinakilala mo ako sa kanya na lover mo. Nagseselos ka! At Si Romwel… pumatol sa lalaki?” ang tanong niya, hindi pa rin mapigil sa pagtatawa.

“Kuya naman. Nakakasakit ka. Ibig mong sabihin hindi ka rin makapaniwalang posibleng mahalin ako ni Kuya Rom dahil sa lalaki ako?” ang may halong pagkainis kong sabi.

Tila nahimasmasan naman siya noong marinig ang tanong ko. Tiningnan niya ako, inakbayan. “Hindi naman sa ganoon bunso… natawa lang ako dahil hindi ko naman inaasahang ganoon talaga ang mangyari e… Di ba ang sabi ko palagi sa iyo na lalaki si Romwel at hindi ka papatulan noon. E, ngayong alam na natin na puwede pala, e di syempre, posible palang mahalin ka rin niya, di ba? At alam mo? Kung ako lang ang masusunod, gusto ko ikaw para sa kanya. Kasi, nakikita ko kung gaano ka over-protective si Romwel sa iyo eh, kung gaano kayo ka close, kung gaano ninyo ka-alam ang isa’t-isa… At sa nangyari, ngayon ko na realize na marahil ay mahal ka nga niya.”

“T-talaga Kuya?” ang excited ko namang sagot. Kapag naman kasi may naririnig kang positive reinforcement tungkol sa mahal mo lalo na kung ito ay kabig sa iyo, feeling mo lumulutang ka sa ikapitong alapaap.

“Sa tingin ko lang. Pero syempre, huwag tayong mag-expect dahil baka mali din ako. Baka, bilang kapatid lang talaga ang pagmamahal niya sa iyo…” ang biglang pag-atras naman niya.

Kinabukasan, nauna akong dumating sa ospital gawa nang may pasok pa si Kuya Paul Jake. Noong makapasok na ako sa ward ni Kuya Rom, nakita kong gising na si Kuya Rom at nandoon din si Shane, kausap niya. Mistulang piniga ang aking puso sa sakit sa nasaksihang pag-uuap nila. At lalo pa itong nadagdagan noong lumapit na ako at hinalikan ko si Kuya Rom sa pisngi. “Kumusta ka na Kuya?”

“OK naman, sagot niya. Nasaan na ang boyfriend mo? Kaya pala hindi na kita mahahagilap, may iba ka na palang pinagkakaabalahan… Hindi nga ako nagkamali ng hinala ko sa inyo ni Paul Jake. Kaya pala pinalayas mo na ako sa kwarto mo noong huli tayong magkita.”

Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ang ang lahat ng dugo ko. Tinitigan ko ng matulis si Shane.

“What?!” sambit niya noong mapansin ang titig ko sa kanya.

“You told him?”

“That’s what you told me, right? And you were both very sweet with each other. The two of you were even embracing, caressing… in front of me?”

“Kuya… wag kang maniwala d’yan!” baling ko kay Kuya Rom.

“Now I am a lying ha?” pagsalungat naman ni Shane sa sinabi ko.

“Shane… can you leave us alone for a moment please?” ang pakiusap ni kuya Rom.

Lumabas si Shane ng walang imik.

“I-explain mo nga sa akin kung paano naging kayo ni Paul Jake? Di naman ako magagalit e.”

Ewan ko pero sobra talaga akong nasaktan sa sinabi niyang hindi siya magagalit. Iyon bang nag-expect ako na magselos siya, magalit dahil ibig sabihin noon ay may naramdaman din siya para sa akin. Ngunit wala palang epekto ang palabas ko. Bagkus, para pang kinonsente niya kami.

“Di ba dapat ikaw ang mag-explain sa akin kung bakit hayan… nalaman ko na lang na boyfriend mo na pala itong alien na yan?”

“Unang-una, tinanong mo na ba akung ok lang ako? Tinanong mo na ba kung may problema ako?”

Napaisip naman ako sa sagot niyang iyon. “Hindi ko naman kailangang magtanong kuya eh. Kung may tiwala ka sa akin, sa amin ng mga magulang kong nagmahal din naman sa iyo, kusa mo itong sasabihin. Bakit wala kang sinabi?”

“Magsasabi naman talaga ako e. Ngunit dinaig ako ng hiya. At noong nagpasya na sana akong magsalita noong pinuntahan kita sa bahay mo, wala ka namang ibang sinasabi kungdi puro pagsiselos, kesyo nagkita kami ng girlfriend ko, kesyo nagsama kami... sarili mo lang ang iniisip mo, tol. Hindi mo ako naramdaman. Hindi mo ako hinayaang magpaliwanag at magsalita kung ano ba talaga ang bumabagabag sa isip ko, kung bakit hindi na ako pumapasok ng eskwelahan. Iyon na sana ang puntong sasabihin ko sa iyo ang kalagayan ng nanay ko. Ngunit ano ang ginawa mo? Pinalyas mo ako sa kwarto mo. Ansakit... umalis akong hindi alam ang patutunguhan. Gusto ko na nga lang sanang magpasagasa sa mga oras na iyon eh. Sobrang sakit ng damdamin ko. Ngunit tiniis ko ang lahat, ang problema ko, ang galit mo sa akin...” Ang sabi niya, halos hindi maintindihan ang sinasabi dahil pigil na pag-iyak.

Hindi ako nakaimik sa narinig. Namalayan ko na lang na tumulo na rin ang luha ko sa awa sa kanya at sa pagsisisis asobrang pagkamakasarili ko.

Nagpatuloy siya. “...At noong bumalik naman ako sa inyo noong huli dahil sa hindi ko na talaga kayang sarilinin ang lahat at hindi ko na rin alam kung saan kukuha ng pera para sa regular na pagdadialysis ng nanay, wala ka naman doon. Kaya nag-iwan na lang ako ng sulat sa pag-asang puntahan mo ako kaagad. Ngunit naghintay ako sa wala. Nasaan ka? Hindi kita mahagilap. Napaka-kritikal ang oras iyon para sa akin, alam mo ba?”

Patuloy pa rin an gpagpahid ko ng luha. “Sana tinext moman lang ako kuya.”

“Paano kita matext? Wala akong cp, ibinenta ko na!”

“Patawad kuya. Hindi ko akalain na napakalaking pagkakasala pala ang nagawa ko sa iyo. Kasalanan ko ang lahat kuya. Sana ay patawarin mo ako.” At napahagulgol na lang ako habang niyakap ko ang bandang uluhan niya. “Kuya... patawarin mo ako”

“Pinatawad na kita tol... Lagi namang ganyan eh. Di kita matiis. Kaso lang...”

“Kaso... ano?” Tanong ko.

“Huli na ang lahat. Pati kaluluwa ko ay naibenta ko na rin”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ginamit ko ang katawan ko. Para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng nanay ko. At noong sinabi ng duktor na kapag hindi makakapagkidney transplant ng nanay ay hindi na magtatagal ang buhay niya kaya napilitan akong tanggapin ang alok ni Shane. Kaya nga sana noong bago ako magdesisyon, hinahanap kita tol… gusto kong marinig ang sasabihin mo. Subalit wala ka, hindi kita mahagilap. Wala ka sa panahon na kailangan ko n asana ang tulong mo. Kailangan kong magdesisyon sa araw ding iyon. Kaya wala na akong magawa...”

“Bakit? Ano ba ang alok niya sa iyo?”

“Kapag gumaling na ako, sasama ako sa kanya sa Canada. At doon na raw kami magsama...”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment