By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Ang Patagong
Pagmamahalan pt. 12"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Hindi ako lubos
makapaniwala na dumating si Ryan pagkalipas ng 5 taon naming hindi pagkikita,
pero kinailangan niyang muling bumalik sa bansa kung saan sila nakatira na
ngayon.
Sa kalagitnaan ng
taon, mayroon akong natanggap na sulat mula sa kaniya.
"Dear Myk,
How are you? Sana ay
okay ka lang diyan. Ako ito? babad sa trabaho at laging pagod, pero sa tuwing
naalala kita, nawawala ang pagod ko. Ilang buwan nalang naman at babalik na ako
ulit diyan. Magkikita na tayong muli.
Namimiss na kita ng
sobra, pasensya na ngayon lang ako nakasulat sa iyo, Dapat noon ko pa ginawa
ito.
Sa ngayon nandito ako
sa opisina habang sinusulat ko itong liham ko para sa iyo, madaling araw na
dito, pero malamang diyan sa mga oras na ito tirik na ang araw, o kung hindi
naman, malakas ang ulan.
Namimiss ko din naman
na ang bansa natin, kagaya ng pagkasobrang pananabik ko na muli kang makita,
mayakap at mahalikan.
..............
Mag-iingat ka parati
diyan. Tandaan mo, mahal na mahal kita.
P.s. kung susulat ka,
dito mo nalang iaaddress, kasi hindi naman napunta dito si Herminia. Pero
syempre, susulat ka huh? aasa ako, gusto ko kasing malaman ang mga ginagawa mo
diyan, kung kamusta ka ba diyan. basta magkwento ka.
Mahal na mahal kita,
at hindi ako nagsasawang paulit uliting isulat ang mga salitang mahal na mahal
kita.
-- ? Ryan"
Gumuhit sa labi ko
ang ngiti na parang nadidinig ko ang boses ni Ryan habang binabasa ko ang sulat
niya para sa akin, pakiramdam ko ang lapit kapit lang niya sa akin.
Agad ako kumuha ang
papel at ballpen upang sulatan ko siya.
"Dear Ryan,
Natanggap ko na ang
sulat mo, kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasiya sa sulat mong iyon,
pakiramdam ko ikaw ang nagbabasa noon habang binabasa ko angbawat linya ng
sulat mo. Okay naman ako dito, masigla. malayo sa sakit, ikaw diyan, huwag mo
masyadong pagurin angsarili mo sa pagtatrabaho, baka bigla kanalang bumigay. At
ayaw kong may mangyari sa iyong hindi maganda diyan. Okey?
Mahal na mahal din
kita, at sobra na din akong nanabik sa pagbabalik mo.
Sobrang saya ko
talaga noong bigla kang dumating, hindi na ako nalungkot noong umalis ka, kasi
alam kong babalik ka ulit. Handa akong maghintay ng matagal para lang makita
kang muli.
Ano mga ginagawa ko
dito? Katatapos lang ng company outing namin, alam mo bang noong nandoon ako,
iniisip ko na sana kasama kita doon. Siya nga pala, may mga kalakip na litrato
ko sa outing ang sulat ko, marahil ay pinagmamasdan mo na ngayon ang mga iyan.
.......
aantayin kita dito.
Mahal na mahal na mahal na mahal po kita Ryan.
P.S. padalan mo din
ako ng mga litrato mo, kasi ang litrato mo sa akin dito ay noong mga bata pa
tayo, kaya sobrang nanibago ako sa iyo noong bigla kitang nakita."
Inilagay ko sa sobre
ang liham ko kasama ang mga iilang litrato.
At kagaya noong dati,
nagpalitan kami ng sulat. Buwanan ako nakakatanggap ng sulat mula sa kaniya. At
sa tuwing makakatanggap ako ay agad din naman akong sumusulat.
"...natanggap ko
na sulat mo Myk, nakakatuwa na parang bumabalik tayo sa pagkabata, pero damang
dama ko ang bawat pangungusap mo para sa akin...
...siya nga
pala..nahospital ako noong nakaraang Linggo, alam kong mag-aalala ka, pero okay
na din naman ako..." <---sulat niya.
"...Ingatan mo
kalusuga mo diyan...mabuti at okay ka na... lagi kitang pinagdarasal na sana
nasa lagi kang nasa mabuting kalagayan...
...bumalik nga pala
ako sa atin, sa probinsya, pero 2 araw lang ako doon... may kinuha akong mga
importanteng papel ko... pumunta ako sa lambak... alam mo bang nandun padin iyong
inukit mo.. naalala tuloy kita bigla...
...siya nga pala, si
bokbok... wala na siya, siguro dahil na din sa katandaan... nasa 10 taon na
kasi ata iyong aso na iyon eh... nasabi lang sa akin ng Mama mo.. napadaan kasi
ako sa inyo..." <--sulat ko.
"...ah talaga,
nakaukit padin? hindi kasi ako pwedeng bumalik sa probinsya na kasama ka..
nauunawaan mo naman siguro iyon diba? may mga mata si Herminia doon.. pero
siguro pwede tayong magkita doon ng wlang nakakaalam kagaya ng ginagawa natin
noon... gusto ko kasing umukit ulit ng pangalan natin sa puno na kasama ka...
...ang lungkot naman,
wala na pala si bokbok. Pero, mabuti nalang at may isang tao na hindi parin
nawawala sa akin... ikaw yon. kahit na malayo ako sa iyo.. ramdam ko na kasama
lang kita parate..." <--- sulat niya.
"....ganoon din
ako.. dinadama ko sa bawat sulat mo ang presensiya mo, gabi gabi kong binabasa
ang mag sulat mo habang nakatingin ako sa bituin na sinasabi mo na malapit sa
buwan, sa ganoong paraan.. naalala kita ng malinaw sa aking isipan...
...wala bang
makakakita sa atin kung sakaling magkikita tayo sa probinsiya? Balita ko nga
pala, hindi na ang Papa ni Herminia ang Mayor, balita ko din pupunta daw iyon
diyan sa States. Siguro diyan na rin maninirahan...
...miss na miss na
kita..." <--sulat ko.
"...kagaya mo,
sa tuwing gabi dito, nakatingin ako sa langit habang pinagmamasdan ko ang
bituin, pakiramdam ko nasa tabi lang kita habang nakahiga ka sa akin braso...
...ah Oo, pupunta
dito si Papa, pero.. babalik din iyon diyan sa Pilipinas kasi si bayaw ang
tatakbong Mayor, si Reynante...
Miss na miss na din
kita...mahal na mahal kita Myk..." <---sulat niya.
"...mahal na na
mahal din kita... hindi na ako makapaghintay pa na muli kang makita...."
<---parte na sulat ko.
Para lang kaming
naguusap sa tuwing nakakatanggap ako ng sulat galing sa kaniya.
"....Sa susunod
na buwan, pupunta na ako diyan. Business meeting ulit. Yearly kasi, kaya taon
taon tayong magkikita..." <-- sulat niya muli.
"....aabangan ko
pagdating mo...miss na miss na kita..." <---sa akin
Sabik na sabik na
akong muli ko siyang makita.
At dumating nga ang
araw na iyon.
Nag-abang ako sa
kaniya sa terminal ng Paliparan dahil nakalagay sa sulat niya ang araw at oras
ng pagbalik niya sa Pilipinas. Sinabi niya sa akin na sa waiting area nalang
daw ako maghintay at doon niya ako hahanapin.
"Kanina ka pa
diyan?" Boses iyon ng lalaking inaabangan ko. Halos 3 oras na din akong
naghihintay doon.
"Umupo ka
muna." Sabi ko, alam kong ilang oras din siyang nakaupo sa loob ngeroplano
pero, hindi ko kasi alam kung ano ang una kong sasabihin. Mahigit sa isang taon
ko siyang hindi nakita eh, "...hmm. tatlong oras akong naghihitay dito,
mas maigi na iyong maaga ako, mas sigurado ako."
"Ikaw
talaga." Tapos umakbay siya sa akin. Tumingin tingin siya sa paligid tapos
bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"Oy, ano kaba!
adik naman to oh." Sabi ko, pero nakangiti ako noon. Natuwa ako sa ginawa
nya.
"Namimiss na
kasi talaga kita eh." sabi niya.
PAGDATING namin sa
bahay...
mabilis niyang
hinubad ang kaniyang damit habang kami ay naghahalikan, sabik na sabik ako sa
kaniyang mga halik.
Hinubad niya ang
aking kasuotan.
Pumatong siya sa
akin.
At dinama niya ang
init ng aking katawan, nakayakap ako sa kaniya habang nakadagan siya sa akin.
Naging mas maanit ang
tagpo namin iyon.
Hanggang sa kapwa
namin nakamit ang init ng kaligayahang hatid ng aming pagmamahalan.
Nakatingin ako sa
kaniya, pinagmamasdan ko ko siya. Iginuguhit ko sa aking isipan ang bawat
detalye ng kaniyang itsura, ang bawat linya at guhit na makikita ko sa kaniya.
Ang mga mata niya, ilong labi at pisngi. Ang bawat nunal niya sa katawan. Ang
bawat pilat na bakas ng kaniyang kabataan. Ang lahat ng iyon ay itinatatak ko
sa aking isipan.
Hinahayaan lang niya
akong pagmasdan siya.
Ayaw kong malimutan
ang bawat detalye niya. Nais kong itatak lang iyon sa aking isipan.
"I love you
Myk..." nakangiti niyang sabi sa akin.
"I love you
too..." sagot ko.
Tila muli akong
nabubuo sa tuwing kasama ko siya. Tuwing hawak ko ang kaniyang mga palad.
Wala kaming
inaaksayang sandali na magkasama kaming dalawa.
Walang gabi na hindi
namin pinagsaluhan ang init ng aming mga nararamdaman para sa isa't isa.
Magkasabay kaming
mag-aalmusal, maliligo, lalabas. Papunta ako sa office at siya sa inaasikasu
niyang business.
At sa gabi,
maghihintayan kami sa isang lugar at sabay na uuwi sa aking tinutuluyan.
Ang ilang araw na
pamamalagi niya ay katumbas ng isang taon na pagkawalay niya sa akin.
Hindi ko siya
inaangkin bilang sa akin dahil alam kong meron na siyang pamilya, pero sa mga
sandaling iyon. Nais kong maging sa akin muna siya. Dahil darating muli ang
araw na babalik nanaman siya sa bansa kung nasaan ang Pamilya niya.
"Humiling sa
akin si Herminia ng isa pang anak, kaya pinagbigyan ko siya. nagsesex kami, oo.
Pero...para mailabas lang ang init ng aking katawan. Pero, hindi iyon madalas.
Sa tuwing nakatabi ko siya, iniisip ko na sana ikaw nalang siya. Gigising ako
sa umaga na wala ka, pero sa tuwing makikita ko ang mga anak ko. nagiging
masaya ako..." Sabi niya, nakahiga kaming dalawa. Nakapalibot ang braso
niya sa akin habang nakahiga ako sa dibdib niya.
"ako sa tuwing
gigising ako sa umaga, litrato mo kaagad ang sinisilip ko...sa ganoong paraan,
nararamdaman ko na malapit ka lang sa akin. At ngayon nga, bukas makalawa...
aalis ka na ulit." Natahimik ako.
"Ano kaba?
babalik ako ulit, matatagalan nga lang. Pero babalik ako. Pangako ko
iyan."sabi niya. at muli niya akong hinalikan.
Hindi na niyang
nagawang umuwi noong sa probinsiya dahil nagahol siya sa araw.
Sa huling gabi niya,
muli ay pinagmasdan ko siya... at ganun din siya sa akin.
Hindi ako natulog
noon, hindi ko napapansin ang oras, at ganun din siya. Hindi kami nag-uusapan.
Hinahaplos lang niya ang aking mukha ng kaniyang kamay at maya't mayang humalik
sa aking labi.
At ng dumating ang
takdang oras ng pag-alis niya.
"I love you...
mag-iingat ka parati." Sabi niya.
"I love you
more, oo, mag-iingat ako. Ikaw din ha?" nakangiting sabi ko.
Hinatid ko siya sa
Terminal ng paliparan.
at muling maghihintay
ng isang taon makasama ko lang siyang muli.
No comments:
Post a Comment