By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Ang Patagong
Pagmamahalan pt. 15"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Sinubukan kong muling
makipag-usap sa embassy na America, ngunit naging mahigpit sila. Hindi na akong
napabalik pang muli sa kanilang bansa.
Kaya gabi-gabi ay
pinagsisisihan ko ang sobrang inilagi ko
doon kasama si Ryan.
Pagkausap ko siya sa
phone, magsasabi siya ng "Goodmorning Myk." at ang isasagot ko naman
ay "Goodnight Ryan."
Parati ko sa kaniyang
sinasabi na sobra ko na siyang namimiss. Ilang gabi na akong nasasabik sa
kaniyang mga yakap, halik at haplos.
Nakatanggap ako ng
balita na bumalik sa Pilipinas ang buong pamilya ni Ryan dahil sa yumao na ang
aming dating Mayor na ama ni Herminia ng dahil sa sakit.
Sa aking
pagdadalamhati. Muli ay may kumatok sa aking pintuan.
Agad akong lumabas ng
kwarto at binuksan ang pinto.
Isang mahigpit na
yakap mula kay Ryan ang sumalubong sa akin noong binuksan ko ang pinto.
Mainit na halik. At isang
mabilisang pagtatalik.
"Hindi ako
maaring magtagal." malungkot na sabi ni Ryan, nakatingin siya sa akin.
Kulang ang isang oras
na pagkikitang iyon upang ikwento sa kaniya ang lahat lahat ng mga panyayaring
naganap sa akin noong wala siya.
Kaya sinulit lang
namin ang isang oras na iyon upang sabihing mahal na mahal namin ang isa't isa.
Kung gaano kami nasasabik para sa isa't isa.
"Stay with me
Ryan. Wala na ang Papa ni Herminia. Wala na tayong ipangangamba." Sabi ko
sa kaniya.
Humawak siya sa pisngi
ko.
"Yeah, I know.
Pero hindi ito ang tamang oras at araw para pagusapan natin iyon, kamamatay
lang ni Papa. Baka mabigla si Herminia kung sasabihin kong bigla na makikipaghiwalay na ako sa kaniya. Ano nalang
ang iisipin ng ibang kamag anak namin? at isa pa, may inaasikasu pa akong
problema Kampanya." Sabi niya.
Hindi ako kumibo,
nakaramdam ako ng pagkahiya sa sinabi ko. Hindi na nga namang tama na gamitin
namin ang pagkakataong iyon para sa aming dalawa.
"But, don't
worry. Pagbalik ko dito... magsasama na tayong dalawa. Magfifile ako ng
Divorsed kay Herminia. Alam naman niyang hindi nagwowork ang pagsasama naming
dalawa, nagsasama lang kami dahil sa mga anak namin at sa kasunduan papel,
kasal kami dito sa Pinas, kasal din kami doon. Pero, huwag kang mag-alala..
aasikasuhin kong lahat ng iyon. Just to with you... forever." Sabi niya,
humalik siya sa aking noo.
"I have to go
now... you'll be fine here promise me." Nakahawak siya sa kamay ko.
Tumango ako, pero
bakas sa akin ang kalungkutan. Bumangon na siya at nagbihis. Pero bago siya
lumabas ng bahay ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Hinalikan niya ang ng
pagkatagal tagal.
Nakitang kong lumuha
siya bago siya lumabas ng bahay. Meron siyang dalang sasakyan noon na hiniram
niya sa kaniyang bayaw.
Bumalik ako ng
kwarto, at hindi nawawalan ng pag-asang makakasama ko din si Ryan.
Makakasama ko din
siya na paraang hindi namin na kailangan pang itago ang aming relasyon, iyong
araw araw ko siyang makakasama, makikita, mayayakap at mahahalikan.
Kagaya ng aming
ginagawa noon ay nagpapalitan kami ng sulat upang magpadala ng litrato ng isa't
isa. Magkakausap kami sa phone.
Mabilis ang mga araw
para sa aming dalawa. Hindi namin napapansin ang pagpalit ng taon, hindi namin
napapansin ang aming edad.
Paglipas ng 3 taon ay
bumalik si Ryan.
Hindi na kami mga
bata, pero sa tuwing makikita ko siya paglipas ng ilang taon ay tila bumabalik
ang aming pagkabata.
Magkatabi kami sa
kama, magkayakap.
"Ayaw pang
pumayag ni Herminia na magkahiway kami, ayaw pa niyang pirmahan ang papel. Pero
sinabi ko sa kaniya na sa ayaw at gusto niya, pumirma man siya o hindi...
iiwanan ko na siya. Hindi ko naman siya minahal." Sabi ni Ryan sa akin
habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Anong sabi niya
sa iyo?"
"Tinanong niya
kong nagkikita daw ba tayo. Sinabi ko sa kaniya ang katotohanan. Wala na siyang
magagawa ngayon. Wala siyang magagawang tanggalan ako ng karapatan sa Kampanya,
dahil sa akin ipinangalan ni Papa ang pagpapamana ng kampanya, kaya nga bilang
pasasalamat, inaalagaan ko ang Kampanya. Nagkaroon man ng problema, pero
nagawan ko naman ng paraan. Kaya okay na ngayon. Pwede na tayong magsama
Myk." Nangiti niyang sabi.
Sa wakas sa loob ng
napakahabang panahon ng paghihintay ay makakasama ko ng talaga si Ryan.
"Pero hindi na
ako makakasama sa iyo doon." Sabi ko.
"Huwag kang
mag-alala... ako ang babalik dito sa Pilipinas, nagpaplano na akong bumalik
dito para makasama ka. May mga maghahandle na naman ng Company, babalik balik
nalang ako doon. Pero i'll spend my my whole life with you. Madaming taon ang
nasayang sa ating dalawa. At gusto kong bunuin iyon na makasama ka habang
buhay." Humalik siya sa aking labi.
Masaya akong marinig
ang lahat ng iyon mula sa kaniya.
At sa mga araw na
inilagi niya sa bansa ng mga panahong iyon ay nagawa naming bumalik sa
probinsya na walang inaaalalang balakid.
Masaya sila Mama at
Papa na makita kaming dalawa na muling magkasama. Matanda na sila Mama at Papa.
"Kamusta na
kayong dalawa ni Ryan?" tanong ni Mama sa akin habang nasa loob kami ng
kusina. habang si Ryan at si Papa naman ay nasa labas at masayang
nagkukwentuhan.
"Okay naman po
kami Ma." Sagot ko.
"Mabuti kong
ganun, masaya ako para sa iyo. Masaya ako at nagkakasama na kayong dalawa ng
hindi na kailangan pang ilihim sa lahat." Sabi ni Mama. Natigil ako. Hindi
ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni Mama.
Lumapit siya sa akin
at hinawakan ako ni Mama sa kamay. Bakas sa mga puting buhok niya ang
katandaan.
"Ina mo ako
Makyo, at nararamdaman ko ang nararamdaman ng anak ko dahil sa akin ka
nanggaling. Alam ko noon pa na merong nangyayari sa inyong dalawa ni Ryan.
Napag-usapan na namin ng Papa mo iyon. Nauwaan namin kung bakit kinailangan
mong bumalik ng Manila, hindi dahil para doon makapagtrabaho, kung hindi dahil
mas malulungkot ka kong maiiwan ka dito habang ang taong mahal mo ay nasa
malayong lugar. nandito ang inyong mga alaalang dalawa, mahirap para sa parte
mo iyon kung mamamalagi ka pa dito." sabi niya.
May gumuhit na luha
sa aking mga mata.
naisip ko na kahit
gaano pala namin itago ni Ryan ang relasyon naman, hindi man nila nakikita pero
nararamdaman nila.
"I'm sorry Ma,
natakot akong hindi nyo matanggap na nagmamahalan kami ni Ryan. Nahihiya ako sa
inyo dahil alam kong hindi ko kayo mabibigyan ng apo dahil sa isang lalaki din
ako umiibig." Niyakap ako ng mama ko na parang isa akong bata na inaway ng
aking mga kalaro.
"Nauunawaan kita
anak, nauunawaan ka namin ng Papa, hindi naman kasi nakikita ang pagmamahal,
nararamdaman iyon. At dumarating iyon sa lahat. Maging sino kaman, maging ano
ka man."
Hindi ko napigilan
ang pag-iyak ko. Masarap sa pakiramdam na, nauunawaan ako ng aking mga
magulang.
Pinunasan ko ang luha
ko. Tumingin ako kanila papa, ngumiti sa akin si Papa. Kumaway sa akin si Ryan
kagaya noong ginawa niya noon.
Tumungo kami ng
lambak ni Ryan.
Magkatabi kaming
dalawa.
"Ryan.. alam na
nila Mama at Papa ang relasyon nating dalawa." Mahina kong sinabi.
"Huh? sinabi
mo?" Pagkabigla niya.
"Hindi...
nalaman lang nila, hindi naman sila nagalit, kaya huwag kang mag-alala."
Nakangiti kong sabi.
Pumatong sa akin si
Ryan na may ngiti sa labi at hinalikan niya ako.
"mabuti kong
ganun... mahal na mahal kita Myk."
"Ganun din ako
sa iyo...."
Ilang araw kaming
namalagi doon, magkatabing matulog, sabay kumain. Pumunta din kami kaila Ryan.
Makalipas ang ilang
araw pa ay bumalik sa Maynila.
Dahil kinakailangan
ng bumalik ni Ryan sa Amerika.
At sa pagbalik niya
ay magsasama na kaming dalawa.
No comments:
Post a Comment