Sunday, February 3, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 17

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 17"
---Ikalawang Yugto---

By. Iam Kenth

Lumipas ang ilang araw at nakatanggap ako ng tawag mula kay Hernan.

Sinabi niya sa aking mas lalong lumalala ang kalagayan ni Ryan. Nakikitang niyang nahihirapan na ang Papa niya pero patuloy parin itong lumalaban.

Nasabi din niya sa aking lagi akong hinahanap ni Ryan.

Natanong ko kung kamusta na ang operasyon, nasabi niya sa akin na hindi pa masimulan pero hindi niya alam ang dahilan, ang alam lang niya ay wala pa daw ang doctor na mag-aasikasu sa operasyon. Naiinis na din daw sila dahil habag tumatagal ay mas lalong nanghihina na daw si Ryan. Iyon lang ang alam nila.

"Pinapasabi po pala ni Papa na mahal na mahal ka daw niya." sabi ni Hernan.

"Pakisabi sa Papa mo, mahal na mahal ko din siya..." Sabi ko.


Iyon ang huling balita ko kay Ryan. Mula sa araw na iyon ay wala na akong nakuhang balita pa.


Habang lumilipas ang araw ay parang nanghihina na ako, hindi na ako pumapasok ng trabaho noon. Hindi na ako nakakain ng tama, lagi ako puyat, lagi akong balisa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya ang ginawa ko muna ay nagfile ako ng leave sa pinapasukan ko. Napansin din naman nila na kakaiba na ang kinikilos ko at napansin nilang nanghihina na ako.

Bumalik ako noon sa amin.

Kagaya sa Manila ay tulala parin ako.

"Anak kumain ka naman." Sabi ni Mama.


"hindi po ako nagugutom." sagot ko habang nakaupo ako at malayo ang tingin.

"Ilang araw ka ng ganiyan. nagluto ako ng paborito mong pagkain." Sabi ulit ni Mama.

"Hindi nga po ako nagugutom Ma!" Napalakas ang pagkakasabi ko. "...I'm sorry Ma, pero.. hindi po talaga ako nagugutom pa."

"...Tapos ano? ikaw naman ang magkakasakit? Alam mo kung nakikita ka ni Ryan ngayon madidismaya siya sa iyo. Alam kong nakikipaglaban si Ryan sa kamatayan para sa iyo! Kaya sana alagaan mo ang sarili, baka kung sakaling gumaling siya, ikaw naman itong bumigay!" Pataas na pagkakasabi ni mama.

"Ma, hindi baka sakali! Ma, gagaling si Ryan, alam ko iyon! nangako siya sa akin na babalikan niya ako! wala pasiyang binigong pangako sa akin! wala pa!" Sabi ko.

"iyon naman pala eh! pwes, bumangon ka! alagaan mo iyong sarili mo, hindi iyon nagmumokmok ka diyan. Buhay kapa pero sa mga taong napalibot sa iyo ang tingin sa iyo patay na. Anak, inunawa ka namin ng papa mo, kaya para sa amin naman oh, alagaan mo ang sarili mo. Mas hindi namin kakayaning ikaw ang mawala sa amin kapag pinabayaan mo ang sarili mo." sabi ni mama.

"Ma, mas gugustuhin ko nalang mamatay kong mawawala lang din sa akin si Ryan!"

isang malakas na sampal ang nakuha ko mula kay Mama. Tila natauhan ako noon.

"Pero hindi pa nawawala si Ryan! Ano ka bang bata ka! lakasan mo ang loob mo. Para kay Ryan, at para na din sa amin." Sabi niya.


"I'm sorry ma, hindi ko lang na talaga alam ang gagawin ko pa. Hirap na hirap na ako kakaisip, kakaiyak. hindi ko na alam kung hanggang kailan pa itong kalungkutan ko. Gusto ko pang makasama si Ryan. gustong gusto ko po."

Niyakap akong muli ng Mama ko. iyak ako ng iyak.


Pumunta ako noon sa bahay nila Ryan upang makibalita.

Napansin kong tinitignan ako ng Papa ni Ryan.

Nakaramdam ako ng pagkahiya.

Kilala nila ako mula pagkabata, kilala nila ako bilang isang matalik na kaibigan ni Ryan. Halos magkapatid na ang turingan namin ni Ryan noong mga bata pa kami kaya kilala nila ako.


"May balita po ba kayo kay Ryan?" Tanong ko sa Papa ni Ryan.

"Sabi sa amin Pamilya ni Herminia ay inilipat daw ng Hospital si Ryan. Upang magbakasakaling mas mapabili ang operasyon. Tinaningan na daw si Ryan ng mga doctor ng 1 buwan." Tapos umiyak ang papa niya.

Naiyak din ako.

"...kung hindi maalis kaagad ang tumor niya sa loob ng isang buwan o sa lalong madaling panahon, baka bumigay na daw ang katawan ng anak ko..."

Napayakap ako sa Ama ni Ryan. damang dama ko ang pighating nararamdaman ko, dahil ama siya ni Ryan at dahil ganoon din ang nararamdaman ko.


Marami pa kaming napagkwentuhan, nkapagkwentuhan din naman ang mga araw na kabataan ni Ryan.

Mga kalokohan ni Ryan noong mga bata pa kami kaya marami siyang pekas sa binti at braso.

pero bago ako umalis ay meron siyang sinabi.

"Noong pumunta si Ryan dito, ilang taon na din iyon. Sandali lang siya, kinagabihan umalis din siya... nagkausap kaming dalawa. Nasabi niya sa aking makikipaghiwalay na siya kay Herminia."

Natatandaan ko ang araw na iyon. Pero hindi niya nasabi sa akin na nasabi niya sa mga magulang niya na makikipaghiwalay na siya sa asawa niya.

"...gusto ka daw niyang makasama habang buhay." Dagdag ng ama ni Ryan.

Hindi ako nakapagsalita pa.


"..noong una hindi ko siya maunawaan, pero sinabi niya sa aking mahal na mahal ka daw niya, nagtalo kaming dalawa. pero hindi ko siya napigilan, umalis din siya kaagad. Inisip ko na, ano bang nakita niya sa iyo bukod sa magkababata kayo at minahal ka ng anak ko. Pero ngayong nakausap kita, naramdaman kong sobra sobra kang nag-aalala kay Ryan. Mahal mo din si Ryan?"

"Opo. Mahal na mahal ko ang anak ninyo, pero hindi ko po alam ang gagawin ko na ngayon dahil wala siya sa tabi ko, malayo siya, hindi ko man lang siya makita, makausap...naiinis ako sa sarili ko. Mula pa po pagkabata, mahal ko na si Ryan." Sabi ko.

"Magiging okay din si Ryan." Iyon ang sinabi niya sa akin, tumalikod na siya at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.

Biglang napatulong muli ang luha ko.

Ang itinago namin noon ay tila alam na ng lahat. Pero, hindi mawala sa isipan ko na huli na ang lahat.


Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nandoon si Herminia. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.

"Ma, Pa... pwede ko po bang makausap muna si Herminia na kaming dalawa lang?" Sabi ko sa mga magulang ko. Lumabas muna silang dalawa.


Umupo ako sa harap niya.

"Kamusta na si Ryan?" Iyon ang una kong tanong.

"Hindi pa din siya okay." sagot niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"nandito ako para sabihin sa iyon, piniramahan ko na ang papel na nagpapawalang bisa ng kasal namin sa amerika, at bumalik ako sa pilipinas upang pirmahan din ang papel na nagpapawalang bisa ng kasal namin dito." ramdam kong may pagkahiya sa kaniyang pananalita.

"Bakit ngayon pa?"

"I'm sorry kong inagaw ko siya sa iyo. Sinubukan kong gawin ang lahat para mahalin nya ako, pero hanggang mapasa mga sandaling ito, ikaw parin ang hinahanap niya. Nasasaktan na ako."

"Nasasaktan ka?" napangisi ako na naiinis.. "..nasasaktan ka? pagkatapos mong kunin ang dapat ay sa akin? tapos sasabihin mo nasasanktan ka? Diba ikaw itong nanakit? Tinanggalan mo ako ng karapatang  mahalin si Ryan, inalis mo kami ng karapatang magmahalan na kaming dalawa lang! Inagaw mo ang mga taong hindi kami magkasama ni Ryan dahil lang sa sarili mong kapakanan!"

"Dahil mahal ko siya!"

"Pero hindi ka niya mahal! alam mo yan!"

"Dahil may anak kami kaya ayaw kong masira ang pamilya namin." sabi niya.

"pero bakit mo hahayaan tuluyan kayong magkahiwalay kung ayaw mong masira ang pamilya nyo?" tanong ko.

"Dahil ikaw parin ang hinahanap niya. Hindi ko siya magawang mapasaya."

"Sana noon mo pa naisip yan Herminia. Ginampanan niya ang pagiging ama niya sa mga anak ninyo, pero hinding hindi niya magagampanan na mahalin ka niya dahil alam mong ako ang mahal niya noon pa! pero hinarang mo iyon, pinaghiwalay mo kaming dalawa."

"I'm sorry Michael..."

"Sorry? Alam mo, hindi naman kita masisisi kasi babae ka, at lalaki kami ni Ryan. Pero sana inunawa mo nalang kami. Sana hinayaan mo nalang kami noon. Sana hindi mo kami pinaghiwalay. Alam kong hindi mababago ang mga sandaling magkakasakit siya, pero atleast, nakasama ko sya, nakakasama ko siya ng hindi patago! at sisiguraduhin kong hindi mangyayari sa kanya kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon!"

Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko.

"Im sorry." Umiyak siya. naiyak na din ako.

Pinatayo ko siya.

"Wala na tayong magagawa eh.. magdasal nalang tayo na maging okay si Ryan." sabi ko.

Tapos yumakap sa akin si Herminia.


Alam kong kapalaran nalang ang magsasalba sa kalagayan ni Ryan sa mga sandaling iyon.

bago umalis si Herminia ay may sinabi ako.

"Kung wala na talagang pag-asa pa sa kalagayan ni Ryan, gusto ko siyang makita muli. Iuwi nyo nalang siya dito. Ako ng mag-aalaga sa kaniya. Nakikiusap ako." sabi ko.

Tumango siya. at lumabas.



Gusto ko sanang makasama muna si Ryan. Gusto kong makita ang mga ngiti niya, gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang alagaan.


Muli akong napaiyak..

No comments:

Post a Comment