Sunday, February 3, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 18

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 18"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth

Nasabi sa akin ni Herminia na hindi lang daw nila pinapaalam sa mga anak nila ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa naooperahan si Ryan.

Nasabi ng doctor na, 45/55 ang tiyansa na mabuhay si Ryan after ng operasyon. At sinasabi lang nilang wala pa iyong doctor na mag-aasikasu kagaya ng sinabi sa akin ni Hernan. Nasabi sa akin ni Herminia na, tinaningan nalang ng doctor si Ryan.

At umasa nalang nagagaling si Ryan pero iyon at sadyang napakaimposible. Mas minaigi nila Herminia na ilaan nalang ang natitirang mga araw pa ni Ryan sa mundo dahil walang kasiguraduhan sa operasyon, kaya pumayag siya sa sinabi kong iuwi nalang si Ryan para makasama ko pa siya dahil iyon din naman ang hiling ni Ryan...


...bago man lang daw siya mawala...



Nabalitaan kong, wala ng bisa pa ang kasal ni Ryan at Herminia.


Tatlong araw akong naghintay bago dumating si Ryan.

Nakaupo siya noon sa wheelchair na tulak tulak ng kaniyang anak na binatilyo na.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, naiiyak, natutuwa, naaawa, nalulungkot. Pero kung ano man iyon, masaya ako dahil nakita ko siyang muli kahit pa nasa ganoong uri siya ng kalagayan.

Agad akong lumapit ay tumungkod sa harapan niya. Pilit niyang iaabot ang pisngi ako, hinawakan ko ang kamay niya ay inilagay ko iyon malapit sa labi ko. Hinalikan ko siya sa palad.

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata ni Ryan. alam kong nanghihinaya siya, pero tila nagkaroon siya ng kaunting sigla noong muli niya akong nakita.

"I miss you." Sabi ko.

"I----I---miss---you--too." Nahihirapan na din siyang makapagsalita pa.

Tumayo ako.


"Salamat sa paghatid sa Papa mo." sabi ko kay Hernan.

"Wala po iyon. Kayo na pong bahala kay Papa." May lungkot sa mata niya.

"Huwag ka mag-alala, aalagan ko ang Papa mo. Ipinapangako ko na magiging okay din siya." Tumingin ako kay Ryan, "diba Ryan, magiging okay ka din?" Pilit kong nginingiti ang aking mga labi. Pero naiiyak na talaga ako.

"Salamat po Tito."


Umalis na si Hernan at kaming dalawa nalang ni Ryan ang naiwan sa tulay. Nakatingin sa amin sila Mama at Papa.


Ipinasok ko siya sa bahay. Dahil sa nahihirapan ng tumayo pa si Ryan ay nagpalit muna kami nila Mama ng kwarto, sa baba muna kami ni Ryan at sa taas sila ni Papa.

Sa loob ng kwarto ay nakatunghod ako sa harapan ni Ryan. Pinagmamasdan niya ako sa aking mukha.

"Masaya ako at nakita kitang muli...hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon Ryan. Mahal na mahal kita." Sabi ko. Tumulo na ang luha ko.

"Mahal na mahal din kita..." Mahina, mabagal pero damang dama ko ang pagkakasabi niyang iyon.

Niyakap ko siya. At pilit niya rin akong niyayakap.

At kagaya ng ginagawa namin noon, hindi namin sinayang ang mga sandaling magkasama pa kaming dalawa.

Kung noon ay ako ang sinusubuan niya ng pagkain. Sa pagkakataong kasama ko siya sa kanyang kalagayan ay sinusubuan ko siya, inalagaan ko ang taong mahal ko.

ako ang nagpapaligo sa kaniya, nagbibihis. Pinapasan ko siya patungo sa banyo.

may mga pagkakataon na nakikita ko siyang may ngiti sa labi na nagbibigay lakas sa akin. Pero, hindi nawawala sa isipan ko na mawawala na din sa akin ang mahal ko.

4 na araw ko palang siyang nakakasama mula noong dumating siya galing sa America. Pero, pakiramdam ko ang bawat araw ay katumbas na ng isang taong pagsasama namin.

Sinama ko siya sa sapa, payapa ang tubig habang nakasakay kami sa bangka. Nagsasagwan ako habang nakatingin siya sa akin.

"Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin Myk." Mahina niyang sabi.

"Wala iyon, mahal na mahal kita at hinding hindi magbabago iyon." sabi ko.

"Noong nalaman kong may sakit ako, ikaw kaagad ang inisip ko. Inisip ko na mag-aalala ka, sinubukan kong labanan ang sakit na ito dahil nais ko pang makita kita. Ikaw ang nagbibigay ng lakas ko sa mga sandaling hirap na hirap na ako. Pero, ayaw kong mawala sa mundo na hindi man lang kita nakikita Myk." Mahina niyang sabi.

"Huwag kang magsalita ng ganiyan. magtatagal kapa." Pinapalakas ko lang ang loob ko, dahil hindi ko pa matanggap na mawawala na talaga siya sa akin.

Inisip ko na, mas gugustuhin ko iyong patago naming pagkikita, kesa sa hindi ko na siya makikita pa habang buhay. Gigising ako na wala na akong aasahang Ryan na aasahan kong makikita ko sa susunod na taon.


"Noong sinabi ng doctor na mababa ang tiyansa sa operasyon, hiniling ko kay Herminia na makita nalang kita at makasama. Ayaw kong sumugal ng hindi man lang kita nakikita, dahil hindi ko alam kung gigising pa ba ako pagkatapos ng operasyon. Kaya, tumanggi ako dahil gusto kitang makasama sa huling araw na nalalabi sa akin." Lumuha siya noong sinabi niya iyon.

Damang dama ko pa din na mahal na mahal ako ni Ryan. kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya.


Masaya ako dahil nakita kong muli si Ryan. Nakakausap ko siya.

Pero, ramdam ko araw araw na sa kabila ng mga ngiti na pinapakita niya sa akin, gabi gabi niyang iniinda ang pananakit ng ulo niya. Alam kong masakit iyon, at ang sakit naman na nararamdaman ko ay ang katotohanang wala akong magawa kung di ang yakapin siya sa tuwing sumasakit ng husto ang kaniyang ulo.

Halos maubos ang luha ako sa tuwing ganun ang nraramdaman niya. Hanggang sa makatulog siya.

"Kung hindi mo na talaga kaya, sumuko ka na Ryan... tatanggapin ko nalang, kesa makita ka sa ganiyang kalagayan..." Bulong ko sa kaniya. at alam kong nadidinig niya ako.

Nakita kong may tumulong luha sa kaniyang mga mata.

Pininasan ko iyon.

"Mahal na mahal kita Ryan..." humalik ako sa noo niya.


hanggang sa makatulog ako sa tabi niya.


Pumunta din kami noon sa bahay nila. Bakas sa mukha ng pamilya ni Ryan na makita siya, may mga naawa pero mas nananaig ang paniniwalang magiging okay din ang lahat.


"Aalagan ko po siya hanggang sa mga huling sandali hindi hindi ako mawawala sa tabi niya." sabi ko sa mga magulang ni Ryan.

"Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa anak namin.. at sa pagmamahal mo sa kaniya." sabi ng Papa ni Ryan.

Napangiti noon si Ryan.


Madami pa kaming pinuntahan ni Ryan.

At ang huling lugar na pinuntahan namin ay ang lambak.

Pinasan ko siya noon para lang makarating sa lambak na kasama ko siya.


naglatag ako ng sapin. At inihiga ko siya doon. Magkatabi kami. Pilit niyang inabot ang palad ko habang nakatingin kami sa madilim na kalangitan. Nakatingin kami sa mga bituin. sa aming bituin.

"Alam mo Ryan, sa totoo lang ayaw pa kitang mawala.  gusto pa kitang makasama na malakas ka. namimiss ko na ang dating ikaw, iyong mangungulit sa akin, iyong bigla biglang yayakap sa akin. biglang hahalik sa akin. Pero, tandaan mo na hindi ako magsasawang alagaan kita dahil mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita...kung mawawala man ako, asahan mong lagi kitang babantayan."

"alam kong malabo na pero umaasa parin ako sa himala na isnag araw gigising ako na malakas ka na ulit...na parang walang nangyari. tapos bigla mo akong yayakapin." sabi ko.

"gusto kong maging matatag ka pagnawala na ako, ipagpatuloy mo ang buhay mo...dahil ayaw kong babaliwalain ang lahat ng dahil lang sa pagkawala ko."

"hindi naman kasi ganoon kadali iyon. Siguro, in time... matatanggap ko na iyon, pero hindi ganoon kadali, tsaka ano ba! bkit pa ganito pinaguusapan natin. Dapat pagusapan natin ang mga plano natin sa buhay, kung saan tayo magpapatayo ng sarili ng bahay, kung saan tayo magbabakasyong dalawa, at kung hindi na ako pwede sa america, sa ibang bansa nalang bsta kasama kita, pag-usapan natin kung saan tayo magpapasko, kung saan natin icecelebrate ang mga birthdays natin.." pero habang sinasabi ko iyon ay lumuluha ako.

"tama na...nasasaktan ka lang. Bale, susubukin kong patagalin pa ang buhay ko.. para mas makasama pa kita ng matagal..." sabi niya at tila nagkaroon siya ng lakas na yakapin ako.

"Mahal namahal kita Ryan, at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka na sa akin..." Iyak ako ng iyak.

Hinahalikan niya ako sa noo.

Nagkatinginan kami at hinalikan niya ako sa aking labi.


Noong mga araw na tila nanghihina na siya, sinabi niya sa akin nais muna niya makasama ang mga anak niya pero nangako siya sa aking babalik din daw siya.


Inihatid ko siya noon sa bahay kung saan pansamantalang naninirahan sila Herminia. Sa bahay ng yumao niyang papa.

Bago ko siya iniwan doon ay hinalikan ko siya sa labi.

Sabi ko sa kaniya babalik ako kinabukasan para sunduin ko siya.


Bumalik ako bahay. Hindi na ako makatagal noon na hindi ko siya kasama.


Nakatulog ako siguro dahil narin sa pagod.

Kinabukasan pagpunta ko sa bahay nila Herminia ay wala na doon si Ryan.

Ang nandoon ay si Hernan.


Sinugod daw sa Hospital ang kaniyang Papa at bakas sa mukha ni Hernan ang pagkalungkot.


Pakiramdam ko nagunaw na ang mundo ko, dahil damang dama ko na wala na ang presensiya ni Ryan.Kasabay noon ay isang malamig na hangin ang dumampi sa aking katawan.

Tumulo ang luha ko.

No comments:

Post a Comment