By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Ang Patagong
Pagmamahalan pt. 14"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Sinalubong ako ni
Ryan sa Airport. Nalaman kong meron siyang sariling sasakyan.
"kelan ka pa
natutunong magdrive? hindi ko nasabi sa akin." Nakangiting sabi ko.
"Matagal na,
mula noong napatira kami dito. Nag-aral akong magmaneho ng sasakyan, tapos
nakakuha ako ng lisensya." Nakangiting sambit niya. Tumingin siya sa akin.
Inabot niya ang kamay
ko. At hinalikan iyon.
"Masaya ako at
nakarating ka dito..." Sabi niya habang hawaka niya ang aking kamay.
"Mas masaya ako
na nakita kitang ulit." sagot ko.
"Pasensiya na
kung hindi ako napunta ng Pilipinas noong mga nagdaan taon, nagkaroon kasi ng
problema sa Company, kailangan kong magstay dito at asikasuhin iyon." Sabi
niya.
"Okay lang.
Importante nandito na ako ngayon." Sabi ko, tumingin ako sa dinadaan
namin. Ibang iba iyon sa Pilipinas.
Mas matataas na
Gusali, kaliwa't kanan ang mga taong nakasuot ng damit pang-opisina. Wala akong
nakikitang mga Pilipino sa daan. Kung meron man, hindi ko sigurado kung
Pilipino sila, malamang may mga lahi.
"2 Linggo nga
lang pala ako dito, pero siguro naman sobra ko ng masusulit ang dalawang Linggo
na iyon dahil kasama kita." Nakatingin parin ako sa dinadaanan namin.
"Siguro iyon na
ang magiging pinakamahabang dalawang Linggo ko dito sa New York simula ng
mapadpad ako dito, simula noong mapatira kami dito."
"Dibale kung
hindi ka makakarating ulit sa Pilipinas, ako nalang ang bibisita ulit sa iyo
dito. Nakangitin sabi ko sa kaniya.
30 minutos bago kami
nakarating sa apartment na tutuluyan ko doon sa loob ng dalawang Linggo.
Maliit na kwarto lang
iyon, kasya para sa dalawang tao. Isang kama, desk na malapit sa bintana,
maliit na banyo, at sink sa iyong pagpasok sa pinto.
Sumilip ako sa
Bintana at kitang kita ko ang malawak na karagatan at kitang kita ko mula sa
kinatatayuan ko ang malaking estatwa ng Liberty.
Lumapit siya sa akin
at yumakap sa aking likuran.
"Ako ang pumili
ng kwartong ito, sana'y nagustuhan mo." Bulong niya sa akin.
Pumaikot ako at
humarap ako sa kaniya.
Nakayakap siya sa
akin.
"Gustong gusto
ko Ryan." Sabi ko.
Pinagdikit namin ang
bawat dulo ng aming mga ilong, nakatingin kami sa aming mga mata habang may
ngiti kami sa aming mga labi.
Dahan dahan humalik
siya sa aking labi. Pumikit ako at dinama ko ang kaniyang mga halik.
Ihiniga niya ako sa
kama at pumatong sa akin habang hinahalikan niya ang aking leeg.
Napansin ko nalang na
kapwa wala na kaming mga suot. Ikinikilos niya ang katawan niya sa ibabaw ko.
Patuloy ang paghalik niya sa aking leeg, baba at labi.
Titingin sa aking mga
mata at magsasabing...
"I love
you..."
ngingiti ako at muli
niya akong hahalikan sa mga parteng nais madampian ng kaniyang labi, nakayakap
ako sa kaniya ng mahigpit.
Pagkatapos naming
pagsaluhan ang sandaling init ng aming pagmamahalan ay magkatabi kami habang
pinagmamasdan ang isa't isa.
Hindi kami kapwa
makapaniwala na magkasama kaming muli. Kumain kami sa labas. Bumalik ng
apartment at sabay na naligo, muling humiga sa kama.
Kapwa kami masaya at
nararamdaman ko na iyon ang kaniyang nararamdaman.
"Masyado ng
gabi, hindi kapa uuwi muna sa inyo?" Tanong ko.
"Hindi, bukas
umaga na ako uuwi, nais kitang makasama sa unang gabi mo dito. Gusto ko na sa
pag gising mo sa umaga ay ako ang una mong makikita." sabi niya.
Humalik siya sa aking
noo.
Mas inilapit ko ang sarili
ko kay Ryan at niyakap niya ako. Pumikit ako na may ngiti sa labi.
Kinaumagahan ay ang
nakangiti niyang mukha ang aking unang nasilayan. Tila hindi siya natulog at
binantayan lang niya ako sa buong magdamag.
"Goodmorning
Myk..." Nangiting sabi niya.
"Magandang umaga
din sayo Ryan..."Yumuko ako noong humalik siya sa aking noo.
Nag-almusal lang kami
at nagpaalam muna siya.
Naiwan ako sa loob ng
apartment. Lumipas ang ilang oras ay nagdesisyon akong maglakad lakad.
Tumingin tingin sa
labas. Pinagtitinginan ako ng aking mga nakakasalubong, marahil naninibago sila
sa itsura ko dahil ganun din ako sa kanila.
Napunta ako sa isang
parke, at nakakita ako doon ng masasayang pamilya na magkakasama, may mga
magkasintahan din.
Umupo ako
pansamantala sa bench habang pinagmamasdan ang mga tao na nandoon.
Nasa lugar ako kung
saan walang nakakakilala sa akin pero pinapansin ako ng kanilang mga pagngiti
sa akin.
Bumalik ako noon sa
apartment ng bandang alas 2 ng hapon. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si
Ryan na nasa loob. Agad niya akong sinalunong at niyakap.
"Akala ko umalis
ka na." Sabi niya.
"Hindi--
naglakad lakad lang ako. Ayaw ko namang masayang ang mga sandali na nandito
lang ako sa kwarto." Sabi ko.
"Sige, ipapasyal
kita ngayon." Nangiti niyang sabi.
"Pero, paano
trabaho mo?" Tanong ko, nagtaka lang din ako kasi maaga pa at nasa
apartment na siya.
"Wag ka
mag-alala, boss ako doon. Hehe. Oh paano? Tara na, may pupuntahan tayo."
Sabi niya. Ganun lagi ang sinasabi niya noong mga bata pa kami kapag inaaya
niya akon lumabas.
Dinala niya ako noon
sa isang beach, naglalakad kami sa pangpang habang nakalusong ang aming mga
paa. Nakaakbay siya sa akin.
Umupo kaming dalawa
sa buhanginan. Nakasandal ako sa kaniya. Nahihiya ako kasi, nasa ibang lugar
kami tapos pinapakita pa namin sa ibang nakakakita sa amin na merong
namamagitan sa aming dalawa.
"Wala silang
pakialam sa atin Myk, hindi natin sila kilala, hindi din nila tayo kilala. Wala
naman tayong ginagawang masay. Nakasandal ka lang naman sa akin."
Nangiting sabi niya.
Pinagmasdan namin ang
pagbaba ng araw sa dagat. ang ganda gandang pagmasdan ang nagaagaw liwanag at
dilim at unti unting naglalabasan ang mga bituin. Hinawakan niya ang aking
palad.
At pinagmasdan namin
ang bituin naming dalawa na malapit sa buwan.
Naging masaya ang mga
araw at gabi na inilagi ko doon na kasama siya. Halos araw araw kaming
magkasama. Wala kaming problema. Masaya kaming parehas.
Sinusulit lang namin,
marami pang lugar na pingadalhan niya sa akin.
Hanggang sa dumating
ang araw ng aking pag-alis. Hindi kasi ako maaring magtagal doon dahil limitado
lang ang araw ng pagstay ko sa bansang iyon.
"Ako nalang ang
babalik dito sa susunod na taon. Gusto ko pang mapuntahan ang mga lugar na
hindi ko pa nararating, kulang ang dalawang Linggo, pero para sa akin,
napakahaba na niyon dahil kasama kita." Sabi ko kay Ryan, bago ako pumasok
sa eroplano.
"Mag-iingat ka
sa Pilipinas, iintayin kita dito Myk. Mahal na mahal kita." sabi niya.
"mahal na mahal
din kita." sabi ko. Yumakap siya sa akin.
Nagpaalam na ako
dahil aalis na ang eroplanong sasakyan ko.
Binigay niya sa akin
ang numero ng kaniyang opisina. Kaya pagdating ko sa Pilipinas at tinawagan ko
siya.
Noong kausap ko siya,
parang ang lapit lapit lang namin sa isa't isa.
araw araw ko siyang
tinatawagan, kung minsan naman ay siya ang tumatawag sa akin.
Hindi naging matagal
ang paglipas ng isang taon. Kaya muli akong nakabalik doon.
Muli kong nakasama si
Ryan.
Kahit sandali lang
kami magsama sa loob ng isang taon, ay masaya na ako doon.
Noong nandoon akong
muli, gagabi gabi kaming magkayakap. Tuwing umaga at siya ang unang makikita
ko.
Walang araw na hindi
naglalapat ang mga labi namin.
Sa sobrang saya ng
aming pagsasama.
Hindi ko namalayan na
somubra sa araw ang pamamalagi ko doon. Pero, hindi ko iyon inalintana. Masaya
ako dahil kasama ko siya.
Noong muli akong
umalis ay nalungkot siya, pero ipinangako ko na babalik ako sa kaniyang muli.
Pero sa ikatlong
pagbalik ko doon at hinarang ako sa paliparan ng amerika, hindi ako nakalabas
ng airport. Alam kong inaabangan ako ni Ryan sa labas.
Gustong gusto ko nung
lumabas na pero hindi ayaw nila akong palabasin.
"I just need to
talk to Ryan outside, he's waiting for me. Please, just let me see him. I'm
begging Sir." Sabi ko sa lalaking may mataas na posisyon sa paliparan na
iyon.
"I'm sorry Sir,
but you need to get back to the Philippines." sabi niya.
Wala akong magawa.
Gusto kong lumabas, gusto kong tumakbo dahil alam kong nasa labas lang ng
kinalalagyan ko si Ryan. Naghihintay sa akin.Pero hindi ko sila na pilit na
makita ko si Ryan. Naiyak ako sa sobrang pagkalungkot na alam kong metro nalang
ang layo namin sa isa't isa ngunit hindi pa kami binigyan ng pagkakataong
magkita.
Napabalik ako sa
Pilipinas.
Malungkot, hindi ko
man lang nakita si Ryan. Alam kong nag-aalala na siya.
Kaya pagdating na
pagdating ko sa Pilipinas ay tinawagan ko siya.
"Ano bang
nangyari? nag-alala ako sa iyo, hindi ka nakarating. nag-abang ako doon
hanggang sa last arival ng plane from the Philippines, pero hindi kita nakita.
Ano ba kasing nangyari sa iyo? Bakit di ka nakarating?" Tanong niya mula
sa kabilang linya.
"Ryan, i'd been
there. pero hinarang ako sa Airport. Nagkaroon daw ng problema sa record ko
noong nakaraang bisita ko. Sumobra daw ako ng araw kaya hindi na nila ako
hinayaan makapasok pa ng bansa. Nakiusap ako na makita ka, pero hindi nila ako
pinayagan. Naging mahigpit sila sa akin. kaya hindi ko alam kung makakabalik pa
ako diyan." Sabi ko habang umiiyak ako.
"Okay lang, okay
lang... don't cry. Everything will gonna be alright okay? I understand."
Sabi niya sa kabilang linya.
Wala na kaming
nagawa.
Pero dahil sa patuloy
ang problema sa kanilang kampanya, ay naging malabo ang pagpunta ni Ryan sa
Pilipinas. Kaya sa tawagan nalang kami nagkakausap. Nagpapadala siya ng
kaniyang litrato.
Iyon nalang ang aming
tanging nagawa.
No comments:
Post a Comment