Source: darkkenstories.blogspot.com
------------------------------
Bryan
------------------------------
"Ano na ba ang standing ng
dalawang mokong na yan sa laro mo?" tanong ni Ate nang minsan na
saby-sabay kaming kumain ng lunch sa isang fastfood.
"Oo nga, sino na ba leading?
Team Edward o Team Matthew?" dagdag pa ni Kuya
"Tie na kaya sila... 2-2. May
hinihintay nalang ako na isa pang sign. Kapag natupad yun, game over."
paliwanag ko.
"Lord, kung sino ang una kong
makita sa kanilang dalawa bukas ang may one point..." yan yung isa sa sign
na hiningi ko after nung gala namin.
Answered prayer. Paglabas ko palang
ng bahay namin, last Friday morning, nandun na noon si Edward. Sinusundo ako.
One point.
“Kung sino man po Lord ang unang
magtext sakin ng good night, one point ulit…”
That was a Sunday night. Grabe.
Nakaka-good vibes ang GGV that time. Sa sobrang pagod kakatawa, I decided to
sleep. Naalala ko yung prayer ko. I’m still waiting for a message.
11:30…
11:45…
11:58…
12am…
Beep. Beep.
1 new message: Edward Kiefer
12:00AM
Good night Baby! I love you!
Beep. Beep.
1 new message: Matthew Buenaventura
12:01AM
Bes! Good night! Kitakits bukas! :D
SAYANG! So close! 2-0 na sila…
“Lord, last one point nalang po
para kay Edward… Kung sino man pos a kanilang dalawa ang magbibigay sakin ng
Piattos na Nacho Pizza bukas during break time ko, may one point…”
Monday.
Another boring day. Umaatake ang Monday Sickness ko.
Nakakatamad kumilos.
Beep. Beep.
"Baby Bro, asan ka? Kain na
tayo nila Ate..." text ni Kuya. Answeet!
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGG!!!!
"OTW... same place?"
reply ko
"As always..." si Kuya
Lakad. Lakad. Bakit ba kasi ang
layo ng mini park na yan sa building namin eh?! Kung pwede lang gawing
escalator nalang yung sahig dito, ginawa ko na. Kaso hindi.
Nag-enjoy din naman ako sa
paglalakad. Pagbaba ko palang mula sa 5th floor, hanggang 1st floor, nag-enjoy
na ako. Sino ba namang hindi mageenjoy, eh sa kahabaan ng hagdan, may mga
lalakeng naka-hilera. Pinarusahan yata ng Prof nila. Tangsit. Anggu-gwapo!!!!!
Hallway. Isang napakahabang
haaaaaaaaaaaaaaallllllllllwwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaayyyyyyy. Uu, ganyan kahaba.
Sa gilid nung hallway na yun, madadaanan yung gymnasium. Parang paraiso kasi
kapag nasa gym ka. Malayo palang ako, naririnig ko na yung dribble ng mga bola.
Ayan na. May nagpapractice nga. Mga
lalaki nanaman! Shoot. Ang gwapo tangnes! Ang hooooooooooooooooooooooooooooot!
Oo, ganyan ka-hot. Totoo naman eh! Bumaba yata lahat ng gods para magbasketball
dito. Hihi ;'>
Social Hall. Bukas yung windows.
Taeng Social Hall 'to. Ang alam ko,
meetings ang ginagawa dito, pero bakit ganon?! May mga nagpapractice para sa
sayaw?! Pero okay lang, pogi naman eh. Bonus pa, mga naka-topless sila! Tae.
Pinagpapawisan ako ng malagket. HAHA!
Liko. Atlast! Narating ko din 'tong
buset na mini park na 'to!
"Briiiiaaaaaaaaaaannnn! Ditoooooooooooo!" sigaw ni Ate with
matching kaway kaway pa.
"Ate, tila ka tange. Nakita ko
naman kayo agad." sabi ko pagkalapit ko sa kanila.
"Tara na, kainan na. 30 minutes
lang 'to." si Kuya. Ang Kuya kong patay gutom!
Kain lang. Kain. Nguya. Ngasab.
Teka, ngasab? Parang kambing lang o kabayo ah? Lunok. Sipsip. Oy, wag green
minded. Ahhh. Sarap. Sarap KUMAIN!
"Brian..." May mahiwagang
boses na sumulplot.
Hala gurl... Kinukuha ka na ng
mahal na birtud...
Sis, wag kang manakot...
Holooooooo... Ayan na siya....
Wooooooooo...
Tanginames. Papatayin kita!
Joke lang! Lingunin mo na kaya!
Naninigas ka pa jan eh!
Nilingon ko nga. Pota. Ang pogi
talaga niya...
"Bes!" sigaw ko.
"Maka-sigaw naman 'to! Parang
isang buong taon na hindi nagkita!" sabi ni Matthew at umupo
"Hi Matt..." si Ate sabay
malanding kaway.
"Hi din Ate Sarah... Kuya
Walter.." sabi niya sa mga kapatid ko. Si Kuya, busy masyado kaya kumaway
nalang siya.
"Kumain ka na ba?" tanong
ko sa kanya
"Kakain palang... Ay wait.
Binili din pala kita. Hehe.."
"Ano naman yan?"
"Edi yung favorite mo..."
Pustahan Sis, Hany yan... sabi ko
sa utak ko
Piattos yan gurl
Hany...
Piattos...
"Oh..." sabay abot ni
Matthew
Oh diba tama ako.. Piattos...
Tangnes. Piattos nga. Nacho
Pizza.Sign!
2-1 na…
“Una na kami Bri… may klase na kami
eh…” sabi ni Kuya
“Hintayin ka namin mamaya ha…” si
Ate
"Oy Bes, kamusta na si
Husky?" tanong ni Matthew
"Huh? Sinong Husky?"
Husky? Na-encounter ko na yan. Nabasa ko yata? Ugh!
"Hay nako Bes. Sabi na
eh..." si Matthew
"Hala... Bakit?" tanong
ko
"That night, nung binigay ko
sayo yun, kinakabahan ako kasi baka makalimutan mo yung name niya... Sobrang
kilig na kilig ka kasi..." si Matthew
"Ow shoot. Oo! Naalala ko na!
Yung binigay mong stuff toy na Husky!" oo nga pala!
"Buti naman naalala mo..."
Oo nga... Si Husky na yakap yakap
ko gabi-gabi... Yung pinagsasabihan ko ng mga nangyari sa buong araw ko... Siya
ang naging Matthew sa mga gabing nagiisa ako.
"Lord, isa pa pong sign please?"
Nasabi ko habang yakap ko si Husky
that night. Nagiisip. Ano pa kayang sign? Sino ba kasi talaga?
Beep. Beep beep. Beep.
Incoming call: Matthew Buenaventura
Thank you Lord!
No comments:
Post a Comment