By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta
Dumating ang isang
taon na pagmamahalan namin ni Ronald. Minsan nagkakatampuhan kami ngunit hindi
puwedeng makatulugan namin ang mga isyu na hindi muna namin napag-uusapan ng
maayos ang hindi namin napagkakaintindihan.
“Paano ‘yan. Nasa
bahay si Mama mamayang gabi kaya paniguradong hindi tayo puwede sa bahay. Alam
mo naman din ang kuwarto naming ni Mama, konting ingay lang dinig na sa kabila.
Paano kung may marinig niyang may ginagawa tayo e ‘di patay tayong dalawa
niyan.” Gabi noon pagkatapos n gaming anniversary dinner. Hindi namin alam kung
saan kami matutulog.
“Mag-hotel na lang
kaya tayo?” idea ko.
“Ikaw kung kaya mong
makita tayo ng ibang mga tao na papasok sa kuwarto at dalawa tayong lalaki. Sa
akin ayos lang. Ano, check in na lang tayo?”
“Huwag na. Di ko pa
kayang kumuha ng kuwarto habang nakatingin sa atin ang mga nasa front desk ng
hotel. Paano ba ‘to. Gusto ko makasama ka buong magdamag e.”
“Sa inyo na lang kasi
tayo, may sarili ka namang kuwarto ah.” Panunuyo ni Ronald. Nakikiusap ang
kaniyang tingin.
Huminga ako ng
malalim. Sana hindi darating si tatay mamayang gabi. “Sige. Sa amin na nga
lang. Wala naman tayong ibang option.”
Tahimik na ang bahay
nang dumating kami. Tulog na si Nanay, James at si Vicky. Maingat kaming
pumasok sa aking kuwarto. Nang nakapasok na kami ay kinandado ko ang kuwarto.
Unang pagkakataong ni-lock ko ang seradura ng pintuan ng kuwarto ko. Mabilis
akong niyakap ni Ronald at hinalikan sa labi.
“Happy Anniversary
bhie!” paanas niyang bati sa akin.
“Happy anniversary
too.” Sagot ko.
“Nauuhaw ako. may tubig
ka ba?”
“Wala e. Sandali
kukuha lang ako sa baba.”
Pagkapaalam ko ay
bumaba na ako at kumuha ng tubig. May nakita akong mga beer in can sa ref.
Sandali akong nag-isip kung babawasan ko ba iyon at mahalata ni tatay pag-uwi
ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong kumuha ng dalawa.
“Yeeyyy! May beer
tayo?” nakangiti si Ronald na sinalubong ako. Tanging puting brief na lang ang
suot niya. Iniabot ko sa kaniya ang isang beer at ipinatong ko sa maliit kong
mesa ang dala kong baso at pitsel ng tubig.
Umupo ako sa kama.
Binuksan namin ang hawak naming beer.
“Cheers baby! Isang
taon na tayo. Sana magbilang pa tayo ng maraming dekada!” bati uli sa akin ni
Ronald. Pinagumpog namin ang hawak naming beer saka sabay kaming tumungga.
Pagkainom namin ay tumayo siya sa harapan ko at yumuko kasabay ng masuyo niyang
paghalik sa aking labi. Ang pinaghalong amoy ng beer at mabango niyang hininga
ang nagpadagdag ng kakaibang sensasyon ang tumupok sa aking kahinaan. Tumayo
ako. Lumaban ako sa kaniyang halik. Itinaas niya ang suot kong t-shirt at para
mas madali sa kaniyang hubaran ako ay tinaas ko ang kamay ko. Saglit na
naantala ang aming paghahalikan. Ngunit pagkatanggal na pagkatanggal ng aking
t-shirt ay nagmamadali kaming ipagpatuloy an gaming halikan at mabilis niyang
tinanggal ang aking belt, butones ng aking pantalon at ang pagbaba ng aking
zipper. Mabilis akong pumuwesto sa kama
ko. Nang nakahiga na ay buong lakas niyang hinila pababa ang aking pantalon at
tinapon sa sahig. Nang pumatong siya sa akin ay naramdaman ko ang init ng
katawan niyang sumalpok sa aking katawan. Nagbanggan ang umiigting naming
pagkalalaki at dahil sa maliit na telang nakatago sa kanila ay hindi buong
ramdam ang init nito. Hinalikan niya ako sa labi. Ang kaniyang dila ay
unti-unting naglalaro sa aking bibig. Lumakbay ang aking kamay sa kaniyang
likod at nang nakarating sa kaniyang puwitan ay ibinaba ko ang kaniyang brief.
Ang kamay niya sa aking dibdib ay tumuloy sa aking tagiliran at hinubad din
niya ang suot kong brief. Malaya na ang kaniyang pagkalalaking dumampi at
tumabi sa nag-uumigting kong kargada. Parang nag-uusap sila at hadang makisabay
sa kung anong laban ang napipinto naming gagawin.
“Gawin na natin ang
binalak nating gawin noon? Handa ka na ba?” Napaisip ako. Hindi ko maalala kung
anong napag-usapan. Ngunit nang nakarating ang palad niya sa malambot kong
puwit ay muling bumalik sa aking isipan ang deal naming noon.
“Sige. Tiisin ko ang
sakit basta dahan-dahan lang muna. Masasanay din siguro ako. pero next time
gawin ko din sa’yo ha?”
“Sige.” Sagot niya.
Inapuhap ko ang ginagamit kong lotion sa ibaba ng kama ko. Lagi akong meron
no’n dahil madalas kong nilalaro ang birdie ko kung mag-isa lang ako at
namimiss ko si Ronald.
Iniabot ko sa kaniya
ang lotion. Pumuwesto na ako ng patalikod sa kaniya. Naramdaman ko ang malamig
na lotion na inilagay niya sa bukana ng aking puwit. Ilang saglit pa ay
naramdaman ko na ang unti-unting pagpasok ng galit niyang kargada.
“Sandali. Hinay-hinay
lang bhie! Oh shit! Ahh!”
Nang buong nakapasok
na ito ay huminga ako ng malalim. Naramdaman kong nagsimulang umindayog si
Ronald. Napapikit ako sa kakaibang sakit at sensasyon. Dinaan ko sa ungol.
Nang biglang bumukas
ang pintuan ng kuwarto. Bumukas ang ilaw at huli na para bunutin ni Ronald ang
ibinaon niya sa likod ko. Wala na kaming magawa pa para sana maitago an gaming
ginagawa.
“Tang-ina naman Jinx!
Anong ginagawa ninyo! Ano yan!” sigaw ni tatay.
Para akong wala sa
sariliat mabilis kong ibinalot sa katawan ko ang kumot. Si Ronald naman ay wala
ng ibang makuha para maitakit sa hubad niyang katawan. Kapwa kami parang nag-yelo
at nanigas sa pagkagulat.
Lumapit si Tatay sa
amin. Hinawakan niya ang braso ng nanginginig na si Ronald.
“Sino to Jinx ha!
Sino ka!” tinulak tulak niya si Ronald. Nang susuntukin niya ito ay mabilis
kong iniharang ang sarili ko kaya ako ang tinamaan at sa lakas no’n ay
napasubsob ako sa gilid ng kuwarto ko. Hinila niya si Ronald na walang saplot
sa katawan at malakas niyang itinulak sa laba ng kuwarto.
“Umalis ka dito! Baka
mapatay kita tang-ina mo!” sigaw niya kay Ronald. Mabilis kong kinuha ang damit
ni Ronald at inihagis ko sa kaniya.
“Umalis ka na Ronald.
Bilis!!!” sigaw ko nang maihagis ko na ang damit niya.
Pagkakuha niya sa
damit niya ay mabilis itong nagsuot ng pantalon saka siya bumaba.
Dahil sa pagwawala ni
tatay ay nagising na ang lahat sa bahay. Una kong nakita si James na parang
naalimpungatan at nagugulat sa kaniyang nasaksihan. Lumabas na din si Nanay at
kasunod si Vicky.
“Tang ina mong bakla ka! Lumayas ka! Magsama
kayo ng putang inang lalaking iyon.” Binalikan niya ako sa loob at walang sabi
sabi sinapak niya ako sa mukha, sinipa-sipa at dinagukan ng ubod ng lakas.
Hindi na siya ang dating tatay ko. Parang ibang tao na siya. Punum-puno ng
galit ang kaniyang mukha. Hindi niya ako tinitigilan sa kasusuntok at kasisipa.
Ni hindi ko na alam noon kung saan ba ang masakit.
Nang napagod siya sa
kasusuntok at kasisipa sa akin ay pinatayo niya ako at hinawakan ang aking
leeg.
“Ano ha! Hindi ka pa
ba aamin? Bakla ka di ba? Bakla kang salot ka di ba?” Habang sinasabi niya iyon
ay mas dumiin ang pagkakabigti niya sa akin. Nahihirapan na akong huminga.
Pinilit kong tinanggal ang nakasakal na kamay ni tatay ngunit hindi ko iyon
magalaw man lang. Alam kong kung tatagalan pa niya ang pagsakal sa akin ay
tuluyan na akong maubusan ng hangin at maari ko itong ikamatay. Sobrang higpit
ng hawak niya sa aking leeg at napapaluha na ako sa kasisinghap ng hangin
ngunit kahit anong gawin ko ay hindi makadaan ang hangin sa aking leeg.
“Tay, h-indh-I ho ak-
ako mak-mak-kahi- nga!” pagmamakaawa ko kay tatay. Desperado na ako kahit
kaunting hangin lang. Hindi ko lang sinasabi iyon, nagmamakaawa ako para sa
aking buhay. Nanghihingi ng limos ng kaunting hangin.
“Ano ha! Bakla ka o
hindi! Magsabi ka ng totoo dahil kung hindi ay papatayin kita!”
“O-ho! O-ho Tay!”
pag-aamin ko kay tatay. Maaring sa paraang ganoon ay bitiwan na niya ako.
At pagkarinig ni
tatay sa pag-amin ko ay isang malakas na suntok sa sikmura ang muli niyang
pinakawalan. Namilipit ako sa sakit ngunit mas mainam na iyon para tuluyan na
akong makasinghap ng hangin. Nakapahalaga ng bawat hangin na inihinga ko. Napapaubo ako habang sumisinghap ng hangin.
Nahuli ng mga mata ko ang mata ni James na nakatingin sa akin. Alam kong
awing-awa ang kapatid ko sa nakikita niyang ginagawa sa akin ni tatay. Nangilid
ang kaniyang luha.
Nagsisigaw si nanay
para awatin si tatay sa pananakit niya sa akin. Si James ay nanatiling nakatayo
doon. Wala siyang ginagawa ngunit alam kong gustuhin man niyang awatin si tatay
ay baka siya lang din ang pagbalingan nito ng kaniyang galit. Naiintindihan ko
si James.
“Tang- ina mong bakla
ka! Tang ina niyong mga bakla kayo! Lumayas ka hayop ka!” pagkasabi ni tatay
ang pagmumurang iyon sa akin ay isa pang tadyak ang pinalasap niya sa akin
habang nakasalampak na ako sa sahig na parang lantang gulay. Tinungo ni tatay
ang aparador ko, binuksan niya iyon at kinuha niya ang mga damit ko saka niya
ipinaghahagis iyon sa aking mukha. Naramdaman kong parang may umaagos sa taas
ng aking bibig. Dumudugo ang ilong at nguso ko sa mga suntok ni tatay sa akin.
Napapaluha ako sa mga ginawa ni tatay sa akin. Parang hindi niya ako anak.
Parang isa akong criminal kung saktan niya. Para akong hindi tao. Hidni ko na
nakontrol ang aking pagluha. Napapayugyog ang aking balikat sa pag-iyak ngunit
sinikap kong hindi hahagulgol. Kahit gaano kabigat sa dibdib ko ay ayaw kong
makita nang mga kapatid kong humahagulgol ako dahil sa mga pananakit ni tatay
sa akin. Masakit man sa loob kong umalis ay alam kong kailangan kong gawin.
Hindi ko nga lang din alam kung saan ako pupunta ngunit kailangan ko ng iwan
ang pamilya ko. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko at isinilid ko iyon sa
maleta. Habang ginagawa ko iyon ay napalingon ako kay nanay na nakayakap kay
tatay. Pilit pinapakiusapan ni nanay si tatay.
“Tama na. Maawa ka
naman sa anak mo, Alfred. Kung palalayasin mo siya saan naman iyan pupunta.
Tama na!” umiiyak na din si nanay.
Nilingon ko ang mga
kapatid ko. Nakita ko ang paglapit ni Vicky kay James. Umiiyak si bunso.
Nang matapos kong
mailagay sa maleta ang mga damit ko ay mabigat ang mga paa kong lumabas sa
kuwarto ngunit alam kong wala na akong lugar pa sa bahay na iyon. Hindi ko
napaghandaan na mangyayari sa akin ito. Hindi ko akalain na kaya akong itakwil
ni tatay dahil sa pagiging alanganin ko.
Bago ako bumaba sa
hagdanan ay nilingon ko muna ang mga kapatid Gusto kong magpaalam ng maayos sa
kanila. Gusto ko silang mayakap dahil hindi ko alam kung kailan kami muling
magkikita. Nakita ko ang awa at lungkot sa mukha ni James. Ang pag-iyak ni
Vicky ay nakadagdag sa akin ng bigat ng loob para iwan ang mahal na mahal kong
bunso namin. Ngunit kailangan ko nang umalis. Mabilis kong kinawayan sila at
tinungo ko na ang hagdanan namin.
Pababa na ako sa
hagdanan noon nang biglang hinabol ako ni tatay. Hidi bumibitaw si nanay noon
kay tatay dahil nga pilit niya itong pinipigilan. Nang makita kong aambaan ako
ng suntok ni tatay ay umilaw ako dahil kung hindi ay sa lakas niyon, maaring
mawalan ako ng panimbang at mahuhulog ako sa hagdanan. Ngunit sana hinayaan ko
na lang na mataaman ako at ako ang bumagsak. Nakita ko na lang si Nanay na
nakayakap kay tatay ang nawalan ng panimbang. Sinikap kong abutin si nanay
ngunit dahil sa dala kong bag at bilis ng mga pangyayari ay hindi ko nagawang
saklolohan pa siya. Tumama ang ulo ni nanay sa gilid ng semento. Kitang-kita ko
ang masaganang dugo na umagos sa aming sahig. Lahat kami ay natigilan na parang
sandaling tumigil ang pag-inog n gaming mundo. Ilang sandali ay parang lahat ay
gusto nang liparin pababa sa hagdanan para tulungan si nanay.
Ako ang unang nakalapit
kay nanay. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nakita kong nahihirapan na si
nanay at may luhang bumagtas sa gilid ng kaniyang mga mata.
“Umalis ka na anak. May address at telephone
number si lolo mo diyan sa likod ng TV. Puntahan mo na lang muna siya.” Hirap
na bilin ni nanay sa akin. Nakita kong may dugong lumabas sa kaniyang ilong at
gilid ng kaniyang labi. Sa hulinbg sandali ay kaligtasan ko parin ang kaniyang
iniisip.
“Nay, di po ako aalis
na ganyan kayo. Hindi ko po kayo maiiwan. Sorry ‘Nay, pati kayo nadamay.”
Humahagulgol na ako. Kaya kong pagtiisan ang mga pananakit ni tatay sa akin.
Hinding-hindi ako mapapahagulgol ng kaniyang mga suntok at sipa ngunit hindi ko
kakayaning makita si nanay na nasa ganoong kalagayan. Napakabigat sa dibdib
kong makita na pati siya ay nadadamay sa mga pananakit ni tatay sa akin.
Tanging malakas na pag-iyak ang magawa ko para mailabas ang sakit ng loob na
nararamdaman ko.
“Buwisit ka! Wala
kang magagawa pa dito bakla ka kaya lumayas ka na. Malas ka sa buhay namin.”
singhal ni tatay sa akin. Itinulak niya ako palayo ngunit hindi ako nagpatinag.
Sa tuwing itinutulak niya ako ay pilit parin akong lumalapit kay nanay. Saktan
na niya ako ngunit hindi niya ako mapapaalis sa tabi ng ina ko.
“U-malis ka na anak.
Kunin mo yung address ng lolo mo… bi-bilisan mo…” paanas na pakiusap ni nanay sa akin. Nakita
ko sa mga mata ni nana yang masidhing pakiusap kaya kahit hindi ko siya gustong
iwan ay sinunod ko ang kagustuhan niya. Pagkakuha ko sa address na sinabi niya
ay tinungo ko ang pintuan.
“Please Leny… lumaban ka. Kailangan ka namin
ng mga bata. Please…” narinig kong pakiusap ni tatay ngunit minabuti kong
lumabas na lamang sa bahay.
“Ayos ka lang?” si
Ronald. Hindi pa pala siya umaalis. Niyakap niya ako. Dahil doon ay hindi ko na
napigilan ang sarili kong hindi mapahagulgol.
“Si nanay, bhie. baka
anong mangyari kay nanay.” Humihikbi ako.
“Bakit? Anong
nangyari sa nanay mo?”
“Nahulog siya sa
hagdan. Nabagok ang ulo sa semento. Duguan at nahihirapan na kaninang umalis
ako. Hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong
makasiguro muna na magiging okey siya bago ako aalis dito.”
“Aalis? Bakit?”
Naguguluhang tanong niya.
“Pinalayas na ako ni
tatay. Tinatakwil na niya ako.”
“Kasalanan ko ang
lahat kung bakit nangyayari sa iyo ito bhie. Kung sana hindi ako naging mapilit
na sa bahay ninyo ako matutulog ngayon, sana naiwanan nating mangyari ito.”
“Wala kang kasalanan
bhie. Ako ang dapat sisihin sa lahat. Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad
ang aking sarili kung may masamang mangyari kay nanay dahil sa akin.”
“Tara na muna sa
bahay. Doon ka na muna magpalipas ng gabi at bukas makibalita tayo sa nangyari
sa nanay mo.”
Pagdating namin sa
bahay nila ay pinagbuksan kami ng mama niya. Nakita kong nagulat ang mama niya
sa nakita niyang kagayan ko.
“Anong nangyari
sa’yo” aligagang tanong ng mama ni Ronald.
Hidni ako nagsalita
ngunit sinuklian ko ng mapait na ngiti ang tanong na iyon.
“Ma, palinis nga ang
sugat niya at puwede ba dito muna siya ng kahit ilang araw kasi nagkakagulo sa
kanila?”
“Ano bang nangyari kasi?” kay Ronald na siya
nagtatanong.
“Ma, saka na
pag-usapan ha?”
“Sige.”
Napabuntong-hininga. “Sandali at kukuha ako ng panlinis natin diyan sa mga
sugat mo sa mukha.”
Pagkatapos mahugasan
ng mama ni Ronald ang aking sugat sa mukha ay nagpahinga na kami sa kuwarto
niya. Buong gabi akong hindi nakatulog at alam kong ganoon din si Ronald. Panay
ang yakap niya sa akin at suklay niya sa aking buhok. Ako naman ay kusang napapaluha.
Sa tuwing nararamdaman niyang umiiyak ako ay masuyo niyang pinupunasan ang
aking luha at muli niya akong hahalikan sa noo saka niya susuklayin ang aking
buhok. Alam kong awing-awa siya sa pinagdadaanan ko. Nakokonsensiya daw siya.
“Sana hindi na lang
kita niligawan kung ganito din lang na nahihirapan ka. Sana hindi na lang
naging tayo kasi hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan.” Paanas niyang
sinabi at hinalikan ako sa noo.
Hindi ako sumagot
dahil abala ang isip ko sa kalagayan ni nanay. Ngunit alam kong alam niya na
hindi ko siya sinisisi sa mga nangyari. Mahal ko siya at kahit kailan hindi ko
pagsisisihan ang maging bahagi siya ng buhay ko.
Kinabukasan ay
sinamahan ako ni Ronald na pumunta sa bahay ngunit minabuti niyang huwag na
lang tumuloy. Habang naglalakad kami papunta sa bahay ay nakasalubong ko si
Xian.
“Kuya, condolence
po.”
Nangilid na agad ang
luha ko sa narinig kong sinabi niya. Hindi pa din ako makapaniwala.
“Magsabi ka lang kuya
kung may maitutulong ako.” muli niyang dinugtong.
Hindi ko na siya
pinansin. Mabilis kong tinungo ang bahay. Maraming tao sa paligid namin at
naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Mabilis kong tinungo ang kabaong
ni mama ngunit hindi pa ako nakakalapit ay sinalubong na ako agad ng galit na
galit na si James.
“Ikaw ang dahilan
kung bakit namatay si Nanay! Ang kabaklaan mo ang dahilan kung bakit siya
nabawian ng buhay. Wala kang karapatang lumapit pa sa amin, hayop ka! Umalis ka
dito! Umalis ka dito dahil baka makalimutan kong kuya kita!” Paninigaw niya sa
akin.
“James, hindi ko
sinasadya. Patawarin mo ako. Hindi ko gustong mangyari it okay nanay.” Pakiusap
ko. Humahagulgol ako.
“Wala ng silbi pa ang
mga sinasabi mo. Hindi na niya niyan maibabalik ang buhay ni nanay! Umalis ka
na! Salot ka! Umalis ka na!” mas malakas na sigaw niya.
Ilang sandali pa ay
nakita ko na si tatay na may hawak na patalim. Palapit siya sa akin.
“Papatayin ka ni
tatay kaya kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na kuya! Bilis!” tinulak ako
ni James. Napaupo ako sa lakas ng pagkakatulak niyang iyon. Ilang dipa na lang
ang layo ni papa sa akin at nang nahimasmasan ako ay kumaripas na ako ng takbo.
Dinaanan ko na muna
si Ronald na naghihintay sa akin kausap si Xian. Nang alam kong hindi na
nakasunod si tatay ay tinagalan namin ang paglalakad.
“Kuya, kung may
maitutulong ako huwag kang mahiyang lumapit sa akin ha?” si Xian. Alam kong
napakabait na kabigan ni James si Xian. Nakita ko siyang lumaki kasabay ng
kapatid ko.
Kahit noong libing na
ay hindi parin ako pinagbigyan ng kapatid at tatay ko na lumapit kay nanay.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko noon. Sobrang parang binagsakan ako ng langit
at hindi makahinga sa sobrang pagkakadagan sa akin ng mundo. Walang tigil ang
aking pag-iyak. Walang sawa akong inalalayan ni Ronald. Hindi ako makakain,
hindi makatulog at tanging si nana yang parang nakikita ko. Sa libing ay
tahimik akong sumilip sa huling hantungan ni nanay. Nakita ako ni James ngunit
tinataguan ko si tatay. Natatakot kasi ako sa maaari niyang gawin sa akin.
Nakihagulgol din ako sa paghagulgol ng pamilya ko kahit malayo ako. Nasa tabi
ni James si Xian ngunit alam kong hindi siya napapansin ng kapatid ko.
Nakaakbay si Xian kay James at si Ronald naman sa akin. Nang wala ng naiwan sa
libingan ni nanay ay saka lang ako nakalapit pero hindi ko na nakita pa si
nanay. Ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit ko, ang paghihinagpis ko, ang lahat
lahat ng naipon emosyon sa dibdib ko. Sumisigaw ako. hunahagulgol hanggang sa
parang hindi ko na nakayanan pa ang lahat. Tuluyan nandilim ang paningin ko. Nang
mahimasmasan ako ay nakita ko si Ronald na napapaluhang nakatingin sa akin
habang nakaunan ako sa kaniyang hita. Naroon din si Xian na may hawak na tubig.
Nagpaalam ako kay nanay. Susundin ko ang bilin niya sa akin. Nangako ako sa
libingan niya na kahit ganoon ang nangyari sa aming pamilya ay gusto kong
maipagmamalaki nila akong balang araw. Masakit ang magmove-on lalo na’t alam
kong ako ang isa sa mga dahilan ng kaniyang pagkamatay ngunit kailangan kong
magpatuloy sa buhay.
Kinagabihan no’n ay
hinatid ako nina Ronald at Xian sa Cubao. Doon kasi ang sakayan ko pauwi sa
Cagayan. Naroon ang address ni Lolo. Ang lolo kong hindi ko pa nakikilala.
“Sigurado ka ayaw
mong samahan kita?” pakiusap ni Ronald. Maghapon na niya ako pinapakiusapan na
samahan niya ako sa biyahe ko ngunit iniisip ko din kasi na magpapasukan na
muli sa susunod na Linggo. Isa pa, hindi ko alam kung kakasya ang pera ko na
galing din sa kaniya. Walang-wala akong pera. Mabuti at may naiwan pa siyang
pera kaya iyon ang ginamit kong pamasahe pauwi ng probinsiya.
“Ayos na ako. Huwag
kang mag-alala, bibisitahin kita tuwing bakasyon dito sa Manila.” Yakap kong
paalam sa kaniya.
“Mahal na mahal kita
bhie. Behave ka doon ha? Mamimiss kita ng sobra?” paanas niyang sinabi sa akin.
“Pangako po. Ikaw na lalo
dito. Magbebehave ka ha?” sagot ko at kumalas na ako ng yakap sa kaniya.
“Ingat ka sa biyahe
kuya.” Si Xian. Niyakap din niya ako at naramdaman kong may ipinabulsa siya sa
akin.
“Salamat Xian. Ikaw
na muna bahala sa kapatid ko ha?” bilin ko sa kaniya.
Napaluha ako nang
pasakay na ako ng bus. Papasok na sana ako ngunit parang may pumipigil sa akin.
Mabilis akong bumaba at muling niyakap si Ronald.
“Bhie, sana kayanin
natin ang pagkakalayo nating ito.” Umiiyak na ako.
“Hihintayin kong
pagbisita mo bhie.” sagot niya. “Sige na at baka maiwanan ka ng bus.”
Nang umalis ang bus
namin ay pinagmasdan ko si Ronald mula sa bintana ng bus. Kumakaway sila ni
Xian. Mas madaming luha ang bumagtas sa aking pisngi.
“Panyo?” wika ng katabi
ko. Sa tantiya ko ay mas matanda sa akin ng limang taon hanggang sampung taon.
Guwapo. Hindi lang pala guwapo. Sobrang guwapo.
“Salamat po.” Hinanap
ko ang panyo ko ngunit hindi ko mahanap sa bulsa ko. Imbes na panyo ay 1,500
pesos ang nakita ko sa bulsa ko. Iyon siguro ang ipinabulsa ni Xian sa akin
kanina. Nag-abala pang mag-abot ng pera. Napakabait talaga niyang bata.
“Wala ka yatang
panyo. Gamitin mo na muna ito. Huwag ka ng malungkot at umiyak, magkikita pa
kayo ng iniwan mo.”
Napakunot ako ng noo
sa sinabi niya. Alam niya?
“Ganyan na ganyan din
ang nararamdaman ko noong huling nagkita kami ni Rhon. Masasanay ka din.”
Pagpapatuloy niya.
Rhon? Napangiti ako.
PLU pala siya.
“Etong panyo ko. Wala
akong sakit kaya gamitin mo na muna.”
“Salamat kuya.” Sagot
ko.
“Huwag mo na akong
kuyain para hindi ako nagmumukhang matanda. Tawagin mo na lang ako ng pangalan
ko, Aris.”
“Salamat kuya… este
Aris pala.”
No comments:
Post a Comment