Sunday, February 3, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 11

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 11"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth

**author's note: Ito ay karugtong ng A.P.P. kaya't upang lubos na maunawaan ang kwento, basahin po muna ang "Ang Patagong Pagmamahalan ( pt.1-10 )" Salamat po.

Masakit kapag inagaw ng iba ang taong mahal mo...

Masakit din ang iwanan ka ng taong mahal mo...

At mas masakit ang tanggapin ang katotohanan na kahit na alam ninyong mahal ninyo ang isa't isa, ang mismong tandhana na mismo ang gumagawa ng paraan para paghiwalayin kayo...

Pero kung mahal talaga ninyo ang isa't isa... Hindi kailan man magiging balakid ang layo ng distansya... At kahit na anong uri pa ng balakid ang dumating... hinding hindi noon babaguhin ang nararamdaman ninyo para sa isa't isa... kahit pa patago ang pagmamahalan ninyong dalawa.




*********

ILANG taon narin mula noong umalis si Ryan. Simula sa raw na iyon, wala na akong balita na natanggap mula sa kaniya.

Ibinaleng ko ang sarili ko sa Pag-aaral. Sa huling bakasyon ng aking pagaaral sa kolehiyo ay bumalik ako sa amin.

Nakakalungkot isipin na bumabalik ako sa amin na wala ng Ryan na sumasalubong sa akin. Wala ng lalaking kumakatok sa bintana ng kwarto ko, wala ng lalaking bibisita tuwing umaga ay mag-aaya sa akin lumabas. At wala narin lalaking sumasabay sa aking pumunta sa lambak, wala ng lalaking sasama sa akin doon at magpapaabot ng dilim.

Dahil malayo na ang lalaking umukit ng pangalan namin sa puno noong masaya kaming dalawa at tila walang problema.

Ang lahat ay nalipasan na ng panahon, ang lahat ay nabago na.

"Mama, siguro sa Maynila na ako maninirahan kapag ka graduate ko. Doon narin ako maghahanap ng trabaho." nakangiting sabi ko sa magulang ko habang sabay sabay kaming kumain ng hapunan.

"Sigurado kaba diyan? Kasi diba halos dito kana lumaki, kayong dalawa ni Ryan. Tapos mas pipiliin mong dumuon nalang." Sabi niya. Naalala ko nanaman si Ryan.

"Ano kasi Ma, mas maganda ang opurtunidad sa Maynila, mas magandang magtrabaho doon." Sagot ko naman.

"Ikaw bahala, kaya lang naman doon ka namin pinag-aral ng Papa mo dahil 5 taon ang kontrata ni Papa mo doon. At isang taon nalang ang kontrata ng papa mo doon. Wala ng dahilan para bumalik kami doon, kakayanin mo bang mag-isa doon?"sabi ni Mama. Sa construction kasi nagtatrabaho ang Papa, isa siyang Foreman.

"Opo naman Ma. May edad na din naman ako, para masanay na din akong mapag-isa." Sabi ko, Tapos sumubo ako ng pagkain.

"Sige anak, ikaw bahala, pero dapat uuwi uwi ka padin dito ha." Sabi naman ni Papa.

"Opo naman." Nakangiting sabi ko.

So ganoon na nga ang aking ginawa.

Noong makagraduate ako, namalagi parin ako sa bahay na tinutulyan namin. Hindi na ako umalis doon dahil nadin noong nakahanap ako ng trabaho ay malapit lang iyon sa bahay. Isa pa, kahit na sabihin kong hindi ako palalabas, madami narin akong kakilala sa lugar na iyon. Parang naging ikalawang tahanan ko na din talaga iyon.


AFTER 3 YEARS...

Ganoon kabilis ang pagpalit ng taon, 24 na ako. At malamang, 25 na si Ryan. Kahit na ganoon katagal ang lumipas na taon siya parin ang iniisip ko, siya parin ang laman ng puso ko, kasama parin siya sa mga prayers ko.

Hindi na ako nasasaktan o umiiyak sa gabi, siguro dahil natanggap ko na malayo na talaga siya sa akin at hindi na maaring maging kami pa, wala pa rin akong balita na sa kaniya, pero laging kong ipinagdarasal na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.


Isang araw habang nabili ako ng pandesal sa isang karenderya na hindi kalayuan sa bahay na tinutulyan ko ay may tumawag sa pangalan ko.


"Myk..." Hindi ko pa man nililingon kong sino iyon, pero hinding hindi ko malilimutan ang boses na iyon, hindi kailanman.

Paglingon ko, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kung nananaginip nanaman ba ako o totoo.

"Hi." nakangiting sabi niya at inangat ng bahagya ang kaniyang kamay, may mga dala siyang bags. Nakajacket siya, nakasuot ng bonet, beard and stubbled, mas gumanda ang hubog ng kaniyang katawan. Siguro kung isang beses ko lang siya nakita noon, malamang hindi ko na siya makikilala.

Ang pakiramdam na, gusto ko siyang lapitan, yakapin, halikan, sabik na sabik ako sa kaniya..

"Ryan?" paninigurado ko.

"Yeah, It's me. So how are you?" sabi niya.

"I'm fine." Sagot ko. Parang nakaramdam ako ng pagkahiya sa kaniya. Hindi ko alam, pero, nasasabik ako sa kaniya.

"So, tatayo nalang tayo dito?" Nakangiti niyang sabi.

Na-out-from-space na kasi ako noong muli ko siyang nakita.

"I'm sorry.Tara sa bahay." sabi ko. Noong naglalakad kami pabalik sa bahay, halos hindi ako makadikit sa kaniya, hindi ako makapagsalita, nahihiya talaga ako. Laki ng pinagbago niya sa katawan niya.

Pagpasok namin sa bahay, ay pinalapag ko muna sa kaniya ang dala niyang bags sa gilid. Pinaupo ko siya sa sala.

"Anong gusto mong maiinom? kapi? hmmm... siguro juice nalang, kasi iyon ang iniinom doon sa states diba?" Sabi ko, natataranta ako noon, nakatingin lang siya sa akin. Pinagmamasdan niya ako.

Tapos dinala ko sa kaniya ang tinimpla kong juice at inihandaan ko siya ng pandesal sa plato at palaman.

Tapos, parang balisa ako na hindi ko maunawaan.

"Magbibihis lang ako, kumain ka na diyan." Paalam ko, paano kasi, naka-sando lang ako at shorts.

Tapos hinawakan niya ako sa braso.

"Hindi na kailangan, dito kalang sa tabi ko, tsaka bakit ba parang kinakabahan ka? ayaw mo ba akong makita?" Sabi niya. Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. At napaupo na ako ulit.

"Hindi ko kasi inaasahan ito Ryan, hindi ko alam, pero parang kinakabahan ako." Sabi ko. Hinawakan niya ang palad ko, ang mga hawak na iyon, sabik na sabik akong muling madama iyon.

"Huwag kang kabahan. May iba ka na ba?" Agad niyang tanong...

Umiling ako..

"Tara nga dito sa tabi ko..." Sabi niya. Lumapit naman ako, inakbayan niya ako. "Miss na miss na kita, sobrang nasasabik na akong muli kang makita Myk. I've waited for a long time just to see you again. Because i still love you.. do you still love me?" Tanong niya...

Yumuko ako, nahihiya parin ako.. "Oo, i still love you, sinabi ko naman sa iyo na ikaw lang ang mamahalin ko." Sagot ko.

"Then kiss me again. Ayaw ko na naririnig ko lang, gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo parin sa akin.." Nakatingin siya sa akin, napatingin ako sa labi niya.

Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya.

Pagkalipas ng napakaraming taon, muli ay parang bumalik ang mga masasayang araw na kasama ko siya noon. Muli kong nadampian ang mga labi ni Ryan.

At noong inilayo niya ang kaniyang labi at pumatak ang luha ko. Siguro sa saya.

"Bumalik ka." Mahina kong pagkakasabi.

"Para sa iyo.." Sabi niya. At niyakap ko siya. Kagaya ng yakap ko sa kaniya noon.

"Miss na miss na kita!!!" Hindi ko na pingilan pa ang unay luha lang. Iniyak ko na iyon. Niyakap niya ako na parang kahapon lang siya nawala.

"I miss you every hour, every minute, every second and each beat of heart...i still love you Myk. Hindi ako makapaniwala na nandito ako, nanakausap ka, kayakap ka."

"I never stop loving you Ryan. I never did. Minahal kita mula noong naramdaman ko sa iyo ito noon, mas minahal kita noong tinanggap mo ako at patuloy kitang minamahal kahit na malayo ka sa piling ko." Walang tigil ang aking luha sa pagdaloy mula sa aking mata patungo sa aking pisngi.

Hindi na namin inaksaya pa ang bawat segundong tumatakbo sa oras. nag-alab ang aming mga damdamin sa muli naming pagkikita.

Namalayan ko nalang na kapwa na kami walang saplot at hinahalikan niya ang aking leeg habang nakapatong siya sa akin.

Sobrang nasabik akong muli sa kaniyang mga halpos. At sa isang sandali pa ay narating naming ang dulo ng nag-iinit naming pagnanasa sa isa't isa.


"What brings you back you here?" Tanong ko sa kaniya.

"Business meeting with the deligates. Kaya, magtatagal ako dito ng ilang Linggo, kaya ilang araw at gabi din kitang makakasama." Nakangiting sabi niya. Nakahiga ako sa kaniyang braso habang hinahaplos ko ang kaniyang katawan.

"Kamusta kana dito?" Tanong niya sa akin.

"Medyo busy-busy na din ako dito, isang simpleng assistant lang ako before ng isang company, i was promoted, although.. assistant padin naman, but now i am an excutuve assistant to the CEO. Medyo nakakapagod ang trabaho ko, pero okay naman, nageenjoy naman ako sa company ni Sir. Ikaw? Kamusta ka?" tanong ko.

"Hmmm.. doon ako nag-aral sa ibang bansa, then after i graduated, ako na pinahawak ni Papa, iyong papa ni Hermi sa isang commercial company. Kasosyo ni Papa ang kapatid niya na isa naring American citizen noon pa naman bago kami dumating doon."

"Mukhang malaking company pala ang hinahawakan mo uh. Hmm, kamusta na anak mo?"

"Tama lang naman, hmmm. dalawa na anak ko ngayon. Babae ang naging bunso namin ni Herminia. Gladys ang pinangalan namin."

Maraming naikwento sa akin noon si Ryan. Tila kulang ang isang araw para maikwento namin sa isat isa ang lahat ng masasayang sandali na hindi namin nakikita ang isa't isa.

Naging masaya ang mga bawat sandali na inilagi ni Ryan sa Pilipinas. Pero, kinailangan parin niyang bumalik ibang bansa dahil limitado lang ang araw na pamamalagi niya dito.


Meron siyang sinabi na pinanghawakan ko.


"Babalik ako sa susunod na taon. Hintayin mo lang ako." Hinatid ko siya noon sa paliparan. Alam kong mali ang ginagawa namin pero iyon lang ang paraan upang muli naming suklian ang mga araw at panahong nasayang sa amin.

Sa pagkakataon iyon, hindi ako umiyak. Naniniwala akong babalik siya at muli kaming magkikita.


Kailangan ko lang maghintay ng ilang araw, linggo, buwan... sandali lang naman iyon. Pero sana nga, sandali lang iyon.

No comments:

Post a Comment