Sunday, February 3, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan FINALE

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt.19"
---Ikalawang Yugto---
---Ang Pamamaalam---
By. Iam Kenth

Bigla kong naitanong sa aking sarili. Huli na ba talaga ang lahat para sa aming dalawa?

Mula sa araw na iyon, ayaw ko ng makarinig pa ng kung anong balita pa. Ayaw kong madinig mula sa kanila o kung kanino man na wala na si Ryan. Na wala na ang taong mahal ko.

Umuwi ako sa amin at hindi ko mapigilan ang patuloy na pagdaloy ng luha ko sa aking mga mata. Hindi pa akong handang mawala si Ryan.

Nagsisi ako dahil wala ako sa tabi niya noong mga sandaling alam kong tinatawag niya ang pangalan ko.

Sinalubong ako ng aking mga magulang at agad nila akong niyakap.

"Bakit po kung sino pa ang taong mahal natin sila pa itong nawawala, ano po ba ang nagawa kong mali at ginaganito ako ng tadhana, naging mabuting anak naman po ako, naging mabuting tao. pero bakit kailangan mangyari sa akin ito? ang sakit sakit po." Patuloy ang aking pag-iyak.

"May dahilan ang Diyos anak, maging matatag ka." Sabi sa akin ni Papa.



Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari. Lumipas ang mga araw pero wala akong nakitang Ryan na ibinalik, nasabi sa akin ni Mama na nasa ibang bansa daw si Ryan. Dahil doon daw siya dinala kaagad noon gabing inatake siya ng sobrang pananakit.

"Tama na Ma. Ayaw ko ng marinig pa ang mga susunod na sasabihin nyo po, hindi pa ako handang tanggapin na wala na si Ryan." Lumuha ako. Niyakap akong muli ni Mama.

Umakyat ako sa kwarto ko. Kinuha ko sa kabinet ko ang ginamit na tshirt ni Ryan at niyakap ko iyon. Halos matuyo na ang aking mga mata sa kakaiyak. Pakiramdam ko, kahit na napakaraming luha na ang nawala sa akin ay hindi parin naiibsan ang sakit na aking nararamdaman.


Patuloy ang pagpalit ng mga araw.


Hanggang sa nagdesisyon akong bumalik na ng Manila. Nabalitaan ko nagpuntahan sa ibang bansa ang buong Pamilya ni Ryan. Nalaman ko kasi na doon pala inilibing ang mga labi ng Papa ni Herminia.


Noong bumalik ako sa Manila. Meron akong isang sulat na nakita sa pintuan. Matagal na ang sulat na iyon. Bago pa ako umuwi ng Probinsya.

Galing iyon kay Ryan. Binasa ko iyon...

"Mahal ko, sulat ko pa ito, ayaw kong mag-alala ka sa akin kaya hindi muna ako tumawag o sumusulat sa iyo, pero sabi ko kay Hernan. Kung hindi man na ako aabot sa Pilipinas ay ipadala sa iyo ang sulat ko na ito.

Mahal na mahal kita, at nagpapasalamat ako sa pagmamahal na binigay mo sa akin. Nakakainis nga lang kasi hindi umayon sa atin ang takbo ng pagkakataon.

Noong sinabi mo sa aking mahal mo ako ay umalis kanaman upang tumungo ng Manila. Noong time naman na matatapos kana sa pag-aaral ay nagbunga naman ang pagsiping ko kay Herminia at nagkahiwalay naman tayo noong pumunta na kami dito sa America at dito nanirahan. Noong time na handa na akong kunin ka, samahan ka, tsaka ko naman nalaman na malala na pala itong sakit ko na dati ay akala ko ay simpleng pananakit lang ng ulo ko. nakakainis kasi, gusto pa kitang makasama. ang dami dami ko pang pagkukulang sa iyo. Pero, sa tingin ko... hindi ko na mabubunuan pa iyon. Pero lagi mong tatandaan mahal na mahal na mahal na mahal ka ng kababata mo, mahal na mahal ka ni Ryan mo, mahal na mahal kita.

Ano ba yan, naiiyak ako habang sinusulat ko ang sulat na ito, napatakan na nga ng luha ko itong papel na sinusulatan ko.

Basta, magpakatatag ka lagi. Mawala man ako, pero asahan mo na lagi kitang gagabayan, babantayan. Alam kong matatakutin ka pero... huwag kang mag-alala hindi naman kita tatakutin. Hehe.

Pero, salamat sa walang sawang pagmamahal mo na ibinigay mo sa akin, kung magkakataon na may taong magmamahal sa iyo ng higit sa pagmamahal na bnigay ko sa iyo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, dahil gusto kong maging masaya ka parin.


Mahal na mahal kita, at hinding hindi ako magsasawang sabihin sa iyo namahal na mahal kita. alagaan mo ang sarili mo, baka kasi habang binabasa mo itong sulat ko eh, baka wala na ako. Oh,huwag kang umiyak ha? Be strong like a real Myk na kilala ko, alam kong iyakin ka pero sa pagkakataon ito ayaw ko na iiyak ka.

Hindi man ito ang pagkakataon para sa ating dalawa, malay mo sa kabilang buhay o sa susunod na buhay magtagpo muli tayong dalawa.

Oh basta, iingatan mo ang sarili mo, aalagaan mo ang sarili mo lagi. Magdadasal ka araw araw, gabi gabi. Mahal na mahal kita.

Hanggang dito nalang siguro, madami pa akong gustong sabihin pero sa halip na ikwento ko pa ang lahat sasabihin ko nalang na mahal na mahal kita. Mahal na mahal.



Love, Ryan.


P.S. oo nga pala, meron akong record tape na ginawa, pasensya na kung pangit ang boses ko, alam mo namang hindi ako singer diba? Mga kanta ko para sa iyo ang mga nirecord ko. I love you Myk. I will always love you."


Kinuha ko ang casette at pinatugtog ko ang tape.

Buhay na buhay si Ryan sa record na iyon.

Paulit ulit niyang sinasabi sa tape kung gaano niya ako kamahal. Walang sawang paulit ulit kong pinatugtog ang tape na iyon. Hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko.




Lumipas ang mga araw, gabi at buwan. Unti-unti ay natatanggap ko na wala na si Ryan. Bumalik na ako noon sa aking pinagtatrabahuan at bumalik na din ang dati kong sigla. Napansin iyon ng lahat.

Bumalik ang dati kong ngiti, ang dating ako. At kung nasaan man si Ryan alam kong magiging masaya siya sa akin.


Paglipas ng isang taon ay bumalik na ako noon sa amin.

Nalaman ko din na wala na doon ang Pamilya ni Ryan at sa ibang bansa na sila nanirahan.


Masaya na nakita nila Mama at Papa na okay na ako ulit, pero may mga gabi na nalulungkot padin ako sa tuwing naalala ko si Ryan at sa tuwing tumitingin ako sa bituin naming dalawa.


Nagstayed ako doon ng ilang araw upang balikan ang mga lugar na pinuntahan namin ni Ryan noon. Mga lugar na naging saksi sa paglaki naming dalawa at naging saksi sa aming pagmamahalan.



Bumalik ako noon sa lambak sa huling pagkakataon. Hinaplos ko ang pangalan namin ni Ryan na nakaukit sa puno na nandoon parin kahit pa ilang dekada na ang lumipas.


Pinagmasdan ko ang kapaligiran at gumuhit sa labi ko ang ngiti habang pinagmamasdan ko iyon.


At biglang humangin ng malakas na tila may yumakap sa aking likuran.


"Myk..." Bulong sa akin na dala ng hangin. Dinig na dinig ko iyon. At hindi ako maaring magkamali sa boses na iyon.

Naramdaman kong mula sa aking likuran ay may lumalapit.

Nadama ko na may mga kamay na gumapang sa aking  mga braso at yumakap sa akin.

"I miss you so much..." Bulong niyang muli sa akin habang damang dama ko ang mga yakap na iyon.

Mainit ang mga brasong nakapalibot sa akin mula sa aking likuran. Damang dama ko ang init ng hininga na lumalabas sa kaniya na dumadampi sa aking batok.

"Ryan..." Hindi muna ako lumingon, dinama ko ang mga yakap sa aking ng taong yumayakap sa akin.

"Yes, it's me..." sabi niya.

Bumilis ang tibok ng aking puso na hindi ko maipaliwanag. Dahan dahan akong humarap sa taong nasa likuran ko.

At siya nga iyon.

Si Ryan.

"Buhay ka..." Sabi ko.

"Yes, i am.. at nandito ako para ipagpatuloy natin ang pagmamahalan nating dalawa." Nakangiti niyang sinabi.

"Pero-- akala ko, wala ka na..." Sabi ko.

"I'm almost dead. nagpasya akong bumalik ng America para ipagpatuloy ang operasyon. Dahil iyon nalang ang natitirang paraan na maari kong subukin para madagdagan ang buhay ko, it's a matter of life and death. Noong magkasama tayo dito, damang dama ko na ayaw mo pa akong mawala, kaya nilakasan ko ang loob ko, pinagpatuloy ko ang operasyon kahit na alam kong walang kasiguraduhan kung gigising pa ba ako o hindi. But it's a miracle after a months pagkatapos ng operasyon ay gumising ako. I thought i was in heaven, but when i saw my son and daughter's faces. I thank God for giving me another chance to live, and i thought of you. Hindi ako agad nakabalik dito para makita ka, nagpalakas muna ako dahil mas gusto kong makita mo ako na malakas ulit. At ngayon nga ay okay na okay na ako. Bumalik ako para sa iyo." Sabi niya sa akin habang yakap yakap nya ako.

Iniisip ko na isa lamang iyong panaginip. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, pero nadama kong dumampi ang labi niya sa labi ko. Minulat ko ang mata ko at siya parin ang nakikita ko.

Biglang tumulo ang luha ko at muli ay niyakap ko si Ryan ng pagkahigpit higpit.

"Mahal na mahal kita Ryan!" Umiiyak na pagkasabi ko.

Pinunasan niya ang luha ako at muli akong hinalikan.


"Mahal na mahal din kita Myk." Sagot niya.


At mula sa kinatatayuan namin. At nagpalit ang liwanag at dilim. Naglabasan ang mga bituin sa kalangitan. At dumampi sa aming katawan ang lamig ng simoy ng hangin.


Mahal na mahal ko si Ryan at ganun din siya sa akin.


Nakadama ako ng matinding kaginhawaan at sobrang kaligayahan.


At sa pagkakataong ito, sa pagbalik ni Ryan sa akin. Wala ng patagong pagmamahalan. Dahil handa na kaming ipakita sa lahat na tunay kaming nagmamahalan at walang sinuman ang makapipigil pa sa amin.





At tanging kamatayan nalang ang maghihiwalay sa aming dalawa.










----WAKAS-----

No comments:

Post a Comment