By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Ang Patagong
Pagmamahalan pt. 13"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth
Sumunod na taon.
Muling bumalik si Ryan kagaya ng kaniyang pinangako.
At sa tuwing
magkikita kami, parang kahapon lang ang pagitan noong huli kaming nagkahiwalay.
Wala kaming
sinasayang na oras sa tuwing magkasama kaming dalawa.
Kagaya noong
ipinangako ko sa kaniya noon. Ililibot ko siya sa KaMaynilaan, sa mga lugar na
napuntahan ko na.
Dalawang Linggo
siyang mamalagi sa Manila noon. Unang Linggo ay magkasama kaming dalawa. At ang
sumunod na Linggo ay umuwi siya sa probinsiya upang bisitahin ang lugar namin.
Pinilit niya akong sumama sa kaniya ngunit para makaiwas sa mga mata ni
Herminia sa aming lugar ay minarapat ko nalang na magpaiwan.
Eroplano naman ang
kaniyang sinakyan kaya madali siyang nakarating doon.
Kinaumagahan, ay
bumalik din kaagad siya sa Manila. Sa bahay.
"Oh bakit
nandito kana kaagad?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto sa kaniya, madaling
araw pa iyon.
"Hindi ko kayang
hindi ka makita gayung nandito lang ako sa bansa natin, kaya minabuti kong
bumalik na kaagad dito. Para makasama ka, ilang araw lang tayong nagsasama sa
loob ng isang taon. At ayaw kong aksayahin iyon ng hindi ka kasama." Sabi
niya. Humawak sya sa beywang ko. Dumkit sa akin at humalik sa aking labi.
Tapos bigla siyang
parang nahilo.
"Oh okay
kalang?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, nahilo lang
ako sa biyahe, hindi rin kasi nakapagpahinga doon. Naglakad lakad kami sa bayan
nila Papa. Tapos kumuha kaagad ako ng ticket pabalik dito sa iyo." Sabi
niya, pinaupo ko sya sa isang silya. Kumuha ako ng tubig at inabot ko sa kaniya
iyon.
"Sabi ko naman
sa iyo, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Okay? Dapat nagpahinga ka na muna
kasi." Kumuha ako ng isang silya at tinapat ko iyon sa kaniyan. Humawak
ako sa hita niya. Nakangiti siya sa akin.
"Opo. Namimiss
kasi kita kaagad eh. Kaya nagdesisyon akong bumalik kaagad dito."
"Ikaw talaga,
magpahinga ka muna sa kwarto." Hinawakan ko siya sa palad niya at itinayo
ko siya. Dinala ko siya sa kwarto at pinahiga. Dumapa ako habang ang nakatingin
ako sa kaniya, hinihimas niya ang buhok ko.
"Sumama ka na sa
akin sa ibang bansa." Sabi niya.
"Huh? Eh may
trabaho ako dito...atsaka, baka makita pa tayo doon ni Herminia, baka mapatay
na niya ako. Hehe" Sabi ko naman at nangisi ako.
"Itatago kita,
gusto ko na kasi kitang makasama. At kung makikita man niya tayo na magkasama,
kaya na kitang ipaglaban ngayon, siguro noon may takot pa ako sa Papa niya at
sa pamilya niya dahil siguro bata pa din talaga ako noon."
Tama siya doon, mga
bata pa kami noon. Kaya may takot padin kami sa mga ganung uri ng sitwasyon.
Hindi namin alam kung paano namin panghahawakan ang relasyon namin. Kaya mas
naging komplikado ngayon.
"Paano ang
Pamilya mo?" Tanong ko.
"May naipon na
din naman ako, siguro sapat na iyon para mapagpatayo ko siya ng business
nila... para sa ating dalawa." Sabi niya. at seryoso siya doon.
"pero.. paano
kung may gawing masama ang Pamilya ni Herminia sa pamilya mo, sa amin... sa
akin." Pag-aalala ko.
"..subukan lang
nilang kantihin ang pamilya ko, ako na mismo makakalaban nila, at subukan lang
nilang dampian ka nila ng kanilang mga kamay at hinding hindi ko sila
mapapatawad, at baka hindi nila magustuhan ang gagawin ko sa kanila."
Matalim ang kaniyang mga dila habang sinasabi nya iyon.
"Paano ang mga
anak mo." Tanong ko.
Bigla siyang
natahimik.
"Ayaw mo naman
sigurong lumaki ang mga bata na magulo ang kalalakihan nilang pamilya."
sabi ko.
"Well figure it
out," hinawakan niya ako sa aking mga palad. "...sumama ka na sa
akin. magsama na tayo ulit, ikaw ako. Tayong dalawa naman talaga dapat ang
magkasama diba?" Sabi niya.
"Paano ang buhay
ko dito? Paano ang trabaho ko dito, Ryan... gusto kitang makasama, alam mo yan,
pero...dito ako masaya sa bansa natin. nandito ang pamilya ko, dito ako
nabubuhay...." Sabi ko.
"So, ayaw mo
akong makasama?"
"Hindi---
hindi--- gustong gusto, kasu intindihin mo naman ako."
"Hindi kita
maintindihan Myk. Nagmamahalan tayo noon pa, ipaglalaban na kita ngayon pero
bakit parang natatakot ka parin ngayon? I'm always at your side no matter what
happen. Kung pwede lang akong bumalik na dito at dito na muling manirahan
kasama ka gagawin ko, pero inaalala ko ang mga anak ko. Kaya, sumama ka na sa
akin. Magiging masaya na tayong dalawa doon."
"Natatakot ako
Ryan."
"Bakit? kasama
mo ako."
"Hindi ko alam,
mahal kita, pero hindi ko kayang sumama sa iyo doon at ikukubli mo lang ako.
Mas gugustuhin ko pang hintayin kita dito taon taon, kesa magsama tayong dalawa
doon habang nagtatago lang ako, sa asawa mo."
"Ano ba itong
ginagawa na tin ngayon? diba nakakubli lang tayo? Gusto kitang makasama.
Pumayag ka na naman oh."
Hindi ako sumagot,
gusto kong sumama sa kaniya, pero ano nalang ang iisipin ng mga magulang ko.
Kung bigla bigla nalang akong mawawala. Hindi ko maaring sabihin sa kanilang
sasama ako kay Ryan dahil malamang sa hindi malalaman at malalaman iyon ni
Herminia.
Mas lalong magiging
komplikado ang lahat.
"Myk.. I'm
sorry. Hindi dapat kita pinipilit sa ganitong paraan. Sorry, sarili ko lang
insip ko. Basta, kung handa ka nang makasama ako, sabihin mo lang. ako mismo
ang susundo sa iyo dito." Tapos hinila niya ako. at niyakap.
"Mahal na mahal
kita Ryan. Masaya ako at nakakasama kita."
"Ganun din
ako."
Nagkasundo kaming
dalawa na pag-iisipan namin maigi ang aming pinaplanong pagsasamang dalawa.
Umalis siya, at noong
sumunod na taon ay bumalik siyang muli.
Pero iyong sumunod na
taon. Naghintay ako sa airport pero lumipas ang mahigit 10 oras ng aking paghihintay
ay wala akong nakitang Ryan na dumating.
Ilang buwan mula sa
araw na inaasahan kong dumating siya, ay nakatanggap ako ng sulat mula sa kniya
na nagkaroon ng problema sa Kampaniya nila kaya hindi siya nakapunta ng Manila.
Sumulat ako sa
kaniya.
"....Nilalakad
ko na ang mga passport ko, nakapagpaalam na akong ng leave kaya pwede na akong
makapunta diyan...." sabi ko sa sulat ko.
"...magandang
balita iyan, sige Myk.. ako naman ang maghihintay sa iyo dito..ako naman ang
magpapasyal sa iyo dito...maghahanap narin ako ng bahay na maari nating
pansamantalang tuluyan habang nandito ka....
....miss na miss na
kita Myk..." sabi niya sa sulat niya.
"...sige, hindi
na ako makapaghintay na makita ka ulit Ryan...mahal na mahal kita." Sabi
ko sa sulat ko.
Dumating ang araw ng
pagpunta ko sa bansang tinitirahan nila Ryan.
Habang nasa eroplano
ako ay nakakakadama ako ng kakaibang pananabik, una dahil makakarating ako sa
ibang bansa... at ikalawa ay makikita ko si Ryan.
At lumapag na nga ang
eroplano.
paglabas ko ng
eroplano nanibago ako sa lugar, sa mga tao, sa klima at sa asmospera ng lugar.
Pagbaba ako ng
escalator... nakita ko si Ryan na may hawak na card board na may na nakasulat
na...
"Myk...."
Napangiti ako.
binaliktad niya ang
card board na may nakaukit na puso.
Napangiti ako.
At muli kong nayakap
si Ryan noon.
No comments:
Post a Comment