By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta
-------------------------------------------
Clyde's
Point of View
-------------------------------------------
Iba siya. Nararamdaman ko ang
init at sarap ng pagtatalik. Parang sabay kaming sumasaliw sa kakaibang ritmo
ng sex. Nang hinalikan niya ako sa labi, dumaan sa aking leeg hanggang sa
masuyo niyang dinilaan ang aking dibdib na tumagal sa aking utong ay parang
tuluyan niyang sinakop ang aking pagsamba. Habang hinahaplos niya ang aking
buong katawan na parang dinadamdam niya ang bawat anggulo nito ay sinusuyod ng
kaniyang dila hanggang sa umabot ito doon. Parang sasabog ako sa sarap ng
kaniyang ginagawa nang parang ginawa niyang lollipop ang aking kargada.
Napapamura ako sa sarap. Nanginginig ang aking kalamnan at halos maputulan ako
ng hininga sa kakaiba nitong paghagod. Dahil hindi ako sanay na ako lang ang
pinaliligaya ay binago ko ang aking posisyon. Ako man din ay humaplos sa
maumbok niyang dibdib na bumaba sa medyo mabuhok niyang tiyan. Naglakbay ang
aking dila hanggang sa narrating nito ang pinamaselang bahagi ng kaniyang
kaligayahan. Nang isubo ko ito ay ramdam ko ang kakaiba nitong laki at nang
sinubukan kong isubo hanggang sa aking lalamunan ay halos mabilaukan ako.
Ginawa ko ang sarap ng ginagawa niya sa akin. Naramdaman ko ang paninigas ng
kaniyang binti at ang malalim niyang paghinga na katulad ko ay doon na lamang
nailalabas ang kakaibang nalalasap na kakaibang ritmo. At ilang sandali pa ay
sabay naming pinakawalan ang katas ng ligaya.
Hindi siya katulad ng
iba kong nakatalik na pagkatapos may mangyari ay saka magpaparinig ng mga gusto
niyang gamit. Hindi rin siya yung tipong pagkatapos ang kaligayahang
pinagsaluhan ay bigla kang tutulugan o biglang magbibihis at hindi na muli pang
magparamdam. Isang masarap na halik ang kinintal niya sa aking labi at mahigpit
na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap
niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking
pisngi. Hindi maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatitig siya sa aking mga
mata. Hindi siya nagsasalita ngunit dama ko ang ligaya niya. Dama ang pagiging
totoo ng kaniyang haplos sa aking katawan na katulad din niya ay tanging kumot
ang tanging nakabalot sa aming kahubdan.
“Hindi ako nagsisising nakilala
ka.” Seryoso niyang simula.
Matipid na ngiti ang isinukli ko.
Saka ko hinalikan muli ang kaniyang nag-aanyayang labi.
“Hindi ko sinasabing gusto kong
maging tayo agad ngayon dahil ayaw kong isipin mo na gagawin kitang instrument
para makalimutan ang dati kong pag-ibig.”
Magsasalita sana ako ngunit
nagpatuloy pa din siya.
“Alam kong iniisip
mong nalulungkot ako kaya ako narito sa tabi mo ngayon ngunit gusto ko lang
malaman mo na nagsisimula na akong nakakaramdam ng pag-asa. Mas mapadali ang
paglimot ko sa tulong mo.”
Tumbok niya ang sana
ay sasabihin ko. Natatakot kasi ako na baka dahil nalulungkot siya ay akala
niya mahal na niya ako dahil sa nangyari. At kung sakaling magtagal kami ay
maisip niyang hindi pala niya ako mahal kundi naging available lang ako nang
mga sandaling kailangan niya ng mapaglibangan. Minabuti kong hindi na muna
magsalita. Hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil ko saka ko muling hinalikan ang
kaniyang labi. Ngumiti siyang muli. Sinuklian niya ng haplos sa pisngi ko
hanggang sa masuyo niyang hinahaplos ang aking labi.
“Natatakot lang ako na tuluyan
akong mahulog ako sa iyo at ikaw naman ay hindi pa handang muling magmahal.
Gusto ko kasi kapag magmahal akong muli gusto ko yung panghabambuhay na… gusto
ko ay yung pangmatagalan na.” muling namutawi ng kaniyang labi.
“Lahat naman tayo gusto ng
ganun. Pero habang tayo ay naniniwalang may ganun ay hindi natin namamalayang
nahihigpitan nap ala natin ang ating mga kapareha. Dahil nga gusto natin siya
lang at wala ng iba pa ay maaring masasakal na natin siya. Dahil sa siya lang
ang gusto nating makasama, gusto natin na tayo din lang ang laman ng kaniyang
puso at utak pati na din ang katalik niya habang-buhay. Kapag nahigpitan sila,
doon naman magsisimula ang problemang gusto din nilang lumaya. At habang
nagtitiwala ka at nagmamahal lalo namang mas masakit kung darating ang araw na
tuluyan na tayong iwan.”
“Ganoon ba ang nangyari sa’yo?”
“Ganoon ang pinaramdam sa akin ng
mga nakaraan ko. Ayaw ko na sanang dumaan pa sa ganoong sakit.” Seryoso kong
sinabi sa kaniya.
“May gusto ka bang
ipakahulugan?”
“Simple lang. Magmahal ngunit
huwag umasa at magtiwala.”
“Magulo. Hindi ba dapat kapag
nagmamahal ka, kailangan mong pagkatiwalaan at asahan ang mahal mo para sa
ikatatahimik ng inyong relasyon?”
“Ang alam ko dati ganoon nga ang
relasyon. Mas maliit na expectation, mas maliit ang pagkakataong masaktan.
Matutong maging masaya habang magkasama ngunit huwag ding masanay na magiging
ganoon habang-buhay. Matutunang isipin na siya ang katuwang kapag nasa tabi
ngunit buksan ang isipan na hindi ninyo pag-aari ang isa’t isa.Bigyan ng
kalayaan ang isa’t isa dahil maaring darating ang panahong na ariin din siya ng
iba.”
“Are you proposing open
relationship?”
“Puwede ba?” tanong ko.
“Hindi ko alam. I never tried
before.”
“Oo naman. Paano mo naman na-try e
iisang tao palang ang minahal mo.”
“Hindi ko alam kung kaya ko.” Napabuntong-hininga
siya.
“Hindi ka pa siguro handa sa
ganoon ngayon.”
“Ikaw ba handa ka sa
ganoong set-up?”
“Bahala na. Ikaw,
puwede mong pag-isipan lalo na kung sa tingin mo hindi ka na nasasaktan pa sa
nakaraan mo.”
“Ano ba ang open relationship
sa iyo?” kinuha niya ang ulo ko. Nilagay niya sa kaniyang dibdib. Sumunod ako.
“Sa akin ang open relationship
ay puwede ka lang makipagdate sa iba, puwede kang makipagtalik sa iba at puwede
ding tatlo tayo.”
“God! Can’t believe this.”
“Makinig ka muna kasi. Nagtatanong
ka e.”
“Sige, ituloy mo.”
“Ang kinaganda nito
ay kung darating yung oras na hindi na natin kailangan ang isa’t isa at
nakahanap tayo ng talagang sa tingin natin ay para sa atin ay hindi na tayo
magkakasakitan pa ng damdamin dahil una pa lamang ay alam nating hindi natin
buong pag-aari ang isa’t isa.”
“Ang ibig sabihin niyan ay
iwasan nating mahulog ang loob ng isa’t isa. Alam mo, kung ako ang tatanungin,
puwede ang ganiyang set-up sa mga taong libog lang ang kailangan at walang
malalim na damdaming kasangkot.”
“Kaya mo ba?” tanong ko.
“Hindi ko alam e. Mahirap yata.”
“Ganoon din naman iyon di ba? Sige
sabihin nating maging tayo. Kapag mahal na natin ang isa’t isa, magsumapaan
tayong dalawa lang, na tayo ay para lang sa isa’t isa. Tanungin kita, sa buong
buhay mo o hanggang sa pagtanda natin magagawa mo bang ako lang ang makakatalik
mo habang-buhay? Makukuntento ka na bang ako lang habang tayo ay nabubuhay?”
Hindi siya sumagot. Nag-isip.
Noon ko napatunayang hindi nga ako nagkakamaling magpropose sa kaniya ng
ganoon. Mas mainam na sa akin na galing iyon kaysa sa kaniya dahil kung ako ang
tatanungin ng ganoon, sa hirap at sakit ng pinagdaanan ko lalo na kung alam
kong siya na nga ang tinadhana sa akin ay walang kagatol-gatol kong sasagutin
siya na makukuntento ako at kaya kong siya lang ang gusto kong makatalik
habang-buhay. Ngunit nang natigilan siya at hindi makasagot ay naging buo ang
desisyon kong mas mainam na ganoon na nga lamang kaysa sa muli akong aasa,
magtiwala at magmahal at pagkatapos ay saka ako mapag-iiwanan.
“Hindi mo naman kailangang
sumagot sa ngayon. Hindi mo naman kailangang pagdesisyon na tayo na at gawin
nating open ang ating relasyon. Kung ayaw mo, okey din lang, puwede tayong
maging magkaibigan.”
“Hindi ko kasi maintindihan.
Paano mo sasabihing nasa relasyon tayo kung open din lang pala na puwede lang
gawin ng bawat isa sa atin ang kahit anong naisin.”
“Siyempre may mga rules parin
kahit open.”
“Rules sa open relationship?”
napatingin siya sa akin. Hindi parin siya makapaniwala sa naririnig niya.
“Tulad ng anong rules?”
“Una dapat alam ng bawat isa
kung sino at saan makidate ang isa sa atin. Kung gusto ng isang makipagtalik
kailangan niyang ipaalam iyon bago gagawin at hindi pagkatapos gawin.”
“Wow! Ibang klase. Bakit
kailangan sabihin pa, di ba mas masasaktan lang natin ang damdamin ng isa sa
atin?”
“Puwede din tatlo tayo. Kung gusto
nang nahanap ko na makipagsex sa atin at kung gusto nating dalawa ay puwede
natin gawin ng sabay.”
“Nope. Hindi ko gusto iyan. Hindi
ko kayang nakikitang naghahalikan sa harap ko mismo ang taong karelasyon ko.
Hindi ko kayang makita niyang nakikipaglandian ako sa iisang kama na naroon
siya. Maaring kaya mo ngunit hindi ko kaya. Na-try mo na ba ito?”
“Hindi pa pero may mga kakilala
akong ganyan ang takbo ng relasyon nila at nakikita kong okey naman sila
hanggang ngayon.”
“At gusto mong tularan natin. Hindi
kaya magkakasakitan din lang tayo in the end?”
“Bakit naman magkakasakitan
kung sa una pa lamang ay alam na natin na ganoon talaga ang set-up na
kailangang laruin. Mas masakit kung buong tiwala kang walang ginagawa ang
karelasyon mo dahil tinatago lahat kaysa alam mong may ginagawa siya para alam
mong sabayan. At kung darating ang araw na magpapaalam siya at sabihing may
nakilala na siyang iba ay hindi na masasaktan pa.”
“Bakit ganoon ang gusto mo?”
“Siguro dahil iyon naman talaga
ang totoo. Tumigil na sana tayo sa pangarap na may isang nakalaan lang sa atin.
Na may taong para sa atin. Na mananatiling habang-buhay ang taong minahal natin
sa ngayon. Dahil kung patuloy tayong maniniwala doon ay paniguradong masasaktan
lang tayong dalawa.”
“Hindi ko alam kung tama itong
papasukin kong ganito ngunit susubukan ko. Gagawin ko.”
“Sigurado ka?” Ayaw kong
lalabas na ako lang ang may gusto ng ganitong set-up.
“Sige. Papayag ako. Ang alam ko
lang ay iwasan kong mahulog sa iyo. Iwasan kong mahalin ka para hindi ako masasaktan
kapag nakikipagdate ka sa iba o may katalik na iba.”
Pinili kong tumahimik na lang.
Ako nga mismo ay hindi din tuluyang naniniwala sa mga sinabi ko. Ako din ay
naguguluhan din sa mga propositions ko. Ngunit iisa lang naman ang punto ko.
Natatakot na akong magmahal, natatakot akong magtiwala at iwan pang muli. Nang
niyakap ako at ipinikit ang kaniyang mga mata ay dama kong kuntento na ako sa
katulad niya. Iyon bang gusto kong habambuhay siyang nakapikit sa tabi ko.
Parang bata na walang kamuwang-muwang. At sa lahat ng naging karelasyon ko, sa
kaniya ko naramdaman ang yakap na kahit pa siguro hindi ako comfortable sa
posisyon ko ay kaya kong tiisin magdamag dahil ganoon din naman siya sa akin.
Pagkagising ko kinaumagahan ay
wala na siya sa tabi ko. Napabuntong hininga ako. That’s it. Di na ako nadala.
Parang siya lang din ang mga naunang naikama ko. Umaalis ng walang paalam.
Uminat-inat ako sa kama. Nakakatamad tumayo lalo pa’t nararamdaman kong medyo
may hang-over pa ako. Ngunit nagugutom ako. Kahit kape lang at sandwich ay okey
na ako. Nang babangon na sana ako ay biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.
“Good Morning baby!” bati niya
sa akin. “Breakfast in bed? Pinakialaman ko ang mga pagkain mo sa kusina. Gusto
ko kasi pinagluluto ko ang taong mahal ko.”
“Baby agad? Mahal ka diyan,
nang-eechos ka umagang-umaga.”
“Sorry naman. Sige na. Kumain
na nga tayo. Sasabayan kita.”
Di ko maiwasang kiligin. Di ko din maiwasang matuwa dahil unang
karanasan sa akin ang mga ginagawa niyang ito sa akin.
“Subuan mo ako!” hiling nya.
“Baka pwede maghugas muna ako ng
mukha at magmumog. Nakakahiya namang humarap sa’yo at baka may natuyo pa akong
dumi sa mga mata ko.”
“Sus, gwapo ka kahit may muta ka pa
at mabango hininga mo kahit di ka pamagmumog.” Dinampian niya ng halik ang labi
ko. Naitulak ko siya. Hindi kasi ako sanay.
“Ayy, ayaw?” reklamo niya.
“Hindi naman sa ayaw. Di lang ako
sanay. Sorry.”
Pagbalik ko sa kuwarto ay
nakapuwesto na siya sa harap ng pagkain.
“Pinagluto kaya kita kaya dapat
subuan mo ako!” nakita ko ang expression ng mukha niya at nag kunyaring
nagmamaktol niya. Parang bata lang na nagpapasubo
Napatawa ako. Sinubuan ko siya.
“Isa pa…taz dapat
madaming-madami!”
Lalo akong napahagalpak ng tawa
dahil sa sobrang natutuwa ako dahil para lang siyang bata.
“Akala ko ba ako ang pinagluto mo
at dinalhan ng almusal sa kuwarto. Bakit ikaw naman itong nagpapasubo at
ibinibida mo pang ikaw ang nagluto ta’s ikaw din naman itong kakain.”
“Hmmp! Sige na nga. Akin na
‘yan. Nganga na at susubuan kita.”
“Ako na. Di ako sanay na
binebeybi.” Asiwa kong pagpigil sa kaniya.
“Masanay ka na kasi mula ngayon,
bebeybihin na kita.
Pagkatapos naming kumain ay
hinalikan niya ako.
“Masayang-masaya ako at
dumating ka sa buhay ko Clyde. Huwag kang mag-alala, pilitin kong sundin ang
kagustuhan mo. Pilitin kong huwag umasa, pilitin kong kontrolin ang aking
sarili ng di masasaktan, huwag ka lang tuluyang mawala ngayon na nagsisimula
palang tayong kilalanin ang isa’t isa. Sana nga lang, hindi mas maging mahirap
ang ganitong set-up. Sana nga lang hindi tayo mas masasaktan.”
Kinuha niya ang mga pinagkainan
at paglabas niya ng kuwarto ay pati ako na napausal sa huling sinabi niya…
“Sana nga hindi ako
nagkamali.”
Nang una, naging
karaniwan lang ang lahat. Papasok ako sa trabaho at walang ibang tuon ng aking
pansin kundi ang pang-araw araw kong ginagawa. Walang expectations, walang
responsibilidad at dahil doon ay walang sakit na nararamdaman. Gusto ko siya at
hindi malayong mamahalin ko siya ngunit sadyang kaya pa ng utak kong pasundin
kung ano ang maaring itibok ng aking puso.
Nang mga unang araw
ay hinahayaan kong sunduin niya ako mula sa aking trabaho dahil isang oras ang
una niyang labas sa school. Masarap sa pakiramdam na paglabas mo sa trabaho ay
may isang kumag na nakangiting sasalubong ng ngiti sa iyo. Ngunit pakiramdam ko
noon ay hindi ako makapaglaro. Para na rin lang ako nakatali sa iisang tao at
ganoon din siya sa akin. Kaya nga pagkatapos ng isang linggo niyang panunuyo sa
paghahatid-sundo sa akin ay tuluyan ko na siyang sinabihan.
“Sana maliwanag sa
iyo na noong naging tayo, hindi iyon ibig sabihin na binibigyan kita ng
responsibilidad na sunduin ako o samahan nang di ko naman hinihiling. Ganoon ka
din naman. Imbes na ipahinga mo na lamang o kaya ay gamitin mo sa pagbabasa ang
ilang bakanteng oras mo ay susunduin mo pa ako. Tuloy hindi tayo malayang gawin
ang gusto nating gawin.”
Tumingin siya sa
akin. Halatang natamaan ang mukha at ilang sandali pa ay yumuko.
“Iyon ba talaga ang
gusto mo?” tanong niya.
“Hindi lang iyon ang
gusto ko. Iyon ang dapat.”
“Kung iyon ang gusto
mo, sige, huling araw ko na ngayon itong sunduin ka maliban na lamang kung
gusto mong susunduin pa kita muli. Pasensiya na, naninibaguhan lang kasi ako sa
set-up na gusto mo.”
“Hindi na bale.
Nandito na to. Pero sana maintindihan mo ako.”
“Puwede bang
makitulog ako sa’yo ngayon? Day-off mo naman bukas. Wala din naman akong pasok
din bukas kasi sinikap kong ayusin ang schedule ng subjects ko para kahit naman
papaano ay magkaroon tayo ng isang buong araw na igugugol sa bawat isa.”
“Hindi ko hiniling na
gawin mo ‘yan. Saka kahit naman hindi tayo pareho ng free day ay magkikita at
magkakasama parin naman tayo, kaya sana hindi mo na ginawa iyon. Sana naman
nagtanong ka na muna.”
“Lahat ba ng gagawin
ko para sa atin ay kailangan hintayin kong hilingin mo muna bago ko gawin? Wala
na rin ba akong karapatang gawin kung ano ang gusto ko. Sige sabihin na natin
na hindi normal ang relasyon natin sa iba ngunit kahit baliktarin natin ng
baliktarin ang sitwasyon, mananatili ang katotohanang magkarelasyon tayo.
Ngayon kung sa tingin mo ay iba parin ako sa iyo na parang casual sex partner
lang ay siguro nagkakamali akong pumasok sa isang relasyon na hindi ko kayang
intindihin na tanging gusto mo lang at hiling ang tangi kong susundin.”
Tinaas niya ang kamay
niya na parang sumusuko. Humakbang siya ng dalawang patalikod habang nakatingin
sa akin at tumalikod. Banayad ang mga paang lumayo sa akin.
“Sandali lang, Jinx.”
Huminto siya ngunit
nanatling nakatalikod. Hindi siya humakbang o kahit lumingon man lamang.
“Sige. Mali ako, tama
ka. Pasensiya na. Hindi naman kasi yung bigla ka na lamang magdedesisyon ng
pansarili mo lamang. Ngayon, ang punto ko ay kung ang gagawin mo ay involved
ako, maigi siguro munang kausapin mo muna ako bago mo gawin. Di ba ganoon naman
sa mga normal na relasyon. Iyon bang mga tanong na… Gusto mo bang sunduin kita
o kaya ay okey lang ba kung magbago ako ng day-off para sabay tayo? Hindi iyong
ginawa mo na kaagad ng di pa napag-uusapan.”
Nanatili siyang
nakatalikod sa akin.
“Puwede bang harapin
mo naman ako dahil nakikipag-usap ako sa iyo.”
Pagkaharap niya ay
nakita ko ang mamasa-masa niyang mga mata. Natigilan ako. Sa buong buhay ko ay
wala ni isang lalaki na nag-aksaya ng luha sa akin. Wala ni isang lalaki ang sa
isang linggo naming pagkikita-kita ay tuluyan siyang magpakita ng ganoon na ako
kahalaga sa kaniya.
“Umiiyak ka?” tanong ko.
Biglang parang natamaan kasi ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
“Ako? Umiiyak? Hindi
no! Bakit naman ako iiyak!” mabilis niyang pagsisinungaling.
“Sige na nga. Treat
muna kita ng makakain bago tayo uuwi.” Mabilis kong paglalayo sa tanong ko.
Baka nga naman nagkakamali ako ng hinala. Ngunit kahit anong sasabihin niya ay
buo ang paniwala kong napaluha siya kanina.
“Hmmn, puwede ako
matulog sa’yo?” muli siyang nag-inarteng parang bata na sadya ko namang
nagugustuhan sa kaniya. Napapatawa kasi niya ako sa kaniyang kakaibang parang
batang expression ng mukha.
“Sige ba. Wala naman
tayong pasok na dalawa bukas e.”
At pagdating namin sa
bahay ay muli niya akong pinatikman ng kakaibang pagtatalik. Hindi katulad ng
mga nakaraan ko na libog lang o may mga kaniya-kaniyang material na dahilan.
Iba ang ritmo ng haplos niya, iba ang tamis ng mga halik niya, iba ang init ng
katawan at iba din ang higpit ng kaniyang mga yakap. May kakaiba itong ligayang
hatid. Iyon bang masarap dahil alam mong may halong pagmamahal. Napakahirap din
palang supilin kung alam mong may butil ng tumutubo. Mahirap kalabanin ang
tibok ng puso ngunit naniniwala ako na
anuman ang gustong ipagawa ng utak sa puso ay kaya din nitong lumihis. Kaya
nitong ipaglaban ang alam niyang tama. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay
hindi ko parin alam kung alin nga ba ang tama at dapat sa ginagawa ko.
Mahigpit niya akong
niyakap magdamag. Sa kaniyang mga hawak at yakap ay parang ayaw niyang mailayo
ang hubad niyang katawan sa walang saplot din niyang katawan. Nakaramdam ako ng
kakaibang higop ng tiwala. Hindi maipaliwanag na sa unang pagkakataon ay
nakaramdam ako na kampante ako sa kaniya. Kinakanta niya ang forevermore habang
tinatapik-tapik niya ang aking likod. Alam kong paraan niya iyon para mauna akong
makatulog.
I just can't believe
that you are mine now
You were just a dream
that I once knew
I never thought I
would be right for you
I just can't compare
you with anything in this world
As endless as forever
Our love will stay
together
You're all I need to
be here with forever more
Buong maghapon kaming
magkasama. Nag-mall, nanood ng sine, namasyal, kumain sa labas, nagkuwentuhan
at nagtawanan ng walang puknat. Oh God! Kaytagal ng panahong hindi ko nagawa
ang mga bagay na ito. Kaytagal ng panahong naipagkait ko sa sarili kong i-enjoy
ang buhay kasama ng iba. At pag-uwi namin kinagabihan ay parang wala parin
siyang kapagod-pagod na ipinagluto ako sa sinabi kong pagkain na paborito ko.
At alam ko, batid kong tuluyan na akong nilamon ng di maipaliwanag na
pagkahulog sa kaniya.
Hanggang sa naging
lumalim ang aming pag-uusap. Naipakita niya ang litrato nila ng kaniyang
ex-boyfriend ngunit bago niya iyon nasunog ay madaling nairehistro ang mukha
nito sa aking utak. Iyon bang gusto kong maalala ang mukhang iyon na siyang
minsan ay nagpaiyak at nanloko sa lalaking handa ko ng mahalin ng buo. Dahil sa
walang halong pagkukunwari at kakaibang pagmamahal na pinadama niya sa akin ay
hinayaan kong tuluyan na ding mahulog ang loob ko sa kaniya. Nilamon ng mga
pinadama niya ang usapan naming open relationship. Ngunit hindi ko lantarang
hinayag sa kaniya na binabawi ko na ang naunang usapan namin.
Nang mga sumunod na araw ay hindi nga niya ako
sinundo pa. Ngunit nakakareceive naman ako ng text na “Take care. My love for
you as endless as forever!” Ngunit iba parin pala kapag naroon siyang
nakangiting naghihintay sa paglabas ko. Iba parin pala kapag naamoy ko siya,
nakikita at nararamdaman sa harapan ko.
Kaya nga pagkaraan ng
isang buwan naroon kami sa isang tahimik na.
“Anong meron? Hindi
mo naman birthday. Malayo pa naman ang birthday ko.” Tanong niya.
“Kailan tayo
nagkakilala sa friendster?” tanong ko.
Ngumiti siya. “Ah!
Ano to? Monthsary? Dinedeyt mo na ako…hahaha” halos hindi ko na naman makita
ang kaniyang mga mata dahil sumisingkit ito kapag tumatawa.
Namula ako. Hindi ko
alam pero parang nakaramdam ako ng pagkapahiya.
“Date ba ito?
Nililigawan mo ako?” pang-aasar niya.
“Huwag kang magulo.
‘Eto naman. Excited!”
“E, ano to? Mahal mo
na ako noh! Umamin ka!”
“Sanay kang manira ng
trip ano?” napabuntong hininga ako. “Oo na aaminin ko na sa’yo ang totoo, Jinx.
Mahal na mahal kita.”
Inilabas ko ang
regalo ko sa kaniya. Nang iniiabot ko ito sa kaniya ay tumayo siya at lumapit
sa akin.
“Surprise! Ito rin
ang para sa’yo. Naunahan mo lang akong inimbita. Happy first monthsary.” Bati
niya sabay abot din ng maliit na box sa akin na sadya kong ikinabigla. Lumingon
ako sa paligid dahil medyo naasiwa ako na baka may nakamasid sa amin.
“So, napaghandaan mo
din pala ang gabing ito. Akala ko pa naman…”
“Sige sabay nating
buksan ang regalo mo sa akin at regalo ko sa’yo” nakangisi niyang wika.
Nang mabuksan namin
ang aming mga regalo sa isa’t isa ay nagkatinginan kami. Parang nagpalitan lang
kami ng bracelet sa isa’t isa.
“Gusto mo na bang
sunduin kita?” tanong niya sa akin nang kasalukuyan na kaming
kumakain.“Namimiss ko na kasing gawin iyon.”
“Ako ang may proposal
sa’yo. Gusto mo bang lumipat na lang sa bahay? Tutal nagrerent ka lang naman ng
room at sa probinsiya ka naman nakatira, baka gusto mong lumipat na lang para
lagi na tayong magkasama.”
Nanlaki ang mga mata
na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
“Ano?” tanong iyon ng
nabigla. Tanong ng taong kahit malinaw ang pagkakarinig ngunit gusto lang
talagang marinig uli.
“Mali kasi yatang
sunduin mo ako samantalang wala ka naman kotse. Lalo naman yatang mali na ako
ang makikitira sa nirerentahan mong kuwarto. Bakit hindi natin gawing simple
ang relasyon natin. Kung puwede naman tayong magsama sa iisang bahay ay bakit
hindi natin gawin. At mula bukas, pagkatapos mong ilipat ang mga gamit mo sa
bahay ay puwede mo na akong idaan at sunduin mula sa aking trabaho.”
Mabilis niya akong
niyakap. Mahigpit na mahigpit na yakap at naramdaman ko na lamang ang mainit na
luhang bumasa sa aking leeg.
“Pssst! Ano ba.
Tinitignan tayo nung waiter oh. Mamaya mo na lang ako yakapin sa bahay.”
“Sorry nadala lang
ako sa sobrang saya.”
“Umiiyak ka?” tanong
ko.
“Wala ‘to.
Masayang-masaya kasi ako. Hindi ko kasi talaga aakalain na mauuwi din sa ganito ang lahat.”
“Sige na, tapusin na
natin ang pagkain kasi may gagawin pa tayo pagkatapos nito. Excited na ako sa
next level.”
“Lalo naman ako. Take
out na lang kaya natin. Di na ako makapaghintay e.”
“Ulol! Ano pang
i-take out mo e, salad na lang ang nasa harapan natin.”
Naging masaya kami ng
higit isang buwan. At nang dumating ang pangalawang buwan namin ay nagdahilan
akong may birthday ang isa kong katrabaho kaya gagabihin na ako ng uwi. Ang
totoo ay gusto kong bumili ng ireregalo ko sa kaniya.
Nakailang-ikot din
ako sa Mall sa kahahanap ng alam kong magugustuhan niya nang mapako ang tingin
ko sa lalaking nakaupo sa starbucks. Kamukha niya ang ex ni Jinx. Parang may
hinihintay dahil patingin-tingin ito sa kaniyang relo. Ngunit hindi ko na
lamang pinansin dahil baka nga naman nagkakamali akong siya yung ex ng
kasalukuyang boyfriend ko ngunit bago ko malagpasan ang pintuan ng starbucks ay
napansin ko si Jinx na papasok din. Alam kong hindi niya ako nakita dahil
dumiretso lang siya sa kinauupuan ng ex niya.
Natigilan ako. Hindi
ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Wala sa hinahagap kong
makikipagkita pa siya sa ex niya. Bigla akong parang nanghina ngunit hindi ko
inalis ang tingin sa kanila. Pumuwesto ako sa alam kong hindi nila ako
makikita. Ilang sandali pa ay tumayo sila at tinungo ang exit ng mall. Mabilis
din akong sumunod at nang sumakay sila sa nakaparadang kotse ng ex niya at
tuluyan na silang umalis ay kasabay ng pagtulo ng aking luha.
No comments:
Post a Comment