By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta
Hindi ko alam kung
ano ang gagawin ko noon. Kung magpapakita ba ako ay malalaman ko ang dahilan ng
pagkikita nila? Magiging bukas ba akong tanggapin kung anuman ang idadahilan
niya o mananatiling maniniwala ako kung ano ang gusto kong paniniwala. Kung
magpapakita ba ako, hindi ba siya tutuloy sa pagsama sa ex niya? Paano kung
lalo lang magkagulo at manaig ang galit? Paano kung may masabi akong maaring
pagsisisihan ko pagkatapos bumaba ang galit ko? Paano kung may magawa akong
maaring dahilan ng tuluyang ikabagsak ng aking pagkatao? Alam ko, galit na
galit ako at ang taong galit ay hindi marunong makinig. Ang taong nasa mainit
na emosyon ay tanging sariling dahilan ang ipaglalaban. Kaya nga hinayaan ko na
lamang siyang sumama sa ex niya. Hindi ako nagkalakas loob dahil siguro sa akin
din naman nanggaling ang Open Relationship na siya naming sinusunod ngayon.
Hindi ko iyon nabawi, hindi ko naipaliwanag na siya ay akin lang at ako ay sa
kaniya na lamang. Ngunit nasa rules naman naming na kung may gagawin siya ay
kailangan niyang ipaalam sa akin. Sa anong dahilan at kailangan pa niyang
ilihim sa akin ang lahat?
Mapapalampas ko pa
sana ang lahat kung nakita kong nag-usap lang sila sa starbucks at hindi na
umalis pa. Mas gusto ko yung nakikita sila na kahit pa siguro magyakapan pa
huwag lang iyong tuluyan silang umalis na hindi ko alam kung ano pa ang ginawa
pagkatapos nilang lisanin ang mall. Iba ang iniisip kong ginawa nila.
Nagdesisyon akong
mali ngang magtiwala pa akong muli. Maling umasang siya na nga ang para sa
akin. Ilang beses na ba akong umasa? Ilang beses nang nagmahal at nagtiwala
ngunit bakit wala akong kadala-dala. Tuluyan na ngang sinira ni Jinx ang tiwala
ko. May bakla pa bang mananatiling tapat sa isang karelasyon lang?
Nakasakay na ako noon
sa kotse ko ngunit nagpupuyos parin ako sa galit. Gusto kong isambulat ang
galit na iyon sa kaniya. Gusto kong malaman niya ang sakit ng ginawa niya sa
akin. Kinuha ko ang celphone ko… nagdial..
“Tj, si Clyde ito.
May lakad ka ba ngayon?”
“Uyy, Clyde, long
time… akala ko ba seryoso ka na sa buhay may asawa? Anong nangyari?”
“Sus, para namang concern ka. Kailangan ko
serbis mo ngayon. Inuman, masahe at siyempre extra service. Nagtaas ka na ba ng
fee?”
“Kung ikaw, walang
nabago, ganun parin ang bayad. Anong oras ba?”
“Ngayon na. Magpalit
ka na at daanan kita.”
“Call! Kita na lang
tayo mamaya. Magpapalit na ako.”
Nang naging kami ni
Jinx, wala na sa plano ko ang tumikim pa sa iba. Wala na din sa isip kong
balikan ang dati kong gawi ngunit halos dalawang buwan lang pala, at ngayon sa
palagay ko’y naglalaro din pala ang akala ko’y seseryoso sa akin ay hindi na
nagkakatotoo ang paniniwala kong pag-aari ko lang siya at ganoon din siya sa
akin. Gusto ko mang isipin na mag-uusap lang sila. Gusto ko mang isipin na may
aasikasuhin lang sila ngunit bakit hindi ipinaalam sa akin ni Jinx iyon. Bakit
hanggang ngayon ay hindi pa siya nagtetext o tumatawag para ipaalam na kasama
niya ang ex niya. Gusto ko siyang tawagan o itext pero paano kung hindi niya sa
akin sabihin ang totoo, hindi ba lalo lang akong masaktan? Kung may plano
siyang sabihin sa akin ang lahat, sana kanina pa siya nagtext o tumawag.
Pagdating namin ng
bahay ng lalaking gustung-gusto ko sa kama ngunit hindi puwedeng mahalin. Iyon
bang, sapat nang maikama ko siya dahil alam kong trabaho lang niya at
pinagkakakitaan ang kaniyang mukha at katawan. Siya si Tj. Masarap, magaling sa
kama at pinapangarap ng lahat na maangkin ng buong-buo ngunit hindi puwede
dahil pag-aari siya ng kahit sinong may pera. Kaya nga kahit gaano ko kagusto
ay tanggap ng puso at utak kong hanggang gano’n lang kami.
Pagbukas ko ng alak
ay nagsimula na din siyang maghubad. Nagsimulang dumantay ang kaniyang mga
palad sa aking likod kasabay ng marahang pagbundol ng kaniyang umiigting na
kargada sa aking katawan. May nabuhay sa aking dugo. Pumikit ako. Pilit kong
dinamdam ang kakaibang sensasyon ng masarap na pinalalasap sa akin ni Tj ngunit
nananitiling si Jinx ang nasa utak ko. Siya ang pilit sumisira sa sensasyong
nararamdaman ko. Ngunit alam kong ganito din ang ginagawa nila ng ex niya
ngayon. Kaya kahit may nararamdaman akong pagkakonsensiya sa ginagawa ko ay
dinaig iyon ng kagustuhan kong maghiganti. Kung kaya niyang gawin sa akin ang
lokohin ako ay mas lalong kaya ko din. Kaya ko na ngayon ang makipagsabayan.
Hindi na uso sa katulad kong alanganin ang umiyak sa tabi kung niloko ng karelasyon.
Hindi na din uso ang magmukmok at magmukhang kawawa kung nakipagsex ang
boyfriend sa iba. Ang “in” ngayon ay ang makipagsabayan. Kung kaya niya akong
lokohin at saktan bakit hindi ko magawa din iyon sa kanya?
Kapwa na kami hubad
ni Tj. Tuluyan ko nang nalalasap ang ibayong sarap ng aming ginagawa. Nasa
kalagitnaan na kami nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Napatigil
kaming dalawa ni Tj at napalingon sa pintuan. Naroon si Jinx. Nagulat siya sa
tumambad sa naabutan niyang ginagawa namin. Katulad din ng pagkagulat ko
kanina. Ngunit sandali ko lang iyon naramdaman. Gusto kong makita niya ang
ginagawa ko. Tulad ng pagkakita ko sa kaniya ng sumakay siya sa kotse ng ex
niya na hindi man lang niya naisip ipaalam sa akin. Mas masakit nga lang ang
balik ng ginawa niya sa akin.
Nagulat din si Tj.
Mabilis niyang tinakpan ang hubad niyang katawan. Tinignan niya ako na parang
takot. Nakita kong pinagpawisan siya kaagad-agad.
Lumagapak sa sahig
ang mga dala niya. Naglikha iyon ng ingay at kasunod din niyon ng parang
magibang pagsara ng pintuan.
Nagkatinginan kami ni
Tj. Parang tuluyang nawala ang libog naming dalawa. sinikap niyang pinagpatuloy
ang trabahong ginagawa niya ngunit nawalan na ako ng gana.
Tumayo ako.
“Ano ‘to Clyde? Ayaw
ko ng gulo. Sana hindi ako madamay dito”
“Huwag kang
mag-alala. Labas ka dito. Sige magdamit ka na. Nawalan na ako ng gana.” Kinuha
ko ang pitaka ko at naglabas ng pera.
“Paano ‘yan. Di ka naman yata nakapag-enjoy ng husto.”
“Okey na yun. Sa
uulitin na lang. Heto nga pala ang bayad ko. Puwede ka ng umalis. Tatawagan na
lang kita.”
Mabilis din siyang
nagbihis at hinatid ko na siya sa labas. Nadaanan ko si Jinx sa kusina.
Nakasubsob ang ulo sa mesang pinagkakainan namin.
Galit? Siguro.
Umiiyak? Iyon ang
sigurado dahil yumuyugyog ang balik at dinig ang impit nitong paghikbi.
Umupo ako sa sala na
parang walang nangyari. Binuksan ko ang TV. Graduate na ako sa mga kadramahan
kaya kung maari ayaw ko ng pag-usapan pa ang lahat ng nangyari. May ginawa siya.
Kaya tama lang naman na may gagawin ako. Pangil sa pangil. Sinaktan mo ako sa
sarili mong pamamaraan kaya wala kang karapatang magreklamo kung ipalalasap ko
din sa iyo ang pananakit sa sarili kong laro.
“Akala ko ba kapag
makipagsex ang isa sa atin ay magsabi muna bago gawin? Di ba iyon ang rule ng
sinasabi mong open relationship?” tanong niya sa pagitan ng kaniyang hikbi.
Lumingon ako.
Tinignan ko muna siya. Nang sinalubong niya ang tingin ko ay binalik ko sa TV
ang aking paningin. “Tama. Pero hindi naman ako ang naunang gumawa no’n.”
“Anong hindi ikaw ang
unang gumawa? Anong ibig mong sabihin?”
“Open relationship
means open communication. Ngayon, nakipagkita ka sa ex mo at hindi ko alam ang
ginawa ninyo. Mabuti nga sa akin, kitang-kita mo kung ano ang ginawa ko.”
“Iyon ba ang
pinagkakaganyan mo? Hindi ka man lang ba muna nagtanong?”
“Iyon lang ba? Sa
tingin mo, yun lang ba iyon? Nakipagkita ka sa ex mo ng hindi ko alam. Nakita
ko kayo at hindi ko alam kung ano pa ang ginawa ninyo pagkatapos mong sumama sa
kanya kaya wala kang karapatang sabihan ako kung bakit hindi muna ako nagtanong
dahil ikaw mismo ay hindi rin muna nagpaalam o kahit nagsabi man lang.”
nagsimulang tumaas ang boses ko.
“Kaya mo ginawa ang
ganun?”
“Dahil iyon naman din
ang ginawa ninyo di ba?”
“Iyon nga e, hindi ka
man lang muna nagtanong. Wala kang nakita ngunit naniniwala ka agad sa
malisyoso mong pag-iisip.”
“Kung magtatanong ba
ako magsasabi ka ng totoo? Di ba, katulad din naman iyan ng ginawa mong
paglilihim sa pakikipagkita?”
“Tingin ko kasi
makakagulo lang sa relasyon natin kung magsabi pa akong makipagkita ako sa ex
ko dahil hindi naman na magiging mahalaga pa iyon. Tapos na kami. Kung nagkita
man kami ay may kailangan lang akong tapusin ng buung-buo para mas matiwasay
ang pag-iisip ko ngayon sa iyo. Kinuha ko ang mga gamit ko sa bahay niya. Yun
lang yun.”
“Huwag mo nga akong
binibilog.”
“Gusto mong
paniwalaan ko ang kuwento mo?”
“Iyon na nga e.
Ngayong na nagsasbai ako ng totoo mas pinipili mong hindi maniwala.”
“Dahil nilihim mo.
Kung sana nagsabi ka muna bago ka nakipagkita, hindi sana ako mag-iisip ng
ganito ngayon.”
“Kung nagsabi man ako, maniniwala ka kaya?
Puwede ba, huwag mo akong ituring ng katulad ng naranasan mo sa mga nakaraan
mo? Iba ako, iba sila. Kung nasira ang tiwala mo sa kanila, huwag mo akong
idamay dahil hindi ako sinungaling at manloloko.”
“Tama lang siguro
yung set up nating ganito. Tumikim ka sa mga gusto mong tikman. Titikim ako sa
iba sa ayaw mo’t sa gusto. Ayaw ko ng umasa. Ayaw ko na din magtiwala ng buung-buo.
Ngayon kung may kursunada kang tikman, puwede mo ng gawin, sabihin mo man o
hindi. Kaya nga open relationship e. Kung darting yung araw na sawa ka na sa
akin o sawa na ako sa iyo ay hindi na tayo masasaktan pa kapag tuluyan na
tayong maghiwalay.”
“You’re sick!” galit
na galit ang kaniyang mga mata.
Napangiti lang ako.
“Sick na kung sick. Basta ang sa akin lang…tama na. Ayaw ko ng umasa sa stick
to one sa ganitong relasyon.”
“Mahal mo ba akong
talaga?”
Tumingin lang ako sa
kaniya. Ngumiti. Muli kong tinutok ang mga mata sa TV. Mas maiging huwag ko na
lang siyang sagutin.
“Kung iyon ang gusto
mo. Sige sasabayan kita. Ngunit huwag mong isiping ginusto ko ito. Ganito ang
gusto mong laro, sige, padamihan tayo.”
Iyon lang at pumasok
na siya sa kuwarto. Alam kong gagawin niya ang sinabi niyang iyon. May nabuong
takot sa akin ngunit hindi ko puwedeng katakutan ang multong ginawa ko.
Makipaglaro ako ng patas. Sa paraang ganito, kung tuluyan siyang mawawala ay
hindi na ganoon kasakit sa akin. Masasanay din akong makita siyang may ka-sex
na iba. Sa una, alam kong maninibago ako, masasaktan ngunit kapag sanay na ako
sa ganoong set-up mawawala din ang sakit na iyon.
Madaling isipin.
Ngunit ano nga kaya ang mararamdaman ko kung siya na mismo ang nakikita kong
hinahalikan at niroromansa ng ibang lalaki? Paano kung magiging actual na ang
larong sinimulan ko?
Tulad ng inaasahan, nagsimula ang laro naming
dalawa. Nawili ako ng husto sa paniniwala kong saktan niya ako ng minsan at
sasaktan ko siya ng dalawang beses. Magbooking siya ng isa at siguradong
dodoblehin ko ang bilang ng booking niya. Lantarang laro ang ginagawa ko. Yun
bang dapat maabutan niya o makitang may ginagawa ako. Ngunit iba ang pinanlaban
niya sa akin. Mas masakit. Dahil iisa
ang nakikita kong kasama niya. Iisa ang naabutan kong kausap niya sa mismong
bahay. Hindi ko man nakita ang ginawa nila ay sapat na yung maabutan kong sila
lang dalawa sa bahay pag-uwi ko dahil tinanggihan na niya ang pagsundo at
paghatid sa akin. Mas mainam na daw na magcommute na lamang siya.
Pagbukas ko ng
pintuan ay naabutan ko sila ng ex niya sa sala. Hindi pa kami noon naipakilala
sa isa’t isa ngunit alam kong siya nga ang ex niya. Gusto kong umakto na walang
nakita. Iyon bang kahit masakit ay panindigan kong i-ignore lang silang
nag-uusap. Ginawaran ko sila ng mapait na ngiti.
“Clyde, si Ronald nga
pala.” Garalgal ang pagkakasabi no’n nang bahagya na akong nakalagpas. Ayaw
kong mambastos ng bisita niya kaya minabuti kong lumingon at bahagya akong
natigilan nang nasa likod ko na siya at nakalahad ang mga palad niya.
“Musta, Clyde.”
mabait ang boses niya. Nakita kong mas lalo palang tumitindi ang kaniyang
karisma kung malapitan lalo pa kung nakangiti. Lalong sumidhi ang nararamdaman
kong selos. O siguro mas mainam kung sabihin ang totoo kong nararamdaman.
Insecure ako. Mas guwapo man ako ngunit bakit hindi siya kayang iwan ni Jinx.
Bakit sa kabila ng kaniyang mga nagawa ay hindi siya kinamumuhian ni Jinx.
“Okey lang.” pilit
parin ang pagkakangiti ko. “Paano, maiwan ko na muna kayo. Pagod kasi ako. Nice
meeting you.” inabot ko ang kamay niya at pumasok ako sa kuwarto.
Nagpalit ako ng
pantulog. Hindi na naman maganda ang pakiramdam ko. Naroon ang galit.
Nagseselos nga talaga ako. Kailangan may mapagbalingan ako. Sinuyod ko ang mga
nakasave na numbers sa celphone ko. Kailangan kong tatawag ng mabooking.
Nasa kalagitnaan ako
ng pakikipag-usap ng puwedeng mabooking sa gabing iyon ng pumasok si Jinx.
Umupo siya sa kama. Lalo kong inigihan ang pagpapaselos.
“Pa’no, hintayin kita
dito sa bahay baby ha?”
“Anong baby ka diyan,
ha ha.” sagot ng nasa kabilang linya. Pero siyempre hindi iyon naririnig ni
Jinx. “Bawal mainlove uyyy! Sige, basta papunta na ako diyan. In 30 minutes
nandiyan na ako” pahabol ng minsan ko pa lamang nabubooking na si Bryan.
“Sige, lalabas na
lang kami ni Ronald kung may parating kang bisita. Akala ko kasi pagod ka kaya
naghanda ako ng makakain bago ka matulog. Hinintay ka namin para makasabay
kumain. Di bale na lang. Kapag darating ang bisita mo, kainin na lang ninyo
yung nakahain doon sa mesa. Lalabas na lamang kami nang di kayo maantala.
Nakakahiya namang mismong bahay mo ay di mo magawa ang gusto mong gawin.”
“Iyon nga e. Bahay ko
mismo ito ngunit kung magdala ka ng booking mo, akala mo sarili mo. Konting
respeto naman.”
“Kaibigan ko na lang
si Ronald, Clyde. Tapos na yung amin. Hayaan mo, huling dalaw na niya dito.”
“Mabuti naman.”
Nagbihis siya.
Tahimik ang buong kuwarto hanggang umalis siya.
Kaaalis pa lamang
nila nang dumating naman si Bryan. Ngunit wala akong ganang gawin ang dapat
sana ay gawin naming dalawa. Naglalaro kasi sa isip ko si Jinx at Ronald. Ano
na kaya ang kasalukuyang ginagawa nila ngayon? Dahil nagbago na ang isip ko ay
binigyan ko na lamang si Bryan ng pera dahil naistorbo ko siya. Minabuti kong
hintayin si Jinx na uuwi ngunit nakatulog na ako ay hindi parin siya umuuwi at
inabot na ng umaga.
Buung-buo na ang
galit sa dibdib ko. Halos hindi ko na din kaya ngunit ayaw ko din namang
sumuko. Tanghali na nang umuwi siya.
“Umuwi ka pa.”
singhal ko sa kaniya.
“Gusto ko lang naman
bigyan ko kayo ng sapat na panahon ng baby mo.” maalumamay at malungkot niyang
sagot.
“Sus, kunyari ka pa.
Ang sabihin mo nag-enjoy kang kasama ang binalikan mong ex mo.”
Tumingin siya sa
akin. Umupo siya patalikod sa akin. Hanggang narinig ko ang impit niyang
pag-iyak.
“Hirap na hirap na
ako. Ansakit-sakit na ng ginagawa mo sa akin!”
“Drama mo naman. Suko
ka na ba?”
“Hindi ko alam kung
paano ba kita isusuko. Hindi ko din alam kung paano ako magpapaliwanag sa iyo
sa paraang maiintindihan mo. Yun bang kaya mo akong pagkatiwalaan. Gusto ko
sana hindi lang makinig ka sa sinasabi ko kundi paniwalaan mo ang lahat at
huwag kang patalo sa mga maling naiisip mo. Gusto mo ba akong manatili pa dito?”
“Hindi kita pinaaalis
ngunit kung ano ang desisyon mo hindi kita pipigilan.”
“Sige. Aalis ako.
Hindi sa di na kita mahal kundi mas nasasaktan akong nakikitang pinaglalaruan
mo ang buhay ko.”
Kumilos siya. Kinuha
ang mga lagayan ng damit. Nag-empake.
Bigla akong
nakaramdam ng awa. Bigla kong naisip na kung aalis siya, magsasama silang muli
ni Ronald at maaring hindi ko na siya muli pang makita. Hindi ko alam ngunit
gulung-gulo na ako. Iyon bang alam kong magulo na ang relasyon namin ngunit
ayaw ko namang tuluyan siyang mawala. Iyon bang nasasaktan na ako sa
pakikipagkita niya kay Ronald ngunit hindi ko kayang isiping tuluyan na akong
mawawalan ng karapatan pa sa kaniya. Alam kong nasasaktan ko na siya ngunit
iyon din lang ang alam kong paraan para ipadama ang sakit na nararamdaman ko sa
pakikipagkita niya sa ex niya.
Pagkatapos niyang
nag-empake ng mga damit niya ay nilapitan ako. Hinalikan sa labi at niyakap.
“Mahal na mahal kita
ngunit tao din lang akong sumusuko kung pagod na.”
Bigla akong
nakaramdam ng awa sa kaniya. Biglang parang naisip kong hindi ko pa siya kayang
mawala ng ganu’n gano’n na lamang.
“Ayaw kong umalis ka,
Jinx. Hindi ko kakayanin.”
Hindi siya sumagot
ngunit muli kong naramdaman ang mainit na pagbagsak ng kaniyang luha sa aking
leeg. Umiiyak na naman siya. Nagkahalo na ang awa at pagsisisi na nararamdaman
ko. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha at hinalikan sa kaniyang mga labi.
Lumaban siya ng halik. Hanggang sa naging maalab at mainit ang aming halikan.
Walang nagsasalita. Hanggang gumalaw ang kaniyang mga kamay sa aking dibdib
papunta sa aking tiyan at tumagal doon. Lalong nag-umigting ang nararamdaman
ko. Nang dumantay ang likod ko sa aming kama ay kapwa na kaming hubu’t hubad.
Napakainit ng aming pagtatalik.
“Huwag ka ng umalis
ha? Hindi ko kaya.”
“Basta ipangako mong
huwag mo na rin akong sasaktan ha?”
“Sige basta mangako
ka ding huwag ka ng makipagkita pa sa ex mo ha?”
Nag-isip siya. “Kahit
kaibigan ko na lang siya? Gusto ka nga din niyang maging kaibigan e.”
“Ayaw ko.” Matipid
kong sagot.
“Ayaw mo?”
paninigurado niya sa sagot ko.
“Ayaw ko nga.”
“Hmmp…sige na nga.”
Muli niya ako
niyakap. Niyakap ko din siya ng mahigpit na mahigpit.
Muling bumalik ang masayang mga
araw namin. Ngunit sadya yatang hindi ako sanay sa tahimik na relasyon. Hindi
ko kayang panatagin ang aking kalooban na wala siyang ginagawa. Kaya naisipan
kong tignan ang kaniyang celphone nang naliligo siya. Wala akong nakitang
kakaibang mga text sa inbox niya at sent items. Tinignan ko din ang Call Log
niya at nakita kong may mga incoming calls si Ronald. Kinuha ko ang celphone ko
at isinave ko din iyon sa celphone ko pero anonymous lang ang pangalan niya.
ayaw kong mag-isip ng iba ngunit pilit pumapasok sa akin ang hinalang may ugnayan
parin silang dalawa. Kung nagkakatawagan sila, maaring nagkikita din sila ng
palihim. Pakiramdam ko hindi siya
tumupad sa aming mga pangako. Kaya paglabas niya ng banyo ay tinanong ko agad
siya.
“Nag-uusap parin pala kayo ni
Ronald?”
“Tumatawag siya. Bakit?” tanong
niya.
“Akala ko kasi malinaw na ang
usapan natin na itigil mo na ang pakikipag-usap at pakikipagkita do’n.”
“Nag-uusap kami sa celphone
ngunit hindi kami nagkikita. Pati ba yun bawal?”
“Hindi nga kayo nagkikita, may
communication naman kayo!”
“Nagtitiwala ka ba sa akin o
hindi?”
“Hindi ko alam.”
“Bakit hindi mo alam.”
“Hindi ko alam kung kailangan
kitang pagkatiwalaan.”
“Puwes, isipin mo ang gusto
mong isipin basta alam kong hindi ako gumagawa ng kahit anong ikasisira ng
relasyon natin.”
Iyon lang at nahiga na siya.
Hindi ko na din lang muna pinansin.
Ngunit hindi ko akalain na
kapag pala tumagal ka sa isang relasyon lalo pa’t ramdam mong mahal na mahal ka
ng karelasyon mo ay parang nawawalan ka ng challenge. Nababagot ka. Iyon bang
pakiramdam mo, nakakasawang siya na lang ng siya. Napapaisip kang tumikim ng
iba, makipagkilala sa bago. Lalo pa’t alam na alam mong kahit anong gawin mo ay
mananatili siya sa buhay mo. Habang hinihigpitan ko siya at parang tutang
sumusunod lang sa mga pinagagawa. Iyon naman ang mga pagkakataong gusto kong
makipaglaro sa iba. Alam ko kasi na nadiyan lang siya. Sa mga nagawa kong
pinalagpas niya alam kong patuloy parin niya akong maiintindihan. Sobrang mahal
niya ako kaya buo ang tiwala kong mananatili siya sa kabila ng kahit anupang
gawin ko. Ang pagkakaiba na nga lang ay naging patago. Mas exciting at hindi ko
pa kailangang mangatwiran o magpalusot. Ngunit lahat ng lihim ay nabubunyag at
iyon ang isa ng bagay na di ko na muli pang nalusutan.
No comments:
Post a Comment