Friday, February 8, 2013

Open Relationship 08

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


------------------------------------
Clyde’s Point of View
------------------------------------

                Pagdating kay Jinx, natorpe ako. Wala akong maisip na sabihin at hindi ko alam kung paano ko simulan ang pag-uusap. Nagsimula akong matakot dahil alam ko na kapag ganoon ako ay iisa lang ang ibig sabihin no’n, gusto ko siya. Ouch! Mali, mahal ko na yata siya. Mahal agad? Bakit? Wala bang love at first sight? Landi lang. Kilig much! Nagsimula na din akong pagpawisan kahit pa tinodo ko na ang aircon ng aking kotse. Siya man din ay parang natameme nang pasakay na siya.
            “Musta?” hindi ko natiis na pagtatanong dahil nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin.
            “Okey lang.” matipid din niyang sagot.
            Katahimikan. Di ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Nilingon ko siya. Nagkatinginan kami. Ngumiti. Natunaw ako sa ngiting iyon at minabuti kong ituon ang aking mata sa daan dahil baka himatayin ako at bumangga kami.
                “Masyadong tahimik ah.” Pambabasag niya sa nakakabinging katahimikan.
                Nilingon ko muli siya. Ngumiti na naman ng tipid at nang nagtama ang aming mga mata ay ako na naman ang unang nagbaba. Ngunit nagmarka na naman sa aking utak ang matamis niyang ngiti. Nanlamig ang aking mga daliri. May kakaibang tama sa akin ang kaniyang tingin at ngiti.
                “Hindi naman siguro puwedeng magngitian na lamang tayo magdamag. Nasaan na yung makulit kanina sa chat na Clyde?”
            “Makulit ba ako kanina? Hindi kaya.”
            “O, sige, hindi ka na makulit. Baka naman puwedeng magkuwento ka nang hindi ako naaalangan.” Sadya sigurong sanay siya sa mga ganitong unang pakikipagkita kaya ako ang parang naninibago. Sanay din naman ako kaya lang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit natatameme ako.

                “Ano naman ang ikukuwento ko?”
                “Kahit ano.”
                “Mamaya na lang. Kapag nakainom na ng konti.”
            Katahimikan hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Pinapasok ko siya sa kuwarto.
            “Bakit naman sa kuwarto mo agad? Sayang naman ang ganda ng sala mo.”
            “Mas comfortable kasi ako sa kuwarto. Ikaw, gusto mo ba sa sala na lang tayo o sa kusina?”
            “Ikaw ang boss, bahay mo ‘to kaya ikaw ang masusunod. Nagtatanong lang ako.”
Tahimik na naman kaming pareho. Nakikiramdam.
                “Anong trip mo?” tanong ko.
                “Trip?” napangiti siya. Napakamot siya sa kaniyang ulo.
                Hindi nga naman naging malinaw ang tanong ko kaya mabilis ko ding binigyang linaw.
                “Trip mo kapag umiinom. Ikaw ba yung mahilig sa rock music, senti o kaya ay manood ng movie o gusto mo lang ng nagkukuwentuhan na walang ibang ingay.”
                “Mas mainam siguro senti na muna. Kapag nagkalasingan na saka mo ilagay ang rock music mo.”
                Pagkaselect ko ng mga senti sa laptap at pinatugtog sa winamp ay lumabas naman ako ng kuwarto para kumuha ng baso at nag-init sa oven ng puwede naming pulutan. Nagdala na kasi siya ng maiinom na maingat niyang nilagay sa mallit na mesa sa kuwarto kanina.
Pagbalik ko sa kuwarto ay naghubad ako ng pantalon at tanging boxer short na itim at itim ding sando ang suot ko. Nang maisabit ko ang pantalon ko at jacket ay napansin kong nakatingin siya sa akin. Patay malisya akong umupo sa tapat niya at tulad ng dati, nanatili akong torpe.
                Nakailang tagay na kami nang maramdaman kong mas nagiging makuwento na siya. Hindi ko na rin naiwasang magbahagi ng buhay ko dahil siya din naman mismo ay sa tingin ko naging totoo sa kaniyang paglalahad.
                “May karelasyon ka ngayon?” tanong niya.
                “Matagal ng wala. Mahirap. Sakit lang sa ulo.”
                “Sinabi mo pa. Minsan yung akala mong siya na. Nagsimula ka ng mangarap na makasama siya habang buhay, hinanda mo na ang sarili mo para sa inyong dalawa tapos nang balikan mo siya, huli na dahil may sasamahan na pala siyang iba.”
                Nahiwagaan ako sa sinagot niya. Nakita ko kasi ang mabilis na pamumula ng kaniyang mga mata. Dama ko ang kakaibang sakit ng kaniyang sinabi.
                “Mukhang may pinagdadaanan ka ngayon ah.”
                Napatitig siya sa akin at ilang saglit pa ay tuluyan ng umagos ang kaniyang luha. Ngunit mabilis niya iyong pinunasan pero kung ganoon din kabilis ang pagtulo muli ng kaniyang mga luha.
                “Pasensiya ka na. Tatlong taon na nang iwan niya ako. Apat na taon na naging kami. Mali pala, apat na taon kaming lihim na nagkagustuhan, isang taon na official na kami at magkasama araw-araw at tatlong taon na tuluyang nagkalayo dahil hinarap kong ayusin muna ang buhay ko. Gusto kong kapag magkasama kaming muli ay nakahanda na ako para sa hinaharap. Ngunit nang binalikan ko siya, may bumalik na palang iba. Nang handa na ako para ipagpatuloy namin ang nasimulan namin, nakahanda na din pala siyang ituloy ang buhay niya sa iba. Ansakit no’n. OA lang siguro ako kasi tatlong taon na pero sa tuwing naiisip ko napapaiyak pa din ako. Siguro dahil marami akong naisakripisyo sa pagmamahal ko sa kaniya ngunit mauuwi din lang naman pala sa wala ang lahat. Namatay si nanay, nasira ang pamilya ko, lumayo ako at nagtiis ngunit ito lang pala ang ending, ang magkaroon at tuluyang sumama na sa iba. Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari sa aking pamilya pero sana binigyan niya muna ako ng pagkakataon.”
            “Tatlong taon nang wala kayo pero ganyan ka pa din ka-emosyonal?”
            “Siguro kasi siya palang ang minahal ko ng ganito. Ngayon lang ako naiyak. Napakasenti kasi ng mga kantang pinapatugtog mo.”
            “Kasalanan ko pa eh, ikaw ang may gusto niyan.”
            “Sakit lang kasi talaga, sobra.” Napabuntong-hininga siya.
                Nakita ko sa kaniya ang mga dating pinagdaanan ko. Nakita ko ang sarili ko sa kaniya lalo na nang umiiyak siya. At lalong nagpaigting iyon sa paniniwala at pangako ko sa aking sariling hinding- hindi ko na ibibigay pang muli ang aking pagmamahal at tiwala. Narito ang katulad kong nagmahal din ng totoo ngunit iniwan din siya sa kabila ng marami niyang isinakripisyo. Kawawa talaga ang mga sobrang nagmamahal.
                “Ganiyan talaga ang relasyon ng mga tulad natin. Mahirap ipagkatiwala ang lahat. Mahirap ding umasang ito ay pangmatagalan. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra, ikaw ang laging talo. Kung ikaw ang mangarap at magtiwala ng husto, ikaw ang lalong masasaktan. Ngunit kung hindi mo naman naibigay ang lahat ng makakaya mo at iniwan ka niya, sisisihin mo din ang sarili mo kumbakit ka nagkulang kaya ka iniwan. Minsan mahirap talaga timbangin kung ano ba talaga ang tamang timpla na ibibigay sa relasyon.”
            “Siya ang unang minahal ko, kaya sa kaniya umikot ang buhay ko ng ilang taon.”
            “Minsan ka lang nasaktan. Ako tatlong beses na sunud-sunod. Ngayong iniwan ka niya, hindi naman ibig sabihin na hindi ka na muli pang makabangon at makapagsimulang muli. Lagi mo lang isipin na ilang taon lang iyon sa kabuuan ng iyong buhay. Naging masaya ka noong wala pa siya. Sabihin natin na siguro mas nagiging masaya ka noong naging kayo ngunit tapos na iyon. Ang mahalaga ay naranasan mong naging masaya sa piling niya.”
                Hindi ko lang lubos maisip na nakaya ko ng sabihin ang mga bagay na iyon. palibhasa, sarili kong mga karanasan iyon at alam kong napagdaanan ko ang ganoong sakit. Alam kong kailangan niya ng taong mapagsabihan ang lahat ng iyon kaya minabuti kong iyon na lamang muna ang aming pag-uusapan.
                “Ano ba ang minahal mo sa kaniya?”
                “Buong siya. Mahal ko yung paano niya ako minahal. Basta lahat lahat ng siya ay minahal ko kasama ng mga kakulangan at kapintasan niya.”
                Sa sagot niya ay mukhang mahihirapan nga siyang makamoved-on.
                “Hindi ka ba nagalit sa ginawa niya sa iyong pang –iiwan pagkatapos ng pagbigay mo sa kaniya ng tiwala mo at pagmamahal?”
                “Nagalit din pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa kaniya. May kasalanan din ako. May mga pagkukulang. Mas sinisisi ko ang sarili ko kaysa sa magalit ako sa kaniya. Pinaghintay ko kasi siya ng walang katiyakan. Hindi ko nagawa ang pangako ko sa kaniya nang iwan ko siya. Akala ko kasi kaya niyang maghintay kahit gaano pa ako katagal mawala. Sobrang nagtiwala ako sa kaniyang pagmamahal. Nakaligtaan kong ang relasyon ay isang walang kasiguraduhang pagsasama ng dalawang nilalang.”
                “Kung hindi ka galit sa kaniya, ibig sabihin pala wala kang puwedeng gamitin para turuan ang puso mong kalimutan siya. Kung galit ka lang sana, maari kang magsimula muna sa galit na iyon. Isipin mong galit ka dahil pinagpalit ka niya sa iba. Iwasan mong isipin kung bakit mo siya minahal. Mahirap talagang kontrolin ang gusto ng puso ngunit kayang labanan iyon ng utak. Kung hindi ka niya pinagpalit sa iba sana kayong dalawa ang magkasama ngayon. Kung mahal ka niya, sana hindi niya magawang saktan ka at iwan ng ganito. Ngunit hindi e, hindi kayo para sa isa’t isa.”
                “Siguro nga. Lahat ng pakiusap sinabi ko na. Lahat nga alam kong makapagpabago sa desisyon niya ay ginawa ko na ngunit nanatiling matatag siya sa kaniyang desisyon hanggang sumuko na ako.”
            “Dumaan na din ako sa ganiyan. Kung ayaw na sa iyo ng tao, kahit pa maglaslas ka sa harapan niya, hindi na niya kayang ibalik ang pagmamahal niya sa’yo. Kung may mahal na siyang iba, kahit pa magkaawa ka at lumuha, hindi ka na niya babalikan. Wala kang control sa damdamin ng iba, ngunit kaya mong kontrolin ang damdamin mo para sa kaniya. Sinasabi ko ito dahil lahat ng mga iyan napagdaanan ko na. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo.”
“Sa tingin mo ba pangit ako?” mukhang malayo ang tanong niya sa usapan namin.
             “Hindi ka pangit. Inaamin ko, sa akin, sa una, dapat attracted ako sa makakarelasyon ko. Iyon ang batayan ko noon. Mahalaga sa akin ang panlabas na anyo ng taong mamahalin ko pero ang kinalabasan, lagi akong sawi. Iniiwan ako. Minsan kasi wala sa hitsura ang tunay na pagmamahal. Maaring iyon ang unang pamantayan natin sa pagpili ng taong mamahalin dahil iyon nga naman ang unang mapapansin at nakikita lalo na sa tulad nating alanganin ngunit lagi sana lagi nating isipin na panandalian o temporary lang ang attraction. Ang tunay na maiiwan ay ang pagtanggap niya sa iyo, ang tunay niyang pagmamahal hindi dahil sa hitsura mo kundi ang kabuuan mo bilang ikaw.”
                “Mukhang napakarami mong alam ah. Expert lang?” mapait ang kaniyang ngiti.
                “Mas matindi pa ang mga pingadaan ko sa iyo. Mas matindi ang mga nagawa ko para balikan ako at mahalin. Mas masakit pa ang mga ginawa sa akin. Kaya huwag mong isipin na sa iyo lang nangyari ang ganyan dahil lahat ng mga alanganin ay pinagdaanan ang mga sakit na pinagdadaanan mo ngayon. Iyon ngang mga sikat na tao, mga artista nasa kanila na ang ganda at guwapo kasama ng yaman, talino, kasikatan at kabaitan ay iniiwan, tayo pa kayang mga simpleng tao lang? Pero walang may gusto na manatiling umiiyak at kinakawawa. Ang tanging alam kong epektibong paghihiganti sa mga taong gumawa no’n sa atin ay ang ipamukha sa kanilang pagkatapos ka nilang pahirapan at lokohin ay kaya mong muling tumayo, iparamdam ang iyong kasiyahan at ang tuluyan mong pag-angat para malagpasan sila. Dahil kung naabot mo na ang rurok ng iyong tagumpay, walang ibang titingala sa iyo kundi silang minsan ay nagpaiyak sa iyo.”
                Hindi siya sumagot. Muling tumungga ng alak. Malayo ang tingin. Waring pinag-aralan ang lahat ng sinabi ko.
            “Kaya nga ngayon, parang natatakot na akong magmahal. Ayaw ko na ng seryosohan kasi mauuwi din lang sa wala ang lahat. Magkakasakitan din lang sa huli.”
            Narinig ko ang kaniyang malalim na hininga. Tumingin sa akin. Sinuklian niya ng mapait na ngiti ang sinabi ko sabay ng pagkamot sa kaniyang ulo.
                “Masaya ka ba talaga ngayon?” tanong niyang muli pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik.
                “Masaya sa mga naabot ko. Mas masaya kaysa noong may partner ako na nananakit lang sa akin.”
                “Baka naman puwede mong ikuwento sa akin ang buong nangyari sa iyo. Malay mo, doon ako huhugot ng lakas para mas madali sa akin ang paglimot.”
                Tumitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko pa nagawang ikuwento ng buung-buo ang buhay ko at iniwasan kong masaling ang mga pilat ng kahapon ngunit sa kaniya, parang gusto kong ilahad ang lahat. Gusto ko ding ilabas ang lahat para kung may naiipon pa doong galit ay tuluyan ko ng mabigyang laya.
                Natagpuan ko na lang ang sarili kong kinukuwento ko mula kay Mark hanggang kay Lloyd. Akala ko hindi na ako iiyak pa. Akala ko tuluyan ko nang nakalimutan ang lahat ng mga iyon ngunit sa aking pagkukuwento sa kaniya ay may mga sugat ng nakaraan na sadyang hindi pa tuluyang naghilom at iyon ang dahilan para tuluyan akong mapaluha.
                “Tama na.” mahina niyang sambit. Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkaawa sa akin. Parang dama niya ang naramdaman ko noon. “Sorry. Hindi ko alam na ganoon pala kasakit ang mga nakaraan mo.”
               Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa aking likod. Hanggang nagkaroon iyon ng kakaibang sensasyon sa akin lalo n ng ginamit niya ang sando niya para ipunas sa aking mga luha. Nakita ko ang mabalbon niyang katawan. Naamoy ko ang kaniyang pabango.
            Tahimik kaming pareho. Nakiramdam.
Sumunod kong narinig ang paborito kong kanta na Forevermore.
 “Oh shit! Favorite ko ‘yang kantang ‘yan!”
            Tumayo ako at nilakasan ko iyon. Humilata ako sa kama. Napapikit ako. Matagal na kasing hindi ko naririnig ang kantang iyon at muling parang nagpagaan iyon sa kanina lang ay mabigat kong damdamin.
There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night

Biglang humina ang volume at narinig kong kinakanta na ni Jinx iyon at amoy ko ang kaniyang amoy alak na hininga. Pagmulat ko ay nasa dalawang dangkal na lang ang layo niya sa mukha ko. Binuhat niya ang ulo ko at ipinatong niya iyon sa kaniyang hita. Patuloy siya sa pagkanta. Napatitig ako sa kaniya. Sintunado siya at parang sinisira niya ang tunay na tono ng kanta ngunit dinadaan lang talaga niya sa lakas ng loob kaya ako nadadala.

I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be here with forevermore…

“Alam mo din pala ‘yan?” nakangiti kong tanong.
“Oo naman. Tumayo ka. Isayaw natin”
“Isayaw talaga? Korni mo ha.”
“Sige na, dadalawa lang naman tayo. Tumayo ka diyan bilis!” Hinila niya ako.


All those years, I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you.

Hinawakan niya ang baywang ko. Mali halos parang yakap na niya pala ang buong katawan ko. Nagkatingin kami. Nanginginig na din ako. Alam ko kasing dala na iyon ng kalasingan niya dahil nakikita kong nagiging mas mapungay na ang kaniyang mga mata.

Every night, I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine.

Sana nga siya na. Pero natatakot na akong masaktan. Nang tinitignan niya ako sa mata habang yakap niya ako at yakap ko siya ay parang sinasakop niya ang buo kong pagkatao ngunit paano kung darating lang siya para muli akong saktan. Ayaw ko na sana.

Time and again
There are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore
Wishing you would be mine

“Hayan, sabayan mo akong kumanta sa susunod na stanza. ‘Yan yung part na pinakagusto ko” nakangiti niyang bulong sa aking tainga. Nakiliti at kinilig sa kakaibang sensasyon.

I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with anything in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You're all I need to be here with forever more
(As endless as forever
Our love will stay together)
You're all I need
To be here with forevermore...

            Nang matapos ang kanta ay nakayakap pa din kami sa isa’t isa. Kung nakokornihan ako nang sinabi niyang isayaw namin ngayon parang ayaw ko na sanang matapos pa ang kantang iyon. Sana forever na lang itong naipapatugtog para hindi na matapos ang pagsayaw namin. Kinikilig kasi ako.
               Medyo hilo na ako noon ng nainom naming alak at alam kong ganoon din siya. Pero ang nainom naming iyon ay sapat na para magpainit sa aming mga nararamdaman.
            “Sarap mo palang isayaw.” Pamamasag niya sa katahimikan.
            “Naku, kung hindi ko lang paborito ‘yun di ko papatulan ang trip mo ‘no.” pag-iinarte ko.
            “Hindi nga ba? Mukhang mas feel na feel mo pa nga sa akin eh.”
            “Nadala lang ako, ulol!”
            “Nadala lang ba? Parang hindi naman. Kita mo ngang nakayakap ka parin sa akin hanggang ngayon. Hindi nga halata di ba?”
            Napansin kong ang mga kamay niya kanina sa baywang kong nakayakap sa akin ay nasa likod na niya. Kaya ang naging labas ay ako na lang ang nakayakap sa kaniya.
            Nang tinanggal ko ang kamay kong nakayakap sa kaniya ay mabilis niyang hinawakan ang mga iyon. Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Pinisil ko ang palad niyang nakahawak sa aking mga palad. Lumapit ang kaniyang mukha. Hindi ko na hinintay na siya lang ang kumilos. Inilapit ko din ang aking mukha at nagtagpo ang sabik naming mga labi. Bahagya lamang ang pagkakadikit niyon. Sandali kaming nagkatitigan hanggang sa muling naulit ang kanina’y smack lang. Nagsimulang kumilos nagwala an gaming mga dila. Naglakbay ang aming mga palad sa buong katawan ng bawat isa. Hanggang sa itinaas niya ang sando ko at para naman akong batang masunuring itinaas ang aking mga kamay. Hinila ko  siya sa nag-aanyaya kong kama. Kusa siyang naghubad ng kaniyang damit at short. Tanging brief na lamang ang naiwan ngunit hindi kayang takpan ng brief ang galit na galit niyang alaga. Lalong nagwala ang pakiramdam ko. Parang apoy na hindi na kayang tupukin pa ng tubig. Lalo na ng dumikit ang nakakadarang niyang hubad na katawan at nagsalpukan ang init naming dalawa. At alam kong simula na iyon ng pagkakahabi ng kuwento ng aming pag-ibig.

No comments:

Post a Comment