by: Zildjian
Halos bawian ako nang lakas nang
makita ko ang sinasabing kapatid ni Louisa. Para akong nakakita nang multo.
Magkahalong takot at pangungulila ang aking naramdaman ni hindi ko namalayan na
nabitawan ko na pala ang aking dalang payong.
Hindi pa rin nag bago ang taong
hanggang ngayon ay laman parin ng aking puso’t isipan. Kung may nag bago man sa
kanya ay ang style nang kanyang buhok. Ang pabango, tindig at hitchura nito ay
ganun parin. He still has the power to make my heart beat fast. Hindi nito
tinanggal ang kanyang mga tingin sa akin na mas lalo ko namang ikinataranta.
Ako ang nag bawi nang tingin. Hindi ko
makayanan makipagtitigan sa kanya nang matagal ibinaling ko ang aking tingin
kay Louisa na nakangisi pala sa akin sa di malamang dahilan.
“K-Kapatid mo sya?” Gulong-gulo ako sa
mga pangyayari hindi ko inaasahan na sa dami nang lugar na pwedi kaming magkita
ay sa simbahan pa. Tumango lang ito sa akin na parang sinusukat ang reaksyon
ko.
“Louisa let’s go.” Napasinghap ako
nang marinig kong muli ang boses nito na mahigit anim na taon ko nang hindi
naririnig. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ngunit wala akong makitang
emosyon. Bato, yan ang nakikita ko sa taong nasaharapan ko ngayon kahit
nakatingin ito sa akin ay wala akong mahapuhap na emosyon.
“Kuya, meet Laurence my new found
friend. Cool huh?!” Ngingisi-ngisi nitong pagpapakilala sa akin sa kuya nya.
“And Laurence, meet my handsome kuya Claude Samaniego.
Doon na tuluyang nanginig ang aking
mga tuhod ng ikumperma mismo ni Louisa na hindi lang ito panaginip o ang
nakasanayan ko nang pagbabalik tanaw. Nasa harap ko ngayon si Claude ang taong
minahal ko, ang taong naging malaking bahagi nang aking naraan na pilit kong
kinakalimutan. Akala ko ay kakamayan ako nito o mas tamang sabihin na nag
expect akong kakamayan nya ngunit isang tango lamang ang isinagot nito bago
muling nang salita.
“Let’s go Louisa.” At tuluyan na itong
tumalikod sa amin. Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Hanggang
ngayon ba ay galit pa rin ito sa akin. Galit pa ba sya sa isang kasalanan na
hindi ko naman ginawa.
“Laurence?” Untag sa akin ni Louisa.
“Hah?” Wala sa sarili kong sagot at
ibinaling na ang tingin sa kanya.
“Nakakatatlong ‘Hah’ kana sa araw na
ito may problema ba?” Wika nito. Alam kong may alam si Louisa tungkol sa amin
ni Claude kita ko sa mga mata nito. Kaya pala nasabi kong pamilyar ito sa akin
dahil parehong-pareho sila nang mata ni Claude.
“W-Wala.” Hindi ko rin alam kong bakit
yon ang lumabas sa bibig ko. Gusto kong kumprontahin ito patungkol sa kapatid
nito ang kaso hindi ko magawa ayaw lumabas ng mga salita sa aking bibig.
“Sigurado ka?” Nakataas ang isang
kilay nito sa akin para bang nanunubok, pero wala akong balak na pagbigyan sya
ngayon pa’t alam kong hanggang ngayon matindi parin ang galit ni Claude sa
akin.
“Oo, bakit?” Pinilit ko talagang
maging normal sa harapan nya marahil may gusto akong patunayan. Gusto kong
patunayan sa kanya na hindi ako apektado.
Ngumiti ito nang ubod nang tamis sa
akin.
“Wala naman. Paano, una na kami nang
kuya ko bukas nalang ulit.” At tinungo na nito ang daan kung saan siguro sya
hinihintay ng kapatid nya habang ako naman ay nanatili parin sa aking
kinatatayuan. Claude…
Kanina pa ako nakatanga halos wala sa
sariling naka upo sa harapan ng aking mga studyante na abala sa kanilang
midterm exam. Bumabalik-balik pa rin sa akin ang muling pagkikita namin ni
Claude at hindi ko maiwasang makaramdam nang pamimigat ng katawan dahil kahit
anim na taon na ang nakakaraan ay hindi parin ako nito napapatawad. Kung
tutuusin dapat matagal ko na itong natanggap o mas tamang sabihin na pinilit
kong tanggapin ang masalimuot na kapalaran naming dalawa.
Hindi ko rin maintindihan ang aking
damdamin kung bakit hanggang ngayon umaasa parin ako na kahit manlang ang pagkakaibigan
namin ay ma isalba ko. Tanggap ko na ang katutuhanang hindi na pweding maging
kami dahil sobrang labo na iyon para sa akin. Pero wala, kasingtaas ng
sarangola ni pepe ang pride ni Claude ang hirap abutin.
Oo, sobrang taas ng pride nito at dahil
doon ay tuluyang nasira ang relasyon namin. Hindi manlang nito pinakinggan ang
mga paliwanag ko noon.
“Sir?” Pagbasag ng aking estudyante sa
aking malalim na pagiisip. Napatingin ako sa kanya bakas sa mukha nito ang
pagtataka.
“Your late.” Walang gana kong sabi.
“I’m sorry sir, na flat kasi ang
gulong nang sinasakyan kong jeep eh rush hour, napilitan tuloy kaming maghintay
nalang.” Napapakamot pa nito sa ulong alibi.
“Gasgas na ang alibi mong yan gumawa
ka nang bago. Where’s your pay slip?” Mahiya-hiya nitong ibinigay sa akin ang
pay slip nito na kailangan para makakuha nang exam. Mahigpit kasing ipinatupad
ng eskwelahan na pag walang pay slip o Promissory note na maipapakita ang mga estudyante ay hindi
ito pweding kumuha nang exam.
“Minus 5 points for your tardiness.”
Kung nung una ay nakangiti ako kapag sinasabi ko iyon sa mga late kung
estudyante ngayon ay hindi.
“Pero sir…”
“Go take your seat.” Agad kong
pagbabara rito wala na itong nagawa.
Muli kong ibinaling ang aking atensyon
sa aking mga estudyante pilit iwinawaksi ang maisip ang kaninang bangongot na
nangyari. Walang rason para isipin ko si Claude, kung nagawa kong mabuhay ng
anim na taon na magisa, kaya ko ulit gawin iyon ngayon. Bakit ko pa ba kasi
naisipang magsimba? Ang naiwika ko sa aking sarili.
Past
Halos magdamag naming ginawa ni Claude
ang pagpaparamdam namin kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Hindi ko
akalain na ang tulad nya ay ganun ka hilig, pero natutuwa ako dahil hindi lang
ang sarili nito ang iniisip nya. Tinulungan rin nya akong makaraos para daw
patas kami.
Mas lalong naging malalim ang
pagmamahal ko para sa kanya sa mga atensyon na ibinibigay nito sa akin. Hindi
ito pumasok kinabukasan, nagpakasasa kaming dalawa buong araw sa bahay nila.
Lambingan, kulitan, food trip, movie marathon lahat na ata nang pwedi naming
gawin ay nagawa namin loob nang isang araw. Nang dumating ang linggo ay tulad
pa rin nang dati ang naging routine namin, sinundo ako nito sa bahay at tinungo
ang simbahan pagkatapos ay dinner sa pinag dalhan nito sa akin nung unang gabi
naming dinner date.
Tatlong araw na ang nakakalipas at sa
loob nang tatlong araw na iyon ay sobrang laki nang ipinagbago nang relasyon
namin ni Claude.Tama nga ang sabi sa akin ni Ralf pag pinagbigyan mo ang isang
lalaki halos lahat ay ibibigay sayo at halos sambahin ka nito.
“Pinsan?” Untag sa akin ni Ralf. Nasa
loob kami ngayon ng karinderya habang hinihintay ang sunod naming subject sa
hapon na iyon.
“Bakit?” Nakangiti kong tanong sa
kanya. High parin ako hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na ang taong
mortal kong kaaway noon ay ang taong laman na nang puso ko ngayon. Life is so
ironic.
“Anong bakit? Eh kung ibuhos ko kaya
itong coke ko sa pagmumukha mong kanina pa nakangiti nang walang dahilan.
Addict ka na naman eh.” Bakas ang iritasyon sa mukha nito. Natawa nalang ako sa
kanya at napapailing na kinakagat-kagat ang dulo nang straw sa aking softdrink.
“In love na nga ang gago.” Napapailing
na rin nitong sabi. “Nakikinig kaba sa mga pinag sasasabi ko Laurence?”
“Hindi.” Nakangisi kong sagot. Binato
ako nito nang isang piraso nang Mr. Chips na linalantakan naming pareho.
“Umaadik ka ngayon ah.” Lumapit ito sa
akin at binulungan ako. “Ano, malaki ba?” Napatingin ako sa kanya at nasa mukha
nito ang panunukso.
Napangisi na rin ako sa kanya. Ewan ko
ba pero trip kong patulan ang trip ni Ralf sa araw na iyon.
“Secret baka agawin mo sya sa akin.”
Sabay hagikhik.
“HOY! Excuse me hindi ko pagpapalit si
babe ko noh. Malaki rin yung ano nun.” At sabay kaming nagtawanan.
Sa kasagsagan ng biruan namin ni Ralf,
hindi namin na pansin ang paglapit ng grupo ni Anna na sa lamesa namin.
“Hi Ralf.” Bati nito sa pinsan ko.
Pareho kaming napatingin sa kanya.
“Oi Anna ano ang atin?” Baling naman
ni Ralf sa kanya nakangiti parin ito.
“Wala naman. Gusto ko lang kumustahin
ang pinsan mong hilaw.” At sa akin na nito ibinaling ang kanyang tingin. “So,
kayo na pala ni Claude, ano nakita sayo nun at pinagpalit ako sa bakla?”
Nawala ang ngiti sa aking mukha nang
marinig ko ang sinabi nito. Wala sa expresyon nya ang nagbibiro seryoso at may
galit ang mga mata nito. Hindi ako umimik.
“I can’t believe na pumatol sa’yo si
Claude. Look at you. Ipinagpalit ako ni Claude sa isang katulad mong baduy na
nga bading pa.” Sabay tawa nito na sinundan naman ng mga kasamahan nito at
ibang estudyante na nakakarinig. “Nagiinsulto ba ang taong yon?” Dagdag pa
nito.
“Anna wag ka namang ganyan.”
Pagtatanggol ni Ralf sa akin.
“Totoo naman di ba?” Si Ralf na ang
binalingan ng tingin nito. “Masyadong mataas ang lipad nitong pinsan mo Ralf.”
Gusto ko nang patulan ang harapang
pangiinsulto nito sa akin, pero wala akong magawa sa sobrang hiya. Yumuko
nalang ako para maikubli ang mukha ko sa mga taong ngayon ay sa amin na
nakatingin.
“Hindi kasalanan ni Laurence kung sya
ang pinili ni Claude..” Hindi na natuloy ni Ralf ang kanyang sasabihin dahil
agad na binara ito ni Anna.
“Pinili? Nagpapatawa ka ba Ralf? Im
sure playmate lang yan ni Claude alam mo naman ang taong yon gustong-gusto ang
lagi syang na i-intertain.”
“Get a life Anna.” Ringi ko ang
seryosong tinig na iyon. Napaangat ako at nakitang nasalikod na pala ni Anna
sina Mike at Claude. Matalim ang mga mata nito at halatang galit na galit na.
Maski si Anna ay na bigla nang makita ito, hindi marahil inaasahan ang
pagsulpot ng dalawa.
“C-Claude?” Bakas ang pagkabigla sa
boses nito.
“Anong ginagawa mo sa misis ko? Sino
nag bigay ng pahintulot sayo na insultuhin sya?”
Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ako
nang matinding tuwa sa aking mga narinig kay Claude. Kung masarap sa pandinig
ko ang salitang misis kapag binabanggit nya iyon ng kaming dalawa lang ay na
duble ito ngayon nang halos walang pagdadalawang isip nya itong sinabi sa harap
nang maraming tao sa karinderyang iyon.
“Misis? Claude nagpapatawa kaba? Don’t
tell me na sine-seryoso mo na itong bading na to?” Sabay turo pa sa akin. Gusto
ko nang mawala sa lugar na iyon sa sobrang hiya at pagkainsulto.
Lumapit si Claude sa akin at hinila
ang katabing upuan at umupo katabi ko. Inakbayan pa ako nito.
“Ano ngayon sayo?” Lumabas ulit ang
angas ni Claude. “Walang rason para magpaliwanag ako sayo dahil hindi naman
naging tayo.” Rinig kong natawa ang ibang tao na halatang nageenjoy sa
nakikitang eksena.
Ibinalik nito kay Anna ang ginawang
pangiinsulto nito sa akin kanina. Halata sa mukha ang matinding puot at hiya
kay Anna sa mga sinabi ni Claude napuruhan ang bruha.
“Ang kapal ng mukha mong ipahiya ako
sa harap ng maraming tao!” Nang gagalaiti na ito sa galit. Kahit naman siguro
sinong babae ay magagalit kung lalaki mismo ang mag dump sayo sa harap pa nang
maraming tao.
“Masakit? Ngayon alam mo na siguro ang
pakiramdam ng binabastos sa harap ng maraming tao. Ulitin mo pang lapitan at
awayin si Lance at sisiguraduhin ko sayong hindi kita sasantuhin kahit babae
kapa.” May bahid ng pagbabanta nitong sabi. Napaatras ng bahagya ang dalawang
babaeng kasama nito.
“Pag babayaran mo ito Samaniego!
Isusumbong kita sa mommy mo!”
“Wag mo akong pagbantaan Anna alam
mong di uubra yan sa akin. Lumayas kana rito kung may hiya kapang natitira sa
sarili mo.” Nakangising aso nitong tugon. Wala talagang sinasanto ang kumag
kapag galit ito lumalabas ang kayabangan at angas nito.
Inis na nag walkout si Anna kasama ang
dalawang aliporis nya. Medyo nakaramdam ako nang awa sa kanya medyo lang naman.
Doon ko lang nakita ang expresyon sa mukha ni Mike at Ralf na parehong natatawa
sa mga pangyayari.
“Hala ka tol masyado mo atang na
sindak si Anna mababawasan na ang fan club mo.” Naka ngising wika ni Mike.
“Sya pa naman ang leader nun.” Gatong
pang sabi ni Ralf.
“Pakialam ko.” Sabay kuha nito sa
softdrink kong nakapatong sa mesa at walang anu-anong uminum bago bumaling sa
akin. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari.
“Wag mo na pansinin yong isang yon
misis.” Ang bilis mag palit ng expresyon. Kung kanina ay maangas ang dating
nito, ngayon ay nakangiti na ito nang ubod ng tamis sa akin. Kung hindi ko lang
nakikita si Mike at Ralf na sa ngayon ay nakangisi parin ay sasabihin kong
hindi talaga nang yari ang lahat.
“Masyado mo naman atang pinahiya ang
tao.” Ang naiwika ko nalang. Nakonsensya kasi ako kahit na may bahagi nang puso
ko ang natutuwa sa nang yari.
“Bagay lang yon sa kanya.” Tugon ni
Mike na sinangayunan naman ni Ralf.
“Di ba kaibigan nyo yon?”
“Noon
yon misis ngayon hindi na. Wag mo na masyadong isipin yon.” Si Claude
ang sumagot sa tanong ko sa dalawa.
“Paano kong isumbong ka nga nya sa
mommy mo?” May bahid nang pagaalala kong sabi. Natatakot kasi ako na kapag
nalaman ng magulang ni Claude ang relasyon namin ay papaglayuin kami nang mga
ito.
“Okey lang. Sino tinakot nya?”
Nakangisi na naman nitong sabi.
“Ang yabang mo.” Basag ko agad sa
kanya na tinawanan naman nilang tatlo. Isinangtabi ko nalang muna ang mga
alalahanin na iyon. Kontento na ako na ipinagtatangol ako nito.
Natapos ang klase namin sa araw na
iyon. Hindi na nagpakita si Anna sa akin at naging instant sikat naman ako sa
buong campus dahil kumalat ang eksenang nangyari sa karinderya. Maraming mga
estudyante sa department nina Claude at Mike ang lumapit sa akin at ikinumperma
ang relasyon namin na puro naman ngiti ang sagot ko. Ayaw kong magbitiw ng
kahit na anong kumento patungkol sa status namin hindi dahil nahihiya o
ikinahihiya ko ang relasyon na meon kami
kung hindi dahil gusto ko ring protektahan si Claude.
Kasama si Ralf ay pumunta kami sa
tambayan namin para hintaying matapos ang klase nang dalawa naming minamahal.
Yon kasi ang nakasanayan na nila ni Mike noon at ngayon hinihiling na rin ni
Claude sa akin na pag ako ang nauunang lumabas ay hintayin ko sya.
Habang abala kami ni Ralf sa
pagkukwentuhan ay lumapit sa amin si Alfie. Hindi ko inaasahan na sa mga oras
na iyon ay nasa Campus pa sya. Ang alam ko kasi kanina pa tapos ang klase nito.
“Oi musta?” Ang bati ko sa kanya.
“Okey lang naman. Pwedi ba kitang
makausap Lance?” Malungkot ang mukha nito. Napatingin muna ako ay Ralf para
magpaalam at tumango naman ito sa akin.
“Bili lang ako Softdrink sa canteen.”
Wika ni Ralf sabay tayo.
Hinintay muna ni Alfie na tuluyang
makalayo si Ralf bago ito muling nag salita.
“Totoo ba ang balitang kayo na ni
Claude?” Ang wika nito sa mahinang tinig.
Inaasahan ko na ang tanong nyang iyon,
pero nahirapan parin akong sagutin sya. Ilang sigundo ring namayani ang
katahimikan bago ako nag salita.
“Oo.” Mahina kong sagot.
“Okey.”
Katahimikan ulit.
“Mahal ka ba nya?” Maya-maya’y wika
ulit nito.
“Sa tingin ko naman Oo.”
“M-Mahal mo ba sya?” Medyo nag crak na
ang boses nito pero hindi ko makita ang expresyon ng mukha nya.
“Oo, mahal ko sya.”
Muling namayani ang katahimikan. Ilang
minuto rin itong hindi nagsalita ako man ay wala ring mahapuhap na idudugtong sa
sinabi ko.
“Masaya ako na masaya ka Lance.” Sa
wakas ay binasag muli nito ang katahimikan. Hindi ko maintindihan kong bakit
hindi ko maramdaman na masaya nga ito.
“Mag kaibigan pa rin naman tayo kahit
na may boyfriend kana di ba?” Ngayon ay ini angat na nito ang kanyang tingin.
“Syempre naman hindi na magbabago
iyon.”
“Promise mo yan?”
Di ko alam pero parang sinundot ang
aking puso. Marahil ay dahil nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata nito.
Gusto ko sanang tanungin sya kung ano ang problema, pero hinayaan ko nalang.
Hindi rin naman ako sigurado kung magugustuhan ko ang malalaman ko.
“Promise.”
Katatapos lang naming mag dinner ni
Claude at ngayon ay ako na ang nasunod kung saan kami kakain. Dahil nga
paborito ko ang bar-be-que ay dinala ko sya sa isang murang lugar. Sarap na
sarap naman ito sa pagkain walang arte itong nag kamay na ikinatuwa ko.
“Nag-usap raw kayo ni Alfie kanina?”
Wika nito sabay sindi nang sigarilyo nya.
“Oo kanina nung hinihintay namin kayo
ni Ralf.”
“Ano ang sabi?”
“Wala naman. Nangumusta lang at..”
Medyo nag aalangan ako kung sasabihin ko sa kanya ang napagusapan naming ni
Alfie.
“At?” Sabi nito nang hindi ko masundan
ang sasabihin ko.
“At kinumperma kong totoo bang tayo
na.”
Bumakas ang interes sa mukha nito.
“Anong sinabi mo?”
“Para kang sira. Itapon mo nga yang
sigarilyo mo puro usok na nga rito.” Itinapon naman nito ang hawak nyang
sigarilyo.
“Ayan wala na. So, ano ang sinabi mo?”
Nakangiti na nitong sabi. Halata kay kolokoy na intersado syang malaman ang
naging sagot ko kay Alfie.
“Syempre sinabi kong totoo.”
Nagliwanag ang mga mata nito.
“Tapos? Ano ang sabi nya?”
“Hindi halatang intersado ka ah.”
Ngumisi lang ito sa akin at kumindat.
“Tinanong nya kong mahal raw kita,
syempre sinagot ko nang oo.”
“Talaga? Sinabi mo yon?” Hindi pa rin
mawala ang tuwa sa mga mata nito.
“Bakit mister, gusto mo sabihin kong
hindi kita mahal?” Pangiinis ko sa kanya.
“Wala akong sinabing ganyan misis.
Halika rito tabi tayo.” Ito ang rason kong bakit sa maikling panahon ay
napahamal sya sa akin.
Present
“Sir, may tawag po kayo sa telepeno.”
Wika nang isang estudyante na nasa labas ng pinto marahil ay inutusan ito nang
kung sinong tao sa faculty.
Nangunot naman ang noo ko dahil wala
akong ine-expect na tawag.
“Sino
raw?”
“Hindi ko alam sir eh.”
“Sige salamat.” At tinungo ko na nga
ang faculty room kung saan ang telepono. Sakto namang kalalabas lang ni Chatty
at patungo na ito sa susunod nyang subject.
“May tawag ka.” Wika nito.
“Sabi nga nang estudyante.” Pang iinis
ko sa kanya.
“Tse! Wala kang kwentang kausap
makaalis na nga.” At tuluyan na nga itong umalis at ako naman ay pumasok na sa
loob ng faculty room.
“This is Mr. Cervantes. Sino po sila?”
Walang akong narinig na sagot sa kabilang linya. Balak ko na sanang ibaba ito
nang marinig ko itong huminga at nag salita.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .
. . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment