Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (02)

by: Zildjian

Sa nang yaring iyon ay araw-araw na akong laging binabagabag. Gusto kong magalit sa kanya sa ginawa nyang pangtritrip sa akin inisip ko na sumobra na ito ngunit kalahati naman ng puso ko ay nagustohan ang ginawa nya.

Hindi ko sinabi sa aking pinsan ang nangyari sa amin ng kaibigan ng boyfriend nya kinimkim ko lang ito. Mula din noon ay iniwasan ko na talaga ang pagtatagpo namin ng landas ni Claude maski ang pinsan ko ay dinamay ko na dahil alam ko naman na tropa ng boyfriend nito ang taong ayaw kong makita at makausap. Alam kong nagtatampo na sa akin si Ralf pero pinanindigan ko ang desisyon kong umiwas kay Claude.


“Laurence, let’s talk.” Ang biglang sabi ni Claude nang ma corner ako nito sa CR. Nagpalinga linga ako para makahanap matatakasan pero wala, nagiisa lang ang pinto nang CR namin sa campus.

“Bakit mo pa ako iniiwasan?” May pagtatampo nitong sabi.

Nangunot ang kilay ko sa sinabi nito. Hindi ko makuha kong ano ang gustong palabasin nya sa tanong nya na para bang close na close kami at parang wala lang nangyari sa amin nung birthday ni Anna.

“H-hindi kita iniiwasan.” Ang kinakabahan kong naisatinig.

“Sinungaling!” May kalakasan nitong sabi.

Napaatras ako nang bahagya na isa palang malaking pagkakamali dahil napasandal ako sa dingding. Lumapit pa ito lalo sa akin at iniharang ang magkabila nyang kamay para hindi ako makaiwas.

Nag salubong ang aming tingin.

“Kung hindi mo ako talaga iniiwasan sasama ka sa akin.” May paghamon nitong sabi sa akin.

Sobra ang kabog nang dibdib ko dahil naamoy ko ang mabango nitong hininga. Para akong nahihipnotismo sa kanyang mga titig sa akin. Namalayan ko nalang na napapatango na ako.

“Good. Let’s go.” Sabay hatak nito sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Claude tahimik lang kaming dalawa habang nasaloob ng kanyang sasakyan. Akala ko  malapit lang ang pupuntahan namin pero magiisang oras na kaming  nagbyabyahe kaya naman napilitin na akong tanungin sya.

“S-saan tayo pupunta?” Kinakabahan ko pa ring sabi.

“Somewhere more private.”

“Pero…”

“Wala nang pero pero.” Pagputol nito sa sasabihin ko.

Pinili ko nalang manahimik dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko wala na rin akong magagawa. Bahala na. Siguro mag uusap lang naman kami. Pampalubang loob kong sabi sa aking sarili.

Namangha ako sa lugar na pinuntahan namin napaka ganda nito hindi ko alam na mahilig pala si Claude sa mga lugar na tulad nang nakikita ko ngayon.

“So, how’s the place?” Nakangiti nitong tanong sa akin nang makababa kami sa kanyang sasakyan.

“O-okey lang.” Matipid kong sagot. Alam kong malaking pagkakamali ang pagsama ko sa kanya di ko alam kung bakit hindi ko matangihan itong gagong to.

“Paborito namin tong puntahan nina Mike tuwing masyado kaming pressured sa mga projects namin alam mo naman mga engineers.” Presko nitong sabi.

“Yabang.” Pabolong kong sabi.

“May sinasabi ka?” Nakataas nitong kilay na sabi.

“Wala!”

“Alam mo ikaw hindi kita maintindihan kong ano ba tumatakbo dyan sa kokote mo napaka unpredictable mo.” Sabi nito.

“Sinabi ko bang intindihin mo ako? Bakit mo ba ako dinala-dala rito?” Di ko maiwasang muling mainis sa kanya dahil sa natural nitong angas.

Natahimik naman ito at sumeryso ang mukha. Lihim akong napangiti dahil sa unang pagkakataon mukhang nanalo ako sa bangayan namin.

Ibinalik ko nalang ang aking pansin sa magandang tanawin. May mangilan-ngilan akong nakikita na abala sa paglalaro nag skim board.

“What had happened nung birthday ni Anna.” Biglang nitong nasambit.

Hindi ko ibinaling sa kanya ang aking tingin, nakaramdam ako nang pamumula nang muling maalala ang nangyari sa amin at gusto ko ring marinig ang paliwanag nya. Ewan ko ba pero parang excited ako sa maaari nyang sabihin.

“L-Lasing lang ako nun at di ko sinasadya. Sana hindi mo iyon ipagkalat.”

Sa sinabi nito ay napalingon ako sa kanya na may di nakakapaniwalang tingin.

“Alam kong may pagnanasa ka sa akin kaya pinagbigyan lang kita nun.” Nakangisi nitong sabi.

“Ang kapal naman pala talaga nang pagmumukha mo noh? Wala akong balak ipagsabi ang mga nangyari kung yan man ang ikinakatakot mo. Ngayon, pwedi mo na ba akong iuwi?” Pulang-pula ako sa magkahalong pagkainis at pagkapahiya sa ginawa nito sa akin.

“Sinisigurado ko lang. Ayaw kong masira ang image ko.”

“Anong image ang pinagsasabi mo, meron ka ba nun? Umuwi na nga tayo.” Pikon kung sabi sabay pasok ulit sa loob ng sasakyan nito. Hindi nakatulong ang magandang lugar na iyon para ma ibsan ang pagkulo nang dugo ko sa kayabangan nya.

Mukhang wala na talagang pagasang magbago ang hunghang na ito sabi ko na nga ba’t isang malaking pagkakamali ang pagsama ko sa kanya. Ito na ang huling pagkakataon na papayagan ko ang aking sarili na kausapin sya.

“Peace be with you.” Ang nakangiting sabi sa akin ng babaeng katabi ko. Mula sa pananariwa sa nakaraan ay bigla akong nabalik sa kasalukuyan.

“P-Peace be with you.” Ang naisagot ko nalang sa kanya pilit ginawang normal ang boses ko.

Nakakahiya kung mapansin nito na wala naman talaga sa misa ang utak ko. Alanganin akong ngumiti sa kanya na sinuklian naman nya nang matamis na ngiti.

Hindi ko alam ngunit sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ay nagbibigay ito nang ligaya sa akin. Iyon nalang kasi ang pweding kung gawin para maibsan ang pangungulila ko sa mga tao na naging bahagi nang buhay ko noon.

Iwinaksi ko sa aking isip ang nakaraan at muling sinubukang i-focus ang aking sarili sa malapit nang matapos na misa kahit alam ko naman na wala nang kwenta dahil tapos na ang pinakaimportanteng parte ang sermon ng pari.

Tahimik, oras na para magdasal ng taimtim. Kahit hindi man ako pumila para tanggapin ang katawan ni Kristo ay lumuhod pa rin ako para magsimulang magdasal. Kita ko sa gilid ng aking mata na sa akin nakatingin ang katabi kong babae.

“Pinsan, nakakatampo kana talaga hindi ka na nagtetext sa akin at di na rin tayo nagsasabay. Tapatin mo nga ako, may galit ka ba sa akin?”  Bakas ang lungkot sa boses ni Ralf nang puntahan ako nito sa bahay araw ng Lingo.

“Wala noh! Naisip ko lang kasi na lagi nalang akong nakabuntot sa inyo ni Mike nagmumukha na akong alalay.” Pabiro kong pagdadahilan sa kanya.

“Hmmmf! May tampo ka sa akin eh. Dahil ba hindi kita nasamahan nung magpaalam ka sa birthday ni Anna?”

Lihim naman akong natuwa sa pumasok sa isip nya. Atleast wala pa rin syang ideya tungkol sa nangyari sa amin ng magaling na kaibigan ng boyfriend nya. Isang rason kung bakit ayaw kong sabihin iyon kay Ralf sapagkat ayaw kong ito pa ang maging dahilan para magaway sila ni Mike.

“Hindi nga ako nagtatampo ang kulit mo!” Idinaan ko sa biro ang aking sagot para mapaniwala ko sya.

“Maniniwala lang ako kung magsasabay ulit tayo bukas.” May paghamon nitong sabi.

Di naman ako agad nakasagot panigurado kasing kung magsasabay kami kasama na naman ang boyfriend nya at malamang kasama rin nito ang taong ayaw kong makita.

“Sabi ko na ngaba may tampo ka sa akin eh. Hindi ka kasi nakasagot.” Malungkot nitong turan na ikinakonsensya ko naman.

“Hindi talaga promise. Sige na nga sabay tayo ulit bukas matigil ka lang.” Bumakas ang tuwa sa mukha nito sa narinig.

Sa totoo lang namiss ko na rin ang pinsan ko. Hindi naman kasi kami laging nagkakausap kahit magkaklase kami sa dami nang ginagawa name. Naisip ko rin na hindi ko dapat sya dinadamay sa problema ko kay Claude.

“Buti naman at tumupad ka sa usapan.”Nakangiti nitong bati sa akin. Tulad nang nakagawian ay hinihintay ako nito sa may guard house malapit sa gate ng skwelahan namin.

“Ako pa!” Magiliw kong sagot sa kanya.

Naglakad na nga kami sa may covered walk na paborito naming daanan para makaiwas sa haring araw.

“Pinsan alam mo na ba ang balita?” Sabi nito habang naglalakad kami.

“Anong balita?”

“Si Claude may liniligawan na daw.” Simpleng tugon nito.

Sa totoo lang nakaramdam ako nang kirot at panhihinayang sa sinabi nito ngunit agad itong nawala nang maalala ko ang huling paguusap namin tatlong araw na ang nakakaraan.

“San mo naman narinig ang tsismis na yan?” Casual kong tanong.

“Kay Mike, nag inuman daw sila nung Sabado pero mukhang na busted ata si Claude.”

“Bagay lang yon sa kanya.” Sabi ko na may pinaghuhugutan.

“Mabait naman si Claude pinsan, malas mo lang at mukhang ikaw ang napaginitan nya.” Humahagikhik nitong sabi.

“Kung yon ang mabait sayo ano nalang kaya ang masama noh?” May himig ng pagiging sarkatisko kong tugon na dahilan para matawa na ito nang tuluyan.

“Speaking of the devil.” Walang buhay kong sabi nang makita itong nakangisi kasama si Mike.

“Good Morning babes, Laurence.” Bati sa amin ni Mike nang makalapit kami sa mga ito. “Kanina pa kita hinihintay babes.” Dagdag pa nitong wika.

Pumulupot naman agad si Ralf sa braso nito.

“Di ba nagtext ako sayo na sabay kami ni Laurence ngayon.” Malambing nitong sabi.

“Buti naman at nagparamdam kana ulit.” Sabat naman ni Claude na nakangisi pa rin sa akin.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya na hindi nagpaapekto sa pangiinis nito. Sakto naman na nakita ko si Alfie, kaklase namin sa history irregular student kasi sya. Tinawag ko ito at sininyasahan na hintayin ako dali-dali akong nagpaalam kina Ralf at Mike at agad na pinuntahan ito na hindi manlang binibigyan ng pansin si Claude.

Sa totoo lang wala naman talaga akong kailangan kay Alfie gusto ko lang makaiwas sa pangaalaska ni Claude. Nagisip nalang ako nang idadahilan habang papalapit ako sa kanya.

Minsan na kaming naging magkagrupo ni Alfie alam kong mabait ito yon nga lang ay mas pinili nitong manahimik lang sa isang tabi. Naging maganda naman ang kwentohan namin napagusapan namin ang nalalapit na quiz sa history. Humingi ako sa kanya nang tulong dahil sa lahat ng mga subjects sa history ako mahina. Nakakatuwa rin palang kausap si Alfie may tinatago pala itong humor na ngayon ko lang napansin.

Tumagal din ang kwentohan namin sa may covered walk malayo kinakatayuan nila Cluade. Nakatalikod ako sa kanila para makaiwas na magsalubong ang tingin namin ni Claude paniguradong masisira lang ang araw ko.

Nang marinig na namin ang malakas na tunog ng bell ay lumapit na sa amin sina Ralf para sabay-sabay na kaming tunguin ang unang subject namin. Kami naman ni Alfie ay tuloy parin ang usapan hanggang sa makapasok kami sa room.

“Mukhang close na kayo ni Alfie pinsan ah.” Pabulong na sabi sa akin ni Ralf. Magkatabi kami nang upuan sa subject naming iyon. Si Alfie naman ay nasa likuran lang namin.

“Close naman talaga kami matagal na. Hindi nga lang kami laging naguusap akala ko kasi tahimik lang sya.” Balik bulong ko namang sagot sa kanya.

Hindi na ito muli pang nakapagtanong nang dumating na ang professor namin. Itinuon ko na rin ang aking atensyon sa klase.

Nang matapos ang unang dalawang subject namin ay tinungo na namin ni Ralf ang paborito naming karenderya bukod kasi sa mura doon ay masarap ang pagkakaluto nang mga lutong bahay na ulam.

“Bakit ang tagal nyo babes?” Bungad sa amin ni Mike.

Napatingin ako sa pinsan ko sa pagkalito mamaya pa kasi dapat ang lunch break nina Mike.

“Absent ang professor nila kaya sasabay sila sa atin mag lunch ngayon.” Nakangiti nitong sabi sabay baba nang mga dala nya sa lamesa.

Nawala ang gutom ko nang makita si Claude na papalapit at may dala nang tray. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga nalang.

“In the name of the father and of son and the holy spirit amen.” Sabay-sabay na wika nang mga tao sa loob nang simbahan.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang unang misa de gallo. Nagsitayuan na ang mga tao habang ako ay nakaupo pa rin na nakatingin lang sa naglalakihang emahe ng mga santo sa altar.

Siguro naman ma kung nasaan ka man ngayon masaya kana dahil natupad ko na ang pangako ko sayo. Pabolong kong sabi.

Tumayo na ako para lumabas nang konte nalang ang tao.

Marami pang tao sa labas abala ang mga ito sa mga paninda sa gilid ng simbahan medyo madilim pa rin at umaambon ng konte. Amoy ko ang pang umagang hangin na talagang nakakapag pagaan ng pakiramdam. Napangiti ako bago tuluyang lisanin ang lugar para makapagpalit at makapaghanda ng almusal bago pumasok sa opisina.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment