by: Zildjian
“So, how did you know each other?” Ang
tanong ni Chad nang makaupo kami ni Claude sa pangdalawahang mesa malayo sa mga
tao. Sineryoso talaga nito ang sinabi nang kanyang asawa na hanapan kami nang
magandang puwesto.
Medyo umaambon sa mga oras na iyon
ngunit hindi ito naging dahilan para mapigilan ang mga taong abala sa pamimili
nang kung anu-ano para sa darating na pasko. Heavy traffic at puno nang
mamimili ang mga gilid ng kalsada syempre dahil may Christmas bunos kaya
sinasagad ang pamimili.
Tiningnan lang ito ni Claude gamit ang
mga mata nito na walang ekspresyon na makikita. Even so, sya pa rin ang Claude
na nakilala ko six years ago. Makisig parin ito kahit walang makikitang kong
anu sa maamo nitong mukha.
“Laurence, Laurence right?” Baling ni
Chad sa akin nang hindi ito makakuha nang sagot mula sa kanyang antipatikong
pinsan. Tinanguan ko naman ito at ibinaling sa kanya ang aking tingin. Mas
mabuti na iyon kesa mag ka stiff neck ako sa dahilang hindi ko magawang
tumingin ng deretso sa mukha ni Claude na nakaupo sa harapan ko.
“Would you be okey if I leave you both
alone?” Ewan ko kung anu ang pumasok sa kokote nito at naitanong nya iyon sa
akin. Bago pa man ako makasagot sa kanya ay si Claude ang sumunod na nagsalita.
“You don’t have to act polite in front
of us Chad. Wala akong balak na bumalik pa ulit sa lugar na ito. Hindi ka namin
kailangan kaya bumalik kana sa asawa mo.” May bahid ng galit nitong wika na
bahagya pang nakakunot ang noo.
For some strange reason na awa ako kay
Chad. Kahit pinsan pa nya ito ay hindi magandang ipahiya ito sa harapan ng
costumer nito. To think na pwedi nyang ipakaladkad si Claude sa gwardya nila.
Pero hindi kinagat ni Chad ang hayagang pambabastos ng kanyang pinsan. Instead
he just chuckled.
“Hindi ka parin talaga nag babago
pinsan masungit ka parin.” Nakangiti nitong wika walang bakas nang pagkapikon
ang gwapo nitong mukha. “Don’t get me wrong, im just worried sa kaibigan ng
asawa ko. Kilala ko ang kalibre mo. Oh well, maiwan ko na kayo.” Ibinaling nito
sa akin ang kanyang tingin. “Enjoy the food Laurence and it was nice meeting
you.” Sabay talikod nito.
Hindi pa man nakakailang hakbang si
Chad nang tawagin ito ni Claude. Huminto naman ito at lumingon muli sa kanyang
pinsan na may ngiti pa rin sa kanyang labi. Kakaiba talaga ang isang to ni
hindi manlang mapikon kahit konte.
“Tell your friends not to look on our
way or else sisiraan ko itong bagong tayong restaurant ng misis mo.” Doon ako
napalingon sa mesa nang mga dati kong ka klase at totoo nga ang sabi ni Claude
dahil nakatingin silang lahat sa amin.
Ngumisi lang si Chad sa kanya at
muling tumalikod. Sinundan ko lang ito nang tingin hanggang sa makalapit ulit
ito sa mesa nang kanyang mga kaibigan at asawa. The guys wave their hands na
para bang nang aasar pa. Marahil ay sinabi ni Chad sa mga ito ang bilin ng
kanyang pinsan.
“Ano ang gusto mong kainin.” Pag-agaw
nito nang atensyon ko. Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa mga taong nasa
labas bago sumagot. Hindi ko talaga magawang makipag titigan sa kanya kasi
hanggang ngayon sya parin ang taong nakakapag pabilis ng tibok ng aking puso.
“B-Busog pa ako.” Wika ko na hindi
manlang ibinaling ang aking tingin sa kanya.
Kita ko sa gilid nang aking mata na
sumenyas ito sa isang waiter. Nang makalapit sa amin ito ay agad nitong sinabi
ang kanyang oder.
“Two coffee.” Ramdam kong tumingin
muna ito sa akin at muling nagsalita. “And one slice blueberry cheesecake.” Sa
aking narinig ay muling nagrigodon ang aking puso. Hanggang ngayon pala ay
hindi parin nito nakakalimutan ang paborito kong dessert. Ibig bang sabihin nun
ay pinatawad na nya ako? Pero hindi ko rin magawang umasa sa tuwing maaalala ko
ang masasakit na salitang binitiwan sa akin nito noon bago kami mag hiwalay.
Nang makaalis ang waiter ay nag lakas
loob na akong tingnan sya. Gusto ko na ring matapos agad ang anumang paguusapan
namin sa gabing iyon nang makapagpahinga na ang lintik kong puso. Matagal na
akong nagtatago sa aking problema at siguro tama na ang anim na taon para
harapin ang taong naging dahilan ng ka misarablehan ng buhay ko.
“Anong kailangan mo sa akin at
pinapunta mo ako rito?” Walang kaabug-abog na tanong ko sa kanya. He looked at
me and ayon nag simula na namang mag wala ang aking puso. Kahit anong pigil ko
ay hindi ko parin maikakaila na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaking
hanggang ngayon ay nagmamayari parin ng aking puso. Inayos ko ang aking
composure para hindi nito mahalata iyon.
“Wala.” Matipid nitong sagot.
Napakunot noo ako sa sagot nito. Bakit
kailangan pa nya akong tawagan sa opisina kung wala rin manlang syang sasabihin
sa akin? Ano ito lokohan? Gumapang ang inis sa aking mga boto lalo na sa
nakikita kong reaksyon nito na parang wala lang sa kanya ang makita ako habang
sa loob loob ko ay para na akong bibitayin ano mang oras sa sobrang kaba.
“Wala? Pwedi ba yon? Pinapunta mo ako
rito para lang makipag kape? Nagpapatawa ka ba?” Hindi ko maiwasang mapataas
ang aking boses sa pagkapikon. Inis ang bumalot sa akin sa lalaking kaharap ko
ngayon. Ang lalaking hindi manlang nakuhang pakinggan ang paliwanag ko noon.
Ang lalaking hanggang ngayon ay mahal ko parin kahit na labis ako nitong
sinaktan.
“Wag mo akong pagtaasan ng boses
Laurence. Wala kana sa posisyon.” Para akong binuhusan ng katutunaw lang na
yelo. It strikes me. Pinaalala nito sa akin na hindi ko na sya pagaari.
Bubulyawan ko na sana ito kung hindi lang dumating ang waiter na may dala nang
in-order nya.
Nakakainis, kung bakit ba kasi
kailangan ko pang umasa ulit na magkakaayos pa kami. I should’ve learned my
lesson. Ito nga pala ang taong kasing tayog ng Mount Everest ang pride. Hindi
ito makikinig sa kahit anong sabihin ko. Hindi ba’t sya pa nga mismo ang nag
sabi sa akin noon na hinding hindi sya ulit maniniwala sa kasinungalingan ko?
Claude is now back to his old self.
Mayabang, arogante, walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ko pa ba
kasi naisipang harapin ito. I already lived my life away from his shadow. Why
the hell do I have to torture myself over and over again? This man is a stone,
a walking stone at kahit kailan ay hindi na ito babalik sa dating Claude na
minahal ko. Pak!
Magkahalong sama nang loob at
pagkapahiya ang bumabalot sa akin sa mga oras na iyon. Oo, aminado akong sapul
ako sa sinabi nitong wala na akong karapatan sa kanya. Dapat pa ba nyang
uliting sabihin sa akin iyon. Hindi pa
ba sya kontento sa mga panlalait at kung anu-anong masasakit na salita nito sa
akin bago kami nag hiwalay. To think na wala akong kasalan sa kung anu mang
nangyari noon. Kung tutuusin pinagbayaran ko na ang kasalanang ibinato nito sa
akin na hindi ko naman talaga ginawa.
Binalot ko ang aking puso para
maprotektahan ito sa nalalapit na pagkikipagbuno sa taong may hawak nito. I
need to do the only thing na hindi ko nagawa noon. Kailangan kong magpaliwanag
wala na akong pakialam kong pakikinggan nito ang paliwanag ko o hindi basta ang
importante na sabi ko ang side ko sa kanya. Tama si Pat, this will also help me
to move on and to let go.
Huminga ako nang malalim to gather all
my strength. Kong kailangan kong mag monologue sa harap ng isang taong bato who
cares. I’ve already lost everything ano pa ang dapat kong ikatakot? Walang
mangyayari kong mananahimik ulit ako sa isang tabi. Nasubukan ko na ito noon at
hindi iyon naging magandang ideya. Times up! It’s time to be the real Laurence
once again kahit panandalian lang ay lalabas ako sa harang na ako mismo ang
gumawa.
“About sa nangyari..”
“Drop it Laurence. Hindi pa rin ako
interesado sa walang kwenta mong paliwanag. Ubusin mo nalang yang pagkain mo so
we can leave this place.” Pagputol nito sa mga sasabihin ko. This is the reason
why pinili kong manahimik at kalimutan nalang ang lahat dahil muli na naman
akong nasaktan sa pangalawang pagkakataon. Sobrang sakit kapag ang taong mahal
mo ay walang panahong pakinggan ang paliwanag mo.
Dama ko ang pamumuo ng luha sa aking
mga mata at hindi ko na napigilan ang tuluyang pag bagsak nito. All these years
hindi pa rin magawa ni Claude na pakinggan ako. Masakit, sobrang sakit at
parang hinihiwa ang puso ko. Lalo na sa nakikita ko sa kanya ngayon na wala
manlang ni katiting na emosyon sa kanyang mukha.
“Masakit ba?” Nabigla ako sa sinabi
nito. “Kulang pa yan sa ginawa mong panggagago sa akin. Ginawa ko ang lahat
para sayo Laurence. Isinuko ko pati ang pride ko bilang lalaki nang mahalin
kita pero anung ginawa mo?” Doon na ako napahagulhol. Muli kong nasilayan sa
mukha nito ang matinding galit na halos saksakin ako nito gamit ang matatalim
na tingin nyang yon. Nawala ang mahinahon nyang aura at bakas ang panginginig
ng kanyang mga kamay base sa pag-galaw ng hawak nitong tasa nang kape.
“Gusto mong malaman kung bakit kita
inimbitahan rito?” Ngumiti ito sa akin na parang demonyo. “Dahil gusto kong makita ang kamesarablehan
mo. Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo at hindi ko nagugustohan na
tumatawa ka dahil wala kang karapatang maging masaya!” May kalakasan na nitong
sabi at alam kong sa amin na nakatingin ang lahat ng tao sa loob ng restaurant
na iyon.
“Nakaganti kana. Ngayon masaya kana
ba?” Sinalubong ko ang mga galit nyang mga mata. Patuloy parin ang pag-agos ng
masaganang luha sa aking magkabilang pisngi. “Kung tapos kanang mag diwang sa nakikita
mo ngayon I better go.”
I had enough. Sobrang sakit, kung
pwedi ko lang kitlin ang buhay ko sa harapan nya ay gagawin ko kung yon ang
magpapasaya sa kanya. Ginawa ko na lahat ng magagawa ko to explain myself to
him but he rejected it again. Hinayaan ko ang pag-agos nang aking mga luha sa
harapan nya. Showing my vulnerability to him hindi para mag paawa kung hindi
para ipakita sa kanya sa huling pagkakataon ang Laurence noon dahil mula sa
oras na ito isasarado ko na permanente ang puso ko sa kahit na sinong tao para
maprotektahan sa mga taong mananakit rito.
Tatalikod na sana ako sa kanya para
lumabas sa resto na iyon dahil hindi ko na alam kung hanggang saan ang itatagal
ko sa mga masasakit na salita nito. He was not the Claude I used to love linamon
na sya nang galit nya.
“Hindi pa tayo tapos Laurence.” May
diin nitong sabi. Ramdam ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking kaliwang
kamay halos madurog na ito.
Sinubukan kong makawala pero sadyang
mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin kulang nalang ay durugin nya ang kamay
ko.
“Tama na yan Cladue.” Napalingon ako
sa taong nagsalita. It was Chad kasama nito ang iba sa mga lalaki sa grupo
nila.
“Pare, hindi magandang manakit ng
taong hindi lumalaban baka gusto mo ako nalang ang labanan mo.” Si Rome bakas
ang galit sa mga mata nito.
“Bitiwan mo ang kamay nya pare.
Pagusapan nyo nang mabuti yan.” Wika naman ni Red sa malumanay na boses.
“Anong pakialam nyo? Problema namin
ito kaya wag kayong makialam kung ayaw nyong masali sa gulo.” I can’t believe
Claude could be this evil. Tuluyan na syang inangkin ng galit at pride nya.
“Aba’t! Ang yabang ng hunghang na to
ma sampolan nga.”
“Ervin Rome!” Tawag ni Ace sa kanyang
partner. Nakaupo lang ito sa mesa nila kanina kasama ang mga babae nitong
kaibigan.
“Eh ito kasing…”
“Bumalik kana rito kung ayaw mong ikaw
ang ma sampolan ko.”
Wala na nga itong nagawa kung hindi
ang mapakamot nalang sa kanyang ulo at tingnan ng masama si Claude bago tumalikod
at bumalik sa kanilang lamesa. Lahat ng costumer na nasa resto na iyon ay sa
amin na nakatingin. May mga bulong-bulongan pa akong naririnig pero hindi ko na
iyon nagawang maintindihan sa tinding sama nang loob.
“Bitiwan mo ang kamay nya Claude.”
Muling wika ni Chad. “Kung hindi mapipilitan kaming kaladkarin ka palabas
kasama nang mga kaibigan ko.”
Ngunit hindi ito nag pasindak sa
pinsan nya. Mas lalo lang nitong hinigpitan ang paghawak nya sa aking kamay
kung hawak pa ba ang maitatawag doon.
“Tol, ayaw namin ng gulo lalo pa’t
buntis ang asawa ko makakasama iyon sa anak namin.” Malumanay nang wika ni
Chad. “Pagusapan nalang natin ito.”
Sa puntong iyon ay naramdaman ko na
ang pagluwag nang pagkakahawak nito sa akin hanggang tuluyan na nitong bitawan
ang aking kamay. Agad naman akong hinila ni Red palapit sa kanya.
“Mahal, dalhin mo sya sa lamesa
natin.” Wika nito sa kakatabi nayang si Dorwin na agad naman akong inalalayan
papunta sa lamesa nila.
“Magusap nga tayo.” Ang narinig ko
pang wika ni Chad. “Pare, sumunod nalang kayo. Magpaalam muna kayo sa mga asawa
nyo.” Nakita ko nalang itong lumabas kasama ang pinsan nya sa exit door.
Parang bangag akong inalalayan ni
Dorwin na maupo. He offered me a glass of water na tinanggihan ko lang.
Masyadong pre-occupied ang isip ko sa mga nangyari dahilan para mawalan ako
nang kakayahang magisip ng tama. Para akong timang na nakayuko at naka tutok
lang sa tiles ng restaurant na iyon.
“Sasamahan namin si Chad papunta nang
seventh bar.” Wika ni Red ng makalapit ulit ang mga ito sa amin. “Rome pare,
sama ka? Pagkakataon mo nang magulpi ang lalaking ungas na yon.”
“Red.” Saway ni Dorwin rito.
“Sama ako. Gusto kong malaman kong anu
ang drama meron ang kurimaw na yon.” Tugon naman ni Rome.
“H-Hindi nya kasalanan yon.” Mahina
pero sapat na para marinig nila iyon. Hindi ko alam kung bakit ko
ipinagtatanggol si Claude sa kanila sa kabila nang mga ginawa nito kanina. Kusa
nalang iyong lumabas sa aking bibig.
Nagtatakang nabaling ang tingin nila
sa akin.
“Hindi kasalanan? Eh muntik ka na
ngang kainin ng buhay ng taong yon tapos hindi kasalanan? Uy Ace may naka mana
pala sa katangahan mo dati.” Banat ni Angela pero hindi ako tinablan ng
pangaasar nito.
“Angela shut up kung ayaw mong ihagis
kita sa labas nitong restaurant nyo.” Di ko alam kong asar ito o kung nagbibiro
lang dahil hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ace.
“Red, sundan nyo si Chad kami na ang
bahala kay Laurence dito.” Utos ni Dorwin sa kasintahan nya. “Alamin mo kung
ano ang problema nang isang yon para mapigilan ko ang sarili kong ipakulong
sya.” It was attorney Nivera’s commanding voice. Walang bahid ng pagbibiro sa
boses nito.
“It’s not his fault. I’m sorry to drag
you guys into this. I better go.” Walang sabi sabing tumayo ako at lumabas ng
restaurant na iyon. Mabuti nalang at wala ni isa sa kanila ang pumigil sa akin.
Iyak lang ako nang iyak sa loob ng
aking kwarto. Ang sakit nang muli kong masilayan ang galit sa mga mata ni
Claude. Lalo na ang makita itong walang kaamor-amor sa akin tuluyan na ngang
nawala ang Claude na minahal ko kaya dapat lang din na tuluyan ko na ring
kalimutan ang nakaraan ko sa kanya. Alam kong babalikan pa nya ako dahil ito
mismo ang nagsabing hindi pa kami tapos.
Kailangan kong bumangon muli kung
kinakailangang kalimutan ko nang tuluyan ang dating Laurence ay gagawin ko.
Hindi na pweding pairalin ko pa ang puso ko dahil paniguradong masasaktan lang
ako. Hindi na ako umaasang maitatama ko pa ang minsang pagkakamali na hindi ko
ginawa. Iyon ang mga bagay na huli kong itinatak sa aking isip bago tuluyang
lamunin nang sobrang pagod at makatulog
na.
Mabigat ang pakiramdam nang imulat ko
ang aking mga mata. Mukhang nakasanayan na nang aking katawan ang bumangon ng
alas dos ng madaling araw para magsimba. Ayaw kong bumangon, ayaw ko na ring
magsimba pa. Wala nang rason para gawin ko iyon, pero kahit anong gawin ko
hindi ko magawang makatulog ulit.
Napilitan akong umupo sa gilid na
aking kama at nahagip agad ng aking mga mata ang litrato nang aking ina. Ang
taong hanggang sa kahuli-hulihan ng kanyang paghinga ay inilagaan at
prenotektahan ako. Sadya yatang mababaw ang aking luha dahil muli na naman
itong umagos.
“Ma, bakit kailangang mangyari sa akin
ito? Nag mahal lang naman ako di ba? Ito ba ang kapalit ng bawal na pagmamahal
ko noon? Pinarurusahan ba ako nang diyos ngayon? Bakit kailangan ko pang
magsimba kung sya mismo ang may gawa nito sa akin? Bakit kailangan ko pa syang
sambahin ko sya mismo ay gusto akong pasakitan?” Sunod-sunod ang pag-agos ng
aking luha pero hindi iyon nakatulong na maibsan ang bigat nang aking kalooban.
“Ma, hindi ko na kaya. Hindi ko na
kayang mag-isa kunin nyo na ako ni papa.” Doon na ako humagulhol. Alam kong
pagtatawanan ako nang kahit na sino mang makakita sa akin ngayon. Even my
students would laugh at me seeing how devastated I am. Anim na taon, anim na
taon kong pinilit itago ang tunay kong damdamin dahil ayaw ko nang masaktan
pero bakit nagkaganito. Ano ba ang malaking kasalanang nagawa ko sa mundo to
deserve this kind of life. I don’t deserve to be this miserable naging mabait
akong anak, naging mabuting kaibigan at mabuting lover. Why do I have to suffer
this much?
Sa hindi malamang kadahilanan biglang
may dumamping malamig na hangin na parang lumukob sa buo kong katawan at ang
unang pumasok sa aking isip ay ang aking ina dahil sya lamang ang nagiisang tao
noon na yumakap sa akin nang mga panahon na nararamdaman ko ang ganitong
pakiramdam. Ang pakiramdam ng isang taong ayaw ng mabuhay.
Pinahid ko ang aking mga luha. Tumayo
sa aking kama at wala sa sariling pumasok sa banyo para maligo ni hindi ko
nagawang tanggalin ang mga saplot sa aking katawan. Kusa nalang pinihit ng
aking kamay ang shower at tuluyan ng dumampi ang malamig na tubig sa akin.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay at
nag simula nang maglakad patungo sa simbahan. Napagdesisyunan kong tuparin ang
huling hiling ni mama sa akin, ang subukang kompletuhin ang simbang gabi. Hindi
ko alam kong bakit iyon ang inihiling nya sa akin bastat ang alam ko lang ang
puso ko mismo ang nagdidiktang pagbigyan sya.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment