Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (19)

by: Zildjian

“Mabuti naman at dumating kayo.” Ang bungad sa amin ni Red na nakangiti. Kadarating lang namin ni Claude sa bahay nila kung saan gaganapin ang party.

“Pasensya na, medyo na mawala kami sa binigay na instruction ni Chad.” Ang tugon naman ni Claude dito.

“Sakto lang naman kadarating lang din nina Ace at Rome. Pasok kayo.” At binigyan daan kami nitong makapasok sa gate nila.

Malakas ang tugtog at halatang nagkakasayahan ang mga tao sa loob kaya medyo nag-alangan akong pumasok. Dahil sa magkahawak kamay kami ni Claude ay wala na akong nagawa kung hindi ang mapasunod sa kanya.


Hindi nga ako nagkamali. May karamihan ang tao sa loob ang iba ay hindi ko kilala. Nagpa-linga-linga ako na parang sinusuri ang mga taong nagkakasayahan, ang iba ay nakikisabay pa sa tugtog at ang iba naman ay abalang nakikipag-usap sa kani-kanilang mga kakilala.

“We invited Dorwins friend’s kaya marami kami ngayon. Nandito rin ang papa at kambal ni Dorbs, ang mga tauhan namin sa seventh bar, at sa ibang negosyo nang mga kasamahan namin pati family ko dito rin.” Ang wika ni Red marahil nahalata nito ang pag-aalangan ko.

“Sino ba ang nakaisip nito pre?” Ang tanong naman ni Claude.

“The girls. Alam nyo naman ang mga babae pero si Dorwin ang nag presenta na dito sa bahay gawin ang party.”

 Ang masasabi ko lang ay talagang walang kasing bait ang mga may-ari ng seventh bar. Pati ang mga empleyado nila ay inimbitahan nila sa parting iyon, para siguro makapag enjoy ang mga ito. Ang swerte nang mga ito na sila ang naging amo nila dahil sa bukod sa pagiging considerate ay mababait at cool ang mga boss nila.

“Oi, buti at nakarating kayo.” Ang nakangiting wika naman ni Dorwin sa amin. “Tara dito tayo sa table nang mga kaibigan namin para maipakilala ko kayo sa mga hunghang kong kaibigan.

Tinungo na nga namin ang pwesto nang mga kaibigan nilang dalawa na nasa malawak na garden ng bahay na iyon ni Dorwin. Napapalibutan ng mga lamesa ang buffet table na punong-puno nang masasarap na pagkain.

Nakakatuwang tingnan si Red na naka akbay kay Dorwin hindi talaga nito kinakahiya ang relasyon nito sa isang kapwa lalaki. Makikita mo sa galaw at kilos nito ang pagiging proud na sya ang partner ng batikang abogado.

Sumilay agad sa ang mga ngiting nakakaloko sa mga dati kong school mates nang makita kami ni Claude na magkahawak kamay. Ang ibang hindi ko naman kilala ay ngumiti lang sa aming dalawa tanda nang pagbati.

“Well, well, well,” Ani ni Mina. “Mukhang effective ang ginawa naming pakikialam ah.”

Napakamot nalang ako sa ulo dahil nakaramdam agad ako nang hiya.

“Mabuti naman at natauhan ka pinsan. Sapak lang pala mula kay Rome ang kailangan mo para magising sa kahibangan mo.” Tatawa-tawa namang sabi ni Chad.

“Sinapak mo sya?” Ang naniningkit na matang wika naman ni Ace na ang tinutukoy ay si Rome.

“Medyo, hihihi” Pacute nitong wika na sinamahan pa nang pag-beautiful eyes nito sa kasintahan o mas tamang sabihin sa asawa nya.

“Siguro dahil hindi sya makaganti sayo Ace kaya sa ibang tao sya gumaganti.” Dagdag naman ni Carlo sabay tawa nang nakakaloko. Sinimangutan lang ito ni Rome.

“By the way guys mga kaibigan namin, si Claude pinsan ni Chad at ang partner nya si Laurence na school mate naman ng mahal ko.” Pag-putol ni Dorwin sa nag sisimula na namang asaran ng magkakaibigan.

Kay saya nilang tingnan na nagaasaran dahil makikita mo sa mga mukha nila ang saya. Na miss ko tuloy ang pinsan ko at si Mike – ang  dalawang taong naging malapit sa akin noon.

“Laurence, Cluade, these are my friends; Brian, Chuckie, ang asawa nyang si Alexa, si Vincent ang asawa ni Angela, Si Niel at ang partner nyang galing pa talaga nang manila si Francis, at ang kambal kong si Renzell Dave.” Ang pagpapakilala ni Dorwin sa mga kaibigan nya.

Isa-isa namin silang kinamayan at kinumusta. Walang bahid nang pang-didiri sa mga mata nito kahit na hayagan kami ni Claude ipinakilala ni Dorwin bilang magkasintahan. Siguro sanay na ito sa dalawa at masasabi kong tanggap ng mga ito ang relasyon na meron si Red at Dorwin.

“Dave nalang mga kabayan.” Ang wika nang kambal ni Dorwin ng kamayan namin ito. Gwapo rin ito at lalaking lalaki ang dating isama mo pa ang magandang hubog nang katawan nito.

“Samahan mo silang kumuha nang pagkain Red.” Ang nakangiting wika ni Tonet.

Sinamahan nga kami ni Red na kumuha nang pagkain at bago namin tinugo ang buffet table ay ipinakilala naman kami nito sa dalawang kapatid nya at sa mama nya pati na rin sa papa ni Dorwin na nasa iisang lamesa lang.

Matapos kumain ay inuman ang sumunod na nangyari. Syempre hindi kami nakipag sabayan sa kanila dahil may obligasyon pa kaming magsimba.

Kwentuhan at tawanan ang sumunod na mga nangyari. Madaling makagaanan ng loob ang mga kaibigan ni Dorwin dahil tulad ng mga dati kong ka-klase ay mga kalog at mababait rin sila. Si Claude naman ay halatang enjoy na enjoy sa pakikipag-bangkaan kina Red, Carlo, Chad at Rome masasabi kong close na close na ito sa kaibigan ng kanyang pinsan dinig kong tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila.

“Mabuti at nagkaayos na kayo niyang long lost lover mo.” Ang nakangising wika ni Ace.

Napakamot nalang ako sa ulo.

“Sabi ni pinsan nakita daw nila kayo kahapon sa mall at busy sa pamimili. Sa iisang bahay na ba kayo tumutuloy?” Wika pa nito.

“Ngayon lang. Kasi gusto ni Claude na sabay kaming mag-sisimbang gabi eh.” Mahiya-hiya ko namang pag-amin.

Sumilay ang mga nakakalokong ngisi sa magpinsan at nag high five.

“Bakit?” Ang di ko maiwasang maitanong.

“Wala. Masaya lang kaming nagkaayos na kayo para tuloy-tuloy na ang saya.” Ngingiti-ngiting wika ni Ace. “Masayang salubungin ang pasko na wala kang kagalit at puno nang pagmamahal ang puso mo yan ang essence ng Christmas diba kuya Dorbs?”

“Kayo lang ang masaya.” Singit naman ni Dave na narinig pala ang usapan namin.

“Wag ka ngang epal kuya Dave.” Asik naman ni Ace dito.

“Hindi ako umi-epal noh. Gusto ko lang makisali kasi itong mga kausap ko wala nang ibang alam kung hindi kayabangan.” Tukoy nito sa mga katabi nyang mga kaibigan ni Dorwin.

“Ikaw lang ang mayabang wag mo kaming idamay.” Agad namang alma ni Brian.

Ngingiti-ngiti nalang akong pinapanuod ang pag-aasaran nila’t pasimpleng tumingin kay Claude na sa akin rin pala naka tingin. Kumindat ito sa akin at may sinabing salita na kung hindi ako nagkakamali ay ‘I love you.’ Sinagot ko naman ito na ginaya ang pagbitiw ng salitang iyon sa hangin.

Mag-aalas-tres na nang magpaalam kami ni Claude sa kanila. May ilang umalma kasama na roon sina Mina at Antonet pero, wala na itong nagawa nang sabihin naming kailangan pa naming mag simba.

Dumiretso kami sa simbahan ni Claude sakto namang hindi pa nauupuan ang pwesto namin. Doon ko nakita si Louisa na nakangiti sa amin ng kuya nya.

“I deserve a very nice gift dahil ginawa mo akong bantay nitong upuan nyo kuya.” Ang mahina nitong wika.

“Meron na. Salamat little sissy.” Nakangiting wika ni Claude.

“Hi Laurence, nice to see you again. Coffee na tayo mamaya ah.” Baling naman sa akin ni Louisa.

Matamis na ngiti at tango ang itinugon ko dito.

Tahimik kaming tatlong nakinig sa ika pitong misa de gallo. Buong puso akong nagpasalamat sa panginoon sa sayang tinatamasa ko sa mga oras na iyon. Tama nga ang sabi nila na pasasaan ba’t makakamit mo rin ang kaligahan basta’t wag kalang sumuko at wag mo lang isuko ang pagtitiwala sa panginoon.

Nang sa parte na kailangan naming mag peace be with you ay kay Louisa ko unang sinambit ang mga salitang iyon na nakangiti. Nang bumaling na ako kay Claude ay laking gulat ko na sinalubong ng labi nya ang labi ko.

“Peace be with you misis.” Ang nakangiting wika nito nang maghiwalay ang aming labi.

Mabilis lang ang halik na iyon pero alam kung hindi iyon nakatakas sa mga tao na nasa likuran namin. Na statwa ako sa ibayong hiya at pamumula nang aking pisngi ni hindi ko magawa maigalaw ang aking ulo dahil natatakot akong makita ang reaksyon ng mga taong nakakita noon.

Rinig ko pang humagikhik si Louisa.

Natapos ang simbang gabi at dahil may dala ring sasakyan si Louisa ay nag convoy nalang kami papunta sa bahay ko para makapag kape at makapag almusal na rin.

“Pasensya kana sa bahay ko Louisa.” Ang nahihiya kong sabi dahil nagkalat parin ang mga pinamili namin ni Claude sa sala.

“Okey lang no worries. After nating mag breakfast sisimulan na nating mag decorate sa buong bahay mo para masaya.” Nakangising wika nito.

“Naku! Wag na, nakakahiya naman ako na bahala dyan.” Mahiya-hiya kong wika sa kanya.

“C’mon Laurence no need to worry dahil hindi libre ang pagtulong ko. Di ba kuya?” Baling nito sa kanyang kapatid na ngumiti lang sa akin at tumango.

Matapos makapag almusal ay masaya naming sinimulan ang pagkabit ng mga decorations. Si Louisa ang nag didisesyon kung saan dapat ilagay ang mga pinamili namin. Para lang kaming mga utusan nito na walang reklamong sumusunod. Hindi naman nasayang ang pagod namin dahil matapos ma-ikabit at maitayo ang Christmas tree ay talagang napa hanga ako sa kinalabasan. Nagmistulang christmass house ang bahay ko.

Tumanggi na si Louisa nang ayain ko itong mag lunch dahil may kailangan pa raw siyang puntahan. Kami nalang ni Claude ang naiwan at sabay na nag-lunch sa bahay.

Dahil sa wala pang tulog at parehong pagod ay na pagpasyahan naming matulog nalang muna ni Claude matapos makapag-lunch. Magkayakap kaming magkatabi sa aking kama hindi nawala ang lambingan at halikan hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Mag-aalas-singko nang akoy magising agad kong hinanap si Claude sa aking tabi ngunit wala na ito. Agad akong tumayo para tingnan sa baba kung nandoon siya. Palabas palang ako nang kwarto ko nang may marinig akong dalawang lalaking nag-uusap.

“Kailangan na nyang malaman ang totoo dahil habang tumatagal tumitindi ang guilt na nararamdaman ko.”

Kilala ko ang boses na iyon kaya naman dahan-dahan akong sumilip at hindi nga ako nagkamali si Pat ang nagmamay-ari ng boses na iyon at ang kinabigla ko pa si Claude ang kausap nito sa may pintuan ng bahay.

“Hayaan mong ako ang humanap ng timing para masabi sa kanya ang lahat. Hindi pa kakayanin ni Laurence ang malalaman nya!” May diin at galit na wika ni Claude.

Ano to? Magkakilala sila? Paano? Mga tanong na agad na pumasok sa akin.

“Kelan pa Claude? Nariyan ka naman para tulungan siya. Ako, kulang na ang oras ko aalis na ako papuntang America para sundan sina mama at ayaw kong umalis na hindi nabibigyan ng katuparan ang hiling ng kapatid ko.”

Doon na ako pumasok sa usapan.

“Sinong kapatid mo? Ano ang pinag-uusapan nyo? Paano kayo nagkakilala?” Ang sunod- sunod kong tanong sa kanila.

Halatang na bigla ang dalawa sa di inaasahang pagsulpot ko. Bakas ang gulat sa parehong gwapo nilang mga mukha.

“Pat, sagutin mo ako.” Sabi ko pa nang wala sa kanila ang sumagot.

“Misis ako na muna ang kakausap kay Pat, pwedi pumasok kanalang muna sa loob ng kwarto? Ako ang magpapaliwanag sayo nang lahat mamaya.” Wika ni Claude nang makabawi ito sa pagkabigla bakas parin sa mukha ang pagiging uneasy nito.

“Hindi! Gusto ko ngayon ko na malaman kung anu ang ibig sabihin ng lahat ng narinig ko. Ano ang tinatago nyo sa akin?” May diin kong sabi.

“Mis..”

“Tama siya Claude, panahon na para malaman nya ang lahat.” Pagputol ni Pat sa mga sasabihin pa sana ni Claude.

“Kapatid ko si Alfie, Si Alfie Navales na naging kaibigan mo noong college.” Ang wika ni Pat.

Nang marinig muli ang pangalan ng taong kinamumuhian ko hanggang sa oras na iyon ay agad na umapaw ang galit sa aking buong katawan. Hindi ako makapaniwala na si Pat ay Alfie ay magkapatid.

“Kapatid mo si Alfie?!” Ang may galit ko nang wika. “Kapatid mo ang gagong yon? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin to?”

“Dahil pinag bawalan ko sya.” Sabat ni Claude. “Alam kong hindi makakabuti para sa iyo kung malalalaman mong konektado sya sa taong kinamumuhian mo hanggang ngayon.”

“Kasabwat ka nya? Ano to gaguhan? Sinadya nyo bang hindi ipaalam sa akin para gumanti  sa akin?!” Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko sa sobrang galit at sama nang loob sa panloloko nilang iyon.

“Wag kang lumapit sa akin!” Ang malakas kong wika nang akmang lalapitan ako ni Claude.

“Misis makinig ka, itinago ko ang lahat ng ito hindi para gumanti sayo, gusto lang kitang protektahan dahil alam kung ito ang magiging reaksyon mo.” Ang wika nito at mabilisan akong ikinulong sa kanyang mga bisig.

Nagpumiglas ako para makawala sa kanya pero sadyang malakas si Claude tinanggap nito lahat ng malalakas na hampas ko sa kanyang likod.

“Calm down Lance, hayaan mo muna akong magpaliwanag oh.” Ang wika nitong nakayakap parin sa akin. “Iwanan mo muna kami Pat, ako na ang bahalang magpaliwang kay Laurence nang lahat.” May bahid ng paguutos nitong sabi.

“Okey.” At narinig ko nalang ang pagbukas ng screen door at pagsara nito.

Hindi pa rin mawala ang galit ko sa mga oras na iyon. Hindi rin ako humintong magpumiglas sa pagkakayakap ni Claude ngunit hindi ako nito pinakawalan.

“Calm down please, let me explain, Lance.” May pagsusumamo nitong sabi.

“Nang umuwi ako mula sa US ay pina imbestigahan ko ang lalaki  sa… sa video na iyon at doon ko nalaman na si Alfie ang lalaking iyon. Nang maibigay sa akin ang report ng imbestigador na kinuha ko, agad kong ipinahanap si Alfie ngunit sa kasamaang palad, wala na si Alfie.”

Sa sinabing yon ni Claude napahinto ako sa pagpupumiglas.

“A-Anong ibig mong sabihin?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.

“He committed a suicide.” Tugon naman nito.

Nabigla ako sa nalamang nagpakamatay si Alfie.

“Suicide? Bakit?”

Hindi agad nakasagot si Claude sa akin. Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap nito na para bang may pinipigilan na kung anu.

“Bakit? Sagutin mo ako bakit nag pakamatay si Alfie?”

“Lance…”

“Sagutin mo ako Claude!” Ang di ko maiwasang mapasigaw parang alam ko na ang rason ngunit ayaw tanggapin ng puso ko.

“Because of what happened. Sabi ni Pat, nag depression si Alfie at sinisi ang sarili sa mga nangyari noon hindi nito nakayanan ang guilt feelings nya at nagpatiwakal.”

Sa mga narinig ramdam ko ang panghihina nang aking katawan. Napahagulhol ako sa sobrang pighati at pagsisisi. Kinain nang awa at pagsisisi ang galit ko para kay Alfie. Oo, may kasalanan sa akin si Alfie pero sapat na ba iyon para ikatuwa ko ang pagpapatiwakal nya?

“This is the reason why I kept it secret to you Lance, dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo.” Ang wika ni Claude na walang tigil na humahagod sa likod ko.

Pinigilan ko ang aking sarili at agad na tumahan. Gusto kong makausap si Pat para sa kanya ko mismo alamin ang lahat ng nangyari batid kong may kulang sa mga sinabi ni Claude.

“Gusto kong makausap si Pat.” Pinilit kong gawing normal ang boses ko.

“Lance…”

“Please Claude, hindi ko maaatim na may isang taong nagpatiwakal dahil sa akin. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit nagawa ni Alfie sa akin iyon noon.” Ang pagputol ko sa mga sasabihin pa nya.

Hindi ito agad sumagot sa akin. Naramdaman ko nalang ang paunti-unting pagluwang ng pagkakayakap nito hanggang sa ang mga kamay nya ay mabinig hinawakan ang magkabila kong balikat.

“Okey.” Kita ko sa mga mata nya ang pagaalinlangan pero, siguro dahil alam nyang hindi na magbabago ang isip ko ay napilitan nalang syang sumangayon.

“Promise me na walang magbabago sayo? Promise me that after hearing the truth hindi ka mag babago, na walang magbabago sa tin.” May bahid ng pagsusumamo nitong sabi.

Naguguluhan man ay tumango nalang ako sa kanya.

Siya na mismo ang tumawag kay Pat gamit ang cellphone nya at wala pang labing limang minuto nang marinig ko ang pag hinto nang sasakyan ni Pat sa tapat ng gate ng bahay. Si Claude ang nagbukas kay Pat at nang mapagbuksan nya ito, muli itong tumabi sa akin sa pagkakaupo sa sofa.

“Totoo bang nagpakamatay si Alfie?” Ang agad kong tanong kay Pat ng makaupo ito.

Nakayukong tumango ito sa akin. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko basta’t ang alam ko lang awa ang nararamdaman ko para kay Alfie sa mga oras na iyon. Hindi ko man namalayan ngunit simula nang maging okey kami ulit ni Claude at tanggapin nalang lahat ng nangyari sa nakaraan ko ay kasama na rin noon ang pagpapatawad kay Alfie. Masyado lang akong nabigla sa mga nalaman na kapatid pala nito si Pat kaya umapaw ang galit ko kanina.

“G-Galit ka ba sa akin dahil sa…” Hindi na ako pinatapos pa ni Pat sa mga sasabihin ko.

“Nung una galit na galit ako sayo pati sa mga taong gumamit sa kahinaan ng kapatid ko pero nang maglaon ay doon ko lang na realize na it wasn’t your fault kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko. Pareho kayong biktima nang sitwasyon and I don’t have the right to blame you for what happened dahil ikaw man ay pinagdusahan rin ang mapait na nangyaring iyon.” Mahaba nitong wika.

“Noong una palang kitang makita sa ekwelahan alam ko nang ikaw ang Laurence na laging kinukwento sa akin ng kapatid ko at lalo ko pang na prove iyon nang makita ko sayong mga mata ang eskpresyon ng mga mata ni Alfie before he commited suicide; pagsisisi, galit sa sarili, at pagkasuklam sa mundo.”

“Mahal na mahal ko ang kapatid ko kahit magkaiba ang aming ama at ako lang ang nag-iisang taong alam ang nararamdaman nya para sayo. Kaya sinubukan kong hanapin ka ngunit hindi pala ganun kadali ang humingi nang tawad. Mahirap palang humingi nang tawad sa isa sa mga taong naging dahilan kung bakit nawala ang kapatid ko.”

Doon na tumulo ang kanyang luha kasabay nang pagtulo nang sa akin.

“Sinubukan kong maging malapit sayo hindi lang dahil sa iyon ang huling kahilingan ng kapatid ko sa akin – ang  hanapin ka at humingi nang tawad sa mga nagawa nyang pagkakamali noon.”

“When I got the chance, ginawa ko ang makipaglapit sayo. That’s the time na natanggap ka sa eskwelahan na pansamantala kong pinapasukan habang hinihintay ang panahon na pwedi na kitang makausap. I took it as a sign from god nang kusang pagtagpuin ang landas natin. Sabi ko panahon na para tuparin ko ang kahilingan sa akin ni Alfie. But again, its not that easy dahil habang tumatagal kitang nakikilala nakikita kong hindi ka parin handa. Ilang taon na ang nakakalipas pero naroon parin sa mga mata mo ang lungkot at kamesarablehan sa buhay. Kaya ang ginawa ko ay nakipaglapit ako sayo thinking na pwedi kong ipalimot ang masamang nakaraan nyo nang kapatid ko.”

Ramdam ko ang paghihinagpis ni Pat para sa kanyang kapatid. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung sana ay pinatawad ko nalang si Alfie noon wala sana akong taong masasaktan ngayon. Hindi lang si Alfie ang pinagkaitan ko nang kapatawaran kung hindi pati na rin si Pat na wala namang ginawa kung hindi ang tuparin ang kahilingan ng pinakamamahal nyang kapatid.

“Maraming beses kong sinubukang sabihin lahat ng ito sayo dahil hindi ko na kaya pang dalhin ang burden na iniwan sa akin ng kapatid ko pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka imbes na makatulong ay tuluyan pa kitang masira at matulad ka sa nangyari sa kapatid ko. Nang makita ko kayo ni Claude sa bar laking pasasalamat ko noon dahil sa wakas natupad na ang isa sa mga kahilingan ng kapatid ko.”

“A-Anong kahilingan?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.

“Ang maipaintindi kay Claude na wala kang kasalanan sa mga nangyari.” Pinahid nito ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay.

“Paano kayo nagka-kilala ni Claude?”

“Kinausap ko sya nang malaman kong nakauwi na sya galing US.” Simpleng tugon ni Pat.

Binigyan ko sya nang naguguluhang tingin dahil ang totoo hindi ma absorb ng utak ko lahat ng sinasabi nya.

“Sinundan kita noong may itinanong ka sa akin about sa pakikipagkita sa isang tao sa nakaraan mo at alam ko sa mga oras na iyon na si Claude ang kakatagpuin mo. Nakita ko kung paano kayo nag away at nang umalis sina Claude kasama ang pinsan nya sinundan ko sya para kausapin.” Tugon ni Pat.

“Siya din ang isang rason kung bakit natauhan ako sa kabalbalan ko misis. Kinausap nya ako tungkol sa nangyari at humingi sya nang tulong sa akin para maipagtapat ang lahat sayo pero, pinigilan ko sya dahil alam kung hindi kapa handa.”

Hindi ako galit kay Claude dahil alam ko naman na para rin sa akin ang mga ginawa nito. Kung may galit man ako ngayon sa puso ko siguro ay para sa akin dahil isinarado ko ang puso ko kay Alfie dahilan para magpatiwakal ito. Hindi ko iyon ipinakita sa dalawang tao ngayon sa harap ko masyado nang masakit para sa kanila ang mga nangyari lalo na kay Pat na nawalan ng kapatid.

“May isa kapang dapat malaman misis.” Ang mahinang sabi ni Claude. “Hindi ko pa ito nasabi kay Pat alam kong hindi ito makakatulong sa sitwasyon ngayon pero gusto kong wala na akong inililihim sayo.”

Parehong nabaling ang atensyon namin ni Pat kay Claude.

“H-Hindi naman talaga kasalanan ni Alfie ang lahat. Plano lang lahat ng iyon ni Anna para mapaghiwalay nya tayo at ginamit nya ang isa sa mga kaibigan ni Alfie para ma mabigyan ng katuparan ang sex video na iyon.”

Napangitin ako kay Pat para makita ang reaksyon nito sa mga narinig ngunit wala akong makitang emosyon.

“Nang pa embestigahan ko ang mga tao dumalo sa birthday ni Alfie  doon ko nalaman ang lahat.” Ang wika ni Claude. “Sorry misis kong hindi ko agad sinabi sayo na alam ko na ang totoo dahil ayaw ko lang namang lumayo ka sa akin. Noong gabing muli tayong magkita at sinabi kong hindi ako interesadong makinig sa paliwanag mo hindi yon dahil sa ayaw kong makinig, kung hindi dahil alam kong hindi iyon makakabuting balikan mo pa ang alaalang iyon.”

Wala akong naging pagtugon lalo lang kasing nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko para kay Alfie. Hindi lang ako ang biktima sa nang yari pati rin pala si Alfie at ang masama pa nito ay hindi ko sya hinayaang makapag paliwanag. Ito ang kulang sa storya ni Claude sa akin kanina.

“Sana mapatawad mo ang kapatid ko sa mga nangyari, kung may pagkakamali man si Alfie noon iyon ay ang minahal ka nya. Kilala ko si Alvin Uy at alam kong pinagsisisihan na nito ngayon ang ginawa nyang kasalanan noon. Napagbayaran na ni Alfie ang nagawa nya sana palayain muna ang galit na meron ka sa kanya at hayaang mapanatag ang kaluluwa ng kapatid ko.” Ang mahaba at seryosong wika ni Pat.

Tumayo na ito at akmang aalis na nang tawagan ko sya.

“Pat.”

Hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito sa akin.

“I’m sorry Pat.” At muling dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata.

Ngumiti ito sa akin ang ngiting iyon na lagi nyang ibinibigay sa tuwing malungkot ako – ang ngiting nakakapagpawala nang aking alalahanin.

“Bisitahin mo lang ang puntod ng kapatid ko Lance okey na ako.” Wika nito sa akin. “At tol, alagaan mo siya nang mabuti para sa kapatid ko at para narin sa akin.” Tukoy nito kay Claude at tuluyan ng lumabas ng bahay.

 Hindi ko ipagkakait ang kapatawaran na nararapat para kay Alfie dahil he deserve it kahit na may pagsisisi sa mga nangyari ay hindi ko hahayaan na masira ulit nito ang buhay ko ngayon. Ang bagong buhay at pagasa na ibinigay sa akin ng dalawang taong nag mahal sa akin; si Pat at si Claude.

Yinakap ako ni Claude.

“Tahana. Sasamahan kitang dalawin si Alfie bukas, alam kong kailangan ko ring humingi nang tawad sa kanya.” Ang mahina at malambing na wika sa akin ni Claude.

“Si Alvin Uy, sya ba ang taong sinasabi mong hiningan ni Anna nang pabor?” Di ko maiwasang maitanong sa kanya.

“Yep, Nakakulong na sya ngayon siguro kagagawan ni Pat. Tungkol naman kay Anna ako nang bahala sa kanya hayaan mong ako naman ngayon ang mag protekta sayo misis.”


Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment