Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (11)

by: Zildjian

Katatapos ko lang maibaba ang tawag na iyon ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng aking puso hindi ko alam kong para saan, gulong-gulo masyado ang isip ko. Napaupo ako sa upuan na malapit sa mesa kung nasaan ang telepono. Literal ang panginginig ng aking kamay. Bakit ganito? Akala ko ba tuluyan na akong nakatakas sa nakaraan. Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili nagpakahirap ako sa loob ng anim na taon pinilit kong makabangon, pero bakit ganito? bakit sila nag babalik?

Kahit na anong pigil ko sa aking sarili hindi ko parin mapigilan ang aking damdamin. Kung tutuusin dapat tapos na ito, dapat wala na akong nararamdaman ngayon. Hindi ngaba’t pinilit kong itapon ang damdaming iyon?


Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na may tao palang nakamasid sa akin mula sa aking likuran. Marahil ay hindi ko ito nakita kanina pagpasok ko o baka hindi ko naramdaman ang pagpasok nito habang kausap ko ang taong dahilan ng aking pagkalito ngayon.

“Rence?” Ani nang baretonong boses sa aking likod. Dahan-dahan ko syang liningon at tumambad sa akin ang nagtatatakang hitchura ni Pat.

“Ano ang nangyari sayo? Sino ang kausap mo? Bakit ganyan ang hitchura mo?” Sunod-sunod nitong tanong sa akin siguro sa sobrang pag-aalala.

Imbes na sagutin sya ay natigilan ako. Para akong tangang nakatingin lang sa kanya at walang maisip na sasabihin. Ang maamong mukha nito na bakas ang pag-aalala ay napakagandang pagmasdan. Siguro dahil sa loob ng anim na taon muli kong nakita ang ekspresyon ng isang taong nag-aalala para sa akin.

“Rence?” Untang nito sa akin na sinabayan ba nya nang paghawak sa aking kaliwang balikat. Doon lang ako natauhan at agad na napaupo ng tuwid.

“A-Ano nga ulit yon?” Ang wala sa sariling naiwika ko.

“Rence nag-aalala na ako sayo. Ano ba ang nangyayari? Sino ang kausap mo sa telepono at nagkakaganyan ka?”

Nakakapagtaka ang pag-aalala sa akin ni Pat. Kung tutuusin naman kasi hindi kami close para pagaksayahan nya ako nang oras para alalahanin. Lalo pa’t wala syang masyadong alam sa akin.

“W-Wala kaibigan ko lang.” Mabuti nalang at gumana muli nang tama ang utak ko. “Tapos na ba ang klase mo?” Pag-iiba ko nang usapan.

Bakas sa mukha nito na naguguluhan sya sa inaasta ko, pero sa huli pinili nitong hindi na ungkatin ang kung ano mang bumabagabag sa kanya.

“Di ba sabi ko naman sayo na wala na akong exam ngayon. Nag aayos nalang kami para sa Christmas party ng mga estudyante.”

“Oo nga pala. Nakalimutan ko pasensya na.” Sinubukan kong bigyan sya nang magandang ngiti, pero imbes na ngiti ay ngiwi ang naibigay ko.

“Okey kalang ba?” Muli nitong tanong sa akin. “You look sick.”

“Y-Yeah. Kulang lang siguro ako sa tulog…”

“Dahil sa simbang gabi.” Sya na mismo ang tumapos sa sasabihin ko. “Siguro makakabuting umuwi ka agad ngayon tutal last day na nang examination at itulog mo yan. Namumutla ka Rence, baka kung ano pa ang mangyari sayo magpapasko na.”

Aaminin kong natutuwa ako sa ipinapakitang pag-aalala sa akin ni Pat kahit na hindi ko alam ang rason nya. Hindi naman siguro importanteng alamin ko iyon.

“Last period ko na sa araw na ito. Tutulong kami mamaya nina Chatty mag decorate sa gym kaya hindi pa ako pweding umuwi.” Ngayon ay nagawa ko nang ngumiti sa kanya.

“Kami nalang ang bahala. Anong oras ba matatapos ang exam mo ngayon?”

Napatingin naman ako sa aking relo.

“Ngayon na.” Nakangiti kong wika. “Sige, puntahan ko muna mga estudyante ko paniguradong nagkokopyahan na ang mga iyon.” Pagpapaalam ko sa kanya. Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan. Bago pa man ako makalabas ay narinig kong muli ang pagtawag sa akin ni Pat.

“Hintayin mo ako sa room.”

Nagtatakang tingin naman ang ibinalik ko sa kanya.

“Bakit, ano meron?”

“I’ll drive you home but before that snack muna tayo.” Nakangiti nitong sabi.

“Tutulungan pa…”

“Nope. Uuwi kana para makapagpahinga ka at makabawi nang tulog. Puntahan mo na ang mga estudyante mong nag kokopyahan. I’ll be there in no time.”

Wala na akong nagawa. Tumalikod agad ako sa kanya para itago ang pag-guhit ng ngiti sa aking mga labi at tuluyan ng bumalik sa aking mga estudyante. Pansamantala kong nakalimutan ang tungkol sa taong tumawag kanina salamat kay Pat at sa kabutihan nito.

Di nga ako nag kamali dahil pagpasok na pagpasok ko sa loob ng room ay parang nasa palengke ako. Nagkakagulo ang mga hunghang at nang makita ako ay kanya-kanyang balik sa kani-kanilang upuan.

“And what do you think you are doing?” Nakakunot ang noo kong wika sa kanila, pero sa loob-loob ko ay pinipigilan kong mapangiti. Naiintindihan ko naman ang mga to dahil dumaan din naman ako sa mga kalokohang ganun.

“Minus 25 points.” Wika ko sa kanila nang makabalik na ako sa aking upuan. Umalma agad silang lahat at tuluyan na akong napangiti.

“I-submit nyo na ang mga papel nyo kung tapos na kayo at lumayas na kayo sa harapan ko para makapag handa ang mga babae sa kanilang susuotin para bukas.” Bumakas sa mga mukha nila ang di makapaniwalang tingin. Ito ang kauna-unahang hayagang pagbibiro sa kanila.

“Good mood ngayon si sir! Himala!” Biglang sigaw ng isa sa mga loko-lokong lalaki na nakaupo sa bandang likuran.

“May love life na siguro si sir.” Gatong naman ng babaeng si Jessamine. Umugong ang kanya-kanyang panunukso nila sa akin.

“Pag di kayo tumigil ay sisiguraduhin kong bagsak kayong lahat sa akin.” Agad naman silang nanahimik. Muli akong napangiti.

Hindi pa man nakakatayo ang isa sa kanila para ipasa ang kanilang mga papel sa akin nang sumulpot si Pat sa pintuan. Hindi ko pa ito mapapansin kung hindi sya binati nang mga estudyante ko. Lumapit ito sa akin na nakangiti.

“Sandali lang. Kunin ko lang mga papel nila.” Wika ko sa kanya. Umupo ito sa mesa ko mismo at hinarap ang mga estudyante ko.

“Submit nyo na yang mga papel nyo dahil nagugutom na ako. Pag di ako nakatiis kayo ang kakainin ko.” Nakangising wika nya sa mga ito. Ganun talaga si Pat, sobrang malapit sa mga estudyante kaya paboritong paborito sya nang mga ito. Parang mga kabarkada ang turing nya sa mga estudyante importante lang naman daw ay respetuhin sya nang mga ito pag nasa loob sila nang eskwelahan.

Nagtawanan ang mga kalalakihan at ilan sa mga kababaihan ang kinilig siguro dahil nakakabiruan nila ang hunky teacher nilang ito. Dalawang P.E teacher lang kasi ang meron sa eskwelahan namin si Pat at si Arman, kaya halos lahat ay kilala sya at gustong ma under sa kanya dahil sa balitang kalog ang binatang professor nilang iyon.

Sumunod naman ang mga estudyante sa kanya. Isa-isa itong tumayo at lumapit sa lamesa. Nakakatuwa itong tingnan habang kinukuha ang mga papel at nakikipagkwentuhan sa mga estudyante tungkol sa Christmas party.

“Ang sarap talaga nito.” Tukoy nito sa linalantakan nyang lasagna. Dinala ako ni Pat sa isang fast food chain. Ngingiti-ngiti nalang akong pinagmamasdan syang sarap na sarap sa pagkain.

“Pat, anong oras daw ba tayo kailangang pumunta sa eskwelahan bukas?”

“Ikaw, kung anong oras mo lang trip. Ako mga 5pm para ma assist ko ang SSC para sa program nila. Ako rin ang nakatoka sa sound system.” Nakangiti nitong wika.

Napatanong nalang ako sa kanya at ipinagpatuloy nalang ang pagkain wala akong maisip na paguusapan namin sa oras na iyon. Nagaalangan ako kung dapat ko pa bang hingin ang opinion nya sa isang bagay na gumugulo ngayon sa akin. Kanina habang nasa byahe kami papunta sa kainan na yon ay binalikan kong muli ang tungkol sa taong tumawag sa akin gusto kong hingin ang opinion ni Pat tungkol doon.

“Natahimik ka na naman dyan Rence.” Wika nito. Napatingin ako sa kanya at nag sulubong ang aming mga mata. “Ano ang iniisip mo?” Dagdag pa nitong sabi.

Pasimple akong nag buntong hininga. Wala akong ibang taong pweding mahingan ng tulong kung hindi si Pat lang dahil panatag ang loob ko kanya. Sya lang ang nakikinita kong taong pweding makatulong sa akin.

“Pat?” Wika ko. Hindi ito sumagot nanatili lang itong nakatingin sa akin na para bang sinasabi na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko. “A-Ano ang gagawin mo kung isa sa mga kaibigan mo ang nagbalik at gustong makipagkita sayo? Pag bibigyan mo  ba?” Mahina kong sabi. Nakaramdam kasi ako nag pag aalangan.

Natigilan ito sa di malamang dahilan kaya nagpatuloy ako.

“Mahigit anim na taon kayong hindi nag kita. Hindi pa maganda ang paghihiwalay nyo noon makikipagkita kaparin ba o hahayaan mo nalang?”

Hindi ito sumagot sa akin. Nakatingin lang ito parang tinitimbang kong magsasalita ba sya o hindi.

“Never mind Pat.” Bawi ko nalang. “Di ko rin alam kong bakit naitanong ko iyon sayo. Wag mo nalang pansinin.” At muling ibinaling ang aking atensyon sa pagkain.

“Puntahan mo sya Rence.” Ang biglang wika nito. May pagtatakang napatingin ako sa kanya. “Kung may hindi pagkakaunawan kayo noon siguro panahon na para ayusin nyo ito ngayon. Makakatulong din sayo iyon.” Seryoso ang mukha nito na ipinagtaka ko. Kung hindi ko lang ito kilala ay sasabihin kong may alam ito tungkol sa nangyari sa akin sa tono nang boses nito.

Ako naman ang natigilan. Pinilit kong i-absorb ang sinabi nito. Tama nga naman si Pat siguro panahon narin para tapusin ang lahat. Para narin tuluyan na akong makalaya sa nakaraan ko. Doon ko napagdesisyunan na harapin ko ang taong iyon. Salamat kay Pat hindi nga ako nag kamali na sa kanya humingi nang tulong.

“Siguro nga tama ka Pat. Salamat ah.” Wika ko sabay ngiti. Ngumiti lang ito sa akin halatang pilit at bakas sa mukha na may malalim na iniisip.

“May problema ba Pat?” Di ko maiwasang maitanong sa kanya.

“Wala. Sige tapusin na natin ang pagkain para maihatid na kita sa inyo kailangan ko pa kasing bumalik sa eskwelahan para tulungan sila doon.”

Ako naman ngayon ang nagtaka sa inasta nito. Parang balisa na hindi mo maintindihan. May nasabi ba akong hindi maganda? Di ko mapigilang maitanong sa aking sarili habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya na agad naman nyang iniwasan at ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Nagkibit balikat nalang ako.

Para akong naiihi na ewan habang pabalik-balik sa aking cabinet. Kanina pa ako hindi mapakali kung ano ang dapat na suotin. Mag-aala-syete na at kailangan ko nang makapag bihis kong ayaw kong ma late sa usapan namin ng taong iyon.

Matapos naming mag meryenda kanina ni Pat ay agad ako nitong inihatid sa bahay. Walang imikan kami sa loob ng kanyang sasakyan hindi ko alam ko ano ang problema nya pero batid kong malalim ang kanyang iniisip base sa hitchura nang mukha nito kanina habang nag dra-drive. Gusto ko man syang tanungin ay pinili ko nalang na manahimik respeto na rin iyon sa kanya.

Dinampot ko ang aking cellphone at tiningnan ang kadarating palang na mensahe.

“7pm sa Bestfriends resto.” Ang nakalagay lang sa mensahe alam ko na kung sino ang taong yon at ang tinutukoy nitong bagong tayo lang na restaurant. Muli kong binalikan  ang cabinet at naghalungkat ng damit. Hindi na ako nag abala pang mamili dahil paniguradong aabutin ako nang walang taon.

Sa wakas ay narating ko rin ang resto na iyon. Ang restaurant na pagmamayari nang dalawang magkaibigan na sina Angela at Mina mga dati kong ka eskwela noong high school. Nakakatuwang isipin na umabot sa ganito katagal ang pagkakaibigan ng dalawa.

Pinagbuksan naman ako ng gwardya at binati. May kaba ko itong tinanguan at tuluyan ng pumasok. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang isang taong dahilan ng pagpunta ko sa restaurant na iyon. May mangilan-ngilang taong abalang kumakain at ang iba ay halatang kagagaling lang siguro mag Christmas shopping dahil may mga nakalagay na maraming pinamili sa bakanteng upuan sa mesa nila.

Mararamdaman mo ang pasko sa loob ng restaurant na iyon. May malaking Christmas tree sa kaliwang bahagi at ang nag gagandahang Christmas lights na nakapagdagdag sa magandang ambiance nang lugar na iyon.

Nagulat ako nang may magsalita sa aking likod.

“Laurence? Laurence Cervantes is that you?” Napalingon ako sa kanya at tumambad sa akin ang nakangiting si Mina. Naging ka klase ko ito noong second year high school palang ako. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na tama ang hinala nya.

“Wow! It’s been a long time. Hindi kana payatin ngayon ah.” Sabay hagikhik nito.

“Yeah it’s been a long time at lalo kang gumanda Mina.” Alam kong nabigla rin ito nang banggitin ko ang pangalan nya. Marahil ay tulad ko hindi rin nito inaasahan na maalala ko pa sya hanggang ngayon.

“Ang ganda ko talaga.” At muli tumawa ito. Mina still has the sophisticated look on her kahit sa pagtawa nito ay hindi iyon nawawala. “Anyway, kamusta kana Laurence? Gees!! Ang laki nang ipinagbago mo.”

Nawala ang pag-aalangan ko pati na rin ang kabang kanina ko pa dala-dala nang makita ko ang mga ngiti nito.

“Mabuti naman ako. Panganay mo ba iyan?” Tukoy ko sa umbok nang kanyang tyan. Marahil ay nasa seven or eight months na ito kung hindi ako nagkakamali.

“Yep.” May bahid nang pagyayabang nitong sabi. “Wait ipapakilala kita sa husband ko.” At nagpalinga-linga ito. Nang mahanap nito ang kumpol ng mga taong sa tingin ko ay abala sa pagkukwentuhan sa isang mesa ay agad nya akong hinila at dinadala sa mga ito. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang.

“Dito lang pala kayo.” Bungad nito sa mga ito. Doon ko lang napansin na kilala ko pala ang iba sa kanila. Mga dati kong ring schoolmates sa St. Mary’s Academy.

“Hon, sino yang kasama mo?” Wika nang isang gwapong lalaki na sa tingin ko ay ang asawa ni Mina.

“Guys tutukan nyo sya. Don’t you recognize him?” Ang nakangising wika ni Mina. Muli, ay nakaramdam ako nang hiya. Kaharap ko ngayon ang mga taong may ari nang isa sa sikat na bar sa lugar namin ang Seventh Bar.

Nabaling naman ang mga tingin ng mga ito sa akin. Para tuloy akong subject sa isang experiment sa isang laboratory.

“Laurence? Di ba ikaw si Laurence Cervantes yung iyakin nung 1st year palang tayo.” Wika nang isa sa kanila. Ako man ay napatutok at pinilit na kilalanin ang loko lokong iyon. Kita kong pinukpok ito nang katabi nyang babae na sigurado akong si Antonet Garcia ang aming all time muse. Imbes na ma offend sa sinabi nito ay napangiti nalang ako at marahang tumango.

“So its you. Kamusta na ang Valedictorian ng batch namin?” Wika ni Tonet.

“Ay oo, ikaw nga yung lampang matalino noon.” Dugtong naman ng maangas at ang campus heartthrob na si Red. Nakita ko itong tinitigan ng masama nang katabi nyang lalake. “Hehe. Sorry.” Napakamot ito sa ulo halatang takot sa katabi nya. Weird! Si Red, may kinakatakutan na ngayon? Ang nasabi ko nalang sa aking isip.

“Okey lang.” Nakangiti ko namang sabi.

“Ay bongga ang laki nang pinagbago mo. Akala ko talaga nung una bekish ka.” Namula ako sa tinuran ni Angela ang babaeng halatang hindi pa rin nag babago sa pagiging taklesa.

“Wala ka talagang masabing maganda.” Wika naman ng isa kung hindi ako nag kakamali sya ang transferee nung 3rd year kami na si Ace. Ang laki na rin nang pinagbago nito ngayon.

“Wag mo na pansinin ang asawa ko may sayad lang talaga to.” Hindi pamilyar ang lalaking iyon sa akin pero ngumiti parin ako para ipaalam na wala lang iyon.

“That is Vincent asawa ni Angela, si Attorney Dorwin Navales lifetime partner ni Red.” Tukoy nito sa lalaking kinakatakutan ni Red. Bahagya akong nagulat sa sinabi nito. Lalake ang partner ni Red ang campus heartthrob namin noon? What the pak!? Marahil ay nabasa ni Antonet ang iniisip ko kaya nag salita ito.

“Wag kanang mabigla Laurence uso na yan ngayon. Si Rome, kilala mo naman siguro ang matinik na transferee noon sya naman ang lifetime partner ni Ace.” Napapatango nalang ako sa sobrang pagkabigla.

“At ito ang pogi kong asawa.” Sabay kandong rito ni Mina. “Hon, meet Laurence, dati naming ka klase noon ni Angela.” Inabot nito sa akin ang kanyang kamay na tinanggap ko naman. “Chad pare.” Wika nito.

“At itong kolokoy namang to ang asawa ko.” Tukoy naman ni Tonet kay Carlo.

“Nice to meet you.” Wika ni Rome na hayagan pa talagang naka akbay kay Ace. Bahagya akong na inggit sa grupo nila. Napakasaya nilang tingnan at halata sa mga hitchura nila ang contentment sa kani-kanilang mga partners.

“Nagkalaman kana ngayon.” Wika naman ni Red at ngumiti sa akin. Natawa nalang ako nang batukan ito nang ipinakilala sa akin na si Attorney Nevera. I know him kilala sya na isa sa pinakabatang attorney at hindi matatawaran ang galing nito. “Pasensya kana sa isang to. Wala lang magawa kaya malakas mangasar.” Wika nito with his apologetic voice.

“Okey lang. Sanay na ako sa kanya nung highschool.” Nakangiti kong wika.

“Bully ka pala nong high school mahal?” May pananakot sa boses nito. Napangiti ako sa tawag nito kay Red. Sino ang mag aakalang under ang tinaguriang tigasin nang room naming noon. Ang sweet nila.

“Hindi ah! Biro biro ko lang yon. PEKSMAN!” Nagkatawanan kaming lahat sa inasta nito.

“Patay ka mamaya pare.” Pangaasar naman ni Rome sabay hagikhik pa nito.

“Wag kanang makisali kumag at baka ikaw ang malagot mamaya.” Basag naman sa kanya ni Ace.

“Wifey naman.” At muling kaming nagkatawanan.

“Nakakatuwa naman kayo.” Wika ko sa kanila. “I never thought na makikita ko pa kayo ulit.”

“Ang tagal na nga rin noh. So, what do you do for living?” Si Tonet.

“Nag t-teach ako sa isang private collge.” Nakangiti kong wika. Di ko mapigilan ang matuwa sa kanila ganito pala ang feeling pag nakikita mo ulit ang mga taong sa nakaraan mo. At doon ko na naaalala kung ano ang pakay ko sa restaurant na yon.  “Oh im sorry guys. It was really nice seeing you again but I need to go. May kausap kasi ako ngayon masyado akong na wili nakalimutan ko.” Ang nagpapanic kong sabi.

“Sya ba ang kausap mo?” Si Red at may tinuro ito sa likod ko.

Dahan-dahan naman akong napalingon at muli ay naramdaman ko ang pagrigodon nang aking puso nang makita ko si Claude. Walang ekspresyon ang mukha nito na nakatingin sa akin.

“K-Kanina ka pa ba?” Ang naisambit ko nalang sa pagkataranta.

“Si Claude pala ang kausap mo.” Wika ni Chad.

Napalingon ako sa kanya na may pagtataka.

“Magkakilala kayo?”

“Yep. He’s my causin.” Napatingin ako sa mga kaibigan at dati kong ka klase noon nakangiti ang mga ito.

“Mukhang may naaamoy ako.” Biglang wika ni Angela.

“Ako rin meron.” Gatong naman ni Mina. “Hon, why don’t you go and help your causin find a very nice table for both of them.” Tumayo ito sa pagkakakandong sa kanyang asawa para makatayo ito.

“Pinsan tara dito tayo.” At lumakad na ito para ituro sa amin ang lamesa.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment